DIVINA "Salamat sa pagpapa-unlak mo," aniya matapos na makaharap ang taong nais na makausap. "Akala ko hindi ka darating," dagdag pa niya. "Pwede ba naman iyon? Sa laki nang utang na loob ko sa'yo, siguro kahit buhay ko kulang pang kapalit," natatawang sagot nito. "Anyway, parang alam ko na kung bakit mo ako pinatawag, siguro naman naka-abot na sa'yo ang mga haka-haka ngayong biglaan akong narito sa bansa," anito na bahagyang bumuntong-hininga at isinandal ang likod sa upuan. "Yup, tama ka! Nabasa ko sa news na mukhang may magandang oportunidad na naghihintay sa'yo ngayon," nakangiti niyang sabi. "Well, What do you think?" biglang tanong nito sa kanya. Nagkibit-balikat s'ya at sandaling uminom nang juice, "tanggapin mo kung tuluyan nilang iaalok sa'yo, pero kung sakali man, hayaan mong manatili kung sino ang nando'n ngayon, siguro hindi pa napapanahon para lumantad sa kanila. Ikaw ang magiging mga mata ko sa loob habang naririto pa ako sa labas
Read more