Gustong ipikit ni Amayah ang kanyang mga mata para hindi niya makita ang paglipad ng palaso papunta sa kanya ngunit nag-aalala naman siya na kapag ginawa niya iyon ay hindi siya makakailag sakaling sumablay ang tira ni Emperor Chen Yi. Tinitigan niya ito habang seryosong nakatingin sa mansanas na nakapatong sa knayang ulo. Ang sama naman nito para ipagawa sa kanya ang bagay na ito at sa unang araw pa niya bilang taga-bantay nito. Paano kung sumablay nga ang tira nito? Puwede ba siyang umilag? Paano kung magalit naman ito kapag umilag siya?
Anong klaseng emperor ba siya at kaya niyang ipagawa sa akin ang ganito? Hindi ba siya nagpapahalaga sa buhay ng ibang tao? sa isiping iyon ay hindi napigilan ni Amayah ang mapairap. Nakalimutan niyang nakatingin pala ito sa kanya kaya huling-huli nito ang ginawa niyang pag-irap dito. Saglit itong tumigil at biglang naningkit ang mga mata habang nakatingin sa kanya. Mayamaya ay walang paghahanda na bigla na lamang pinakawalan nito ang palaso.Tila tumigil sa pagtibok ang kanyang puso at ang kanyang hininga habang nakatingin sa lumilipad na palaso. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay hind niya nakuhang kumurap man lang. Basta naramdaman na lamang niya ang pagdaan ng palaso sa itaas ng kanyang ulo at ang biglang pag-gaan ng kanyang ulo. Nang mag-angat siya ay saka niya nalaman na wala na pala sa ulo niya ang mansanas kundi nasa likuran niya at nakatusok na sa gitna ng mansanas ang palaso ng hari. Doon pa lamang siya nakahinga ng maluwang."Napakagaling, Kamahalan! Hanggang ngayon ay walang kupas pa rin ang galing mo sa paggamit ng busog at palaso," natutuwang pahayag ng taga-silbi nitong yuno. Lumapit ito sa emperor at kinuha mula rito ang busog at palaso."Hindi mo aalamin kung hindi ba nadaplisan kahit na konti ang ulo mo?" tanong ni Chen Yi habang naglalakad palapit at hindi hinihiwalay ang tingin nito sa kanyang mukha.Matapang na sinalubong niya ang tingin nito. "Napakagaling ninyong gumamit ng busog at palaso kaya nakasisiguro ako na hindi ako nadaplisan ng palaso, Kamahalan."Pagak na natawa ito. "Talaga? Pero bakit iba ang nabasa ko sa iyong mga mata kanina? Tila nag-aalingan ka na tumayo diyan at harapin ang aking palaso?""Inaamin kung nag-aalala ako noong una ngunit ngayong napatunayan ko na eksperto ka sa paggamit ng busog at palaso ay naglaho iyon. At kahit ulitin ko pa ang ginawa ko ay hindi na ako mag-aalala na baka hindi mo matamaan ang mansanas," mabilis niyang tugon. Totoo sa loob ang kanyang sinabi. Nakita niya na magaling ito kaya wala siyang dapat na ipag-alala.Sa halip na magsalita at salungatin ang kanyang sinabi ay tinitigan lamang siya nito ng matiim. Pagkatapos ay biglang umiling at walang sabi-sabing iniwan siya. Nasundan na lamang niya ito ng tingin habang naglalakad palayo. Nakaligtas siya sa unang araw niya bilang taga-bantay nito. Ngunit ano naman kaya ang susunod nitong ipagagawa sa kanya?***"Inumin mo na ito, Kamahalan. Makabubuti ito sa'yo para makapagpahinga ka at hindi sumakit ang ulo mo sa mga trabaho. Hayaan mo nang si Yuno Ding ang sumakit ang ulo para sa'yo."Tinapunan ni Emperor Chen Yi ng masamang tingin ang tauhan ni Yuno Ding na kanina pa namimilit sa kanya na inumin na niya ang gamot na ipidala ng pinuno ng mga yuno para inumin niya. Kunwari ay gamot iyon para sa sakit ng ulo ngunit alam naman niya na may halong lason ang gamot na iyon.Isang beses sa isang buwan kung siya'y padalhan ni Yuno Ding ng gamot na may halong lason. At kapag iniinom niya iyon ay halos dalawang Linggo siyang nakaratay lamang sa kanyang higaan dahil masama ang kanyang pakiramdam. Kapag nangyayari iyon ay ito ang dumadalo para sa buwanang pagkikita niya sana sa mga opisyales ng palasyo.Wala siyang magawa kundi sundin ang kagustuhan ng yuno. Kapag hindi niya sinunod ang gusto nito ay ang taong-bayan ang pagdiskitahan nito at pati na rin ang dating reyna na kanyang lola. Ang dating Reyna Yesha na lamang ang natitirang kamag-anak niya sa mundo kaya hindi siya papayag na may masamang mangyari dito."Bakit hindi na lang ideklara ni Yuno Ding ang kanyang sarili bilang bagong emperor para hindi na siya nagpapakahirap pang magpanggap sa harapan ng aking mga ministro?" seryoso ang mukha at kalmadong wika ni Chen Yi. Tinapunan niya ang gamot na hawak ni Limo at napailing. Napansin niyang mas marami ngayon kaysa sa dati. Mukhang hindi na ito makapaghintay na mawala siya't opisyal na itong makapamuno sa kaharian niya."Huwag mong sabihin iyan, Kamahalan. Nag-aalala lamang si Yuno Ding sa kalagayan mo," nakangising wika nito. Iyong klase ng ngisi na nakakapagpainit ng kanyang ulo."Puwede bang huwag ka nang magpanggap pa? Alam naman nating pareho na may lason ang ipinapainom mong gamot sa akin para unti-unting akong manghina at kunwari ay mamatay sa sakit," kuyom ang mga kamaong pagbubuko niya sa plano ng amo nito."Alam mo naman pala kaya huwag mo nang pahirapan pa ang sarili mo't inumin mo na ito," sinenyasan ni Limo ang dalawang kasamang lalaki na hawakan siya. Agad namang tumalima ang dalawa at mahigpit siyang hinwakan sa magkabilang braso. Pagkatapos ay lumapit sa kanya si Limo at itinapat sa kanyang bibig ang mangkok na may lamang gamot na may lason. "Inumin mo na ito Kamahalan dahil kung hindi ay alam mo na kung ano ang mangyayari."Napapikit si Chen Yi at mabilis na kinuha ang gamot mula sa mga kamay ni Limo at pagkatapos ay ininom habang ang isa niyang kamao ay mahigpit ang pagkakuyom. Pagkatapos niyang ubusin ang gamot ay galit na itinapon niyasa malayo ang mangkok na pinaglagyan ng gamot. Balang-araw ay ibabalik ko sa'yo ang ginagawa mong ito sa akin, Limo. At sa mga kamay ko mamatay kayong dalawa na mag-amo. Ipinapangako ko iyan!"Aalis na kami, Kamahalan," nakangising paalam nito sa kanya. Ngisi ng tagumpay ang nakalarawan sa mukha nito nang lumabas sa kanyang kuwarto. Halos masugat ang kanyang mga palad sa sobrang higpit ng kanyang pagkakakuyom ng kanyang mga kamao. Mayamaya lamang ay sumuka na siya ng dugo. Senyales na tumatalab na ang gamot na may lason na kanyang ininom.Naglalakad si Amayah papunta sa kuwarto ni Emperor Chen Yi nang makasalubong niya ang nakangiting mukha ng kanang kamay nang kanyang ama na si Limo. Napakunot siya ng noo. Ano naman kaya ang dahilan at ganoon ang pagkakangiti nito? Tila ngiting tagumpay. Naisip niya na siguro ay nagsipsip ito sa emperor kaya mukhang masaya ito. Ganoon naman ang mga tauhan sa palasyo. Nagsisipsip sa mga nakakataas sa kanila para tumaas ang kanilang ranggo at tumaas din ang kanilang sahod. Napailing na lamang siya. Kahit kailan ay hindi siya gagaya sa kanila. Hindi siya sisipsip sa mga nakakataas sa kanya para lamang magkaroon ng mataas na kapangyarihan."Kamahalan!" narinig ni Amayah na sigaw ni Baihe, ang personal na alalay ng emperor. Napatakbo siya nang marinig ang nag-aalalang sigaw nito."Kamahalan!" sigaw rin niya nang makita si Chen Yi sa sahig na hinang-hinang. Sa harapan nito ay nagkalat ang maraming dugo. Kahit walang magsabi sa kanya ay nahu
Pagkalabas ni Amayah sa palasyo ay agad siyang sumakay sa kanyan kabayong si "ulap." Kaya ito ang ipinangalan niya sa kabayo sa kanyang kabayo ay dahil kasing-puti ito ng ulap sa kalangitan. Regalo sa kanya ng kaibigan niyang si Xiaohe ang kanyang kabayo noong mag-labinlimang taong gulang siya kaya tatlong taon pa lamang ito sa kanya hanggang ngayon. Tutol ang kaibigan niyang si Xioahe na umalis siya at magbalik sa poder ng kanyang amain ngunit wala itong magawa dahil katulad niya ay isa lamang din itong ampon ni Yuno Ding noong maliit pa ito. Magkasama silang lumaki kaya itinuturing na rin niya ito na parang isang nakatatandang kapatid na lalaki.Bago siya umalis sa palasyo ay nagpadala muna siya ng memsahe sa kalapating mensahero para itanong kay Xiaohe kung naroon ba sa bahay nito ang kanyang guro. Madalas kasi ay nagta-travel sa iba't ibang bahagi ng bansa ang kanyang guro para manggamot kaya madalas itong wala sa bahay nito. Mabilis namang
"Habulin mo pa ako, Ama!"Tumatakbong sigaw ng walong taong gulang na si Prinsesa Amayah ng kaharian nang Lancayan. Nasa hardin sila ng palasyo at masayang naglalaro. Hinahabol siya ng kanyang ama hari na si Haring Kendra habang tumatawa. Kasama rin nila ang nakatatanda niyang kapatid na si Prinsesa Aloha at ang kanilang ina na si Reyna Aruha. Larawan sila ng isang masayang pamilya.Ang mga yuno nila ay may ngiti sa mga labi habang nakamasid lamang sa paglalaro nilang mag-anak. At kung nadadapa siya ay agad siyang nilalapitan ng mga ito para tulungang makatayo. Alalang-alala ang mga ito sa kanya. Kahit na magasgasan siya ng konti ay agad nang nagpapatawag ng doktor para gamutin siya ang pinuno ng mga yuno.Napaka-suwerte niya dahil maraming mga tao ang nagmamahal sa kanya at higit sa lahat ay mayro'n siyang mapagmahal na amang hari at inang reyna. Hindi sila katulad ng ibang kaharian na walang oras para makipaglaro s
10 years later..."Mga inutil! Mga walang silbi!"Nasa bungad pa nga lang si Amayah ng pintuan ng manor nang kanyang amain na si Ding Qinn ay dinig na dinig na niya ang malakas na boses nito habang pinapagalitan ang mga tauhan nito. Hindi niya alam kung ano ang nagawang kasalanan o kapalpakan ng mga tauhan nito para magalit ito ng ganoon."Nakabalik ka na pala, Amayah. Masaya ako't nandito ka na muli."Naudlot ang gagawing pagpasok ni Amayah sa loob ng pintuan nang marinig niya ang tinig na iyon ng nakatatanda niyang kapatid na si Suli. Ang tunay at nag-iisang anak ng kanyang amain. Nakangiting bumaling siya rito."Suli, ikaw pala. Matagal na tayong hindi nagkikita at nagkakausap. Masaya akong makita kang muli." Nakangiting sinalubong niya ng yakap ang kapatid."Kung makayakap akala mo'y tunay silang magkapatid," mahinang parunggit ni Ada, ang personal na alala
Abala si Emperor Chen Yi sa pagpupunas ng kanyang bugso at palaso na gagamitin niya mamaya para sa kanyang praktis nang lapitan siya ni Baihe, ang kanyang personal na alalay at taga-silbi."Kamahalan, nais iparating sa inyo ni Yuno Ding na nakahanap na siya ng bagong tao na magiging tagabantay mo," pagbabalita nito sa kanya. Saglit siyang napahinto sa kanyang ginagawa at tumingin dito ng ilang segundo bago ibinalik ang kanyang atensiyon sa kanyang ginagawa."At sino naman kaya ngayon ang kukuhanin niya para mag-espiya sa mga kilos ko?" habang sinasabi niya ang mga katagang iyon ay dumidiin ang pagkakahawak niya sa malinis na basahan. Talagang gagawin ni Yuno Ding ang lahat para lamang mabantayan ang kanyang mga kilos. Kakatapos pa nga lang nilang mai-dispatsa ang huling taga-bantay niya na espiya rin nito ay mayroon naman kapalit."Ang dinig ko ay anak daw niyang babae ang magiging bago mong taga-bantay, Kamahalan."

Naglalakad si Amayah papunta sa kuwarto ni Emperor Chen Yi nang makasalubong niya ang nakangiting mukha ng kanang kamay nang kanyang ama na si Limo. Napakunot siya ng noo. Ano naman kaya ang dahilan at ganoon ang pagkakangiti nito? Tila ngiting tagumpay. Naisip niya na siguro ay nagsipsip ito sa emperor kaya mukhang masaya ito. Ganoon naman ang mga tauhan sa palasyo. Nagsisipsip sa mga nakakataas sa kanila para tumaas ang kanilang ranggo at tumaas din ang kanilang sahod. Napailing na lamang siya. Kahit kailan ay hindi siya gagaya sa kanila. Hindi siya sisipsip sa mga nakakataas sa kanya para lamang magkaroon ng mataas na kapangyarihan."Kamahalan!" narinig ni Amayah na sigaw ni Baihe, ang personal na alalay ng emperor. Napatakbo siya nang marinig ang nag-aalalang sigaw nito."Kamahalan!" sigaw rin niya nang makita si Chen Yi sa sahig na hinang-hinang. Sa harapan nito ay nagkalat ang maraming dugo. Kahit walang magsabi sa kanya ay nahu
Gustong ipikit ni Amayah ang kanyang mga mata para hindi niya makita ang paglipad ng palaso papunta sa kanya ngunit nag-aalala naman siya na kapag ginawa niya iyon ay hindi siya makakailag sakaling sumablay ang tira ni Emperor Chen Yi. Tinitigan niya ito habang seryosong nakatingin sa mansanas na nakapatong sa knayang ulo. Ang sama naman nito para ipagawa sa kanya ang bagay na ito at sa unang araw pa niya bilang taga-bantay nito. Paano kung sumablay nga ang tira nito? Puwede ba siyang umilag? Paano kung magalit naman ito kapag umilag siya?Anong klaseng emperor ba siya at kaya niyang ipagawa sa akin ang ganito? Hindi ba siya nagpapahalaga sa buhay ng ibang tao? sa isiping iyon ay hindi napigilan ni Amayah ang mapairap. Nakalimutan niyang nakatingin pala ito sa kanya kaya huling-huli nito ang ginawa niyang pag-irap dito. Saglit itong tumigil at biglang naningkit ang mga mata habang nakatingin sa kanya. Mayamaya ay walang paghahanda na bigla na lamang pinakawalan nito an