Home / History / Memories of the Past [COMPLETED] / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of Memories of the Past [COMPLETED]: Chapter 31 - Chapter 40

67 Chapters

Kabanata XXXI: Ang Sermon

Bilang pambungad binigkas ni Padre Ignacio ang sumusunod na salita mula sa Aklat ni Esdras; "At iginawad mo sa kanila ang iyong mahiwagang diwa para palaganapin mo sa kanila ang pangangaral at doon mo binawi ang salita ssa kanilang bibig at binigyan ng tubig upang mapawi ang kanilang uhaw."Hanga sina Padre Pedro at Padre Martin sa pambungad na sermon ni Padre Ignacio. Ang unang bahagi ng sermon ay Kastila at ang huli'y sa Tagalog.Ipinagpatuloy ni Padre Ignacio ang sermon, "Kagalang-galang na Alkalde, kabanal-banalang mga pari, mga Kristyano, mga kapatid kay Cristo." Sandaling tumigil at nang pansinin na ang kapaligiran ay nagpatuloy, itinuro ang pinto at dagliang isinara ng mga sakristan sa pag-aakalang iyon ang ipinahihiwatig ni Padre Ignacio.Ang alperes na nasa loob ng simbahan noon ay alumpihit, lalabas ba siya o hindi? Sa sermon ni Padre Ignacio ay inakala ng alperes na siya ang pinaparinggan. Nakaturo ang kamay ni Padre Ignacio sa kinaroroon
last updateLast Updated : 2021-07-28
Read more

Kabanata XXXII: Ang Panghugos

Isang lalaking may madilaw na kutis ang tumupad sa kanyang salita. Isang di pangkaraniwang makinarya o panghugos ang kanyang itinayo. Ito'y gagamitin sa pagbababa ng malaking tipak ng batong buhay bilang hudyat ng paglalagay ng unang bato sa ipinatatayong paaralan. Hindi karaniwang panghugos lamang na may kalo sa dulo ang ginawa ng taong ito tulad ng sinabi ng foreman na si Juan. Lumikha siya ng isang kahanga-hangang makinarya.Iyon ay may taas na higit sa walong metro. Sinusuportahan ito ng apat na malalaking troso na pinagkabit-kabit sa tuktok sa pamamagitan ng mga malalaking pako. Bawat gilid ng makinarya ay may malalaki at matitibay na kable o lubid. Sa dulo ng mga malalaking kable ay nakabitin ang malaki't napakabigat na batong buhay na may uka sa gitna upang siyang maging pang-ibabaw na isa pang may ukang bato na naihugos na sa hukay. Sa guwang na ito, ilalagay ang isang kahang kristal na paglalagyan ng mga kasulatan, ng mga pahayagan, mga medalya, salapi, ginto at iba
last updateLast Updated : 2021-07-28
Read more

Kabanata XXXIII: Kalayaan ng Isip

Hindi pa halos nakakapag bihis si Francisco ng lumapit ang kanyang utusan at sinabing may isang taong mukhang magbubukid na naghahanap sa kanya.Sa pagakala ni Francisco na ito ay kanyang manggagawa, kaya iniutos niyang pag hintayin ito sa kanyang aklatan at laboratoryo. Ngunit laking gulat niya pagkat kaharap niya ay ang mahiwagang si Claudio."Kayo ang nagligtas sa aking buhay," ang bati ni Claudio na parang nahuhulaan ang sasabihin ni Francisco. "Hindi pa ako nakakaganti ng utang na loob sa inyo." "Wala kayong dapat ipagpasalamat sa akin." "Pumunta ako rito para muling makiutang na loob." "Magsalita kayo," sagot ni Francisco na nagugulat dahil sa kapormalan ng anyo ng magbubukid. "Sakaling mag-usig ang makapangyarihan, mangyari lamang na huwag babanggitin ang naibulong ko sa inyo sa simbahan.""Huwag kayong mabahala, bagamat alam kong kayo'y inuusig ngunit hindi ko kayo isusuplong," tugon ni Francisco."Tandaan po ninyo, hindi ito para sa
last updateLast Updated : 2021-07-28
Read more

Kabanata XXXIV: Ang Nangyari sa Tanghalian

Nakabalik ka agad si Francisco sa pinagdausan ng pagbabasbas. Isang marangyang pananghalian ang inihanda para sa mga panauhin na kilalang mga tao sa lipunan. Naroon at nakaupo sa magkabilang dulo si Francisco at ang alkalde. Nasa gawing kanan ni Francisco si Felicidad at nasa gawing kaliwa naman ang eskribano. Naroon sa magkabilang hanay sina Gobernador Gregorio, alperes, ang kapitan, mga prayle, mga kawani at ilang mga kadalagahan. Masaya at masigla ang lahat. Noon ay nangangalahati na ang tanghalian ng biglang dumating ang mensahero na may dalang telegrama kay Gobernador Gregorio. Binasa ni Gobernador Gregorio ang telegrama. Sumiglang bigla si Gobernador Gregorio at may pagmamalaking sinabi: "Mga ginoo, ang kanyang kamahalan ang Kapitan Heneral ay darating at sa aking bahay tutuloy." Pagkasabi niyon ay nagmamadaling umalis si Gobernador Gregorio at naiwan tuloy ang kanyang sumbrero. Samantalang nagkakatinginan ang nga prayle na malinaw na ang ibig sabihin: "Isang p
last updateLast Updated : 2021-07-28
Read more

Kabanata XXXVI: Suliranin

Patuloy ang pagluha ni Felicidad at di alintana ang pag-alo ng kanyang ali at ni Luningning. Ipinagbabawal ng kanyang ama ang pakikipag usap kay Francisco hanggang hindi pa ito inaalisan ng excomunion ng mga prayle.Samantalang abalang-abala naman si Gobernador Gregorio sa pag-aayos ng kanilang tahanan para maging marapat sa pagdating ng Kapitan Heneral ngunit siya naman ay ipinatatawag sa kumbento.Noon ay naghahalinhinan sa pag-alo si Tiya Flora at Luningning kay Felicidad. Upang maibsan ang nararamdaman ni Felicidad, sinabi ni Tiya Flora sa kanya na susulatan nila ang Santo Papa at maglilimos ng malaking halaga. Si Padre Ignacio ay nawalan lang ng malay at hindi siya namatay. "Huwag kang mag-alala," alo ni Luningning, "ako ang bahala para kayo ay magkausap ni Francisco."Bumalik kaagad sa bahay si Gobernador Gregorio. Napansin ni Tiya Flora ang kalungkutan ni Gobernador Gregorio. Si Gobernador Gregorio ay nanahimik, nagbubuntunghininga. Pinilit ni Tiya Flora
last updateLast Updated : 2021-07-28
Read more

Kabanata XXXVII: Ang Kapitan Heneral

Gustong makausap ng Kapitan Heneral si Francisco. "Napakagaan ng aking kalooban sa binatang iyon," ang sabi niya.  "Ipinahahanap na po siya, Kapitan Heneral. Nariyan po sa labas ang isang binatang taga-Maynila na humihingi ng pahintulot na kayo ay makausap. Ang sabi po namin na kayo ay walang panahon ngunit sinagot po niya kami na kayo ay laging may panahong magbigay ng katarungan." Napatakang bumaling ang Kapitan Heneral sa alkalde. "Kung hindi po ako nagkakamali," sabi nito ay "siya po ang binata na nakagalit ni Padre Ignacio sa sermon kaninang umaga. Gusto yata talagang guluhin ng prayleng iyon ang lalawigang ito sa pag-aakalang siya ang nag-uutos dito. Sige papasukin ang binatang iyan." Sa kabilang silid na kalapit ng bulwagang kinaroroonan ng Kapitan Heneral, naroon at naghihintay ang mga Kastilang kaumpok ng mga militar, may mga katungkulan sa bayan, mamamayan ng San Lorenzo at lahat ng mga prayle maliban kay Padre Ignacio. "Ipinagbibigay-a
last updateLast Updated : 2021-07-28
Read more

Kabanata XXXVIII: Ang Prusisyon

Gabi na. Ang mga parol ay nasisindihan na sa mga bintana. Ang ikaapat na prusisyon ay lumabas sa simbahan na sinabayan ng dupikal ng mga kampana at ng mga paputok.Mula kina Gobernador Gregorio, ang Kapitan Heneral ay nanaog at naglakad na kasama ang dalawa niyang kagawad, si Gobernador Gregorio, ang alperes, ang alkalde at si Francisco. Nasa unahan ang mga guwardiya sibil at makapangyarihan sa bayan. Sa tapat ng bahay ni Gobernador Gregorio ay may kubol na siyang pinagdarausan ng pagbigkas ng loa o kaya ay papuri sa kabunyian ng banal na pintakasi. Sa ganang kay Francisco, hindi naman niya gustong manood ng prusisyon. Walang mabuti sa kanya kung hindi ang maiwan sa bahay kasama si Felicidad at ang mga dalagang kaibigan nito. Ngunit matatanggihan ba niya ang Kapitan Heneral na sumama sa kanilang grupo? Wala siyang nagawa kung hindi ang libangin na lamang ang kanyang sarili at umasang makikita rin niya ang katipan sa dulaan. Ang prusisyon ay makikita
last updateLast Updated : 2021-07-29
Read more

Kabanata XXXIX: Doña Evelyn

Ang bahay ng alperes ay nakapinid habang dumaraan ang prusisyon. Si Doña Evelyn ay kilala bilang Paraluman ng Guwardiya Sibil. Ang hindi natin alam sa kanya ay kung napapansin din kaya niya ang nakamumuhing anyo ng kanyang noo na may mapipintog at malaking mga ugat na dinadaluyan ng di dugo kundi ng tika suka na mapait pa sa apdo. Na ito ay binagayan ng kulay talong na mga labi at tabakong nakasupalpal sa kanyang bibig. Ang maybahay ng Alperes o si Doña Evelyn ay nakaupo sa isang maluwang na silyang nakatunganga at mukhang inaantok. Ang kanyang kasuotan ay nakakainis tingnan.Hindi nagsimba ng umagang iyon si Doña Evelyn. Ito ay sa dahilang ayaw niyang lumabas ng bahay at magpakita sa tao. Pero ang totoong dahilan ay pinagbawalan siya ng alperes at ang pagbabawal na iyon ay may katumbas na mura. Ito ay may kasamang banta na sisipain siya kapag siya ay lumabas ng bahay. Ang totoo nito ay ikinahihiya niya ang kaniyang asawa. Idagdag pa na ang a
last updateLast Updated : 2021-07-29
Read more

Kabanata XL: Ang Karapatan at Ang Lakas

Noon ay mag-iikasampu na ng gabi. Ngunit meron pa rin ang manaka-nakang putok ng kuwitis. Sa kaitaasan ay makikita ang mga lobong papel na may maningning na kulay. Ito ang pinataas sa pamamagitan ng asoge. Subalit ang mga ilaw ay nasindihan. Mga pailaw na may sarisaring hugis at laki. Ito ay may hugis gulong ng sasakyan, may hugis ng bahay may parang kalabaw, may parang kastilyo at may parang malalaking bituin at araw. Talaga namang naglustay ng salapi ang San Lorenzo.  Matapos ang putukan. Humugos ang mga tao sa liwasan upang dumalo sa pagtatanghal ng dula. Dito ay may sinususuhang luses de Bengala. Ito ang nagbibigay ng isang kagila-gilalas na kariktan sa masasayang grupo ng mga tao. Malaki ang entablado, nagliliwanag gawa ng libu-libong mga ilaw na nakapaligid at buhay na nakasabit sa bubong at nakaungos sa lupa. Ang orchestra ay nasa harap ng entablado. Na paminsan-minsang nagpaparinig ng mga simulang tugtugin. Sa likod naman nito'y nakaupo ang mga mayayaman
last updateLast Updated : 2021-07-29
Read more

Kabanata XLI: Dalawang Panauhin

Hindi dalawin ng antok si Francisco. Balisa siya. Minabuti niya na pumasok sa kanyang gabinete. Gusto niyang malibang at maiwaksi ang malungkot na pangyayaring naganap sa buong magdamag. Pumasok ang utusan at ipinababatid sa binata ang pagdating ng isang tagabukid. "Patuluyin mo," ang sagot ni Francisco na hindi man lamang lumingon. Tumuloy si Claudio at nanatili sa pagkakatayong di umimik. Parang nagulat si Francisco nang mapansin si Claudio. "Ipagpaumanhin po ninyong pinaghihintay ko kayo. Mayroon po akong mahalagang ginagawang pagsubok.""Hindi ko po sana gustong kayo'y gambalain," sagot ng piloto. "Ngunit nagsadya po ako rito, una baka may ipagbibilin kayo sa lalawigan ng Batangas pagkat pupunta ako roon at ang pangalawa ay ipaalam ko sa inyo ang isang masamang balita." Tinitigan siya ni Francisco. "Si Felicidad po ay may sakit." "Anong sakit niya?" "Nilalagnat po, pero huwag kayong mabahala,  hindi po naman malubha ang kanyang sakit.""Maraming s
last updateLast Updated : 2021-07-29
Read more
PREV
1234567
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status