Share

CAPITULO TRES

Author: irelle
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Septiembre 16, 1883

Mahal kong inay at itay,

Kamusta na kayo? Pasensiya at ngayon lamang ako nakasulat muli sa inyo. Malapit nang matapos ang barkong aming ginagawa, marahil bukas na bukas ay pipinturahan na namin iyon. Gusto ko lamang malaman ninyo na mabuti ang aking kalagayan dito. Sa loob ng labingpitung araw ng pananatili ko dito sa simbahan ay  marami akong nakilalang mga kaibigan mo itay. Hindi din naman sila nagtaka kung bakit may lalaki kang anak dahil pinaliwanag ko sa kanila na hindi mo ako pinapalabas. Naging kaibigan ko rin ang anak ni Aling Cynthia na si Manuelo. Kilala ka raw niya itay. Dahil madali kaming natapos ay maaaring madagdagan ang aming trabajo at siguro ay madadagdagan din ang mga araw. Pero gusto kong malaman niyo na kakayanin ko ang lahat ng ito para sa inyo, lalong lalo ka na itay. Huwag ka sanang magpakapagod sa pagtatrabaho baka ay magkakasakit ka na naman diyan. Ang aking panandaliang ngalan po ay Paco Alfarero. Para sa inyong kapayapaan ng isip po'y kumakain po ako sa wastong oras, natutulog sa loob ng simbahan at inaalagaan ko po ng mabuti ang aking sarili para hindi mahuli. Sana'y makasagot kayo sa liham kong ito. Ipadala niyo lang po ang inyong sulat dito sa simbahan ng Cavite Nuevo. Alam ko pong sa loob pa lamang ng tatlong araw niyo itong makukuha pero gusto kong malaman niyo na sa araw na ito ay inyong makuha ay ayos lang po ako.

Maghihintay,

Corazon Alfarero

Kasalukuyan akong naghahakot ng mga karagdagang kahoy para sa pangibabaw na kubyerta. Naroon na rin sina Manuelo at Mang Raul nagpopokpok sa di kalayuan.

Nang nakita ako ni Manuelo, agad niya akong tinulungan pero sinuway siya ng isang bantay. Pinalo siya ng latigo ng malaking lalaking nagbabantay sa amin kaya natapon ang kaniyang hawakhawak na kahoy.

"Ikaw ay bumalik sa iyong puwesto! Ngayon din!" sabi nito. Wala namang magawa si Manuelo kaya't bumalik na siya sa kinaroroonan niya kanina, bago siya tumalikod binigyan niya ako ng isang ngiting nanghihingi ng tawad.

Kinuha ko naman iyong mga natapong kahoy at kahit na nahihirapan ako ay kinaya ko iyon, pero bago ako humakbang ay nilatigo na rin ako ng kastilang bantay dahilan kung bakit natapon na naman ang isang piraso ng dos por dos, "No pidas ayuda indiyo!" (Huwag ka nang humingi ng tulong!) sigaw niya. Pinulot ko ito at yumukong naglalakad patungo sa poste ko.

Magdadakong hapon na at malapit na rin kaming matapos sa aming ginagawa. Bukas na bukas rin ay pipintahan na namin ito at pakikintabin. May dumating na malaking kalesa sa tapat ng barko kaya napatigil ako ngunit nilatiguhan na naman ako ng bantay kaya ibinalik ko ang aking attensiyon sa aking ginagawa. Pero hindi ko talaga makayanang hindi sumilip lalong lalo na't malapit ako sa kanila. Nakita kong may lumabas na matandang espanyol.

Ang suot niya ay isang barong tagalog na pinarisan ng asul na salawal. May trumpo rin itong suot at may daladalang malaking tabako sa kanang kamay. Kausap niya ang punong tagapangasiwa sa amin. Nang tumingin siya sa kinaroroonan ko, agad kong binaling ang aking ulo at nagpatuloy sa aking ginagawa.

Maya maya pa ay umakyat na sila sa kubyerta at tinitignan ang mga nagtatrabaho. Hindi naman kami tumigil sa pagtatrabaho kahit na naramdaman namin ang kanilang presensiya. Kasalukuyan silang naglalakadlakad at parang binabantayan ang aming tinatrabaho nang tumigil siya sa akin tapat, " Los indios deberían aprender cómo dejar de meter la nariz en los negocios de otras personas," (Dapat na talaga nilang malaman kung kailan sila hindi dapat nakikiusyoso sa pag-uusap ng iba) alam kong ako ang pinaparatangan niya dahil naramdaman kong lumingolingo siya sa akin.

Nagpatuloy ang kaniyang paglalakad sa ibang parte ng barko at nang makatalikod na siya agad ko naman siyang sinulyapan at inirapan, mabuti na lang at walang ibang nakakita sa akin kundi si Manuelo lamang.

Tawa siya ng tawa sa kaniyang nakita. Siguro ang espanyol na iyon ang may-ari ng barkong ito dahil narinig ko ang napag-usapan nilang pagpapatayo nitong barko niya. Kakauwi lang niya galing Espanya kaya naisipan niyang magnegosyo ng transportasyong pandagat. Simula pa lang daw ito at naisipan niyang kapag lumago ang negosyo'y magpapatayo ulit siya ng pangalawang barko.

Nabigla ako nang nagsimula nang magsigawan ang mga tao dahil sa isang nakakabingeng putok ng kanyon papunta sa amin. Umaatake ang mga pirata! Mabilis akong tumayo ngunit natumba rin dahil sa kasunod na pagputok pa ng kanyon. Tinulungan naman agad ako ni Manuelo na makatayo ngunit dahil natumba ang bagong gawang poste, nadaganan kaming dalawa non at nahimatay siya.

Sumisigaw ako ng tulong ngunit parang wala silang naririnig dahil iniisip lamang nila ang sariling kaligtasan. Tumatakbo rin ang iba pang mga trabahador at ang iba naman ay tumalon na sa karagatan. Nakita kong nagdadaling umalis ang Espanyol na may-ari ng barkong ito.

Nagsidatingan na ang mga guardia civil at pinaputukan na rin ang mga pirata, ngunit hindi pa rin sila nagpatalo. Mas lumapit ang barko ng mga pirata sa aming barko at may mga ibang pirata na rin ang nakatungtong dito. Agad kong sinipasipa ang kahoy na nakapatong sa aking paa at sa katawan ni Manuelo. Nang papalapit na ang pirata ay agad kong inagaw ang kaniyang baril at pinutukan siya sa dibdib kaya agad itong binawian ng buhay.

Nagsilapitan din naman ang iba pang mga pirata at akmang puputukan na ako ngunit may pumutok sa kaniya mula sa aking likuran. Nang tinignan ko kung sino ay agad napabuka ang aking bibig sa aking nakita. Ang binatang Heneral na sinungitan ako noong malapit akong madaganan ng mga kabayo.

Nakaekis ang kilay niya habang tinitignan ang kaniyang binaril. Tinignan niya ako bago niya inilahad ang kaniyang kamay para tulungan akong makatayo. Pero may namataan akong isang pirata na nakataas ang kaniyang baril at akmang babarilin na ang Heneral, kaya't inunahan ko na siya at natamaan siya sa kaniyang braso. Sumigaw sa sakit ang pirata kaya napalingon ang Heneral sa kaniyang likod at tinapos na ang aking nasimulan. Nakikipagsagupaan din ang iba pang mga guardia civil kasama ng kanilang Heneral.

May isang guardia ang tumulong sa amin ni Manuelo na makababa kaya nagpatuloy sa pakikipagputukan ang Heneral. Unti unting umurong ang mga pirata kaya nang matigil ang putukan at bumaba na ang Heneral at ang kaniyang mga kasama mula sa barkong sira sira na.

Pinuntahan niya ang iba naming mga kasamahan na nasugatan at nabarilan, at nagpatawag siya ng doktor. Tumigil siya sa harapan namin ni Manuelo at tinitigan ako ng maigi. Takot akong titigan siya pabalik dahil baka mapansin niya at malaman niya ang katotohanan ng aking pagkatao.

Para akong nabunutan ng tinik nang hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lamang sa paglalakad. Nakabitiw ako ng malalim na hininga nang malayo na siya sa kinaroroonan namin ni Manuelo.

Lumapit ang isang maliit na doktor kay Manuelo at hinawakan ang pulpusuhan niya. Pagkatapos ay hinihilot hilot niya ang parte ng paa ni Manuelo na nadaganan ng kahoy dahilan kung bakit bigla siyang napasigaw sa sakit.

Dahil nakahiga siya sa aking hita at nakadungaw ang aking ulo sa ginagawa ng doktor sa kaniyang paa, nang bigla siyang bumangon ay nagkabanggaan ang dalawa naming ulo kaya mas nadagdagan ang kaniyang sakit.

Hinihimashimas ko ang noo ko at hinihimashimas niya rin ang kaniya. Ibinilin ng doktor na magdahandahan si Manuelo sa paglakad para mas madaling gumaling ang kaniyang paa.

Sa sumusunod na mga araw, pinatigil muna kami sa pagtatrabaho dahil sa nangyari. Nahirapan si Don Paredes, na siyang may-ari ng barko, na bumangon dahil ang lahat ng kaniyang pondo ay inilahad niya sa pagpapagawa ng barkong iyon. Pinapauwi na lamang kami dahil doon. Kahit na nakakatakot yung nangyari noong nakaraang araw, naging masaya din naman ako dahil makakauuwi na kami.

"Paco, pahingi ng tubig," ani Manuelo. Siya'y nakaupo ngayon sa balkonahe ng kumbento na nakadungaw sa liwasan, "Ikaw ang kumuha ng tubig para sa sarili mo, tamad mo," sagot ko sa kaniya habang kumukuha ng upuan para umupo sa gilid niya.

"Sige na nga, tss," padabog siyang tumayo at paikaika ang paglakad gamit ang sungkod na gawa sa kahoy. Natatawa naman ako sa aking kaibigang nahihirapan ngayon para lang makakuha ng tubig kaya tumayo na ako at inunahan siyang kunan ng tubig.

Nagulat siya sa ginawa ko pero tumawa na lang din, "Kukunan mo lang naman pala ako eh," sabay kuha sa baso ng tubig na inalay ko sa kaniya. Tinitignan ko siya habang umiinom ng tubig. Kitang-kita ang  pagtaas baba ng kaniyang tatagukan at may mga patak rin ng tubig ang tumatakas sa kaniyang bibig.

Lumipat ang aking tingin sa kaniyang bibig na ngayo'y dinildilaan niya na pero nawala ako sa aking tinitignan nang magsalita siya, "Baka magkagusto ka sakin Paco ha? Hindi pwede yan, pareho tayo ng hanap," at tumawa na siya habang lumalakad papabalik sa kaniyang.

"Kesa mabagot tayo rito, mamasyal na lamang tayo, tutal ay makakabalik naman tayo ng San Pascual bukas ng umaga eh," yaya niya sa akin at tuluyan nang umupo sa silya.

"Saan naman tayo pupunta eh wala naman tayong pera? Hindi tayo binigyan ng suweldo ni Don Alcellero," sabi ko sa kaniya. Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita, "Paco, Paco, Paco, ngayon ka lang ba nakalabas ng San Pascual?" binigyan niya ako ng mga tinging nagpapatibok ng puso ko. Hindi dahil sa pag-ibig, kundi dahil sa kaba at takot kung anong kalokohan ang kaniyang iniisip.

Sinundan ko si Manuelo papasok sa isang maliit na palengke ng San Roque. Maraming tao ngayon dahil katatapos lamang ng misa sa simbahang  Nuestra Señora Dela Soledad De Porta Vaga. Nagdadagsaan ang mga taong mamimili at mga nanininda ng mga iba't ibang produkto.

May mga nagtitinda ng sutla, mga mantel, at iba't ibang mga tela sa isang parte ng palengke. May mga kolerete na nakahilera sa isang mahabang lamesa, may mga perlas at gintong gargantila, mga gawa sa kahoy, perlas at gintong mga purselas at meron ding mga makukulay na pangipit ng buhok na nakatanghal sa salansanan.

Hindi ko namalayang nilapitan ko na pala ang salansanan ng mga makukulay na pangipit at nawala na sa aking paningin si Manuelo. Nang inikot ko ang aking mata sa maabalang palengke, hindi ko na makita kung nasaan si Manuelo, kung kaya't kinabahan ako dahil hindi ko pa kabisado ang lugar na ito.

Ilang minuto pa ay lumitaw na sa aking harapan si Manuelo dala ang isang pang-ipit na may kulay gintong bulaklak na nagmistulang korona nito. Lumaki ang kaniyang mata nang makita akong naluluha na.

"Oh Paco, ba't ka naiiyak? Wala ka bang dalang pera?" bakas sa kaniyang pananalita ang pag-aalala. Humugot ako ng hininga bago magsalita, "San ka ba galing ha? Akala ko iniwan mo na ako, wala akong alam sa lugar na ito," paliwanag ko sa kaniya.

Ipinakita niya sa akin ang dala niyang pang-ipit at winagayway sa ere, "Magugustuhan kaya ito ni Corazon, Paco? Heto lang ang aking makakayang bilhin sa ngayon eh, pero pangako ko sa kaniya na kapag maging mag-asawa kami, gagawin ko ang lahat para makuha lahat ng gusto niya," determinado niyang sabi. Hindi ko mapigilang mamula sa sinabi niya dahil ngayon lang ako nakarinig ng lalaking ganito ka determinado makuha lang ang aking puso.

Tumikhim muna ako para malinaw ang aking pinabaritonong boses, "Ah, oo naman. Simpleng bagay lang naman ang aki- ah este ang gusto ng aking kapatid. Masisiyahan siya diyan sa ibibigay mo. Salamat."

Septiembre 20, 1883

Bukas na bukas rin ay makakauwi na ako at makikita ko na ulit sina itay at inay. Dahil sa hindi nila alam ang tungkol sa nangyari dito, siguro akong masosorpresa sila dahil sa biglaang pag-uwi ko. At maaasahan ko rin ang sermong naghihintay sa akin galing kina inay at itay. Balak ko rin sanang ipagtapat kay Manuelo ang katotohanan. Sana ay matatanggap niya pa rin ako kahit na ako ay nagpapanggap lamang.

Corazon

Related chapters

  • Ang Talaarawan ni Corazon   CAPITULO CUATRO

    "Inay!Itay!Anditona po ako!" sigaw ko sa kanila. Kakapasok ko lang sa aming munting bahay pero ramdam kong may kakaiba dahil sa nakakabinging katahimikan.Gawa sa nipa at kawayan ang aming bahay kubo. Bahagyang nakataas ang aming kubo para malagyan ng ani at mga kasangkapang pang-ani ang silong.Aakyat pa ng pitong hakbang ng hagdan para marating ang babahan ng bahay. At pagkapasok ay ang salas ang sasalubong sa'yo at sa dakong gilid naman ang silid ng inay at itay at sa akin.Nang lumaki ako, binigyan nila ako ng hiwalay na kuwarto. Ang aming atipan ay gawa sa pinaghalong nipa at damo ng kogon. Ang dingding naman ay gawa sa pinahabi na mga pinatigas na dahon ng niyog. Ang bintana naman ay pinagkrus-krus na mga tira na kawayan para sa sala ngunit para sa silid ay amak

  • Ang Talaarawan ni Corazon   CAPITULO CINCO

    Kasalukuyan akong nakaupo kasama ang mga panauhin ni Don Rudolfo, at isa na dito ang Heneral naoong nakaraang mga araw. Kagaya ng dati, suot niya ang kaniyang unipormeng pangheneral. Kulay puti ang kaniyang pangitaas na uniporme pati ang baba.May nakadikit na kulay itim na ornamento sa magkabilang gilid ng kaniyang uniporme na nagsisimbulo na isa siyang Kapitan Heneral. Nasa magkabilang gilid din ang lalagyan ng kaniyang rebolber at sandata na nakadikit sa kaniyang itim na kulindang.Dahil nakaupo siya sa silya, nasa lamesa ng gilid niya inilagay ang kaniyang samdata, ngunit nanatiling nasa lalagyan ang kaniyang rebolber. Kasama neto ang kalalagay lang na tasa ng kapeng barako.Nakapormang pang-apat ang kaniyang paa habang nakaupo. Habang ang kaniyang kasama ay nakaupo ng tuwid sa sar

  • Ang Talaarawan ni Corazon   CAPITULO SEIS

    "Paco Alfarero," tawag sa akin ng isang Espanyol na mataas ang rango, "Ah! Isang indiyo." Yumuko ako sa hiya dahil ramdam ko ang pandidiri niya.May hawak siya na lista ng mga bagong kasali ng hukbo at isa-isa itong tinawag. Mahigit labing-apat lang ang bilang ng mga sumali, karamihan mga Espanyol at mabibilang lamang ang mga Pilipino."Kayong lahat maglinya dito, gagawin na natin ang unang hakbang ng pagsusuri. Todos ustedes, formen una línea aquí. Comenzaremos de inmediato," sigaw ng Espanyol na may hawak na lista nang matapos na siya sa pagtawag. Sumunod naman kaming lahat at nasa gitnang parte ako. Nang magsimula na, nakita kong unti-unting naghubad ang na sa una ng linya. Nanlaki ang mga mata ko ng sinimulang pisil-pisilin ng isang opisyal ang katawan ng lalaki.Sa t

  • Ang Talaarawan ni Corazon   CAPITULO SIETE

    "Aquí,tuuniforme," (Iyonguniporme) sabi ng lalaking pinapaniwalaan kong may malaking rango dito sa hukbo. Tinanggap ko ang uniporme sa mula sa kaniyang kamay at agad na marahang tumango."Yo soy Marcos, MarcosAlcellero," (Ako nga pala si Marcos, MarcosAlcellero) sabi nito habang inaabot ang kamay. Tinignan ko muna ito bago tumingin sa kaniya ng diretso. Nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba ang pakikipagkamay niya, tutal nagpapakilala lang naman siya. Wala naman siguro itong masamang balak diba? Hindi naman siguro masama magkaroon ng kaibigan dito?Tinitigan ko muna ang kaniyang maamang mukha na nakangiti naghihintay sa akin para tanggapin ang kaniyang kamay. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang kamay at bumalik naman sa mukha niya. Tumaas taas ang kilay niya habang nakangiti. Napahinagpis ako at

  • Ang Talaarawan ni Corazon   CAPITULO OCHO

    "Correporinútil!Correr!" (Takbomgainutil!Takbo!) sigaw ni Primera Arbante. Nag-uunahan kaming nagtatakbuhan palibot ng kampo. Hindi ko na mabilang kung ika-ilang ikot na namin ito, ang alam ko lang ay kanina pa kami nagpabalikbalik at hindi ko na mapakiramdaman ang aking mga paa at hingal na hingal na ako. Hindi ako sanay sa ganitong gawa. Hindi rin naman ako sanay noong sumali ako sa polo y servicio, ngunit mas maigi na ang magbuhat at makakapagpahinga ka pa kaysa sa ganito na wala man lang katapos tapos. Ngunit napansin kong parang hindi lamang ako ang nag-iisang nababaguhan sa ganito kundi ang aking mga kasamahan rin. Pero parang mas handa sila kaysa sa akin. Nagpatuloy ang aming pagtakbo palibot sa kampo ng mahigit isang oras nang pinatigil ka

  • Ang Talaarawan ni Corazon   CAPITULO NUEVE

    "Dijeronque unadamasigueapareciendoen el lago durante lamedianoche. Ellaaparecea las personas queestánsoloscaminandocercadel lago. Y cuando la persona la ve, ella los toma y no dejarastro," (Sabi nila, maynagpapakitaraw naisangbabaesalawadis oras ng gabi.Nagpapakitaraw siya sa mgataongmag-isangnaglalakadmalapitsalawa. Atkinukuhaniya ang mga ito nawalanginiiwangbakas) kuwento ng guardia civil. At dahil mataas taas rin ang kaniyang kuwento, tumingin ako sa tabi ko at parang nakuha niya kaagad ang gusto kong ipahayag."Mayisangbabaeraw saLawangEngkantoangnangunguhang mga tao.Kapagikaw raw ay mag-isa atnasal

  • Ang Talaarawan ni Corazon   CAPITULO DIEZ

    "Alam mo ba kungbakitkitapinapapuntarito, Paco?" panimula ng heneral. Parang nanunuyo ang aking lalamunan dahil sa tanong niya. Nabalutan muna kami ng katahimikan at napayuko ako dahil sa kaba. Nagulat na lamang ako nang bigla niyang sinampal ng malakas ang mesa, "Tonto!" sigaw niya. Mas lumakas ang kabog ng puso ko dahil sa pasigaw niya, "Kabagobago modito, hindi mo pa nga alam yung mga dapatgawineh.Pinayaganlamangkitangsumamadahil mayutangnaloobako sayo.Kapagnahanapnanatinang mgamagulangmo,uuwika nakasamanila," dagdag niya pa. Alam na alam ko kung bakit ako nandito. "Ngunitheneral-" gusto ko sanang sabihin ang

  • Ang Talaarawan ni Corazon   CAPITULO ONCE

    "Halar!" (Hila!) paulit-ulit na sinasabi ng magkabilang grupo. Parang naging himig na inaawit sa koro tuwing misa. Naghihilahan ang dalawang panig, isa-isang pinapakita ang lakas ng bawat grupo. Parehong hindi nagpapatalo."Paco!Halar!" sigaw nung nasa likuran ko.Buong lakas kong hinila ang lubid sa aking harapan. Dahil ako ang pinakamaliit sa buong pulutung.Habang hinihila ko ang kabilang dulo ng tali, mas hinihila rin ng kabila ang kanilang parte ng tali. Kaya parang nadadala ako at napapasulong rin ako malapit sa gitna na may mataas na linyang naghahati sa dalawang grupo.Nagpapalitan ng lakas ang magkabilang panig. Hindi nagpapatalo.Biglaang uminit ang aking pakiramdam,

Latest chapter

  • Ang Talaarawan ni Corazon   EL FINAL

    ~Filipinas 1888~"Binibini, ikaw po aypinapatawagna ngdoña. Nasa salas po siya kasama ang mgapanauhin," wika ni Isabel sa akin."Salamat Isabel,lalabasna ako kapag tapos na ako sapagsusuklay.""Masusunodpo binibini," mahinang isinara ni Isabel ang pintuan nang makalabas na siya.Kanina pa ako nakaharap sa salamin at nagsusuklay sa mahaba kong buhok. Ilang taong na ang nakalipas nang pinutol ko ito upang magpanggap na lalaki. Sariwa pa rin sa akin ang lahat ng mga nangyari noon dahil sa aking pagkapilyo. Kung sana ay nakinig lamang ako. Ngunit alam kong wala na akong magagawa pa, hindi na maibabalik ng aking paghihinayang ang aking mga magulang. Hindi ko na sila maki

  • Ang Talaarawan ni Corazon   CAPITULO TREINTA Y OCHO

    "Mahal na mahal ko ang iyong ina simula pa noong nakilala ko siya bago kami naging magkatipan. Ngunit mas pinili niya ang bastardo mong ama, at iniwan niya akong bigong-bigo kaya nabulag ako sa galit. Dahil dito pinakasalan ko kaagad si Clariza, ang ina ni Takio. At makalipas ng apat na buwan ay nalaman naming nagdadalang tao si Clariza. At sa sandaling iyon ay biglang naglaho ang aking pagkamuhi sa iyong ina at iyong ama. Ngunit hindi ito nagtagal dahil namatay sa ikalawang panganganak si Clariza, kasama ang aming ikalawang anak. Ako ay muling nagalit sa iyong mga magulang kaya nang malaman kong doon sa hacienda ng asawa ng aking kapatid nagtatrabaho ang iyong ama ay sinabihan ko sila na maging malupit dito."Mapait na ikinuwento ni heneral Eusebio ang kaniyang panig. Pagkatapos kaming kumain ng almusal ay ipinatawag niya ako sa kaniyang opisina. Hindi sumangayon dito si heneral n

  • Ang Talaarawan ni Corazon   CAPITULO TREINTA Y SIETE

    Natigilan ako sa kaniyang sinabi ngunit napansin kong parang wala lamang para sa kaniya. Nagpatuloy lamang siya sa pagkain at parang batang nasasarapan sa kinakain dahil lagi siyang nakangiti."Huwag kang mag-aalala binibini, hindi kita minamadali. Gusto ko lamang malaman mo ang aking nararamdaman," anito habang nakatingin sa pagkain."K-kailan pa?" nauutal kong tanong sa kaniya.Natigilan siya dahil sa aking tanong at napatulala sandali bago tumingin sa aking mga mata."Hindi ko rin alam, ngunit simula noong nawala ka sa aking paningin ay lagi kitang hinahanap," anito habang seryosong nakatingin sa akin.Pakiramdam ko ay nanghihingi siya ng pahintulot sa akin. Pinalibutan kami ng ka

  • Ang Talaarawan ni Corazon   CAPITULO TREINTA Y SEIS

    Nagising na lamang ako na wala na si Manuelo. Ang wika ni Ka Tiago ay may pinuntahan raw na importante. Ito na ba ang ibig niyang sabihing plano? Ang iwan ako rito? Paano kung bumalik muli ang mga tauhan ng kaniyang ama. Nasagi sa aking isipan na kaya ko rin namang ipagtanggol ang aking sarili at si Ka Tiago dahil maayos din naman ang aking pag-eensayo sa loob ng kampo.Sinikap kong tumulong sa gawaing bahay para hindi ako mainip at para na rin hindi mapagod si Ka Tiago. Nagwalis ako sa loob at sa labas ng bahay, naghugas ng pinagkainan at mga gamit sa pagluluto, at diniligan ko ang mga halaman na nasa hardin. Nagsiyesta muna ako ng ilang oras at nang magdakong hapon na ay lumabas ako para bigyan ng tubig ang kanilang alagang tamaraw na pinangalanan pala ni Crescentia na Taraw. Pinagmamasdan ko ang kanilang alaga habang nag-iisip ako ng mga maaaring gawin kapag nahanap na ang itay. Maram

  • Ang Talaarawan ni Corazon   CAPITULO TREINTA Y CINCO

    Dalawang araw simula noong nakita ko muli ang aking inay. Dalawang araw na ang lumipas nang inilibing namin ang kaniyang bangkay. Hindi pa rin ako makapaniwala na kaya nilang kunin ang buhay ng aking inay. Hindi ako makapaniwala na ang lahat ng Ito ay dahil lamang sa isang talaarawan. Ang talaarawang kinuha nila nang dakpon ako.Naalala ko pa noong nakita namin ang kaniyang katawan na nakahandusay sa sahig. Napansin ni Manuelo na nakakuyom ang kamay ng aking ina kaya binuksan niya ito at may iniluwang isang pirasong papel na naka lukot at punit-punit na.Nakita kong dahan-dahan niya itong binuksan at basahin ang kung ano man ang nakasulat. Hindi niya sinabi kung ano ang nabasa niya ngunit ibinigay niya sa akin ito.devuélvanoseldiario

  • Ang Talaarawan ni Corazon   CAPITULO TREINTA Y CUATRO

    Kinabukasan, nang makadaong na ang barko sa pier ay agad kaming nagtanong-tanong kung saan matatagpuan ang Esperanza, San Teodoro. May mga nagturo sa amin kung ano ang sasakyan patungong Esperanza. Lumapit kami sa karitong may nakatali na tamaraw. Hinahanap-hanap ko ang may-ari nito sa mga taong naglalakad sa mercado papunta dito."Binibini, dumito ka lang muna at hahanapin ko sa loob ng mercado ang may-ari nito," bilin ni Manuelo bago siya umalis.Hinihimas himas ko ang ulo ng tamaraw hanggang sa katawan nito."Kay ganda naman ng iyong balahibo," bulong ko nito."Iyan nga ang sabi ko kay itay," rinig kong sabi ng isang batang babe.Napatingin ako sa paligid at sa ilalim ng kariton,

  • Ang Talaarawan ni Corazon   CAPITULO TREINTA Y TRES

    Ang unang biyahe ng araw ang aming kinuha papuntang Mindoro. Nasa aming mga sariling silid na kami nang nagsimulang umandar ang barko. Maliit lamang ang kuwarto na aming kinuha para makatipid kami sa pamasahe dahil hindi namin alam kung gaano kalayo ang aming pupuntahan.Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng silid, may maliit na higaan na sakto lamang para sa isang tao, meron ding dalawang upuan, at isang parisukat na lamesang nakakabit sa dingding ng barko. Nakapatong na sa lamesa ang aking supot na mayroong mga damit habang nakaupo ako sa upuan.Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman sa mga oras na ito. Dapat ba akong masiyahan dahil makikita ko na ang aking mga magulang? O dapat ba akong matakot sa posibilidad na madadala ko doon ang mga taong papahamak sa kanila?Yumu

  • Ang Talaarawan ni Corazon   CAPITULO TREINTA Y DOS

    Iminulat ko ang aking mga mata nang may gumising sa aking pagtulog. Unang nakita ko ang mukha ni Manuelo na parang nagmamadali."Bumangon ka na diyan Corazon, malapit na ang mga guardia civil," anito.At sa mga salitang iyon ay dali-dali akong bumangon sa aking hinihigaan at agad na kinuha ang talukbong na kaniyang inabot sa akin. Naalala kong ito pala ang aking suot kanina noong papunta ako dito kasama ang heneral."Nasaan nang heneral?"Hindi niya ako sinagot subalit hinila niya lamang ako palabas ng silid. Nakita ko rin ang aking lola na natatarantang umutos na maghanda ng kabayo at mga maaaring dadalhin."Hija, masakit man sa aking kaloobang lisanin mo muli ang lugar na ito, ngun

  • Ang Talaarawan ni Corazon   CAPITULO TREINTA Y UNO

    Tumigil ang kalesa sa harapan ng tarangkahan ng hacienda. Unang lumabas ang heneral at naglahad ng kamay para alalayan akong bumaba. Kumunot ang aking noo at nilagpasan siya. Narinig ko ang mahina niyang tawa na natatabunan ng pagpalatak ng sapatos ng kabayo paalis. Naglakad ako ng diretso hanggang sa nakasaradong tarangkahan, ngunit napansin kong nakakandado ito mula sa loob.Nakatalikod ako sa heneral nang nagsalita siya."Ikaw na nga itong aking iniligtas sa kapahamakan, ikaw pa ang may ganang magsungit," anito, "desagradecida!" dagdag niyang pabulong na sigaw."Narinig ko iyon! Ngunit hindi ko naman hiningi ang iyong tulong, ikaw ang kusang tumulong sa akin heneral. Marahil alam mo na nga noon pa ang tungkol sa aking pagpapanggap, ang alam ko'y iyong ama ang nag-utos na dakpin ako,

DMCA.com Protection Status