Hindi dalawin ng antok si Francisco. Balisa siya. Minabuti niya na pumasok sa kanyang gabinete. Gusto niyang malibang at maiwaksi ang malungkot na pangyayaring naganap sa buong magdamag.
Pumasok ang utusan at ipinababatid sa binata ang pagdating ng isang tagabukid. "Patuluyin mo," ang sagot ni Francisco na hindi man lamang lumingon. Tumuloy si Claudio at nanatili sa pagkakatayong di umimik. Parang nagulat si Francisco nang mapansin si Claudio. "Ipagpaumanhin po ninyong pinaghihintay ko kayo. Mayroon po akong mahalagang ginagawang pagsubok."
"Hindi ko po sana gustong kayo'y gambalain," sagot ng piloto. "Ngunit nagsadya po ako rito, una baka may ipagbibilin kayo sa lalawigan ng Batangas pagkat pupunta ako roon at ang pangalawa ay ipaalam ko sa inyo ang isang masamang balita." Tinitigan siya ni Francisco. "Si Felicidad po ay may sakit." "Anong sakit niya?" "Nilalagnat po, pero huwag kayong mabahala, hindi po naman malubha ang kanyang sakit."
"Maraming s
Naghahari ang kalungkutan sa bahay ni Gobernador Gregorio dahil sa pagkakasakit ni Felicidad. Nakapinid ang mga durungawan, nakatiyad kung lumakad ang mga tao at sa kusina lamang maaaring makapag-usap nang malakas.Si Gobernador Gregorio at Tiya Flora ay nag-uusap. Ang paksa ng kanilang usapan ay tungkol sa Krus ng Tunasan at sa Krus ng Matahong at kung ano ang mas mapaghimala. Ang Krus ng Tunasan ay lumalaki datapwat ang Krus ng Matahong ay nagpapawis. Ang lahat ay nagpapawis at kaya mas mainam ang lumalaki, ang dahilan ni Tiya Flora.Tumango-tango si Gobernador Gregorio pero hindi kumbinsido sa sinabi ng pinsan. Tanong ni Gobernador Gregorio, "Nakakita ka ba ng kahoy na ginawa ng paa ng bangko na nagpawis. Kaya nga mabuti siguro para sa madaling paggaling ni Felicidad ay maglimos tayo sa dalawang krus at baka mag hinanakit pa sa kanila ang isa." Bigla siya ang may naalaala dapat nga palang iayos ang silid ng dalaga sapagkat darating ang manggagamot at may kasam
Walang pinansing sinuman si Padre Ignacio. Siya ay tuloy-tuloy na pumasok sa silid ni Felicidad. Nilapitan niya ang may sakit na dalaga. Halos maiyak si Padre Ignacio, basag ang tinig niya. "F-Felicidad, anak ko! Hindi ka mamamatay."Marahang iminulat ni Felicidad ang mga mata. Tiningnan nito si Padre Ignacio ng may pagtataka. Lalong tumingkad ang lungkot at kaba sa mukha ng Franciscano. Gayon man ang mga taong naroroon ay naging saksi sa tagpong iyon. Kilala nila ang katigasan ng damdamin ng paring ito. Alam nila ang pagkawalang-puso nito. Ngunit ngayon ay nangingilid ang luha sa mga mata. Sa wari'y hindi matagalan ang tinitimping damdamin at tumalikod si Padre Ignacio. Doon niya ibinukas ang lahat ng kanyang sama ng loob. Siya ay napaiyak. Lubhang napamahal sa kanya ang kanyang inaanak, iyon ang naisip na dahilan ng lahat.Nang medyo nahimasmasan na ang kanyang loob ay magalang na lumapit sa kanya si Doña Beatrice. Gusto niyang ipakilala si Lucas. Tiningnan ni
Nangumpisal si Felicidad. Ngunit hindi yata nakabuti ang ginawa niyang pangungumpisal dahila ang talaga ay mukhang nabinat. Lumulubha ang sakit ng dalaga at sa gitna ng kanyang pagkahibang ay wala siyang nasasambit kung hindi ang pangalan ng kanyang ina bagamat hindi niya ito nakilala. Naroon at nakabantay sa kanya ang kanyang mga kaibigang babae, ang kanyang ama at si Tiya Flora. Si Gobernador Gregorio ay nakahandang magpamisa at maglimos sa mga napaghimalang santo. Nangako rin itong mag-aalay ng isang bastong ginto sa Birhen sa Antipolo. Ang lagnat ng dalaga ay unti-unti nang bumaba.Samantala si William de España ay namangha sa bisa ng jarabe de altea at ng dinalisay na liquen. Sa isang di ako si Doña Beatrice ay nasisiyahang labis sa asawa.Kaya nang matapakan nito ang kola ng kanyang bata ay di niya hinablot ang pustisong ngipin. Nagkasya na lamang siya ng pagsasabing: "Palibhasa'y pilay ka!"Si Gobernador Gregorio at ang pamilya ni Do&n
Ang liwanag ng buwan ay malamlam. Masisinsin at mayayabong ang sanga ng mga punong kahoy. Ngunit may isang lalaki na banayad at mahinahong lumalakad sa kagubatan. Sa kabila ng maraming sagabal ay nakarating din siya sa isang maliit na puwang na naliliwanagan ng buwan na noon ay bago pa lamang lumalaki. Dito ay may matatayog na batong buhay na sa tuktok ay tinutubuan ng mga kahoy ang nakapaligid sa naturang pook.Sa wakas dumating din ang naturang lalaki. Biglang lumitaw ang isang lalaki buhat sa likod ng isang malaking batong buhay. Sabay hugot sa rebolber. "Sino ka?" Ang marahas na tanong ng lalaking nagkakasa ng sandatang hawak-hawak. "Kasamahan ba ninyo ang si Kapitan Pablo?" Ang tanong ng lalaki na di pinansin at ikinatakot ang gayong pagsino. "Si Kapitan Pablo ba ang iyong tinutukoy? Oo narito siya." "Maaari po bang pakisabi sa kanya na hinahanap siya ni Claudio," ang sabi ng lalaki, ang mahiwagang piloto."Kayo po ba si Claudio?" ang my paggalang na tanong
Ang araw ng Linggo ay pangilin. Ang mga tao ay karaniwang nagsasadya sa sabungan sa Pilipinas. Samantalang sa España ay nagsasadya naman sa palaro ng mga toro. Ang larong sabong ay may isandaang taon na ngayong dinala sa lupaing ito. Ito'y pinaunlad upang pagkakitaan. Ito ay isa sa masamang hilig ng bayan na lalong masidhi kaysa paghitit ng apyan ng mga Intsik. Ang paglalaro ng sabong ay hindi naman ipinagbawal ng pamahalaan ngunit sila ay pinagbilinan na magsadya sa sabungan upang hanapin ang ilang kakilala.Ang sabungan sa San Lorenzo ay walang iniwan sa mga sabungang nasa ibang bayan. Ito ay nahahati sa tatlong bahagi. Ang una ay ang pasukan. Ito ay may laki o sukat na dalawampung metro ang luwang. Sa isang panig nito ay may isang pinto at may isang babaeng naniningil sa pasukan. Ang isang bahagi ng pinagtipunan ng madla bago magtuloy sa pagdarausan ng sultada ay kilala sa tawag na ulutan. Dito ay makikita ang manok na tinali. Sa kabilang dako ang mga tahur, ang mga
Habang inilalaban ni Gobernador Gregorio ang kanyang lasak, si Doña Beatrice naman ay namamasyal sa bayan na ang layunin ay masdan kung paano namamahay at nagsasaka ang mga tamad na Indio. Panay ang pintas ni Doña Beatrice sa mga bahay ng mga Indio. "Hindi ko malaman kung paano sila nabubuhay dito? Kailangan ngang maging Indio. Mga walang pinag-aralan at mapagmalaki pa. Biruin mo nakakasalubong natin ay di man lamang nagpupugay." Iniutos ni Doña Beatrice sa asawa na paluin ang mga ito ng sumbrero at turuan ng urbanidad. Ngunit baka daw siya ay gantihan. Nagalit si Doña Beatrice sa asawa.Dumaan sila sa harap ng bahay ng alperes. Noon ay nakadungaw sa bintana si Doña Evelyn. Tulad ng kanyang nakagawian, siya'y nakapranela at nakatabako. Dahil mababa ang bahay kaya't nagkatinginan kaagad ang dalawang babae. Tinignan ni Doña Beatrice mula sa ulo hanggang sa paa si Doña Evelyn at matapos ngusuan ay dumura at lumingon sa kabila. Hin
Katulad ng sinabi ni Lucas, si Francisco ay dumating kinabukasan. Una niyang dinalaw ay ang tahanan ni Gobernador Gregorio upang kanyang makita si Felicidad at maibalita na hindi na siya excomunicado. Lubhang ikinagalak ni Tiya Flora ang balita sapagkat sadyang kinagigiliwan niya si Francisco at ayaw niya na makasal si Felicidad kay Lucas. Si Gobernador Gregorio ay wala noon sa bahay. Pinatuloy ni Tiya Flora si Francisco Alonzo at tinawag niya si Felicidad para ibalita nito na si Francisco ay hindi na excomunicado.Subalit si Francisco ay nagulat sa kanyang nakita. Noo'y nakita niya si Lucas na kalapit ni Felicidad sa balkon at nag-aayos ng punpon ng mga bulaklak at dahon ng mga baging samantalang sa lapag ay nagkalat ang mga rosas at sampaga. Si Felicidad ay namutla. Ito ay napasandig sa silyon at nilaro ang isang abanikong garing.Pagkakita ni Lucas kay Francisco ay namutla ito at pinamulaan naman ng pisngi si Felicidad. Gusto sanang tumayo ng dalaga ngunit dahil sa
Hindi pa lumulubog ang araw, si Francisco ay sakay na sa bangka ni Claudio na nasa baybayin ng lawa. Medyo ang binata ay di yata nasisiyahan."Ipagpaumanhin po ninyo ang aking kapangahasan na makipagtipan sa inyo. Ninais ko po kayong makausap ng sarilinan. Dito ay walang gagambala sa atin sa loob ng isang oras tayo ay makakabalik na.""Namamali kayo, kaibigang Claudio," ang sagot ni Francisco. "Kailangan ninyo akong maihatid sa bayang iyan na ang kampanaryo'y ating natatanaw dito. Sapagkat nakatagpo ko ang alperes na nagpupumilit na sumama sa akin. Dahil sa nalalaman ko na kayo ay kilala na niya kaya sinabi ko na ako ay pumunta sa ibang bayan.""Nagpapasalamat po ako sa inyong pag-aalala, subalit sana ay inyo na siyang inanyayahan na kayo'y samahan," ang tugon ni Claudio. "Pero paano kayo?" "Ako po'y hindi niya makikilala. Sapagkat sa minsang pagkakita sa akin ay di niya matatandaan ang aking pagmumukha.""Ano po ba ang sasabihin ninyo sa akin?" Tum
Si Francisco ay isang binatang Pilipino na nag-aral nang walong taon sa Paris at nagbalik sa San Lorenzo.Si Gobernador Gregorio ay naghandog ng isang hapunan sa pagdating ni Francisco Alonzo. Subalitay pangyayaring hindi inaasahan. Si Francisco makalawang beses na hinamak ni Padre Ignacio isang Franciscanong pari na naging kura ng San Lorenzo. Ang binata ay humingi ng paumanhin. Siya ay nagpaalam pagkat may mahalaga raw siyang pupuntahan.Si Francisco Alonzo ay katipan ni Felicidad de Quintos, isang kabigha-bighaning binibini, na sa kagandahan at mga katangian ay ginawang sagisag ng Inang Bayan. Si Felicidad ay anak sa turing ni Gobernador Gregorio, isa sa mayaman sa San Lorenzo maka-prayle at mapang-api sa mahihirap.Kinabukasan, panauhin ni Gobernador Gregorio sa kanyang tahanan si Francisco Alonzo. Sa pag-uusap ni Felicidad at Francisco ay muling nanariwa ang dalisay na pagmamahalang umusbong mula sa kanilang kamusmusan. Binasa noon ni Felicidad ang su
Magkikita ulit tayo pagdating ng ika-dalawampung taon mula ngayon. -Francisco This is work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious unless otherwise stated, any resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental. All rights reserved. No part of this story maybe, reproduced, distributed, transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author. AUTHOR'S NOTE: Maraming salamat sa pagbabasa at pagsuporta ng aking istorya hindi ko ito makalilimutan. Maraming salamat sa taong nagpasok sa akin dito natulungan mo ako ng malaki mabuhay ka pa sana ng matagal, maraming salamat.
San LorenzoKalye Pilipo, Santo RosarioIka-31 ng Disyembre 1945Felicidad de Quintos y FloresKalye Burgos, Santa ClaraSan LorenzoMinamahal kong Francisco, Lubos akong nagagalak ng mabalitaan kong ikaw ay nakaligtas ngunit labis ang aking hinagpis ng malaman kong ika'y hindi na muling babalik pa sa lugar kung saan ang ating pag-iibigan ay nagsimula. Naaalala mo pa ba noong tayo'y mga musmos pa lamang lagi tayong nasa pampang ng Ilog ng Pag-ibig nagkukwentuhan sa ilalim ng matandang puno kung saan nakaukit ang ating mga pangalan, kung saan doon nanumpa sa pagdating ng tamang panahon tayo ay maikakasal at magkakaroon ng malulusog na supling. Ngunit sadyang malupit ang tadhana ang minsang pag-iibigan ay naudlot ng dahil lamang sa pagkakagalit mo at ng aking tunay na ama na si Padre Ignacio, siguro'y hindi mo na nabalitaan ang nangyari sa aking
This is work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious unless otherwise stated, any resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental.All rights reserved. No part of this story maybe, reproduced, distributed, transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author.Ang nobelang Mga Alaala Ng Nakaraan ay nauukol sa sosyo-politikal at pangkasaysayang realidad ng lipunan. Ang nobelang ito ay binubuo ng 63 kabanata na tumatalakay sa mga kaganapan noong panahon ng Kastila.MGA TAUHANI. Angkan ni Francisco Alonzo y MontevalloFrancisco AlonzoDon Lorenzo AlonzoDon Arthuro AlonzoII. Angkan ni Felicidad De Quintos y FloresFelicidad De QuintosGob. Gregorio De QuintosAmelia FloresTiya FloraIII. Mga
Pumasok sa kumbento si Felicidad. Iniwan na ni Padre Ignacio ang bayang kinaroroonan niya upang sa Maynila na manirahan. Si Padre Pedro ay nasa Maynila na rin. Samantalang naghihintay siyang maging obispo ay manakanakang nagsesermon sa simbahan ng Santa Clara at sa kumbento naman niti ay may mahalagang tungkulin. Di nagtagal si Padre Ignacio ay tumanggap ng isang kautusan ng Padre Provincial upang maging kura sa isang napakalayong lalawigan. Napabalitang dinamdam niya nang gayon kaya't kinabukasan ay natagpuan ang paring ito na patay na sa kanyang hihigan. May mga nagsasabi na namatay sa sakit na apoplegia, ang iba nama'y sa bangungot, ngunit ayon sa medikong tumingin, biglaan ang pagkamatay ng pari.Walang sinuman sa mga mambabasa ang ngayon ay nakakakilala kay Gobernador Gregorio. Ilang linggo bago suutan ng abiti si Felicidad para magmongha ay nakaramdam ng isang panlulumo na pinagmulan ng unti-unti niyang pamamayat. Siya ay naging malungkutin at mapag-isip. Noon ay katata
Sa itaas ng bundok sa tabi mg isang ilug-ilugan ay may nakakubli sa kakahuyan. Ito ay may isang dampa na yari sa mga balu-baluktot na punongkahoy. Dito ay may naninirahan na isang mag-anak na Tagalog na ang ikinabubuhay ay ang pangangaso at pangangahoy. Sa ilalim ng puno ang nunong lalaki ay nagtitistis ng dahon ng niyog na gagawing walis. Isang dalaga naman ang naglagay ng isang bakol ng mga itlog ng manok, dayap at mga gulay. Dalawang batang lalaki at babae ang magkasamang naglalaro sa tabi ng isang batang maputla, malungkot at may malalaking mga mata.Si Manuel na may sugat sa paa ay hirap na hirap na tumindig at lumapit sa matanda. "Ingkong, mahigit isang buwan na po ba akong maysakit?" "Mula ng matagpuan ka naming walang malay ay dalawang beses nang bumilog ang buwan. Ang akala nga namin noon ay patay ka na.""Gantihan nawa kayo ng Diyos!" Kami po ay mahirap lamang," ang naisagot ni Manuel. "Subalit ngayon po ay Pasko, ibig ko po sanang umuwi sa bayan upang
Ang mga nakikitang regalo ni Felicidad ay walang halaga't kabuluhan, maging ang mga brilyante at mga burdadong pinya at sutla. Nakatingin sa pahayagan ang dalaga ngunit walang makita ni mabasa kaya. Bagama't may mga nagbabalita ng pagkamatay ni Francisco na nalunod sa lawa.Nang biglang nakaramdam siya noong na may dalawang palad na tumakip sa kanyang mga mata. Isang masayang tinig ang kanyang narinig, "Sino ako, sino ako? Natakot ka, ano? Dahil ba sa hindi mo inaasahan ng aking pagdating? Ako ay galing sa lalawigan upang makita ka at ang kasal mo," ang sabi ni Padre Ignacio. Nilapitan niya ang dalaga at iniabot ang kamay upang hagkan. Yumuko si Felicidad at nanginginig na hinagkan ang kamay ng pari. "Bakit ka nanlalamig, namumutla --- may sakit ka ba, anak?" Magiliw niyang kinabig ang dalaga at hinawakan ang dalawang kamay nito. "Wala ka na bang tiwala sa iyong inaama?" ang tanong ni Padre Ignacio. "Sige, maupo ka at sabihin mo sa akin ang problema mo tulad noong ginagawa mo
"Ginoo, pakinggan po ninyo ang panukalang naisip ko," ang sabi ni Claudio samantalang sila'y magtutungo sa San Gabriel. "Kayo'y aking itatago sa aking kaibigan. Dadalhin ko sa inyo ang lahat ng inyong kuwalta na aking iniligtas at itinago sa puno ng balite sa libingan ng inyong Inkong at tumungo na kayo sa inyong lupain." "Ako, patutungo sa ibang lupain?" ang sagot ni Francisco."Upang kayo'y makapamuhay nang tahimik sa panahong natitira sa inyong buhay. Kayo'y may mga kaibigan sa España, mayaman at maaari ninyong lakarin na kayo'y mapatawad sa pagkabilanggo. Ang ibang lupain, sa ganang akin, ay lalong mabuti kaysa ating sarili bayan."Tumahimik si Francisco,waring nag-iisip. Sila ay dumarating sa Ilog ng Pag-ibig at ang bangka ay nagsisimulang sumalunga sa agos. Sa tulay ng España ay may kabayuhang nagpapatakbo samantalang naririnig noon ang mahahaba ay matutunog na paswit."Claudio ang inyong kasawian ay nagbuhat sa aking kaanak. Ang buhay
Tuwang-tuwa si Gobernador Gregorio. Pagkat wala ni sino mang nakialam sa kanya sa buong maghapong kakila-kilabot. Hindi siya dinakip at hindi rin siya ikinulong. Ngunit nang bumalik si Kapitan Tinong sa kanyang bahay ay may sakit, namumutla at namamanas. Hindi nakabuti sa kanya ang paglalakbay. Hindi siya kumikibo di bumabati sa kanyang pamilyang umiiyak, tumatawa, nagsasalita at nababaliw sa kagalakan. Ngunit ni ang pinsang si Primitivo at ang lahat ng karunungan nito ay walang magawa para siya'y mapakibo. "Crede prime" ang sabi sa kanya. "Kung hindi ko nasunog ang lahat ng kasulatan ay nabitay ka na sana."Ang sinapit ni Kapitan Tinong ay kabaligtaran naman sa sinapit ni Gobernador Gregorio. Ayon kay Gobernador Gregorio, ito ay maaaring himala ng Mahal na Birhen ng Antipolo. "Ito marahil ay sa tulong na rin ng aking nga magulang at ng aking magiging manugang na si Lucas de España."Ang bulung-bulungan si Francisco ay bibitayin na. Bagamat may mga katibayan upa