Share

Kabanata 4

Natahimik ang lahat dahil sa mabigat na atmosphere dahil sa nangyari. Agad sinisi ng iba ang dalawang member dahil sa pag-uusap nila ng ganoon.

"Tumigil na kayo, kahit mag turuan kayo kung sino ang mali wala nang magbabago. So sino ang pwede pang gumanap sa main role?" Tanong ng President. Agad namang tumayo si Philip.

"Sandali lang, susubukan ko s’yang kumbinsihin para sa role, mag botohan na kayo sa iba pang role na bakante," Biglaang singit ni Philip sa usapan at agad lumabas sa kwarto para sundan si Isabel.

Pag labas niya ng pinto ay natanaw niya ang babae na medyo malayo na ang nilakad kaya agad-agad s’yang tumakbo para maabutan ito, ganoon na lang ang gulat ng babae nang sinubukan niyang hawakan ito sa braso para pigilan.

"Sorry," pagbibigay paumanhin ni Philip " Gusto ko lang naman sabihin na hindi nila gusto na laitin ka." pagpapaliwanag ni Philip.

"So spokesperson ka nila?" Mataray na sagoti nito "Hindi nila gusto na laitin ako? So, ano ang ibig sabihin nang mga nangyari kanina?” Dugtong pa nito na halatang sobrang naiinis ng dahil sa nangyari sa loob ng room ng Drama Club “ Hindi nila namamalayan na dinig na dinig ko ang mga bulungan nila!" Inis na saad pa nito at tinalikuran siya at naglakad muli, sumunod naman si Philip dito.

"Sandali lang naman Isabel oy, baka naman kasi pwedeng pag-usapan pa yung role!" agad namang huminto ang babae at nilingon siya.

"Ayaw kong gumanap sa main role, tulad ng sabi ko masyado akong busy para sayangin ang oras ko sa pag pra- practice ng wala naman akong mapapala!" Inis na sagot nito sa kay Philip.

"Pero--," hindi na niya natuloy ang sasabihin ng magsimulang maglakad ulit ang babae. Kaya para makumbinsi ito ay walang ibang naisip si Philip kundi ang sumigaw.

"Can you be my partner, please?!" Agad namang napalingon sa kaniya ang ibang tao na nakatambay sa  corridor ganoon din naman si Isabel. Ilang Segundo bago mag sink-in sa utak niya ang sinabi at namula.

"Sa pag-acting! Can you be my partner ?." Paglilinaw niya agad namang kumantyaw ang iba na tanggapin na ni Isabel ang role kaya wala itong nagawa kundi lumapit sa kay Philip at hilain ito kung saan walang gaanong nakakarinig sa kanila.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha?!" Naiinis na tanong nito sa kaniya kaya agad siyang nag-sorry dito.

"Sorry, gusto ko lang naman kasi na tanggapin mo yung pagiging main role para sa play," pagpapaliwanag nito sa dalaga na ikinairap naman ng mag mata nito.

"Ano naman sa’yo kung tanggapin ko o hindi ang role na ‘yon? Ganun mo ba ako ka-gustong maging partner ha?" May pang-aasar na sabi ng dalaga pero walang alinlangan na tumango si Philip.

"Oo, gusto kong ikaw ang maging partner ko para sa play!" Seryosong saad nito na agad natahimik ang babae dahil sa straight na pag sagot ni Philip sa tanong niya.

"Gusto ko lang naman malaman kung totoo ang mga sabi-sabi na magaling kang um-acting," medyo nanghahamon na tono ni Philip "O, baka naman kasi sabi-sabi lang iyon at hindi totoo?" ngumisi si Philip na dahilan para mainis ang babae at tinanggap ang hamon nito.

"Ha, kung pag-acting lang naman ang gusto mo na makita, ipapakita ko sa’yo!" Inis na sagot nito at pabalik na naglakad papunta sa Drama Club room sinundan naman ito ng tingin ni Philip habang tagumpay na nakangiti at sumunod na nag lakad pabalik sa loob.

Pag bukas ng pinto ay agad namang padabog na naupo si Isabel sa upuan nito kanina at nakangiti namang tumango ang binata sa club President nila. Hindi makapaniwalang umiiling si Vince sa ginagagawa ng kaibigan nito.

Tinuloy ang botohan para sa iba pang gaganap sa mga bakanteng tauhan sa kanilang dula na gaganapin sa Filipino Fest.

Nang matapos ang botohan ay agad na nag paalam ang bawat isa para pumunta sa kaniya-kaniya nilang klase. Naiwan namang nakaupo si Vince, Philip, Club President at ang Vice President.

"Philip, ano namang ginawa mo at napapayag mo si Isabel na gumanap para sa lead actress ng dula natin?" Usisa ng Club President dito kaya agad din na tumingin sa kaniya ang dalawa pang kasama.

"Ako rin ay nagtataka paano niya napapayag si Isabel, iyon pa namang babae na iyon ay pag sinabi n’yang ayaw niya ay ayaw talaga niya at hindi niya gagawin," sabat naman ng Vice President. Ngumiti si Philip sa mga ito at mayabang na sinagot ang kanilang mga tanong.

"Hinamon ko siya na ipakita kung gaano siya kagaling um-acting, hindi ko naman akalain na papatulan niya 'yung pang-aasar ko," agad naman siyang hinampas ng Vice President dahil sa pag-amin nito sa kalokohan na ginawa.

"Ganoon mo ba siya kagusto na makasama sa pag-acting at talaga nakarating ka sa punto na pati pag acting niya ay dinamay mo?" Hindi makapaniwala na tanong nito sa kaniya, napakamot siya ng batok dahil sa hiya at tumango.

"Anong magagawa ko? Gusto ko lang naman mapalapit sa kaniya at wala akong maisip na paraan kung hindi itong gawin nating dula. Kung hindi ko siya napapayag, ano pa ang dahilan ko para lapitan at kausapin siya?" Mahabang paliwanag nito sa mga kasama kaya napailing na lang ang mga ito dahil sa kanya kahit medyo naguguluhan sa mga sinasabi niya, sina walang kibo na lang ito ng mga kasamahan niya kahit si Vince. Nag paalam na ang Club President pati ang Vice dahil may dapat pa silang asikasuhin samantalang naiwan pa rin ang dalawa sa loob. Ng makaalis nang tuluyan ang dalawa ay agad humarap ng may seryosong mukha si Vince sa kaibigan.

"Philip, umamin ka nga sakin!" seryosong ito " Anong meron kay Isabel at nag kaga-ganyan ka?" Tanong nitohabang tinititigan siya.

"Sasabihin ko din sa inyo pag sigurado na ako," makahulugang sagot naman ni Philip sa kaibigan at tumayo na ito.

"Halika na, wala naman tayong klase hanggang 12 doon nalang natin hintayin si Greg sa canteen para hindi na rin tayo maubusan ng upuan." Anyaya ni Philip at hinila ang kaibigan na walang magawa kundi ang sumunod sa kaniya.

"Ililibre mo ako ngayon ha?" Pagbibiro na sabi ng kaibigan niya at siya naman niyang binitawan ito.

"Asa ka!" Agad na sagot nito sa kaibigan nang may tono na nang aasar kaya agad siyang inakbayan nito.

"Sige na, pag nilibre mo ako tutulungan kita kay Isabel!" pangkukumbinsi nito na hindi naman pinapansin ni Philip.

Nang nasa canteen na sila ay nagtataka sila ng makita dun si Greg na nakaupo habang umiinom ng softdrinks kaya agad silang nag lakad papalapit dito.

"Oy!" bati ni Philip dito kasabay nang mahinang tapik sa balikat ng kaibigan kaya naman napalingon ito sa kanila "Bakit nandito ka? Wala ka n bang klase?" Tanong nito.

"Wala na, kagagaling ko lang sa practice kayo wala na rin?" Balik na tanong nito sa mga kaibigan. Napaupo si Philip sa bakanteng upuan.

"Wala na din kaming klase," sagot nito pagkaupo niya sa upuan "Kaunti lang ang klase namin pag Friday." Sabay turo niya kay Vince na nakapila sa counter para bayaran ang biniling meryenda para sa kanilang dalawa.

Tumango naman ang kaibigan at tinuloy ang pagkain ng meryenda.

"Anong pinag-uusapan niyo?" Tanong ng nakarating na si Vince, pagka-lapag niya ng binili niyang meryenda.

"Wala naman, tinanong ko lang si Greg bakit ang aga niya dito." Sagot ni Philip sabay kain ng siopao.

"Guys!" Sigaw ng isang babae kaya napalingon sila sa gawi nito at nakita nila itong kumakaway sa kanila kaya ngumiti sila. Agad lumapit ito sa puwesto nila habang hila ang isang babae.

"Tapos na din ba ang klase nyo Therese?" Tanong ni Greg ng makalapit ito sa kanila, agad naman umupo ang babae at hinila muli ang kasama para maupo.

"Oo, pero mamaya ay may practice pa kami hay nako kaya ayaw ko ng Friday e," nakasimangot na sabi nito pero agad din nagawi ang tingin nito kay Philip. "Nga pala, Philip. Nabalitaan ko na ikaw daw ang napili na main actor sa dula ng Drama Club," agad namang napalingon si Philip kay Isabel na masama ang tingin sa kanya,  napa-hawak siya sa batok at tumango.

"Dinaan naman sa botohan yun, ‘wag niyo akong tingnan ng ganyan na parang nag prisinta ako," natatawang depensa niya dahil sa makahulugang titig ni Therese at mga kaibigan nito, kaya natawa ang mga ito sa reaksyon ni Philip.

"Wala naman kaming sinasabe a, masyadong defensive bro!" Tukso na naman ni Greg dito "So, sino ang main actress mo?" Nakangiting tanong nito, napalingon naman si Philip sa gawi ng babae at napaiwas naman ito ng tingin  kaya agad nalaman ni Greg kung sino.

Humahalakhak si Greg " Wala akong masabi sayo kaibigan ikaw na talaga!" natawa din si Therese at Vince sa sinabi ni Greg at ipinagpatuloy na nila ang pagkain ng meryenda. Hindi rin nagtagal ay nag paalam na si Greg dahil tapos na ang break time na binigay para sa kanila at ganoon din naman si Therese na balak na rin na sumabay kay Greg.

Mabilis na tumayo si Vince "Manunuod ako ng practice niyo!" At inayos ang mga gamit kaya agad naman s’yang tinulungan ni Greg at sabay-sabay silang nag paalam kina Philip at Isabel.

Tahimik na naiwan ang dalawa sa lamesa.

Tumikhim si Philip para mawala ang kakaibang tensyon sa pagitan nila ni Isabel "Ehem, so saan sa tingin mo maganda mag-practice ng script? Anong magandang gawin?" Pagsisimula ni Philip pero nagsimula rin ng mag-ayos ng gamit ang babae.

"Pag may script na saka natin pag-usapan ‘yan, sa ngayon wala pa tayong dahilan para mag-usap!" Mataray na namang sagot nito at nagsimulang mag lakad paalis at naiwang tulala si Philip. Hindi niya akalain na wala pa rin talaga siyang pag-asa na makausap ito hanggang wala ang script nila. Napailing na lamang siya, pero di siya nawawalan ng pag-asa na balang araw ay magkaroon sila ng panahong magkausap.

Nang makauwi si Philip ay dumiritso siya agad sa kaniyang kwarto at nagbihis pagkatapos nito ay nahiga siya sa kama at hindi namalayan nakatulog na pala siya.

~~

"Maria, andyan ka lang palang bata ka. Akala ko'y naligaw ka na at kung saan-saan napunta bakit ka ba kasi umalis sa pwesto mo kong saan kita iniwan?" Dinig na dinig ni Pelipe sa hardin ang boses ni Manang Señya habang kausap nito ang dalaga, hindi naman narinig ni Pelipe ang sagot ng dalaga pero napangite siya.

"Maria," bulong niya sa sarili at wala sa sariling napangiti, inilapit niya sa kaniyang ilong ang kanyang libro at amoy mula rito ang kumapit na amoy ng dalaga. Agad naman siyang napatigil sa ginagawa at lumingon-lingon sa paligid at nakaramdam ng hiya.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Pelipe, kailan ka pa naging bastos?!" pagalit na saway niya sa kanyang sarili ng mapansin ang maling kinilos niya "Paano ko na lang siya haharapin kong muli kaming magtagpo ng landas?" Nag-aalala niyang sabi sa sarili dahil iniisip niya ng isang kabastusan ang kaniyang ginawa.

"Ano'ng ginagawa mo kapatid?" Nagtatakang tanong ni Patricio ng makita ang kapatid na hindi mapakali sa inuupuan. Agad namang tumingin si pelipe dito at inaya na maupo sa tabi niya.

"Ikaw pala Patricio," bati niya dito at hindi alam kung mag sasabi ba siya dito ng kanyang pino-problema "May nais sana akong tanungin sa iyo?" Agad namang tumango ang kapatid bilang tanda na ipagpatuloy niya ang kanyang sinasabi.

"Nais ko lamang malaman, anu ba ang ibig sabihin kong inamoy mo ang isang bagay na hinawakan ng isang tao?" Agad namang nanlaki ang mata ng kapatid dahil sa sinabi nito.

"Anong kabastusan ang sinasabi mo kapatid? Sinong tao ang gagawa ng bulgar na kabastusan tulad iyan?" Gulat parin na reaksyon nito na mas lalong nag pabigat sa nararamdaman at pagkakamali ni Pelipe. Natatawa namang nakikinig sa kanila ang tahimik na hardenero na nasa gawi'ng likod nila.

Noong gabi na iyon ay hindi magawang matulog ni Pelipe sa pag-iisip sa babae at sa ginawa niya. Labis pa rin ang hiya na nararamdaman niya tuwing nakikita niya ang libro na hinawakan ng dalaga.

Kinabukasan ay bakas ang puyat sa mga mata nito pag labas n’ya ng kaniyang silid. Ngunit ganun na lamang ang gulat niya nang muli makita ang dalaga na nasa hapag kainan nila. Tinawag siya ng kaniyang Ina kaya wala siyang nagawa kundi ang lumapit dito ngunit hindi niya magawa ang lumingon sa gawi kung saan nakapwesto ang dalaga.

"Siya nga pala ang anak nila Ginoo at Ginang Fuentes na bagong lipat lamang dito sa lugar, ang kanyang ama ay isang abugado na naitalaga dito," agad namang yumuko ang dalaga bilang tanda ng pagbati niya sa binata, ganun din naman ang ginawa ni Pelipe at naupo katapat ng dalaga. Hindi alam ni pelipe paano kumilos sa harap nito dala ng labis na pagkahiya. Nang kukuha na sana siya nang pagkain ay nagka-sabay nila dahilan ng pagdikit ng mga daliri nila kaya't agad binawi ni Pelipe ang kaniyang kamay at yumuko.

Napansin niya ang pagbabago ng mukha ng dalaga at wari'y nalungkot ito dahil sa kinilos niya ngunit hindi niya alam kong ano ang dapat gawin para maging maayos ang pakikitungo niya rito ng hindi siya nakakaramdam ng hiya o ano man para sa dalaga.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status