N-nakaupo
Ako sa gitna
Ng
Tulay?!
Ba’t ako nandito?
Nakatulog ba ako sa Aparador na ‘yon at dinala ako ni papa dito? Imposible! Ang tanda tanda ko na para buhatin niya.
Napatayo ako at pinagmasdan ang paligid, nasa gitna ako ng tulay na may ilog sa ilalim nito.
Nagulat ako ng marinig ang malalakas na yabag na nagmula saaking likuran.
Mas lalo ako nagulat ng makita ang mga taong nakasakay sa kabayo na unti-unting lumalapit saakin.
Nakasuot pa sila ng kinda--- ano yan?Costume ng mga sundalo during Spanish Colonial period pa ata hahahaha! Jejemon ampota.
Natawa nalang ako ng marealize na nasa kalagitnaan pala ako ng shooting.
“ Heneral natakasan ta’yo ng mga rebelde!” Sigaw ng isa.
In fairness. Kagabi lang ay nanaginip akong nakapasok ako sa liwanag ng aparador ah.
Nanlaki ang mga mata ko ng malapit na sila saakin, Napaka tanga ko talaga. Ba’t hindi ko man lang naisip na kailangan kong tumabi? Baka mahagip ako sa camera, nakakahiya!
“ Tumabi ka!” nagulat ako ng sigawan ako ng nangungunang sundalong nakasakay sa kabayo.
Pumikit ako at akmang sisigaw dahil mabababangga na niya ako at siguradong tatapis ako sa tulay pag nagkataong sinipa ako ng kabayo.
Ngunit ilang segundo pa ay may humawak saaking pulsuhan.
“Binibini Sakay na! “ Napanganga ako ng yayain ako nung sundalong iyon.
“ Ha?” hindi ko makapaniwalng tanong.
Agad na akong hinila nung sundalo at tinulungan ako upang makasakay sa Kabayo.
Hindi ko maiwasang ‘di matuwa,
Naka-extra ako sa Movie hahahaha!
Napatingin ako sa damit ko. Nakakinis naman, nakapadjama pa ako!
Ilang sandali pa ay huminto na kami at nagsi babaan na sila.
“Ayos ka lamang ba binibini?” tanong saakin nung sundalo at nagtatakang napatingin sa suot ko.
“HAHAHAHA!” tumawa ako ng malakas at tumawa pa ng tumawa hanggang sa mapansin na nasaakin na pala ang atensyon ng lahat.
Nanlaki ang mata ko! Narealize kong nagshoshooting nga pala.
“ Ayy “ napatikhim pa ako sa hiya.
“ Sorry guys! Direc—teka asan yung direktor? “ taka kong tanong.
Nangunot naman ang mga nuo nila.
“Ah! Break naman pala e!” napatango-tango ako sa sariling isipin. “Ayos ah! Mahal siguro gastos niyo noh? Costume palang siguradong mahal na?” Namamangha kong sabi habang iniikutan sila.
Kinilabutan naman ako nung wala man lang nagsalita sakanilang lahat at animo’y nawiwirduhan sa’kin.
“ Hoy! Ano ba? Hahaha! Wag naman kayo ganyan kaseryoso! Ba’t niyo nga ba ako ginawang Extra? Grabe ah nagulat ako ron! Hindi ako makapaniwala! Ipagmamayabang ko ‘to kay Yuri. Biruin niyo, maipapalabas ako sa isang makasaysayang pelikula. Hahahaha!”
Hindi ko makapaniwalang sabi habang ina acting ko pa ang bawat reaksyon ko. Malay mo, swertihin ako at tunay na akong maging isang artista.
“ Nababaliw na siya Heneral.” Narinig kong bulong nung isa.
Ha? Ano daw?
Baliw? Ako? Ako ba ang sinabihan ng baliw?!
“ Hoy!”napakurap ang artistang sundalong iyon dahil sa sigaw ko at itinuro ko pa siya.
“ Hindi ako nababaliw! Hahaha! Ano baaa!” sigaw ko. Sobrang na eexcite lang siguro ako kaya hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano.
“ At ikaw! “ turo ko sa katabi niya dahilan para mas lalo silang magsitinginan sa’kin.
“ Omgg!...ikaw pala yung heneral sa movie na ito?” Saad ko at kinilatis ng tingin yung katabi niyang nasabing heneral.
Siya yung muntik ng makabunggo sa’kin kanina.
Ang bata pa nung heneral nila ah, infairness baka gumagawa sila ng bagong version ng GOYO: ANG BATANG HENERAL.
“ Hala hoy! Huhuhu! Anong network kayo? Kahit hindi ko kayo kilala ramdam kong sisikat kayo! Ang guwapo naman din pala nitong gumanap na batang heneral! Nice outfit bro!”Nagulat silang lahat ng sikuhin ko yung artistang Heneral na parang close kami, ngunit yung pwet niya ang nasiko ko.
Nagsilakihan ang mga mata nila.
Hala! Hindi ko kaya ‘yun sinasadya!
Maging ang artistang ‘yun ay nanlaki ang mata at napalunok na tumingin sa’kin.
“ Mapangahas! Dakpin ang babaeng iyan!” nanlaki ang mata ko, agad akong hinawakan ng dalawang lalaki sa magkabilang braso.
Hala, anong ginawa ko?!
“ Hoy wait lang!Nagshoshooting parin ba? Oi! Aray! Nasasaktan ako!kumalma naman kayo walang totohanan! Pst! Hoy! Heneral! Aray ko
Ukininam! Masakit hoy! Yawa, wala pang warrant of arrest! Hoy! “ Pagpupumiglas ko.
Nawiwirduhan na rin ako sa nangyayari.
Akala ko ba shooting ‘to? Nasaan ba ang direktor at hindi manlang mamonitor ginagawa ng mga actors na parang may galit pa saakin.
“ Heneral Wala ata sa katinuan ang isang ‘to! “ Nangunot ang noo ko sa sinabi nung isang kawal na may hawak sa kaliwang braso ko.
“Hoy hindi ako baliw ah! “ pagpupumiglas ko.
“Heneral baka ho kailangan niyang iuwi nalang sakaniyang magulang.”
Napatingin naman yung heneral saakin at talagang mula ulo hanggang paa ay tinignan niya ako.
“ Sinabi ng hindi ako baliw e! Parang tanga naman. Ayaw ko na nga! H’wag sana kayong sumikat tapos magkaroon kayo maraming basher! “ Inis kong sigaw, nakakapikon na e. Pag natapos ang teleseryeng ‘to ako ang unang mambabash!
“ Bitawan niyo siya.” Gulat akong napatingin sa kawal na nagpasakay sakin kanina sa kabayo, narinig ko rin siyang tinawag nilang Kolonel.
Napatingin din ang lahat sakaniya maging yung heneral kuno.
Napahinga ng malalim yung heneral.
“Ako na ang bahala sakanya.” Saad niya pa.
Napatingin naman ang lahat sa heneral animo’y naghihintay ng pahiwatig kung susunod ba sila sa utos ng kawal na iyon.
Tumango naman yung heneral at binitawan na nila ako.
Teka? Heneral dapat nasusunod hindi Colonel!
Pero Buti naman!
Lumapit saakin yung
Kolonel na ‘yon .
“ Ayos kalang binibini? “ tanong niya sa’kin, pangalawang tanong na niya sakin ‘yan at nung una ay tinawanan ko lang siya.
E e nemen, eyos leng eke genee.
Hahahaha! Natawa ako sa pabebe kong kaluluwa.
Nangunot ang noo nung kolonel, nagsitinganan nanaman sila sa’kin na para bang sinasabi nilang baliw na talaga ako.
“ A-ayos ka lang talaga?” tanong ng Kolonel.
Napatikhim ako at tumango.
“ Naiintindihan ko ang sitwasyon mo kaya’t pagbibigyan kita, sa susunod ay huwag ka ng magtangkang tumakas sa inyong tahanan upang hindi ka mapahamak, nasaan ba ang mga magulang mo at pinapabayaan nila ang anak nilang may diperensya?”
Nanlaki ang mata ko at napakurap ng ilang beses.
“ A-ano? Ako? Me deperensya? Sinabi ng hindi ako baliw e! gosh! This is so annoying! “ Napapikit ako sa inis. ‘Yan napapa english tuloy ako. Taray ng kaconyohan ni mama, naipapasa saakin.
“ Heneral, wala sa katinuan ang mga binibitawan niyang salita!” tugon ng isang kawal ngunit tinignan siya ng kolonel upang manahimik.
“ Kung gayon bakit ka nasa gitna ng tulay at manghang-mangha pang nanunuod sa isang laban? “ napalingon ako sa aking likuran, yung heneral.
“ E kasi… “ napanguso ako.
“ Ngayon lang ako nakasali sa movie shooting e! “inis kong sabi.
Nangunot naman ang nuo niya.
“S-suting?” takang tanong ni Kolonel.
“ Oo shooting…” nakanguso kong pag uulit.
“ Dakpin ang babaeng ito! “ Utos ng henral dahilan para magsitayuan ang balahibo ko.
“ Hoy tanga ka ba?! Ang sakit kaya ng pag kaka kaladkad saken ng mga ‘yan! “ sigaw sa artistang heneral.
Bigla namang tumahimik ang mundo at nakatingin saakin ang lahat ng mata na parang gulat na gulat sila sa pag sigaw ko.
Dahan dahan kong tiningala ang itsura ng heneral na mukhang pikon na ngayon.
“ Isa kang MANGMANG! “ sigaw niya dahilan para mashookt ako!
“ What?! “ sigaw ko sa heneral.
“ Dakpin—”
Lalo silang nashookt dahil sa ‘di inaasahan ay dumapo ang kamao ko sa panga ng heneral.
Yari ta’yo niyan Lea. Tanga ka talaga!
Napakurap siya sa ginawa ko!
“ Sabi kaseng hindi ako baliw e… “ Saad ko.
Halos tumuwid naman ang kikay niya na tumingin saakin habang ang mga kawal niya ay hindi alam ang gagawin kung lalapit ba o mananatili nalang sa kinatatayuan.
“Kung nasa katinuan ang isip mo, hindi ka dapat natutuwa sa ganitong sitwasyon! Anglakas ng loob mong Tawanan ang mga nangyari! Ang lakas mg loob mong pag buhatan ako ng kamay at ang lakas rin ng loob mong Manghawak ng maselang parte ng aking katawan!” tuluyan ng nadamage ang braincells ko!
Feeling niya talaga namanyak siya ng grabe!
Hindi ko nga yun sinasadya e!
Tagiliran niya dapat yung sisikuhin ko pero sa kasamaang palad sa pwet niya tumama! Kasalanan ko bang masyado siyang matangkad?! Feeling niya naman kaakit-akit siya para manyakin! Joke lang. Syempre kahit kaakit-akit siya hindi naman ako manyak ‘no.
“ O sige unahan na kita, sasabihin mo tapos pag kayong mga babae hinawakan magagalit, harassment na nyenyenye HINDI KO NGA SINADYA E! “ Inis kong saad at napasigaw pa.
Lumabas ang ugat sa leeg ng heneral at mukhang napikon na talaga saakin. Magsasalita sana siya ng sumigaw ang isang sundalo.
“ Heneral! Umaatake nanaman ang mga rebelde. “
Napatingin ako sakaniya ng gulat. Kasali pa ba ‘yun sa eksena?!
“Soldados, ¡prepárense!(Soldiers!Prepare yourselves)” nagtaka ako ng sumigaw ang heneral ng salitang kastila.
Pero mas nagulat ako ng parehong hatakin ng heneral at nung Kolenel ang magkabilaan kong kamay, gulat pa silang nagkatinginan sa isa't-isa ngunit sa huli, ang kolonel na ang unang bumitaw.
Feeling ko tuloy ako yung bida sa teleserye na pinag-agawan ng dalawang lalaki. Hihihi, ano ba!
Nagbalik ako sa reyalidad dahil sa paghila ng heneral sa'kin papasok sa isang parang makalumang munisipyo.
"Magtago ka! " utos niya at agad ding umalis.
Malalakas na pasabog at ingay ang mga naririnig ko habang nagtatago sa loob ng munisipyong ito.
Hindi ko maipaliwanag kung bakit Anglakas ng kabog ng puso ko, pakiramdam ko ay totoo na ang mga nangyayari...
Walang Camera.
Walang direktor.
Walang stuntman
Nakakapagtaka ang mga kilos nila.
Hindi nila alam ang mga pinagsasabi ko.
At Nagsasalita sila ng wikang kastila.
Hindi kaya...
Nasa panahon ako ng mga kastila?
" Tumawag ka'yo ng Doktor! " utos ng isang kawal na umaalalay ngayon sa Heneral.Nanlaki ang mata ko ng makita ang nagdurugo niyang Tagiliran." Wait! Totoo yan? " lahat sila ay napatingin sa'kin.Seryoso ako, kinakabahan na ako sa nangyayari.Lahat sila ay nakatingin sa'kin na para bang sinasabi ng mga tingin nilang what the fuck hindi ba obvious?!Hanggang ngayon ay hindi parin ako kumbinsido na nasa panahon ako ng kastila dahil napakaImposible!Unti-unti akong lumapit sa Heneral at hinawakan ang nagdurugo niyang sugat. Bigla siyang Napadaing ng malakas."Nasisiraan ka ba ng bait?!" Inis na sigaw ng kawal saakin."Walang doktor! " sigaw ng isang kawal." Mahigit isang oras pa ang tatahakin natin kung itatakbo natin siya sa ospital...mauubusan siya ng
TULALA ako habang naglalakad, ayaw mag sink in sa utak ko ang lahat ng mga pangyayari.Kanina pa ako nakaalis sa bahay nila aling Panyang, sinabay na ako nila Mang Tuding sa kalesang maghahatid daw sa heneral papunta sa Hacienda De Legazpi kuno, ngunit dito na nila ako binaba, sa Plaza.Sa dinami-dami ng mga bagay na tumatakbo sa isip ko ay 'di ko na nagawa pang mapansin ang oras.Magtatakipsilim na pero paikot-ikot pa rin ako sa kalye.Kanina ko pa pinagmamasdan ang lahat sa paligid, ang mga kababaihan ay nakasuot ng baro't saya, kimonang filipiñana o kaya naman ay Mahahabang bestida habang ang mga kalalakihan ay Naka polo at coat at ang iba ay naka kamisa de tsino.Dahil ron ay mas naging kumbinsido akong nasa panahon nga ako ng kastila, ngunit paano?Nag TIME TRAVEL AKO?!Huhuhu, ano baaaa! Nananaginip lang ako diba?
NASA kulungan at magkaibang selda kami ng lalaking muntik ng dumakip sa'kin kanina.Nakaposas pa kaming pareho, hindi ko rin alam kung bakit rin ako nakaposas dito! ako na nga 'tong nahostage kanina tapos ako pa 'tong isang nakulong!Napairap ang mata ko, hindi ko akalaing tanga tanga pala ang Heneral na iyon.Teka asan ba yung Hilaw na 'yon?Maraming Guardia Civil na nakapalibot sa bawat selda ng kulungan. Madilim ang bawat sulok at tanging mga sulo lang ng apoy ang siyang tumutulong upang magkaroon ng liwanag sa paligid. Ang narinig ko kanina bago kami ikulong, ang kulangan ito raw ay baba ng kwartel ng mga Guardia Civil. Kaya napaka dilim."Heneral" Saad ng isang guardia Civil at sumaludo.Agad akong napatingala upang tignan kung sinong heneral ang dumating."Déjame esto a mi.(leav
NAGULAT ako pagkalabas ko sa sala.Ang kolonel!"Magandang Umaga Binibini."bati nito saakin at yumuko bilang pag bati rin.Napalunok ako at ngumiti." Magandang umaga rin. G-ginoo? "Alamganin kong tugon, nakaka ilang kasi ang pag banggit ko ng salitang ginoo.Ano na nga ba kasing pangalan ng lalaking 'to?M-miguel?Oo Miguel nga.Pumasok na si Miguel at nagbigay galang kila Aling Panyang. Pina upo siya ni Aling Panyang at pinagtimplahan ng kape.Maglalakad na sana ako para bumalik sa aking ginagawa ngunit tila tumindig ang balahibo ko ng may magsalita sa labas ng pintuan."Pasok kayo Heneral."Nagulat ako ng bumungad sa Pinto si Mang Tuding kasama Si SAMUEL!"Magandang umaga." pormal niyang bati saamin, na
"W-wala akong masamang itnensyon" wika ni Grasya na ngayon ay mahigpit na hawak-hawak ni Samuel sakaniyang pulsuhan dahilan upang maibagsak niya ang baso at mabasag iyon sa sahig.Salubong ang kilay ni Samuel na nakatingin ng deretcho sa mata ni Grasya."S-siya ang nagsimula!"Sigaw niya pa at pinatay ako ng tingin.Sinulyapan ko siya at inis na tinignan.Sasabat sana ako kaso naunahan ako ni Samuel."Nakita ko ang buong pangyayari" saad niya na siyang nagpatahimik saaming dalawa."Kuya, si Ina" Napalingon ako sa aking likod at nakita ang binatilyong nagturo sa'kin kanina ng direksyon."Federico?Samuel?Anong kaguluhan ang nangyayari dito?" tumataas palang ito sa hagdan ngunit rinig na namin ang kaniyang boses, wala akong ideya kung sino."Anong ginagawa mo kay Grasya" patuloy ng isang babaeng
HABANG naghihiwa ng Karne dito sa kusina, lumilipad ang isip ko. Hanggang ngayon ay 'diko maiwasang matakot sa mga nangyayari sa'kin, ba't ba nila ako hinohostage?! nakakainis naman e! ano bang kailangan nila sa'kin? hindi na nga lang ako taga rito sa panahong 'to pinapahirapan pa ako!Habang inaasikaso ang mga sangkap ay naalala ko ang tagpo namin ni Miguel kagabi.Kusang tumulo ang aking luha dahil sa takot. "Binibini, ayos ka lang?"tanong ni Miguel at humakbang ng dalawang beses palapit sa'kin. Hindi ako makapagsalita dahil hanggang ngayon ay nangangamba pa'rin ako at natatakot."Sino ang mga kalalakihang iyon?iyo bang kilala sila?"tanong niya tanging pag iling ang aking naisasagot."Hindi ko sila kila" saad ko at tumingin sa mata niyang nangangamba rin.Napahinga siya ng malalim at tumingin sa ibang direksyon. "Nakatakip ang kanilang mukha, hindi rin sila nagsalita.Wala tayong pagkak
ISANG araw nalang at papayagan na rin kaming umuwi ni Mang Tuding sa bahay.Sa Mansyong ito, pinipili lang nila yung papayagang umuwi.Biyernes at sabado lang dapat kami mawawala pero pinayagan yung kahilingan ni Mang Tuding na hanggang Linggo nalang dahil magsisimba pa raw kami ng magkakasama.Mukha ngang malakas talaga si Mang Tuding sa pamilya nila.KINABUKASAN ay napaka aga kong gumising, wala pa namang oras ng pagtratrabaho kaya pumunta muna ako ng hardin."Ate Felicia" Napalingon ako sa pinagmulan ng boses na iyon.Si Federico."Oh?aga mo ah?"saad ko at tinignan siya mula ulo hanggang paa, pormadong pormado."May aasikasuhin lamang po ako na ipinaguutos ng aking guro. Babalik rin ako mamayang hapon"Saad niya.Napatango nalamang ako."Ngunit mamaya pang alas otso ako aalis"saad niya at napakamot sa ul
"F-Felicia, nais n-ni Donya Valencia na ikaw ang maghatid nito sakaniya" saad ni Danaya habang inaabot saakin isang tasa ng tsaa.Nakakapagtaka kung bakit nanaman siya nauutal at parang takot na takot.Tulad ng dati ay nangangatog din siya na parang natrauma. Napapansin kong madalas siyang ganyan lalo na kapag inuutusan siyang lumabas."Ayos ka lang?"tanong ko saka kinuha ang tasa.Tumango lang siya at ngumiti, ang ngiting alam kong peke."Ayos lamang ako. Idala mo na iyan kay Donya"saad niya at sinikap na huwag mautal.Tumaas ang kilay ko."Pinagmamalupitan kaba ni Valencia?"pagtataray ko. Nanlaki naman ang mata niya at agad na umiling."Hindi. hindi ko nga siya madalas nakakasalamuha."pagdedepensa niya.Napahinga ako ng malalim dahil alam kong 'di naman kami ganon ka-close para sabihin niya saakin ang lahat, iniisip niya sigurong pag nagsumbong siya sa'kin isusumbong ko din siya kay Valencia.
"Ano na ate?"napakurap ako kay Federico at ilang sandali pa ay napahinga ako ng malalim dahil ang akala ko ay tunay ko ngang sinigaw ang salitang 'ikaw'Ponyawa nag iimagine lang pala ako.Napatingin naman ako kay Samuel na seryoso na muli ang tingin sa'kin.Napalunok ako ng ilang beses bago magsalita."S-samuel ikaw ang---" magsabi sakanila dahil nahihiya ako!Hindi ko na natapos ang sasabihin ng biglang bumungisngis si Federico na hindi na mapigilan ang pangaasar!si Elina naman ay mahinhin na tumatawa."A-Ang ibig kong sabihin!" sigaw ko, jusko malo nanaman ang nasa isip nila! "ikaw Samuel ba ang magbabayad?hehe kanina pa nakahinto ang kalesa e" Palusot ko kaya natigilan naman silang lahat."Ah sige baba na tayo" Wika ni Federico at iniwanan ako ng tingin na para bang sinasabi niyang hindi pa tapos ang pangaasar ko sa'yo.&nb
Naguunahang tumulo ang bawat butil ng pawis ko dahil sa tirik na tirik na araw. Nasa kalagitnaan kami ng Pag a-ani. Naisipan kasi nila Aling Panyang na maki tulong kami sa mga trabahador rito sa bukid dahil wala naman kaming gagawin ngayon at mas mainam nalang na tumulong kaysa mamasyal dahil wala kaming sapat na pera upang ipambili sa kung anong makita namin.Naging kumportable naman ako kahit papaano sa suot kong puting kamisa de tsino dahil nakakasawa rin ang mahabang saya na laging sumasagabal sa aking kilos.Ang sakit na rin ng likuran ko at sobrang init na ng aking pakiramdam dahil bukod sa first time ko itong gawin, hindi ako laking probinsya at bihira lang magpawis na minsan ay hinahadlangan pa ng aircon.Kahit naman nakakapagod ay nage-enjoy rin naman ako dahil nakikichika kami ni Elina sa mga kuwento ng mga kasama naming dalaga na naga-ani. Panay naman ang pag palakpak ng tainga namin ni Elina tuwing mai-inggit sila dahil imbitado k