The Bachelor's maid

The Bachelor's maid

last updateLast Updated : 2022-02-14
By:  Daradarsi  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
35Chapters
12.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Dahil sa utang ng nanay ni Alexa kay Madam Elsa, in-alok nito ang kaniyang serbisyo na maging katulong ng mga Buenavista. Hindi tatanggap ng sweldo dahil ang magiging sweldo n'ya ay bayad sa utang ng nanay n'ya kay Madam Elsa. Sa pagiging katulong ni Alexa kila Madam Elsa. Makilala n'ya si Karlos na bunsong anak ni Madam Elsa. Naging mabait si Karlos sa kaniya hanggang sa nahulog ang loob nito dito. Pero alam n'yang mali. Dahil si Karlos ay ultimate crush ng bestfriend n'yang si Pia. Sa paglipas ng mga panahon, naging malapit sa isa't isa ang dalawa hanggang sa may nangyari sa kanila isang gabi na pinagsisihan ni Alexa. Nagbunga ang gabi na kanilang pagsasama. Nalaman nalang ni Alexa na buntis ito at nasisigurado n'ya na si Karlos ang ama. Hanggang sa pinagtapat n'ya kay Karlos at narinig ni Madam na nagalit sa kaniya dahil nagpabuntis itong si Alexa sa anak n'ya. Pero kalaunan tinanggap naman ni Madam Elsa si Alexa sa bahay nila. Ang akala ni Alexa mabait si madam sa kaniya. Pero nagkakamali siya. Dahil may masamang binabalak ang dating amo sa kaniya na kasabwat nito ang anak n'yang si Karlos. Naging miserable ang magiging buhay ni Alexa sa ginawa sa kaniya nila Madam Elsa at ng anak nito. Makakaya ba ni Alexa ang lahat o maghihiganti siya sa mag-inang ito? Hanggang saan ang kayang ipaglaban ng dating katulong sa amo nito?

View More

Latest chapter

Free Preview

Kabanata Isa

DISCLAIMERThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and others incidents are either the products of the Author's imagination or use in a fictitious manners.Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidential.PLAGIARISM IS A CRIME!Chapter 1Ka-uuwi ko lang galing eskwela at ngayon nandito na ako sa bahay namin. Ako at si nanay lang ang tanging nakatira dito mula pa noon.Ako nga pala si Alexa Mercado, 20 years old at second year college na ngayon sa kursong Business Administration major in Marketing Management dito sa Cavite State University- Bacoor City Campus.Dito na ako sa Bacoor lumaki mula pagkabata kasama ang nanay ko. 'Yong Tatay ko? Hindi ko na siya nakilala mula pa no'ng bata ako. Sabi ng nanay ko, nakilala n'ya dati ang tatay ko sa isang bar.

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
35 Chapters

Kabanata Isa

 DISCLAIMERThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and others incidents are either the products of the Author's imagination or use in a fictitious manners. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidential. PLAGIARISM IS A CRIME!  Chapter 1 Ka-uuwi ko lang galing eskwela at ngayon nandito na ako sa bahay namin. Ako at si nanay lang ang tanging nakatira dito mula pa noon. Ako nga pala si Alexa Mercado, 20 years old at second year college na ngayon sa kursong Business Administration major in Marketing Management dito sa Cavite State University- Bacoor City Campus. Dito na ako sa Bacoor lumaki mula pagkabata kasama ang nanay ko. 'Yong Tatay ko? Hindi ko na siya nakilala mula pa no'ng bata ako. Sabi ng nanay ko, nakilala n'ya dati ang tatay ko sa isang bar.
Read more

Kabanata Dalawa

 Nandito na ako ngayon sa harap ng gate nila Madam Elsa, nag-do-doorbell. Dito ako dumiretso pagka-tapos ng klase namin kanina. Malaki ang bahay nila na mayroong dalawang palapag. May swimming pool din sila na nasa likod ng bahay nila. Malawak din ang kanilang bakuran na pwedeng pasyalan. Alam n'yo kung bakit ko alam? Naka-punta na ako dito nang katulong pa nila si nanay at palagi akong sinasama ni nanay dito dati. “Ano po 'yon?” tanong ng isa sa mga kasambahay nila na mag-bu-bukas sa akin ngayon ng gate. “Si Madam Elsa po?” “Nasa loob, ma'am. Pasok po muna kayo” nilakihan nito ang pagbukas ng gate para makapasok ako. Saka n'ya ako iginiya papunta sa loob ng bahay nila madam.  Hanggang sa nandito na ako ngayon sa sala at nadatnan namin si madam na busy ngayon sa kaniyang cellphone at may suot na reading glasses. 
Read more

Kabanata Tatlo

 “Alexa!” si Pia, na humahangos papunta sa akin dito ngayon. Kararating ko lang kasi ngayon dito sa aming university. “May i-ba-balita ako sa 'yo,” sabi nito na hapong-hapo. Tiningnan ko siya agad nang may pagtataka. “Guess what? Si Karlos, may girlfriend na raw!” natawa ako sa itsura nito na nakasimangot at hindi ma-i-pinta ang buong mukha.  “Eh, ano naman kung may girlfriend na si Karlos?” nakangising tanong ko sa kaniya na agad niya namang iniripan.   “Tara na nga, pasok na tayo!” padabog na aya nito at na-unang lumakad sa akin. Tinawanan ko nalang siya hanggang sa makapasok kami sa first class namin ngayon.  Dalawang buwan na pala akong naninilbihan ngayon, sa bahay nila madam. Ang bilis 'di ba? Thanks to god, dahil alam ko na nababawasan din ang utang namin ni nanay k
Read more

Kabanata Apat

 Linggo ngayon, at nandito ako sa bahay ng mga Buenavista. Para sa aking gawain na dapat gagawin.  “Alexa, nag-almusal ka na ba?” biglang tanong sa akin ni Aling Berna. “Opo, Aling Berna” “Akala ko hindi pa. Sumabay ka sa amin mamaya. 'Pag tapos na sila kumain ay saka tayo ka-kain.” Palagi ako nito in-anyayahan kumain o mag-almusal kapag nandito ako tuwing sabado at linggo.  Pero minsan hindi ako sumasama sa kanila dahil nahihiya ako. Sila kasi stay-in dito. Kaya natural na dito sila mag-almusal, mananghalian at maghapunan. Tuwing lunch lang ako sumasabay sa kanila. Kasi libre ang pagkain ko dito every saturday and sunday, kada lunch. Ang sabi ni Madam. “Kayo nalang po, hehehe,” pagtanggi ko. Nahihiya talaga ako, promise. Baka mapagalitan pa ako ni madam at saka 'yong pagkain sakto lang sa kanilang pito na kat
Read more

Kabanata Lima

  Warning: Rated SPG     “Alex, as usual, ah? Pakisabi kay mommy na may pinuntahan lang ako kapag hanapin n'ya ako,” bilin na naman sa akin ni Karlos.   “Sige, kapag hanapin ka ng mommy mo,” sabay tango ko sa kaniya.   “Bye, alis na ako!” sabay takbo nito palabas ng bahay.   “Nasaan si Karlos?” biglang hanap ni madam sa anak n'ya. Nandito ako ngayon sa sala nag-w*-w*lis. Kahit gabi na nag-w*-w*lis pa rin ako. Sabi ni nanay baw*l daw mag-w*lis tuwing gabi. Isang pamahiin daw 'to.   Dahil trabaho ko ito. Need ko talagang mag-walis ngayong gabi. Actually, kada gabi talaga. Depende kung uutusan ako ni madam. Kahit hindi ako mag-walis, uutusan pa rin n'ya ako.   “Ah, may pinuntahan lang po siya, madam.”   “Bakit sa 'yo nag-paalam. Pesteng bata 'yon. Hindi manlang nag-paalam sa akin. Next time, sabihin mo sa kaniya ku
Read more

Kabanata Anim

 “Alexa!” biglang tawag sa akin ni Pia. Kaya parang bumalik ako sa sarili kong katawan sa gulat. Tiningnan ko ito ng seryoso at may pagtataka “Okay ka lang ba? May problema ba sa inyo?” nag-alalang tanong nito sa akin. Hindi ko siya sinagot at nginitian ko lang siya. Pero mukhang ayaw n'ya yatang maniwala. Dahil tinanong n'ya pa ako ulit. “Sure ka, ah?” nag-alalang tanong nito ulit. Tango ang tanging na-i-sagot ko sa kaniya. “Oo. Gutom ka na ba? Tara sa canteen!” aya ko sa kaniya at saka ako tumayo. Nakita ko rin na tumayo siya at sumunod sa akin papa-labas ng classroom namin ngayon. Na-una itong lumakad nang makalabas na kami ng classroom at tahimik akong sumunod sa kaniya. Haanggang sa nakarating kami sa Canteen at nakapag-order ng aming ka-kain-in ngayong lunch. “Finally! Nabusog din ako!” satisfied na sabi nito
Read more

Kabanata Pito

 Inutusan ako ni Madam Elsa ngayon na pakainin ko raw si Browny. Ang alagang aso nila dito. Mabuti nalang may tali si Browny. Kaya sure ako na kung tatakbo man ako ngayon, hindi n'ya ako mahahabol. Dahil una sa lahat, may tali siya na hindi siya makakalayo. Ang laki n'ya kasi at nakatatakot na klase ng aso. Hindi ako ang palaging nagpapa-kain dito kay Browny talaga. Palaging si Aling Berna. Nagkataon lang na ako ang inutusan ni Madam Elsa ngayon. Mabuti nalang hindi tumahol ngayon si Browny. Kaya hindi ako na-i-ingay-an sa kaniya. Mabilis :kong nilagay ang pagkain mula sa palanggana papunta sa malaking lalagyan na kinakainan n'ya ng kaniyang pagkain. Mga tira-tirang buto ng mga karne lang naman itong pagkain ni Browny na tira-tira rin nila Madam at Don Manuel kanina. Hinintay kong ma-ubos ni Browny ang kaniyang pagkain. Pagkatapos nito ay saka ako aalis at i-iwan ko
Read more

Kabanata Walo

 Nagising ako ngayon na hinahalungkat ang aking tiyan na kulang nalang, lahat ng mga lamang loob ko ay lalabas na. Mabuti nalang naka-abot ako papuntang banyo. Kung hindi, nakadidiri siguro na dito pa ako sa higaan namin ni nanay magsusuka. Suka ako nang suka. Umagang-umaga, nag-su-suka ako. Hindi pa naman ako nakapag-almusal at pritong itlog 'yong ulam namin kagabi. Bakit nagsusuka ako ngayon? Sa pagka-a-alam ko wala naman akong panes na na-kain. Lumabas na ako ng banyo dahil wala naman akong may ma-i-su-suka pa. 'Pag labas ko ng banyo nakita ko si nanay na busy sa paglalaba ngayon. Sigurado ako na 'di n'ya ko narinig sa kasusuka ko sa loob ng banyo namin. Tatlong buwan na 'yong nakalipas nang hindi na ako katulong sa bahay ng mga Buenavista. Tatlong buwan na rin nang hindi ko na nakikita si Karlos. Sa pagka-a-alam ko, graduated na ito sa kurso n'yang Business Management. Ang sabi ni Pi
Read more

Kabanata Siyam

 Dahan-dahang humakbang si Madam papunta sa akin. Sa bawat hakbang ni Madam papalapit sa akin ay kinakabahan ako. Wala ring expresyon ang buong mukha nito. Kaya hindi ko mahuhulaan kung galit ba siya, natutuwa or what na magkaka-apo na siya ngayon. Pero laking gulat ko nalang nang naramdaman kong may biglang mabigat na bagay na dumapo sa pisnge ko. 'Yon pala sinampal ako ni Madam gamit ang kanang palad n'ya. Tiningnan ko ang mga mata nito na nanlilisik marahil sa galit at masama ang tingin na pinupukol n'ya sa akin. “Ang lakas naman ng loob mo na ipa-ako sa anak ko 'yang batang pinagbubuntis mo. Hindi ka na nahiya. Ang sabi mo walang kayo. Tatlong buwan, tapos bumalik ka dito para sabihing buntis ka? Kung sabagay, may pinagmanahan ka naman. Nagmana ka lang naman sa nanay mo na... dating dancer sa isang club. Kung plano n'yong mag-ina 'to, na magpapabuntis ka sa anak ko? Hindi ako papayag na pananagutan ka ni Karlos!”
Read more

Kabanata Sampo

 Tatlong araw nang nandito ang labi ni nanay sa bahay namin kung saan siya binuburol ngayon.  “Alexa, kumain ka na. Palagi ka nalang hindi kumakain. Alalahanin mo 'yong bata na nasa sinapupunan mo. Nag-alala na ako sa 'yo ng husto,” pagmamakaawa ni Aling Berna sa akin. No'ng wala na si nanay, hindi n'ya ako in-iwan. Palagi siyang nasa tabi ko. Minsan tinataboy ko na nga siya dahil may trabaho pa dapat siya at imbes na mag-trabaho, palagi siyang nandito sa bahay para tingnan ako. Alam ko na sobrang nag-alala talaga siya sa akin. Na-i-intindihan ko naman siya at alam ko rin na naiintindihan n'ya ako kung bakit ayaw 'kong kumain. “Mamaya na po. Busog po ako,” pagsinungaling ko sa kaniya. Napasinghap ito nang ako kaniyang tingnan at saka siya malungkot na tumingin sa akin. “Palagi nalang ganiyan ang sinasabi mo na busog ka. Alexa naman... Simula nang namata
Read more
DMCA.com Protection Status