Johnson
"Walang hiya ka talaga Seb. Talagang hinayaan mo akong matulog dito sa kulungan," nanggagalaiting wika ni Johnson sa sarili matapos siyang patayan ng tawag ni Seb. Wala siyang magawa kundi ang magtiis dito ngayong gabi kasama ang mga mababahong preso rito. Bukas naman ay makakalaya na rin siya. Umaga na at kanina pa nanghahaba ang leeg ni Johnson sa kakasilip sa rehas na bakal, kung dumating na ba si Seb pero wala pa rin ni anino ng lalaking 'yon. Hanggang sa ilang sandali pa ang lumipas at sa wakas dumating na rin ito. "Buti naman at dumating ka pa," sarkastikong bungad ni Johnson sa kapatid. Sinamaan naman ni Seb ng tingin ang kapatid. Kararating niya lang kasama ang abogado niya tapos ito ang bungad ng magaling niyang kapatid. Ito na nga ang may kailangan ito pa ang nagmamadali. "Galing ko lang sa hospital kasama si attorney. Swerte ka at buhay pa ang taong nasagasaan mo. At pasalamat ka rin dahil pumayag ang pamilya ng biktima na magpabayad," gigil na sabi ni Seb sa kapatid. "Tsk, kung hindi sana siya tumawid na lang bigla hindi sana siya masagasaan. Kasalanan niya iyon at tatanga tanga sya," pangangatwiran pa nito, kahit mali na ang ginawa ayaw pa ring magpatalo. Sumasakit ang ulo ni Seb sa kapatid nyang to. Matigas talaga ang ulo nito. Kailan ba ito titino? Kaya nag-aalangan ang daddy nila na pagkatiwalaan ito sa kompanya dahil sa ugali nito. Matapos niyang bayaran ang bills ni Johnson ay nauna pa itong umalis kaysa sa kanya. Ni hindi na nga ito nakapag paalam pa. Kahit thank you ay wala siyang narinig. Napa iling-iling na lamang siya. Sebastian Pagkarating niya sa opisina ay agad siyang humingi ng kape sa bago niyang sekretarya at baka sakaling maibsan nito ang sakit ng ulo niys sa kanyang kapatid. Palagi na lang itong nasa gulo. Noong nakaraan nabalitaan niya na lang na nagwala ito sa isang bar sa sobrang kalasingan at nanira pa ng mga gamit roon. Siya rin ang nag ayos noon sa ginawa nitong gulo. Hindi naman magawang pabayaan na lang ito dahil nakakabit sa lalaking iyon ang apelyido nila. Ano na lang ang sasabihin ng iba lalo na ng mga ka negosyo nila kapag hinayaan niya itong makulong. Baka isa pa ito sa dahilan na makakasira sa imahe ng kanilang negosyo. Matapos makarinig ng katok, agad na bumukas ang pintuan ng opisina niya at pumasok ang sekretarya na dala-dala ang mainit na kape. "Sir, here's your coffee," anito at inilipag sa harap nya ang tasa ng kape. Tinanguan niya na lamang ang sekretarya niya habang hinihilot pa rin ang ulo niyang sumasakit. "Sir, masakit ba ulo mo? Gusto mo ba ng masahe?" Napakunot ang noo niya na napatingin sa babae. Tama ba ang narinig niya? Ilang araw niya pa lang itong naging sekretarya, ito ang pumalit sa dati niyang sekretary na bigla na lang hindi na pumasok at nag-iwan na lang ng resignation letter. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Maganda ito at maamo ang mukha. Maputi at makinis din, balingkinitan ang katawan at malalaki din ang dibdib na lumuluwa na sa suot nitong damit pang opisina na hapit na hapit sa katawan. Hindi nya nga namalayan na naka lapit na pala sa kanya ang sekretarya niya. Dahil lumalakbay ang kanyang isip sa kabuuan nito. "Magaling akong magmasahe, sir," wika nito sa malambing na boses, kasabay niyon ang paglapat ng malambot nitong mga palad sa noo niya. Napapikit siya sa mga sandaling iyon at ninamnam ang lambot ng mga kamay nitong masuyong minamasahe ang ulo niya. Magaan ang kamay nito at kay sarap sa pakiramdam ang ginagawang pagmasahe sa kanya. "Uhmmn..." hindi niya napigilan at napaungol siya, dahil medyo gumaan-gaan ang pakiramdam niya. Naramdaman na lang din nya na unti-unting bumababa ang mga kamay nito sa bandang dibdib niya at masuyong humahaplos doon. Ramdam niya rin ang pagdikit ng dalawang malalambot na bagay sa likod niya. "Masarap ako magmasahe di ba, sir?" bulong nito sa kanya sa malambing na boses. Ngunit agad naman siyang bumalik sa katinuan ng magsalita ito. Hinawakan niya ang mga kamay ng babae para patigilin ito. Hindi maari, mali ito. Baka kung saan pa mapunta itong ginagawa sa kanya. "That's enough, Sandra. Go back to your work now," utos niya sa babae. "Hindi mo ba nagustuhan, sir?" anito. " Sandra, I said go back to your work now!” "Okay sir," anito at humakbang na papunta sa pintuan. Ngunit napamura siya sa isip ng bigla itong tumuwad at may pinulot na nahulog sa sahig. Maiksi lang kasi ang suot nitong palda at kita nya halos ang panty nitong suot lalo pa at wala itong suot na stockings! Maputi ang mga hita ng babae at makinis din ang balat nito. Parang nag-init tuloy ang pakiramdam niya dahil sa nakita. Lumingon pa sa kanya ang sekretarya at binigyan siya ng matamis na ngiti.Samantala gabi na at nasa sala pa si Abi na naghihintay sa pagdating ng asawa niya. Hindi pa ito tumatawag sa kanya simula pa kanina. Si Baby Gavin andun na sa nursery room natutulog at binabantayan ni nanay Rosa. Yes, may kasama na sila sa bahay. Ipinilit kasi talaga ni Seb na kumuha ng makakasama niya sa bahay para hindi siya mahirapan sa gawaing bahay at mag focus na lang kay baby Gavin.Hindi naman na niya tinutulan pa ang gusto ng asawa. Kahit pa kaya naman niyang gampanan ang lahat. Laki siya sa hirap kaya lahat kaya niya.Pumunta siya ng dining area at ininit na muna niya ang mga pagkaing inihanda niya kanina para kay Seb. Baka pagod galing sa trabaho ang asawa niya at gutom na ito kaya mabuti ng ihanda na niya ang hapunan nilang dalawa. Hindi pa rin naman kasi siya kumakain at hinihintay niya itong dumating para sabay na silang kumain. Ito ang pangalawang beses na ginabi ng uwi ang asawa niya. Dati kasi maaga itong nakakauwi. Siguro busy lang talaga ito sa kompanya at maraming
Isang bwan pa ang matulin na lumipas. Sa loob nang isang buwan na iyon ay palagi na lang ginagabi ng uwi si Seb. Balewala lamang iyon kay Abi, at naiintindihan niya ang trabaho ng kanyang asawa. Hindi nga naman madali ang maging CEO ng isang napakalaking kumpanya. Isa pa hindi naman ito nagkukulang sa mga pangangailangan nila. Lalo na ng kanilang anak. Pero pakiramdam ni Abi, ay may nagbago sa kanyang asawa. Gabi-gabi niya itong hinihintay na umuwi para sabay sila kung kumain. Ngunit lagi nitong sinasabi na busog na ito. Kaya siya na lamang ang kumakain mag-isa. Nauuna na rin itong umakyat sa kwarto nila pagdating nito galing trabaho. Palaging pagod ang asawa niya pagdating sa bahay nila at wala nang oras para sa kanya maging sa kanilang anak. Ni hindi na nga nito naabutan na gising si baby Gavin. Dahil maaga itong umaalis at pumapasok sa trabaho, tulog pa ang bata. Pagdating naman nito sa gabi tulog na rin si Gavin. Wala na ring nagaganap na sexy time sa pagitan nila. Sa isang igl
Nagmamadali na iniligpit ni Seb ang mga gamit niya sa opisina para maka uwi na siya. Trenta minutos na lang at malapit na mag alas sais. Kailangan niyang bilisan ang kilos. Dadaan pa siya ng mall para ibili ng regalo ang anak nila ni Abi.Palabas na sana siya ng bigla namang sumulpot si ang sekretarya niya sa harap ng pinto. Nagtataka ang mukha nito napatingin sa kamay niya ng makita na bibit na niya ang kanyang attache case. Pati na rin ang kanyang lunch box. Ibig sabihin kasi niyon ay pauwi na siya."Maaga pa para umuwi Mr. Ashford," wika ni Sandra at tuluyan ng pumasok sa loob."I have to go, Sandra. Hinihintay na ako ng asawa at anak ko. Magce-celebrate kami ngayon sa pag iisang buwan na kasama namin si baby Gavin." aniya sa babae."Celebrate? Ibig sabihin ba niyan, may sexy time rin kayo mamaya ng asawa mo?" Nakataas ang kilay na tanong ni Sandra."Hindi mo na dapat tinatanong yan Sandra, asawa ko si Abi. At wala naman sigurong masama kung meron di ba?" sagot ni Seb.Biglang luma
Masayang nakikipaglaro si Abi kay baby Gavin sa playroom nito. Maganda ang araw niya lalo pa ng maalala niya kagabi ang mainit na tagpong pinagsaluhan nila ng kanyang asawa.Akala niya ay nanlalamig na sa kanya si Seb, pero mali siya dahil kagabi, ipinaramdam nito sa kanya ang labis nitong pagmamahal. Lalo na ng halos sambahin ng kanyang asawa ang katawan niya. Walang siyang naging reklamo kahit pa halos buong gabi siya nitong inangkin. Mahal niya si Seb kaya buong puso siyang nagpaubaya rito.Nasa ganoong pag-iisip siya nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.Agad niyang kinuha ito at tinignan ang nasa screen. Akala ni Abi ay si Seb ang tumatawag pero si Lyca pala, ang besfriend niya. Agad naman niyang sinagot niya ito."Hello, bes?'' aniya."Hi, bes. Kamusta ka na?" tanong nito sa kabilang linya."Maayos naman, ito busy sa pag-aalaga kay baby Gavin at kay Seb syempre," proud niyang sagot sa kaibigan. Habang nakatuon ang mga mata sa anak na naglalaro sa laruang binili ng daddy Se
Kanina pa tapos ang tawag ng kaibigan ni Abi na si Lyca, pero nanatili lang siyang nakatulala habang pinagmamasdan ang anak sa crib nito na naglalaro ng laruan.Hindi na nga niya napansin na sa pgkakatulala niya ay nabitawan na pala niya ang kanyang cellphone. Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi sa kanya ni Lyca. Mahal niya si Seb at alam niyang mahal din siya ng asawa.Naniniwala siyang hindi siya kayang lokohin ni Seb. Nangako itong hindi siya nito ipagpapalit sa ibang babae at hindi sasaktan. Hanggat kaya niyang paniwalaan ang puso niya ay ito ang susundin niya. Hanggat wala siyang nakikitang ebidensya ay hindi siya maniniwala.Sumapit ang gabi at hindi pa rin umuuwi si Seb. Tulog na si baby Gavin at nasa loob pa ito ng nursery room nito kasama si Nanay Rosa. Doon niya muna iniiwan ang anak kapag may ginagawa pa siya. Nasa dining area na siya nakaupo at nakaharap sa mga pagkaing nakahain sa lamesa. Nagugutom na siya pero hinihintay pa niya dumating ang asawa niya. Mag alas onse
"Baka maya-maya ay dadating na rin iyon anak," sambit ni nanay Rosa. Tinapik pa siya nito sa braso bago umalis ang matanda at tumungo sa sarili nitong silid. Kinuha ni Abi ang anak at inilipat sa kama. Malaki naman ang kama nila at nakadikit ang kabilang side nito sa wall kaya safe na hindi mahuhulog si baby Gavin kapag itatabi niya ito sa kama. Maingat niyang inilapag ang anak sa malambot na kama. Nilagyan niya ng maraming unan ang gilid ng wall. Nahiga na rin siya sa tabi ng anak. Tumagilid siya paharap dito at itinukod muna ang isang siko para titigan ang anak na payapa nang natutulog. "Thank you, baby sa pagdating mo sa buhay namin, lalong-lalo na sa akin. Binuo at kinompleto mo ang kakulangan ko bilang isang babae. Thank you, dahil sa'yo nararanasan ko ngayon ang maging ina. Sa'yo ako ngayon kumukuha ng lakas ng loob anak," garalgal ang boses na kausap niya sa bata na mahimbing ng natutulog na ngayon sa tabi niya. "Nangilid ang mga luha sa mga mata ni Abi. Ano bang nangyayari
Tuluyan ng pumasok sa loob ng nursery room si Seb. Nagising naman si Abi nang maramdaman niya ang pagdating ni Seb ang presensya nito sa loob ng kwarto. Ang mabangong amoy nito agad na nagkalat sa loob ng silid. Lumundo ang kama sa gilid niya kaya alam niyang umupo sa tabi niya si Seb. Narinig niya ang ilang beses na pagbuntong hininga nito na kay lalim. Pinapakiramdaman na lamang niya ang asawa hanggang sa narinig niyang tumunog ang cellphone nito. Tumayo si Seb at narinig niya ang mga yabag nito na bahagyang lumayo sa kama. "Yes, nasa bahay na ako. Bukas na lang tayo magkita. Anong oras na kaya matulog ka na, okay? I miss you too and I love you too, babe," malambing na turan ni Seb. Mahina ngunit dinig na dinig niya ang mga salitang binigkas nito. Mga salitang halos dumurog ng husto sa puso niya. Kahit nakapikit ang mga mata niya kusang tumulo ang mga luha niya. Umiiyak siya ng palihim at walang maririnig na hikbi kundi isang tahimik na pag iyak lamang. Hindi niya alam
Pababa na ng hagdanan si Abi nang marinig niya ang pag andar ng sasakyan ni Seb. Nang makita niyang palabas na ito ng malaking gate ay saka siya mabilis na bumaba ng hagdanan at tinungo ang sariling sasakyan na nakaparada din sa kanilang garahe. Kaagad siyang sumakay rito at binuhay ang makina. Mabagal ang pagpapatakbo niya sa kotse ng matanaw niya ang sasakyan ng kanyang asawa na palabas pa lang ng subdivision. Dumistansya siya rito habang patuloy na nakabuntot sa likuran ng kotse nito ang kotse niya. "Meeting ba talaga ang dahilan kaya ka nagmamadaling pumasok palagi sa trabaho, Seb?" tanging kausap niya sa kanyang sarili. Malapit na sila sa kompanyang pag-aari ng kanyang asawa nang magpatuloy ito at hindi huminto. "Akala niya may meeting ito pero mukhang ibang meeting ata ang dadaluhan ng asawa niya. Sana nga mali siya." Binagalan niya ang takbo ng sasakayan ng makitang inihinto nito ang kotse sa harap ng isang mamahaling restaurant. Nakita niyang bumaba ang asawa
Tatlong buwan ang mabilis na lumipas at ngayon apat na buwan ng buntis si Abi. Matapos ang nangyari noon ay naging maayos na ulit ang buhay nila. Wala na si Sandra, patay na ang babae. Namatay ito na wala man lang pagsisisi sa lahat ng kasamaang ginawa nito. Ngayon malaya na sila, wala nang nangugulo sa kanila, wala nang banta sa buhay nila. Pati mga anak nila ay ligtas na sa kapahakan. Mula sa kusina kung saan tanaw ang pool area ay masayang pinagmamasdan ni Abi ang mag-aama niya habang naliligo sa pool. Puno ng tawanan at asaran ang mga ito. Kawawa nga lang ang nag-iisa nilang prinsesa na si Sofie na lagi na lang napagtitripan na asarin ng dalawa nitong kuya. Kaya maya-maya naiiyak na lang ito bigla lalo na kapag ang kakambal nito ang nang-aasar. "Ang saya-saya nila no?" Dinig niyang boses mula sa likod niya kaya napalingon siya rito, saka niya nakita ang maaliwalas at masayang mukha ng biyenan niyang babae. Naririto kasi sila ngayon sa kusina at tinutulungan siyang maghan
After two days ay nakalabas na ng hospital si Seb. Hindi pa man masyadong magaling ang sugat nito pero mas pinili nito na sa mansion na lang magpapagaling. Dalawa ang tama ng bala sa katawan nito. Isa sa tagiliran at isa sa kaliwang balikat. Pero thanks God dahil maayos na ang lalaki. Hanggang sa mabilis na lumipas ang mga araw at tuluyan na nga itong gumaling at balik trabaho na. Pati siya ay ganun din, dahil katwiran niya mabo-bored lang siya sa bahay lalo pa at nasa man araw-araw ang mga bata. Busy silang dalawa ni Lanie sa pagpi-print ng mga documents na kakailanganin mamaya ni Seb para sa meeting nito sa board room nang biglang bumukas ang pinto. Pag-angat niya ng tingin ay nakita na si Nikko ang pumasok mula roon kasama ang fiancée nito na si Alex. "Hey dude! "Hi, Abi." Bati ni Nikko na malawak ang pagkakangiti ng lalaki. "Yes, dude, napadalaw ka?" ani Seb. Huminga muna nang malalim si Nikko bago ito nagsalita. Pero hindi nakaligtas sa paningin niya ang pasimple ni
"Seb! No! No! No! Please wake up, love. Wake up, please.... " hagulhol ni Abi at pilit na ginigising si Seb na wala ng buhay. "Abi...Abi... gising bess, binabangungot ka 'ata," wika ni Lyca at pilit na ginigising nang paulit-ulit ang kaibigan niya. Kanina pa kasi niya napapansin na pabalinh-baling ang ulo nito sa kama habang nakapikit ang mga mata. "Beshie, gising na. Hindi maganda 'yang panaginip mo," muli pang saad ni Lyca at pilit na ginigising ang kaibigan. ******** Napdilat naman ng mga mata si Abi nang maramdaman niyang paulit-ulit na may yumuyugyog sa braso niya at pilit siyang ginigising. Bago niya tuluyang imulat ang mga mata narinig pa niya ang boses ng kaibigan niya. "Beshie, gising na. Hindi maganda 'yang panaginip mo," klarong dinig niya sa mga salita. Bumungad sa paningin niya si Lyca na nakatunghay sa kanya at nakangiti. Saka siya napatingin sa sarili niya. Doon niya napansin na nakahiga siya sa hospital bed. "Beshie, si Seb? Wala na si Seb," aniya at napah
"Lord, please save my husband. Huwag niyo po siyang pabayaan, please...." mahigpit na dasal ni Abi, habang hawak nang mahigpit ang kamay ni Seb sa loob ng ambulansya. "Paki-bilisan please!" paki-usap niya sa driver ng ambulance. Mabilis naman na humarurot ang sasakyan patungo sa hospital. Ni hindi na magawang tignan kanina ni Abi si Harry na may tama rin ng bala ng baril. Pero alam niyang naisakay na rin ito sa ambulance at nakasunod lamang sa kanila. Halos panawan siya ng ulirat habang pinagmamasdan si Seb na basang-basa na ng dugo ang suot na damit ng asawa niya. Pagdating sa hospital ay agad na sumalubong ang mga nurses at ilang doctor sa kanila ni Abi. Walang sinayang na sandali at mabilis na dinala si Seb sa emergency room sakay sa strecher. Naiwan naman sa labas ng ER si Abi na umiiyak. Halos hindi na naubos-ubos ang luha niya sa kakaiyak. Sobrang nag-aalala siya para sa kaligtasan ni Seb. Lalo pa at napakaraming dugo ang nawala rito. "Abi, I'm sorry," wika n
"Seb?" "Abi?" Bumuhos ang luha ni Abi nang makita niya ang asawa na dumating para iligtas sila. Mabilis siyang nilapitan ng asawa niya at niyakap nang mahigpit, saka ito nagmamadaling kinalas ang tali sa kamay niya at sa paa. Sunod naman na binalingan ni Seb si Lyca at tinulungan ang babae. "Let's go. Huwag kayong humiwalay sa akin. Sumunod lang kayo sa likod ko, okay?" anito at tumango naman silang dalawa ni Lyca. Patuloy na maririnig ang malalakas na putok ng baril sa pagitan ng mga tauhan ni Seb at ni Sandra. Pero halos maubos na ang mga tauhan ni Sandra dahil kokonti na lang ang mga ito. Idagdag pa na dumating din ang ilang kapulisan para tumulong. "Seb, dito!" sigaw ng isang lalaki na at kumaway sa kanila. Pagtingin niya rito ay nakita niyang si Harry ang sumigaw at kumakaway sa kanila. May hawak din itong baril at nakikipagbarilan sa mga tauhan ni Sandra, habang nakakubli sa sasakyan. Palabas na sila ng abandonadong building at kung kailan malapit na sila kay Ha
Hindi alam ni Abi kung anong oras na ba at hindi siya dinadalaw ng antok. Hindi naman sila makapag-usap ni Lyca dahil parehong may busal ng panyo ang mga bibig nila. Naaawa siya sa kaibigan niya. Pati ito nadamay pa sa paghihiganti ni Sandra na walang basehan. Nababaliw na talaga ang babaeng 'yon! Napatingin si Abi nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang tatlong lalaki na nagtatawanan. May dalang pagkain ang dalawa at ang isa naman ay tubig. Bigla tuloy siyang nauhaw. Kanina pa nanunuyo ang lalamunan niya. Pero wala naman siyang plano na kumain kahit oa nagugutom na siya. Inilagay ng dalawang lalaki ang pagkain sa harap nila ni Lyca. Kung kanina sa upuan sila itinali habang nakaupo, ngayon naman ay sa lapag na. Matapos ilapag ang pagkain ay lumapit ang mga ito sa likod nila at tinanggal ang panyo sa bibig nila. "Kumain na kayo mga miss. Bilin ni madam na pakain raw muna kayo," wika ng isang lalaki na pangit ang mukha. "Tama, kumain daw muna kayo bago niyo salu
"Easy, Mr. Ashford, hindi ko pa papatayin ang asawa mo," rinig niyang sabi ni Sandra sa kausap nito. Alam niyang si Seb ang nasa kabilang linya na kausap ng impostor na babae, kaya bigla siyang nabuhayan ng loob. "Huwag mong sasaktan ang asawa ko, Sandra. Sabihin mo kung ano ang kailangan mo, ibibigay ko," rinig niyang wika ni Seb sa kabilang linya dahil naka loudspeaker ang tawag. "Wala akong kailangan! Ang kailangan ko ay patayin ang babaeng pinakamamahal mo! Kaya kung ako sa 'yo Seb magpaalam ka na sa asawa mo!" galit na sabi ni Sandra saka pinatay ang tawag. "Sandra! No!" narinig pa niyang sigaw ni Seb sa kabilang linya. Malawak na ngumisi ang babae matapos patayin ang tawag. Umayos ito ng tayo at isinuksok nito ang hawak na baril sa likuran habang hindi inaalis ang masamang tingin sa kanya. Pagkatapos ay tinanggal nito ang prosthetics sa mukha. Kaya ngayon kitang-kita na niya ang totoong Sandra dahil wala na ang pagiging impostor nito na kinopya ang mukha ng kaibig
Nagising si Abi dahil sa pangangalay ng ulo niya. At ganun na lang ang pagtataka niya nang mapansin na wala na siya sa sasakyan kundi nasa isang abandonadong building. Madilim sa paligid at wala siyang ibang nakikita. Sinubukan niyang tumayo mula sa kinauupuang upuan, ngunit nagulantang siya nang maramdaman na nakatali ang mga paa niya, at ganun din ang mga kamay niya. Biglang binundol ng kaba ang dibdib ni Abi. Si Lyca? Tama, si Lyca ang kasama niya kanina, pero hindi niya alam kung nasaan na ang kaibigan niya. Jusko sino naman ang may gawa nito! Sinubukan niyang sumigaw para sana tawagin ang kaibigan niya pero hindi niya magawa, dahil may takip ang bibig niya. Muling inalala ni Abi ang nangyare kanina habang nasa byahe sila. Ang kakaibang kilos ng kaibigan niya kanina na pilit niyang winawaksi sa isipan. Ang kakaibang ngiti nito kanina sa kanya bago siya mawalan ng malay tao. Naalala rin niya ang bottled water na pinainom sa kanya kanina ni Lyca. Jusko! Huwag naman sana tam
Akmang tatawagan na sana ni Abi si Seb para magpaalam nang pigilan siya ni Lyca, kaya naman hindi na niya ito itinuloy pa. "Naku, besh baka nasa meeting pa ang asawa mo. Huwag mo na muna siyang isturbuhin. And besides ako naman ang kasama mo, kaya no worries," sabi ni Lyca. Napatango na lamang si Abi at sabay na silang sumakay sa kotse na dala ni Lyca, saka nilisan ang Ashford Corp. "So besh, kamusta naman sila Tita at Lea? Namimiss ko na rin sila," tanong niya sa kaibigan. "Okay naman sila, besh. Maayos naman sila at namimiss ka na rin nila pati na ang mga bata," sagot nito pero nanatiling nakatuon ang paningin sa kalsada. "Pakisabi sa kanila besh, na after kong manganak sa anak namin ni Seb ay uuwe kami roon sa mindoro para magbakasyon. Para na rin makadalaw kami at makapamasyal ang mga bata," nakangiting wika niya na tila excited na sa naisip na plano. "Tama ba ang narinig ko? You're pregnant?" gulat na tanong nito. Binagalan pa nito ang pagmamaneho saka siya sinul