DIVINA Napasinghap siya ng dumampi ang malamig na hangin sa kanyang kabuuan na nagpabalik muli sa kanya sa kasalukuyan. Ang nakaraan ang nagturo sa kanya kung paano muling bumangon at harapin ang bukas niya. Ngayon, malaya na siyang nakagagalaw na walang sino man na nakakakilala sa kanya. Tumayo s'ya at pumasok sa silid, maaga siyang naghanda. May isang lugar siyang nais na puntahan at makita ngayon. Blue jeans at white shirt ang napili niyang isuot. Partner ito ng white rubber shoes dahil mas kumportable s'ya na kumilos sa ganitong ayos. Nagsuot s'ya ng black shades na panlaban niya sa matinding sikat ng araw at white cap. Hindi rin s'ya nagbitbit ng kahit ano, maliban sa isang backpack na may lamang ilang piraso nang personal niyang gamit. Agaw liwanag na ng magpasya s'yang bumaba at tinungo ang komedor. Naabutan niya ang mayordoma na abala na sa kusina. "Good morning po, manang Esme," bati niya sa mayordoma. "Bakit ang aga mo naman yata na b
RED Kabababa pa lamang niya sa kanyang sasakyan ng salubungin kaagad s'ya ni Mang Aldo na ama ni Sheena. Nakaugalian na niya na pasyalan ang mga ito sa tuwing nagagawi siya sa Batangas. Tinutulungan din niya ang mag-asawa sa pamamagitan nang pagbibigay suportang financial. Alam niya na wala na ang anak nila na makakatulong sa kanila sa kabuhayan, kaya mas pinili niyang tulungan ang mga ito. Sa ganitong paraan man lamang ay magawa niyang makaganti sa mga panahon na wala siya sa tabi ng mag-iina niya. "Magandang araw po, Mang Aldo," bati n'ya sa matanda. "Ganun din naman sa'yo, napasyal ka ulit?" "Oho, may mga dala nga po pala ako para sa inyo," aniya at tinungo ang compartment ng kanyang sasakyan. "Ang mabuti pa, tulungan n'yo na lang ho ako na ipasok ang mga ito sa bahay," aniya at nagsimulang ilabas ang mga pinamili. "Naku naman at nag-abala ka pa," ani Mang Aldo "Wala ho iyan, maliit na bagay lang naman po iyan. Para may pang gamit na
DIVINA "Salamat sa pagpapa-unlak mo," aniya matapos na makaharap ang taong nais na makausap. "Akala ko hindi ka darating," dagdag pa niya. "Pwede ba naman iyon? Sa laki nang utang na loob ko sa'yo, siguro kahit buhay ko kulang pang kapalit," natatawang sagot nito. "Anyway, parang alam ko na kung bakit mo ako pinatawag, siguro naman naka-abot na sa'yo ang mga haka-haka ngayong biglaan akong narito sa bansa," anito na bahagyang bumuntong-hininga at isinandal ang likod sa upuan. "Yup, tama ka! Nabasa ko sa news na mukhang may magandang oportunidad na naghihintay sa'yo ngayon," nakangiti niyang sabi. "Well, What do you think?" biglang tanong nito sa kanya. Nagkibit-balikat s'ya at sandaling uminom nang juice, "tanggapin mo kung tuluyan nilang iaalok sa'yo, pero kung sakali man, hayaan mong manatili kung sino ang nando'n ngayon, siguro hindi pa napapanahon para lumantad sa kanila. Ikaw ang magiging mga mata ko sa loob habang naririto pa ako sa labas
KARA "Hindi ka naman seryoso sa lagay na iyan, diba?" Nagpipigil ng tawa habang kunot ang noo na sabi ni Andro sa kanya. Maaga niya itong sinundo na kagaya ng sinabi niya kagabi. Nakangusong umirap siya rito, "Sana sa iyo na lang s'ya nagparamdam kung sakali, hindi na nga maganda ang naging tulog ko, gusto mo pang dagdagan." Sabay dabog ng lakad patungo sa sadakyan. Hindi napigilan na napabunghalit ng tawa si Andro habang umiiling. "Ikaw naman kasi, sabi ko naman na sa iyo na huwag kang nagpapaniwala sa ganyan, kaya lang ikaw ang tumatakot sa sarili mo." "Ah, talaga? Sana mamaya, ikaw rin ang multuhin n'ya. At talagang hihilingin ko iyon sa kanya!" inis na sabi niya at saka mabilis pa sa alas kwatrong sumakay ng kotse at humalukipkip. Ni hindi na niya muli pang sunulyapan si Andro na tatawa-tawa at iiling-iling na sumunod sa kanya. Dahil rin sa inis wala silang inimikan sa loob ng sasakyan. Tinulugan na lamang niya ang lalaki hanggang sa makarat
What!?" Napatayo sa kanyang pagkakaupo na bulalas ni Kara matapos ang ilang sandaling pagkapatda. "Are you kidding?" nanlalaki ang mga mata na sabi niya. "I know, it's hard to believe. Alam ko rin na marami akong dapat na ipaliwanag sa inyong dalawa. Kahit ang sarili kong mga magulang hindi ko pa magawang lumantad sa ngayon. Kahit pakiramdam ko ay gustong gusto ko na silang yakapin at sabihin na ako ang anak nila, na hindi ako totoong patay, na buhay na buhay ako at humihinga. Pero sa tingin mo ba maniniwala sila sa akin? Malayo ang itsura ko sa dati, pero siguro naman hindi pwedeng magsunungaling ang puso at kilos ko sa inyo?" madamdamin niyang sabi habang tila mangiyak ngiyak na nakatitig sa kanyang mga kaibigan. "Totoo ba talaga lahat nang ito? Pero papaano? Paano kang nakaligtas, at bakit ka nagtago ng mahabang panahon? Hindi ka nagpakita kaagad, kaya ano sa palagay mo ang na naming isipin? Dapat noong bago pa lamang ang insidente, nagpakita ka na sa amin, pero hindi
CYNTHIA "Anong ginagawa mo dito? Hindi ka dapat pumunta rito? Baka may makakita sa 'yo!" gigil na tanong niya sa lalaking nakatayo hindi kalayuan sa kanilang bahay. Halata ang inis na nakarehistro sa mukha nito para sa hindi inaasahang bisita. "Gusto ko lang po kayong makausap, Ma'am," anito na pilit tinitingnan ang babaeng kaharap na panay namann ang linga sa paligid. "Hindi ba kabilin bilinan ko sa iyo na huwag na huwag kang pupunta rito? Kung may kailangan ka tawagan mo na lang ako at ako na ang bahala kung saan tayo magkikita!" Nanlalaki ang mga mata at butas ng ilong nito sa sinasabi. "Pasensya na, Ma'am, pero kasi nakailang dial ako sa inyo at nakailang pangako na rin kayo na makikipagkita pero hindi naman kayo sumisipot. At nitong nakaraang araw ay hindi ninyo sinasagot ang tawag ko." "Hindi ka ba marunong umintindi? O sadyang makitid lang talaga ang utak mo? Marami nga akong inaasikaso ngayon, di ba? Kaya nga sinabi ko naman sa iyo na magh
RED Lahat ng mga mata ay nakatitig sa kanya pagpasok pa lamang niya ng building. Kunotnoong nagpatuloy lamang s'ya sa pagpasok. 'Anong meron?' walang nakakaalam. At kahit na kung ano pa man iyon ay wala rin mangangahas na magsabi sa kanya. "Totoo ba na papalitan na si Sir Red bilang CEO ng kumpanya?" nahagip nang pandinig niya na sabi ng isang empleyado. "Iyon ang usap usapan pa kanina ng board Mukhang ngayon yata personal na magpapakita rito si Mr. Zarzuela. At balita ko mula kay Mr. Mendez na ito ang matunog na ipapalit kay Sir Red. Sa tingin n'yo ba tama iyon? Hindi ba at bago pa lamang na stakeholder ito at ngayon pa lang makikita ng lahat dito? Kung ganoon mas magtitiwala pa ba ang majority sa bago pa lamang kesa kay Sir Red?" sabi pa ng isa. "Pero bakit naman? Magaling ang pagpapatakbo ni Sir sa kumpanya. At kita naman na kahit bago pa lamang s'ya dito ay napakarami ng achievement at project na naipasok. Huwag naman sabihin na ngayon pa nila balak
RED "We're ready, Dad!" excited na sabi ni Kylie na malapad ang nakapaskil na ngiti sa mga labi. "Are we going with, Mom?" tanong naman ni Kate. "Mom, aren't here, she's out early in the morning." Nakasimangot na sagot ni Kylie. "Besides, palagi naman natin s'yang hindi kasama, di ba? So, okay lang kahit wala s'ya. Kasama naman natin si Dad at si Yaya." At tumayo ito upang tulungan ang yaya sa pag aayos ng kanilang picnic bag. "Does your Mom tell you where she should go?" tanong ni Red sa kambal. "No?" Sabay iling. "Mommy goes out everytime without telling us anything," ani Kate. "Okay!" Sabay kibit balikat. Bumaling ito sa yaya, "Okay na ba lahat ng dadalhin natin?" "Ready na po, Sir!" "Okay then, be ready girls, alis na tayo. Ihahatid ko lang sa kotse ang mga dala natin." At binitbit ang kanilang tray palabas. Sumunod ang tatlong babae sa kanya na halatang masaya. Sa park, masayang naglalaro ang kambal ng f