"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Isabel sabay iwas ng tingin. Hindi rin alam ni Isabel bakit ganoon ang sinagot niya, pwede naman niya agad sabihin na hindi.
Pero bakit kailangan ay mag pa sikot-sikot pa siya sa pag sagot sa tanong ng binata?
Siguro ay iba ang saya na nararamdaman niya sa nakikita niyang halo-halong emosyon na pinapakita ng mata ng binata, hindi niya maipaliwanag pero iyon ang totoo. Gusto pa niyang makita ang mga emosyon ng binata na bihira lang niya makita dahil madalas ay lagi lang itong masaya.
"Anong, ano ang ibig kong sabihin? Tinatanong kita kung kayo ba ni Ken?" Napakahina na ng boses ng binata sa mga huling salita na binigkas niya. Para bang hindi niya kayang bigkasin ang mga salita na iyon.
"Kami o hindi ano naman sa iyo?" Mataray na sagot ni Isabel dito, agad namang napahinto sa pag kilos ang binata na parang may naalala.
"S-sorry." Sabi ni Philip at agad-agad na tinalikuran si Isabel at lumakad paalis, h
Halos hindi na mapakali ang kaibigan ni Isabel, lingon ito ng lingon sa kaniya. Dahil sa inis ay agad niya itong nilakihan ng mata."Pag hindi ka pa tumigil kakatingin sa akin ay tutusukin ko na iyang mata mo!" Banta ng dalaga sa kaibigan pero hindi naman nag patinag si therese, hindi na talaga siya matahimik sa inuupuan.Bihira lang magkaroon ng ibang ka-close si Isabel, bukod kay therese ay si Ken lang ang nakakatagal sa ugali ni Isabel kaya ganoon nalang ang pagka-excite ni therese ng malaman na may bago itong nakakasama. Nang matapos mag discuss ang professor nila at pagsabi nito ng class dismissed ay dali-daling inayos ni therese ang kaniyang upuan paharap kay Isabel."Kwento na girl," kinikilig-kilig pa si therese pero hinila siya patayo ni Isabel at naglalakad sila palabas ng classroom.Paano nga ba mag kukwento si Isabel sa kaibigan doon sa loob kung alam na niyang nakahanda na din ang tenga ng iba para makasagap ng tsismis."Hindi ba pwede
Kulang nalang ay mapunit ang pisngi ng binata dahil sa gaan ng pakiramdam niya, halos hindi nga niya maitago ang ngiti niya kahit naglalakad siya sa corridor mag-isa para pumunta sa pangatlo siyang klase.Halos kumunot naman ang noo ng dalawa niyang kaibigan ng matanaw nila ito."Sa tingin ko ay nakasama na naman nito si Isabel," hula ni Vince,tumango naman si Greg bilang pag sang-ayon.Sa tagal nilang magkakaibigan ay alam na alam na nila ang kilos ng bawat isa, imposible nalang kung hindi pa nila mabasa ang takbo ng isip ng bawat isa kung noong mga sanggol pa lang sila ay madalas na silang magkakasama."Grabi ang ngiti ah, nakakasilaw." Reklamo ni Greg sabay acting na para nga itong nasisilaw. Natawa naman si Philip sa inakto ng kaibigan."Wag nga kayong O.A, porket nakangiti e issue na naman kayo," sagot nito sabay upo sa tabi ng dalawa niyang kaibigan. Nag tinginan naman ang dalawa."Hala, inaano kaba namin? Nagtatanong lang issue agad, ik
Kinabukasan, andoon ulit ang lalake pero hindi na sila nakapag tagal pa kasama ang lola ni Isabel dahil maaga ang unang klase nila. Tahimik lang ang dalawa, normal lang naman sa babae ang pagiging tahimik pero sa binata ay hindi kaya ganoon na lang ang pagtataka ni Isabel dito at hindi niya mapigilan na maunang mag salita.“History ang unang klase natin pareho diba?” Hindi alam ni Isabel ang unang sasabihin kaya kahit alam naman nila pareho na History ang unang klase nila ay iyon ang una niyang natanong. Halos lumubog na si Isabel sa hiya, ito ang unang beses na sinubukan ng dalaga na magsimula ng usapan at ganoon pa ang unang pumasok sa isip niya.“Ah, oo. Pareho tayo ng unang klase every Tuesday, History class.” Maikling sagot naman ng binata na parang malalim pa rin ang iniisip. Gusto man tanungin ng dalaga ang binata kung anong problema nito ay hindi niya magawa, hindi niya alam paano sisimulan tanungin ito. Noon pa man ay hindi sanay
Pumunta si Philip sa banyo at naligo para mahimasmasan sa bangungot na nangyari sa kaniya, halos mag dalawang oras din nagbabad ang binata na tubig bago ito umahon. Buti na lang ay medyo nabawasan na ang sakit ng ulo niya dahil sa pagligo, pero iinom pa rin siya ng gamot. Masyado na siyang nagiging sakitin nitong mga nakaraang buwan at hindi na niya maatim na magkasakit ulit ngayon.Bakit nga ba ganoon na lang ang panaginip ng binats, parang may ibig itong iparating sa kaniya na hindi naman niya maisip kung ano."Hindi ko siya pwedeng kalimutan," paulit-ulit na bulong ni Philip sa sarili, baka sakali na maintindihan niya ang ibig sabihin ng panaginip niya.Habang nagbibihis siya ay saka lang niya napagtanto ang nais sabihin ng panaginip. Hindi niya maaring kalimutan ang babae sa panaginip niya. Nitong mga nakaraang araw kasi ay wala na siyang pakialam sa babae na nasa panaginip niya, ang atensyon niya ay naka-focus na sa babae na nasa harapan niya, si Isab
Maagang dumating ang binatang si Ken sa Hospital kung saan naka confined ang Lola ni Isabel.Naisip nito na dalawin ang matanda dahil malapit din naman siya dito. Noong kumatok siya sa pinto ay mabilis itong binuksan ng dalaga na halatang may hinihintay, halata din ng binata ang gulat at pilit na ngiti na binigay ng dalaga sa kaniya."Oh, Ikaw pala Ken. Anong ginagawa mo dito ng napaka aga?" Bungad na tanong ni Isabel at pinapasok ang binata. Inibis naman ng binata ang bitbit niyang prutas sa lamesa at nag mano sa matanda."Sempre dinadalaw ang pinaka magandang Lola sa pilipinas," biro nito at kumindat sa Lola ni Isabel, tumawa naman ang matanda."At talagang nambola ka na agad pagkarating na pagkarating mo? At sa pilipinas lang talaga ako pinaka maganda." Natatawang sabi ng matanda.Hindi naman alam ni Isabel ang mararamdaman ng mga oras na iyon, bihira lang tumawa ang matanda at isa ang kaibigan niyang si Ken na nagagawa noon. Halos hindi naman tal
"Hindi ka talaga titigil diyan ha?" Natatawang banta ng lalake dito, pero umiling lang ang babae at inasar pa siya nito ng inasar ang lalake.Kaya mabilis na tumayo ang lalake at lumapit sa babae, nakangiti ito ng nakakaloko at hinawakan ang dalawang pisngi ng babae."Sige ilabas mo pa iyang dila mo at hihilain ko 'yan"Agad namang tinulak ng babae ang lalake sa balikat pero parang wala lang itong epekto sa lalake, hindi nga ito naalis sa kinatatayuan."Hoy, hahaha! Ano ba lumayo ka nga. Binibiro lang naman kita kaibigan bakit masyado kang pikon ha?" Tawang-tawa ang babae at paulit-ulit na tinulak ang lalake.Tinukod ng lalake ang isang kamay sa lamesa habang nakahawak ang isang kamay sa pisngi ng babae."Siguraduhin mo lang na hindi mo na ako aasarin, subukan mo ulit ilabas iyang dila--" hindi natuloy ng lalake ang sasabihin ng bumukas ang pinto at andoon ulit ang dalawa, sa pangalawang pagkakataon nagkita ulit silang apat.
Pagkatapos nilang kumain ay kanya-kanya silang puntahan sa mga susunod nilang schedule, si Therese at Greg na nasa sport club at si Vince na nasa photography Club ay nagsama-sama papunta sa Gym, kaya sa huli ay ang apat na naman ang naiwan dahil pare-pareho sila na myembro ng drama club."Uhm, guys? Tara na rin sa drama club room para makapag-practice na tayo?" Pag-aaya ni Yuna sa mga kasama niya, wala namang mga kibo ang mga ito pero agad nagtayuan at naglakad patungo sa drama room.Napangiwi na lang doon ang babae, mukha yatang mababaliw siya sa mga ito kung magtatagal silang magkakasama!Pagkarating nila doon ay tahimik pa rin ang tatlo kaya napahilot na lang ang babae sa batok niya at bumuntong-hininga."So, tayo na lang ang mag partner sa pag practice Ken, tutal si Philip at Isabel naman talaga ang original na mag partner." Suhento nito."Bakit hindi na lang natin i-practice ang scene na andoon tayong apat? Kaysa naman masayang ang pagkakataon
Kinabukasan ay maagang nagising si Isabel, napakasarap ng pakiramdam niya, feeling niya ay nakabawi siya ng ilang araw na tulog.Nakita niya ang lalake na nakadukdok sa maliit na lamesa at doon natutulog, naawa naman siya dito dahil may mga kagat pa ng lamok ang braso at pisngi nito."Oo na, alam kong gwapo ako pero baka naman matunaw ako kung tititigan mo ako ng sobra-sobra diba?" Biro ng lalake at unti-unting minulat ang mata at ngumiti ng malaki."Hah? Asa ka naman, iyang bulaklak sa base ang tinitignan ko, palanta na kasi kailangan ng palitan tsaka asan ang sinasabi mo na gwapo? Saan banda aber?" Bawi naman nito."Hay nako kayong mga bata kayo! Kaaga-aga nag babangayan na naman kayo? Aba'y para kayong aso't-pusa minsan maliit na bagay pinag tatalunan." Sermon naman ng matanda dahil naiingayan na siya."Si Isabel po kasi Lola, ang gwapo ko tapos hindi daw niya makita.""Eh wala naman talaga akong makikita na gwapo, hindi ka na
“Huy, Yuna lasing ka na tama na iyan!” Bawal ng mga kaibigan nito sa babae habang patuloy pa rin ito sa paglaklak sa alak na hawak nito. Hindi nila alam kung ano ang nagtulak sa dalaga para mag-inom ito ng marami ngayon, sa pagkakaalam naman niya ay maayos na ang lagay ng Papa nito at wala pa silang nababalitaan ulit na masamang balita pero para itong problemado na problemado.“Anong oras na oh, uuwi na kami.” Si Vince iyon dahil binilin ito na huwag masyadong magpakalasing sa graduation party nila,” hindi naman naming siya pwedeng isabay dahil iba ang daan ng bahay.” Pagpapaliwanag pa nito.“Lasing rin si Isabel, itong si Therese ay pwede naming isabay pero hindi ko rin masasabay si Yuna at iba rin ang direction papunta sa kanila.” Problemado din na sagot ni Philip habang inaalalayan ang lasing na si Isabel at Therese.Hindi makapaniwalang nakatingin si Ken sa kanila, mukh
“Congratulations, graduates!” Huling sabi ng school director at sabay-sabay nagsigawan ang lahat at masayang niyakap ang mga magulang at kaibigan. May mga nag-iiyakan at may iba na pilit inaayos ang nasirang relasyon ng mga nag daan na taon sa buhay nila.Gaano nga ba kabilis dumaan ang araw sa buhay ng tao para ayusin ang mga dapat ayusin at bigyan ng importansya ang mga bagay na mahalaga sa isang tao, paano ng aba masasama na kung hindi mo aayusin ngayon ay may pagkakataon ka pa na ayusin mamaya o bukas?Kung may nararamdaman ka sa isang tao, ano ng aba ang tamang oras, araw, at panahon para aminin iyon?Minsan mas mabuti kung gawin moa gad para wala kang pagsisisihan sa huli.Ang pangalawang pagkakataon na binigay para kay Philip para muling makita at makasama ang babaeng pinakamamahal niya ay sadya naman talagang pinagpapasalamat ng binata.“Isabel.” B
Years laterMatapos ng araw na iyon, naging mas lalong naging malapit ang pamilya nilang dalawa. Mas naging open din sa isa’t-isa si Isabel at Philip sa mga bagay-bagay at sa relasyon na meron sila. Naging madali sa mga ito na makahabol sa mga pag-aaral. “Wow! Hindi mo talaga aakalain na malapit na tayong mag-graduate, hindi na ako baby sa bahay tiyak na pipilitin na ako ni Papa na pagtrabahuin sa business nya.” Mabilis na reklamo ni Vince habang nag-iinat ng mga kamay dahil kakatapos lamang ng huli nilang exam. “Mabuti naman kung ganoon para hindi pangbababae ang inaatupag mo, hindi mo gayahin si Greg pagka-graduate niya ay sasali na agad siya sa nat
“Gusto ko lang po sabihin sa inyo na mahal ko si Isabel, mahal na mahal ko siya mula noon hanggang ngayon,” Huminto saglit sa pagsasalita si ken at himinga ng malalim. “kaya po andito pa rin ako sa tabi niya kahit na alam ko na hindi sya para sakin at ibang lalake ang mahal niya. Alam kop o na wala akong karapatan pero bilang kaibigan nilang pareho, gusto ko po sana na sabihin sa inyo na hayaan at pakinggan nyo po sila, huwag nyo agad tutulan yung relasyon na meron sila.” Magalang ang tono ng binata at halatang kinakabahan. “Hindi ko maintindihan, bakit tinutulungan mo ang binata na iyon kung may nararamdaman ka rin para sa Apo ko? Hindi ba dapat na mas humingi ka ng pagkakataon para sa sarili mo?” Tanong ng matanda dito. Napailing naman ang binata
Ilang linggo lang din naman ay nakalabas na sila ng hospital, tulad ng inaasahan napakarami nilang dapat habulin sa bawat subject. Kay Philip ay wala namang problema iyon pero kay Isabel na walang kasipag-sipag sa pag-aaral ay parang isang delubyo ang isang oras na maupo sa loob ng library para mag-aral. “Ayaw ko na! suko na ako dito wala naman akong naiintindihan e ilang oras ko ng paulit-ulit na binabasa pero wala namang pumapasok sa utak ko.” Naiinis na binagsak ni Isabel ang libro, lumalabas na naman ang pagiging maldita niya dahilan para hindi mapigilan ni Philip na tignan ito ng hindi makapaniwala. “Paanong may maiintindihan ka diyan e tignan mo nga
“Nagseselos ka ba?” Nang-aasar na tanong ng binata sa dalaga dahilan para matigilan ito, unti-unting bumaba ang nakataas niyang kilay at muling naupo sa upuan sa harap ng binata. “Kalokohan kung sasabihin ko na hindi ako nagseselos, nang maalala ko ang lahat tungkol satin ay sobra-sobra ang ingit na nararamdaman ko sa kaniya dahil sa sobrang lapit ninyo sa isa’t-isa pero anong magagawa ko, siguro nga ay nakatadhana na siya lagi ang unang babaeng makikilala mo kaysa sa akin.” Malungkot ang tono ng boses nito kaya hindi maiwasan ng binata ang magpakita ng pag-aalala sa mukha. “Huwag ka ng malungkot, kung ako naman ang masusunod ay pipiliin
“Nagising na yung pasyente bilisan nyo sa pagkilos!” Nagmamadali ang mga nurse sa pagpunta muli sa kwarto ni Philip. Alam naman niyang may kaya ang pamilya nito pero iba talaga ang asikaso ng hospital sa binata. Mula noon hanggang ngayon ay hindi nagbago ang estado ng buhay nito, ibang-iba pa rin tulad ng buhay nila ni Isabel. Hindi niya lang maintindihan kung bakit hindi na pwedeng siya naman ngayon para sa dalaga, kahit man lang sana saglit binigyan siya ng pagkakataon para sa dalaga pero kung mayaman rin ang pamilya niya ngayon ay baka hindi niya nakilala si Isabel dahil kung hindi dahil sa trabaho nila hindi naman sila magiging magkaibigan. “Sino ba iy
Hindi akalain ng binata na magagawa niya ang ganoong bagay, sinabi niya dati sa sarili na papatunayan niyang hindi totoo ang sinasabi ng iba na masama silang pamilya pero sa pagkakataon na ito ay wala na siyang dapat patunayan, ang mga taong nasa paligid niya ang nagtulak na gumawa ng masama kahit ayaw niya. Piliin ang mabuti? Hindi lahat ng sitwasyon ay masasabi at magagawa niya iyon, kung ngayon siya husgahan ng mga tao hanggang gusto nila dahil wala ng dahilan para masaktan siya. Iyon ang nasa isip ng binata pero nanginginig ang katawan niya habang dahan-dahang naglalakad palayo sa mga nakahandusay na katawan sa daan, muling isip
Ngunit kahit anong hiyaw ng binata at pagkalampag ng pintuan ay wala talagang gustong magbigay ng pansin sa kaniya, kahit isa sa mga ito ay ayaw magawa ng mali sa matandang lalake. Pero sino nga ba ang hindi matatakot sa matanda kung alam na ng mga ito ang kayang gawin ng isang Don.Vicente sa gustong kumalaban sa kaniya. Sa huli ay wala rin nagawa ang binata kung hindi ang tumigil at mahiga na lang sa malamig sa sahig, kahit pagurin niya ang sarili kung para sa mga taong nakapaligid sa kaniya ay wala siya doon ay wala siyang mapapala at magmumukha lang siyang baliw at nagsasayang ng lakas na pwede niyang gamitin sa pagtakas. Inikot niya ang tingin sa paligid, pero mukhang malabong mangyari iyon dahil wala man lang siyang makitang pwedeng daanan kung sakasakali k