Share

KABANATA 5

Author: Kieyoyo
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

NASA kulungan at magkaibang selda  kami ng lalaking muntik ng dumakip sa'kin kanina. 

Nakaposas pa kaming pareho, hindi ko rin alam kung bakit rin ako nakaposas dito! ako na nga 'tong  nahostage kanina tapos ako pa 'tong isang nakulong!

Napairap ang mata ko,  hindi ko akalaing tanga tanga pala ang Heneral na iyon. 

Teka asan ba yung Hilaw na 'yon?

Maraming Guardia Civil na nakapalibot  sa bawat selda ng kulungan. Madilim ang bawat sulok at tanging mga sulo lang ng apoy ang siyang tumutulong upang magkaroon ng liwanag sa paligid. Ang narinig ko kanina bago kami ikulong, ang kulangan ito raw ay baba ng kwartel ng mga Guardia Civil. Kaya napaka dilim. 

"Heneral" Saad ng isang guardia Civil at sumaludo.

Agad akong napatingala upang tignan kung sinong heneral ang dumating. 

"Déjame esto a mi.(leave it to me.)" Saad ng heneral, hindi ko pa rin maaninag kung siya ba iyon. 

Sunod-sunod namang umalis ang limang Guardia Civil sa  tapat ng selda

nung lalaking nanghostage saakin kanina. 

Ngayon, ako nalang ang may bantay na tatlong guardia.

Napasimangot tuloy ako, paano na yung trabaho ko niyan?

Liningon ko ang lalaki sa kabilang selda na nakaposas ang kamay pataas at nakaluhod sa sahig. 

" Susi " Saad ng Heneral dahilan upang maaninag kong tuluyan ang mukha niya. Ang batang heneral nga. 

Agad namang lumapit sakaniya ang isang Guardia sibil upang i-abot ang susi ng seldang kinakukulungan ng lalaki. 

May edad na ang lalaki , mga nasa 40's na siguro.

Naawa tuloy ako sa sinasapit niya ngayon, pero deserve rin naman niya dahil tinutukan niya ako ng kutsilyo.

Bigla nanaman akong nalungkot ng makita na sobrang nangangalay na sa pag ka-kaposas ang kaniyang kamay pataas, naalala kong sila nga pala ang tinataguriang bayani sa panahon ko dahil buong puso silang lumaban sa mga kastila mabawi lang ang Bayan, syempre ayon 'yun sa kasaysayan. 

Pero mali parin yung panghohostage niya e!

Bigla nanaman akong nainis sa heneral! 

Bakit ko pa kasi kailangan maikulong din? At nakaposas pa ako! 'diba dapat tinatanong nila kung ayos lang ang kalagayan ko?!Ang sama-sama tuloy sa Kalooban na ikaw na nga 'tong nahostage tapos nakulong ka pa. Huhuhu,  ang sarap niyang sampalin back and forth.

"Sino ang inyong Pinuno?" tanong ng Heneral sa Manong at bahagya pang naupo sa kaharap nitong lamesa, naka-de kwatro pa siya  na animo'y isang bigboss sa isang sindikato at ang kaharap niya ngayon ay siyang kalaban niya sa ilegal niyang negosyo. 

Hindi sumagot Si Manong.

" Uulitin ko,  sino ang inyong pinuno? "tanong muli ng heneral sa mas malinis ngunit mas mariin na tono. 

Matapang siyang tinignan ng manong sa mata,  animo'y walang mababakas na takot sakaniya habang kaharap ang heneral. 

" Wala kang makukuha sa'kin" tugon ng lalaki at nginisian ang heneral. 

Napahinga ng malalim ang heneral at tumayo, nagulat ako ng ilabas niya ang kaniyang baril at ikasa iyon sa harap ng lalaki. 

"Pag-amin o kamatayan?" Tanong niya gamit ang malamig na tono ng boses habang kunwaring linilinisan ang nguso ng baril. 

Hindi, hindi niya pwedeng patayin si Manong! mababawasan ang kasapi sa samahan nila!hindi niya ba alam na silang mga kastila ang dapat patayin?!

"Wala kayong makukuhang impormasyon saakin at hindi mo ako mapapaamin" matigas na saad ni manong. 

" Sige " tugon ng heneral at itinutok sa lalaki ang nguso ng baril. 

Lumakas ang pintig ng puso ko. Hindi ko kayang makita ng patay o mamatay sa harapan ko! Gosh! Kung bangungot man ito, magising na ana ako o kaya kahit mamatay na basta matigil lamang ang panaginip na ito ayos lang! Huhuhu! 

" Bibigyan pa kita ng huling pagkakataon upang sagutin ang tanong ko. " mariing utos ng heneral, nakapwesto na ang kaniyang daliri upang maya-maya'y kalabitin ang gantilyo. 

" Mas nanaisin ko pang mamatay kaysa maging kagaya mo na sunod-sunuran sa baluktot niyong batas! " Sigaw ng lalaki dahilan upang magsalubong ang kilay ng Heneral. 

Mas lalo akong kinabahan. Bahagya pa akong napaatras dahil sa takot. Pakiramdam ko'y ako ang nasa sitwasyon ng lalaki ngayon.

Paano kung mapagkamalan niyang kasapi ako sa samahan ng lalaking iyan, papatayin niya rin kaya ako? 

Napapikit ako ng akmang kakalabitin na niya ang gantilyo ngunit sa kabutihang palad, may isang guardia civil ang sumulpot upang mag salita. 

" Ipagpaumanhin niyo ho heneral,  ngunit narito po ang inyong kapatid. " saad nito at yumuko upang magbigay galang. 

" Pa aminin niyo 'yan, kapag hindi umamin ay putulin niyo ang kanyang dila." nanlaki ang mata ko sa sinabi ng Heneral. 

Naglakad na ang heneral paalis dahilan upang maalarma ako. 

"Hoy!Teka lang—" napatingin sa'kin ang heneral at ang mga guradia.

"Ah—hehe!Wag niyo naman siyang ganyanin please? mas lalo lang masisira ang image niyo sa sa Philippine History. " Saad ko sa Heneral na sinabayan ko pa ng nagmamakaawang ekspresyon. 

Hindi naman niya ako sinagot at unti-unting naglakad papunta sa'kin.

Sinenyasan niya ang mga guradia Civil na ihinto muna ang mga ginagawang pambubugbog sa lalaking bihag. 

Ang talim ng mga mata niyang deretchong nakatitig sa'kin.

Napalunok tuloy ako at medyo lumuwag ang kapit sa rehas ng kulungan.

"Ah, h'wag mokong titigan. Na-iilang ako.Ano baaa!" kung nasa harapan ko lang siya ngayon at walang posas ang kamay ko, marahil ay nahampas ko na siya sa kaniyang braso. 

Ilang sandali pa ay nasa tapat ko na siya at Salubong ang kilay na nakatingin ng deretcho sa mata ko.

Mas matalim pa sa kutsilyo ang kaniyang titig na animo'y mamatay ako ron. 

Sunod-sunod tuloy ang aking paglunok.

Ewan ko ba pero bet na bet ko rin makipagtitigan sakanya. Ang mga mata niya ay tila nakaka akit dahil sa ganda at pungay, napakaganda rin ng pagka guhit ng kilay niyang madalas mang kumunot at magsalubong ay hindi makapagkakailang nakakadadag sa kaniyang kaguwapuhan.Mukha siyang Foreigner na hindi pa na tuli, pero sa totoo lang swak na rin ang itsura niya, ang tangos rin ng ilong niya na kahit sa anino niya ay maaninag mo ang katangusan niyon, bumaba ang tingin ko sa kaniyang labi ang sarap—

"Bakit mo kasama ang rebeldeng iyon?posible bang kasapi ka rin nila?"  Seryoso nyang tugon na ikinagulat ko.

Biglang dumagundong ang puso ko dahil sa kaba, kung ano-ano kase ang pumapasok sa isip ko, kinabahan tuloy ako na baka mamaya ay mabasa niya kung ano ang mga pinagsasasabi ko sa'king sarili kanina tungkol sakaniya. 

Napalunok pa ako at napa iwas ng tingin, hindi nga mapagkakailang naoakaganda ng tindig niya ngunit hindi ko type ang kaniyang ugali. Medyo pangit. 

" Iyong bang hindi narinig ang aking tanong? " iritado niyang saad dahilan para magbalik ako sa katinuan. 

"A-anong kasa-kasapi?! ni hindi ko nga alam kung anong pangalan ng samahan nila e! sus! kung sakali mang sasali ako sa isang samahan, sa KKK ako sasama!" taas noo kong saad  na sinabayan ko rin ng pagtaas ng isa kong kilay. 

Nangunot naman ang noo niya.

"Huwag niyo siyang bigyan ng makakain sa loob ng isang linggo"utos niya sa mga kawal.

Wait—what??

Aalis na sana siya nang mapumiglas ako sa posas ko at sumigaw-sigaw.

"Hoy! Hilaw na heneral!Pakawalan mo ko dito!" sigaw ko na siyang kinagulat ng lahat.

Napakagat ako sa'king pangibabang labi.

Naalala ko nga palang dapat siyang igalang huhu! ipapagarrote niya na rin ba ako?

"Ah, " panimula ko at napakagat sa kuko ng aking mga daliri.

" Mahal ko—este mahal na heneraaal? puwede niyo na po ba akong pakawalan na dito?pagsisilbihan ko kayo ng bongga promise!pwede niyo akong taga-luto o tagahugas ng pinggan hehe" Pagmamakaawa ko sakanya sa maayos at pabebeng paraan. 

"Itikom mo ang iyong bibig kung ayaw mong maputulan ng dila"makapangyarihan niyang utos.

Woah!Kapal naman ng kanyang face!

"  Ipagpaumanhin niyo ho Heneral Samuel ngunit kayo ay pinapatawag na sa korte suprema, ang inyong kapatid ay nasa labas na. " Biglang sulpot ng isang kawal. 

Naningkit ang mata ko dahil sa narinig kong badword. Sa ngayon masasabi kong napakasamang salita ang pangalang Samuel. 

"Hoy Samuel!" Buong tapang kong sigaw,  hindi na kasi ako nakapagpigil pa. Pakiramdam ko'y pag 'di ako nagalit mangingisay ako rito dahil sa pagtitimpi at baka ikamatay ko pa iyon. 

" Anong kamo? " Aniya na parang hindi makapaniwala. Halos walang kurap naman ang mga kawal nito na nakatingin saakin, animo'y hindi makapaniwala sa narimig. 

"Heneral ka man na naturingan wala na akong Pake!" Malakas kong sinipa ang selda dahilan para masindak sila sa kagandahan ko. 

" Pakawalan moko! Ako,  magtitimpi nalang ako dito ha, Hoy! Halika dito lumapit ka!Lapit!" utos ko sakaniya na bahagyang kinalaki ng mata niya dahil sa gulat ng pag-asta ko.

Nanatili siya sa kinaroroonan niya at hindi mawari ang reaksyon sa kanyang mukha.

"O 'diba?hindi ka makalapit!sige ngayon anong pinaglalaban mo?!Pakawalan mo na ako!Handa akong maging sundalong babae!"sigaw ko pa at pilit na nagpupumiglas sa Rehas.

"Itikom mo na ang iyong b—" hindi ko na siya hinayaang magsalita pa.

"Walaa!Palayain moko dito!pagkatapos kitang gamutin!Woi!'di mo ko binayaran don ah!nagtatapang-tapangan ka pa diyan e nahawakan ko naman na abs mo! " natawa ako sa'king sarili ng maalala ko nung ginamot ko siya, para akong isang hibang na nagmamakaawa upang makahawak ulit sakaniyang pandesal!

Napasimangot ako dahil wala siyang karea-reaction sa sinabi ko."Woi!Nahiya ka pa diyan! hinayaan mo nga akong hawakan abs mo e!"Saad ko pa, alam ko namang hinayaan niya talaga akong gawin yun para sa sarili niyang kapakanan.

Nakita ko naman siyang umiling-iling sa pagaakalang nasiraan na ako ng ulo.

Ang mga guwardia naman ay papailit palit ng tingin saamin ng heneral, mukhang hindi nila alam kunga ano ang mga pinagsasasabi ko. 

Aalis na sana siya ng biglang dumating ang isang Guardia Civil.

"Kapatid"saad nito kay Samuel.

Gulat akong napatingin sa dumating na iyon.

Ang koloneeeel! 

" Hoy!"Sigaw ko upang tawagin ang atensyon niya. 

Hindi naman niya ako pinansin dahil abala sila sa pagchichismisan ng kaniyang kapatid.

"PssssssssssSst!" sa pagkakataong iyon ay pareho na silang lumingon sakin.

"Aba, aba!Anong chinichika niyo diyan?!Oy, may balak ba kayong pakawalan ako?!"Singhal ko at tinaasan sila ng kilay habang pinaglalantaran sakanila ang nakaposas kong kamay. 

Nanatiling seryoso si Samuel habang yung kapatid niya ay lumapit sa'kin.

Nagpabebe naman ako sakanya para kaaawaan niya ako at palayain.

Nagulat ako ng bigla siyang ngumiti sa'kin at nilabas ang isang susi

Binuksan na niya ang kulungan! agad agad akong tumayo.

"Ito rin! Yung posas ko rin daliii!" saad ko sakanya na parang isang batang makulit na nagpupumilit ng isang bagay sakaniyang kapatid. 

Napailing-iling naman siyang Tumango at tinanggal ang posas ko.

"Napag-alaman kong Pamangkin ka pala nila Mang Tuding na siyang katiwala ng aming Pamilya."Saad niya.

Tumango-tango nalang ako at napangiti, buti nalang talaga may instant Tito and tita ako sa panahong 'to.

Aalis na sana kami sa kulungan ngunit nahagilap ng mata ko si Manong na na nasa kabilang selda. Nahuli ko ang pag iwas niya ng tingin saakin. 

Nag labas ako ng mabigat na buntong hininga bago suminghap at lakasan ang loob na mag salita. 

"Sandali"saad ko, napatigil naman ang magkapatid."Pakawalan niyo na rin si Manong pleease!"pagmamakaawa ko ngunit agad nagsalubong ang kilay ni Samuel."Nahihibang ka na ba?Gusto mo bang bumalik muli sa Selda?"Seryoso ngunit galit nitong tanong. 

Pagkatapos ay naglakad na ito papaalis.

"Ganyan naturingan ang ugali ng aking kapatid na heneral, ngunit ikaw binibini ay walang karapatang diktahan siya lalo na sa kanyang tungkulin, naiintindihan mo ba iyon?" mahinahong wika niya saakin ng may ngiti sa labi.

Pinagsabihan niya ako sa magandang paraan.

Nakakatouch naman ang pagiging friendly niya. 

PAGKALABAS namin, bumungad agad ang nakaabang na kalesa,  naroon si mang Tuding na nahihintay.

Nagbigay galang pa sila ng kolonel sa isa't-isa at nagpasalamat saka tumingin sa'kin ng bakas ang pagaalala.

"BUTI nalamang at nag kataong naroroon ang Heneral at kolonel!" saad ni Aling Panyang, halos mabasag na rin ang loob ng tainga ko dahil sakaniyang boses. 

Nakayuko nalang ako sakanila ngayon kasi 'diko alam kung sinesermonan ba nila ako o nagaalala sila o 'di kaya naman ay nagagalit, parang si mama lang minsan. Nakakamiss rin pala pag si mama ang nag sermon.

"Osiya, sa susunod ay huwag ka ng lalabas mag-isa, iyan din ang dahilan kung bakit nagiingat kami dahil malapit kami sa Heneral na siyang kina mu-muhiian ng lahat" saad ni Aling Panyang at napahilot pa sakaniyang sintido. 

Nangunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Bakit naman kaya kina mu-muhiin si Samuel? 

"B-bakit po siya kinamumuhian ng lahat?" napayuko pa ako ng tanungin iyon, baka mamaya sabihin nilang intirisado ako sa heneral.

"Dahil ang tingin sakaniya ay walang puso, hindi siya nagbibigay kahit isang pagkakataon lamang, wala siyang awa at walang pinaniniwalaan kundi ang sarili." paliwanag ni Aling Panyang.

Napatingin ako sakaniya, napabuntong hininga pa siya na parang isang inang apektado sa kung anong sitwasyon ng anak. 

Itatanong ko sana kung bakit sila malapit sa pamilya ng heneral ngunit naalala kong dati nga palang mayordoma sa mansyon nila ang nanay ni Mang Tuding at isa siya sa pinagkakatiwalaan ng pamilya.

"P-pero ate, ikinalulungkot ko pong sabihin na hindi na daw po kayo maaring mag trabaho sa kalenderya at sinabi pa nilang isa kang kuwatan at itinakbo mo ang mga salapi." gulat akong napatingin kay Elina ng ibalita niya iyon. 

"Hala?!Hindi ko kaya tinakbo yung pera—"

"Pero huwag po kayong mag-alala, napagalaman po ni Ginoong Miguel na inutusan ka ni aling Rosita sa bayan at binayaran na rin niya ang mga salaping iyon" nakahinga ako ng maluwag pero wait!

"teka?sino naman si Miguel?" Pagtataka ko.

Nanlaki naman ang mata nilang tatlo at napa lingon lingon sa paligid lalo na sa bukas na binatana ng bahay, para bang tinitignan nila kung may taong nakakarinig saamin. Nagtaka ang hitsura ko. May sinabi ba akong sikreto? 

" Ate Felicia, hindi maaring tawagin mo lamang ang isang ginoo sakaniyang pangalan. Tiyak na aakalain nilang may relasyon kayo kapag may nakarinig sa'yo, kapag napag alaman iyon ng iba ay mapapahamak ka pa. Si Ginoong Miguel ay ang kolonel na kapatid ni Heneral Samuel. " Paliwanag sa'kin no Elina dahilan para mapanganga nalang ako. 

Bigdeal na sakanila ang pag tawag ko sa pangalan?

Napatango-tango naman si Aling Panyang at Mang Tuding kay Elina at pinuri pa siya dahil sa parangal niya saakin. 

Sumasakit ang ulo ko, masyado silang ma issue sa panahong 'to. 

Naalala ko nanaman ang tungkol sa mga pera na dapat kong pang palengke. Nagkalat pala iyon sa daanan nung nagtangkang tumakas yung Manong tas nasagi-sagi niya ako.

"E kamusta yung trabaho ko?" tanong ko kay Elina.

"Hindi ka na daw po maaring magtrabaho sa kalenderya ate." nalulungkot niyang saad.

Bigla akong nanlumo, anong magiging trabaho ko niyan?

Nakakapanlumo talaga. 

Isa pa! 

NAKAKAPANLUMO!!  huhuhu!

KINABUKASAN, abala ako sa Pagbalkot ng suman, tinuruan ako ni Aling Panyang na magluto at mag balkot na madali ko rin lang natutunan dahil mahilig rin akong magluto.

"Siya nga pala Felicia, may napagsabihan ka na ba ng iyong buong pangalan bukod saamin?" napa isip ako sa tanong ni Aling Panyang na kasama ko sa Pagbabalkot ng suman.

"Wala naman po" sagot ko.

"Kung gayon ay pwede mo bang gamitin nalang ang aming apelyido?Sinabi kasi ng aking mabuti at magaling kong asawa na pamangkin ka namin at para mas maging makatotohan iyon, dapat mong gamitin ang aming Apelyido."paliwanag ni Aling Panyang.

Napahinga ako ng malalim.

Ibig sabihin isasantabi ko muna ang Azalea Avalon.

"S-sige po"saad ko at tumango.

"Valentino nga pala ang aming Apelyido" ngiti ni Aling Panyang.

Ngumiti akong tumango-tango.

Naninibago ako sa pangalan ko dito sa panahong to.

Mula sa Azalea Avalon ng Taong 2020 ay magiging Felicia Valentino ng taong 1880. Grabe, akala ko sa pelikula lang mangyayari ang ganto,  kung minsan talaga gusto ko nalang magpakamatay baka sakaling magising ako sa tunay kong panahon at bangungot lang pala ang lahat ng 'to. 

Tinanong pa ni Aling Panyang ang tungkol sa cedula ko, ang sabi ko ay naiwan ko rin sa barko. 

Ilang sandali pa ay may narinig kaming mga yabag ng kabayo sa labas senyales na may paparating na kalesa. 

Tumayo si Aling Panyang at nag punas ng kaniyang kamay bago lumabas upang tignan kung sino ang paparating. 

Napahinga ako ng malalim. Ang hirap kapag hindi mo alam kung paano at bakit ka nakapunta sa ganitong sitwasyon.

Ilang sandali pa ay narinig ko na ang pag tawag saamin ni Aling Panyang. 

"Elina!Felicia!Maghanda kayo ng Miryenda! Tayo ay may bisita" bungad ni Aling Panyang na para bang isang napaka importanteng tao ang paparating. .

Pagkalabas ko ay nagulat ako sa lalaking bumungad sa pinto.

Kaugnay na kabanata

  • Te amo, Heneral   KABANATA 6

    NAGULAT ako pagkalabas ko sa sala.Ang kolonel!"Magandang Umaga Binibini."bati nito saakin at yumuko bilang pag bati rin.Napalunok ako at ngumiti." Magandang umaga rin. G-ginoo? "Alamganin kong tugon, nakaka ilang kasi ang pag banggit ko ng salitang ginoo.Ano na nga ba kasing pangalan ng lalaking 'to?M-miguel?Oo Miguel nga.Pumasok na si Miguel at nagbigay galang kila Aling Panyang. Pina upo siya ni Aling Panyang at pinagtimplahan ng kape.Maglalakad na sana ako para bumalik sa aking ginagawa ngunit tila tumindig ang balahibo ko ng may magsalita sa labas ng pintuan."Pasok kayo Heneral."Nagulat ako ng bumungad sa Pinto si Mang Tuding kasama Si SAMUEL!"Magandang umaga." pormal niyang bati saamin, na

  • Te amo, Heneral   KABANATA 7

    "W-wala akong masamang itnensyon" wika ni Grasya na ngayon ay mahigpit na hawak-hawak ni Samuel sakaniyang pulsuhan dahilan upang maibagsak niya ang baso at mabasag iyon sa sahig.Salubong ang kilay ni Samuel na nakatingin ng deretcho sa mata ni Grasya."S-siya ang nagsimula!"Sigaw niya pa at pinatay ako ng tingin.Sinulyapan ko siya at inis na tinignan.Sasabat sana ako kaso naunahan ako ni Samuel."Nakita ko ang buong pangyayari" saad niya na siyang nagpatahimik saaming dalawa."Kuya, si Ina" Napalingon ako sa aking likod at nakita ang binatilyong nagturo sa'kin kanina ng direksyon."Federico?Samuel?Anong kaguluhan ang nangyayari dito?" tumataas palang ito sa hagdan ngunit rinig na namin ang kaniyang boses, wala akong ideya kung sino."Anong ginagawa mo kay Grasya" patuloy ng isang babaeng

  • Te amo, Heneral   KABANATA 8

    HABANG naghihiwa ng Karne dito sa kusina, lumilipad ang isip ko. Hanggang ngayon ay 'diko maiwasang matakot sa mga nangyayari sa'kin, ba't ba nila ako hinohostage?! nakakainis naman e! ano bang kailangan nila sa'kin? hindi na nga lang ako taga rito sa panahong 'to pinapahirapan pa ako!Habang inaasikaso ang mga sangkap ay naalala ko ang tagpo namin ni Miguel kagabi.Kusang tumulo ang aking luha dahil sa takot. "Binibini, ayos ka lang?"tanong ni Miguel at humakbang ng dalawang beses palapit sa'kin. Hindi ako makapagsalita dahil hanggang ngayon ay nangangamba pa'rin ako at natatakot."Sino ang mga kalalakihang iyon?iyo bang kilala sila?"tanong niya tanging pag iling ang aking naisasagot."Hindi ko sila kila" saad ko at tumingin sa mata niyang nangangamba rin.Napahinga siya ng malalim at tumingin sa ibang direksyon. "Nakatakip ang kanilang mukha, hindi rin sila nagsalita.Wala tayong pagkak

  • Te amo, Heneral   KABANATA 9

    ISANG araw nalang at papayagan na rin kaming umuwi ni Mang Tuding sa bahay.Sa Mansyong ito, pinipili lang nila yung papayagang umuwi.Biyernes at sabado lang dapat kami mawawala pero pinayagan yung kahilingan ni Mang Tuding na hanggang Linggo nalang dahil magsisimba pa raw kami ng magkakasama.Mukha ngang malakas talaga si Mang Tuding sa pamilya nila.KINABUKASAN ay napaka aga kong gumising, wala pa namang oras ng pagtratrabaho kaya pumunta muna ako ng hardin."Ate Felicia" Napalingon ako sa pinagmulan ng boses na iyon.Si Federico."Oh?aga mo ah?"saad ko at tinignan siya mula ulo hanggang paa, pormadong pormado."May aasikasuhin lamang po ako na ipinaguutos ng aking guro. Babalik rin ako mamayang hapon"Saad niya.Napatango nalamang ako."Ngunit mamaya pang alas otso ako aalis"saad niya at napakamot sa ul

  • Te amo, Heneral   KABANATA 10

    "F-Felicia, nais n-ni Donya Valencia na ikaw ang maghatid nito sakaniya" saad ni Danaya habang inaabot saakin isang tasa ng tsaa.Nakakapagtaka kung bakit nanaman siya nauutal at parang takot na takot.Tulad ng dati ay nangangatog din siya na parang natrauma. Napapansin kong madalas siyang ganyan lalo na kapag inuutusan siyang lumabas."Ayos ka lang?"tanong ko saka kinuha ang tasa.Tumango lang siya at ngumiti, ang ngiting alam kong peke."Ayos lamang ako. Idala mo na iyan kay Donya"saad niya at sinikap na huwag mautal.Tumaas ang kilay ko."Pinagmamalupitan kaba ni Valencia?"pagtataray ko. Nanlaki naman ang mata niya at agad na umiling."Hindi. hindi ko nga siya madalas nakakasalamuha."pagdedepensa niya.Napahinga ako ng malalim dahil alam kong 'di naman kami ganon ka-close para sabihin niya saakin ang lahat, iniisip niya sigurong pag nagsumbong siya sa'kin isusumbong ko din siya kay Valencia.

  • Te amo, Heneral   KABANATA 11

    Naguunahang tumulo ang bawat butil ng pawis ko dahil sa tirik na tirik na araw. Nasa kalagitnaan kami ng Pag a-ani. Naisipan kasi nila Aling Panyang na maki tulong kami sa mga trabahador rito sa bukid dahil wala naman kaming gagawin ngayon at mas mainam nalang na tumulong kaysa mamasyal dahil wala kaming sapat na pera upang ipambili sa kung anong makita namin.Naging kumportable naman ako kahit papaano sa suot kong puting kamisa de tsino dahil nakakasawa rin ang mahabang saya na laging sumasagabal sa aking kilos.Ang sakit na rin ng likuran ko at sobrang init na ng aking pakiramdam dahil bukod sa first time ko itong gawin, hindi ako laking probinsya at bihira lang magpawis na minsan ay hinahadlangan pa ng aircon.Kahit naman nakakapagod ay nage-enjoy rin naman ako dahil nakikichika kami ni Elina sa mga kuwento ng mga kasama naming dalaga na naga-ani. Panay naman ang pag palakpak ng tainga namin ni Elina tuwing mai-inggit sila dahil imbitado k

  • Te amo, Heneral   KABANATA 12

    "Ano na ate?"napakurap ako kay Federico at ilang sandali pa ay napahinga ako ng malalim dahil ang akala ko ay tunay ko ngang sinigaw ang salitang 'ikaw'Ponyawa nag iimagine lang pala ako.Napatingin naman ako kay Samuel na seryoso na muli ang tingin sa'kin.Napalunok ako ng ilang beses bago magsalita."S-samuel ikaw ang---" magsabi sakanila dahil nahihiya ako!Hindi ko na natapos ang sasabihin ng biglang bumungisngis si Federico na hindi na mapigilan ang pangaasar!si Elina naman ay mahinhin na tumatawa."A-Ang ibig kong sabihin!" sigaw ko, jusko malo nanaman ang nasa isip nila! "ikaw Samuel ba ang magbabayad?hehe kanina pa nakahinto ang kalesa e" Palusot ko kaya natigilan naman silang lahat."Ah sige baba na tayo" Wika ni Federico at iniwanan ako ng tingin na para bang sinasabi niyang hindi pa tapos ang pangaasar ko sa'yo.&nb

  • Te amo, Heneral   KABANATA 1

    “Uncle pa lapag nalang po muna dito,” rinig kong saad ni mama habang pababa ako sa sala. “Ang ganda talaga, I love it!” Dagdag niya pa. Bagong antique nanaman? Nagmimistulang museum na ang bahay namin dahil kay Mama. Napaka hilig kasi niya sa mga makalumang bagay. Kung sa unang tingin ka babase ay masadabi mong isa siyang galante na mahilig sa pamahiin, mabait at mahinhin mag payo. Pero isa ‘yong malaking MALI! Ma-attitude kasi siya, maarte at conyo pa minsan. Kung dinaig niya ang lola ko sa antique, dinaig niya naman ako sa pagandahan at kaartehan. “Omg, gising na pala ang panganay ko.” Tumango nalang ako at hinalikan siya sa pisngi. Maarte man siya o nakakairita minsan, hindi ‘yon basehan upang mawala o mabawasan ang sobrang pagmamahal ko sakaniya. “Siya ‘yung panganay ko, uncle” pagpapakilala niya sa’kin. “ Hehe, hi po” Bati ko sa kay Mang Eric at sa lalaking kasama niyang nagbuhat, lakas naman ni lolo, sa tand

Pinakabagong kabanata

  • Te amo, Heneral   KABANATA 12

    "Ano na ate?"napakurap ako kay Federico at ilang sandali pa ay napahinga ako ng malalim dahil ang akala ko ay tunay ko ngang sinigaw ang salitang 'ikaw'Ponyawa nag iimagine lang pala ako.Napatingin naman ako kay Samuel na seryoso na muli ang tingin sa'kin.Napalunok ako ng ilang beses bago magsalita."S-samuel ikaw ang---" magsabi sakanila dahil nahihiya ako!Hindi ko na natapos ang sasabihin ng biglang bumungisngis si Federico na hindi na mapigilan ang pangaasar!si Elina naman ay mahinhin na tumatawa."A-Ang ibig kong sabihin!" sigaw ko, jusko malo nanaman ang nasa isip nila! "ikaw Samuel ba ang magbabayad?hehe kanina pa nakahinto ang kalesa e" Palusot ko kaya natigilan naman silang lahat."Ah sige baba na tayo" Wika ni Federico at iniwanan ako ng tingin na para bang sinasabi niyang hindi pa tapos ang pangaasar ko sa'yo.&nb

  • Te amo, Heneral   KABANATA 11

    Naguunahang tumulo ang bawat butil ng pawis ko dahil sa tirik na tirik na araw. Nasa kalagitnaan kami ng Pag a-ani. Naisipan kasi nila Aling Panyang na maki tulong kami sa mga trabahador rito sa bukid dahil wala naman kaming gagawin ngayon at mas mainam nalang na tumulong kaysa mamasyal dahil wala kaming sapat na pera upang ipambili sa kung anong makita namin.Naging kumportable naman ako kahit papaano sa suot kong puting kamisa de tsino dahil nakakasawa rin ang mahabang saya na laging sumasagabal sa aking kilos.Ang sakit na rin ng likuran ko at sobrang init na ng aking pakiramdam dahil bukod sa first time ko itong gawin, hindi ako laking probinsya at bihira lang magpawis na minsan ay hinahadlangan pa ng aircon.Kahit naman nakakapagod ay nage-enjoy rin naman ako dahil nakikichika kami ni Elina sa mga kuwento ng mga kasama naming dalaga na naga-ani. Panay naman ang pag palakpak ng tainga namin ni Elina tuwing mai-inggit sila dahil imbitado k

  • Te amo, Heneral   KABANATA 10

    "F-Felicia, nais n-ni Donya Valencia na ikaw ang maghatid nito sakaniya" saad ni Danaya habang inaabot saakin isang tasa ng tsaa.Nakakapagtaka kung bakit nanaman siya nauutal at parang takot na takot.Tulad ng dati ay nangangatog din siya na parang natrauma. Napapansin kong madalas siyang ganyan lalo na kapag inuutusan siyang lumabas."Ayos ka lang?"tanong ko saka kinuha ang tasa.Tumango lang siya at ngumiti, ang ngiting alam kong peke."Ayos lamang ako. Idala mo na iyan kay Donya"saad niya at sinikap na huwag mautal.Tumaas ang kilay ko."Pinagmamalupitan kaba ni Valencia?"pagtataray ko. Nanlaki naman ang mata niya at agad na umiling."Hindi. hindi ko nga siya madalas nakakasalamuha."pagdedepensa niya.Napahinga ako ng malalim dahil alam kong 'di naman kami ganon ka-close para sabihin niya saakin ang lahat, iniisip niya sigurong pag nagsumbong siya sa'kin isusumbong ko din siya kay Valencia.

  • Te amo, Heneral   KABANATA 9

    ISANG araw nalang at papayagan na rin kaming umuwi ni Mang Tuding sa bahay.Sa Mansyong ito, pinipili lang nila yung papayagang umuwi.Biyernes at sabado lang dapat kami mawawala pero pinayagan yung kahilingan ni Mang Tuding na hanggang Linggo nalang dahil magsisimba pa raw kami ng magkakasama.Mukha ngang malakas talaga si Mang Tuding sa pamilya nila.KINABUKASAN ay napaka aga kong gumising, wala pa namang oras ng pagtratrabaho kaya pumunta muna ako ng hardin."Ate Felicia" Napalingon ako sa pinagmulan ng boses na iyon.Si Federico."Oh?aga mo ah?"saad ko at tinignan siya mula ulo hanggang paa, pormadong pormado."May aasikasuhin lamang po ako na ipinaguutos ng aking guro. Babalik rin ako mamayang hapon"Saad niya.Napatango nalamang ako."Ngunit mamaya pang alas otso ako aalis"saad niya at napakamot sa ul

  • Te amo, Heneral   KABANATA 8

    HABANG naghihiwa ng Karne dito sa kusina, lumilipad ang isip ko. Hanggang ngayon ay 'diko maiwasang matakot sa mga nangyayari sa'kin, ba't ba nila ako hinohostage?! nakakainis naman e! ano bang kailangan nila sa'kin? hindi na nga lang ako taga rito sa panahong 'to pinapahirapan pa ako!Habang inaasikaso ang mga sangkap ay naalala ko ang tagpo namin ni Miguel kagabi.Kusang tumulo ang aking luha dahil sa takot. "Binibini, ayos ka lang?"tanong ni Miguel at humakbang ng dalawang beses palapit sa'kin. Hindi ako makapagsalita dahil hanggang ngayon ay nangangamba pa'rin ako at natatakot."Sino ang mga kalalakihang iyon?iyo bang kilala sila?"tanong niya tanging pag iling ang aking naisasagot."Hindi ko sila kila" saad ko at tumingin sa mata niyang nangangamba rin.Napahinga siya ng malalim at tumingin sa ibang direksyon. "Nakatakip ang kanilang mukha, hindi rin sila nagsalita.Wala tayong pagkak

  • Te amo, Heneral   KABANATA 7

    "W-wala akong masamang itnensyon" wika ni Grasya na ngayon ay mahigpit na hawak-hawak ni Samuel sakaniyang pulsuhan dahilan upang maibagsak niya ang baso at mabasag iyon sa sahig.Salubong ang kilay ni Samuel na nakatingin ng deretcho sa mata ni Grasya."S-siya ang nagsimula!"Sigaw niya pa at pinatay ako ng tingin.Sinulyapan ko siya at inis na tinignan.Sasabat sana ako kaso naunahan ako ni Samuel."Nakita ko ang buong pangyayari" saad niya na siyang nagpatahimik saaming dalawa."Kuya, si Ina" Napalingon ako sa aking likod at nakita ang binatilyong nagturo sa'kin kanina ng direksyon."Federico?Samuel?Anong kaguluhan ang nangyayari dito?" tumataas palang ito sa hagdan ngunit rinig na namin ang kaniyang boses, wala akong ideya kung sino."Anong ginagawa mo kay Grasya" patuloy ng isang babaeng

  • Te amo, Heneral   KABANATA 6

    NAGULAT ako pagkalabas ko sa sala.Ang kolonel!"Magandang Umaga Binibini."bati nito saakin at yumuko bilang pag bati rin.Napalunok ako at ngumiti." Magandang umaga rin. G-ginoo? "Alamganin kong tugon, nakaka ilang kasi ang pag banggit ko ng salitang ginoo.Ano na nga ba kasing pangalan ng lalaking 'to?M-miguel?Oo Miguel nga.Pumasok na si Miguel at nagbigay galang kila Aling Panyang. Pina upo siya ni Aling Panyang at pinagtimplahan ng kape.Maglalakad na sana ako para bumalik sa aking ginagawa ngunit tila tumindig ang balahibo ko ng may magsalita sa labas ng pintuan."Pasok kayo Heneral."Nagulat ako ng bumungad sa Pinto si Mang Tuding kasama Si SAMUEL!"Magandang umaga." pormal niyang bati saamin, na

  • Te amo, Heneral   KABANATA 5

    NASA kulungan at magkaibang selda kami ng lalaking muntik ng dumakip sa'kin kanina.Nakaposas pa kaming pareho, hindi ko rin alam kung bakit rin ako nakaposas dito! ako na nga 'tong nahostage kanina tapos ako pa 'tong isang nakulong!Napairap ang mata ko, hindi ko akalaing tanga tanga pala ang Heneral na iyon.Teka asan ba yung Hilaw na 'yon?Maraming Guardia Civil na nakapalibot sa bawat selda ng kulungan. Madilim ang bawat sulok at tanging mga sulo lang ng apoy ang siyang tumutulong upang magkaroon ng liwanag sa paligid. Ang narinig ko kanina bago kami ikulong, ang kulangan ito raw ay baba ng kwartel ng mga Guardia Civil. Kaya napaka dilim."Heneral" Saad ng isang guardia Civil at sumaludo.Agad akong napatingala upang tignan kung sinong heneral ang dumating."Déjame esto a mi.(leav

  • Te amo, Heneral   KABANATA 4

    TULALA ako habang naglalakad, ayaw mag sink in sa utak ko ang lahat ng mga pangyayari.Kanina pa ako nakaalis sa bahay nila aling Panyang, sinabay na ako nila Mang Tuding sa kalesang maghahatid daw sa heneral papunta sa Hacienda De Legazpi kuno, ngunit dito na nila ako binaba, sa Plaza.Sa dinami-dami ng mga bagay na tumatakbo sa isip ko ay 'di ko na nagawa pang mapansin ang oras.Magtatakipsilim na pero paikot-ikot pa rin ako sa kalye.Kanina ko pa pinagmamasdan ang lahat sa paligid, ang mga kababaihan ay nakasuot ng baro't saya, kimonang filipiñana o kaya naman ay Mahahabang bestida habang ang mga kalalakihan ay Naka polo at coat at ang iba ay naka kamisa de tsino.Dahil ron ay mas naging kumbinsido akong nasa panahon nga ako ng kastila, ngunit paano?Nag TIME TRAVEL AKO?!Huhuhu, ano baaaa! Nananaginip lang ako diba?

DMCA.com Protection Status