Share

CHAPTER 33

Author: Ms.aries@17
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

DIVINA

Napasinghap siya ng dumampi ang malamig na hangin sa kanyang kabuuan na nagpabalik muli sa kanya sa kasalukuyan. Ang nakaraan ang nagturo sa kanya kung paano muling bumangon at harapin ang bukas niya. Ngayon, malaya na siyang nakagagalaw na walang sino man na nakakakilala sa kanya.

Tumayo s'ya at pumasok sa silid, maaga siyang naghanda. May isang lugar siyang nais na puntahan at makita ngayon. Blue jeans at white shirt ang napili niyang isuot. Partner ito ng white rubber shoes dahil mas kumportable s'ya na kumilos sa ganitong ayos. Nagsuot s'ya ng black shades na panlaban niya sa matinding sikat ng araw at white cap. Hindi rin s'ya nagbitbit ng kahit ano, maliban sa isang backpack na may lamang ilang piraso nang personal niyang gamit.

Agaw liwanag na ng magpasya s'yang bumaba at tinungo ang komedor. Naabutan niya ang mayordoma na abala na sa kusina.

"Good morning po, manang Esme," bati niya sa mayordoma.

"Bakit ang aga mo naman yata na b
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 34

    RED Kabababa pa lamang niya sa kanyang sasakyan ng salubungin kaagad s'ya ni Mang Aldo na ama ni Sheena. Nakaugalian na niya na pasyalan ang mga ito sa tuwing nagagawi siya sa Batangas. Tinutulungan din niya ang mag-asawa sa pamamagitan nang pagbibigay suportang financial. Alam niya na wala na ang anak nila na makakatulong sa kanila sa kabuhayan, kaya mas pinili niyang tulungan ang mga ito. Sa ganitong paraan man lamang ay magawa niyang makaganti sa mga panahon na wala siya sa tabi ng mag-iina niya. "Magandang araw po, Mang Aldo," bati n'ya sa matanda. "Ganun din naman sa'yo, napasyal ka ulit?" "Oho, may mga dala nga po pala ako para sa inyo," aniya at tinungo ang compartment ng kanyang sasakyan. "Ang mabuti pa, tulungan n'yo na lang ho ako na ipasok ang mga ito sa bahay," aniya at nagsimulang ilabas ang mga pinamili. "Naku naman at nag-abala ka pa," ani Mang Aldo "Wala ho iyan, maliit na bagay lang naman po iyan. Para may pang gamit na

  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 35

    DIVINA "Salamat sa pagpapa-unlak mo," aniya matapos na makaharap ang taong nais na makausap. "Akala ko hindi ka darating," dagdag pa niya. "Pwede ba naman iyon? Sa laki nang utang na loob ko sa'yo, siguro kahit buhay ko kulang pang kapalit," natatawang sagot nito. "Anyway, parang alam ko na kung bakit mo ako pinatawag, siguro naman naka-abot na sa'yo ang mga haka-haka ngayong biglaan akong narito sa bansa," anito na bahagyang bumuntong-hininga at isinandal ang likod sa upuan. "Yup, tama ka! Nabasa ko sa news na mukhang may magandang oportunidad na naghihintay sa'yo ngayon," nakangiti niyang sabi. "Well, What do you think?" biglang tanong nito sa kanya. Nagkibit-balikat s'ya at sandaling uminom nang juice, "tanggapin mo kung tuluyan nilang iaalok sa'yo, pero kung sakali man, hayaan mong manatili kung sino ang nando'n ngayon, siguro hindi pa napapanahon para lumantad sa kanila. Ikaw ang magiging mga mata ko sa loob habang naririto pa ako sa labas

  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 36

    KARA "Hindi ka naman seryoso sa lagay na iyan, diba?" Nagpipigil ng tawa habang kunot ang noo na sabi ni Andro sa kanya. Maaga niya itong sinundo na kagaya ng sinabi niya kagabi. Nakangusong umirap siya rito, "Sana sa iyo na lang s'ya nagparamdam kung sakali, hindi na nga maganda ang naging tulog ko, gusto mo pang dagdagan." Sabay dabog ng lakad patungo sa sadakyan. Hindi napigilan na napabunghalit ng tawa si Andro habang umiiling. "Ikaw naman kasi, sabi ko naman na sa iyo na huwag kang nagpapaniwala sa ganyan, kaya lang ikaw ang tumatakot sa sarili mo." "Ah, talaga? Sana mamaya, ikaw rin ang multuhin n'ya. At talagang hihilingin ko iyon sa kanya!" inis na sabi niya at saka mabilis pa sa alas kwatrong sumakay ng kotse at humalukipkip. Ni hindi na niya muli pang sunulyapan si Andro na tatawa-tawa at iiling-iling na sumunod sa kanya. Dahil rin sa inis wala silang inimikan sa loob ng sasakyan. Tinulugan na lamang niya ang lalaki hanggang sa makarat

  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 37

    What!?" Napatayo sa kanyang pagkakaupo na bulalas ni Kara matapos ang ilang sandaling pagkapatda. "Are you kidding?" nanlalaki ang mga mata na sabi niya. "I know, it's hard to believe. Alam ko rin na marami akong dapat na ipaliwanag sa inyong dalawa. Kahit ang sarili kong mga magulang hindi ko pa magawang lumantad sa ngayon. Kahit pakiramdam ko ay gustong gusto ko na silang yakapin at sabihin na ako ang anak nila, na hindi ako totoong patay, na buhay na buhay ako at humihinga. Pero sa tingin mo ba maniniwala sila sa akin? Malayo ang itsura ko sa dati, pero siguro naman hindi pwedeng magsunungaling ang puso at kilos ko sa inyo?" madamdamin niyang sabi habang tila mangiyak ngiyak na nakatitig sa kanyang mga kaibigan. "Totoo ba talaga lahat nang ito? Pero papaano? Paano kang nakaligtas, at bakit ka nagtago ng mahabang panahon? Hindi ka nagpakita kaagad, kaya ano sa palagay mo ang na naming isipin? Dapat noong bago pa lamang ang insidente, nagpakita ka na sa amin, pero hindi

  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 38

    CYNTHIA "Anong ginagawa mo dito? Hindi ka dapat pumunta rito? Baka may makakita sa 'yo!" gigil na tanong niya sa lalaking nakatayo hindi kalayuan sa kanilang bahay. Halata ang inis na nakarehistro sa mukha nito para sa hindi inaasahang bisita. "Gusto ko lang po kayong makausap, Ma'am," anito na pilit tinitingnan ang babaeng kaharap na panay namann ang linga sa paligid. "Hindi ba kabilin bilinan ko sa iyo na huwag na huwag kang pupunta rito? Kung may kailangan ka tawagan mo na lang ako at ako na ang bahala kung saan tayo magkikita!" Nanlalaki ang mga mata at butas ng ilong nito sa sinasabi. "Pasensya na, Ma'am, pero kasi nakailang dial ako sa inyo at nakailang pangako na rin kayo na makikipagkita pero hindi naman kayo sumisipot. At nitong nakaraang araw ay hindi ninyo sinasagot ang tawag ko." "Hindi ka ba marunong umintindi? O sadyang makitid lang talaga ang utak mo? Marami nga akong inaasikaso ngayon, di ba? Kaya nga sinabi ko naman sa iyo na magh

  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 39

    RED Lahat ng mga mata ay nakatitig sa kanya pagpasok pa lamang niya ng building. Kunotnoong nagpatuloy lamang s'ya sa pagpasok. 'Anong meron?' walang nakakaalam. At kahit na kung ano pa man iyon ay wala rin mangangahas na magsabi sa kanya. "Totoo ba na papalitan na si Sir Red bilang CEO ng kumpanya?" nahagip nang pandinig niya na sabi ng isang empleyado. "Iyon ang usap usapan pa kanina ng board Mukhang ngayon yata personal na magpapakita rito si Mr. Zarzuela. At balita ko mula kay Mr. Mendez na ito ang matunog na ipapalit kay Sir Red. Sa tingin n'yo ba tama iyon? Hindi ba at bago pa lamang na stakeholder ito at ngayon pa lang makikita ng lahat dito? Kung ganoon mas magtitiwala pa ba ang majority sa bago pa lamang kesa kay Sir Red?" sabi pa ng isa. "Pero bakit naman? Magaling ang pagpapatakbo ni Sir sa kumpanya. At kita naman na kahit bago pa lamang s'ya dito ay napakarami ng achievement at project na naipasok. Huwag naman sabihin na ngayon pa nila balak

  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 40

    RED "We're ready, Dad!" excited na sabi ni Kylie na malapad ang nakapaskil na ngiti sa mga labi. "Are we going with, Mom?" tanong naman ni Kate. "Mom, aren't here, she's out early in the morning." Nakasimangot na sagot ni Kylie. "Besides, palagi naman natin s'yang hindi kasama, di ba? So, okay lang kahit wala s'ya. Kasama naman natin si Dad at si Yaya." At tumayo ito upang tulungan ang yaya sa pag aayos ng kanilang picnic bag. "Does your Mom tell you where she should go?" tanong ni Red sa kambal. "No?" Sabay iling. "Mommy goes out everytime without telling us anything," ani Kate. "Okay!" Sabay kibit balikat. Bumaling ito sa yaya, "Okay na ba lahat ng dadalhin natin?" "Ready na po, Sir!" "Okay then, be ready girls, alis na tayo. Ihahatid ko lang sa kotse ang mga dala natin." At binitbit ang kanilang tray palabas. Sumunod ang tatlong babae sa kanya na halatang masaya. Sa park, masayang naglalaro ang kambal ng f

  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 41

    "Are you-" hindi na naituloy pa ni Red ang gusto sanang sabihin nang biglang tumayo si Cynthia at matalim na tumingin sa kanya bago mabilis na umalis at sumakay sa kotse nito. Takang nasundan na lamang ito nang tingin ng lalaki. Tila ba takot ang itsura nito na hindi niya matukoy. "Dad!" tawag ni Kylie sa ama na hindi niya namalayan na nakalapit na sa kanya. "Oh, I'm sorry, baby for what happened earlier." At hinarap ang kanyang anak. "It's okay, Dad! Hindi ko lang maintindihan kung minsan si mommy, palagi siyang galit na hindi namin alam kung bakit, minsan sinasabihan pa niya kaming malas sa buhay n'ya. Why Dad? May mali ba kaming ginagawa sa kanya?" Nakasimangot na sabi ni Kylie. "Hayaan n'yo na ang mommy n'yo, marami lang siguro siyang problema na iniisip kaya ganoon. O pa'no, mas mabuti siguro na umuwi na rin muna tayo." At inalalayan ang anak patungo sa sasakyan. Walang imik ang lahat habang nasa loob ng sasakyan. "Kahit

Latest chapter

  • REVENGEFUL HEART   EPILOGUE

    "Congratulations!" masayang bati ng mga beautician sa kanilang mga inaayusan na ikakasal. "Salamat!" Hindi mapapantayan ang saya na nararamdaman ni Divina nang mga sandaling iyon. Wala na siyang mahihiling pa sa Diyos kundi ang ipag pasalamat ang lahat nang magandang bagay na nangyari sa kanya. Nawalay man ang kanyang pamilya sa kanya ay nagawa pa rin naman niyang maibalik. Ngayon niya higit na napatunayan kung gaano kadakila ang panginoon na palaging nakatunghay sa atin. Matapos ang mahabang bangungot ay nalampasan rin niya ang lahat at muling nakita at nakasama ang kanyang pamilya. Ngayon ang takdang araw ng kanyang kasal. At dahil sa naka plano na rin noon ang pagpapakasal ng kaibigan niyang sina Kara at Andro ay nagpasya silang idaos ito nang magkasabay. Ang lahat ay masaya sa kanilang paghahanda. Kasalukuyang inaayusan sa isang hotel ang magkaibigan at hihintayin na lamang ng kani kanilang mga groom sa venue ng pagdarausan

  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 58

    Maaga kinabukasan na nagising ang lahat. Nagpasya sina Divina at Red na mag out of town sa Batangas at pormal na maipakilala ang kanilang triplets sa lolo at lola nito na magulang ni Sheena. Kasama nila sina Andro at Kara na ngayon ay magkasintahan na at kasalukuyan na rin na nasa ikatlong buwan ng kanyang pagbubuntis si Kara. Natuwa rin si Divina na talagang naghanda ang tatlong bata ng kani kanilang mga regalo para sa kanilang abwela. Maging siya man ay labis na kinakabahan. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng mga ito matapos niyang magpakilalang ibang tao rito noon. "Are you ready, ladies? Makikilala nyo na rin ang mga lolo at lola nyo. I'm sure na matutuwa ang mga iyon ng sobra kapag nakita kayo. To the point na maiiyak ang mga 'yon!" ani Kara. "Why naman po Tita Kara?" tanong ni Kylie. "Eh kasi, sa mukha n'yo pa lang maaalala na naman niya sigurado ang mommy n'yo? And syempre baka ma shock 'yun kasi ang alam nila matagal

  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 57

    Nakatali na magkakatabi ang lahat ng tao sa loob ng kanyang bahay. Ang lahat ng kanyang mga katulong at maging ang kanyang mama. Naipon ang mga ito sa pinakagitna ng sala. Inilibot niya ang tingin sa paligid at napansin na wala roon ang kanyang ama. Nakatayo sa magkabilang dulo nila ang dalawang bantay na may hawak na baril. Habang si Cynthia ay prenteng nakaupo naman sa sala. Bukod sa dalawang ito ay wala na siyang ibang nakita. Naisip niya na kaunting trick lang ay makukuha niya ang mga ito Naningkit ang mga mata ni Red ng makita ito. Naikuyom niya ng kanyang kamao at ilang beses na humugot ng malalim na hininga. "Anong ginagawa mo sa kanila?" matigas na sabi ni Red. "Wala silang kinalaman sa 'yo pero idinadamay mo!?" "Oppss! Sorry! Hindi ko kasi makita ang mga anak ko, eh! Ayaw naman nilang sabihin sa akin kung nasaan? Kaya 'yan, may parusa sila kasi mga nagsisinungaling sila?" Nakalabi na sabi nito na tila isip bata. Para itong batang

  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 56

    RED "Sigurado at nakahanda na ba ang lahat para sa operasyon? Siguraduhin lang na sana lahat ng pinakamamalaki at pinakamatataas sa kanila ay mahuli!" aniya. "Nakahanda na po lahat, Sir. At bukas ng gabi nakatakdang i- deploy ang lahat ng mga tao natin sa isla bago ang nakatakdang araw ng kanilang shipment. Kumpleto na rin ang lahat ng kasamang escort at back up. Hangga't maari hindi tayo gagamit ng anumang dahas maliban na lamang kung kinakailangan, lalo na at alam naman natin na wala silang sinasanto." Napatango si Red. Bagaman at may kaunting agam agam ay mas mabuti pa rin na magtiwala. Hindi biro ang mga grupong ito na tila nagsanib pwersa para lamang magpabagsak ang tao na alam nilang magiging balakid sa kanilang mga plano para sa hinaharap. Habang nasa gitna ng pag uusap ay nakatanggap ng tawag si Red mula sa hindi kilalang numero. Kunot noo na sinagot niya ito. "Hello?" "Hi! Do you missed me, honey?" sadyang pinalambing n

  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 55

    Pagbukas niya ng pinto ay sandali muna niyang pinakiramdaman kung may tao. At salamat dahil mukhang tahimik ang paligid. Tinungo niya ang kusina ngunit wala doon si Manang Esme. Palabas na siya nang pumasok ang matanda. "May bisita ka ba kagabi, iha?" nakangiting tanong nito. "Ah, opo Manang. Hindi po kasi nakauwi kagabi si Red nung hinatid ako dahil sa lakas ng ulan kaya pinatulog ko na muna sa guest room." "Ganun ba, mabuti na lang at nakapag luto na ako. Sabihan n'yo lang ako kapag gusto n'yo ng kumain." At tinungo nito ang lababo. "Sige po check ko lang po kung gising na si-" sandaling naputol ang kanyang sasabihin ng bumungad si Red sa harapan ng komedor. "Gising ka na pala!" Nakangiti habang ang lakas lakas nang kabog ng dibdib ni Divina na napalingon dito. "Gusto ko lang magpasalamat sa pagpapatulog dito, pasensya na sa naging abala. Anyway, kailangan ko na rin umalis kasi-" "Mukhang nagmamadali ka? May nangyari ba?" putol ni

  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 54

    Nakaramdam nang lamig sa kanyang likuran si Divina. Hindi niya namalayan na naibaba na pala ni Red ang zipper ng suot niyang gown. Saka lamang siya tila natauhan at nabalik sa kasalukuyan. Mabuti na lamang at tulog na ang lahat ng tao sa bahay at walang sino man na nakapansin sa kanila. Naramdaman ni Red ang pagluwag ng kanyang yakap dito kaya ito na rin ang nagkusang huminto sa ginagawa. "Oh, I'm almost lost!" anito at niyakap siya. Muli nitong isinara nang banayad ang zipper ng kanyang damit. "I'm sorry!" he whispered. "It's okay! Ako rin naman muntik nang nakalimot. Ang mabuti pa mauna na rin siguro ako, it's almost late and-" naputol ang iba pa sana nitong sasabihin ng tila maramdaman nila ang ugong sa labas ng bahay. Sandali siyang nanahimik upang pakinggan ito. "It's raining!" mabilis na sagot ni Divina. Tumayo siya at bahagyang sumilip sa bintana, at nakita nga niya ang malakas na buhos ng ulan na sinasabayan ng hindi kalakasan na hangin

  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 53

    DIVINA Bakas sa mukha ang saya ng tatlong bata habang papalapit sa kanya. Hindi rin naman mapigilan nang ibang panauhin ang pumalakpak sa maka antig damdamin na tagpong 'yon. Marami ang masaya para sa kanila, habang ang iba naman ay naghahanap lamang ng maaaring mapag usapan at may ilan na tila wala lang pakialam. Magka ganun pa man ay hindi matatawaran ang sayang pumupuno sa puso ni Divina. Ngayon alam niya na ganap nang mabubuo ang pangarap niyang pamilya na akala niya noon ay tuluyan ng nabaon sa hukay. "Hello, Mommy?" sabi ng nakangiting si Kate. Kahit mukhang hindi naman ito masyadong nagulat sa nalaman. Siguro dahil sa umpisa pa lang ay may ganito nang naglalaro sa kanyang imahinasyon. Samantalang si Kylie ay nanatiling tahimik at nakangiti. Malapad rin ang ngiti sa mga labi ni Tina. Marahil ay wala sa hinagap nito ang mga nagaganap. Matapos na malaman niya kung sino ang kanyang mga magulang at makalaya sa pamilyang umabuso sa kanya, ay heto s'ya ngayon at k

  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 52

    RED Matapos na maka alis ang mga pulis kasama si Cynthia ay kaagad na nilapitan ni donya Georgina sina Red at Divina. Hindi siya matahimik matapos ang mga nasaksihan niyang eksena. Ang paligid ay hindi matapos tapos sa kanilang pagbu bulungan tungkol sa mga nasaksihan, ang ilan pa ay nagsimula ng mag upload ng kung ano anong video ang nakuha ng mga ito. Hanggang ngayon ay tila gusto n'yang magalit ngunit may isang bagay pa siyang kinakailangan alamin sa mga ito. Una, ay ang pagiging magkamukha ng dalawang bata sa sinasabing anak ni Divina. Ikalawa, ay pag aakusa ng mga ito kay Cynthia na hindi niya alam kung paniniwalaan ba n'ya o hindi. lkatlo, ay ang pag aresto kay Cynthia at pagpaparatang ng mga ito sa babae. Nakatayo ang dalawa na malapit sa may bukana ng malapitan niya. May ilan na nakatingin pa rin sa kanila habang nagbubulungan. "Pwede bang paki paliwanag ang lahat ng ito?" Kunot ang noo niyang sabi kay Red na halatang seryoso ang mukha

  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 51

    DIVINA "O ano? Natahimik ka, di ba? Ngayon mo sabihin sa harap mismo ng maraming tao na anak mo nga sila! Na kailanman wala kang niloko at inosente ka!" kalmado ngunit mariin na sabi niya. Lahat ay natuon ang pansin sa kanila. Maging si Donya Georgina ay unti unting nagkaroon ng idea sa tinatakbo ng usapan ng dalawang babae. "Ikaw ang sinungaling! Nasasabi mo ang lahat nang iyan dahil alam kong malaki ang gusto mo sa ama ng mga bata. Na kaya pinipilit mong lumapit sa kanila para pati s'ya makuha mo! Ikaw ang mang aagaw at magnanakaw! Wala akong ninanakaw sa 'yo kaya wala kang karapatan na paratangan ako! Wala kang patunay para sabihin iyan! Bakit kaya hindi na lang ikaw ang kusang umamin sa harapan mismo ng mga taong ito? Nang sa ganun magkaalaman na!" gigil at galit na galit na sabi ni Cynthia. "Ah! Bilib din naman ako sa sarili mo, Ms. Cynthia. Ang lakas ng loob mo na hamunin ako kahit alam na alam o sa sarili mo na tama ako? O sige, tutal narito na rin naman

DMCA.com Protection Status