SHEENA Maaga pa lamang, ay nakahanda na si Sheena sa kanyang mga dadalahin papasok ng eskwelahan. Kumpleto na ang kagabi pa niya ini- handang mga lesson plan, at maging ang kanyang baong pagkain para sa kanyang pananghalian. Naka- ugalian na niyang mag handa na lang ng baon, upang mas maka tipid siya sa gastos, kaysa bibili pa siya sa canteen ng eskwelahan, sapagkat may kamahalan doon ang mga pagkain, palibhasa ay isang pribadong school iyon. May kalayuan rin ang kaniyang pinag tu- turuang eskwelahan sa kanilang tahanan, kaya kailangan pa rin niya na sumakay ng tricycle. "Alis na 'ho ako, inay!" paalam niya sa kanyang ina. Bata pa rin naman ang kanyang ina, palibhasa ay maaga itong nag- asawa. Hindi rin sila mayaman, ngunit may pinag kukunan namang maliit na kabuhayan, may grocery store ang ina niya. Construction worker naman ang kaniyang ama, at nag i- isa lamang siyang anak ng mga ito, kaya kahit pa- paano ay nai- taguyod nila ang kanyang pag- aaral.
Read more