10 years later... "Mga inutil! Mga walang silbi!"Nasa bungad pa nga lang si Amayah ng pintuan ng manor nang kanyang amain na si Ding Qinn ay dinig na dinig na niya ang malakas na boses nito habang pinapagalitan ang mga tauhan nito. Hindi niya alam kung ano ang nagawang kasalanan o kapalpakan ng mga tauhan nito para magalit ito ng ganoon. "Nakabalik ka na pala, Amayah. Masaya ako't nandito ka na muli." Naudlot ang gagawing pagpasok ni Amayah sa loob ng pintuan nang marinig niya ang tinig na iyon ng nakatatanda niyang kapatid na si Suli. Ang tunay at nag-iisang anak ng kanyang amain. Nakangiting bumaling siya rito. "Suli, ikaw pala. Matagal na tayong hindi nagkikita at nagkakausap. Masaya akong makita kang muli." Nakangiting sinalubong niya ng yakap ang kapatid."Kung makayakap akala mo'y tunay silang magkapatid," mahinang parunggit ni Ada, ang personal na alala
Last Updated : 2021-12-05 Read more