"Pag pasensyahan niyo na itong kaibigan namin, kagagaling lang kasi niya sa hospital wala pa yata sa ayos yung utak at natutulala pa!" birong sabi nito at tumawa naman si Therese.
"So,tama nga ako siya yung paharang harang sa daan ng hospital!" seryosong sabi ng babae.
Muli na naman silang na tahimik pero sumagot din agad si Philip at humingi ng tawad. Pilit na tumawa si Therese at nag kwento tungkol basketball.
"So, kayo Greg kailan ang una niyong laban? Next month ay may ka-practice game kami sa kanilang University,” pasimula nito kaya naman nagkwentuhan muli ang tatlo at naiwang tahimik si Philip at Isabel. Nang matapos silang kumain ay naunang umalis ang dalawang babae at na pahinga naman ng maluwag si Vince.
"Grabe ang awkward ng atmosphere guys. At ikaw naman pareng Philip bakit hindi mo sinabi na nagkita na pala kayo?" Tanong ni Vince dito.
"Hindi naman kasi ganun kaganda yung una naming pagkikita tsaka akala ko hindi niya ako natandaan," napahinga ng malalim si Philip, gusto lang naman niyang mapalapit sa babae at tanungin ito kung pareho sila ng sitwasyon. Kung napapanaginipan din ba siya nito o may lalaki man lang ba itong nakikita sa panaginip. Pero mukhang malabong mangyari na maka-usap niya ang babae ng maayos dahil ngayon palang ay hindi na maganda ang sitwasyon nila.
"Kahit na, sana sinabi mo man lang sa’min na nakita mo na siya bago dito sa school ng natulungan ka naman namin na pumorma. Akala namin ay trip mo lang siya dahil bago sa paningin mo." Sabi ni Greg. Napailing naman si Philip sa pinagsasasabi ng kaibigan.
"Tapos kung tignan mo pa grabe ka Philip!" napapailing na dugtong ni Vince na parang may mali siyang ginawa.
"May naalala lang ako kaya ako natulala," pag papalusot nito sa dalawang kaibigan pero napailing lang ang mga ito habang nakangiti ng nakakalok.
"Sa’min ka pa talaga mag papalusot Pelipe?" pang-aasar ni Greg.
"Wow Gregorio hiyang-hiya naman ako sa’yo!" pagbabalik asar ni Philip sa kaibigan.
"Basta ako mananahimik, huwag niyo akong idamay sa mga kadiring tawagan niyo!" nandidiring banta ni Vince. Ngumiti naman si Philip at umakbay sa kaibigan.
"H’wag ka namang ganyan Vicente nalulungkot kami sa ginagawa mo," umakbay din si Greg dito habang tumatawa.
"Vincente, huwag ka ng mahiya malay mo iyan talaga ang pangalan mo!" At nagtawanan sina Philip at Greg habang naaasar naman ang mukha ni Vince sa pinagsasabi ng dalawa.
Ng natapos ang break ay agad pumasok ang magkakaibigan sa mga sumunod nilang klase hanggang dumating ang uwian.
"Hindi ako makakasabay sa inyo, may practice ang basketball team ngayon," pagpapaalam ni Greg bago ito kumaway at tumakbo palayo sa kanila, wala namang nagawa ang dalawa kundi tanawin ang kaibigan nilang papalayo.
"Hatid mo ako," aniya ni Vince habang nagpapacute sa kaibigan na ikina-tawa ni Philip sabay batok nito sa kaibigan.
"Ayan! Kakaasaran niyo ni Greg nagmumukha ka nang bottom!" agad namang napanguso si Vince at hinampas siya ng bag.
"Alam mo kung may kotse lang akong dala ngayon hindi ako magmamakaawa sa iyo!" sabay pasok nito sa frontseat ng kotse ni Philip.
"At talagang sumakay ka na ha? Sinong nagsabing ihahatid kita? Hintayin mo sila tita na sunduin ka!" Tumatawang saad nito sa kaibigan.
"Ihatid is okay bro but sunduin ng mama at papa sa harap ng gate? Seriously! Ano na lang sasabihin ng mga girls ko!" mayabang na pag lilitanya ni Vince at nagtawanan sila. Nag simula nang mag-drive si Philip at dumiretso sa bahay nina Vince upang ihatid ito.
"Salamat kaibigan sa susunod na color coding!" natatawang saad ni Vince dito at bumaba na sa kotse at nagpaalam. Pagkatapos ay dumetso na si Philip umuwi.
Pagkarating niya sa bahay ay nag-aalalang sumalubong si Manang Sita sa kaniya. Siguro ay nandoon na ang mama at papa niya at naghihintay sa kaniya. Pagpasok ni Philip dito ay nakaupo ang mama at papa niya sa couch at nakatingin sa kaniya, ngumiti naman siya at bumati ng magandang gabi bago humalik sa mama niya at yumakap naman sa papa niya. Pagkatapos ay naupo ito sa couch sa harap ng magulang.
"Pinag-alala mo kami, ang sabi ni Manang Sita ay nag mamadali ka pa daw umalis kanina.Hindi ba't alam mo naman na pinagpaalam ka na namin ng papa mo sa school? Bakit nag mamadali ka pang pumasok kahit kagagaling mo pa lang sa hospital?" Mahinahon pero madiin na litanya ng Mama nito.
"Sorry Ma, may importante lang talaga akong inasikaso. Yung babae sa panaginip ko nakita ko siya," pagkukwento nito sa magulang niya.
"Babae! Babae! Lagi na lang ‘yang babae sa panaginip mo. Sigurado ka ba na siya iyon? Ano nakilala ka ba niya? Napanaginipan ka rin ba niya? Philip naman! Unahin mo naman ang sarili mo!" Galit na reaksyon ng Papa ni Philip kung kaya’t napayuko na lang siya ng dahil doon.
"Pa, sorry na. Pero wala naman kayong dapat ipag-alala sa akin okay na ako. Wala naman akong sakit na malala bakit ganyan kayo kung mag-alala sa’kin?" pangangatwiran naman ng Philip. Biglang natahimik ang mama at papa niya at napa-buntong hininga. Tumingin ang mama niya sa kaniya.
"Sige na, kumain ka na sa kusina at maglinis ng katawan bago matulog," agad naman siyang tumango at tumayo para tumungo sa kusina. Naguguluhan man ay pinag sawalang bahala na lang niya ang kinikilos ng mga magulang. Kahit hindi naman dapat na mag-alala ay grabi itong mag-alala pagdating sa kaniya.
Pagkatapos niyang kumain ay agad siyang dumiritso sa kwarto niya at naligo. Nagpatuyo lang siya saglit ng buhok at natulog na.
~
"Maria! Maria!" Sigaw ng isang tinig matanda na boses. Nakita ni Pelipe ang kanilang kasambahay na si Manang Señya. Agad naman itong lumapit sa kaniya.
"Ginoong Pelipe nakita mo ba ang dalaga nag punta dito kanina?" Tanong nito sa kaniya at umiling naman ito.
"Hindi po Manang Señya, sino po ba iyon? Nagbabasa po ako sa hardin ng nakaramdam ako ng uhaw kaya ako pumunta dito," pagpapaliwanag ng binata.
"Ganoon ba, nais mo bang kunan kita nang maiinom?" Tanong ng matanda ngunit umiling ang binata.
"Naku! Hindi na Manang Señya kaya ko na pong gawin iyon, ituloy niyo na lang po ang ginagawa niyo," tumango naman ang matanda at tinuloy ang paghahanap sa dalaga. Tumuloy naman ang binata para kumuha ng maiinom at agad ding bumalik sa hardin para ituloy ang naudlot na pag babasa.
Nang makarating si Philip, isang babae ang nakaupo sa inuupuan niya habang hawak nito ang libro na kanina lang ay binabasa niya. Tumatawa ito habang nagbabasa.
Tinitigan ni Pelipe ang nakangiti nitong mukha at lumakad papalapit sa kinaroroonan ng dalaga.
"Mawalang galang Binibini ngunit ang libro na iyong hawak ay sa akin," nakangiting sabi ni Pelipe naikina bigla naman ng dalaga. Agad agad itong tumayo at yumuko.
"Nako Ginoo patawarin mo ako sa pangingialam ko sa inyong gamit ng walang paalam. Ako ay naglilibot ng nakaramdam ako nang pagkauhaw at nakita ko ang bahay na ito ngunit umalis ang kasambahay na kasama ko kaya’t naisipan kong hanapin ito para makapag paalam ngunit naligaw ako ng daan at napunta dito sa hardin," mahabang paliwanag nito.
"Kung ganoon ay ikaw pala ang hinahanap ni Manang Señya kanina." Sagot naman ng binata.
"Siguro ay ako nga iyon. Muli’y humihingi ako ng tawad sa pahawak ng iyong gamit, napaka-gandang iyong libro," ngumiti muli ito "Ako ay aalis na, maaari mo bang ituro kung saan ako dapat dumaan?" Tanong nito at tumango naman ang binata sabay turo ng daan.
"Sundan mo lamang ang mga dilaw na bulaklak at makikita mo ang isang pintuan patungo kung saan ka nanggaling," yumuko ang dalaga at nagpapasalamat sa kay Pelipe.
"Sandali!" pigil ni Pelipe dito " Ako nga pala si Felipe, ikaw anong pangalan mo Binibini?" Magalang na tanong nito kaya ngumiti ulit ang dalaga at sumagot.
"Maria-- Maria Isabel ang aking pangalan Ginoo," At naglakad na ito habang sinusundan ang mga dilaw na bulaklak.
~
Isang malakas na tunog ng orasan ang gumising kay Philip dahilan ng biglaang pag bangon nito. Agad-agad n’yang tiningnan ang oras at pasado alas-otso na ng umaga. Nagmamadali siyang naligo at nagbihis at patakbong bumaba sa kusina."Ma! Pa! Manang Sita! Bakit wala man lang gumising sa inyo kahit isa sa akin?" Halos pasigaw niyang tanong na medyo naiinis sa mga ito at naupo sa hapag kainan. Agad namang lumapit si Manang Sita dito at binigyan siya ng pagkain.
"Naku, Hijo kanina pa nakalis ang Mama at Papa mo ganun din si Lyn at Patrick. Kumain ka na at late na late ka na para sa klase mo." Sabi ng matanda habang inaasikaso siya, kaya nag pasalamat naman siya dito at nag simula ng kumain habang nagmamadali.
Nang makarating si Philip sa school ay dumiritso na siya para sa pangalawang subject sa umaga. Sigurado namang hindi na siya tatanggapin kung pumasok man siya sa unang subject dahil sa sobra niyang pagka-late. Pagpasok niya doon ay nadatnan niya ang isang babae na nakaupo sa gilid, agad naman itong lumingon at ngumiti sa kaniya.
"Oy Philip! Na-late ka rin ba sa unang subject mo?" Natatawang tanong nito at tumango si Philip.
"Tinanghali ng gising e, ikaw anong dahilan at na-late ka?" Pag uusisa niya dito.
"Na-late din ako ng gising tapos naabutan pa ng traffic kaya na-late ako ng konti pero tinamad na rin akong pumasok sa unang subject natin dahil agaw pansin masyado, isa pa masakit pa rin ang katawan ko dahil sa practice kahapon sa basketball kaya dumiritso na ako dito," pagkukwento nito sa kaniya.
"Ah. Nga pala, Therese si Isabel nasaan?” tanong nito sa babae “Bukod sa History class ay wala na kaming ibang subject na magkasama e.” dugtong ni Philip.
"Ah, ang alam ko nasa drama club siya ngayon nag me-meeting sila tungkol sa activity na gagawin nila, pero teka diba member ka rin ng drama club? Bakit nandito ka?" Nagtatakang tanong ng babae dito kaya agad-agad namang kinuha ni Philip ang cellphone at nakita ang napaka daming missed calls ng mga ka-club niya kasama na dito si Vince.
"Sh*t! Andami na nga nilang tawag. Hala Therese maiwan na kita dito may meeting pala kami ngayon!" nagmamadali na sinuot muli niya ang bag saka tumakbo papunta sa drama club room. Pag bukas niya ng pinto ay napalingon ang drama club members sa kanya.
"Sa wakas dumating ka rin! Jusko Philip kanina pa kami nag hihintay sayo!" Hiyaw ng club President nila kay Philip agad namang nag-sorry ang binata at naupo sa bakanteng upuan, napansin niya si Isabel sa sulok pero seryoso lang ito at hindi man lang tumingin sa gawi niya.
"So, ito uulitin ko para sa late nating member-- hello sa’yo Philip!" pabirong simula ng club President.
"Ganito kasi iyon, alam niyo naman siguro na malapit na ang Filipino Fest at siguro namang alam niyo rin na every year nag pe-perform ang mga club members, so ang napagkasunduan na theme for this year is about history. Nagkasundo kasi yung Pilipino professors natin at History professors na yun ang theme at wala tayong magagawa. So far naghahanap pa lang ako ng magandang isadula at naisip ko na lang na historical love story na lang para hindi naman mainip yung mga manonood na estudyante and pumayag naman ng mga professors sa suggestion ko," tuloy tuloy na paliwanag nito at tahimik namang nakikinig ang lahat. Nagsalita naman ang Vice President ng club.
"Nag held kami nang meeting para mag botohan sino ang mga gaganap ng main characters ng story," agad namang tiningnan ang mga club members at parang walang gusto na gumanap para sa main roles.
"Huwag kayong mag tinginan ng ganyan dahil kung wala sa inyo ang mag vo-volunteer kami ang mag se-select at wala kayong magagawa kung hindi sundin ang gusto namin," pananakot naman ng club President kaya agad nag taasan ang kamay nila. Agad namang tumawag ng pangalan ang Vice President para mag select ng main lead actor.
"Bakit hindi si Philip? Bukod sa gwapo siya ay sana’y na s’yang humarap sa maraming tao siguradong hindi siya magkakamali pag nag-play na tayo sa stage," agad namang sumang ayon ang iba.
"So walang tutol sa inyo?" Tanong ng President, agad namang umalma si Philip.
"Teka, marami na akong inaasikaso baka hindi ko na magawang mag practice," pagpapaliwanag nito pero umismid lang ang President at pinagsawalang bahala ang rason niya.
"So pag kami hindi mo talagang magawang maasikaso?" Kunwaring nagtatampo ito at sinulat sa maliit na blackboard ang pangalan niya kaya wala na siyang nagawa. Sumunod naman na pinag botohan and main lead actress.
"Si Yuna na lang, sana’y na din siya sa pagharap sa madaming tao!" Sabi ngisa.
"Oy! oy! Ayoko nga tsaka Vice President ako no! May mga aasikasuhin pa kami ng President!" depensa agad nito sa sarili.
"Bakit hindi na lang si Isabel, maganda naman s’ya!" biglang suhestiyon din ng isa nilang kasama sa club.
"Ano ka ba! Bakit s’ya pa!" mahinang bulong ng katabi nito na halatang hindi sumasang-ayon.
"Bakit ba? Totoo namang maganda siya at bagay ang historical sa kaniya," mahinang bulong din ng katabi nito.
"Ang pangit ng ugali niya ang hirap pakisamahan sa tingin mo paano tayo mag-acting?" reklamo naman ng isa.
Padabog na tumayo si Isabel "Hindi ako pwede, wala akong panahon para sayangin lahat ng oras sa pag pra-practice!" At naglakad ito palabas ng kwarto para sa drama club.
Natahimik ang lahat dahil sa mabigat na atmosphere dahil sa nangyari. Agad sinisi ng iba ang dalawang member dahil sa pag-uusap nila ng ganoon."Tumigil na kayo, kahit mag turuan kayo kung sino ang mali wala nang magbabago. So sino ang pwede pang gumanap sa main role?" Tanong ng President. Agad namang tumayo si Philip."Sandali lang, susubukan ko s’yang kumbinsihin para sa role, mag botohan na kayo sa iba pang role na bakante," Biglaang singit ni Philip sa usapan at agad lumabas sa kwarto para sundan si Isabel.Pag labas niya ng pinto ay natanaw niya ang babae na medyo malayo na ang nilakad kaya agad-agad s’yang tumakbo para maabutan ito, ganoon na lang ang gulat ng babae nang sinubukan niyang hawakan ito sa braso para pigilan."Sorry," pagbibigay paumanhin ni Philip " Gusto ko lang naman sabihin na hindi nila gusto na laitin ka." pagpapaliwanag ni Philip."So spokesperso
Tahimik lang habang kumakain si Pelipe, ngayon lang sila nag sabay-sabay kumain ng buong pamilya. Higit pa rito ay ang prisensya ng dalaga na lalong nagbibigay ng hindi komportableng pakiramdam kay Pelipe.Nabasag lamang ang katahimikan ng magtanong ang kaniyang ina sa dalaga. "Iha, nasaan ngayon ang iyong Ama at Ina?" Agad namang binaba ng dalaga ang kubyertos na hawak bago nagsalita."Si Ama ho ay nasa trabaho habang ang aking Ina ay nasa isang pagpupulong sa may bayan patungkol sa mga kababaihan," magalang na sagot ng dalaga. Tumango naman ang Ginang kaya't tumuloy muli sa pagkain ang dalaga. Nang matapos silang kumain ay napagpasiyahan ng magulang ni Pelipe na ipasyal ang dalaga sa kanilang Hardin at sa pagbibiro nga naman ng pagkakataon ay siya pa ang napiling maging kasama nito. Tahimik lamang silang naglalakad habang sinusundan ang mga dilaw na bulaklak patu
Natapos ang pang sabado na klase ni Philip at Vince kaya agad dumiretso ang dalawa sa Gym kung saan naroon ang kanilang kaibigan na si Greg. Pag pasok pa lamang ni Philip ay agad na niyang natanaw si Isabel na hinihintay din ang kaibigan. Agad-agad niyang hinila si Vince papunta sa gawi nito at naupo sa tabi ng dalaga. Mabilis pa sa paglaho ng bula ang pagkawala ng ngiti sa labi ni Isabel ng lingunin niya ang tao na naupo sa tabi.“Oh! Ikaw pala iyan Isabel,” Kunwaring gulat na sabi ni Philip pero halata sa tono nito ang pang-aasar. Tumaas naman ang kilay ng dalaga at agad kinuha ang mga gamit at tumayo para umalis ng sa paghakbang niya ay may natapakan siyang madulas, ipinikit nalang niya ang sarili at handa ng masaktan ang likod ng maramdaman niya ang dalawang braso na sumalo sa kaniya.“Masyado ka naman yatang clumsy Ms.Torres, pero huwag kang mag-alaala andito ako at handa kang saluhin ng paulit-ulit.” bulong ni Philip sa tenga ng dala
Nang hilain si Isabel ng taong sumusunod sa kaniya ay agad niya itong hinampas ng malakas gamit ang libro na hawak, siguro ay hindi nito inaasahan ang aksyon na ginawa ni Isabel kaya nakawala agad ang dalaga. Sinamantala naman ni Isabel ang pagkakataon at hinampas pa ng hinampas ng malalakas ito."Aray! Teka! Aray!" Sabi nito kaya agad napahinto si Isabel ng marinig niya ang boses."P-philip?" Nauutal na tanong nito at agad inilawan ang mukha ng lalake, ganoon nalang ang gulat at hiya niya ng ang binata nga ang hinampas hampas niya."B-bakit andito ka? Anong ginagawa mo at sinusundan mo ako," hindi alam ni Isabel ang gagawin."Hindi ko kasi magawa na hayaan ka na mag-isa na umuwi, kaya naisipan ko na sundan ka at siguraduhin na ligtas kang makakauwi. Hindi ko naman akalain na matatakot ka," pag papaliwanag ng binata sa dalaga." Sana tinawag mo nalang ako o nagpakilala ka agad, tignan mo a
Tumayo si Philip at pinagpagan ang pantalon na nadumihan, lumingon ito kay Isabel at ngumiti."Ok ka lang ba?" Tanong nito na may pag-aalala. Tumango naman si Isabel at inayos ang mga gamit."Pasensya ka na at nadamay ka, nasaktan ka na naman."Sabi ng dalaga at kinuha ang panyo at lumapit kay Philip. Tumingkad ito at pinunasan ang dugo sa gilid ng labi ng binata.Sa mga oras na iyon ay mas napagmasdan ng binata ang mukha ng dalaga, ang magaganda nitong mata, ang maliit at hindi katangusan na ilong, at ang mapulang labi nito na may nunal sa gilid. Hindi mapigilan ni Philip na hawakan ito, ramdam niya ang pagkabigla ni Isabel pero hindi ito nagreklamo at hinayaan ang daliri niyang hawakan ang nunal. At sa pangalawang pagkakataon, muli ay nais ni Philip na madampian ng kaniyang labi ang mapupulang labi ng dalaga.Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng dalaga at unti-unti niyang nilapit ang mukha ngunit bigla siyang tinulak ni Isabel dahilan para buma
Pagkatapos nilang kumain ay agad na nag paalam sila Greg at Vince, dahil alam naman na nila na magpapaiwan pa ang kaibigan.Agad nag-dial ng numero ang binata at sumagot naman agad ang nasa kabilang linya."Oh, napatawag ang paborito kong pamangkin? Gaano ba kahalaga iyan at hindi mo na ako nahintay makauwi sa pilipinas?" Birong tanong ng lalake kay Philip."Wala naman, Tito gusto ko lang sanang tanungin kung pwede ba akong mag part-time sa Resto mo?" Hindi niya alam kung bakit niya ginagawa ito pero nagbabaka-sakali siya na pumayag ang Tito niya."Pwede naman, pero bakit?" May pag dududang tanong ng kaniyang tito."May pinag-iipunan lang po, ayaw ko namang kuhanin lahat sa pera na binibigay nila Mama at Papa," paliwanag niya. Kalahati dito ay totoo naman, ayaw niya na puro pera ng magulang niya ang gastusin niya at ang kalahati dito ay para mapalapit kay Isabel.Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay dapat gawin niya ang
Gabi na noong naisipan na mag paalam ng binata, alam ni Isabel na grabi din ang sakripisyo ng binata para sa ginawa niya ngayong araw. Bukod sa pag absent nito ay gumastos pa ito para sa lola niya."A-alis na ako, pumasok kana doon sa loob at huwag mo na akong tignan paalis," naka-ngiti na sabi ni Philip dito.Sobra ang naramdaman na gaan ng loob ni Isabel dahil sa binata, hindi niya akalain na ganito pala ang pakiramdam na may sinasandalan sa panahon ng problema.Muli ay naiiyak nanaman siya, hindi niya napigilan ang sarili at niyakap niya ang lalake. Nabigla si Philip sa ginawa ng dalaga pero agad din naman itong nakabawi, gumanti siya ng yakap sa dalaga at hinimas-himas ang likod para kahit papaano ay gumaan muli ang pakiramdam nito."Huwag ka ng malungkot, andito lang ako pag nangangailangan ka ng kausap. Handa din akong tumulong kaya huwag kang mahihiya na lumapit." Sabi ng binata dahilan para mas mai
Linggo noong may pumalit namang mabait na kapitbahay kay Isabel para mag bantay sa kaniyang Lola, kaya sa wakas ay makakapasok siya sa kaniyang trabaho. Mabuti na rin iyon dahil mauubusan na sila ng pang budget kung pati trabaho niya ay hindi pa siya makakapasok.Nakiusap siya sa kaniyang boss na kung pwede ay umaga hanggang gabi siya magtratrabaho, buti nalang ay pabor ito sa boss niya dahil medyo nagkukulang din sila ng tauhan.Pagkarating niya doon ay agad siyang nagsimula sa pagtratrabaho, kahit medyo puyat ay pinilit niyang kumilos tulad ng dati. Hindi siya pwedeng maging mabagal o magreklamo dahil hindi niya maaatim na maalis sa trabaho."Isabel, okay na ba ang Lola mo?" Napalingon siya sa isang lalake, si ken.Bihira lang ang nakakaalam ng totoong stado ng buhay ni ken, dahil nga ay isa din ito sa mga nagiging leader ng mga program, ngunit nasasama si ken sa mga scholar ng University nila at kailangan na magtrabaho para din sa ikakabuhay at i