Kinabukasan pagkatapos ng papiknik ni Francisco, pinasyalan niya ang kanyang lupain at nagtuloy sa bahay ni Don Julio. Dahil sa walang makitang tao, tuloy-tuloy na pumanhik sa bahay. Napansin niyang abalang-abala ang Don kaya nagpasya ng umalis, ngunit noon naman siya napuna ng matanda. "Aba! Nariyan pala kayo," sabi ng matanda. "Aalis na nga sana ako, dahil napuna kong masyado kayong abala," ang sabi ni Francisco. "Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo? May konti lang akong isinusulat, ihihinto ko na nga sana at makapag pahinga," sabi ng matanda. "Mayroon po sana akong isasangguni sa inyo," sinasabi ni Francisco habang tinitingnan ang isinusulat ni Don Julio. "Ano po itong isinusulat ninyo?" "Ito'y isang jeroglifico." KAALAMAN TIME! Ang jeroglifico ay isang uri ng pagsulat na pasagisag ang paglalarawan ng mga bagay upang hindi agad
Last Updated : 2021-07-28 Read more