Si Francisco ay hindi nagkamali sa kanyang hinala na si Padre Ignacio, na sakay ng isang magarang sasakyang Victoria ay papunta kay Gobernador Gregorio. Pagbaba ni Padre Ignacio ay paalis naman sina Felicidad at Tiya Flora. "Mukhang may pupuntahan kayo," ang bati ni Padre Ignacio sa magtiya. "Kukunin po namin sa kumbento ang aking kagamitan," ang sagot ni Felicidad.Nabigla ang pari sa sagot ni Felicidad at pabulong sa sarili lamang sinabi, "Tingnan nating kung sino ang masusunod, kung sino ang higit na makapangyarihan!"Napansin ni Tiya Flora ang pabulong-bulong ni Padre Ignacio, kaya naisip niya. "Siguro ay may sinasaulong sermon si Padre Ignacio," ang wika nito at inutusan si Felicidad."Sige sumakay ka na at tatanghaliin tayo."Tuluy-tuloy na pumanhik sa bahay ni Gobetnador Gregorio si Padre Ignacio. "Gregorio, may pag-uusapan tayong mahalaga sa iyong tanggapan," pasigaw at pagalit na sabi ni Padre Ignacio.Nang makita ang pari, ma
Huling Na-update : 2021-07-27 Magbasa pa