Home / YA/TEEN / The Life Of Zoelle Mori / Episode 7: A Victim's Cry

Share

Episode 7: A Victim's Cry

Author: CL Ariones
last update Huling Na-update: 2021-10-25 06:00:09

EPISODE 7

“Fifteen over fifty.”

Kinagat ni Zoelle ang pang-ibabang labi habang nakatingin sa kanyang test paper. Ni hindi man lang siya nangalahati sa singkwenta. At hindi lang iisa ang mababa niyang score. Lahat ay bagsak.

Wala siyang ganang ipinasok ang test paper sa loob ng kanyang bag.

“Miss Zoelle, please come with me to the office,” wika ni Sir Alfred.

Alam na niya kung ano ang mangyayari. Alam na niya kung bakit siya pinapatawag. Sumunod siya sa adviser patungong faculty room. Umupo ito sa kanyang upuan, hawak-hawak ang ilalim ng baba.

“I’ve received reports from your teachers regarding your grades,” panimula ng guro. “You used to ace all the exams back then, but now, you got the lowest on all subjects.”

Walang magawa si Zoelle kundi mapayuko sa kahihiyan.

“I don’t want to break it to you, but I think you’re still not ready for school. Your amnesia must be the reason that’s why you have a hard time remembering the lessons.”

“No, sir,” mabilis niyang pagtanggi.

Kumunot ang noo ng kanyang guro. “I am asking you this because we are concerned about your records. So if it’s not your amnesia, can you tell me what the problem is?”

Natahimik si Zoelle sa tanong.

“Is there something bothering you?” dagdag pa nito.

Gusto niyang tumango. O umiling-iling. O magkibit-balikat. Umiyak. Wala naman talaga siyang problema sa pagtanda ng mga lessons. Hindi rin sa pagtuturo ng mga teachers ang dahilan. 

Sa huli, bigla na lang niyang naramdaman ang pag-init ng sulok ng mga mata at tumakbo palabas ng office.

“Miss Zoelle!” tawag pa sa kanya ni Sir Alfred.

Pinahid niya ang pumatak na luha habang tumatakbo. Nakalayo-layo na siya sa faculty at saka lang siya huminto. Lunch break na rin at nagkalat ang mga estudyante pero wala siyang ganang kumain. Ayaw niyang bumalik ng classroom. Natatakot na rin siya magkulong sa cubicle ng comfort room dahil sa takot na makarinig na naman ng bagay na mas ikasisira pa niya.

Hindi niya alam kung saan tutungo at aapak ang mga isang tulad niya.

Ang alam niya lang, kailangan niya ng makakausap. Gusto niyang may mapagsabihan kung ano talaga ang sitwasyon niya. Wala pa siyang isang linggo sa school kaya ayaw niyang ipakitang nahihirapan siya, pero paano na?

Isang tao lang ang pumasok sa isip niya na pwede niyang malapitan. She wanted to talk to Timothy. Nagbaka-sakali siya na makikita niya ito sa classroom nito kaya pumunta siya sa HUMSS building.

Ngunit masyado siyang nalunod sa mga isipin at naligaw siya ng napuntahan. Sa isang Junior High building siya napadpad, base sa laki at kulay ng bowtie nila. 

Paalis na siya nang makarinig ng kung ano.

Dahan-dahan siyang tumungo sa pinanggagalingan ng mga boses. Nakarating siya sa likuran ng building. Walang katao-tao. Maraming puno’t halaman kaya mukhang tago.

Humakbang pa si Zoelle palapit sa eskandalo. Hinanap niya ang mga tunog. Palahaw. Sigaw. Boses na may poot. At bigla siyang napatigil.

Nagtago siya sa likuran ng isang pader, kumakabog ang dibdib at nanlalaki ang mga mata.

Muli siyang sumilip para makumpirma kung ano ang nakita niya.

Ang kapatid niya! Si Stephen. Ang payat nitong katawan ay nakasalampak sa isang sulok. Nasa harapan nito ay naglalakihang mga lalaking estudyante, tig-dalawa sa magkabilang gilid at isang pinaka-maton ay hawak si Stephen sa kwelyo.

Binuhat siya ng bulas nang walang kahirap-hirap. Pinagtutulungan nila ang kapatid niya nang walang kalaban-laban.

“Ba’t pumapasok ka pa? ‘Di ba ayokong nakikita ‘yang pagmumukha mo dito sa campus? Ha!” sigaw ng isang bulas sa mismong mukha ni Stephen.

“At sinasadya mo pang paunti-unti ang dalhin mong baon na pera. Mayaman ka, lampa. Alam mo bang kulang na kulang ‘tong binibigay mo?”

“Wala na talag-- ugh.”

“T*rantado.”

Tinakpan ni Zoelle ang bibig para pigilan ang sigaw at iyak nang biglang sinikmuraan si Six. Ngunit hindi pa nakontento ang hari-harian at tinadyakan pa ito sa tuhod.

Napaupo si Stephen sa semento, hawak-hawak ang tiyan, dumadaing.

Isa-isa siyang binatukan ng mga lalaki.

Matinding pagpipigil ang ginawa ni Zoelle sa sarili pra hindi tumakbo palapit. Alam niyang wala rin siyang magagawa kung haharang siya sa gitna nila. Wala silang laban sa laki at dami nila. Sunod-sunod na tumulo ang luha niya.

“Sa susunod na pumasok ka pa at hindi malaki ang ibigay mo sa’min, maghanda ka at lalampasuhin ko ang mukha mo.” Dinuro nito ang mukha ni Stephen. “At ‘wag kang magkakamaling magsumbong kahit kanino. Pasalamat ka walang latay ang mukha mo.”

Binitawan nito si Stephen dahilan para mapadapa ito sa sahig. Umalis na sa kabilang bakod ang mga nambugbog dito at iniwan ang kapatid niya parang isang b****a.

Nang tuluyang wala na ang mga ito, tumakbo siya agad kay Stephen. Hindi matigil ang kanyang pag-iyak. Sinapo niya ang mukha nito at tumingin sa kanya ang pagal nitong mga mata. Inalalayan niya itong makasandal at makaupo sa pader.

Biglang itinaboy ni Stephen ang kamay niya.

“D-D-Dadalhin kita sa clinic, ha, okay?” sabi niya sa pagitan ng paghikbi.

*****

 Hindi na pumasok si Zoelle sa kanyang afternoon class noong araw na ‘yon. Hindi siya umalis sa tabi ni Six sa clinic habang ginagamot ang sugat at pasa sa katawan nito. 

Walang lakas si Stephen kaya hindi na ito nakaayaw at umalis. Mataas rin ang temperatura, at sabi pa ng nars, mukhang walang kain at tulog ang kapatid niya. Kung kaya’t hinayaan lang siya doon ng nars na magpahinga.

Lumabas muna sandali sa kwarto si Zoelle kasama ang nars.

“Pangalan ng dinala mo dito?” tanong nito habang hawak ang isang logbook.

“Stephen,” sagot niya. “Stephen Mori. Kapatid ko po siya.”

Pinagmasdan ng babae ang mukha ni Zoelle nang ilang segundo. Nabakas ang bahagyang pagkagulat ngunit wala na itong sinabi.

“Alam mo ba kung sino ang mga gumawa n’on kay Stephen? Hindi na tayo tulad ng panahon noon, ipinagbabawal na ang bullying lalo na sa school zones. Kung kilala mo, hija, sasamahan kita mag-report sa admin para managot ang mga gumawa n’on sa kapatid mo.”

Tumango-tango si Zoelle. “Limang lalaki po sila. . . pero hindi ko po sila namukhaan at hindi ko rin po alam ang pangalan. N-Nakita ko lang po sila na pinagtulungan si Stephen.”

Sabay silang malungkot at nag-aalala na tumingin sa kurtinang humaharang sa silid.

Nang mag-uuwian na, kusang pumunta si Zoelle sa classroom ni Stephen para kuhain ang gamit nito. Wala na ang mga estudyante sa building. Sarado na ang ilang pinto at ilaw. Tahimik. May kalalabas lang sa isang silid, at doon din ang classroom ni Stephen.

Isang bag na bukas na lang ang natitira sa pinakalikod. Malapit sa basurahan.

Napunit ang puso ni Zoelle nang makita ang desk ng armchair nito. Puno ng mga sulat ng marker. Iba-ibang kulay. Iba-ibang sulat. Iba-ibang laki.

Outcast’s seat. Weirdo. Trash. No one likes you. You make me feel sick. Bobo. Lampa. Why are you here? Psycho. Kill your self.

Paano? ‘Yon ang tanong ni Zoelle sa isip. Kung nasasaktan na siya at nawawalan ng ganang pumasok dahil pa lang sa mga bulungan, paano pa kaya kay Stephen na harap-harapan hinahagisan ng matatalim na salita? At kulang pa. Kulang pa doon ang pisikal na pananakit.

Binuhat na niya ang bag nito na agad nabitawan ng kamay niyang naikukuyom.

Bumuhos sa sahig ang mga libro, notebooks, ballpen. . . at isang cutter.

Nanginginig ang kamay niya nang kuhain ito. Kinukumbinsi niya ang sarili na dinadala lang ito ni Stephen para gamitin sa school. ‘Yon lang ang dahilan. O ‘yon nga lang ba?

Naibagsak ni Zoelle ang patalim kasabay ng pag-agos ng kanyang mga luha.

Kaugnay na kabanata

  • The Life Of Zoelle Mori   Episode 8: I Wish To Be You

    EPISODE 8Dumiretso si Stephen sa kwarto nito pagkarating sa bahay.Hindi na ito sumabay sa hapunan o pinagbuksan man lang ng pintuan ang kasambahay na naghatid ng pagkain.Gustong sanang magsalita ni Zoelle sa hapagkainan. Sasabihin niya sana kung ano ang nalaman niya tungkol kay Stephen. Marami siyang gustong itanong tungkol dito pero nanatili na lang siyang tahimik. Gusto muna niyang kamustahin si Stephen-- ito ang mas nangangailangan ng kausap.Pagkatapos niyang magmadaling kumain, umakyat agad siya at nagtungo sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Stephen.Huminga siya nang malalim."Stephen. . ." At kumatok nang tatlong beses.Wala siyang narinig kahit itinapat pa niya ang tenga sa pinto. Inulit niya ang pagkatok at pagtawag sa pangalan ng kapatid ngunit kahit sa paglipas ng ilang minuto ay walang nangyayari."Stephen, please, gusto ko lang sanang mag-usap tayo."Katahimikan lang ang sumag

    Huling Na-update : 2021-10-26
  • The Life Of Zoelle Mori   Episode 9: A Deep Well

    EPISODE 9Umalis si Stephen sa silong ng payong ni Zoelle. Ikinabigla ito ng huli, pero wala siyang magawa kundi ang humabol lang sa mga yapak nito."Stephen," tawag pa niya. "Sandali lang naman."Palayo sila nang palayo sa mansion. Palakas nang palakas ang ulan. Patuloy ito sa paghakbang. Wala silang isang metrong pagitan, pero parang ang layo-layo na ng kanyang kapatid sa kanya.Hanggang sa mapagod si Zoelle. Tumigil siya sa kanyang pwesto at inipon ang lahat ng lakas ng loob para itanong ang katanungang gusto-gusto niyang malaman ang kasagutan."Ano ba'ng nangyari sa'yo at kaya ka nagkaganyan?"Napahinto si Stephen. Isang kulog ang tanong na 'yon sa pandinig nito. Hindi nito alam kung

    Huling Na-update : 2021-10-27
  • The Life Of Zoelle Mori   Episode 10: One Step At A Time

    EPISODE 10Nagkasabay bumaba sina Stephen at Zoelle papunta sa dinner table ngayong gabi. Nabigla ang dalawa nang magkasalubong. Dahan-dahan silang humakbang sa hagdanan.Si Zoelle ay napangiti. Masaya lang naman siya na ang kapatid niya na madalas kumakain mag-isa sa loob ng kwarto, unang beses na sasabay na ulit sa kanyang mga kapatid sa hapunan.Nagsimula lang naman si Zoelle sa hindi pag-iwan sa kapatid nang malaman niya ang sitwasyon at sa pagpaparamdam na may naghihintay pa sa labas ng mga pader na pinalibot nito sa sarili. Sunod ay ang pagkatok sa pinto at sa pagpapaalam na may handang makinig sa mga pasanin. 'Yon lang naman ang ginawa niya para sa kapatid. Ang ibang bagay ay kay Stephen na nanggaling.

    Huling Na-update : 2021-10-28
  • The Life Of Zoelle Mori   Episode 11: I've Never Heard About Your Dream

    EPISODE 11“Paano natin bubuhayin ang entertainment room?” takhang tanong ni Zoelle habang inililibot ang tingin sa silid kung saan sila dinala agad ni Timothy pagkatapos ng umagahan.Bumaling sa kanila si Timothy. “Naaalala mo the last time that I brought you here? ‘Di ba sabi ko noon, matagal na ‘tong hindi nagagamit?”“That was when Mama is still with us,” mahinang wika ni Stephen.“Right. We used to watch movies with her every weekend. Marami ring nabuong alaala dito-- at nabuong lego at building blocks.” Matamis na napangiti si Timothy. “After she died giving birth to Terrence, no one wanted to spend time here anymore.”Panandaliang namagitan ang katahimikan.Kung gaanon, nabaon sa limot ang silid na ito kasab

    Huling Na-update : 2021-11-04
  • The Life Of Zoelle Mori   Episode 12: Drowning in Thoughts

    EPISODE 12Angat na ang araw. Nakapag-umagahan na sa breakfast table ang ibang kapatid ni Zoelle, habang inaya naman siya ni Five sa kitchenette ng mansion pagkatapos nilang mag-jogging.Pinagmasdan niya ito na abala sa harapan ng blender. Nang matapos, isinalin nito ang inumin sa babasaging baso at ipinatong sa countertop katapat ni Zoelle.Ngumiti siya. Inilapit niya sa labi ang medyo malamig na inumin at tinikman na ang ginawang protein shake ni Five.Lumawak ang kaniyang ngiti, napa-thumbs up pa. "Hmm. Masarap siya.""It's my usual breakfast. My favorite combo,” nakangiti ring banggit ni Five.“Peanut butter and banana. Healthy na, masarap pa. Sa’n mo nakuha ‘yong recipe?” tanong niya.Umupo na rin ito sa harapan

    Huling Na-update : 2021-11-10
  • The Life Of Zoelle Mori   Episode 13: You Can Never Run Away From Your Old Self

    EPISODE 13 “Miss Zoelle, nakahanda na po ang hapunan sa baba.” Nilingon ni Zoelle ang pintuan ng kwarto nang marinig ang pagkatok at sinabi na ‘yon ng isa sa kanilang kasambahay. Madilim na sa labas ng kaniyang bintana, nakapaligo na siya at nakapagpahinga nang halos isang oras sa kwarto niya magmula noong muntikan na siyang malunod sa pool. “Hahatiran ko na lang po ba kayo ng pagkain?” tanong pa nito. “Hindi po, bababa na rin ho ako.” Napahinga siya nang malalim at tumayo na mula sa pagkakaupo sa kama. Kanina pa siya nakatulala. Hindi man siya nakararamdam ng gutom, ayaw naman na niyang magpaasikaso pa at huwag na lang mag-isip pa ng sobra.

    Huling Na-update : 2021-12-03
  • The Life Of Zoelle Mori   Prologue

    Malinaw pa sa alaala ng lahat ang araw na 'yon. Kung kailan ang bawat sulok ng Mori's Residence, mula labas hanggang loob, ay puno ng dekorasyon na mga magagarbong pailaw, kandila at bulaklak. Hindi mabilang ang dami ng lamesa at upuang nakaayos sa malawak na bakuran. May higanteng screen, speaker at sound system pa ang naka-set-up. Kayang bumusog ng daan-daang katao ang handang pagkain. Magmula sa matatamis na desserts hanggang sa sari-saring putahe at inumin. Ni hindi nakitang nagpahinga noong araw na 'yon ang mga kasambahay ng mansion sa sobrang pagkaabala. Imbitado rin ang bawat kamag-anak at kaibigan ng pamilyang Mori. Napuno ang garahe ng makikintab na kotse. Suot nilang sampung magkakapatid ang sukat na dark brown suit na p

    Huling Na-update : 2021-07-18
  • The Life Of Zoelle Mori   Episode 1: Blurry Memory

    EPISODE 1 Ang pangalan niya ay Zoelle Erika Rose. 18 years old. Unica hija ng pamilyang Mori. Si Ezekiel Romano Mori ang kanyang ama, at si Amanda Mori naman ang tumatayo niyang ina. Siya ang ate sa sampung lalaking kapatid. O at least, 'yon ang sabinila. Hindi niya alam.Walasiyang alam. Nagising siyang nakahiga sa isang kama. Unang bumungad sa mga mata niya ang puting kisame. Ilang segundo pa bago niya maramdaman at mapansin ang mga swero at kableng nakakabit sa kanya. Panay ang pag-beep ng makina sa kanyang tabi-- tanging tunog na maririnig sa apat na sulok ng silid na amoy disinfectant alcohol. Sinubukan niyang igala

    Huling Na-update : 2021-07-18

Pinakabagong kabanata

  • The Life Of Zoelle Mori   Episode 13: You Can Never Run Away From Your Old Self

    EPISODE 13 “Miss Zoelle, nakahanda na po ang hapunan sa baba.” Nilingon ni Zoelle ang pintuan ng kwarto nang marinig ang pagkatok at sinabi na ‘yon ng isa sa kanilang kasambahay. Madilim na sa labas ng kaniyang bintana, nakapaligo na siya at nakapagpahinga nang halos isang oras sa kwarto niya magmula noong muntikan na siyang malunod sa pool. “Hahatiran ko na lang po ba kayo ng pagkain?” tanong pa nito. “Hindi po, bababa na rin ho ako.” Napahinga siya nang malalim at tumayo na mula sa pagkakaupo sa kama. Kanina pa siya nakatulala. Hindi man siya nakararamdam ng gutom, ayaw naman na niyang magpaasikaso pa at huwag na lang mag-isip pa ng sobra.

  • The Life Of Zoelle Mori   Episode 12: Drowning in Thoughts

    EPISODE 12Angat na ang araw. Nakapag-umagahan na sa breakfast table ang ibang kapatid ni Zoelle, habang inaya naman siya ni Five sa kitchenette ng mansion pagkatapos nilang mag-jogging.Pinagmasdan niya ito na abala sa harapan ng blender. Nang matapos, isinalin nito ang inumin sa babasaging baso at ipinatong sa countertop katapat ni Zoelle.Ngumiti siya. Inilapit niya sa labi ang medyo malamig na inumin at tinikman na ang ginawang protein shake ni Five.Lumawak ang kaniyang ngiti, napa-thumbs up pa. "Hmm. Masarap siya.""It's my usual breakfast. My favorite combo,” nakangiti ring banggit ni Five.“Peanut butter and banana. Healthy na, masarap pa. Sa’n mo nakuha ‘yong recipe?” tanong niya.Umupo na rin ito sa harapan

  • The Life Of Zoelle Mori   Episode 11: I've Never Heard About Your Dream

    EPISODE 11“Paano natin bubuhayin ang entertainment room?” takhang tanong ni Zoelle habang inililibot ang tingin sa silid kung saan sila dinala agad ni Timothy pagkatapos ng umagahan.Bumaling sa kanila si Timothy. “Naaalala mo the last time that I brought you here? ‘Di ba sabi ko noon, matagal na ‘tong hindi nagagamit?”“That was when Mama is still with us,” mahinang wika ni Stephen.“Right. We used to watch movies with her every weekend. Marami ring nabuong alaala dito-- at nabuong lego at building blocks.” Matamis na napangiti si Timothy. “After she died giving birth to Terrence, no one wanted to spend time here anymore.”Panandaliang namagitan ang katahimikan.Kung gaanon, nabaon sa limot ang silid na ito kasab

  • The Life Of Zoelle Mori   Episode 10: One Step At A Time

    EPISODE 10Nagkasabay bumaba sina Stephen at Zoelle papunta sa dinner table ngayong gabi. Nabigla ang dalawa nang magkasalubong. Dahan-dahan silang humakbang sa hagdanan.Si Zoelle ay napangiti. Masaya lang naman siya na ang kapatid niya na madalas kumakain mag-isa sa loob ng kwarto, unang beses na sasabay na ulit sa kanyang mga kapatid sa hapunan.Nagsimula lang naman si Zoelle sa hindi pag-iwan sa kapatid nang malaman niya ang sitwasyon at sa pagpaparamdam na may naghihintay pa sa labas ng mga pader na pinalibot nito sa sarili. Sunod ay ang pagkatok sa pinto at sa pagpapaalam na may handang makinig sa mga pasanin. 'Yon lang naman ang ginawa niya para sa kapatid. Ang ibang bagay ay kay Stephen na nanggaling.

  • The Life Of Zoelle Mori   Episode 9: A Deep Well

    EPISODE 9Umalis si Stephen sa silong ng payong ni Zoelle. Ikinabigla ito ng huli, pero wala siyang magawa kundi ang humabol lang sa mga yapak nito."Stephen," tawag pa niya. "Sandali lang naman."Palayo sila nang palayo sa mansion. Palakas nang palakas ang ulan. Patuloy ito sa paghakbang. Wala silang isang metrong pagitan, pero parang ang layo-layo na ng kanyang kapatid sa kanya.Hanggang sa mapagod si Zoelle. Tumigil siya sa kanyang pwesto at inipon ang lahat ng lakas ng loob para itanong ang katanungang gusto-gusto niyang malaman ang kasagutan."Ano ba'ng nangyari sa'yo at kaya ka nagkaganyan?"Napahinto si Stephen. Isang kulog ang tanong na 'yon sa pandinig nito. Hindi nito alam kung

  • The Life Of Zoelle Mori   Episode 8: I Wish To Be You

    EPISODE 8Dumiretso si Stephen sa kwarto nito pagkarating sa bahay.Hindi na ito sumabay sa hapunan o pinagbuksan man lang ng pintuan ang kasambahay na naghatid ng pagkain.Gustong sanang magsalita ni Zoelle sa hapagkainan. Sasabihin niya sana kung ano ang nalaman niya tungkol kay Stephen. Marami siyang gustong itanong tungkol dito pero nanatili na lang siyang tahimik. Gusto muna niyang kamustahin si Stephen-- ito ang mas nangangailangan ng kausap.Pagkatapos niyang magmadaling kumain, umakyat agad siya at nagtungo sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Stephen.Huminga siya nang malalim."Stephen. . ." At kumatok nang tatlong beses.Wala siyang narinig kahit itinapat pa niya ang tenga sa pinto. Inulit niya ang pagkatok at pagtawag sa pangalan ng kapatid ngunit kahit sa paglipas ng ilang minuto ay walang nangyayari."Stephen, please, gusto ko lang sanang mag-usap tayo."Katahimikan lang ang sumag

  • The Life Of Zoelle Mori   Episode 7: A Victim's Cry

    EPISODE 7“Fifteen over fifty.”Kinagat ni Zoelle ang pang-ibabang labi habang nakatingin sa kanyang test paper. Ni hindi man lang siya nangalahati sa singkwenta. At hindi lang iisa ang mababa niyang score. Lahat ay bagsak.Wala siyang ganang ipinasok ang test paper sa loob ng kanyang bag.“Miss Zoelle, please come with me to the office,” wika ni Sir Alfred.Alam na niya kung ano ang mangyayari. Alam na niya kung bakit siya pinapatawag. Sumunod siya sa adviser patungong faculty room. Umupo ito sa kanyang upuan, hawak-hawak ang ilalim ng baba.“I’ve received reports from your teachers regarding your grades,” panimula ng guro. “You used to ace

  • The Life Of Zoelle Mori   Episode 6: First Day of School

    EPISODE 6 Anong kinaibahan ng bahay sa ospital kung itinuturing pa rin si Zoelle na pasyente? 'Yon ang tanong niya sa isip sa loob ng isang linggong pamamalagi sa mansion. Gumigising siya nang may naka-prepare nang breakfast at tatawagin na lang bago kumain ng tanghalian. Matutulog sa hapon at kakain ulit ng meryenda. Aaliwin niya ang sarili bago ang hapunan. Pagkatapos n'on, matutulog na lang at uulit na naman ang lahat kinabukasan. Tumulong siya sa mga maids sa pagwawalis, pag-va-vacuum at pagligpit ng pinagkainan noong isang araw para magkaroon siya ng silbi, pero sinabihan siya ni Manang Herminia ipaubaya na lang sa kanila ang trabaho nila. So she tried other hobbies. Nagbasa siya

  • The Life Of Zoelle Mori   Episode 5: Doors To Open

    EPISODE 5 Pagkatapos ni Zoelle mag-shower, sinimulan na agad nila ni Timothy ang house tour ng sarili nilang bahay. Unang nitong ipinamilyar ang malawak na kusina. May mga maids doon na nagluluto na ng tanghalian kaya sila ang unang nakatikim ng ulam. Kumpleto ang mga gamit, appliances, condiments, hanggang sa knife set. Ganoon rin ang salas na pinaghalong tradisyunal at modernong istilo. At ang palikuran na may sauna, steam room at jacuzzi. Sunod ay ang entertainment room na may malapad na TV screen at naglalakihang speakers. Espesyal ang mga upuan dito at may isang billiard table sa liku

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status