Share

Kabanata 2

Umagang-umaga nang bumalik sila Philip sa kanilang bahay, doon siya pinagpahinga ng mga magulang niya. Napabuntong hininga na lang siya dahil kasi-simula pa ang ng klase ay may absent na agad siya, alam niyang pinaalam ng mga magulang niya sa school ang nangyari pero iba pa rin pag hindi nakasabay sa pagpasok tulad ng ibang estudyante. Agad siyang bumangon at isa-isang inayos ang mga gamit niya para sa school ng wala siyang makalimutan bukas. Papasok siya sa ayaw at gusto ng mga magulang niya.

Isa-isa niyang pinasok ang mga libro na dapat niyang dalhin bukas ng may napansin siyang pamilyar na libro kaya agad-agad niya itong kinuha at binuklat. Ito ang libro nila sa History, pilit niyang inaalala kung saan niya ito nakita bukod sa gamit niya ng biglang pumasok sa isip niya ang nangyari kahapon ng makita niya sa Hospital ang babae sa panaginip niya. Nakita niya ang libro sa gamit ng babae ng tumapon ang laman ng bag nito.

Hindi siya makapaniwala sa nalaman, kaya agad niyang kinuha ang cellphone niya sa ibabaw ng lamesa at tinawagan ang kaibigan. Nakatatlong tunog pa lang ay sumagot na ito.

"Hello? Anong kailangan ng mahal kong kaibigan? O namiss mo lang ang mala-anghel na boses ko! " tumatawang sagot nito na halatang kumakain pa ito.

"Vince, may gusto lang akong tanungin sayo wag kang mangarap ng gising!" nang-aasar na sagot ni Philip sa kaibigan kaya natawa naman ang nasa kabilang linya bago ito sumagot.

"Sige, pero pakibilis at kumakain ako baka iwan ako nila mama at papa hindi ko magagamit yung kotse ko ngayon at nasama sa coding, pero kung papasok ka at susunduin mo ako pwede mo akong kausapin kahit ilang oras mo gusto," biro nito na may laman pa rin ang bibig at ngumunguya.

"Ubusin mo nga ‘yang nasa bibig mo. May bago bang transfer student ngayon sa department natin?" Agad n’yang tanong sa kaibigan natahimik naman saglit ang nasa kabilang linya bago sumagot.

"Wow ha! Ang alam ko ay na hospital ka pero nagkasakit ka na at lahat nag hahanap ka agad ng  ma-jowa?" Pangangantyaw ni Vince sa kaibigan dahilan para mapaubo ito.

"Akala ko ba ay nagmamadali ka? Sagutin mo na lang ang tanong ko!" seryosong sagot ni Philip dito at napaismid naman ang kaniyang kaibigan.

"Tsk, bakit ang init ng ulo kaaga-aga naman. Para sa sagot sa tanong mo, walang transfer student ngayon pero may irregular student na babae sa History class natin pero wag mo ng subukang kausapin siya dahil hindi maganda ang tabas ng dila." mahabang litanya nito habang ngumunguya.

Nakaramdam naman ng saya si Philip sa narinig at nagpasalamat sa kaibigan. Hindi na niya hinintay ang sagot nito at agad pinatay ang tawag, agad-agad niyang kinuha ang tuwalya at naligo pagkatapos ay nag bihis siya at bumaba sa kusina. Agad naman siyang nakita ni Manang Sita, ang nag-iisang katulong nila. 

"Oh Hijo saan ka pupunta? Alam ba ng mga magulang mo na aalis ka? Naku pag nalaman nila na umalis ka ng walang pasabi siguradong magagalit ang mga iyon lalo na at galing ka pa lang sa Hospital" usisa at paalala ni Manang Sita dito, Ngumiti lang naman si Philip at kumuha sa plato ng isang tuna bread at nagsalin ng gatas sa isang baso at agad-agad itong ininom.

"Manang, may kailangan lang po akong asikasuhin. Napakahalaga po nito at hindi ko pwedeng palampasin!" nagmamadaling sinuot ni Philip ang kaniyang bag at nag paalam kay Manang Sita. Naiwan namang hindi naintindihan ng matanda ang sinabi ng binata at wala nalang nagawa ito kung hindi tanawin ang paalis na alaga.

Agad-agad sumakay ng kaniyang kotse si Philip at nag-drive papuntang school ngunit naipit siya ng traffic habang nasa byahe. Napatingin siya sa orasan at napailing dahil late na siya. Nang makarating sila sa parking lot ng school ay patakbo siyang pumunta sa building kung saan naroon ang classroom para sa History class nila. Pag bukas ni Philip ng pinto ay sabay-sabay na lumingon ang kaniyang mga classmates pati narin si Mr.Santos ang kanilang Prof. sa subject na iyon.

"O! May late ngayon, halika dito sa harapan Mr.Cruz," utos ng Prof. niya kaya agad na sumunod si Philip at nag punta sa harapan kasama ang professor.

"I'm sorry Sir." agad na sabi niya ng makalapit siya dito ngumiti naman ang professor at humarap sa mga classmates niya.

"Okay class this is Mr. Cruz, sa mga hindi nakakaalam siya ang nanalo last year bilang University President ngayong taon. Alam naman siguro ng lahat na taon-taon pinapalitan ng mga incoming 3rd year ang mga dating nasa pwesto para makapag focus sila for graduation exam at makahanap ng gusto nilang lugar para sa OJT Hindi siya naka attend sa welcome ceremony  dahil na hospital siya  based sa report na sinabi ng magulang niya." Mahabang sabi ng professor at nagtanungan naman ang iba. Sumenyas si Mr. Cruz na maupo na siya kaya agad lumapit si Philip kung sa nakapwesto ang kaibigan para maupo ng bigla muling bumukas ang pintuan at pumasok dito ang nagmamadali na babae at sa pangalawang pagkakataon ay lumingon muli ang buong klase pati narin si Mr.Cruz. 

"Another one!" Sabi nito at tinawag din sa harap ang babae, titig na titig naman si Philip dito. 

"Maria." Bulong nito sa sarili.

"Ms.Torres, ano na naman ang dahilan mo at late ka na naman sa klase ko?" Seryosong tanong nito.

"I'm sorry Sir, tinanghali po kasi ako nang gising," nagtawanan naman ang ibang estudyante kaya agad pinatahimik ito ni Philip.

"Nagising ka nang-late? So kailangan ba ay kami ang mag-adjust sa oras ng gising mo? Doon ka sa likod at tumayo ka lang doon hanggang sa matapos ang klase, iyan ang parusa mo sa pagiging late sa pangalawang pagkakataon with your invalid reason," Aaad namang tumango ang babae at pumunta sa likod at tumayo.

Tumayo din naman si Philip at nagsalita.

"Sir Santos late din po ako, dapat ay tumayo din ako sa likod," nagulat ang professor pati na rin ang kaibigan niya.

"Hoy, anong sinasabi mo maupo ka nga!" pigil sa kaniya ng kaibigan pero lumakad na siya papunta sa likod.

"Mr.Cruz, may dahilan ka bakit ka na late!" pigil din ng professor pero ngumiti lang si Philip.

"Pero may dahilan din po siya, bilang isang University President dapat po maging patas ako." Sabi niya at pumunta sa likod katabi ang babae.

"Ang aga-aga nag papa-cute na agad sa babae," mahinang bulong sa sarili ni Vince at nilingon ang kaibigan pero nginitian lang siya nito na ikinailing niya.

Nilingon ni Philip ang babae na titig na titig sa professor habang nagtuturo. Nagdadalawang isip man ay sinubukan niya itong kausapin.

"Uhm, ako nga pala ni Philip," pagpapakilala niya dito pero hindi man lamang ito lumingon o sumagot sa kaniya, nakaramdam ng hiya si Philip pero nagsalita ulit siya.

"Ikaw, anong pangalan mo?" nakatingin siya dito ng bigla itong lumingon sa kaniya at tinignan siya nang masama.

"Really? Gusto mong makipag daldalan habang nakatayo dito sa likod? Halos hindi ko na nga marinig ang tinuturo sinasabayan mo pa!" masungit na sabi nito kay Philip kaya agad nawala ang ngiti sa labi ng binata at nag-sorry. Tahimik lang silang nakatayo sa likod hanggang matapos ang klase at hindi man lamang siya nagkaroon ng pagkakataong kausapin ito ng matapos ang klase dahil sa pagmamadali nitong umalis. 

Kinalabit naman siya ng kaibigan at inabot ang bag niya.

"Siya yung sinasabi ko sa iyong irregular student, sabi ko naman kasi sa iyo huwag mo nang subukan dahil iba ang tabas ng dila at parang may galit sa lahat ng tao," naiiling na inakbayan ni Vince ang kaibigan at naglakad na sila palabas ng classroom para pumunta sa susunod na klase. 

"Sa History class lang ba natin siya classmate?" Pag-uusisa ni Philip sa kaibigan.

"Ha? Oo sa History class lang pero kasali siya sa Drama Club natin. Nakita ko na siyang um-acting at masasabi kong may talent siya pero yung ugali niya talaga, isa nga lang ang nakikita ko na lagi niyang kasama e," pagkukwento naman nito.

"Sino naman ‘yun? Boyfriend niya?" Natawa naman si Vince sa tanong ng kaibigan at napailing muli habang ginulo ang buhok ni Philip.

"Ikaw, halatang-halata ka pag may gusto kang pormahan ano? Tsk, tsk hindi niya boyfriend, bestfriend niya lang kung kilala mo yung nasa basketball girls team na si Therese, siya yung bestfriend ni Isabel," tuloy-tuloy na kwento nito na ikinahinto naman sa paglalakad ni Philip.

"Isabel?" Ulit nito na ikinatango naman ng kaibigan.

"Oo, Isabel yung pangalan ng pinopormahan mo." Sabi nito at hinila siya "Lumakad ka na nga at baka ma-late pa tayo sa susunod na subject."

Tulala lamang sa mga sumunod sa subjects si Philip habang iniisip ang pangalan ng babae. Isabel ang pangalan nito at hinde Maria, hindi rin katunog ng pangalan na Maria. 

"Okay class dismissed!" iyon na lang ang nadinig ni Philip at tinignan niya ang relo sa kamay at oras na nga para sa lunch break, kinalabit muli naman siya ng kaibigan at tinignan ang notepad niya at ang libro na hindi man lang nabuklat.

"Nakinig ka ba sa discussion? Anong iniisip mo, kanina pa kita tinatanaw pero tulala ka lang sa upuan mo." tanong ni Vince sa kaibigan.

"Baka naman kasi may babae na naman gustong pormahan at iniisip paano niya makukuha yung puso!" sabat naman ng kadadating na isa pa nilang kaibigan ni Philip na si Greg at umakbay ito kay Vince. 

"E, puso mo kaya Vince kailan ko makukuha?" Pagbibiro naman nito na ikinasama ng tingin ni Vince at hinampas ang braso ng kaibigan.

"Ako Greg tigil-tigilan mo sa kabaklaan mo no? Hindi kita papatulan!" Masungit na sabi nito ng malakas kaya nagtawanan ang iba nilang mga kaklase at kinantyawan sila na sinamaan din ng tingin  ni Vince.

"Ano? Mang-aasar pa kayo ha, ano ngayon e di bumalik ang karma sa inyo! " natatawang tudyo din ni Philip sa mga ito " Kailan ba kasi kayo aamin na kayo diba guys?" Kaya mas lumakas ang kantyawan ng mga kaklase nila.

"Gutom lang guys, magsi-kain na kayo!"  depensa at sigaw  naman ni Vince dito.

"Kumain na kayo guys nahihiya na yung boyfriend ko, alis na!" Humahalakhak na pang-aasar pa lalo ni Greg dito. Tumatawa namang umalis ang mga classmates nila dahil sa pag bibiruan nilang dalawa. Napailing nalang si Philip sa dalawa n’yang kaibigan at inaya na rin ang mga ito para kumain.

Siksikan ang canteen at wala na halos maupuan ng makarating sila doon ng matanaw ni Greg ang isang kakilala.

"Guys doon tayo maupo!" pag-aaya nito sa dalawang kaibigan kaya sumunod naman ang dalawa habang bitbit ang mga tray nila na may lamang tanghalian.

"Hi Therese, may nakaupo ba dito?" Tanong ni Greg. Ganoon na lang ang saya ni Philip ng makita ang babae na nakaupo din doon. 

"Oh hello, ikaw pala Greg wala naman maupo na kayo bakit na late yata kayo ng punta ngayon?" Tanong nito at ngumiti naman si Greg at tinuro si Vince.

"Nag inarte sa classroom!" pang aasar muli nito na ikinatawa ni Therese.

"Kaya pala kayo na naman ang usapan kanina kahit dito ay abot ang kwentuhan ng mga babae sa inyo!" naiiling iling na sabi ni Therese.

"Nako Therese huwag kang naniniwala sa uto-uto na to," ismid naman na sabi ni Vince pero nag tawanan lang si Therese at Greg.

"Hmm, so kaibigan mo siya Therese?" Biglang tanong ni Philip kaya naman napalingon sa kaniya si Therese.

"Oo nga pala, hindi mo pa siya kilala Philip no? Kaibigan ko nga pala si Isabel hindi ba classmate kayo sa History class?"tanong ni Therese  kaya tumango naman si Philip.

"Akala ko Maria ang pangalan niya,"natawa naman si Therese sa sinabi ni Philip at lumingon sa kaibigan.

"Paano mo nalaman?” gulat at nakakatawang tanong ni Therese kay Philip “Ayaw niyang tinatawag siyang Maria, kahit sino naman ngayon ay parang ayaw sa pangalan na iyon bukod sa ang luma ay sobrang nakaka babae pero ang buo n’yang pangalan ay Maria Isabel," tuloy-tuloy na kwento n’ya na ikina-sama naman ng tingin ng babae. Ganun na lang ang bilis ng tibok ng puso ni Philip ng tumingin ito sa kaniya at nagtama ang kanilang mga mata. Nakaramdam siya ng iba't-ibang klase ng emosyon. 

Saya, lungkot, pighati, panlulumbay, takot na hindi niya maintindihan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status