DISCLAIMER
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and others incidents are either the products of the Author's imagination or use in a fictitious manners.
Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidential.
PLAGIARISM IS A CRIME!
Chapter 1
Ka-uuwi ko lang galing eskwela at ngayon nandito na ako sa bahay namin. Ako at si nanay lang ang tanging nakatira dito mula pa noon.
Ako nga pala si Alexa Mercado, 20 years old at second year college na ngayon sa kursong Business Administration major in Marketing Management dito sa Cavite State University- Bacoor City Campus.
Dito na ako sa Bacoor lumaki mula pagkabata kasama ang nanay ko. 'Yong Tatay ko? Hindi ko na siya nakilala mula pa no'ng bata ako. Sabi ng nanay ko, nakilala n'ya dati ang tatay ko sa isang bar. Kung saan, dating dancer si nanay at nakilala n'ya ang tatay ko.
After may nangyari sa kanilang dalawa, 'di na muli pang nagpakita ang tatay ko sa nanay ko. 'Di na ito palaging pumupunta sa bar. Sabi ni nanay palagi raw nitong hinihintay ang tatay ko na baka dumalaw sa bar. Pero maraming araw ang lumipas at hindi na ito nagparamdam.
Hanggang sa isang araw ay nalaman nalang ng nanay ko na buntis ito sa akin. Kaya naging determinado ang nanay ko para hanapin noon ang tatay ko. Pero hindi n'ya ito mahanap. Kaya mag-isa akong tinaguyod ni nanay hanggang sa lumaki ako ngayon.
“Nay! Nasaan po kayo?” hanap ko sa kaniya matapos kong i-lapag ang mga gamit ko sa ibabaw ng lamesa dito sa kusina.
Kumuha na rin ako ng baso para salinan ng tubig ngayon mula sa isang pitsel na nandito sa ibabaw ng lamesa para inumin dahil nauuhaw ako.
“Anak, ikaw na ba 'yan? Nandito ako sa likod.” Agad kong pinuntahan si nanay na nasa likod ngayon ng bahay namin. Nakaharap na naman ito sa mga labada n'ya. Mabuti nalang may sarili kaming balon na naka-konekta sa poso. Kaya 'di mahihirapan si nanay sa tubig na gagamitin n'ya sa kaniyang paglalaba.
Ayaw ko sana mag-aral sa college. Kasi medyo magastos at alam ko na 'di na kakayanin ni nanay. Pero pinilit ako ni nanay dahil pag-aaral nalang daw ang kaya n'yang ipamana sa akin. Gusto n'ya na makapagtapos ako ng aking pag-aaral sa kolehiyo.
“Mabuti at nandito ka na. Isampay mo nga muna 'to para mahanginan at matuyo”
“Sige po, nay. Mano po muna,” sabay diin ni Nanay ng likod ng palad n'ya sa noo ko para makapag-mano ako sa kaniya.
Binuhat ko na 'yong isang labador na mga labada na tapos nang banlawan ni nanay at binilad ko ito sa sampayan para mahangin at matuyo kahit paano.
Na-i-sampay ko na ang lahat at saka bumalik kay nanay na tuloy pa rin sa pagkuskus ng mga natitira n'yang labada ngayon.
“Tapos na ba, 'nak? Mag-saing ka muna doon sa loob dahil pagabi na,” utos nito sa akin na agad ko namang tinanguan. Pumasok na ako sa loob ng aming bahay na kusina agad ang mapapasukan ko. Para makapag-saing na nang sa gano'n ay may makakain kami mamaya sa hapunan namin.
“Alexa! May kumakatok sa labas!” sigaw ni nanay mula sa labas ng bahay sa likod. Busy kasi ako ngayon sa paghuhugas ng mga pinggan namin, kaya hindi ko narinig na may tumatawag.
Hinugasan ko muna ang kamay ko na may bula ngayon at saka ako dumiretso sa pintuan namin ngayon sa sala, para pagbuksan ngayon ang kung sino man ang kumakatok. Napapansin ko na palakas nang palakas ang pagkatok nito sa labas. Dahil kanina pa siguro ito kumakatok.
“Mabuti at binuksan mo!” bulyaw ni Madam Elsa sa akin. Nagulat nalang ako nang makita ko siya ngayon sa harap ko at nanlilisik sa galit ang mga mata nito ngayon.
Siya pala ang kumakatok at ramdam ko na galit na galit ito ngayon. Dahil kita ko sa mukha n'ya na wala ito sa mood ngayon.
“Nasaan ang manay mo?” pasigaw na tanong nito habang nakatirik ang dalawang mata.
“Na-a-s-sa likod po” 'di ko alam, pero nauutal talaga ako kapag kausap ko siya. Lalo na ngayon na hindi maganda ang awra n'ya. Oo, takot ako kay Madam Elsa. Sabi nga ni nanay, kung magalit ito kaya ka n'yang pahiyain sa maraming tao.
“Karmela! Karmela!” humahangos ito papunta sa likod ng bahay namin kung nasaan si nanay ngayon na naglalaba.
Nakita ko na tumayo si nanay at gulat na hinarap si Madam Elsa. Nandito lang ako sa likod nilang dalawa.
“Madam Elsa, kayo po pala” nahihiyang bati ni nanay kay Madam Elsa.
“Anuba! Karmela, ha? Babayaran mo ba talaga ako ng utang mo o hindi?” diretsong tanong ni Madam Elsa kay nanay.
“Ah-eh-h-h, A-n-n-n-o-o po kasi” nauutal na sambit ni nanay sa harap ni Madam Elsa.
“Ano!” singhal ni Madam Elsa sa harapan ni nanay at ramdam ko na mag-iiskandalo na naman ito ngayon si Madam Elsa.
Kaya agad akong na-alarma at lumapit sa likod ni nanay para daluhan siya.
“Ano po kasi, madam. Nagastos ko po 'yong pera na ibabayad ko po sana sa utang ko sa inyo” ramdam ko na nanginginig si nanay habang nagsasalita ito ngayon sa harapan ni Madam Elsa.
“Aiiissssh! Pambihira naman, Karmela, oh! Ano? Pag utang? Utang! Kaya dapat mong bayaran. Alam mo? Matagal na kita sinisingil, eh! Pero puro ka dahilan!” nanggagalaiti sa galit na sigaw na naman nito.
“Babayaran ko naman po talaga, nadam. Nagkataon lang na may napag-gastuhan ako”
“Magkano po ba ang utang ni nanay sa inyo?” mahinahon kong tanong kay Madam Elsa. Tiningnan lang ako nito ng may pangmata.
“Bakit, babayaran mo? Huwag mo ng itanong pa! Alam mo, Karmela? Sabihin mo na lang kasi na 'yong pera na ipambayad mo sa akin ay nagastos mo na naman dito sa mga gastusin sa school ng anak mo. Ang dami mong rason! Sa totoo lang, kung hindi mo kayang pag-aralin ang anak mo? Sana 'di mo nalang pinag-aral! Nang sa gano'n 'di ka mangungutang para lang diyan sa anak mo! Alam mo namang 'di mo kaya, eh, tsssk!” mapang-insulto na saad nito at saka n'ya kami tinaasan ng kilay. Kaya nakaramdam na ako ng inis sa kaniya.
“Mawalang galang na po, madam. Ano naman po sa inyo kung pinapa-aral ako ng nanay ko?” naramdaman ko na hinawakan ako ni nanay sa braso ko para awatin ako ngayon.
“Haha, pinapa-aral ka nga n'ya. Pero 'di tama 'yon. Kailangan n'ya pa mangungutang. Tapos kung singilin mo naman hindi naman makabayad!” masama nitong tiningnan si nanay.
“Ano na, Karmela? Magbabayad ka ba? Ang laki na ng utang mo sa akin at malaki na rin ang tubo. Palibhasa kasi hindi ka nagbabayad! Sana maalala mo na 'yong utang mo, 'yong ilan dati pa no'ng naninilbihan ka pa sa akin. Taena! Hanggang ngayon hindi mo pa rin nababayaran!” nakita ko na marami na 'yong mga kapit-bahay namin na nakatingin sa amin ngayon. Malakas kasi ang sigaw ni Madam Elsa dahil halata naman na nag-iiskandalo siya ngayon.
“Babayaran ko naman po talaga, madam. Hindi lang po muna ngayon. Sadyang gipit po kami” pagmamaka-awa ni nanay sa kaniya. Nakita ko na ngumisi lang si Madam Elsa.
“Kailan? Kapag graduate na itong si Alexa? Naku! Malaki na ang utang n'yo pag nagkataon. Ang laki na kasi ng tubo” nagtataka talaga ako kung magkano ba talaga ang utang ni Nanay sa kaniya. Kung magalit naman ito wagas.
“Itong bahay na 'to? Hindi ko 'to binigay sa inyo para tirhan ninyong mag-ina. 'Yong upa nga dito, hindi n'yo rin binabayaran. Kung pwede ko lang kayo paalisin ngayon dito, pa-aalisin ko na kayo. Dahil hindi naman kayo nagbabayad. Tandaan ninyo, hindi ko 'to binigay sa inyo!” nakangising pahayag nito sa amin.
Kay Madam Elsa itong bahay na 'to. Nakitira lang kami dito. Pinatira n'ya dito si nanay nang naging kasambahay n'ya si nanay dati. Tapos, ito na ang naging tahanan naming dalawa ni nanay.
“Haayyyssstt! Dahil ayaw mo mag-bayad? Umalis nalang kayo ngayon dito sa pamamahay ko. Umalis na kayo! Dahil ibebenta ko na 'tong bahay na 'to. Pero 'yong utang mo, Karmela. Sisingilin pa rin kita. Mag-impake na kayo paalis. Bilis!” nataranta kami ni nanay bigla sa sinabi nito. Pero hindi naman yata tama na paalisin n'ya lang kami nang ganito ngayon.
“Madam” pagmamaka-awa na tawag ni nanay sa kaniya at saka siya ni nanay hinawakan sa braso n'ya.
“Hindi mo ako madadala sa paawa effect mo, Karmela” nanlilisik sa galit na sabi ni Madam at saka w-in-akli ang kamay ni nanay na nasa braso n'ya ngayon naka-hawak.
“Madam, please maawa po kayo sa amin ni nanay. Magkano po ba ang utang ni nanay sa inyo? Baka makatulong po ako” tinignan ako nito mula ulo hanggang paa na parang natatawa sa mga sinasabi ko ngayon.
“Ano ba ang kaya mong gawin?” tanong nito sa akin na nakangisi. Napabuntong-hininga naman ako at tinanong ko ang aking sarili kung ano ba ang kaya kong gawin.
“Kahit ano po. Basta mabayaran ko lang ang utang namin ni nanay sa inyo” pagsusumamo na saad ko sa kaniya. Pinag-siklop ko na rin ang dalawang palad ko ngayon bilang pagmamakaawa sa kaniya.
“Anak” mahinang tawag sa akin ni nanay.
“Wala akong bilib sa 'yo! Mag-impake na kayo. Bilis!” tatalikod na sana si Madam nang mag-salita ako ulit.
Seryoso 'to at nakahanda akong gawin ang bagay na ito alang-alang sa mga utang namin ni nanay sa kaniya na dapat bayaran at para matapos na ang lahat. Ayaw ko rin na aalis nalang kami basta-basta na nanay dito.
“Handa po akong maging katulong ninyo, madam. Kahit hindi n'yo na po ako babayaran, kahit walang sweldo. Nakahanda po akong mag-silbi sa inyo sa pamilya n'yo po. Para mabayaran na ang lahat ng mga utang namin ni Nanay sa inyo” pagmamakaawa ko pa rin sa kaniya. Tiningnan lang ako nito na walang bilib sa akin.
“Anak” untag ni nanay sa akin at nakita ko na nangilid na ang mga luha nito ngayon.
“Seryoso ka, iha?” sabay taas nito ng isa n'yang kilay na hindi naniniwala sa akin.
“Opo. Please lang po, huwag n'yo na po kaming mag-ina paalisin dito. Bukas na bukas po, magsisimula na po ako” nakapikit na sabi ko at determinado na talaga ako na gawin ang bagay na ito.
“Oh, sige! Bukas! Magsisimula ka na. Goodbye! Marami pa akong dapat singilin. Siguraduhin mo lang, iha?” nakangising sabi nito na nakatatakot at saka n'ya na kami tinalikuran. Napahinga nalang ako ng malalim dahil kinapos yata ako sa hininga sa sinabi ko kay madam kanina.
Nagulat nalang ako nang bigla akong hilahin ni nanay at saka n'ya ako pinaharap sa kaniya.
“Anak, ano 'yong pinagsasabi mo kay Madam?” nag-alalang tanong nito sa akin. Tamad ko naman siyang tiningnan.
“Nay, para sa atin 'to. Okay?”
“Pero, anak”
“Wala ng pero, nay. Kaya ko po 'to! Maniwala lang po kayo sa akin. Mababayaran na rin natin ang mga utang natin kay Madam” pagtitiyak ko kay nanay at agad ko siyang niyakap ng mahigpit.
“Anak, bawiin mo 'yong sinabi mo kay Madam. Hindi ako papayag. Kilala mo naman si Madam, 'di ba? Manipulahin ka no'n. Tatratuhin ka no'n bilang hayop, at hindi tao. Anak, ayaw kong maranasan mo rin ang naranasan ko no'n sa puder nila Madam” pagmamakaawa na sambit sa akin ni nanay at para na rin itong ma-iiyak ngayon.
“Nay, para sa utang natin, okay?” sabay hawak ko sa dalawang kamay n'ya. Bilang nangangako ako ngayon sa kaniya. Niyakap n'ya ako na agad ko namang ginantihan.
Walang gana kami ni nanay kuma-kain ngayon ng hapunan namin. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita at tanging ingay lang ng mga pinggan at kutsara ang lumilikha ng tunog ngayon dito sa hapag-kainan.
Natulog kami pareho ni nanay na magkatabi. Mula pa noon magkatabi na talaga kaming natutulog lalo na iisa lang ang kuwarto na meron dito sa bahay na ito. So ayon, natulog kami ni nanay na hindi nagkikibuan.
“Nay, alis na po ako,” paalam ko kay nanay ngayon. Tapos na akong magbihis at papasok na ako sa university na pinag-aaralan ko ngayon.
“Sige, ingat,” tamad na sagot nito na 'di nakatingin sa akin. Kaya tumalikod na ako para makalabas na ng bahay nang may naalala ako. Kaya hinarap ko si Nanay.
“Nay, mamaya po. Kila Madam Elsa ako didiretso pag-uwi,” malungkot ako nitong tiningnan.
“Ikaw bahala, malaki ka naman,” sabay alis nito papunta sa likod ng bahay namin kung saan n'ya naiwan ang mga labahan n'ya kanina. Alam ko na nagtatampo talaga si nanay sa akin ngayon at lalo na sa desisyon ko.
“Uy, Alexa” untag sa akin ni Pia na isa sa mga kaibigan ko. Kakatapos lang kasi ng klase namin ngayon sa Micro-economics.
“Bakit?"
“Dito ka lang? Punta tayo sa Library?” sa Library kung saan palagi kaming nakatambay dalawa minsan.
“Sige, mamaya pa naman ang klase natin. Tara!” aya ko sa kaniya at sabay na kaming pumasok sa loob ng library.
“Alam mo ba kung bakit kita niyaya dito?" biglang tanong ni Pia sa akin. Kaya seryoso ko siyang tiningnan.
Nagbabasa kasi ako ngayon ng newspaper, lalo na 'yong mga news at saka about sa showbiz. Ito talaga ang hinahanap ko kapag magbabasa ako ng newspaper dito sa Library. Si Pia naman, hindi ko alam kung ano ang binabasa n'ya at patungkol saan.
“Bakit?” tanong ko sa kaniya habang ang tingin nasa newspaper na binabasa ko ngayon. Ang ganda kasi ng model na nakikita ko ngayon na features dito sa newspaper.
“Nandito si Karlos, waaaahhh!” tili nito dahil sa kinikilig.
Kilala ko si Karlos na dati n'ya nang crush. Palagi n'ya ring bukambibig sa akin si Karlos kapag mag-uusap kaming dalawa. Ultimate crush ni Pia si Karlos.
“Ayon siya, ayon siya. Bilis! Tingnan mo” sabay turo nito kung nasaaan ngayon si Karlos, na tahimik na nagbabasa ngayon sa isang makapal na libro habang may nakasalampak na headphones sa tenga n'ya.
Siya si Emman Karlos Bautista. Anak siya ni Madam Elsa. Yes, siya ang ikatlo or bunso sa tatlong anak ni Madam Elsa. Dati ko nang nakita si Karlos sa bahay nila nang naging kasambahay nila si nanay at nang kasama ako ni nanay tumira sa bahay nila. Hindi kami close ni Karlos.
'Yong Ate Elysa n'ya lang ang ka-close ko. Si Ate Elys, mabait sa akin no'n at naging ka-laro ko siya sa bahay nila. Nag-iisang anak na babae nila Madam Elsa si Ate Elys. May kuya pa pala sila na panganay sa kanilang lahat. Si Kuya Erik na nasa New York ngayon, nagta-trabaho.
Si Ate Elys nando'n ngayon sa New York nag-aaral na maging isang designer na nai-kuwento n'ya sa akin dati na pangarap niya.
“Uy, Alexa. Naririnig mo ba ako? Tumingin dito bago lang si Karlos, kyaaaah!” tili na naman nito sa kilig. Ewan ko ba kung bakit kilig na kilig ito sa tuwing tinitingnan siya ni Karlos. Iba na yata ang tama nitong kaibigan ko.
“Teka nga, kaya mo ba ako niyaya dito, para lang makita 'yang Karlos na 'yan?” asik ko sa kaniya. Napa-hiya naman itong tumingin sa akin ngayon. Simaan ko rin siya ng tingin na ikinangisi n'ya naman.
“Oo prend, hehehe,” sabay peace sign nito.
“Tsssk! Sana sinabi mo. Para 'di kita sinamahan dito.”
“Heto naman, Oh! Umalis na si Karlos, wala na siya,” nakasimangot na sabi nito at bumaling ako kung nasaan si Karlos kanina. Tama nga, wala na siya. Umalis na siguro.
“Tae mo! Nga pala, may ikukuwento ako sa 'yo”
“Ano 'yon, Prend?” sabay lapit ni Pia ng tenga n'ya sa bunganga ko. Nababadtrip talaga ako minsan sa kaibigan kong 'to.
“Ay! sorry, hehehe. Ano 'yon?” natawa nalang ako sa kaniya.
“Baka, titigil na ako sa pag-aaral”
“Hoy! Seryoso?” tanging naibulalas nito at hindi makapaniwala sa sinabi ko.
“Oo, tutulungan ko si nanay na mabayaran ang mga utang n'ya. Magta-trabaho muna siguro ako. Para 'di sagabal sa magiging trabaho ko”
“Prend, baka naman mabait 'yang magiging amo mo at pag-aaralin ka n'ya.” Parang gusto kong matawa sa sinabi ni Pia. 'Di ako gagastuhan ni Madam, noh. Buraot kaya 'yon. May utang pa kami sa kaniya na dapat bayaran.
“At saka, pumayag ba ang nanay mo? 'Di ba gusto no'n makapagtapos ka sa pag-aaral mo?” malungkot na saad nito sa akin. Naalala ko si nanay, tama si Pia. Ayaw no'n na tumigil ako sa aking pag-aaral.
“Syenpre hindi, maiintindihan naman ni nanay ang lahat. Kapag nabayaran na namin ang lahat ng utang namin kay Madam Elsa”
“Madam Elsa? 'Yong Mommy ni Karlos?” 'di makapaniwalang tanong nito. Buong pamilya kasi ni Karlos ay kilala na nitong si Pia.
“Oo” tipid na sagot ko. 'Di ko sinabi sa kaniya na kila Madam Elsa rin ako magtatrabaho.
“Oo, nabanggit mo pala sa akin noon na sa mommy ni Karlos kayo nangungutang ng nanay mo. Pero paano ako kung titigil ka nga talaga sa pag-aaral mo?” parang bata na tanong nito sa akin.
“Nandiyan naman si Karlos, ah!” biro ko sa kaniya at ang loka kinilig na naman. Nakita ko pa kung paano siya nag-blush. Kaya tinawanan ko nalang siya.
“Mamimiss ko talaga ikaw kung paano mo ako tuksuhin kay Karlos”
“Asus! Kinikilig ka naman” sabay kaming napatawa.
Maganda naman talaga si Pia. Kaya hindi malabong magkakagusto rin sa kaniya si Karlos. Nasa 5 flat ang height ni Pia at may mahabang buhok ito. Ang kaniyang buhok ay medyo may pagka-kulot na kung tawagin ng ilan ay wavy. Sa aming dalawa, maputi si Pia, ako naman ay morena. Kung tinatanong n'yo ang height ko? 5'4 po ang height ko at may straight na buhok na hanggang balikat. In short, short-hair ako.
Mula Senior high, ay magkaibigan na talaga kami ni Pia, at iisa ang strand na kinukuha namin noon which is, ABM. Kaya same rin kami ng course ngayon na BSBA major in Marketing Management.
Nandito na ako ngayon sa harap ng gate nila Madam Elsa, nag-do-doorbell. Dito ako dumiretso pagka-tapos ng klase namin kanina.Malaki ang bahay nila na mayroong dalawang palapag. May swimming pool din sila na nasa likod ng bahay nila. Malawak din ang kanilang bakuran na pwedeng pasyalan. Alam n'yo kung bakit ko alam? Naka-punta na ako dito nang katulong pa nila si nanay at palagi akong sinasama ni nanay dito dati.“Ano po 'yon?” tanong ng isa sa mga kasambahay nila na mag-bu-bukas sa akin ngayon ng gate.“Si Madam Elsa po?”“Nasa loob, ma'am. Pasok po muna kayo” nilakihan nito ang pagbukas ng gate para makapasok ako. Saka n'ya ako iginiya papunta sa loob ng bahay nila madam.Hanggang sa nandito na ako ngayon sa sala at nadatnan namin si madam na busy ngayon sa kaniyang cellphone at may suot na reading glasses.
“Alexa!” si Pia, na humahangos papunta sa akin dito ngayon. Kararating ko lang kasi ngayon dito sa aming university.“May i-ba-balita ako sa 'yo,” sabi nito na hapong-hapo. Tiningnan ko siya agad nang may pagtataka.“Guess what? Si Karlos, may girlfriend na raw!” natawa ako sa itsura nito na nakasimangot at hindi ma-i-pinta ang buong mukha.“Eh, ano naman kung may girlfriend na si Karlos?” nakangising tanong ko sa kaniya na agad niya namang iniripan.“Tara na nga, pasok na tayo!” padabog na aya nito at na-unang lumakad sa akin. Tinawanan ko nalang siya hanggang sa makapasok kami sa first class namin ngayon.Dalawang buwan na pala akong naninilbihan ngayon, sa bahay nila madam. Ang bilis 'di ba? Thanks to god, dahil alam ko na nababawasan din ang utang namin ni nanay k
Linggo ngayon, at nandito ako sa bahay ng mga Buenavista. Para sa aking gawain na dapat gagawin.“Alexa, nag-almusal ka na ba?” biglang tanong sa akin ni Aling Berna.“Opo, Aling Berna”“Akala ko hindi pa. Sumabay ka sa amin mamaya. 'Pag tapos na sila kumain ay saka tayo ka-kain.” Palagi ako nito in-anyayahan kumain o mag-almusal kapag nandito ako tuwing sabado at linggo.Pero minsan hindi ako sumasama sa kanila dahil nahihiya ako. Sila kasi stay-in dito. Kaya natural na dito sila mag-almusal, mananghalian at maghapunan. Tuwing lunch lang ako sumasabay sa kanila. Kasi libre ang pagkain ko dito every saturday and sunday, kada lunch. Ang sabi ni Madam.“Kayo nalang po, hehehe,” pagtanggi ko. Nahihiya talaga ako, promise. Baka mapagalitan pa ako ni madam at saka 'yong pagkain sakto lang sa kanilang pito na kat
Warning: Rated SPG “Alex, as usual, ah? Pakisabi kay mommy na may pinuntahan lang ako kapag hanapin n'ya ako,” bilin na naman sa akin ni Karlos. “Sige, kapag hanapin ka ng mommy mo,” sabay tango ko sa kaniya. “Bye, alis na ako!” sabay takbo nito palabas ng bahay. “Nasaan si Karlos?” biglang hanap ni madam sa anak n'ya. Nandito ako ngayon sa sala nag-w*-w*lis. Kahit gabi na nag-w*-w*lis pa rin ako. Sabi ni nanay baw*l daw mag-w*lis tuwing gabi. Isang pamahiin daw 'to. Dahil trabaho ko ito. Need ko talagang mag-walis ngayong gabi. Actually, kada gabi talaga. Depende kung uutusan ako ni madam. Kahit hindi ako mag-walis, uutusan pa rin n'ya ako. “Ah, may pinuntahan lang po siya, madam.” “Bakit sa 'yo nag-paalam. Pesteng bata 'yon. Hindi manlang nag-paalam sa akin. Next time, sabihin mo sa kaniya ku
“Alexa!” biglang tawag sa akin ni Pia. Kaya parang bumalik ako sa sarili kong katawan sa gulat. Tiningnan ko ito ng seryoso at may pagtataka“Okay ka lang ba? May problema ba sa inyo?” nag-alalang tanong nito sa akin. Hindi ko siya sinagot at nginitian ko lang siya. Pero mukhang ayaw n'ya yatang maniwala. Dahil tinanong n'ya pa ako ulit.“Sure ka, ah?” nag-alalang tanong nito ulit. Tango ang tanging na-i-sagot ko sa kaniya.“Oo. Gutom ka na ba? Tara sa canteen!” aya ko sa kaniya at saka ako tumayo. Nakita ko rin na tumayo siya at sumunod sa akin papa-labas ng classroom namin ngayon.Na-una itong lumakad nang makalabas na kami ng classroom at tahimik akong sumunod sa kaniya. Haanggang sa nakarating kami sa Canteen at nakapag-order ng aming ka-kain-in ngayong lunch.“Finally! Nabusog din ako!” satisfied na sabi nito
Inutusan ako ni Madam Elsa ngayon na pakainin ko raw si Browny. Ang alagang aso nila dito.Mabuti nalang may tali si Browny. Kaya sure ako na kung tatakbo man ako ngayon, hindi n'ya ako mahahabol. Dahil una sa lahat, may tali siya na hindi siya makakalayo. Ang laki n'ya kasi at nakatatakot na klase ng aso.Hindi ako ang palaging nagpapa-kain dito kay Browny talaga. Palaging si Aling Berna. Nagkataon lang na ako ang inutusan ni Madam Elsa ngayon.Mabuti nalang hindi tumahol ngayon si Browny. Kaya hindi ako na-i-ingay-an sa kaniya. Mabilis :kong nilagay ang pagkain mula sa palanggana papunta sa malaking lalagyan na kinakainan n'ya ng kaniyang pagkain.Mga tira-tirang buto ng mga karne lang naman itong pagkain ni Browny na tira-tira rin nila Madam at Don Manuel kanina.Hinintay kong ma-ubos ni Browny ang kaniyang pagkain. Pagkatapos nito ay saka ako aalis at i-iwan ko
Nagising ako ngayon na hinahalungkat ang aking tiyan na kulang nalang, lahat ng mga lamang loob ko ay lalabas na.Mabuti nalang naka-abot ako papuntang banyo. Kung hindi, nakadidiri siguro na dito pa ako sa higaan namin ni nanay magsusuka.Suka ako nang suka. Umagang-umaga, nag-su-suka ako. Hindi pa naman ako nakapag-almusal at pritong itlog 'yong ulam namin kagabi. Bakit nagsusuka ako ngayon? Sa pagka-a-alam ko wala naman akong panes na na-kain.Lumabas na ako ng banyo dahil wala naman akong may ma-i-su-suka pa. 'Pag labas ko ng banyo nakita ko si nanay na busy sa paglalaba ngayon. Sigurado ako na 'di n'ya ko narinig sa kasusuka ko sa loob ng banyo namin.Tatlong buwan na 'yong nakalipas nang hindi na ako katulong sa bahay ng mga Buenavista. Tatlong buwan na rin nang hindi ko na nakikita si Karlos. Sa pagka-a-alam ko, graduated na ito sa kurso n'yang Business Management. Ang sabi ni Pi
Dahan-dahang humakbang si Madam papunta sa akin. Sa bawat hakbang ni Madam papalapit sa akin ay kinakabahan ako. Wala ring expresyon ang buong mukha nito. Kaya hindi ko mahuhulaan kung galit ba siya, natutuwa or what na magkaka-apo na siya ngayon.Pero laking gulat ko nalang nang naramdaman kong may biglang mabigat na bagay na dumapo sa pisnge ko. 'Yon pala sinampal ako ni Madam gamit ang kanang palad n'ya. Tiningnan ko ang mga mata nito na nanlilisik marahil sa galit at masama ang tingin na pinupukol n'ya sa akin.“Ang lakas naman ng loob mo na ipa-ako sa anak ko 'yang batang pinagbubuntis mo. Hindi ka na nahiya. Ang sabi mo walang kayo. Tatlong buwan, tapos bumalik ka dito para sabihing buntis ka? Kung sabagay, may pinagmanahan ka naman. Nagmana ka lang naman sa nanay mo na... dating dancer sa isang club. Kung plano n'yong mag-ina 'to, na magpapabuntis ka sa anak ko? Hindi ako papayag na pananagutan ka ni Karlos!”
Sa dalawang buwang nakalipas, marami ang nangyari. Kinasal sila Pino at Chelsea, isang buwan na ang nakalipas. Tapos kahapon ay nanganak na si Chelsea. Sinilang n'ya na ang healthy baby boy nilang dalawa ni Pino.Masaya naman ako kasi hindi pinababayaan ni Pino si Chelsea. Nasa tabi lang siya ng kapatid ko hanggang sa manganak. Hindi ko siya in-utusan. Kusa n'yang ginawa. Mag-asawa naman silang dalawa at nakikita ko naman kay Pino na ginagampanan n'ya ng maayos ang pagiging asawa n'ya kay Chelsea.Hindi n'ya naman pinapabayaan ang kapatid ko. Natuwa nga sila Tita Lara at Tatay sa kanilang dalawa.“Good morning, ma'am.”“Good morning, ma'am.”“Good morning, ma'am.”Nginingitian ko lang ang mga empleyadong bumabati sa akin at saka ko rin sila binabati pa-balik sabay yuko. Sarap pala sa feeling na binabati.
Naalimpungatan ako bigla dahil sa naramdaman kong may tumapik sa pisnge ko. Pagmulat ko namalayan ko nalang ang sarili ko na nakahiga dito sa passenger's seat.“Si Emzo?” papungas-pungas kong hanap sa aking anak.“Nasa likod,” sagot ni Karlos. Napabangon naman ako sa paghiga at binalingan sa likod si Emzo na mahimbing natutulog ngayon.“Saan tayo?” napapikit na tanong ko dahil wala akong may naaninag. Napatingin ako sa labas at nakita ko na may maraming building sa harap. Namalayan ko nalang na nandito kami sa mataas na bahagi nakahinto.“Baba tayo,” nakangiting aya nito sa akin. Sinimangutan ko lang siya dahil antok na antok pa talaga ako. Tiningnan ko naman sa likod si Emzo na humihilik na ngayon ang himbing ng kaniyang tulog kaya hindi ko napigilang mapangiti.Pagkababa ko sa kotse nakita ko si Karlos na nakat
"Mabuti naman dinalaw mo ako dito," nagtatampong salubong sa akin ni Ate Elys pagkapasok ko sa kuwarto kung saan siya naka-confine ngayon. Naka-upo ito sa ibabaw ng kama n'ya habang mah nakasabit na dextrose sa may kamay n'ya."Syempre naman. Gusto kitang dalawin. Lumabas na si baby." Tumingin ito sa tiyan n'ya na ngayon ay hindi na malaki ang umbok. Tapos tinaas n'ya ang tingin sa akin na naka-ngiti."Obvious naman tinatanong mo pa, hahaha. Joke lang!""Kapanganak mo lang nag-bi-biro ka na. Si Kuya Sander?""Umuwi sa bahay. Hindi mo nakita do'n?" Kumibit-balikat ako sa tanong n'ya."Ka-a-alis na rin namin ni Karlos. Nasa baba siya may bibilhin daw para sa 'yo. Si Drake gustong sumama. Ayaw ni madam. Siya na raw ang mag-a-alaga sa mga apo n'ya.""Hayystt, hindi ko alam kung ilang days ako dito. Sabi ng doctor ko dalawang araw nalang daw puwede n
Sabado ngayon at naisipan namin ni Karlos na dumalaw kila tatay. Pinakilala ko na si Emzo sa kanila. Si tatay sobrang tuwa. Nakita ko sa kaniya na masaya siya na makita ang kaniyang apo.Si Chelsea naman. Hindi ko alam sa kaniya. Dinadalaw ko naman siya matapos ang dalawang linggo no'ng nasaksihan ko na hindi maganda ang trato sa kaniya ni Pino.Okay naman daw silang dalawa. Pero hindi ako kumbinsido. Kung hindi lang dahil sa kaniya, kung hindi ako naaawa siguro alam na ng mommy at daddy n'ya ngayon at kalagayan n'ya sa puder ni Pino. Pero ayaw n'ya. Ako naman nag-ha-hanap ng timing na i-sumbong si Pino kay Tita Lara.Pero anong magagawa ko. Binantaan ako ni Chelsea. Magpapakamatay daw siya kapag mag-sumbong ako. Ayaw n'yang mawala si Pino sa kaniya. Sobrang mahal n'ya ang lalaki na ikamamatay n'ya talaga kapag tuluyan na siyang iwanan.“Naku, ang haba na ng buhok ni Emzo. Try kay
“Himala! Nandito ka,” si Tita Lara na nakataas ngayon ang isang kilay habang tinitingnan n'ya ako at pinagkrus n'ya ang dalawa n'yang braso.“Si Tatay?”“Sa kuwarto. Pababa na 'yon,” sabay upo n'ya sa sofa ngayon na nandito sa sala.“Pumunta kami kahapon sa bagong tinutuluyan ni Chelsea. Napag-usapan na rin nami ang tungkol sa kasal nila.”“Pumayag naman kayo. Mabuti naman tanggap n'yo si Pino. Actually, kilala ko ang buong pamilya n'ya. Hindi ko nga akalain na siya pala ang naka-buntis kay Chelsea. Tapos ang kapatid n'ya pala bestfriend ko rin. Small world 'di ba?” taimtim lang itong nakatingin sa akin.“Hindi naman ako matapobre talaga na makikita sa TV, sa mga drama. Ang sa akin lang naman ay panindigan ng lalaking 'yon ang ginawa n'ya kay Chelsea. Kahit nakakahiya sa mga Amega ko. Ang importante n
Napamulat ako ng aking mga mata nang naramdaman kong may malambot na kung ano na mamasa-masa na dumadampi sa aking noo pababa sa aking pisnge.Papungas-pungas akong namulat nang nabigla nalang ako na malapit sa mukha ko ngayon ang mukha ni Karlos. Kinusot-kusot ko pa ang aking mga mata dahil baka nanaginip ako. Pero parang totoo yata.“Karlos?” tawag na tanong ko sa kaniya. Tiningnan ako nito sa aking mga mata at nginitian. Tapos nakita ko na dinampihan n'ya ng halik ang aking balikat.“Teka! Paano ka nakapasok dito?” naguguluhang tanong ko sabay bangon. Naka-upo na ako ngayon sa ibabaw ng kama. Si Karlos naman ay naka-upo rin pero ang mga paa nito ay nasa ibaba ng sahig.Tiningnan lang ako nito na naka-ngiti. Tapos ginulo nito ang aking buhok na w-in-akli ko naman.“Naka-bukas kasi ang pinto mo. Ikaw, ha? Hinihintay mo siguro akong mak
"Alexa," hindi makapaniwalang tawag ni Ate Elys sa akin."Hoy! Namiss kita," saka n'ya ako nilapitan at hinagkan. Na-miss ko ri siya. Napabitaw kami sa isa't isa na nagkangitian. Nakita ko na malaki na ang tiyan nito at malapit na siguro siya manganganak. Napahaplos siya sa tiyan n'ya nang makita ko na pinasadahan ko ng tingin."Teka!" turo nito sa likod ko. May kasama kasi ako ngayon."Si Emzo. Emzo, ang Tita Elys mo," pagpapakilala ko sa kanilang dalawa. Habang hawak ko na ngayon si Emzo na kararating lang kasama si Ayana. Na-una kasi akong pumasok dito sa loob ng bahay nila ate habang sila ay sumusunod sa akin."Naku! Ang laki n'ya na," mangingiyak na banggit ni ate. Tiningnan ako nito na parang hindi naniniwala. Tinanguan ko lang siya hanggang sa nilapitan n'ya si Emzo at niyakap."Mabuti at kasama mo na siya ngayon," masayang sabi ni ate sa akin. Tumango naman
“Ikaw, ha! Hindi ka manlang nag-sabi sa akin na luluwas ka pala sa Manila. Langya ka talaga, grrr!” Pinagsusuntok ko siya sa braso n'ya. Nginingitian lang ako nito at saka dumadaing kapag malakas ang pagsuntok ko.Nang umuwi ako dito nang isang araw galing kila Pia. Nagulat nalang ako na lumuwas pala siya sa Manila. Kaya pala maaga siyang gumising no'n at umalis. After two days heto siya naka-uwi na. Kaya sinuntok ko siya. Nakakainis kasi. Sana nag-paalam manlang siya sa akin para sumama ako. Wala pa akong kontak kila tatay. Hindi ko kasi ginagalaw ang cellphone ko dahil busy ako kay Emzo.Wala akong sinayang na oras na gampanan ang pagiging nanay ko sa aking anak. Masaya naman ako na masaya siya habang naglalaro kami.“Akala ko kasi isang araw lang. Hindi ko akalain na aabot sa dalawang araw pala. Naka-uwi naman ako,” sabay pa-cute nito sa akin na ikina-irap ko.
“Ano na naman ang ginagawa mo dito?” nakasimangot na tanong nito sa akin na agad ko namang nginitian.Nandito ako ngayon sa address na binigay no'ng Alvarez sa akin. Hindi ko inaasahan na si Pia ang mag-bu-bukas ng gate ngayon sa akin.“May kailangan lang akong tanungin. May tao kasi na nag-bigay ng address sa akin at dito n'ya ako tinuro.” Namilog ang mga mata nito sa akin at umawang ang kaniyang bibig.“Sino?” naguguluhan nitong tanong sa akin.“Si Alvarez.” Nakita ko kung paano ito napasinghap sa binanggit kong apelyido. Naging balisa ito at tumingin kung saan-saan hanggang si hinila n'ya ako papasok sa loob at saka n'ya sinarado ang gate.“Sa loob tayo mag-u-usap!” inirapan ako nito at saka na-unang lumakad papasok ng kaniyang bahay. Sinundan ko naman siya hanggang sa makarating kami sa sala nila.