~Filipinas 1883~
"La misa ha terminado. Ve en paz y comparte la palabra de Dios," (Tapos na ang misa. Humayo na kayo at ibahagi ang salita ng Diyos) sabi ng paring Pransiskano nang matapos na ang misa. Kinanta na namin ang panghuling kanta para sa pagtatapos ng misa. Nagsimula nang nagsilabasan ang mga taong nagsisimba dito sa Iglesia Parroquial San Pascual de Baylon.
Ito ang opisyal na simbahan ng Obando, Bulacan. Ipinatayo ito noong 1754 ng isang Pransiskanong prayle. Ngayon, ang bagong kura paruko ay si Padre Joselito Dasmariñas na isa ring Pransiskano. Mabait ito at matulungin sa kapwa kahit ano pa ang estado sa buhay ng tao. Kaya marami rami din ang mga taong dumadalo sa misa niya.
Isa ako sa mga mangaawit tuwing misa sa dahilan na gusto kong paglingkuran ang Poon nang hindi nagiging madre. Mabibilang lang ang miyembro ng koro namin, sampu lamang kami, kasali na ako. Kami ang ikaunang koro ng aming parokya kung kaya't hindi pa kami gaanong karami. Pero kahit na kakaunti lamang kami, tinuturing namin ang isa't isa na pamilya.
Lumapit sa amin si Padre at nagsalita, "Mga hija at hijo, tayo'y magmeryenda muna," nagsisunuran silang lahat maliban nalang sa akin. Lumingon si Padre Dasmariñas sa akin, "Corazon, no te unes a nosotros?" (Hindi ka ba sasama Corazon?) umiling ako bilang sagot, "Hindi na po padre, hinihintay na po ako nila ina sa amin," nagpalitan kami ng mga ngiti bago ako umalis.
Naglalakad lamang ako sa daan nang may narinig akong palatak ng sapatos ng mga kabayo. Nagsitabihan ang mga tao para bigyang daan ang paparating na mga kabayo. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko maigalaw ang aking mga paa at parang naistatwa ako sa gitna ng kalsada. Nagsigawan ang mga tao sa paligid pero nakatuon ang aking mga mata sa mga paparating.
Mas lumaki ang aking mga mata nang malapit na ito sa kinatatayuan ko at ilang hakbang nalang ay makakaladkad na nila ako. Ano pa ba ang ginagawa mo?! Takbo Corazon! Takbo! Rinig na rinig ko ang malakas na kalabog sa aking dibdib pero hindi ko na maramdaman ang aking hininga.
Ipinikit ko ang aking mga mata dahil sa takot dahil alam kong ikamamatay ko na, pero walang nangyari. Narinig ko naman ang halinghing ng mga kabayo na nagpapahiwatig na tumigil ang mga ito. Dahan dahan kong binuka ang aking mata at nadatnan ang grupo ng mga guardia civil na pinangungunahan ng isang binatang Heneral.
Nakatingin silang lahat sa akin at tahimik ang mga tao wari'y naghihintay kung ano ang mangyayari kasunod. Tiningala ko ang Heneral, kitang kita sa kaniyang mga mapupungay na malatsokolateng mata ang galit at pagkairita,
"Estupida indio! Estás tratando de matarte?!" (Nais mo bang magpakamatay?!) sigaw niya.
Tumahimik lamang ako pero hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kaniya. Kitang kita ang pagbanat ng kaniyang matalim na panga nang magsalita siya. Manipis din ang kaniyang mga labi na pinapaligiran ng bagong ahit na bigote at balbas, at matangos rin ang ilong, at may pagkabaritono din ang boses nito. Maganda ang tindig niya at may halong kape at gatas ang kulay ng kaniyang balat. Sa unang tingin pa lang ay nangingibabaw na ang pagkaespanyol nito. Tinaasan niya ako ng kilay, "Al lado!" (Tabi!) sigaw niya ulit habang nakakunot ang noo niya. May kamay namang humila sa akin papalayo sa mga guardia civil.
Nakakaintindi ako ng lenggwaheng Espanyol dahil ang aking inay ay isang Insulares at tinuturuan niya ako ng wikang iyon, ngunit hindi ako marunong magsalita sa lenggwaheng iyon at hindi ko maiintindihan kapag dirediretso ang pananalita nila dito. Ang aking itay naman ay isang Pilipino at siya naman ang naging guro ko sa wikang tagalog. Kami ay namumuhay lamang ng simple, si itay ay isang mambubukid sa Hacienda Fetalino at si inay naman ay tagabahay lamang. Hindi ko gaanong alam ang pamilya ni inay at itay dahil hindi nila ito ikinukwento sa akin. Wala raw akong mapapala kung malaman ko ang istorya ng kanilang mga pamilya. Nang humarap ako sa taong humila sa akin, nakita ko ang pag-aalalang mukha ni inay, "Anak, ano ba ang nangyari at hindi ka umalis sa daan, alam mo namang hindi sila titigil sa pagpapatakbo ng kabayo kahit na may taong nakaharang sa daan," sabi niya. Pinatahan ko si inay dahil parang maiiyak na siya.
Kaya pala'y tumigil ang Heneral bago pa ako makaladkad dahil may anunsiyo ito. Magkakaroon daw ng polo y servicio o sapilitang paggawa ng mga lalaking Pilipino na nagsisimula sa edad na 16 hanggang 60 ng bawat pamilya. Parang nabuhusan ng malamig na tubig ang aking katawan nang maalala kong si itay lamang ang nag-iisang lalaki sa aming pamilya. Tinignan ko naman si inay at gaya ng reaksyon ko, nag-alala din siya sa kalagayn ni itay. Nagsimula nang manghina ang katawan ni itay sa murang edad na apatnaput anim (46) pa lamang. Dahil na rin siguro ito sa kaniyang trabaho sa Hacienda. Kilala sa pagiging malupit ang Pamilyang Fetalino dito sa Bulacan.
Lagi na lamang nagpapalit ng mutsatsa kada buwan ang nag-iisang babaeng anak ni Don Antonio Prospero at Dona Griselda Catalina Fetalino na si binibining Cecilia Priscilla. Apat sila na magkakapatid, bilang nag-iisang babae at ang bunso pa ay tinagurian siyang perlas ng kanilang pamilya.
Si Koronel Antonio Patricio ang kanilang panganay, kilala siya bilang isang mahigpit at bayolenteng opisyal ng mga guardia civil. Ang ikalawa namang si ginoong Andres Pablo ay mas kilala bilang Hukom Fetalino ay sinasabing matapobre at hindi makatarungan ngunit dahil sa koneksiyon siya pa rin ang punong hukom dito sa San Pascual.
Si ginoong Alonzo Paulo naman ang ikatlo at sa pambiharang rason, siya ay naiiba sa kanila. Siya ang kabaliktaran ng kaniyang pamilya dahil mabait, masunurin at mapagkatiwalaan siya at higit sa lahat siya ay maginoong maginoo. Isa siyang mahusay na pintor at isa na sa kaniyang pininta ay ang tanyag niyang obra na pinangalanang 'La Dama'.
Nagmamadali kaming naglakad papauwi sa bahay na nasa burol Fetalino sa labas ng Hacienda Fetalino pero pagmamayari rin ng familia Fetalino. Mahigit dalawang milya lamang ang layo ng aming bahay mula sa San Pascual at isa't kalahati naman mula sa Hacienda. Nasa paanan ng bundok nakatayo ang aming munting tahanan at yung mga kapitbahay naman namin ay sampung metro ang layo sa amin.
Naabutan namin si itay na nakahiga na sa sahig at hawak hawak ang kaniyang puso. Parang gumuho ang mundo ko nang makitang nakapikit siya. Dahil na rin siguro sa pagkataranta, agad akong lumabas at tumakbo pabalik sa bayan para tawagin si Doktor Enrique Vallestero. May inalalayang pasyente si Doktor Vallestero pero nang marinig niya ang nangyari kay itay ay tinawag niya ang isang kasamang doktor at nagmamadaling sumakay sa kaniyang kalesa papunta sa paanan ng burol Fetalino.
Naging matalik na kaibigan ni itay si Doktor Vallestero nang minsa'y magkita sila nito sa bayan. Baguhan lamang noon si itay sa Hacienda nang inutusan siyang tawagin si Doktor Vallestero nang mahulog si Priscilla sa kahoy.
Si itay ay marunong din sa panggagamot gamit ang mga halaman, ngunit dahil mahirap lamang si itay ay hindi siya nakapag-aral ng medisina sa isang colegio. At nang magkita sila ni Doktor Vallestero, agad niya itong kinuhanan ng mga halamang gamot bago pa siya sinabihan. Isang mabuting doktor itong si Ginoong Vallestero, siya ay kaedad lamang nila itay pero maagang nabyudo nang mamatay ang asawa sa hindi malamang sakit. Hindi sila nagkaroon ng anak sapagkat isang baog ang napangasawa niya, pero minahal niya pa rin ito.
Agad niya akong pinakuha ng dahon ng bayabas at pakuluin ito habang hinihilot niya ang dibdib ni itay na ngayo'y nakahiga sa mahabang upuang gawa sa kahoy na nasa sala. Maghahapon na nang umalis si Doktor Vallestero at ibinilin sa amin na ipainom kay itay ang pinakuluang katas ng bayabas. Gustuhin man niyang bantayan si itay ngunit hindi na raw siya magtatagal pa dahil marami pa siyang mga pasyenteng naghihintay sa kaniya.
Gabi na nang makabangon si itay at sinabihan siya ni inay tungkol sa polo y servicio na magsisimula bukas sa Ciudad de Cavite pagkatapos niyang inumin ang isang baso ng katas ng bayabas. Sumali ako sa kanilang usapan pero tinaboy nila ako, "Hindi ka maaaring makinig sa usapan ng mga matanda Corazon, pumasok ka na sa iyong kwarto," sabi ni itay sa akin ng mahinahon. Pero lumagi lang ako sa kinatatayuan sa gilid nila at naramdaman kong dahan dahan nang tumulo ang mga luha kong kanina ko pa tinatago, "Hindi ka maaaring sumama i-itay , malubha na ang iyong s-sakit. Maawa po k-kayo sa inyong sarili," lumuhod ako sa harapan niya.
"Bakit ang tigas ng ulo mo? Hindi ka maaaring sumali sa aming usapan. Pumasok ka sa iyong kwarto kung hindi papaluin kita," hindi pa rin ako nakinig sa kaniya at nanatili pa rin akong nakaluhod.
Tumayo si itay at akma akong sasampalin ngunit bigla niyang hinawakan ang puso niya at napatigil sa paglalakad. Tumakbo naman kami ni ina sa kaniya at tinulungang makaupo. Hawak hawak pa rin niya ang kaniyang puso.
"Hindi ka dapat nakikinig sa usapang hindi ka naman kasali Corazon, baka ikapahamak mo pa ito," sabi niya sa akin, "May mga bagay na mas mabuting nananatili kang walang alam."
Binigyan ko siya ulit ng isang basong naglalaman ng katas ng bayabas, "Ika'y matulog na pagkatapos mong maghugas ng mga kinainan anak," sabi ni inay sa akin, "At marinig ka sa iyong itay, hindi niya nais ang iyong kapahamakan ng dahil lang sa pagiging pilya mo." dagdag niya pa.
Akay-akay ni inay si itay papunta sa kwarto nila habang nililigpit ko ang mga gamit sa sala at kusina. Hindi na nakakain si itay dahil sa nangyari kamakailan lang. Kaya hinugasan ko na ang mga kinainan namin ni ina bago pa matulog.
Habang naghuhugas ako, sumagi sa isipan ko ang pinakanakakatawang ideya. Ang pagsali sa polo y servicio para mailigtas si itay . Ngunit kung pag-isipan ng mabuti'y maaari kong gawin iyon, apatnapung (40) araw lang naman ang serbisyong iyon. At kailangan ko lamang magpanggap na lalaki, hindi naman kalakihan ang dibdib ko at maaari kong putulin ang aking buhok.
Buo na ang aking isipan, ako'y magpapanggap bilang isang lalaki. Madaling araw na nang bumangon ako para maghanda sa aking pag-alis. Pinutol ko na ang aking mahabang buhok at tinapigan ko ng makapal na tela ang aking dibdib. Inilagay ko na rin ang liham na para kina inay at itay sa aking higaan. Nilalaman doon ang paghihingi ng tawad at paniniguradong babalik ako ng ligtas at sana'y huwag na nila akong puntahan pa. Nag-isip ako ng mga pangalang panglalaki na gagamitin ko pero napagdesisyunan kong Paco na lang ang gamitin. Tumikhim ako, humarap sa maliit na salamin.
"Ako si Paco Alfarero," gamit ang panlalaking boses.
Sa ilang mga sandali ng pagpupunyagi sa pagpalalim ng boses, sa wakas at nahanap ko na kung paano magtunog lalaki. Hindi ko nilakasan ang pagbigkas ng mga salitang iyon dahil baka magising sila. Inilabas niya ang isang maliit na kwaderno at nagsimula nang magsulat.
Agosto 30, 1883
Ako ay kinakabahan sa aking gagawin, tama ba ito? Ngunit para ito sa aking itay . Ito na siguro ang pinakamahirap na desisyong gagawin ko sa tanang buhay ko. Kaya ko ito, para kay itay . Sana'y patawarin ako nila itay at inay lalong lalo na ng Panginoon sa gagawin kong ito at nawa'y gabayan niya ako sa aking paglisan sa aming tahanan.
Corazon
Agosto 30, 1883Mahal kong inay at itay,Marahil kayo ay naguguluhan kung bakit ako ay nawawala. Sana'y patawarin niyo po ako sa aking gagawin. Alam ko po na kayo ay hindi sasangayon sa absurdong ideyang pumasok sa aking isipan. Ako rin ay kontra sa aking sarili, subalit wala na po akong ibang maiisip pa kundi ang gawin ito. Hindi ko po lubos maisip na nag-iintay ng apatnapu at higit pang mga araw at nagdadasal na ligtas si itay. Hindi ko po kayang siya ay mawala at alam kong iyan din ang iniisip mo ina. Huwag niyo pong isipin na kayo ay nagkulang sa pag-aaruga sa akin sapagkat ay sobra sobra ang inyong ibinigay. Pangako ko po sa inyo na ako ay babalik na ligtas. Huwag po kayong mag-alala, wala naman pong makakaalam na nagpapanggap lamang ako. Ako at kayo lang po ang may alam. Mag-iingat po ako palagi para makabalik sa inyo, at kayo rin po, sana'y mag-iin
Septiembre 16, 1883 Mahal kong inay at itay, Kamusta na kayo? Pasensiya at ngayon lamang ako nakasulat muli sa inyo. Malapit nang matapos ang barkong aming ginagawa, marahil bukas na bukas ay pipinturahan na namin iyon. Gusto ko lamang malaman ninyo na mabuti ang aking kalagayan dito. Sa loob ng labingpitung araw ng pananatili ko dito sa simbahan ay marami akong nakilalang mga kaibigan mo itay. Hindi din naman sila nagtaka kung bakit may lalaki kang anak dahil pinaliwanag ko sa kanila na hindi mo ako pinapalabas. Naging kaibigan ko rin ang anak ni Aling Cynthia na si Manuelo. Kilala ka raw niya itay. Dahil madali kaming natapos ay maaaring madagdagan ang aming trabajo at siguro ay madadagdagan din ang mga araw. Pero gusto kong malaman niyo na kakayanin ko ang lahat ng ito para sa inyo, lalong lalo ka na itay. Huwag ka sanang magpakapagod sa pagtatrabaho
"Inay!Itay!Anditona po ako!" sigaw ko sa kanila. Kakapasok ko lang sa aming munting bahay pero ramdam kong may kakaiba dahil sa nakakabinging katahimikan.Gawa sa nipa at kawayan ang aming bahay kubo. Bahagyang nakataas ang aming kubo para malagyan ng ani at mga kasangkapang pang-ani ang silong.Aakyat pa ng pitong hakbang ng hagdan para marating ang babahan ng bahay. At pagkapasok ay ang salas ang sasalubong sa'yo at sa dakong gilid naman ang silid ng inay at itay at sa akin.Nang lumaki ako, binigyan nila ako ng hiwalay na kuwarto. Ang aming atipan ay gawa sa pinaghalong nipa at damo ng kogon. Ang dingding naman ay gawa sa pinahabi na mga pinatigas na dahon ng niyog. Ang bintana naman ay pinagkrus-krus na mga tira na kawayan para sa sala ngunit para sa silid ay amak
Kasalukuyan akong nakaupo kasama ang mga panauhin ni Don Rudolfo, at isa na dito ang Heneral naoong nakaraang mga araw. Kagaya ng dati, suot niya ang kaniyang unipormeng pangheneral. Kulay puti ang kaniyang pangitaas na uniporme pati ang baba.May nakadikit na kulay itim na ornamento sa magkabilang gilid ng kaniyang uniporme na nagsisimbulo na isa siyang Kapitan Heneral. Nasa magkabilang gilid din ang lalagyan ng kaniyang rebolber at sandata na nakadikit sa kaniyang itim na kulindang.Dahil nakaupo siya sa silya, nasa lamesa ng gilid niya inilagay ang kaniyang samdata, ngunit nanatiling nasa lalagyan ang kaniyang rebolber. Kasama neto ang kalalagay lang na tasa ng kapeng barako.Nakapormang pang-apat ang kaniyang paa habang nakaupo. Habang ang kaniyang kasama ay nakaupo ng tuwid sa sar
"Paco Alfarero," tawag sa akin ng isang Espanyol na mataas ang rango, "Ah! Isang indiyo." Yumuko ako sa hiya dahil ramdam ko ang pandidiri niya.May hawak siya na lista ng mga bagong kasali ng hukbo at isa-isa itong tinawag. Mahigit labing-apat lang ang bilang ng mga sumali, karamihan mga Espanyol at mabibilang lamang ang mga Pilipino."Kayong lahat maglinya dito, gagawin na natin ang unang hakbang ng pagsusuri. Todos ustedes, formen una línea aquí. Comenzaremos de inmediato," sigaw ng Espanyol na may hawak na lista nang matapos na siya sa pagtawag. Sumunod naman kaming lahat at nasa gitnang parte ako. Nang magsimula na, nakita kong unti-unting naghubad ang na sa una ng linya. Nanlaki ang mga mata ko ng sinimulang pisil-pisilin ng isang opisyal ang katawan ng lalaki.Sa t
"Aquí,tuuniforme," (Iyonguniporme) sabi ng lalaking pinapaniwalaan kong may malaking rango dito sa hukbo. Tinanggap ko ang uniporme sa mula sa kaniyang kamay at agad na marahang tumango."Yo soy Marcos, MarcosAlcellero," (Ako nga pala si Marcos, MarcosAlcellero) sabi nito habang inaabot ang kamay. Tinignan ko muna ito bago tumingin sa kaniya ng diretso. Nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba ang pakikipagkamay niya, tutal nagpapakilala lang naman siya. Wala naman siguro itong masamang balak diba? Hindi naman siguro masama magkaroon ng kaibigan dito?Tinitigan ko muna ang kaniyang maamang mukha na nakangiti naghihintay sa akin para tanggapin ang kaniyang kamay. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang kamay at bumalik naman sa mukha niya. Tumaas taas ang kilay niya habang nakangiti. Napahinagpis ako at
"Correporinútil!Correr!" (Takbomgainutil!Takbo!) sigaw ni Primera Arbante. Nag-uunahan kaming nagtatakbuhan palibot ng kampo. Hindi ko na mabilang kung ika-ilang ikot na namin ito, ang alam ko lang ay kanina pa kami nagpabalikbalik at hindi ko na mapakiramdaman ang aking mga paa at hingal na hingal na ako. Hindi ako sanay sa ganitong gawa. Hindi rin naman ako sanay noong sumali ako sa polo y servicio, ngunit mas maigi na ang magbuhat at makakapagpahinga ka pa kaysa sa ganito na wala man lang katapos tapos. Ngunit napansin kong parang hindi lamang ako ang nag-iisang nababaguhan sa ganito kundi ang aking mga kasamahan rin. Pero parang mas handa sila kaysa sa akin. Nagpatuloy ang aming pagtakbo palibot sa kampo ng mahigit isang oras nang pinatigil ka
"Dijeronque unadamasigueapareciendoen el lago durante lamedianoche. Ellaaparecea las personas queestánsoloscaminandocercadel lago. Y cuando la persona la ve, ella los toma y no dejarastro," (Sabi nila, maynagpapakitaraw naisangbabaesalawadis oras ng gabi.Nagpapakitaraw siya sa mgataongmag-isangnaglalakadmalapitsalawa. Atkinukuhaniya ang mga ito nawalanginiiwangbakas) kuwento ng guardia civil. At dahil mataas taas rin ang kaniyang kuwento, tumingin ako sa tabi ko at parang nakuha niya kaagad ang gusto kong ipahayag."Mayisangbabaeraw saLawangEngkantoangnangunguhang mga tao.Kapagikaw raw ay mag-isa atnasal
~Filipinas 1888~"Binibini, ikaw po aypinapatawagna ngdoña. Nasa salas po siya kasama ang mgapanauhin," wika ni Isabel sa akin."Salamat Isabel,lalabasna ako kapag tapos na ako sapagsusuklay.""Masusunodpo binibini," mahinang isinara ni Isabel ang pintuan nang makalabas na siya.Kanina pa ako nakaharap sa salamin at nagsusuklay sa mahaba kong buhok. Ilang taong na ang nakalipas nang pinutol ko ito upang magpanggap na lalaki. Sariwa pa rin sa akin ang lahat ng mga nangyari noon dahil sa aking pagkapilyo. Kung sana ay nakinig lamang ako. Ngunit alam kong wala na akong magagawa pa, hindi na maibabalik ng aking paghihinayang ang aking mga magulang. Hindi ko na sila maki
"Mahal na mahal ko ang iyong ina simula pa noong nakilala ko siya bago kami naging magkatipan. Ngunit mas pinili niya ang bastardo mong ama, at iniwan niya akong bigong-bigo kaya nabulag ako sa galit. Dahil dito pinakasalan ko kaagad si Clariza, ang ina ni Takio. At makalipas ng apat na buwan ay nalaman naming nagdadalang tao si Clariza. At sa sandaling iyon ay biglang naglaho ang aking pagkamuhi sa iyong ina at iyong ama. Ngunit hindi ito nagtagal dahil namatay sa ikalawang panganganak si Clariza, kasama ang aming ikalawang anak. Ako ay muling nagalit sa iyong mga magulang kaya nang malaman kong doon sa hacienda ng asawa ng aking kapatid nagtatrabaho ang iyong ama ay sinabihan ko sila na maging malupit dito."Mapait na ikinuwento ni heneral Eusebio ang kaniyang panig. Pagkatapos kaming kumain ng almusal ay ipinatawag niya ako sa kaniyang opisina. Hindi sumangayon dito si heneral n
Natigilan ako sa kaniyang sinabi ngunit napansin kong parang wala lamang para sa kaniya. Nagpatuloy lamang siya sa pagkain at parang batang nasasarapan sa kinakain dahil lagi siyang nakangiti."Huwag kang mag-aalala binibini, hindi kita minamadali. Gusto ko lamang malaman mo ang aking nararamdaman," anito habang nakatingin sa pagkain."K-kailan pa?" nauutal kong tanong sa kaniya.Natigilan siya dahil sa aking tanong at napatulala sandali bago tumingin sa aking mga mata."Hindi ko rin alam, ngunit simula noong nawala ka sa aking paningin ay lagi kitang hinahanap," anito habang seryosong nakatingin sa akin.Pakiramdam ko ay nanghihingi siya ng pahintulot sa akin. Pinalibutan kami ng ka
Nagising na lamang ako na wala na si Manuelo. Ang wika ni Ka Tiago ay may pinuntahan raw na importante. Ito na ba ang ibig niyang sabihing plano? Ang iwan ako rito? Paano kung bumalik muli ang mga tauhan ng kaniyang ama. Nasagi sa aking isipan na kaya ko rin namang ipagtanggol ang aking sarili at si Ka Tiago dahil maayos din naman ang aking pag-eensayo sa loob ng kampo.Sinikap kong tumulong sa gawaing bahay para hindi ako mainip at para na rin hindi mapagod si Ka Tiago. Nagwalis ako sa loob at sa labas ng bahay, naghugas ng pinagkainan at mga gamit sa pagluluto, at diniligan ko ang mga halaman na nasa hardin. Nagsiyesta muna ako ng ilang oras at nang magdakong hapon na ay lumabas ako para bigyan ng tubig ang kanilang alagang tamaraw na pinangalanan pala ni Crescentia na Taraw. Pinagmamasdan ko ang kanilang alaga habang nag-iisip ako ng mga maaaring gawin kapag nahanap na ang itay. Maram
Dalawang araw simula noong nakita ko muli ang aking inay. Dalawang araw na ang lumipas nang inilibing namin ang kaniyang bangkay. Hindi pa rin ako makapaniwala na kaya nilang kunin ang buhay ng aking inay. Hindi ako makapaniwala na ang lahat ng Ito ay dahil lamang sa isang talaarawan. Ang talaarawang kinuha nila nang dakpon ako.Naalala ko pa noong nakita namin ang kaniyang katawan na nakahandusay sa sahig. Napansin ni Manuelo na nakakuyom ang kamay ng aking ina kaya binuksan niya ito at may iniluwang isang pirasong papel na naka lukot at punit-punit na.Nakita kong dahan-dahan niya itong binuksan at basahin ang kung ano man ang nakasulat. Hindi niya sinabi kung ano ang nabasa niya ngunit ibinigay niya sa akin ito.devuélvanoseldiario
Kinabukasan, nang makadaong na ang barko sa pier ay agad kaming nagtanong-tanong kung saan matatagpuan ang Esperanza, San Teodoro. May mga nagturo sa amin kung ano ang sasakyan patungong Esperanza. Lumapit kami sa karitong may nakatali na tamaraw. Hinahanap-hanap ko ang may-ari nito sa mga taong naglalakad sa mercado papunta dito."Binibini, dumito ka lang muna at hahanapin ko sa loob ng mercado ang may-ari nito," bilin ni Manuelo bago siya umalis.Hinihimas himas ko ang ulo ng tamaraw hanggang sa katawan nito."Kay ganda naman ng iyong balahibo," bulong ko nito."Iyan nga ang sabi ko kay itay," rinig kong sabi ng isang batang babe.Napatingin ako sa paligid at sa ilalim ng kariton,
Ang unang biyahe ng araw ang aming kinuha papuntang Mindoro. Nasa aming mga sariling silid na kami nang nagsimulang umandar ang barko. Maliit lamang ang kuwarto na aming kinuha para makatipid kami sa pamasahe dahil hindi namin alam kung gaano kalayo ang aming pupuntahan.Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng silid, may maliit na higaan na sakto lamang para sa isang tao, meron ding dalawang upuan, at isang parisukat na lamesang nakakabit sa dingding ng barko. Nakapatong na sa lamesa ang aking supot na mayroong mga damit habang nakaupo ako sa upuan.Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman sa mga oras na ito. Dapat ba akong masiyahan dahil makikita ko na ang aking mga magulang? O dapat ba akong matakot sa posibilidad na madadala ko doon ang mga taong papahamak sa kanila?Yumu
Iminulat ko ang aking mga mata nang may gumising sa aking pagtulog. Unang nakita ko ang mukha ni Manuelo na parang nagmamadali."Bumangon ka na diyan Corazon, malapit na ang mga guardia civil," anito.At sa mga salitang iyon ay dali-dali akong bumangon sa aking hinihigaan at agad na kinuha ang talukbong na kaniyang inabot sa akin. Naalala kong ito pala ang aking suot kanina noong papunta ako dito kasama ang heneral."Nasaan nang heneral?"Hindi niya ako sinagot subalit hinila niya lamang ako palabas ng silid. Nakita ko rin ang aking lola na natatarantang umutos na maghanda ng kabayo at mga maaaring dadalhin."Hija, masakit man sa aking kaloobang lisanin mo muli ang lugar na ito, ngun
Tumigil ang kalesa sa harapan ng tarangkahan ng hacienda. Unang lumabas ang heneral at naglahad ng kamay para alalayan akong bumaba. Kumunot ang aking noo at nilagpasan siya. Narinig ko ang mahina niyang tawa na natatabunan ng pagpalatak ng sapatos ng kabayo paalis. Naglakad ako ng diretso hanggang sa nakasaradong tarangkahan, ngunit napansin kong nakakandado ito mula sa loob.Nakatalikod ako sa heneral nang nagsalita siya."Ikaw na nga itong aking iniligtas sa kapahamakan, ikaw pa ang may ganang magsungit," anito, "desagradecida!" dagdag niyang pabulong na sigaw."Narinig ko iyon! Ngunit hindi ko naman hiningi ang iyong tulong, ikaw ang kusang tumulong sa akin heneral. Marahil alam mo na nga noon pa ang tungkol sa aking pagpapanggap, ang alam ko'y iyong ama ang nag-utos na dakpin ako,