Isang lumang aparador ang nagdala saakin sa nakaraan, sa taon ilang dekada na ang nakalipas , ang taon kung saan isang magiting na batang Heneral ang papasok saaking buhay.
View More"Ano na ate?"napakurap ako kay Federico at ilang sandali pa ay napahinga ako ng malalim dahil ang akala ko ay tunay ko ngang sinigaw ang salitang 'ikaw'Ponyawa nag iimagine lang pala ako.Napatingin naman ako kay Samuel na seryoso na muli ang tingin sa'kin.Napalunok ako ng ilang beses bago magsalita."S-samuel ikaw ang---" magsabi sakanila dahil nahihiya ako!Hindi ko na natapos ang sasabihin ng biglang bumungisngis si Federico na hindi na mapigilan ang pangaasar!si Elina naman ay mahinhin na tumatawa."A-Ang ibig kong sabihin!" sigaw ko, jusko malo nanaman ang nasa isip nila! "ikaw Samuel ba ang magbabayad?hehe kanina pa nakahinto ang kalesa e" Palusot ko kaya natigilan naman silang lahat."Ah sige baba na tayo" Wika ni Federico at iniwanan ako ng tingin na para bang sinasabi niyang hindi pa tapos ang pangaasar ko sa'yo.&nb
Naguunahang tumulo ang bawat butil ng pawis ko dahil sa tirik na tirik na araw. Nasa kalagitnaan kami ng Pag a-ani. Naisipan kasi nila Aling Panyang na maki tulong kami sa mga trabahador rito sa bukid dahil wala naman kaming gagawin ngayon at mas mainam nalang na tumulong kaysa mamasyal dahil wala kaming sapat na pera upang ipambili sa kung anong makita namin.Naging kumportable naman ako kahit papaano sa suot kong puting kamisa de tsino dahil nakakasawa rin ang mahabang saya na laging sumasagabal sa aking kilos.Ang sakit na rin ng likuran ko at sobrang init na ng aking pakiramdam dahil bukod sa first time ko itong gawin, hindi ako laking probinsya at bihira lang magpawis na minsan ay hinahadlangan pa ng aircon.Kahit naman nakakapagod ay nage-enjoy rin naman ako dahil nakikichika kami ni Elina sa mga kuwento ng mga kasama naming dalaga na naga-ani. Panay naman ang pag palakpak ng tainga namin ni Elina tuwing mai-inggit sila dahil imbitado k
"F-Felicia, nais n-ni Donya Valencia na ikaw ang maghatid nito sakaniya" saad ni Danaya habang inaabot saakin isang tasa ng tsaa.Nakakapagtaka kung bakit nanaman siya nauutal at parang takot na takot.Tulad ng dati ay nangangatog din siya na parang natrauma. Napapansin kong madalas siyang ganyan lalo na kapag inuutusan siyang lumabas."Ayos ka lang?"tanong ko saka kinuha ang tasa.Tumango lang siya at ngumiti, ang ngiting alam kong peke."Ayos lamang ako. Idala mo na iyan kay Donya"saad niya at sinikap na huwag mautal.Tumaas ang kilay ko."Pinagmamalupitan kaba ni Valencia?"pagtataray ko. Nanlaki naman ang mata niya at agad na umiling."Hindi. hindi ko nga siya madalas nakakasalamuha."pagdedepensa niya.Napahinga ako ng malalim dahil alam kong 'di naman kami ganon ka-close para sabihin niya saakin ang lahat, iniisip niya sigurong pag nagsumbong siya sa'kin isusumbong ko din siya kay Valencia.
ISANG araw nalang at papayagan na rin kaming umuwi ni Mang Tuding sa bahay.Sa Mansyong ito, pinipili lang nila yung papayagang umuwi.Biyernes at sabado lang dapat kami mawawala pero pinayagan yung kahilingan ni Mang Tuding na hanggang Linggo nalang dahil magsisimba pa raw kami ng magkakasama.Mukha ngang malakas talaga si Mang Tuding sa pamilya nila.KINABUKASAN ay napaka aga kong gumising, wala pa namang oras ng pagtratrabaho kaya pumunta muna ako ng hardin."Ate Felicia" Napalingon ako sa pinagmulan ng boses na iyon.Si Federico."Oh?aga mo ah?"saad ko at tinignan siya mula ulo hanggang paa, pormadong pormado."May aasikasuhin lamang po ako na ipinaguutos ng aking guro. Babalik rin ako mamayang hapon"Saad niya.Napatango nalamang ako."Ngunit mamaya pang alas otso ako aalis"saad niya at napakamot sa ul
HABANG naghihiwa ng Karne dito sa kusina, lumilipad ang isip ko. Hanggang ngayon ay 'diko maiwasang matakot sa mga nangyayari sa'kin, ba't ba nila ako hinohostage?! nakakainis naman e! ano bang kailangan nila sa'kin? hindi na nga lang ako taga rito sa panahong 'to pinapahirapan pa ako!Habang inaasikaso ang mga sangkap ay naalala ko ang tagpo namin ni Miguel kagabi.Kusang tumulo ang aking luha dahil sa takot. "Binibini, ayos ka lang?"tanong ni Miguel at humakbang ng dalawang beses palapit sa'kin. Hindi ako makapagsalita dahil hanggang ngayon ay nangangamba pa'rin ako at natatakot."Sino ang mga kalalakihang iyon?iyo bang kilala sila?"tanong niya tanging pag iling ang aking naisasagot."Hindi ko sila kila" saad ko at tumingin sa mata niyang nangangamba rin.Napahinga siya ng malalim at tumingin sa ibang direksyon. "Nakatakip ang kanilang mukha, hindi rin sila nagsalita.Wala tayong pagkak
"W-wala akong masamang itnensyon" wika ni Grasya na ngayon ay mahigpit na hawak-hawak ni Samuel sakaniyang pulsuhan dahilan upang maibagsak niya ang baso at mabasag iyon sa sahig.Salubong ang kilay ni Samuel na nakatingin ng deretcho sa mata ni Grasya."S-siya ang nagsimula!"Sigaw niya pa at pinatay ako ng tingin.Sinulyapan ko siya at inis na tinignan.Sasabat sana ako kaso naunahan ako ni Samuel."Nakita ko ang buong pangyayari" saad niya na siyang nagpatahimik saaming dalawa."Kuya, si Ina" Napalingon ako sa aking likod at nakita ang binatilyong nagturo sa'kin kanina ng direksyon."Federico?Samuel?Anong kaguluhan ang nangyayari dito?" tumataas palang ito sa hagdan ngunit rinig na namin ang kaniyang boses, wala akong ideya kung sino."Anong ginagawa mo kay Grasya" patuloy ng isang babaeng
NAGULAT ako pagkalabas ko sa sala.Ang kolonel!"Magandang Umaga Binibini."bati nito saakin at yumuko bilang pag bati rin.Napalunok ako at ngumiti." Magandang umaga rin. G-ginoo? "Alamganin kong tugon, nakaka ilang kasi ang pag banggit ko ng salitang ginoo.Ano na nga ba kasing pangalan ng lalaking 'to?M-miguel?Oo Miguel nga.Pumasok na si Miguel at nagbigay galang kila Aling Panyang. Pina upo siya ni Aling Panyang at pinagtimplahan ng kape.Maglalakad na sana ako para bumalik sa aking ginagawa ngunit tila tumindig ang balahibo ko ng may magsalita sa labas ng pintuan."Pasok kayo Heneral."Nagulat ako ng bumungad sa Pinto si Mang Tuding kasama Si SAMUEL!"Magandang umaga." pormal niyang bati saamin, na
NASA kulungan at magkaibang selda kami ng lalaking muntik ng dumakip sa'kin kanina.Nakaposas pa kaming pareho, hindi ko rin alam kung bakit rin ako nakaposas dito! ako na nga 'tong nahostage kanina tapos ako pa 'tong isang nakulong!Napairap ang mata ko, hindi ko akalaing tanga tanga pala ang Heneral na iyon.Teka asan ba yung Hilaw na 'yon?Maraming Guardia Civil na nakapalibot sa bawat selda ng kulungan. Madilim ang bawat sulok at tanging mga sulo lang ng apoy ang siyang tumutulong upang magkaroon ng liwanag sa paligid. Ang narinig ko kanina bago kami ikulong, ang kulangan ito raw ay baba ng kwartel ng mga Guardia Civil. Kaya napaka dilim."Heneral" Saad ng isang guardia Civil at sumaludo.Agad akong napatingala upang tignan kung sinong heneral ang dumating."Déjame esto a mi.(leav
TULALA ako habang naglalakad, ayaw mag sink in sa utak ko ang lahat ng mga pangyayari.Kanina pa ako nakaalis sa bahay nila aling Panyang, sinabay na ako nila Mang Tuding sa kalesang maghahatid daw sa heneral papunta sa Hacienda De Legazpi kuno, ngunit dito na nila ako binaba, sa Plaza.Sa dinami-dami ng mga bagay na tumatakbo sa isip ko ay 'di ko na nagawa pang mapansin ang oras.Magtatakipsilim na pero paikot-ikot pa rin ako sa kalye.Kanina ko pa pinagmamasdan ang lahat sa paligid, ang mga kababaihan ay nakasuot ng baro't saya, kimonang filipiñana o kaya naman ay Mahahabang bestida habang ang mga kalalakihan ay Naka polo at coat at ang iba ay naka kamisa de tsino.Dahil ron ay mas naging kumbinsido akong nasa panahon nga ako ng kastila, ngunit paano?Nag TIME TRAVEL AKO?!Huhuhu, ano baaaa! Nananaginip lang ako diba?
“Uncle pa lapag nalang po muna dito,” rinig kong saad ni mama habang pababa ako sa sala. “Ang ganda talaga, I love it!” Dagdag niya pa. Bagong antique nanaman? Nagmimistulang museum na ang bahay namin dahil kay Mama. Napaka hilig kasi niya sa mga makalumang bagay. Kung sa unang tingin ka babase ay masadabi mong isa siyang galante na mahilig sa pamahiin, mabait at mahinhin mag payo. Pero isa ‘yong malaking MALI! Ma-attitude kasi siya, maarte at conyo pa minsan. Kung dinaig niya ang lola ko sa antique, dinaig niya naman ako sa pagandahan at kaartehan. “Omg, gising na pala ang panganay ko.” Tumango nalang ako at hinalikan siya sa pisngi. Maarte man siya o nakakairita minsan, hindi ‘yon basehan upang mawala o mabawasan ang sobrang pagmamahal ko sakaniya. “Siya ‘yung panganay ko, uncle” pagpapakilala niya sa’kin. “ Hehe, hi po” Bati ko sa kay Mang Eric at sa lalaking kasama niyang nagbuhat, lakas naman ni lolo, sa tand
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments