Home / YA/TEEN / The Life Of Zoelle Mori / Episode 1: Blurry Memory

Share

Episode 1: Blurry Memory

Author: CL Ariones
last update Huling Na-update: 2021-07-18 13:48:09

EPISODE 1

Ang pangalan niya ay Zoelle Erika Rose. 18 years old. Unica hija ng pamilyang Mori. Si Ezekiel Romano Mori ang kanyang ama, at si Amanda Mori naman ang tumatayo niyang ina. Siya ang ate sa sampung lalaking kapatid.

O at least, 'yon ang sabi nila. Hindi niya alam. Wala siyang alam.

Nagising siyang nakahiga sa isang kama. Unang bumungad sa mga mata niya ang puting kisame. Ilang segundo pa bago niya maramdaman at mapansin ang mga swero at kableng nakakabit sa kanya. Panay ang pag-beep ng makina sa kanyang tabi-- tanging tunog na maririnig sa apat na sulok ng silid na amoy disinfectant alcohol.

Sinubukan niyang igalaw ang katawan, o kahit ang labi lang, pero hindi niya magawa. Nagmistulan siyang isang sanggol na unang beses gumalaw, hindi marunong kontrolin ang mga buto, at walang lakas ang mga kalamnan.

Marami siyang hindi maintindihan.

Bakit siya nasa isang ospital? Paano siya napunta rito? Anong naging sakit niya? Nasaan ang ibang tao at bakit walang nagbabantay sa kaniya? Anong oras at petsa na?

Hindi kinaya ng bagong gising niyang isipan ang pagbaha ng mga katanungan. Sumakit ang ulo niya dahilan para ipikit niya muli ang mga mata.

Sa muling pagmulat niya, napalilibutan na siya ng mga tao. Lahat sila nakaputing coat, may mahaba at may maikli. May babae at lalaki. May nakasumbrerong puti at may mga hawak na gamit pang-ospital.

"This is a miracle," mabagal ngunit mariing wika ng isang ginang na sa tingin niya ay isang doktora.

Nanlalaki ang mga mata nito, maging ang mga katabi nitong nars na para bang napako sa kinatatayuan. Ang iba ay napaatras pa at napatakip ng kamay sa bibig.

"Finally, you're awake!" Lumapit sa kanya ang nanginginig na mga kamay ng doktora. Hinaplos siya nito sa balikat at nginitian. "Call her parents!"

Naguluhan siya. Bakit ang saya-saya nila na nagising siya? Anong himala ang tinutukoy nila?

Katulad kanina na hindi niya namalayan kung gaano katagal siyang napapikit, hindi niya ulit napansin ang oras.

Bigla na lamang bumukas ang pintuan ng silid. Pumasok ang isang humahangos na babaeng sopistikada. Kasunod nito ang isang may edad na lalaking maotoridad ang porma at postura maging sa paglalakad.

Nabigla siya nang hinawakan ng babae at isinapo sa pisngi ang likod ng palad niya. Maluha-luha ang mga matang tumingin ito diretso sa kanya.

"Rose..." Hindi niya sigurado kung binanggit ba nito ang pangalan niya. "God knows I waited so much for this day to happen," bulong nito sa pagitan ng paghikbi. "We waited for you. You made us worry so much, but thank you for not leaving us."

Hinaplos-haplos nito ang buhok niya bago dumapo ang labi sa kanyang noo. Napapikit siya sa ginawa nito. Pagkatapos, nagbigay-daan ang babae para sa kasama nitong lalaki.

"Do you recognize me, Erika?" tanong ng malalim nitong boses.

Ngayon naman ay iba ang tawag sa kanya. Mas lalo tuloy siyang nalito.

Tinitigan niya ang mukha ng lalaki at pilit inaalala kung sino ito. Blangko. Walang rumehistro sa kanyang isip.

"I am your father," sabi nito nang hindi siya makasagot.

Kung ito ang papa niya, hindi nalalayong ang humalik sa kanyang noo naman ang kanyang mama.

"It's alright if you still can't remember. What's important is you woke up from your comatose state."

Comatose. Ilang beses nag-echo 'yon sa pandinig niya. Nahimlay siya nang matagal. Kaya pala napakasaya nila para sa kanya. Kaya pala himala ang turing sa pag-gising niya.

Pero paano siya na-coma? Gaano katagal siyang nahimbing?

Pumintig ang ulo niya. Napangiwi siya sa kirot.

"Oh, God! Are you okay?"

Nag-aalalang humakbang palapit sa kanya ang Ina ngunit pinigilan ito ng kanyang Papa.

"She's probably confused, and everything might still be a blur to her. We shouldn't stress her more, Amanda."

Iniwas niya ang tingin. Nahihiya siya at nadidismaya sa sarili dahil tama ang kanyang Papa. Isa pa, nagsisimula na rin siyang matakot. Sa katotohanan. Sa pagkadismaya sa sarili. At sa mga bagay na hindi niya alam at nakalimutan.

Tinapik siya ng ama sa balikat.

"Don't pressure yourself, Erika. Things will be better and you'll be back to normal. Take your time to recover."

Wala siyang nasabing kahit isang salita man lang. Sa gilid ng mga mata niya, nakita niya ang huling pagkaway ni Amanda bago ang mga ito humakbang palabas ng pintuan. Nang maiwan na ulit siya mag-isa, huminga siya nang malalim para pakalmahin ang sarili.

Kung tatanungin siya kung ano ang pinaka-nakakatakot na naranasan niya, ang araw na ito ang kaniyang isasagot-- ang magising sa hindi pamilyar na lugar, napaglipasan ng panahon, at lahat ay hindi niya kilala, maging ang sarili niya.

Maliwanag ang buong silid ngunit sa paningin at pakiramdam niya, patay ang lahat ng ilaw.

***

"Retrograde amnesia," seryosong sabi ng doktor. "Nabura ang mga alaala mo ng nakaraan hanggang sa araw ng aksidente dahil sa sobrang stress at head trauma."

"Kailan po babalik ang alaala ko?" tanong niya sa doktor na kausap.

"Walang kasiguraduhan kung kailan. Posibleng bumalik nang paunti-unti, may chance rin na hindi na talaga."

Napayuko siya nang marinig ang huli nitong sinabi. "Alam niyo po ba kung anong klase at paano po ako naaksidente?"

Matagal bago siya nito harapin. "It is better kung maaalala mo ito on your own. I recommend na huwag mo munang i-recall ang traumatic event na 'yon. Discuss it with your family. Sa ngayon, mas mabuti kung babawi ka muna ng lakas para mas maaga kang ma-discharge. And don't stress about anything, ang pamilya mo na ang bahala sa'yo. Okay?"

Mabagal lang siyang tumango.

Habang nasa ospital siya, parang lumilipad sa bilis ang oras. Isang minuto, sinusuri siya ng mga doktor. Tapos nalilipat siya sa ibang pasilidad para i-test ang kalagayan niya. At sa kisap ng mga mata, nakahiga na ulit siya sa kanyang kama. Epekto yata ng pagod o treatments, o siguro nag-la-lag pa rin ang utak niya.

Ilang araw at gabi pa siyang namalagi sa ospital. Hindi na rin dumalaw pa ang nagpakilalang Papa at Mama niya. Isang katiwala na lang ang nagbabantay at umaasikaso sa kanya sa ospital.

"Goodmorning, Ma'am Zoelle. Ako po ang pinadala ni Sir Ezekiel na magbabantay po sa inyo. Kung hindi po niyo ako nakikilala, ako si Manang Herminia," pakilala ng payat na ginang pagpasok pa lang sa kwarto niya.

Tanging pagtango lang naisagot niya.

Kahit magdamag pa silang magkasama, bihira lang siya nitong kausapin. Tuwing kakain lang o may kailangan saka siya kikiboin ni Manang Herminia. Nahihiya man, pinilit ni Zoelle na magsimula ng usapan.

"M-Manang Herminia," tawag niya. "Ano po ba ang totoo kong pangalan?" Mas nahiya siya sa tanong kaya napayuko siya.

"Maganda ang pangalan mo. Zoelle Erika Rose. Bigay sa'yo 'yan ng namayapa mong ina."

Natigilan at naguluhan siya sa narinig. "Hindi ko po totoong mama si Amanda?"

"Siya ang pangalawang asawa ng Papa mo matapos mabyudo."

Pilit siyang napangiti.

Napansin ni Manang Herminia ang pagkabagot ni Zoelle maghapon kung kaya't isang araw, nagpadala ito ng mga libro mula sa bahay.

"Itong mga libro na ito ang palagi kong nakikitang binabasa niyo noon, ma'am. Hindi ko lang po alam kung ano ang pinaka-paborito niyo kaya pinadala ko po ang lahat."

Tinitigan niya ang patong ng mga makakapal na libro. "S-Salamat po."

Napilitan siyang basahin ang mga 'yon kaysa tumulala nang walang ginagawa. Narinig niya sa nars, nakakatulong daw sa memorya ang pagbabasa niya. 'Yon lang ang pinagkakaabalahan niya hanggang sa muling dumating ang doktora kahapon.

Nakangiti ito matapos basahin ang results ng examinations at monitoring niya.

"You are ready to be discharged tomorrow, Ms. Zoelle!"

Kaugnay na kabanata

  • The Life Of Zoelle Mori   Episode 2: The Mansion

    EPISODE 2 "Narinig mo ba 'yon, Ma'am Zoelle? Makakalabas na raw tayo!" masayang wika ni Manang Herminia. Biglang napawi ang ngiti nito sa labi nang lingunin si Zoelle. "Hindi ka ba na-e-excite? Mas komportable ang kwarto mo sa mansion. Mas masarap din ang lutong pagkain. At higit sa lahat, makikita mo na ulit ang mga kapatid mo." "A-Ah..." Tumango-tango siya at kahit papaano ay nagawang makangiti. Hindi alam ni Zoelle kung gaano siya pwedeng magtiwala na magiging maayos din ang lahat, ngunit sa positibong mukha ni Manang Herminia, umasa siya sa maliwanag na bukas.

    Huling Na-update : 2021-07-18
  • The Life Of Zoelle Mori   Episode 3: One Big Happy Family

    EPISODE 3 Nakakapanlamig ang boses ng kanilang Papa. Balewala lang ito kay Forrester. Mas lalong lumawak pa ang ngisi nito habang tumatango-tango. "Oh, she lost her memories. I almostforgot. Thanks for the reminder, Papa." "Why not instead of showcasing your attitude, you just introduce yourself to your sister?" sabad ulit ni Amanda. "Introduce myself to my very own sister. Fun!" sarkastikong sagot nito. "All of you. Just tell your names to Erika, that's it. She doesn't know what to call us," utos ni Amanda. Nilingon nito ang lalaki sa tabi at tinanguan ito.

    Huling Na-update : 2021-07-18
  • The Life Of Zoelle Mori   Episode 4: Picture-Perfect

    EPISODE 4 Tatlong katok sa pinto ang nagpabangon kay Zoelle sa higaan. Gabi na at kanina pa sila nakapag-hapunan. Umalis na rin kanina ang mga magulang niya at alam niyang may kanya-kanya naman silang kwarto magkakapatid. Sino naman kaya ang kumakatok sa kanyang pintuan? Bumungad sa kanya ang nakangiting si Timothy pagkabukas. "A-Ano 'yon?" tanong niya. "Anong ginagawa mo rito?" Tipid siyang ngumiti. Pinakita nito ang hawak na dalawang kulay lilang kandila. Pabilog at maliit lang. "Your scented candles," sagot ni Timothy. "You used to light them befor

    Huling Na-update : 2021-07-18
  • The Life Of Zoelle Mori   Episode 5: Doors To Open

    EPISODE 5 Pagkatapos ni Zoelle mag-shower, sinimulan na agad nila ni Timothy ang house tour ng sarili nilang bahay. Unang nitong ipinamilyar ang malawak na kusina. May mga maids doon na nagluluto na ng tanghalian kaya sila ang unang nakatikim ng ulam. Kumpleto ang mga gamit, appliances, condiments, hanggang sa knife set. Ganoon rin ang salas na pinaghalong tradisyunal at modernong istilo. At ang palikuran na may sauna, steam room at jacuzzi. Sunod ay ang entertainment room na may malapad na TV screen at naglalakihang speakers. Espesyal ang mga upuan dito at may isang billiard table sa liku

    Huling Na-update : 2021-09-14
  • The Life Of Zoelle Mori   Episode 6: First Day of School

    EPISODE 6 Anong kinaibahan ng bahay sa ospital kung itinuturing pa rin si Zoelle na pasyente? 'Yon ang tanong niya sa isip sa loob ng isang linggong pamamalagi sa mansion. Gumigising siya nang may naka-prepare nang breakfast at tatawagin na lang bago kumain ng tanghalian. Matutulog sa hapon at kakain ulit ng meryenda. Aaliwin niya ang sarili bago ang hapunan. Pagkatapos n'on, matutulog na lang at uulit na naman ang lahat kinabukasan. Tumulong siya sa mga maids sa pagwawalis, pag-va-vacuum at pagligpit ng pinagkainan noong isang araw para magkaroon siya ng silbi, pero sinabihan siya ni Manang Herminia ipaubaya na lang sa kanila ang trabaho nila. So she tried other hobbies. Nagbasa siya

    Huling Na-update : 2021-10-24
  • The Life Of Zoelle Mori   Episode 7: A Victim's Cry

    EPISODE 7“Fifteen over fifty.”Kinagat ni Zoelle ang pang-ibabang labi habang nakatingin sa kanyang test paper. Ni hindi man lang siya nangalahati sa singkwenta. At hindi lang iisa ang mababa niyang score. Lahat ay bagsak.Wala siyang ganang ipinasok ang test paper sa loob ng kanyang bag.“Miss Zoelle, please come with me to the office,” wika ni Sir Alfred.Alam na niya kung ano ang mangyayari. Alam na niya kung bakit siya pinapatawag. Sumunod siya sa adviser patungong faculty room. Umupo ito sa kanyang upuan, hawak-hawak ang ilalim ng baba.“I’ve received reports from your teachers regarding your grades,” panimula ng guro. “You used to ace

    Huling Na-update : 2021-10-25
  • The Life Of Zoelle Mori   Episode 8: I Wish To Be You

    EPISODE 8Dumiretso si Stephen sa kwarto nito pagkarating sa bahay.Hindi na ito sumabay sa hapunan o pinagbuksan man lang ng pintuan ang kasambahay na naghatid ng pagkain.Gustong sanang magsalita ni Zoelle sa hapagkainan. Sasabihin niya sana kung ano ang nalaman niya tungkol kay Stephen. Marami siyang gustong itanong tungkol dito pero nanatili na lang siyang tahimik. Gusto muna niyang kamustahin si Stephen-- ito ang mas nangangailangan ng kausap.Pagkatapos niyang magmadaling kumain, umakyat agad siya at nagtungo sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Stephen.Huminga siya nang malalim."Stephen. . ." At kumatok nang tatlong beses.Wala siyang narinig kahit itinapat pa niya ang tenga sa pinto. Inulit niya ang pagkatok at pagtawag sa pangalan ng kapatid ngunit kahit sa paglipas ng ilang minuto ay walang nangyayari."Stephen, please, gusto ko lang sanang mag-usap tayo."Katahimikan lang ang sumag

    Huling Na-update : 2021-10-26
  • The Life Of Zoelle Mori   Episode 9: A Deep Well

    EPISODE 9Umalis si Stephen sa silong ng payong ni Zoelle. Ikinabigla ito ng huli, pero wala siyang magawa kundi ang humabol lang sa mga yapak nito."Stephen," tawag pa niya. "Sandali lang naman."Palayo sila nang palayo sa mansion. Palakas nang palakas ang ulan. Patuloy ito sa paghakbang. Wala silang isang metrong pagitan, pero parang ang layo-layo na ng kanyang kapatid sa kanya.Hanggang sa mapagod si Zoelle. Tumigil siya sa kanyang pwesto at inipon ang lahat ng lakas ng loob para itanong ang katanungang gusto-gusto niyang malaman ang kasagutan."Ano ba'ng nangyari sa'yo at kaya ka nagkaganyan?"Napahinto si Stephen. Isang kulog ang tanong na 'yon sa pandinig nito. Hindi nito alam kung

    Huling Na-update : 2021-10-27

Pinakabagong kabanata

  • The Life Of Zoelle Mori   Episode 13: You Can Never Run Away From Your Old Self

    EPISODE 13 “Miss Zoelle, nakahanda na po ang hapunan sa baba.” Nilingon ni Zoelle ang pintuan ng kwarto nang marinig ang pagkatok at sinabi na ‘yon ng isa sa kanilang kasambahay. Madilim na sa labas ng kaniyang bintana, nakapaligo na siya at nakapagpahinga nang halos isang oras sa kwarto niya magmula noong muntikan na siyang malunod sa pool. “Hahatiran ko na lang po ba kayo ng pagkain?” tanong pa nito. “Hindi po, bababa na rin ho ako.” Napahinga siya nang malalim at tumayo na mula sa pagkakaupo sa kama. Kanina pa siya nakatulala. Hindi man siya nakararamdam ng gutom, ayaw naman na niyang magpaasikaso pa at huwag na lang mag-isip pa ng sobra.

  • The Life Of Zoelle Mori   Episode 12: Drowning in Thoughts

    EPISODE 12Angat na ang araw. Nakapag-umagahan na sa breakfast table ang ibang kapatid ni Zoelle, habang inaya naman siya ni Five sa kitchenette ng mansion pagkatapos nilang mag-jogging.Pinagmasdan niya ito na abala sa harapan ng blender. Nang matapos, isinalin nito ang inumin sa babasaging baso at ipinatong sa countertop katapat ni Zoelle.Ngumiti siya. Inilapit niya sa labi ang medyo malamig na inumin at tinikman na ang ginawang protein shake ni Five.Lumawak ang kaniyang ngiti, napa-thumbs up pa. "Hmm. Masarap siya.""It's my usual breakfast. My favorite combo,” nakangiti ring banggit ni Five.“Peanut butter and banana. Healthy na, masarap pa. Sa’n mo nakuha ‘yong recipe?” tanong niya.Umupo na rin ito sa harapan

  • The Life Of Zoelle Mori   Episode 11: I've Never Heard About Your Dream

    EPISODE 11“Paano natin bubuhayin ang entertainment room?” takhang tanong ni Zoelle habang inililibot ang tingin sa silid kung saan sila dinala agad ni Timothy pagkatapos ng umagahan.Bumaling sa kanila si Timothy. “Naaalala mo the last time that I brought you here? ‘Di ba sabi ko noon, matagal na ‘tong hindi nagagamit?”“That was when Mama is still with us,” mahinang wika ni Stephen.“Right. We used to watch movies with her every weekend. Marami ring nabuong alaala dito-- at nabuong lego at building blocks.” Matamis na napangiti si Timothy. “After she died giving birth to Terrence, no one wanted to spend time here anymore.”Panandaliang namagitan ang katahimikan.Kung gaanon, nabaon sa limot ang silid na ito kasab

  • The Life Of Zoelle Mori   Episode 10: One Step At A Time

    EPISODE 10Nagkasabay bumaba sina Stephen at Zoelle papunta sa dinner table ngayong gabi. Nabigla ang dalawa nang magkasalubong. Dahan-dahan silang humakbang sa hagdanan.Si Zoelle ay napangiti. Masaya lang naman siya na ang kapatid niya na madalas kumakain mag-isa sa loob ng kwarto, unang beses na sasabay na ulit sa kanyang mga kapatid sa hapunan.Nagsimula lang naman si Zoelle sa hindi pag-iwan sa kapatid nang malaman niya ang sitwasyon at sa pagpaparamdam na may naghihintay pa sa labas ng mga pader na pinalibot nito sa sarili. Sunod ay ang pagkatok sa pinto at sa pagpapaalam na may handang makinig sa mga pasanin. 'Yon lang naman ang ginawa niya para sa kapatid. Ang ibang bagay ay kay Stephen na nanggaling.

  • The Life Of Zoelle Mori   Episode 9: A Deep Well

    EPISODE 9Umalis si Stephen sa silong ng payong ni Zoelle. Ikinabigla ito ng huli, pero wala siyang magawa kundi ang humabol lang sa mga yapak nito."Stephen," tawag pa niya. "Sandali lang naman."Palayo sila nang palayo sa mansion. Palakas nang palakas ang ulan. Patuloy ito sa paghakbang. Wala silang isang metrong pagitan, pero parang ang layo-layo na ng kanyang kapatid sa kanya.Hanggang sa mapagod si Zoelle. Tumigil siya sa kanyang pwesto at inipon ang lahat ng lakas ng loob para itanong ang katanungang gusto-gusto niyang malaman ang kasagutan."Ano ba'ng nangyari sa'yo at kaya ka nagkaganyan?"Napahinto si Stephen. Isang kulog ang tanong na 'yon sa pandinig nito. Hindi nito alam kung

  • The Life Of Zoelle Mori   Episode 8: I Wish To Be You

    EPISODE 8Dumiretso si Stephen sa kwarto nito pagkarating sa bahay.Hindi na ito sumabay sa hapunan o pinagbuksan man lang ng pintuan ang kasambahay na naghatid ng pagkain.Gustong sanang magsalita ni Zoelle sa hapagkainan. Sasabihin niya sana kung ano ang nalaman niya tungkol kay Stephen. Marami siyang gustong itanong tungkol dito pero nanatili na lang siyang tahimik. Gusto muna niyang kamustahin si Stephen-- ito ang mas nangangailangan ng kausap.Pagkatapos niyang magmadaling kumain, umakyat agad siya at nagtungo sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Stephen.Huminga siya nang malalim."Stephen. . ." At kumatok nang tatlong beses.Wala siyang narinig kahit itinapat pa niya ang tenga sa pinto. Inulit niya ang pagkatok at pagtawag sa pangalan ng kapatid ngunit kahit sa paglipas ng ilang minuto ay walang nangyayari."Stephen, please, gusto ko lang sanang mag-usap tayo."Katahimikan lang ang sumag

  • The Life Of Zoelle Mori   Episode 7: A Victim's Cry

    EPISODE 7“Fifteen over fifty.”Kinagat ni Zoelle ang pang-ibabang labi habang nakatingin sa kanyang test paper. Ni hindi man lang siya nangalahati sa singkwenta. At hindi lang iisa ang mababa niyang score. Lahat ay bagsak.Wala siyang ganang ipinasok ang test paper sa loob ng kanyang bag.“Miss Zoelle, please come with me to the office,” wika ni Sir Alfred.Alam na niya kung ano ang mangyayari. Alam na niya kung bakit siya pinapatawag. Sumunod siya sa adviser patungong faculty room. Umupo ito sa kanyang upuan, hawak-hawak ang ilalim ng baba.“I’ve received reports from your teachers regarding your grades,” panimula ng guro. “You used to ace

  • The Life Of Zoelle Mori   Episode 6: First Day of School

    EPISODE 6 Anong kinaibahan ng bahay sa ospital kung itinuturing pa rin si Zoelle na pasyente? 'Yon ang tanong niya sa isip sa loob ng isang linggong pamamalagi sa mansion. Gumigising siya nang may naka-prepare nang breakfast at tatawagin na lang bago kumain ng tanghalian. Matutulog sa hapon at kakain ulit ng meryenda. Aaliwin niya ang sarili bago ang hapunan. Pagkatapos n'on, matutulog na lang at uulit na naman ang lahat kinabukasan. Tumulong siya sa mga maids sa pagwawalis, pag-va-vacuum at pagligpit ng pinagkainan noong isang araw para magkaroon siya ng silbi, pero sinabihan siya ni Manang Herminia ipaubaya na lang sa kanila ang trabaho nila. So she tried other hobbies. Nagbasa siya

  • The Life Of Zoelle Mori   Episode 5: Doors To Open

    EPISODE 5 Pagkatapos ni Zoelle mag-shower, sinimulan na agad nila ni Timothy ang house tour ng sarili nilang bahay. Unang nitong ipinamilyar ang malawak na kusina. May mga maids doon na nagluluto na ng tanghalian kaya sila ang unang nakatikim ng ulam. Kumpleto ang mga gamit, appliances, condiments, hanggang sa knife set. Ganoon rin ang salas na pinaghalong tradisyunal at modernong istilo. At ang palikuran na may sauna, steam room at jacuzzi. Sunod ay ang entertainment room na may malapad na TV screen at naglalakihang speakers. Espesyal ang mga upuan dito at may isang billiard table sa liku

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status