Abigail Gutierez is the wife of the billionaire businessman, Sebastian Ashford. Maganda, mapagmahal, mabait at maalaga. They're happily married for 2 years kahit wala pang anak. Hanggang sa napag desisyunan nilang mag-asawa na mag-ampon ng bata. Dahil ayon sa doctor na tumingin sa kanya ay baog siya. At hindi ito lingid sa kaalaman ng kanyang asawa. Tinanggap pa rin siya nito ng buo. Akala ni Abi sapat na ang bata para matawag sila na isang buong pamilya. Ngunit habang tumatagal nararamdaman ni Abi ang kagustuhan ng asawa niyang magkaroon ng sarili nitong anak na galing mismo sa dugo't laman nito. Isang bagay na hindi niya maibigay-bigay sa asawa. Hanggang isang araw nadatnan niya ang kanyang asawa na nakapatong sa ibang babae. Masakit na malaman niyang baog siya, ngunit mas masakit pala na makita ang asawa mong may pinapatungang iba. At sa kanyang paglayo ay mayroon namang dumating na panibagong pag-asa na kukompleto sa kanyang buhay. Ngunit paano kung muling bumalik ang taong nanakit sa puso at pagkatao niya? Magagawa pa bang magpatawad ng isang pusong wasak?
Lihat lebih banyakHalos mabingi si Sofie sa lakas ng kalabog ng dibdib niya nang huminto sa tapat niya si Vaden. Paano siya hindi kakabahan sa takot kung halos naninigkit ang mga mata nito sa galit. Simula nang ikasal sila ni hindi na ito nakangiti man lang at puro galit ang nakikita niya. Napayuko siya dahil hindi niya kayang labanan ang matalim nitong mga titig. Akmang iiwasan na sana niya ito para dumeretso sa kusina nang bigla nitong hawakan ang kaliwang braso niya. "Saan ka pupunta, huh?" galit na tanong nito. Napangiwi pa siya dahil medyo mahigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya. "S-Sa k-kusina," nauutal niyang sagot. Totoo naman kasi na sa kusina siya pupunta dahil ihahatid niya itong mga pinamili niyang grocery. Pero bigla siya nitong hinarangan at hinigit sa braso. "Alam mo ba kung bakit bumalik ako, ha?" anito. Umiiling-iling siya ng ulo. "Iniwan na ako ni Theanna, Sofie. Umalis siya na hindi man lang sinasabi sa akin kung nasaan siya. Hindi niya sinasagot ang mga
"Oh siya ano na Sofie? Magkwento ka kung bakit sabay kayo kanina ni prof na dumating at sa kotse ka pa niya nakasakay," pangungulit ni Myles. Lunch time ngayon at nasa canteen sila para kumain. Saktong sumusubo siya ng pagkain nang magtanong si Myles sa kanya. Tinapos muna niya ang pagnguya bago sumagot. "Pwede bang kumain na muna tayo?" aniya sa dalawa na hindi makapaghintay. Bigla namang pumalakpak ng kamay si Myles habang nakasimangot kay Sofie. "Ang sabi mo kanina pag lunch break magkukwento ka, tz ngayon lunch break na ayaw mo pa rin magkwento. Huwag kang madaya Sofie," himutok nito kaya natawa siya sa kaibigan. Si Ally naman tahimik lang sa gilid habang kumakain pero nakikinig naman sa usapan nila. "Okay," sagot ni Sofie at uminom muna ng tubig. Magkukwento na lang siya dahil hindi titigil itong dalawa hanggat hindi siya nagsasalita. "Nagkasabay kami ni prof sa elevator kanina at nagkagulatan kami nang makilala ang isa't-isa. Doon din pala siya nakatira sa
Laglag ang balikat na pinanood na lamang ni Sofie ang papalayong likod ng asawa niya hanggang sa tuluyan na itong naglaho sa paningin niya. Nagtungo na lang siya sa kitchen at doon kumain ng mag-isa. Ang lungkot ng buhay may asawa niya. Ganito pala ang feeling kapag hindi ka mahal ng taong mahal mo. Dahil sa lungkot ay mabagal na kumain si Sofie. Ni hindi niya namalayan na inabot na ata siya nang mahigit isang oras sa dining table. Naparami ang kain niya pero parang hindi man lang siya nabusog. Dinala niya sa kitchen sink ang pinagkainan niya at sinimulang hugasan ang mga ito. Nang matapos niya ang ginagaws ay bumalik naman siya sa sarili niyang silid para maligo. Mabilis siyang nagbihis ng school uniform niya, mabuti na lang at may steamer iron dito sa condo kaya hindi siya nahirapan na plantsahin ang uniform niya. Kailangan na talaga niyang matuto sa mga bagay-bagay sa buhay may asawa. Tama si Vaden wala na siya sa mansion nila para mag buhay prinsesa. Humarap siya sa
"Hey, wake up brat!" Isang maingay na boses ang gumising sa natutulog pang diwa ni Sofie, dinig na dinig niya ang pagtawag nito sa kanya na brat sa labas ng pinto habang kumakalampag ng katok. Nasasaktan siya kapag tinatawag siya ni Vaden ng brat, pero anong magagawa niya? Galit ito sa kanya dahil sa ginawa niya. Ang aga-aga pero pinapasakit ng lalaking to ang puso niya. Para makaganti ay hinayaan niya ito at pinanindigan na natutulog pa siya. Pasimple niyang sinilip ang oras at nakita na 4:30 am pa lang naman pala ng umaga pero gising na ang palalabs niya. Haistt. Para naman itong matanda na ang aga gumising. "Sofie, gumising ka na at tanghali na!" muling sigaw ni Vaden. Shit! Ang ingay ng lalaking to! Di ba nito alam na madaling araw na rin siya nakatulog dahil sa sobrang init sa loob ng kwarto niya. Wlaang aircon, walang electricfan. Kaya naman ang ginawa niya ay nakatatlong paligo siya sa loob nang maliit na banyo. Pabaling-baling siya sa higaan dahil sa sobrang init
Laking gulat ni Sofie nang pagharap niya ay isang lalaki ang bumungad sa paningin niya. "K-Kuya Vaden!" gulat na sambit niya. Titig na titig pa siya sa mukha nito di na para bang sinisigurado kung ito nga ang kaharap niya. "Who's that man?" malamig na tanong nito sa kanya. Wala man lang talaga kangiti-ngiti sa mukha ng lalaking ito. Lagi na lang seryoso sa buhay. "Hey, are you deaf?" untag nito sa kanya nang hindi siya sumagot. "Ang sabi ko sino ang lalaking 'yon?" ulit pa nito sa tanong kanina at ginawa pang tagalog na para bang iniisip nito na di siya marunong mag english.Actually narinig naman niya kanina ang tanong pero masyado itong atat at di makapaghintay sa sagot niya. "S-Si Kurt, kaklase ko siya. Hinatid niya ako kasi nasiraan ng gulong kanina ang driver ko kaya hindi ako nasundo sa school. "But don't worry, mabait naman siya, nanliligaw nga 'yon sa akin," nakangiti pa niyang dagdag, huli na niya napansin ang huling saitang binitawan niya. Kitang-kita niya ang pagsalubo
"Sofie, bakit late ka? Saka bakit namamaga iyang mga mata mo? Umiyak ka ba?" sunod-sunod na tanong ni Ally sa kanya habang naglalakad sila papunta sa next subject nila na business research. Wala siya sa mood makipag-usap dahil lumulutang ang isip niya. Kahapon single pa siya ngayon may asawa na siya. At hindi na siya uuwe sa mansion kundi sa condo na ni kuya Vaden niya. "Guy's ano ang feeling kapag ikinasal ka bigla?" walang gana na tanong niya sa dalawang kaibigan. "What!?" sabay-sabay pang bulalas ng mga ito. "Uulitin ko pa ba? Eh mukang narinig nyo naman na eh," irap niya sa mga kaibigan. "Teka lang, kasal ba kamo? Bakit mo naman naitanong? Ikinasal ka na ba?" kunot noong tanong ni Myles. Kagat labi siya sabay tango na siyang ikinabilog ng mga bunganga ng dalawa niyang kaibigan. "Kanino? Kay Kurt?" tanong ni Ally. "Ang tanong sinong Kurt? Eh dalawa ang Kurt. Kurt Michael o si prof Kurt Benevidez?" napapaisip na tanong ni Myles. Goshhh, wala ba talagang ide
Panay ang punas ng kamay niya sa mga luhang patuloy na dumadaloy sa pisngi. Pinagtitinginan na siya halos ng mga empleyadong madadaanan niya pero wala siyang pakialam. Ngayon niya inilabas ang sakit sa puso na nararamdaman niya ngayon. Nagmamahal lang naman siya pero bakit ganito kasakit. Kung alam lang niya na ganito pala, sana hindi na niya sinubukan. Paglabas niya ng building ay naroon na kagaad ang kotse ng daddy niya at hinihintay siya. Mabilis siyang pinagbuksan ng pinto ng sasakyan ng driver kaya agad siyang sumakay sa back seat. Seryosong mukha ng daddy niya ang bumungad sa kanya pagpasok niya sa loob ng sasakyan. Alam niyang galit ito sa kanya dahil sa kalokohan niya pero kailangan pa rin niyang humingi ng sorry rito. "D-Dad.... Daddy, I'm sorry," humihikbing sambit niya habang nakatingin sa daddy niya. Hindi sumagot ang ama niya pero malinaw niyang naririnig ang malalim nitong pagbuntong hininga. Ilang segundo pang katahimikan ang dumaan bago ito humarap sa
Kinagat-kagat pa nito ang ibabang labi niya kaya nakaramdam siya ng sakit. Hanggang sa nalasahan niya ang lasang dugo. Marahil nasugatan ang kanyang labi sa paraan ng paghalik ni Vaden sa kanya. Tahimik na tumulo ang luha niya dahil sa ginagawa nito sa kanya. Ito ang gusto niya pero hindi sa ganitong paraan. Halos kapusin na siya ng hininga kaya naman buong pwersa niya sana itong itutulak nang biglang bumukas ang pinto ng opisina. Sabay silang napalingon ni Vaden dito matapos maghiwalay ang mga labi nila. At ganun na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita ang nakakunot na noo ng daddy niya. Pati na ng tito Vince niya. Ang daddy ni Vaden. "Dad!" sambit niya sa daddy niya na ngayon ay madilim na ang mukhang nakatitig sa kanila ni Vaden. Mabilis naman na umalis si Vaden na halos nakadapa na sa ibabaw niya at lumayo sa kanya. "Ano'ng ginagawa niyong dalawa?" madalim ang mukha na tanong ng daddy Seb ni Sofie. "Ikaw Sofie, sinabi mong dadaan ka lang dito at may ibibigay
"Ay!" tili niya dahil nagulat siya nang malakas na hinaklit ni Vaden ang braso niya. "Kuya sandali nasasaktan ako," pakiusap niya at pilit na binabawi ang braso mula sa mahigpit nitong pagkakahawak. Totoo naman kasi na nasasaktan siya, kulang na lang bumaon ang maiksi nitong mga kuko sa balat niya. "Nasisiraan ka na ba talaga ng ulo huh, Sofie!" sigaw nito sa pagmumukha niya. Umaapoy sa galit ang mga mata nito na hindi niya kayang salubungin dahil tila mapapaso siya ano mang oras. "I'm sorry kuya, h-hindi ko sinasadya," aniya na nakayuko pa rin ang ulo. "Are you out of your mind, Sofie? Nag-iisip ka ba? Bakit mo sinabi sa fiancee ko na fiancee kita gayong hindi naman?" galit na galit na tanong nito, pero wala siyang mahigilap na maisagot. Gusto sana niyang sabihin na mahal niya ito kaya niya nasabi iyon pero baka mas lalo lang itong magalit. "Ano nga ang tawag mo sa akin noong isang araw? Future husband? Tsk... maganda ka pa naman sana, pero hindi ko alam na ganyan k
Magkahawak kamay sina Abi at Seb na naupo sa loob ng clinic at hinihintay ang pagdating ng doctora. Kinakabahan si Abi at ramdam niyang nilalamig ang mga palad niya kahit pa hawak-hawak na ito ni Seb. Madaming what if ngayon ang gumugulo sa kanyang isipan. What if may sakit siya? What if kaya hindi siya mabuntis-buntis kasi baog siya? Biglang sinalakay ng matinding kaba ang puso niya sa isiping iyon. Huwag naman sana. Tanging dasal niya.Ngayon nila malalaman ang resulta kung bakit sa loob ng dalawang taon ay hindi man lang sila makabuo ng asawa niya. Pareho naman silang healthy sa katawan. Ngayon lang din nila naisipang magpatingin na sa doctor dahil na curious na sila kung bakit hindi siya mabuntis-buntis ng kanyang asawa. Sabay silang napaupo nang tuwid nang umupo na sa harapan nila ang doctora."Ayon sa test na isinagawa namin sayo noong nakaraan linggo. Lumalabas dito sa test na kaya ka hindi mabuntis-buntis ay dahil wala kang kakayahan na mabuntis. I'm sorry to say this to you M...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen