Tumayo si Philip at pinagpagan ang pantalon na nadumihan, lumingon ito kay Isabel at ngumiti.
"Ok ka lang ba?" Tanong nito na may pag-aalala. Tumango naman si Isabel at inayos ang mga gamit.
"Pasensya ka na at nadamay ka, nasaktan ka na naman."Sabi ng dalaga at kinuha ang panyo at lumapit kay Philip. Tumingkad ito at pinunasan ang dugo sa gilid ng labi ng binata.
Sa mga oras na iyon ay mas napagmasdan ng binata ang mukha ng dalaga, ang magaganda nitong mata, ang maliit at hindi katangusan na ilong, at ang mapulang labi nito na may nunal sa gilid. Hindi mapigilan ni Philip na hawakan ito, ramdam niya ang pagkabigla ni Isabel pero hindi ito nagreklamo at hinayaan ang daliri niyang hawakan ang nunal. At sa pangalawang pagkakataon, muli ay nais ni Philip na madampian ng kaniyang labi ang mapupulang labi ng dalaga.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng dalaga at unti-unti niyang nilapit ang mukha ngunit bigla siyang tinulak ni Isabel dahilan para buma
Pagkatapos nilang kumain ay agad na nag paalam sila Greg at Vince, dahil alam naman na nila na magpapaiwan pa ang kaibigan.Agad nag-dial ng numero ang binata at sumagot naman agad ang nasa kabilang linya."Oh, napatawag ang paborito kong pamangkin? Gaano ba kahalaga iyan at hindi mo na ako nahintay makauwi sa pilipinas?" Birong tanong ng lalake kay Philip."Wala naman, Tito gusto ko lang sanang tanungin kung pwede ba akong mag part-time sa Resto mo?" Hindi niya alam kung bakit niya ginagawa ito pero nagbabaka-sakali siya na pumayag ang Tito niya."Pwede naman, pero bakit?" May pag dududang tanong ng kaniyang tito."May pinag-iipunan lang po, ayaw ko namang kuhanin lahat sa pera na binibigay nila Mama at Papa," paliwanag niya. Kalahati dito ay totoo naman, ayaw niya na puro pera ng magulang niya ang gastusin niya at ang kalahati dito ay para mapalapit kay Isabel.Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay dapat gawin niya ang
Gabi na noong naisipan na mag paalam ng binata, alam ni Isabel na grabi din ang sakripisyo ng binata para sa ginawa niya ngayong araw. Bukod sa pag absent nito ay gumastos pa ito para sa lola niya."A-alis na ako, pumasok kana doon sa loob at huwag mo na akong tignan paalis," naka-ngiti na sabi ni Philip dito.Sobra ang naramdaman na gaan ng loob ni Isabel dahil sa binata, hindi niya akalain na ganito pala ang pakiramdam na may sinasandalan sa panahon ng problema.Muli ay naiiyak nanaman siya, hindi niya napigilan ang sarili at niyakap niya ang lalake. Nabigla si Philip sa ginawa ng dalaga pero agad din naman itong nakabawi, gumanti siya ng yakap sa dalaga at hinimas-himas ang likod para kahit papaano ay gumaan muli ang pakiramdam nito."Huwag ka ng malungkot, andito lang ako pag nangangailangan ka ng kausap. Handa din akong tumulong kaya huwag kang mahihiya na lumapit." Sabi ng binata dahilan para mas mai
Linggo noong may pumalit namang mabait na kapitbahay kay Isabel para mag bantay sa kaniyang Lola, kaya sa wakas ay makakapasok siya sa kaniyang trabaho. Mabuti na rin iyon dahil mauubusan na sila ng pang budget kung pati trabaho niya ay hindi pa siya makakapasok.Nakiusap siya sa kaniyang boss na kung pwede ay umaga hanggang gabi siya magtratrabaho, buti nalang ay pabor ito sa boss niya dahil medyo nagkukulang din sila ng tauhan.Pagkarating niya doon ay agad siyang nagsimula sa pagtratrabaho, kahit medyo puyat ay pinilit niyang kumilos tulad ng dati. Hindi siya pwedeng maging mabagal o magreklamo dahil hindi niya maaatim na maalis sa trabaho."Isabel, okay na ba ang Lola mo?" Napalingon siya sa isang lalake, si ken.Bihira lang ang nakakaalam ng totoong stado ng buhay ni ken, dahil nga ay isa din ito sa mga nagiging leader ng mga program, ngunit nasasama si ken sa mga scholar ng University nila at kailangan na magtrabaho para din sa ikakabuhay at i
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Isabel sabay iwas ng tingin. Hindi rin alam ni Isabel bakit ganoon ang sinagot niya, pwede naman niya agad sabihin na hindi.Pero bakit kailangan ay mag pa sikot-sikot pa siya sa pag sagot sa tanong ng binata?Siguro ay iba ang saya na nararamdaman niya sa nakikita niyang halo-halong emosyon na pinapakita ng mata ng binata, hindi niya maipaliwanag pero iyon ang totoo. Gusto pa niyang makita ang mga emosyon ng binata na bihira lang niya makita dahil madalas ay lagi lang itong masaya."Anong, ano ang ibig kong sabihin? Tinatanong kita kung kayo ba ni Ken?" Napakahina na ng boses ng binata sa mga huling salita na binigkas niya. Para bang hindi niya kayang bigkasin ang mga salita na iyon."Kami o hindi ano naman sa iyo?" Mataray na sagot ni Isabel dito, agad namang napahinto sa pag kilos ang binata na parang may naalala."S-sorry." Sabi ni Philip at agad-agad na tinalikuran si Isabel at lumakad paalis, h
Halos hindi na mapakali ang kaibigan ni Isabel, lingon ito ng lingon sa kaniya. Dahil sa inis ay agad niya itong nilakihan ng mata."Pag hindi ka pa tumigil kakatingin sa akin ay tutusukin ko na iyang mata mo!" Banta ng dalaga sa kaibigan pero hindi naman nag patinag si therese, hindi na talaga siya matahimik sa inuupuan.Bihira lang magkaroon ng ibang ka-close si Isabel, bukod kay therese ay si Ken lang ang nakakatagal sa ugali ni Isabel kaya ganoon nalang ang pagka-excite ni therese ng malaman na may bago itong nakakasama. Nang matapos mag discuss ang professor nila at pagsabi nito ng class dismissed ay dali-daling inayos ni therese ang kaniyang upuan paharap kay Isabel."Kwento na girl," kinikilig-kilig pa si therese pero hinila siya patayo ni Isabel at naglalakad sila palabas ng classroom.Paano nga ba mag kukwento si Isabel sa kaibigan doon sa loob kung alam na niyang nakahanda na din ang tenga ng iba para makasagap ng tsismis."Hindi ba pwede
Kulang nalang ay mapunit ang pisngi ng binata dahil sa gaan ng pakiramdam niya, halos hindi nga niya maitago ang ngiti niya kahit naglalakad siya sa corridor mag-isa para pumunta sa pangatlo siyang klase.Halos kumunot naman ang noo ng dalawa niyang kaibigan ng matanaw nila ito."Sa tingin ko ay nakasama na naman nito si Isabel," hula ni Vince,tumango naman si Greg bilang pag sang-ayon.Sa tagal nilang magkakaibigan ay alam na alam na nila ang kilos ng bawat isa, imposible nalang kung hindi pa nila mabasa ang takbo ng isip ng bawat isa kung noong mga sanggol pa lang sila ay madalas na silang magkakasama."Grabi ang ngiti ah, nakakasilaw." Reklamo ni Greg sabay acting na para nga itong nasisilaw. Natawa naman si Philip sa inakto ng kaibigan."Wag nga kayong O.A, porket nakangiti e issue na naman kayo," sagot nito sabay upo sa tabi ng dalawa niyang kaibigan. Nag tinginan naman ang dalawa."Hala, inaano kaba namin? Nagtatanong lang issue agad, ik
Kinabukasan, andoon ulit ang lalake pero hindi na sila nakapag tagal pa kasama ang lola ni Isabel dahil maaga ang unang klase nila. Tahimik lang ang dalawa, normal lang naman sa babae ang pagiging tahimik pero sa binata ay hindi kaya ganoon na lang ang pagtataka ni Isabel dito at hindi niya mapigilan na maunang mag salita.“History ang unang klase natin pareho diba?” Hindi alam ni Isabel ang unang sasabihin kaya kahit alam naman nila pareho na History ang unang klase nila ay iyon ang una niyang natanong. Halos lumubog na si Isabel sa hiya, ito ang unang beses na sinubukan ng dalaga na magsimula ng usapan at ganoon pa ang unang pumasok sa isip niya.“Ah, oo. Pareho tayo ng unang klase every Tuesday, History class.” Maikling sagot naman ng binata na parang malalim pa rin ang iniisip. Gusto man tanungin ng dalaga ang binata kung anong problema nito ay hindi niya magawa, hindi niya alam paano sisimulan tanungin ito. Noon pa man ay hindi sanay
Pumunta si Philip sa banyo at naligo para mahimasmasan sa bangungot na nangyari sa kaniya, halos mag dalawang oras din nagbabad ang binata na tubig bago ito umahon. Buti na lang ay medyo nabawasan na ang sakit ng ulo niya dahil sa pagligo, pero iinom pa rin siya ng gamot. Masyado na siyang nagiging sakitin nitong mga nakaraang buwan at hindi na niya maatim na magkasakit ulit ngayon.Bakit nga ba ganoon na lang ang panaginip ng binats, parang may ibig itong iparating sa kaniya na hindi naman niya maisip kung ano."Hindi ko siya pwedeng kalimutan," paulit-ulit na bulong ni Philip sa sarili, baka sakali na maintindihan niya ang ibig sabihin ng panaginip niya.Habang nagbibihis siya ay saka lang niya napagtanto ang nais sabihin ng panaginip. Hindi niya maaring kalimutan ang babae sa panaginip niya. Nitong mga nakaraang araw kasi ay wala na siyang pakialam sa babae na nasa panaginip niya, ang atensyon niya ay naka-focus na sa babae na nasa harapan niya, si Isab
“Huy, Yuna lasing ka na tama na iyan!” Bawal ng mga kaibigan nito sa babae habang patuloy pa rin ito sa paglaklak sa alak na hawak nito. Hindi nila alam kung ano ang nagtulak sa dalaga para mag-inom ito ng marami ngayon, sa pagkakaalam naman niya ay maayos na ang lagay ng Papa nito at wala pa silang nababalitaan ulit na masamang balita pero para itong problemado na problemado.“Anong oras na oh, uuwi na kami.” Si Vince iyon dahil binilin ito na huwag masyadong magpakalasing sa graduation party nila,” hindi naman naming siya pwedeng isabay dahil iba ang daan ng bahay.” Pagpapaliwanag pa nito.“Lasing rin si Isabel, itong si Therese ay pwede naming isabay pero hindi ko rin masasabay si Yuna at iba rin ang direction papunta sa kanila.” Problemado din na sagot ni Philip habang inaalalayan ang lasing na si Isabel at Therese.Hindi makapaniwalang nakatingin si Ken sa kanila, mukh
“Congratulations, graduates!” Huling sabi ng school director at sabay-sabay nagsigawan ang lahat at masayang niyakap ang mga magulang at kaibigan. May mga nag-iiyakan at may iba na pilit inaayos ang nasirang relasyon ng mga nag daan na taon sa buhay nila.Gaano nga ba kabilis dumaan ang araw sa buhay ng tao para ayusin ang mga dapat ayusin at bigyan ng importansya ang mga bagay na mahalaga sa isang tao, paano ng aba masasama na kung hindi mo aayusin ngayon ay may pagkakataon ka pa na ayusin mamaya o bukas?Kung may nararamdaman ka sa isang tao, ano ng aba ang tamang oras, araw, at panahon para aminin iyon?Minsan mas mabuti kung gawin moa gad para wala kang pagsisisihan sa huli.Ang pangalawang pagkakataon na binigay para kay Philip para muling makita at makasama ang babaeng pinakamamahal niya ay sadya naman talagang pinagpapasalamat ng binata.“Isabel.” B
Years laterMatapos ng araw na iyon, naging mas lalong naging malapit ang pamilya nilang dalawa. Mas naging open din sa isa’t-isa si Isabel at Philip sa mga bagay-bagay at sa relasyon na meron sila. Naging madali sa mga ito na makahabol sa mga pag-aaral. “Wow! Hindi mo talaga aakalain na malapit na tayong mag-graduate, hindi na ako baby sa bahay tiyak na pipilitin na ako ni Papa na pagtrabahuin sa business nya.” Mabilis na reklamo ni Vince habang nag-iinat ng mga kamay dahil kakatapos lamang ng huli nilang exam. “Mabuti naman kung ganoon para hindi pangbababae ang inaatupag mo, hindi mo gayahin si Greg pagka-graduate niya ay sasali na agad siya sa nat
“Gusto ko lang po sabihin sa inyo na mahal ko si Isabel, mahal na mahal ko siya mula noon hanggang ngayon,” Huminto saglit sa pagsasalita si ken at himinga ng malalim. “kaya po andito pa rin ako sa tabi niya kahit na alam ko na hindi sya para sakin at ibang lalake ang mahal niya. Alam kop o na wala akong karapatan pero bilang kaibigan nilang pareho, gusto ko po sana na sabihin sa inyo na hayaan at pakinggan nyo po sila, huwag nyo agad tutulan yung relasyon na meron sila.” Magalang ang tono ng binata at halatang kinakabahan. “Hindi ko maintindihan, bakit tinutulungan mo ang binata na iyon kung may nararamdaman ka rin para sa Apo ko? Hindi ba dapat na mas humingi ka ng pagkakataon para sa sarili mo?” Tanong ng matanda dito. Napailing naman ang binata
Ilang linggo lang din naman ay nakalabas na sila ng hospital, tulad ng inaasahan napakarami nilang dapat habulin sa bawat subject. Kay Philip ay wala namang problema iyon pero kay Isabel na walang kasipag-sipag sa pag-aaral ay parang isang delubyo ang isang oras na maupo sa loob ng library para mag-aral. “Ayaw ko na! suko na ako dito wala naman akong naiintindihan e ilang oras ko ng paulit-ulit na binabasa pero wala namang pumapasok sa utak ko.” Naiinis na binagsak ni Isabel ang libro, lumalabas na naman ang pagiging maldita niya dahilan para hindi mapigilan ni Philip na tignan ito ng hindi makapaniwala. “Paanong may maiintindihan ka diyan e tignan mo nga
“Nagseselos ka ba?” Nang-aasar na tanong ng binata sa dalaga dahilan para matigilan ito, unti-unting bumaba ang nakataas niyang kilay at muling naupo sa upuan sa harap ng binata. “Kalokohan kung sasabihin ko na hindi ako nagseselos, nang maalala ko ang lahat tungkol satin ay sobra-sobra ang ingit na nararamdaman ko sa kaniya dahil sa sobrang lapit ninyo sa isa’t-isa pero anong magagawa ko, siguro nga ay nakatadhana na siya lagi ang unang babaeng makikilala mo kaysa sa akin.” Malungkot ang tono ng boses nito kaya hindi maiwasan ng binata ang magpakita ng pag-aalala sa mukha. “Huwag ka ng malungkot, kung ako naman ang masusunod ay pipiliin
“Nagising na yung pasyente bilisan nyo sa pagkilos!” Nagmamadali ang mga nurse sa pagpunta muli sa kwarto ni Philip. Alam naman niyang may kaya ang pamilya nito pero iba talaga ang asikaso ng hospital sa binata. Mula noon hanggang ngayon ay hindi nagbago ang estado ng buhay nito, ibang-iba pa rin tulad ng buhay nila ni Isabel. Hindi niya lang maintindihan kung bakit hindi na pwedeng siya naman ngayon para sa dalaga, kahit man lang sana saglit binigyan siya ng pagkakataon para sa dalaga pero kung mayaman rin ang pamilya niya ngayon ay baka hindi niya nakilala si Isabel dahil kung hindi dahil sa trabaho nila hindi naman sila magiging magkaibigan. “Sino ba iy
Hindi akalain ng binata na magagawa niya ang ganoong bagay, sinabi niya dati sa sarili na papatunayan niyang hindi totoo ang sinasabi ng iba na masama silang pamilya pero sa pagkakataon na ito ay wala na siyang dapat patunayan, ang mga taong nasa paligid niya ang nagtulak na gumawa ng masama kahit ayaw niya. Piliin ang mabuti? Hindi lahat ng sitwasyon ay masasabi at magagawa niya iyon, kung ngayon siya husgahan ng mga tao hanggang gusto nila dahil wala ng dahilan para masaktan siya. Iyon ang nasa isip ng binata pero nanginginig ang katawan niya habang dahan-dahang naglalakad palayo sa mga nakahandusay na katawan sa daan, muling isip
Ngunit kahit anong hiyaw ng binata at pagkalampag ng pintuan ay wala talagang gustong magbigay ng pansin sa kaniya, kahit isa sa mga ito ay ayaw magawa ng mali sa matandang lalake. Pero sino nga ba ang hindi matatakot sa matanda kung alam na ng mga ito ang kayang gawin ng isang Don.Vicente sa gustong kumalaban sa kaniya. Sa huli ay wala rin nagawa ang binata kung hindi ang tumigil at mahiga na lang sa malamig sa sahig, kahit pagurin niya ang sarili kung para sa mga taong nakapaligid sa kaniya ay wala siya doon ay wala siyang mapapala at magmumukha lang siyang baliw at nagsasayang ng lakas na pwede niyang gamitin sa pagtakas. Inikot niya ang tingin sa paligid, pero mukhang malabong mangyari iyon dahil wala man lang siyang makitang pwedeng daanan kung sakasakali k