Ang Talaarawan ni Corazon

Ang Talaarawan ni Corazon

last updateLast Updated : 2021-11-21
By:  irelleOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
40Chapters
5.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Mahinhin, maingat sa kinikilos, mahinahon, mapagkumbaba, at mapagtimpi. Yan ang mga katangian ng isang Maria Clara. Pambahay lamang ang mga babae at hindi ito pwedeng makipagsalamuha sa mga kahit kaninong lalaki. Pero paano kapag ang babae ay magpapanggap na lalaki? Basahin natin at subaybayan ang mga isinusulat ni Corazon sa kanyang talaarawan bilang isang babaeng naging guardia civil sa panahon ng mga Kastila.

View More

Chapter 1

PROLOGO

~Filipinas 1864~

"Hindi mo maaaring ibigin ang isang indio Amor! Isang estupida ang sasama sa isang indio! Huwag mo kaming ipahiya! Pinagbigyan ka na namin sa mga lahat ng gusto mo! Itinigil namin ang kasal niyo ni Heneral Eusebio dahil sa pagkakaalam namin hindi ka pa handa. At ngayon ang kapal mong suwayin ang utos ko?! M****a! Qué he hecho para que mi hija me trate así?! Ha?! Anong nagawa ko?! Simula ngayon, hindi ka na pwedeng makipagkita sa indiong iyon!" (Anong nagawa ko para tratuhin ako ng aking anak ng ganito?!) rinig na rinig sa buong bahay ang pagsigaw ni Don Augusto Jacinto Luviano.

Galit na galit ito nang malamang magkasintahan pala ang kaniyang unica hija at ang bastardong indio na hardinero nila. Lumuluhang nakaluhod ngayon si Feliza Amor, na nag-iisang anak ni Don Augusto Jacinto at Donya Adelassandra, habang naglalakad papalayo ang Don, "Pero papá, mahal na mahal ko po si Jose.  Por favor, déjanos ser. Quiero estar con él, prometo que no te desobedeceré más. Solo este por favor," (Pakiusap, pabayaan ninyo kami. Pangakong hindi na ako susuway sa inyo. Pakiusap, ito na ang huling kahilingan ko) lumingon sa kaniya ang kaniyang ama at sinampal sa pisngi, napatigil naman siya sa pag-iyak pati ang kaniyang ina.

Agad lumapit ang kaniyang ina at pumagitna sa dalawa, nasa harapan niya ang kaniyang ina at na sa harapan naman nito ang kaniyang ama na galit na galit. Nakaturo ang daliri ng don sa kaniya bago ito magsalita muli.

"Putanginang pag-ibig yan! Yan ang magpapahamak sa'yo eh! Ipapapatay ko yang Jose na iyan at matutuloy ang kasal niyo ni Heneral Eusebio," lumaki ang mga mata ni Amor nang marinig ang mga katagang iyon mula sa kaniyang ama na tuluyan nang naglakad papalayo sa kaniya.

Nanlilisik ang kaniyang mga mata sa galit at isinusumpa na hindi matutuloy ang planong pagpatay nito sa kasintahan at pagpapakasal niya sa Heneral. Nilapitan siya ng kaniyang ina na kanina pa pinapanood ang nangyayari.  Nasasaktan ang kaniyang ina na makitang nahihirapan ang kaniyang anak at pinagbuhatan pa ng kamay ng Don. Mainam na hinahaplos ng kaniyang ina ang pisngi niya kung saan sinampal siya ng kaniyang ama. Inalalayan din itong tumayo at magtungo sa silid.

Gusto niya sanang makausap ang anak ngunit napagtanto niyang kailangan na itong magpahinga dahil sa nangyari kani-kanina lamang. Nang makahiga na si Amor, hinagkan niya ito sa noo at umalis na lamang sa kwarto.

Desidido na si Amor sa kaniyang gagawin, hindi siya papayag na maging miserable siya habang buhay. Hindi naman talaga masama ang Heneral na pinagkasundo ng kasal sa kaniya. Bagkus napakabait nga nito sa kaniya at maginoo pa. Pero kahit anong pilit niya ay babalik at babalik pa rin ang puso niya kay Jose.

Matapos niyang sulatan ng liham si Jose tungkol sa planong pagtakas nila, ginawan niya din ng liham ang kaniyang pinakamamahal na ina para humingi ng tawad. Ito ay kaniyang inilagay sa lamesita at pinatungan ng gasera. Sa huling pagpatak ng hatinggabi, tatakas sila ni Jose at pupunta sa Bulacan para doon na maninirahan. May kaibigan kasi si Jose doon at pwede nito silang tulungang magbagong buhay muli.

Agad naman siyang tumungo sa kanilang tagpuan na kung saan naghihintay na ang kabayong sasakyan nila para makatas. Nakita naman niyang naroon na naghihintay si Jose. Suot nito ay ang camisa de chino at ang salakot na gawa sa banig, pang ordinaryong magsasaka ang kaniyang sinusuot. Habang si Amor naman ay ang baro't saya na hindi na kaayaya para hindi gaanong mapansin at may suot din siyang kulay itim na belo para matakpan ang mukha niya.  Agad niya itong nilapitan at hinagkan ng madiin. May ibinigay siya kay Jose na mga kuwintas na gawa sa perlas.

"Gamitin natin ito kapag nakarating na tayo sa Bulacan." aniya. Hindi na sana papayag si Jose ngunit pinilit ito ni Amor kung kaya't wala siyang nagawa kung hindi ang tanggapin ito. Naisip niya rin na makakatulong ito sa kanilang pagsisimula ng bagong buhay. Umangkas naman silang dalawa sa kabayo at pinatakbo na nila ito ng dahan dahan para walang makarinig.

Hindi pa nga sila nakalayo ay narinig na nila ang pagkalatong ng mga sapatos ng mga kabayo at batid nilang papalapit ito sa kanila. Hindi na nagdadalawang isip si Jose na pabilisin ang takbo ng kabayo nila para hindi na sila abutan ng mga papapunta sa kanila. Animo'y napansin ng mga humahabol sa kanila na may tumakbong kabayo papalayo kung kaya't hinabol nila ito. Narinig naman nila Jose at Amor ang pinagsisigawan ng mga guardia civil na hinahabol sila.

"Detener! En nombre de la patria España!" (Tigil! Sa ngalan ng Inang bansang Espanya!) sigaw ng isang guardia civil.

"Amor! Punyeta! Pakawalan mo ang anak ko hayop ka!" sigaw ni Don

Jacinto na sumabay sa paghabol sa kanila, "Después de ellos! Asegúrate de que mi hija esté a salvo o te mato a todos!" (Dakpin sila! Pero siguraduhin ninyong hindi mapapahamak ang anak ko kundi papatayin ko kayong lahat!) Utos ni Don Jacinto sa mga guardia civil niyang kasama.

Agad namang pinabilis pa ng mga guardia civil ang takbo ng kabayo sa pangunguna ni Heneral Eusebio. Hindi ito makapagpayag na tatakasan siya ng kaniyang magiging asawa. Natutunan niya na itong mahalin dahil sa pagiging maaalahanin at mabait nito sa kaniya. Hindi siya susuko hanggang sa maibalik sa kaniya ang tunay niyang pagmamayari.

"Amor! Por favor regrese! Te amo Amor! No me hagas esto!" (Amor!

Bumalik ka! Mahal na mahal kita! Huwag mong gawin sa akin ito!) pagmamakaawa nito sa kaniya nang masilayan niya ang mukha nito.

"Gracias por todo Sebyong. Pero no puedo," (Salamat sa lahat lahat Sebyong. Pero hindi ko talaga kaya.) sabi naman ni Amor at pinatakbo pa ni Jose ng mas mabilis ang kabayo.

Tuluyan ng nagalit si Heneral Eusebio sa sinabi ni Amor kaya pinagtangkaan niya ang buhay nito.

"Si no puedo tenerte, entonces nadie lo hará. Me aseguraré de eso. Haré tu vida miserable!" (Kung hindi ka mapapasaakin, pwes walang ibang pwedeng makakuha sa iyo! Sisiguraduhin ko iyan. Gagawin kong miserable ang buhay mo!) at pinutukan sila.

Mabuti nalang at hindi sila natamaan pero sa ikalawang putok, natamaan si Amor sa balikat niya pero hindi pa rin ito naging hadlang ng kanilang pagtakas. Hindi na naabutan ni Heneral Eusebio at ng kaniyang mga kasamahan sila Jose at Amor.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Unripenmasterpiece
I would definitely give this a 5 star! Ako'y namamangha at meron pang kagaya mo na sumusulat ng ganitong tema. Iilan lamang ang mga manunulat kong kilala na nagsusulat ng kasaysayan ng Pilipinas. Ang mga naisulat mo rin ay puno ng katotohanan at mas naiintindihan ko pa dahil sa paliwanag. Kudos!
2022-02-19 01:18:09
1
40 Chapters
PROLOGO
~Filipinas 1864~"Hindi mo maaaring ibigin ang isang indio Amor! Isang estupida ang sasama sa isang indio! Huwag mo kaming ipahiya! Pinagbigyan ka na namin sa mga lahat ng gusto mo! Itinigil namin ang kasal niyo ni Heneral Eusebio dahil sa pagkakaalam namin hindi ka pa handa. At ngayon ang kapal mong suwayin ang utos ko?! Mierda! Qué he hecho para que mi hija me trate así?! Ha?! Anong nagawa ko?! Simula ngayon, hindi ka na pwedeng makipagkita sa indiong iyon!" (Anong nagawa ko para tratuhin ako ng aking anak ng ganito?!) rinig na rinig sa buong bahay ang pagsigaw ni Don Augusto Jacinto Luviano.Galit na galit ito nang malamang magkasintahan pala ang kaniyang unica hija at ang bastardong indio na hardinero nila. Lumuluhang nakaluhod ngayon si Feliza Amor, na nag-iisang anak ni Don Augusto Jacinto at Donya Adelassandra, habang naglalakad pa
last updateLast Updated : 2021-09-01
Read more
CAPITULO UNO
~Filipinas 1883~"La misa ha terminado. Ve en paz y comparte la palabra de Dios," (Tapos na ang misa. Humayo na kayo at ibahagi ang salita ng Diyos) sabi ng paring Pransiskano nang matapos na ang misa. Kinanta na namin ang panghuling kanta para sa pagtatapos ng misa. Nagsimula nang nagsilabasan ang mga taong nagsisimba dito sa Iglesia Parroquial San Pascual de Baylon.Ito ang opisyal na simbahan ng Obando, Bulacan. Ipinatayo ito noong 1754 ng isang Pransiskanong prayle. Ngayon, ang bagong kura paruko ay si Padre Joselito Dasmariñas na isa ring Pransiskano. Mabait ito at matulungin sa kapwa kahit ano pa ang estado sa buhay ng tao. Kaya marami rami din ang mga taong dumadalo sa misa niya.Isa ako sa mga mangaawit tuwing misa sa dahilan na gusto kong paglingkuran ang Poon nang hindi nagiging madre. Mabibilang la
last updateLast Updated : 2021-09-02
Read more
CAPITULO DOS
Agosto 30, 1883Mahal kong inay at itay,Marahil kayo ay naguguluhan kung bakit ako ay nawawala. Sana'y patawarin niyo po ako sa aking gagawin. Alam ko po na kayo ay hindi sasangayon sa absurdong  ideyang pumasok sa aking isipan. Ako rin ay kontra sa aking sarili, subalit wala na po akong ibang maiisip pa kundi ang gawin ito. Hindi ko po lubos maisip na nag-iintay ng apatnapu at higit pang mga araw at nagdadasal na ligtas si itay. Hindi ko po kayang siya ay mawala at alam kong iyan din ang iniisip mo ina. Huwag niyo pong isipin na kayo ay nagkulang sa pag-aaruga sa akin sapagkat ay sobra sobra ang inyong ibinigay. Pangako ko po sa inyo na ako ay babalik na ligtas. Huwag po kayong mag-alala, wala naman pong makakaalam na nagpapanggap lamang ako. Ako at kayo lang po ang may alam. Mag-iingat po ako palagi para makabalik sa inyo, at kayo rin po, sana'y mag-iin
last updateLast Updated : 2021-09-03
Read more
CAPITULO TRES
Septiembre 16, 1883 Mahal kong inay at itay, Kamusta na kayo? Pasensiya at ngayon lamang ako nakasulat muli sa inyo. Malapit nang matapos ang barkong aming ginagawa, marahil bukas na bukas ay pipinturahan na namin iyon. Gusto ko lamang malaman ninyo na mabuti ang aking kalagayan dito. Sa loob ng labingpitung araw ng pananatili ko dito sa simbahan ay  marami akong nakilalang mga kaibigan mo itay. Hindi din naman sila nagtaka kung bakit may lalaki kang anak dahil pinaliwanag ko sa kanila na hindi mo ako pinapalabas. Naging kaibigan ko rin ang anak ni Aling Cynthia na si Manuelo. Kilala ka raw niya itay. Dahil madali kaming natapos ay maaaring madagdagan ang aming trabajo at siguro ay madadagdagan din ang mga araw. Pero gusto kong malaman niyo na kakayanin ko ang lahat ng ito para sa inyo, lalong lalo ka na itay. Huwag ka sanang magpakapagod sa pagtatrabaho
last updateLast Updated : 2021-09-04
Read more
CAPITULO CUATRO
"Inay! Itay! Andito na po ako!" sigaw ko sa kanila. Kakapasok ko lang sa aming munting bahay pero ramdam kong may kakaiba dahil sa nakakabinging katahimikan.Gawa sa nipa at kawayan ang aming bahay kubo. Bahagyang nakataas ang aming kubo para malagyan ng ani at mga kasangkapang pang-ani ang silong.Aakyat pa ng pitong hakbang ng hagdan para marating ang babahan ng bahay. At pagkapasok ay ang salas ang sasalubong sa'yo at sa dakong gilid naman ang silid ng inay at itay at sa akin.Nang lumaki ako, binigyan nila ako ng hiwalay na kuwarto. Ang aming atipan ay gawa sa pinaghalong nipa at damo ng kogon. Ang dingding naman ay gawa sa pinahabi na mga pinatigas na dahon ng niyog. Ang bintana naman ay pinagkrus-krus na mga tira na kawayan para sa sala ngunit para sa silid ay amak
last updateLast Updated : 2021-09-05
Read more
CAPITULO CINCO
Kasalukuyan akong nakaupo kasama ang mga panauhin ni Don Rudolfo, at isa na dito ang Heneral naoong nakaraang mga araw. Kagaya ng dati, suot niya ang kaniyang unipormeng pangheneral. Kulay puti ang kaniyang pangitaas na uniporme pati ang baba.May nakadikit na kulay itim na ornamento sa magkabilang gilid ng kaniyang uniporme na nagsisimbulo na isa siyang Kapitan Heneral. Nasa magkabilang gilid din ang lalagyan ng kaniyang rebolber at sandata na nakadikit sa kaniyang itim na kulindang.Dahil nakaupo siya sa silya, nasa lamesa ng gilid niya inilagay ang kaniyang samdata, ngunit nanatiling nasa lalagyan ang kaniyang rebolber. Kasama neto ang kalalagay lang na tasa ng kapeng barako.Nakapormang pang-apat ang kaniyang paa habang nakaupo. Habang ang kaniyang kasama ay nakaupo ng tuwid sa sar
last updateLast Updated : 2021-09-06
Read more
CAPITULO SEIS
"Paco Alfarero," tawag sa akin ng isang Espanyol na mataas ang rango, "Ah! Isang indiyo." Yumuko ako sa hiya dahil ramdam ko ang pandidiri niya.May hawak siya na lista ng mga bagong kasali ng hukbo at isa-isa itong tinawag. Mahigit labing-apat lang ang bilang ng mga sumali, karamihan mga Espanyol at mabibilang lamang ang mga Pilipino."Kayong lahat maglinya dito, gagawin na natin ang unang hakbang ng pagsusuri. Todos ustedes, formen una línea aquí. Comenzaremos de inmediato," sigaw ng Espanyol na may hawak na lista nang matapos na siya sa pagtawag. Sumunod naman kaming lahat at nasa gitnang parte ako. Nang magsimula na, nakita kong unti-unting naghubad ang na sa una ng linya. Nanlaki ang mga mata ko ng sinimulang pisil-pisilin ng isang opisyal ang katawan ng lalaki.Sa t
last updateLast Updated : 2021-09-07
Read more
CAPITULO SIETE
"Aquí, tu uniforme," (Iyong uniporme) sabi ng lalaking pinapaniwalaan kong may malaking rango dito sa hukbo. Tinanggap ko ang uniporme sa mula sa kaniyang kamay at agad na marahang tumango."Yo soy Marcos, Marcos Alcellero," (Ako nga pala si Marcos, Marcos Alcellero) sabi nito habang inaabot ang kamay. Tinignan ko muna ito bago tumingin sa kaniya ng diretso. Nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba ang pakikipagkamay niya, tutal nagpapakilala lang naman siya. Wala naman siguro itong masamang balak diba? Hindi naman siguro masama magkaroon ng kaibigan dito?Tinitigan ko muna ang kaniyang maamang mukha na nakangiti naghihintay sa akin para tanggapin ang kaniyang kamay. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang kamay at bumalik naman sa mukha niya. Tumaas taas ang kilay niya habang nakangiti. Napahinagpis ako at
last updateLast Updated : 2021-09-08
Read more
CAPITULO OCHO
"Corre por inútil! Correr!" (Takbo mga inutil! Takbo!) sigaw ni Primera Arbante. Nag-uunahan kaming nagtatakbuhan palibot ng kampo. Hindi ko na mabilang kung ika-ilang ikot na namin ito, ang alam ko lang ay kanina pa kami nagpabalikbalik at hindi ko na mapakiramdaman ang aking mga paa at hingal na hingal na ako. Hindi ako sanay sa ganitong gawa. Hindi rin naman ako sanay noong sumali ako sa polo y servicio, ngunit mas maigi na ang magbuhat at makakapagpahinga ka pa kaysa sa ganito na wala man lang katapos tapos. Ngunit napansin kong parang hindi lamang ako ang nag-iisang nababaguhan sa ganito kundi ang aking mga kasamahan rin. Pero parang mas handa sila kaysa sa akin. Nagpatuloy ang aming pagtakbo palibot sa kampo ng mahigit isang oras nang pinatigil ka
last updateLast Updated : 2021-09-09
Read more
CAPITULO NUEVE
"Dijeron que una dama sigue apareciendo en el lago durante la medianoche. Ella aparece a las personas que están solos caminando cerca del lago. Y cuando la persona la ve, ella los toma y no deja rastro," (Sabi nila, may nagpapakita raw na isang babae sa lawa dis oras ng gabi. Nagpapakita raw siya sa mga taong mag-isang naglalakad malapit sa lawa. At kinukuha niya ang mga ito na walang iniiwang bakas) kuwento ng guardia civil. At dahil mataas taas rin ang kaniyang kuwento, tumingin ako sa tabi ko at parang nakuha niya kaagad ang gusto kong ipahayag."May isang babae raw sa Lawa ng Engkanto ang nangunguha ng mga tao. Kapag ikaw raw ay mag-isa at nasa l
last updateLast Updated : 2021-09-10
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status