Patuloy ang pagsungit ng panahon, bubuhos ang malakas na ulan at sinasabayan ng matinding kulog at kidlat. Sa kabila nito, patuloy ang tunog ng batingaw, parang dumaraing ang tunog ng kampanaryo. Ang dalawang batang nakasalubong ni Don Julio ay nasa ikalawang palapag ng kampanaryo. Magkatabing nakaupo at kapwa hawak ang lubid na ang dulo ay nakatali sa batingaw na nasa ikatlong palapag. Gulanit ang kanilang damit, larawan ng karalitaan. Ang matanda ay si Manuel at ang nakababata ay si Miguel. "Batakin mo ang lubid mo, Miguel," utos ni Manuel. "Natatakot ako kuya. Kung nasa bahay tayo hindi ako matatakot," sinabi ni Miguel. "Sa atin, hindi ako mapagbibintangang magnanakaw. Hindi papayag ang nanay, kung malalamang ako'y pinalo nila!" Dugtong pa ni Miguel, "Sana magkasakit ako para maalagaan ako ng nanay at hindi na makabalik sa kumbento at hindi nila ako mapalo, sana pati ikaw kuya, sabay na tayong magkasakit." "Wag, Mi
Last Updated : 2021-07-27 Read more