EPISODE 2
"Narinig mo ba 'yon, Ma'am Zoelle? Makakalabas na raw tayo!" masayang wika ni Manang Herminia.
Biglang napawi ang ngiti nito sa labi nang lingunin si Zoelle.
"Hindi ka ba na-e-excite? Mas komportable ang kwarto mo sa mansion. Mas masarap din ang lutong pagkain. At higit sa lahat, makikita mo na ulit ang mga kapatid mo."
"A-Ah..." Tumango-tango siya at kahit papaano ay nagawang makangiti.
Hindi alam ni Zoelle kung gaano siya pwedeng magtiwala na magiging maayos din ang lahat, ngunit sa positibong mukha ni Manang Herminia, umasa siya sa maliwanag na bukas.
Kinabukasan, maaga pa lang ay handa na ang lahat. Inayos na raw kagabi pa ang lahat ng bills at kung ano-ano pa. Sakay si Zoelle ng wheelchair (kahit kaya naman niyang lumakad) pababa sa building ng ospital. Eksaktong paglabas nila ay may naghihintay na sa kanilang isang itim na SUV.
"Good morning, Ma'am Zoelle."
Napansin niya ang isang matangkad na lalaking may bigote. Polo ang suot nito at itim na slacks. Inilahad nito ang kamay sa harapan ni Zoelle.
Takha niya lang 'yong tiningnan. Nagsalitan ang tingin niya sa kamay nito at kay Manang Herminia.
"Siya si Kuya Henry, ang family driver ninyo."
Mabagal na napatango-tango si Zoelle. Kaya pala ma'am rin ang tawag sa kanya. Kung ganoon, mayaman pala talaga ang pamilya nila. May sariling driver at maganda ang kotse. Nginitian niya rin si Kuya Henry.
"Tara na, ma'am."
Inalalayan siya nito patayo sa wheel chair papasok sa kotse. Pinagbuksan pa siya ng pinto sa backseat at tinulungan siyang makaupo ng maayos. Pagkakabit sa kanya ng seatbelt, isinarado nito ang pinto at umikot papunta sa driver's seat.
Umupo naman sa harapan si Manang Herminia. Nilingon siya muli ni Kuya Henry mula sa rear view mirror bago nito simulan ang makina at umandar na.
Ibinaba ni Zoelle ang salamin sa gilid niya nang makalayo-layo mula sa gusali ng ospital. Unti-unting pumasok ang hangin ng umaga. Dumungaw siya doon at pinagmasdan ang lahat ng makikita sa labas. Hindi niya naiwasang hindi mamangha sa mga nakakalulang gusali at higanteng bill boards. Natuwa pa siya nang makita ang mga pumapasadang kotse at mga taong may kanya-kanyang buhay sa siyudad.
Mag-iisang oras na ang biyahe bago sila pumasok sa isang matayog na gate. Sandaling huminto ang kotse at binuksan ng mga gwardya ang tarangkahan.
Wala na siyang nakikitang mga gusali o kahit ano sa pagpasok nila. Tanging malawak na damuhan lang at mga punong pare-pareho ng hugis. Ni isang tao o kotse, wala rin silang nakasalubong sa isang daan. Hanggang sa matanaw ni Zoelle ang isang puting fountain na may nakaukit na pangalan-- Mori.
Napaawang ang bibig niya. "Sa pamilya po namin ito?"
Narinig niya ang mahinang tawa ni Kuya Henry. "Magmula nang pumasok tayo sa gate na binabantayan ng mga gwardya, Ma'am Zoelle. Ang malawak na lupain na 'yan ay kasama sa hacienda ng mga Mori."
Hindi pa siya nakababawi sa gulat nang matanaw niya naman ang isang mansion na kulay tsokolate. 'Di sobra ang pagkadilim, sakto ang timpla ng kilay para magmukha itong isang klasikong museo. Dalawang palapag lamang ito, ngunit ilang minuto yata ang lalakarin para makarating mula dulo hanggang sa kabila.
Papalapit sila nang papalapit sa mansion, halos manliit na si Zoelle. Mas malaki pa sa kanya ang mga salamin. Tinanong niya sarili, nanggaling ba talaga ako sa ganitong klase ng pamilya?
Tumigil ang kotse sa tapat ng isang maliit na hagdanan kaharap ang isang malaking kahoy na pintuan. Namalayan niya na lang na bumukas ang pintuan ng kotse at nasa tapat na niya si Kuya Henry. Inalalayan siya nitong bumaba.
Sa unang hakbang, lumakas ang pagkabog ng puso ni Zoelle. Pangalawang hakbang, napakapit siya nang mabuti sa dalawang kasamang nakatatanda. Ikatlo, halos pigilin niya ang hininga. At sa ikaapat at huli, biglang bumukas ang malaking pinto.
"Welcome home, Zoelle!"
Napapikit siya sa gulat nang marinig ang sigawan at ingay.
Hinawakan ni Zoelle ang dibdib na parang sasabog anumang oras. Tumambad sa mata niya ang maraming lobo, mga confetti at rosas. May isang hilera ng mga tao, karamihan ay babae, at lahat sila ay nakasuot ng uniporme.
Isa-isa siyang binati ng mga kasambahay habang dumaraan sila sa harapan ng mga ito. Walang ideya si Zoelle kung saan sila patungo nina Manang Herminia, diretso lang sila sa mahabang pasilyo.
Napayuko siya sa inaapakan na carpet. Tiningala niya rin ang mga magagarang chandelier. Naagaw ang atensyon niya nang makita ang mga nakasabit sa pader na mga naglalakihang frame.
Isa, dalawa, tatlo. . . pito, walo, siyam, sampu!
Sampung portraits ng lalaki. May bata, binatilyo at may binata. Iba't iba man ang istilo at histura, pare-parehas ang magandang tsokolateng mata ng mga ito.
Parang bumagal ang pagtingin niya sa sunod na nakitang larawan. Isang babaeng may buhok na umaalon hanggang sa kanyang braso. Kakulay ng buhok niya ang mga mata niya. Ang babaeng 'yon sa picture at si Zoelle ay iisa.
Napalunok siya. Napagtanto niyang malayo pala sa pagiging simple ang kinalakihan niyang buhay.
Tumigil sila paglalakad. Napako siya sa kinatatayuan nang makitang nasa hapagkainan sila.
At sa mahabang mesang puno ng pagkain ay nakaupo ang isang dosenang katao. Lahat ng mga mata nila ay nakatutok kay Zoelle.
Nakilala niya ang mga ito. Ang sampung lalaking nakaupo sa magkabilaang panig ng mesa ay ang mga lalaki sa frames! At ang nakaupo sa isang dulo ay ang kanyang Ama at Ina.
"My dear daughter. Have a seat."
Umatras sina Kuya Henry pagkasabi n'on ni Ezekiel. Nilingon pa sila ng naguguluhang si Zoelle ngunit nakatalikod na ang mga ito at naglalakad palayo. Hinatid lang pala siya ng mga ito.
Napalunok siya nang ibinalik ang tingin sa mga nasa hapagkainan. Hindi pa rin nila inaalis ang titig kay Zoelle.
Ngumiti si Amanda at 'yon ang naging hudyat niya para magsimulang humakbang. Pamilya naman niya ang mga ito at wala siya dapat ikabahala, hindi ba? Isa lang itong lunch.
Ipinaghila siya ng upuan ng isa sa mga kasambahay. Hanggang sa pag-upo niya ay inoobserbahan siya ng lahat. Pakiramdam niya, isa siyang alien na naligaw sa planeta ng mga tao. O isang turista na bagong dayo sa isang baryo.
Hindi niya mabasa ang mga reaksyon nila. Iba-iba. Masyadong marami. Ni hindi niya nga matingnan sila sa mata.
Binasag ni Amanda ang katahimikan na bumalot sa kanila.
"Welcome back to our house, Zoelle," wika nito at itinaas ang isang wineglass. Maging ang pananalita, pag-ngiti at pagtaas nito ng inumin ay kaaya-aya. "Cheers to our once again complete family."
Itinaas rin ng lahat ng nasa hapag ang kanilang mga baso at marahang pinagdikit ang mga ito. Gumaya si Zoella at sabay-sabay nilang tinungga ang inumin.
Inilapag nila ang mga baso at pinulot ang kanilang mga kubyertos.
"This is so fucking awkward."
Natigil siya sa pagkuha ng tinidor nang marinig 'yon. Iniangat niya ang mukha at nakita ang ngingisi-ngising binata. Parang balewala rito ang tingin ng lahat, tuloy-tuloy lang sa pagkuha ng pagkain.
"What's so awkward, Forrester? That you need to curse in front of our grace?" kalmado ngunit maotoridad na tanong ni Amanda.
Tumawa ulit ito. "Don't tell me I'm the only one feeling strange here. You know what I mean."
"Well, what do you mean?"
"Zoelle," diretsong sagot ng tinawag na Forrester. "None other than her, Amanda."
Nakagat ni Zoelle ang labi nang banggitin nito ang pangalan niya. Nabitawan niya ang mga hawak at ibinaba na lang sa hita ang kamay.
"What's wrong with Zoelle?" sabat ng isa pa. "I don't sense anything."
"Yeah, because our sister who got lost and had a coma for months returned and now, she's having lunch with us. It's very ordinary and common, right?"
Tuluyang napayuko si Zoelle. Tama rin naman. Hindi ordinaryo at simple lang ang biglang pagbabalik niya sa buhay at bahay nila. Katulad niya, naguguluhan at naninibago rin ang mga kapatid niya. 'Yon ang panigurado.
"Is that your way to remind her of you?"
EPISODE 3 Nakakapanlamig ang boses ng kanilang Papa. Balewala lang ito kay Forrester. Mas lalong lumawak pa ang ngisi nito habang tumatango-tango. "Oh, she lost her memories. I almostforgot. Thanks for the reminder, Papa." "Why not instead of showcasing your attitude, you just introduce yourself to your sister?" sabad ulit ni Amanda. "Introduce myself to my very own sister. Fun!" sarkastikong sagot nito. "All of you. Just tell your names to Erika, that's it. She doesn't know what to call us," utos ni Amanda. Nilingon nito ang lalaki sa tabi at tinanguan ito.
EPISODE 4 Tatlong katok sa pinto ang nagpabangon kay Zoelle sa higaan. Gabi na at kanina pa sila nakapag-hapunan. Umalis na rin kanina ang mga magulang niya at alam niyang may kanya-kanya naman silang kwarto magkakapatid. Sino naman kaya ang kumakatok sa kanyang pintuan? Bumungad sa kanya ang nakangiting si Timothy pagkabukas. "A-Ano 'yon?" tanong niya. "Anong ginagawa mo rito?" Tipid siyang ngumiti. Pinakita nito ang hawak na dalawang kulay lilang kandila. Pabilog at maliit lang. "Your scented candles," sagot ni Timothy. "You used to light them befor
EPISODE 5 Pagkatapos ni Zoelle mag-shower, sinimulan na agad nila ni Timothy ang house tour ng sarili nilang bahay. Unang nitong ipinamilyar ang malawak na kusina. May mga maids doon na nagluluto na ng tanghalian kaya sila ang unang nakatikim ng ulam. Kumpleto ang mga gamit, appliances, condiments, hanggang sa knife set. Ganoon rin ang salas na pinaghalong tradisyunal at modernong istilo. At ang palikuran na may sauna, steam room at jacuzzi. Sunod ay ang entertainment room na may malapad na TV screen at naglalakihang speakers. Espesyal ang mga upuan dito at may isang billiard table sa liku
EPISODE 6 Anong kinaibahan ng bahay sa ospital kung itinuturing pa rin si Zoelle na pasyente? 'Yon ang tanong niya sa isip sa loob ng isang linggong pamamalagi sa mansion. Gumigising siya nang may naka-prepare nang breakfast at tatawagin na lang bago kumain ng tanghalian. Matutulog sa hapon at kakain ulit ng meryenda. Aaliwin niya ang sarili bago ang hapunan. Pagkatapos n'on, matutulog na lang at uulit na naman ang lahat kinabukasan. Tumulong siya sa mga maids sa pagwawalis, pag-va-vacuum at pagligpit ng pinagkainan noong isang araw para magkaroon siya ng silbi, pero sinabihan siya ni Manang Herminia ipaubaya na lang sa kanila ang trabaho nila. So she tried other hobbies. Nagbasa siya
EPISODE 7“Fifteen over fifty.”Kinagat ni Zoelle ang pang-ibabang labi habang nakatingin sa kanyang test paper. Ni hindi man lang siya nangalahati sa singkwenta. At hindi lang iisa ang mababa niyang score. Lahat ay bagsak.Wala siyang ganang ipinasok ang test paper sa loob ng kanyang bag.“Miss Zoelle, please come with me to the office,” wika ni Sir Alfred.Alam na niya kung ano ang mangyayari. Alam na niya kung bakit siya pinapatawag. Sumunod siya sa adviser patungong faculty room. Umupo ito sa kanyang upuan, hawak-hawak ang ilalim ng baba.“I’ve received reports from your teachers regarding your grades,” panimula ng guro. “You used to ace
EPISODE 8Dumiretso si Stephen sa kwarto nito pagkarating sa bahay.Hindi na ito sumabay sa hapunan o pinagbuksan man lang ng pintuan ang kasambahay na naghatid ng pagkain.Gustong sanang magsalita ni Zoelle sa hapagkainan. Sasabihin niya sana kung ano ang nalaman niya tungkol kay Stephen. Marami siyang gustong itanong tungkol dito pero nanatili na lang siyang tahimik. Gusto muna niyang kamustahin si Stephen-- ito ang mas nangangailangan ng kausap.Pagkatapos niyang magmadaling kumain, umakyat agad siya at nagtungo sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Stephen.Huminga siya nang malalim."Stephen. . ." At kumatok nang tatlong beses.Wala siyang narinig kahit itinapat pa niya ang tenga sa pinto. Inulit niya ang pagkatok at pagtawag sa pangalan ng kapatid ngunit kahit sa paglipas ng ilang minuto ay walang nangyayari."Stephen, please, gusto ko lang sanang mag-usap tayo."Katahimikan lang ang sumag
EPISODE 9Umalis si Stephen sa silong ng payong ni Zoelle. Ikinabigla ito ng huli, pero wala siyang magawa kundi ang humabol lang sa mga yapak nito."Stephen," tawag pa niya. "Sandali lang naman."Palayo sila nang palayo sa mansion. Palakas nang palakas ang ulan. Patuloy ito sa paghakbang. Wala silang isang metrong pagitan, pero parang ang layo-layo na ng kanyang kapatid sa kanya.Hanggang sa mapagod si Zoelle. Tumigil siya sa kanyang pwesto at inipon ang lahat ng lakas ng loob para itanong ang katanungang gusto-gusto niyang malaman ang kasagutan."Ano ba'ng nangyari sa'yo at kaya ka nagkaganyan?"Napahinto si Stephen. Isang kulog ang tanong na 'yon sa pandinig nito. Hindi nito alam kung
EPISODE 10Nagkasabay bumaba sina Stephen at Zoelle papunta sa dinner table ngayong gabi. Nabigla ang dalawa nang magkasalubong. Dahan-dahan silang humakbang sa hagdanan.Si Zoelle ay napangiti. Masaya lang naman siya na ang kapatid niya na madalas kumakain mag-isa sa loob ng kwarto, unang beses na sasabay na ulit sa kanyang mga kapatid sa hapunan.Nagsimula lang naman si Zoelle sa hindi pag-iwan sa kapatid nang malaman niya ang sitwasyon at sa pagpaparamdam na may naghihintay pa sa labas ng mga pader na pinalibot nito sa sarili. Sunod ay ang pagkatok sa pinto at sa pagpapaalam na may handang makinig sa mga pasanin. 'Yon lang naman ang ginawa niya para sa kapatid. Ang ibang bagay ay kay Stephen na nanggaling.
EPISODE 13 “Miss Zoelle, nakahanda na po ang hapunan sa baba.” Nilingon ni Zoelle ang pintuan ng kwarto nang marinig ang pagkatok at sinabi na ‘yon ng isa sa kanilang kasambahay. Madilim na sa labas ng kaniyang bintana, nakapaligo na siya at nakapagpahinga nang halos isang oras sa kwarto niya magmula noong muntikan na siyang malunod sa pool. “Hahatiran ko na lang po ba kayo ng pagkain?” tanong pa nito. “Hindi po, bababa na rin ho ako.” Napahinga siya nang malalim at tumayo na mula sa pagkakaupo sa kama. Kanina pa siya nakatulala. Hindi man siya nakararamdam ng gutom, ayaw naman na niyang magpaasikaso pa at huwag na lang mag-isip pa ng sobra.
EPISODE 12Angat na ang araw. Nakapag-umagahan na sa breakfast table ang ibang kapatid ni Zoelle, habang inaya naman siya ni Five sa kitchenette ng mansion pagkatapos nilang mag-jogging.Pinagmasdan niya ito na abala sa harapan ng blender. Nang matapos, isinalin nito ang inumin sa babasaging baso at ipinatong sa countertop katapat ni Zoelle.Ngumiti siya. Inilapit niya sa labi ang medyo malamig na inumin at tinikman na ang ginawang protein shake ni Five.Lumawak ang kaniyang ngiti, napa-thumbs up pa. "Hmm. Masarap siya.""It's my usual breakfast. My favorite combo,” nakangiti ring banggit ni Five.“Peanut butter and banana. Healthy na, masarap pa. Sa’n mo nakuha ‘yong recipe?” tanong niya.Umupo na rin ito sa harapan
EPISODE 11“Paano natin bubuhayin ang entertainment room?” takhang tanong ni Zoelle habang inililibot ang tingin sa silid kung saan sila dinala agad ni Timothy pagkatapos ng umagahan.Bumaling sa kanila si Timothy. “Naaalala mo the last time that I brought you here? ‘Di ba sabi ko noon, matagal na ‘tong hindi nagagamit?”“That was when Mama is still with us,” mahinang wika ni Stephen.“Right. We used to watch movies with her every weekend. Marami ring nabuong alaala dito-- at nabuong lego at building blocks.” Matamis na napangiti si Timothy. “After she died giving birth to Terrence, no one wanted to spend time here anymore.”Panandaliang namagitan ang katahimikan.Kung gaanon, nabaon sa limot ang silid na ito kasab