"Inay! Itay! Andito na po ako!" sigaw ko sa kanila. Kakapasok ko lang sa aming munting bahay pero ramdam kong may kakaiba dahil sa nakakabinging katahimikan.
Gawa sa nipa at kawayan ang aming bahay kubo. Bahagyang nakataas ang aming kubo para malagyan ng ani at mga kasangkapang pang-ani ang silong.
Aakyat pa ng pitong hakbang ng hagdan para marating ang babahan ng bahay. At pagkapasok ay ang salas ang sasalubong sa'yo at sa dakong gilid naman ang silid ng inay at itay at sa akin.
Nang lumaki ako, binigyan nila ako ng hiwalay na kuwarto. Ang aming atipan ay gawa sa pinaghalong nipa at damo ng kogon. Ang dingding naman ay gawa sa pinahabi na mga pinatigas na dahon ng niyog. Ang bintana naman ay pinagkrus-krus na mga tira na kawayan para sa sala ngunit para sa silid ay amakan na maaaring ikiling.
Alas tres y medya pa ngayon kaya siguro tulog pa sila. Sinindihan ko ang lampara na nakalagay sa aming lamesa at agad naghanda ng almusal. Naginit ako ng tsokolate at nagpakulo ng kamote.
Pumasok ako sa silid nila inay at itay at nakitang walang tao roon. Nakaramdam ako ng kaba sa aking dibdib nang malamang walang tao sa bahay. Inikot ko ang loob pati ang labas, ngunit walang tao pa rin. Natatakot ako sa maaaring nangyari kung kaya't tinakbo ko ang pinakamalapit na kapitbahay namin na si Mang Berting.
May pagkahawig ang aming bahay sa bahay nila Mang Berting, ang pagkakaiba nga lang ay mas malaki ang sa kanila dahil marami-rami na rin ang miyembro ng kanilang pamilya. Tulog pa ang kaniyang pamilya nang maabutan ko siya habang siya ay naghihintay sa pag-abot ng kaniyang panganay na lalaki na kasama ko rin sa servicio. Nagkakahiwahiwalay kasi kami noong nagsiuwian na, kaya hindi namin alam kung nasaan nakasakay ang iba.
"M-mang Berting, nasan ang inay at itay?" tanong ko sa kaniya, naguguluhan naman siyang tumitig sa akin na para bang naninibago sa aking hitsura. Doon ko lang napagtanto na hindi pala nila ako kilala sa anyong ito. Nyeta. Napakaiksi ng aking buhok, suot ko ay pantalon at camisa de chino kaya magtataka talaga siya kung sino ang aking tinutukoy.
Tumuwid ako sa aking pagkakatayo ay tumikhim, "Ang ibig ko pong sabihin ay nasaan sina Mang Pepe at si Manang Amor?" nakita kong parang nakuha niya ang aking gustong iparating dahil nawala ang kunot sa noo niya pero napalitan ito ng bagong ekspresyon.
"Sino ka?" tanong nito. Nagdadalawang isip akong sumagot dahil baka magtatanong pa siya kung bakit may lalaking anak sila inay at itay.
Paano na'to? Ang tanga mo talaga Corazon! Ramdam ko ang maginaw na pawis na dumaragan pababa galing sa aking noo hanggang sa aking baba.
Sasagot na sana ako nang eksaktong dumating ang kaniyang panganay na si Julio, "Ah itay!" sigaw nito kaya sabay kaming napatingin ni Mang Berting sa kaniya. Nang nakita ako ni Julio ay mas nagmamadali pa siyang lumapit sa amin at inilagay ang kaniyang braso sa aking balikat na ikinagulat ni Mang Berting.
"Anong ginagawa mo rito Paco?" tanong niya sa akin, "Ah, eh, hinahanap ko sina inay at itay," sagot ko sa kaniya.
Nagmano muna si Julio sa kaniyang ama bago lumipat sa gilid nito, "Tay, nasaan raw sina Mang Pepe?" mas kumunot ang noo ni Mang Berting at nagsalubong na ang kaniyang makakapal na kilay, "May anak na lalaki si Pepe?" yan ang unang lumabas sa kaniyang bibig, "Hindi mo alam tay? Ngayon ko nga lang din nalaman, sabi niya hindi siya pinapalabas ng kaniyang ama kaya walang masyadong nakakakilala sa kaniya. Kitang kita sa kaniyang maputing kutis ang hindi paglabas ng bahay, ngunit magaling naman siya sa mga gawain noong nagpopolo," paliwanag ni Julio.
Huminga ako ng malalim at dahan dahan itong pinakawalan, para akong nabunutan ng tinik sa pagpapaliwanag ni Julio sa kaniyang itay. Mabuti nalang at saktong umabot si Julio dito ngunit parang hindi pa rin siya makapaniwala sa kaniyang nalalaman ngayon.
"Hindi ko alam kung nasaan sila ngunit kanilang hinahanap si Corazon ngayon. Kawawang bata, nawawala. Sinabi nga namin na baka wala na yun, pero hindi pa rin sila sumusuko. Matagal tagal na rin noong nawala yung bata, magdalawampu o dalawampu't isang araw na. Hindi mo ba iyan alam hijo?" sabi niya habang nanliliit ang kaniyang mga mata na nakatingin sa akin.
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa aking nalaman at napatulala dahil hindi ko inaakalang hahanapin nila ako.
Tumingin naman si Julio sa kaniyang itay na may pagtataka, "Sigurado po ba kayo diyan itay? Paano mawawala si Corazon eh bantay sarado iyan ng kaniyang mga magulang. Maliban nalang kung ito ay nagsisimba dahil isa siyang miyembro ng koro. Maaari kayang may kinalaman ang mga guardia civil dito itay?" sabi niya. Nanlaki naman ang aking mga mata sa kaniyang sinabi.
Kapag pinahanap nila ako sa mga guardia civil, sigurado akong mamamatay ako dahil sa aking pagpapanggap. At mapapahamak pa sila. Ngunit hindi naman siguro ganiyan kababaw ang mga guardia civil dahil lang nagpanggap ako para makapagtrabajo sa polo y servicio. Wala naman sigurong patakaran ang nagbabawal na hindi dapat magtrabajo ang babae hindi ba?
Tinignan ko si Mang Berting diretso sa kaniyang mga mata bago magsalita muli, "Uuwi po sila hindi ba?" nangingiyak kong sabi.
Hindi ako makakapayag na may mangyari sa kanila dahil lamang sa aking desisyon. Baka sumunod sila sa akin noong papunta ako ng Ciudad de Cavite, baka nandoon sila.
Nagkibit balikat lamang si Mang Berting, "Hindi ko alam hijo, hindi ko pa kasi sila nakikitang umuuwi at hindi ko rin napapansin si Pepe sa hacienda. Galit na nga rin si Don Fetalino at pinapahanap sila," sabi niya at mas lalo akong kinabahan dahil sa pagkakabanggit sa pangalan ni Don Fetalino.
"May nagsabi kasi raw kay Don Fetalino na tumatakas sina Pepe, ngunit alam naman nating hindi iyan ang totoo. Kaya kung ako pa sa'yo hijo, hanapin mo na sila sa lalong madaling panahon," sabi ni Mang Raul.
"Oh, pasok na muna kami ha? Pasensiya ka na, wala kaming maitutulong sa inyo sa ngayon," dagdag niya pa at tuluyan na silang pumasok sa kanilang bahay.
Naisipan ko na munang umuwi sa bahay nagbabasakaling nakauwi na sila, pero kung wala pa hahanapin ko sila ano man ang mangyari. At tama nga ako, wala sila sa loob.
Dahan dahan akong napaupo sa sarili kong higaan. Wala sa sarili akong humiga at ipinikit ang aking mga mata, umaasa na babalik na sila sa oras na buksan ko ang mga mata ko.
Naramdaman ko ang pagpatak ng aking luha, senyales ng aking pagsisisi dahil sa aking kagagawan maaaring masaktan sila inay at itay.
Naramdaman ko ang maligamgam na init ng araw sa aking pisngi dahilan kung bakit napabangon ako. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako at ano na ba ang oras ngayon?
Tinignan ko ang anino ng poste sa labas at nahulaan kong nasa alas diyes at alas onse na pala ng umaga. Agad akong bumangon para tignan ang kusina baka nakauwi na sila inay, pero ang tanging nakita ko lang ay ang bakante espasyo ng bahay.
Naisipan kong puntahan ang kaibigan ni itay na si Don Rudolfo dahil pakiramdam ko may alam siya sa kung saan pumunta sila inay para hanapin ako. Si Don Rudolfo ang tumulong kina inay at itay na mamuhay dito sa Bulacan, siya rin ang nagpapasok kay itay sa Hacienda.
Hindi ko alam kung bakit sa Hacienda Fetalino pinatrabaho ang itay kung pwede namang sa Hacienda na lamang ni Don Rudolfo. Pero siguro ay hindi niya gustong abusuhin ang pagkakaibigan nila kaya sa iba siya nagtarabajo.
Pagkadating ko sa kanilang mansyon, bumungad sa akin ang malaking tarangkahang gawa sa metal na kinulayan ng kulay ginto at may nakaukit na salitang 'Hacienda Delos Santos'.
Isang beses ko lang nakita ang kaibigan ng itay na si Don Wilfredo Rudolfo Delos Santos at noon pa iyong nasa anim (6) na taong gulang pa lamang ako. Kaya hindi ko na naalala kung ano ang hitsura nito. Ang alam ko lamang ay ang daan patungo sa Hacienda nito dahil sa turo ng mga kapitbahay namin.
Agad naman akong hinarangan ng mga guardia personal kaya hindi agad ako nakapasok. Lumapit ang isang guardia personal na may dalang mahabang baril na may matulis sa tuktok nito, "Ano ang iyong kailangan indiyo?" nakadepensa ang kanilang tindig na parang hindi natitibag, "N-nandito po ba si Don Rudolfo?" rinig ko ang panginginig ng aking tinig.
Halong kaba at takot ang aking nararamdaman, para sa aking sarili at para kina inay at itay. Sakto namang may narinig kaming kaluskos ng kabayo at ingay ng karwahe ang papalapit sa malaking tarangkahan kung saan ako hinaharangan.
Bumukas agad ang tarangkahan kaya tumabi muna ako para makapasok ang karwahe ngunit tumigil ito sa aking tapat. Bumukas ang bintana nito at iniluwa ang pagmumukha ng isang lalaking nasa edad na higit limampu (50) hanggang limangpu't lima (55).
Medyo namumula ang balat nito at may pagkakulubot na. Kulay-abo ang kaniyang buhok pati balbas at bigote. Makapal-kapal rin ang kilay nito at mapupungay ang mga kulay tsokolateng mata. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa gamit ang kaniyang mapupungay na mga mata.
Sa kaniyang mga tingin pa lang sumisigaw na ito ng karangyaan at awtoridad na nagpapatakot sa mga taong makasalamuha lang kahit ang mga mata nito. Nakasuot siya ng mamahaling kulay puting barong tagalog. At may kasama ito sa loob ngunit hindi ko lamang mawari dahil natabunan ito ng matanda.
Matapos niya akong tignan tumuloy na sa loob ang karwaheng sinasakyan nila, pero ang kasunod na karwahe ay tuluyang tumigil sa tapat ko.
Lumabas ang matandang lalaki na nakangisi ang makapalkapal na labi sa akin, suot niya ay kulay-kaki na barong tagalog. Nasa medyo siyamnapu (60) hanggang siyamnapu't lima (65) ang kaniyang hitsura, kulay kayumanggi ang kaniyang balat at pinaghalong kulay itim at kulay abo ang kaniyang buhok.
Kumunot ang kaniyang noo nang makababa na siya para salubungin ako, "Magandang hapon ginoo, ano po ang iyong sadya rito?" sabi niya sa akin.
Maharan akong yumuko para ipakita ang aking respeto sa kaniya at tumuwid na sa pagkakatayo, "Magandang hapon rin po senor, gusto ko lang pong kausapin si Don Rudolfo," sagot ko sa kaniya.
Bumanlag ang kaniyang mga mata, "Ako nga pala si Don Rudolfo Delos Santos. At ikaw naman si?" inilahad niya ang kamay sa akin. Inabot ko ito at nagpakilala.
"Paco, Paco Alfarero," sabi ko sa kaniya. Kumunot ang kaniyang noo ngunit bahagya itong ngumiti.
"Ah, ang anak nina Amor at Jose," at pumasok sa loob ng karwahe, "Pasok ka na hijo," dagdag niya, hindi ko gaanong narinig ang tawag niya sa akin kaya binalewala ko lamang iyon at pumasok na rin sa loob ng karwahe.
Malayo-layo ang distansiya ng tarangkahan nito patungong mansiyon. Madadaanan pa ang mga naglalakihang puno ng mangga at mansanas.
Nang makababa na kami at makatungtong sa kanilang portiko, tumambad sa akin ang malaking pintuan na may mga nakaukit na mga bulaklak. Pagpasok namin ay sinalubong kami ng makikintab na mga aranya na nakasabit sa kisame.
Inikot ko ang aking paningin sa loob na napansin ang mga muwebles at mga maliliit na pigurin ng mga santo na nakapatong sa isang aparador na may salamin, at may iba ring pigurin sa loob nito na nakikita. Humanga ako sa mga larawang nakabitay sa dingding.
Una kong nakita ang larawan ni Don Rudolfo kasama nito ang isang babaeng nakaupo habang siya ay nakatayo, bata pa tignan si Don Rudolfo sa larawang ito. Kasunod naman ay ang larawan na may kasama na silang batang lalaki.
Napatitig ako sa batang lalaki na nasa larawan. Kahiwig ito ni Don Rudolfo ngunit hindi ito nakuha ang kulay ng ama, kundi sa ina nito na porselana ang maputing balat. Katamtaman lamang ang hugis ng kaniyang mga mata at makapal ang kaniyang labi. Maliit ang ilong at kasing-itim ng uling ang buhok.
Nagulat ako ng tinawag ako ni Don Rudolfo kung kaya't tahimik akong sumunod sa kaniya papuntang salas kung saan nanatili ang mga panauhin para hintayin siya.
Sumalubong sa akin ang Don na pinandilatan ako kanina. Nakaupo siya ngayon sa isang upuang gawa sa mahogany at nakapahinga ang kaniyang mga braso sa magkabilang gilid nga upuang may pangpalagay ng braso.
Ramdam na ramdam ko ang kaniyang mainit na titig sa akin habang papalapit ako sa kanila. Kasabay nito ang pagkakilala ko sa kaniyang binatang kasama.
Septiembre 21, 1883
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Takot ako baka hindi ko na sila makita muli, takot akong maiwan sa mundong ito. Sinisisi ko ang sarili ko sa pagkawala nila inay at itay, kung hindi nalang sana ako umalis ng bahay, baka alam kong ayos lang sila, ayos lang kami. Ngunit dahil sa aking pagkaawa sa kalagayan ng itay, wala na akong ibang maisip pa kundi ang pagsali at palitan ang kaniyang pagkapolista. Kung alam ko lang sana na susunod talaga sila sa akin para mahanap ako edi sana, sana... Wala akong maisip. Gusto ko lang talaga silang makita. Kahit na hindi ko pa siya gaanong kilala, naniniwala akong si Don Rudolfo lamang ang makakatulong sa akin. Sana'y matulungan niya ako para makita ko na silang muli.
Corazon
Kasalukuyan akong nakaupo kasama ang mga panauhin ni Don Rudolfo, at isa na dito ang Heneral naoong nakaraang mga araw. Kagaya ng dati, suot niya ang kaniyang unipormeng pangheneral. Kulay puti ang kaniyang pangitaas na uniporme pati ang baba.May nakadikit na kulay itim na ornamento sa magkabilang gilid ng kaniyang uniporme na nagsisimbulo na isa siyang Kapitan Heneral. Nasa magkabilang gilid din ang lalagyan ng kaniyang rebolber at sandata na nakadikit sa kaniyang itim na kulindang.Dahil nakaupo siya sa silya, nasa lamesa ng gilid niya inilagay ang kaniyang samdata, ngunit nanatiling nasa lalagyan ang kaniyang rebolber. Kasama neto ang kalalagay lang na tasa ng kapeng barako.Nakapormang pang-apat ang kaniyang paa habang nakaupo. Habang ang kaniyang kasama ay nakaupo ng tuwid sa sar
"Paco Alfarero," tawag sa akin ng isang Espanyol na mataas ang rango, "Ah! Isang indiyo." Yumuko ako sa hiya dahil ramdam ko ang pandidiri niya.May hawak siya na lista ng mga bagong kasali ng hukbo at isa-isa itong tinawag. Mahigit labing-apat lang ang bilang ng mga sumali, karamihan mga Espanyol at mabibilang lamang ang mga Pilipino."Kayong lahat maglinya dito, gagawin na natin ang unang hakbang ng pagsusuri. Todos ustedes, formen una línea aquí. Comenzaremos de inmediato," sigaw ng Espanyol na may hawak na lista nang matapos na siya sa pagtawag. Sumunod naman kaming lahat at nasa gitnang parte ako. Nang magsimula na, nakita kong unti-unting naghubad ang na sa una ng linya. Nanlaki ang mga mata ko ng sinimulang pisil-pisilin ng isang opisyal ang katawan ng lalaki.Sa t
"Aquí,tuuniforme," (Iyonguniporme) sabi ng lalaking pinapaniwalaan kong may malaking rango dito sa hukbo. Tinanggap ko ang uniporme sa mula sa kaniyang kamay at agad na marahang tumango."Yo soy Marcos, MarcosAlcellero," (Ako nga pala si Marcos, MarcosAlcellero) sabi nito habang inaabot ang kamay. Tinignan ko muna ito bago tumingin sa kaniya ng diretso. Nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba ang pakikipagkamay niya, tutal nagpapakilala lang naman siya. Wala naman siguro itong masamang balak diba? Hindi naman siguro masama magkaroon ng kaibigan dito?Tinitigan ko muna ang kaniyang maamang mukha na nakangiti naghihintay sa akin para tanggapin ang kaniyang kamay. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang kamay at bumalik naman sa mukha niya. Tumaas taas ang kilay niya habang nakangiti. Napahinagpis ako at
"Correporinútil!Correr!" (Takbomgainutil!Takbo!) sigaw ni Primera Arbante. Nag-uunahan kaming nagtatakbuhan palibot ng kampo. Hindi ko na mabilang kung ika-ilang ikot na namin ito, ang alam ko lang ay kanina pa kami nagpabalikbalik at hindi ko na mapakiramdaman ang aking mga paa at hingal na hingal na ako. Hindi ako sanay sa ganitong gawa. Hindi rin naman ako sanay noong sumali ako sa polo y servicio, ngunit mas maigi na ang magbuhat at makakapagpahinga ka pa kaysa sa ganito na wala man lang katapos tapos. Ngunit napansin kong parang hindi lamang ako ang nag-iisang nababaguhan sa ganito kundi ang aking mga kasamahan rin. Pero parang mas handa sila kaysa sa akin. Nagpatuloy ang aming pagtakbo palibot sa kampo ng mahigit isang oras nang pinatigil ka
"Dijeronque unadamasigueapareciendoen el lago durante lamedianoche. Ellaaparecea las personas queestánsoloscaminandocercadel lago. Y cuando la persona la ve, ella los toma y no dejarastro," (Sabi nila, maynagpapakitaraw naisangbabaesalawadis oras ng gabi.Nagpapakitaraw siya sa mgataongmag-isangnaglalakadmalapitsalawa. Atkinukuhaniya ang mga ito nawalanginiiwangbakas) kuwento ng guardia civil. At dahil mataas taas rin ang kaniyang kuwento, tumingin ako sa tabi ko at parang nakuha niya kaagad ang gusto kong ipahayag."Mayisangbabaeraw saLawangEngkantoangnangunguhang mga tao.Kapagikaw raw ay mag-isa atnasal
"Alam mo ba kungbakitkitapinapapuntarito, Paco?" panimula ng heneral. Parang nanunuyo ang aking lalamunan dahil sa tanong niya. Nabalutan muna kami ng katahimikan at napayuko ako dahil sa kaba. Nagulat na lamang ako nang bigla niyang sinampal ng malakas ang mesa, "Tonto!" sigaw niya. Mas lumakas ang kabog ng puso ko dahil sa pasigaw niya, "Kabagobago modito, hindi mo pa nga alam yung mga dapatgawineh.Pinayaganlamangkitangsumamadahil mayutangnaloobako sayo.Kapagnahanapnanatinang mgamagulangmo,uuwika nakasamanila," dagdag niya pa. Alam na alam ko kung bakit ako nandito. "Ngunitheneral-" gusto ko sanang sabihin ang
"Halar!" (Hila!) paulit-ulit na sinasabi ng magkabilang grupo. Parang naging himig na inaawit sa koro tuwing misa. Naghihilahan ang dalawang panig, isa-isang pinapakita ang lakas ng bawat grupo. Parehong hindi nagpapatalo."Paco!Halar!" sigaw nung nasa likuran ko.Buong lakas kong hinila ang lubid sa aking harapan. Dahil ako ang pinakamaliit sa buong pulutung.Habang hinihila ko ang kabilang dulo ng tali, mas hinihila rin ng kabila ang kanilang parte ng tali. Kaya parang nadadala ako at napapasulong rin ako malapit sa gitna na may mataas na linyang naghahati sa dalawang grupo.Nagpapalitan ng lakas ang magkabilang panig. Hindi nagpapatalo.Biglaang uminit ang aking pakiramdam,
"Atencion!" sigaw ni Marcos.Sumunod agad ang lahat. Nakatayo ng matuwid, dalawang kamay nasa magkabilang gilid, mga mata nakatingin ng diretso sa harapan, bibig naka tikom."Ayer,mostramoscómolosgrupostrabajanjuntosparaalcanzarla meta. Apartirde hoy,loharemosindividualmente.Kahapon,ipinakitanatinkungpaanonagtutulunganangisanggrupoparamataposangisangtungkulin.Simulangayon,ipapakitananatinkungpaanoangisa'tisa saatintinataposangisangtungkulin,"Kanina pa kami nagmamartsa sa aming lugar ngunit pinapagalitan pa rin kami ni Manuel
~Filipinas 1888~"Binibini, ikaw po aypinapatawagna ngdoña. Nasa salas po siya kasama ang mgapanauhin," wika ni Isabel sa akin."Salamat Isabel,lalabasna ako kapag tapos na ako sapagsusuklay.""Masusunodpo binibini," mahinang isinara ni Isabel ang pintuan nang makalabas na siya.Kanina pa ako nakaharap sa salamin at nagsusuklay sa mahaba kong buhok. Ilang taong na ang nakalipas nang pinutol ko ito upang magpanggap na lalaki. Sariwa pa rin sa akin ang lahat ng mga nangyari noon dahil sa aking pagkapilyo. Kung sana ay nakinig lamang ako. Ngunit alam kong wala na akong magagawa pa, hindi na maibabalik ng aking paghihinayang ang aking mga magulang. Hindi ko na sila maki
"Mahal na mahal ko ang iyong ina simula pa noong nakilala ko siya bago kami naging magkatipan. Ngunit mas pinili niya ang bastardo mong ama, at iniwan niya akong bigong-bigo kaya nabulag ako sa galit. Dahil dito pinakasalan ko kaagad si Clariza, ang ina ni Takio. At makalipas ng apat na buwan ay nalaman naming nagdadalang tao si Clariza. At sa sandaling iyon ay biglang naglaho ang aking pagkamuhi sa iyong ina at iyong ama. Ngunit hindi ito nagtagal dahil namatay sa ikalawang panganganak si Clariza, kasama ang aming ikalawang anak. Ako ay muling nagalit sa iyong mga magulang kaya nang malaman kong doon sa hacienda ng asawa ng aking kapatid nagtatrabaho ang iyong ama ay sinabihan ko sila na maging malupit dito."Mapait na ikinuwento ni heneral Eusebio ang kaniyang panig. Pagkatapos kaming kumain ng almusal ay ipinatawag niya ako sa kaniyang opisina. Hindi sumangayon dito si heneral n
Natigilan ako sa kaniyang sinabi ngunit napansin kong parang wala lamang para sa kaniya. Nagpatuloy lamang siya sa pagkain at parang batang nasasarapan sa kinakain dahil lagi siyang nakangiti."Huwag kang mag-aalala binibini, hindi kita minamadali. Gusto ko lamang malaman mo ang aking nararamdaman," anito habang nakatingin sa pagkain."K-kailan pa?" nauutal kong tanong sa kaniya.Natigilan siya dahil sa aking tanong at napatulala sandali bago tumingin sa aking mga mata."Hindi ko rin alam, ngunit simula noong nawala ka sa aking paningin ay lagi kitang hinahanap," anito habang seryosong nakatingin sa akin.Pakiramdam ko ay nanghihingi siya ng pahintulot sa akin. Pinalibutan kami ng ka
Nagising na lamang ako na wala na si Manuelo. Ang wika ni Ka Tiago ay may pinuntahan raw na importante. Ito na ba ang ibig niyang sabihing plano? Ang iwan ako rito? Paano kung bumalik muli ang mga tauhan ng kaniyang ama. Nasagi sa aking isipan na kaya ko rin namang ipagtanggol ang aking sarili at si Ka Tiago dahil maayos din naman ang aking pag-eensayo sa loob ng kampo.Sinikap kong tumulong sa gawaing bahay para hindi ako mainip at para na rin hindi mapagod si Ka Tiago. Nagwalis ako sa loob at sa labas ng bahay, naghugas ng pinagkainan at mga gamit sa pagluluto, at diniligan ko ang mga halaman na nasa hardin. Nagsiyesta muna ako ng ilang oras at nang magdakong hapon na ay lumabas ako para bigyan ng tubig ang kanilang alagang tamaraw na pinangalanan pala ni Crescentia na Taraw. Pinagmamasdan ko ang kanilang alaga habang nag-iisip ako ng mga maaaring gawin kapag nahanap na ang itay. Maram
Dalawang araw simula noong nakita ko muli ang aking inay. Dalawang araw na ang lumipas nang inilibing namin ang kaniyang bangkay. Hindi pa rin ako makapaniwala na kaya nilang kunin ang buhay ng aking inay. Hindi ako makapaniwala na ang lahat ng Ito ay dahil lamang sa isang talaarawan. Ang talaarawang kinuha nila nang dakpon ako.Naalala ko pa noong nakita namin ang kaniyang katawan na nakahandusay sa sahig. Napansin ni Manuelo na nakakuyom ang kamay ng aking ina kaya binuksan niya ito at may iniluwang isang pirasong papel na naka lukot at punit-punit na.Nakita kong dahan-dahan niya itong binuksan at basahin ang kung ano man ang nakasulat. Hindi niya sinabi kung ano ang nabasa niya ngunit ibinigay niya sa akin ito.devuélvanoseldiario
Kinabukasan, nang makadaong na ang barko sa pier ay agad kaming nagtanong-tanong kung saan matatagpuan ang Esperanza, San Teodoro. May mga nagturo sa amin kung ano ang sasakyan patungong Esperanza. Lumapit kami sa karitong may nakatali na tamaraw. Hinahanap-hanap ko ang may-ari nito sa mga taong naglalakad sa mercado papunta dito."Binibini, dumito ka lang muna at hahanapin ko sa loob ng mercado ang may-ari nito," bilin ni Manuelo bago siya umalis.Hinihimas himas ko ang ulo ng tamaraw hanggang sa katawan nito."Kay ganda naman ng iyong balahibo," bulong ko nito."Iyan nga ang sabi ko kay itay," rinig kong sabi ng isang batang babe.Napatingin ako sa paligid at sa ilalim ng kariton,
Ang unang biyahe ng araw ang aming kinuha papuntang Mindoro. Nasa aming mga sariling silid na kami nang nagsimulang umandar ang barko. Maliit lamang ang kuwarto na aming kinuha para makatipid kami sa pamasahe dahil hindi namin alam kung gaano kalayo ang aming pupuntahan.Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng silid, may maliit na higaan na sakto lamang para sa isang tao, meron ding dalawang upuan, at isang parisukat na lamesang nakakabit sa dingding ng barko. Nakapatong na sa lamesa ang aking supot na mayroong mga damit habang nakaupo ako sa upuan.Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman sa mga oras na ito. Dapat ba akong masiyahan dahil makikita ko na ang aking mga magulang? O dapat ba akong matakot sa posibilidad na madadala ko doon ang mga taong papahamak sa kanila?Yumu
Iminulat ko ang aking mga mata nang may gumising sa aking pagtulog. Unang nakita ko ang mukha ni Manuelo na parang nagmamadali."Bumangon ka na diyan Corazon, malapit na ang mga guardia civil," anito.At sa mga salitang iyon ay dali-dali akong bumangon sa aking hinihigaan at agad na kinuha ang talukbong na kaniyang inabot sa akin. Naalala kong ito pala ang aking suot kanina noong papunta ako dito kasama ang heneral."Nasaan nang heneral?"Hindi niya ako sinagot subalit hinila niya lamang ako palabas ng silid. Nakita ko rin ang aking lola na natatarantang umutos na maghanda ng kabayo at mga maaaring dadalhin."Hija, masakit man sa aking kaloobang lisanin mo muli ang lugar na ito, ngun
Tumigil ang kalesa sa harapan ng tarangkahan ng hacienda. Unang lumabas ang heneral at naglahad ng kamay para alalayan akong bumaba. Kumunot ang aking noo at nilagpasan siya. Narinig ko ang mahina niyang tawa na natatabunan ng pagpalatak ng sapatos ng kabayo paalis. Naglakad ako ng diretso hanggang sa nakasaradong tarangkahan, ngunit napansin kong nakakandado ito mula sa loob.Nakatalikod ako sa heneral nang nagsalita siya."Ikaw na nga itong aking iniligtas sa kapahamakan, ikaw pa ang may ganang magsungit," anito, "desagradecida!" dagdag niyang pabulong na sigaw."Narinig ko iyon! Ngunit hindi ko naman hiningi ang iyong tulong, ikaw ang kusang tumulong sa akin heneral. Marahil alam mo na nga noon pa ang tungkol sa aking pagpapanggap, ang alam ko'y iyong ama ang nag-utos na dakpin ako,