Natapos ang pang sabado na klase ni Philip at Vince kaya agad dumiretso ang dalawa sa Gym kung saan naroon ang kanilang kaibigan na si Greg. Pag pasok pa lamang ni Philip ay agad na niyang natanaw si Isabel na hinihintay din ang kaibigan. Agad-agad niyang hinila si Vince papunta sa gawi nito at naupo sa tabi ng dalaga. Mabilis pa sa paglaho ng bula ang pagkawala ng ngiti sa labi ni Isabel ng lingunin niya ang tao na naupo sa tabi.
“Oh! Ikaw pala iyan Isabel,” Kunwaring gulat na sabi ni Philip pero halata sa tono nito ang pang-aasar. Tumaas naman ang kilay ng dalaga at agad kinuha ang mga gamit at tumayo para umalis ng sa paghakbang niya ay may natapakan siyang madulas, ipinikit nalang niya ang sarili at handa ng masaktan ang likod ng maramdaman niya ang dalawang braso na sumalo sa kaniya.
“Masyado ka naman yatang clumsy Ms.Torres, pero huwag kang mag-alaala andito ako at handa kang saluhin ng paulit-ulit.” bulong ni Philip sa tenga ng dala
Nang hilain si Isabel ng taong sumusunod sa kaniya ay agad niya itong hinampas ng malakas gamit ang libro na hawak, siguro ay hindi nito inaasahan ang aksyon na ginawa ni Isabel kaya nakawala agad ang dalaga. Sinamantala naman ni Isabel ang pagkakataon at hinampas pa ng hinampas ng malalakas ito."Aray! Teka! Aray!" Sabi nito kaya agad napahinto si Isabel ng marinig niya ang boses."P-philip?" Nauutal na tanong nito at agad inilawan ang mukha ng lalake, ganoon nalang ang gulat at hiya niya ng ang binata nga ang hinampas hampas niya."B-bakit andito ka? Anong ginagawa mo at sinusundan mo ako," hindi alam ni Isabel ang gagawin."Hindi ko kasi magawa na hayaan ka na mag-isa na umuwi, kaya naisipan ko na sundan ka at siguraduhin na ligtas kang makakauwi. Hindi ko naman akalain na matatakot ka," pag papaliwanag ng binata sa dalaga." Sana tinawag mo nalang ako o nagpakilala ka agad, tignan mo a
Tumayo si Philip at pinagpagan ang pantalon na nadumihan, lumingon ito kay Isabel at ngumiti."Ok ka lang ba?" Tanong nito na may pag-aalala. Tumango naman si Isabel at inayos ang mga gamit."Pasensya ka na at nadamay ka, nasaktan ka na naman."Sabi ng dalaga at kinuha ang panyo at lumapit kay Philip. Tumingkad ito at pinunasan ang dugo sa gilid ng labi ng binata.Sa mga oras na iyon ay mas napagmasdan ng binata ang mukha ng dalaga, ang magaganda nitong mata, ang maliit at hindi katangusan na ilong, at ang mapulang labi nito na may nunal sa gilid. Hindi mapigilan ni Philip na hawakan ito, ramdam niya ang pagkabigla ni Isabel pero hindi ito nagreklamo at hinayaan ang daliri niyang hawakan ang nunal. At sa pangalawang pagkakataon, muli ay nais ni Philip na madampian ng kaniyang labi ang mapupulang labi ng dalaga.Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng dalaga at unti-unti niyang nilapit ang mukha ngunit bigla siyang tinulak ni Isabel dahilan para buma
Pagkatapos nilang kumain ay agad na nag paalam sila Greg at Vince, dahil alam naman na nila na magpapaiwan pa ang kaibigan.Agad nag-dial ng numero ang binata at sumagot naman agad ang nasa kabilang linya."Oh, napatawag ang paborito kong pamangkin? Gaano ba kahalaga iyan at hindi mo na ako nahintay makauwi sa pilipinas?" Birong tanong ng lalake kay Philip."Wala naman, Tito gusto ko lang sanang tanungin kung pwede ba akong mag part-time sa Resto mo?" Hindi niya alam kung bakit niya ginagawa ito pero nagbabaka-sakali siya na pumayag ang Tito niya."Pwede naman, pero bakit?" May pag dududang tanong ng kaniyang tito."May pinag-iipunan lang po, ayaw ko namang kuhanin lahat sa pera na binibigay nila Mama at Papa," paliwanag niya. Kalahati dito ay totoo naman, ayaw niya na puro pera ng magulang niya ang gastusin niya at ang kalahati dito ay para mapalapit kay Isabel.Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay dapat gawin niya ang
Gabi na noong naisipan na mag paalam ng binata, alam ni Isabel na grabi din ang sakripisyo ng binata para sa ginawa niya ngayong araw. Bukod sa pag absent nito ay gumastos pa ito para sa lola niya."A-alis na ako, pumasok kana doon sa loob at huwag mo na akong tignan paalis," naka-ngiti na sabi ni Philip dito.Sobra ang naramdaman na gaan ng loob ni Isabel dahil sa binata, hindi niya akalain na ganito pala ang pakiramdam na may sinasandalan sa panahon ng problema.Muli ay naiiyak nanaman siya, hindi niya napigilan ang sarili at niyakap niya ang lalake. Nabigla si Philip sa ginawa ng dalaga pero agad din naman itong nakabawi, gumanti siya ng yakap sa dalaga at hinimas-himas ang likod para kahit papaano ay gumaan muli ang pakiramdam nito."Huwag ka ng malungkot, andito lang ako pag nangangailangan ka ng kausap. Handa din akong tumulong kaya huwag kang mahihiya na lumapit." Sabi ng binata dahilan para mas mai
Linggo noong may pumalit namang mabait na kapitbahay kay Isabel para mag bantay sa kaniyang Lola, kaya sa wakas ay makakapasok siya sa kaniyang trabaho. Mabuti na rin iyon dahil mauubusan na sila ng pang budget kung pati trabaho niya ay hindi pa siya makakapasok.Nakiusap siya sa kaniyang boss na kung pwede ay umaga hanggang gabi siya magtratrabaho, buti nalang ay pabor ito sa boss niya dahil medyo nagkukulang din sila ng tauhan.Pagkarating niya doon ay agad siyang nagsimula sa pagtratrabaho, kahit medyo puyat ay pinilit niyang kumilos tulad ng dati. Hindi siya pwedeng maging mabagal o magreklamo dahil hindi niya maaatim na maalis sa trabaho."Isabel, okay na ba ang Lola mo?" Napalingon siya sa isang lalake, si ken.Bihira lang ang nakakaalam ng totoong stado ng buhay ni ken, dahil nga ay isa din ito sa mga nagiging leader ng mga program, ngunit nasasama si ken sa mga scholar ng University nila at kailangan na magtrabaho para din sa ikakabuhay at i
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Isabel sabay iwas ng tingin. Hindi rin alam ni Isabel bakit ganoon ang sinagot niya, pwede naman niya agad sabihin na hindi.Pero bakit kailangan ay mag pa sikot-sikot pa siya sa pag sagot sa tanong ng binata?Siguro ay iba ang saya na nararamdaman niya sa nakikita niyang halo-halong emosyon na pinapakita ng mata ng binata, hindi niya maipaliwanag pero iyon ang totoo. Gusto pa niyang makita ang mga emosyon ng binata na bihira lang niya makita dahil madalas ay lagi lang itong masaya."Anong, ano ang ibig kong sabihin? Tinatanong kita kung kayo ba ni Ken?" Napakahina na ng boses ng binata sa mga huling salita na binigkas niya. Para bang hindi niya kayang bigkasin ang mga salita na iyon."Kami o hindi ano naman sa iyo?" Mataray na sagot ni Isabel dito, agad namang napahinto sa pag kilos ang binata na parang may naalala."S-sorry." Sabi ni Philip at agad-agad na tinalikuran si Isabel at lumakad paalis, h
Halos hindi na mapakali ang kaibigan ni Isabel, lingon ito ng lingon sa kaniya. Dahil sa inis ay agad niya itong nilakihan ng mata."Pag hindi ka pa tumigil kakatingin sa akin ay tutusukin ko na iyang mata mo!" Banta ng dalaga sa kaibigan pero hindi naman nag patinag si therese, hindi na talaga siya matahimik sa inuupuan.Bihira lang magkaroon ng ibang ka-close si Isabel, bukod kay therese ay si Ken lang ang nakakatagal sa ugali ni Isabel kaya ganoon nalang ang pagka-excite ni therese ng malaman na may bago itong nakakasama. Nang matapos mag discuss ang professor nila at pagsabi nito ng class dismissed ay dali-daling inayos ni therese ang kaniyang upuan paharap kay Isabel."Kwento na girl," kinikilig-kilig pa si therese pero hinila siya patayo ni Isabel at naglalakad sila palabas ng classroom.Paano nga ba mag kukwento si Isabel sa kaibigan doon sa loob kung alam na niyang nakahanda na din ang tenga ng iba para makasagap ng tsismis."Hindi ba pwede
Kulang nalang ay mapunit ang pisngi ng binata dahil sa gaan ng pakiramdam niya, halos hindi nga niya maitago ang ngiti niya kahit naglalakad siya sa corridor mag-isa para pumunta sa pangatlo siyang klase.Halos kumunot naman ang noo ng dalawa niyang kaibigan ng matanaw nila ito."Sa tingin ko ay nakasama na naman nito si Isabel," hula ni Vince,tumango naman si Greg bilang pag sang-ayon.Sa tagal nilang magkakaibigan ay alam na alam na nila ang kilos ng bawat isa, imposible nalang kung hindi pa nila mabasa ang takbo ng isip ng bawat isa kung noong mga sanggol pa lang sila ay madalas na silang magkakasama."Grabi ang ngiti ah, nakakasilaw." Reklamo ni Greg sabay acting na para nga itong nasisilaw. Natawa naman si Philip sa inakto ng kaibigan."Wag nga kayong O.A, porket nakangiti e issue na naman kayo," sagot nito sabay upo sa tabi ng dalawa niyang kaibigan. Nag tinginan naman ang dalawa."Hala, inaano kaba namin? Nagtatanong lang issue agad, ik