Hindi pa lumulubog ang araw, si Francisco ay sakay na sa bangka ni Claudio na nasa baybayin ng lawa. Medyo ang binata ay di yata nasisiyahan. "Ipagpaumanhin po ninyo ang aking kapangahasan na makipagtipan sa inyo. Ninais ko po kayong makausap ng sarilinan. Dito ay walang gagambala sa atin sa loob ng isang oras tayo ay makakabalik na.""Namamali kayo, kaibigang Claudio," ang sagot ni Francisco. "Kailangan ninyo akong maihatid sa bayang iyan na ang kampanaryo'y ating natatanaw dito. Sapagkat nakatagpo ko ang alperes na nagpupumilit na sumama sa akin. Dahil sa nalalaman ko na kayo ay kilala na niya kaya sinabi ko na ako ay pumunta sa ibang bayan.""Nagpapasalamat po ako sa inyong pag-aalala, subalit sana ay inyo na siyang inanyayahan na kayo'y samahan," ang tugon ni Claudio. "Pero paano kayo?" "Ako po'y hindi niya makikilala. Sapagkat sa minsang pagkakita sa akin ay di niya matatandaan ang aking pagmumukha.""Ano po ba ang sasabihin ninyo sa akin?" Tum
Huling Na-update : 2021-07-31 Magbasa pa