The Life Of Zoelle Mori

The Life Of Zoelle Mori

last updateHuling Na-update : 2021-12-03
By:  CL Ariones  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel12goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
14Mga Kabanata
1.6Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Suffering from memory loss, a young, innocent girl has to live a life that seems too much for her with her ten younger brothers. *** After an abduction incident, the multi-billionaire's daughter, Zoelle Mori was found alive but has lost all of her memory due to head trauma and excessive stress. To get back on track, she has to know what kind of person she used to be be; become sophisticated, firm, and staid; lastly, reside in a mansion with ten disunited, terrible younger brothers. Will she be able to relive the life of Zoelle Mori?

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

Prologue

Malinaw pa sa alaala ng lahat ang araw na 'yon. Kung kailan ang bawat sulok ng Mori's Residence, mula labas hanggang loob, ay puno ng dekorasyon na mga magagarbong pailaw, kandila at bulaklak. Hindi mabilang ang dami ng lamesa at upuang nakaayos sa malawak na bakuran. May higanteng screen, speaker at sound system pa ang naka-set-up. Kayang bumusog ng daan-daang katao ang handang pagkain. Magmula sa matatamis na desserts hanggang sa sari-saring putahe at inumin. Ni hindi nakitang nagpahinga noong araw na 'yon ang mga kasambahay ng mansion sa sobrang pagkaabala. Imbitado rin ang bawat kamag-anak at kaibigan ng pamilyang Mori. Napuno ang garahe ng makikintab na kotse. Suot nilang sampung magkakapatid ang sukat na dark brown suit na p

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
14 Kabanata

Prologue

Malinaw pa sa alaala ng lahat ang araw na 'yon. Kung kailan ang bawat sulok ng Mori's Residence, mula labas hanggang loob, ay puno ng dekorasyon na mga magagarbong pailaw, kandila at bulaklak. Hindi mabilang ang dami ng lamesa at upuang nakaayos sa malawak na bakuran. May higanteng screen, speaker at sound system pa ang naka-set-up. Kayang bumusog ng daan-daang katao ang handang pagkain. Magmula sa matatamis na desserts hanggang sa sari-saring putahe at inumin. Ni hindi nakitang nagpahinga noong araw na 'yon ang mga kasambahay ng mansion sa sobrang pagkaabala. Imbitado rin ang bawat kamag-anak at kaibigan ng pamilyang Mori. Napuno ang garahe ng makikintab na kotse. Suot nilang sampung magkakapatid ang sukat na dark brown suit na p
Magbasa pa

Episode 1: Blurry Memory

EPISODE 1   Ang pangalan niya ay Zoelle Erika Rose. 18 years old. Unica hija ng pamilyang Mori. Si Ezekiel Romano Mori ang kanyang ama, at si Amanda Mori naman ang tumatayo niyang ina. Siya ang ate sa sampung lalaking kapatid. O at least, 'yon ang sabi nila. Hindi niya alam. Wala siyang alam. Nagising siyang nakahiga sa isang kama. Unang bumungad sa mga mata niya ang puting kisame. Ilang segundo pa bago niya maramdaman at mapansin ang mga swero at kableng nakakabit sa kanya. Panay ang pag-beep ng makina sa kanyang tabi-- tanging tunog na maririnig sa apat na sulok ng silid na amoy disinfectant alcohol. Sinubukan niyang igala
Magbasa pa

Episode 2: The Mansion

EPISODE 2   "Narinig mo ba 'yon, Ma'am Zoelle? Makakalabas na raw tayo!" masayang wika ni Manang Herminia. Biglang napawi ang ngiti nito sa labi nang lingunin si Zoelle. "Hindi ka ba na-e-excite? Mas komportable ang kwarto mo sa mansion. Mas masarap din ang lutong pagkain. At higit sa lahat, makikita mo na ulit ang mga kapatid mo." "A-Ah..." Tumango-tango siya at kahit papaano ay nagawang makangiti. Hindi alam ni Zoelle kung gaano siya pwedeng magtiwala na magiging maayos din ang lahat, ngunit sa positibong mukha ni Manang Herminia, umasa siya sa maliwanag na bukas.
Magbasa pa

Episode 3: One Big Happy Family

EPISODE 3   Nakakapanlamig ang boses ng kanilang Papa. Balewala lang ito kay Forrester. Mas lalong lumawak pa ang ngisi nito habang tumatango-tango. "Oh, she lost her memories. I almost forgot. Thanks for the reminder, Papa." "Why not instead of showcasing your attitude, you just introduce yourself to your sister?" sabad ulit ni Amanda. "Introduce myself to my very own sister. Fun!" sarkastikong sagot nito. "All of you. Just tell your names to Erika, that's it. She doesn't know what to call us," utos ni Amanda. Nilingon nito ang lalaki sa tabi at tinanguan ito.
Magbasa pa

Episode 4: Picture-Perfect

EPISODE 4   Tatlong katok sa pinto ang nagpabangon kay Zoelle sa higaan. Gabi na at kanina pa sila nakapag-hapunan. Umalis na rin kanina ang mga magulang niya at alam niyang may kanya-kanya naman silang kwarto magkakapatid. Sino naman kaya ang kumakatok sa kanyang pintuan? Bumungad sa kanya ang nakangiting si Timothy pagkabukas. "A-Ano 'yon?" tanong niya. "Anong ginagawa mo rito?" Tipid siyang ngumiti. Pinakita nito ang hawak na dalawang kulay lilang kandila. Pabilog at maliit lang. "Your scented candles," sagot ni Timothy. "You used to light them befor
Magbasa pa

Episode 5: Doors To Open

EPISODE 5       Pagkatapos ni Zoelle mag-shower, sinimulan na agad nila ni Timothy ang house tour ng sarili nilang bahay. Unang nitong ipinamilyar ang malawak na kusina. May mga maids doon na nagluluto na ng tanghalian kaya sila ang unang nakatikim ng ulam. Kumpleto ang mga gamit, appliances, condiments, hanggang sa knife set. Ganoon rin ang salas na pinaghalong tradisyunal at modernong istilo. At ang palikuran na may sauna, steam room at jacuzzi. Sunod ay ang entertainment room na may malapad na TV screen at naglalakihang speakers. Espesyal ang mga upuan dito at may isang billiard table sa liku
Magbasa pa

Episode 6: First Day of School

EPISODE 6   Anong kinaibahan ng bahay sa ospital kung itinuturing pa rin si Zoelle na pasyente? 'Yon ang tanong niya sa isip sa loob ng isang linggong pamamalagi sa mansion. Gumigising siya nang may naka-prepare nang breakfast at tatawagin na lang bago kumain ng tanghalian. Matutulog sa hapon at kakain ulit ng meryenda. Aaliwin niya ang sarili bago ang hapunan. Pagkatapos n'on, matutulog na lang at uulit na naman ang lahat kinabukasan. Tumulong siya sa mga maids sa pagwawalis, pag-va-vacuum at pagligpit ng pinagkainan noong isang araw para magkaroon siya ng silbi, pero sinabihan siya ni Manang Herminia ipaubaya na lang sa kanila ang trabaho nila. So she tried other hobbies. Nagbasa siya
Magbasa pa

Episode 7: A Victim's Cry

EPISODE 7 “Fifteen over fifty.”Kinagat ni Zoelle ang pang-ibabang labi habang nakatingin sa kanyang test paper. Ni hindi man lang siya nangalahati sa singkwenta. At hindi lang iisa ang mababa niyang score. Lahat ay bagsak.Wala siyang ganang ipinasok ang test paper sa loob ng kanyang bag.“Miss Zoelle, please come with me to the office,” wika ni Sir Alfred.Alam na niya kung ano ang mangyayari. Alam na niya kung bakit siya pinapatawag. Sumunod siya sa adviser patungong faculty room. Umupo ito sa kanyang upuan, hawak-hawak ang ilalim ng baba.“I’ve received reports from your teachers regarding your grades,” panimula ng guro. “You used to ace
Magbasa pa

Episode 8: I Wish To Be You

EPISODE 8 Dumiretso si Stephen sa kwarto nito pagkarating sa bahay.Hindi na ito sumabay sa hapunan o pinagbuksan man lang ng pintuan ang kasambahay na naghatid ng pagkain.Gustong sanang magsalita ni Zoelle sa hapagkainan. Sasabihin niya sana kung ano ang nalaman niya tungkol kay Stephen. Marami siyang gustong itanong tungkol dito pero nanatili na lang siyang tahimik. Gusto muna niyang kamustahin si Stephen-- ito ang mas nangangailangan ng kausap.Pagkatapos niyang magmadaling kumain, umakyat agad siya at nagtungo sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Stephen.Huminga siya nang malalim."Stephen. . ." At kumatok nang tatlong beses.Wala siyang narinig kahit itinapat pa niya ang tenga sa pinto. Inulit niya ang pagkatok at pagtawag sa pangalan ng kapatid ngunit kahit sa paglipas ng ilang minuto ay walang nangyayari."Stephen, please, gusto ko lang sanang mag-usap tayo."Katahimikan lang ang sumag
Magbasa pa

Episode 9: A Deep Well

EPISODE 9 Umalis si Stephen sa silong ng payong ni Zoelle. Ikinabigla ito ng huli, pero wala siyang magawa kundi ang humabol lang sa mga yapak nito."Stephen," tawag pa niya. "Sandali lang naman."Palayo sila nang palayo sa mansion. Palakas nang palakas ang ulan. Patuloy ito sa paghakbang. Wala silang isang metrong pagitan, pero parang ang layo-layo na ng kanyang kapatid sa kanya.Hanggang sa mapagod si Zoelle. Tumigil siya sa kanyang pwesto at inipon ang lahat ng lakas ng loob para itanong ang katanungang gusto-gusto niyang malaman ang kasagutan."Ano ba'ng nangyari sa'yo at kaya ka nagkaganyan?"Napahinto si Stephen. Isang kulog ang tanong na 'yon sa pandinig nito. Hindi nito alam kung
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status