Kanina pa tapos ang tawag ng kaibigan ni Abi na si Lyca, pero nanatili lang siyang nakatulala habang pinagmamasdan ang anak sa crib nito na naglalaro ng laruan.Hindi na nga niya napansin na sa pgkakatulala niya ay nabitawan na pala niya ang kanyang cellphone. Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi sa kanya ni Lyca. Mahal niya si Seb at alam niyang mahal din siya ng asawa.Naniniwala siyang hindi siya kayang lokohin ni Seb. Nangako itong hindi siya nito ipagpapalit sa ibang babae at hindi sasaktan. Hanggat kaya niyang paniwalaan ang puso niya ay ito ang susundin niya. Hanggat wala siyang nakikitang ebidensya ay hindi siya maniniwala.Sumapit ang gabi at hindi pa rin umuuwi si Seb. Tulog na si baby Gavin at nasa loob pa ito ng nursery room nito kasama si Nanay Rosa. Doon niya muna iniiwan ang anak kapag may ginagawa pa siya. Nasa dining area na siya nakaupo at nakaharap sa mga pagkaing nakahain sa lamesa. Nagugutom na siya pero hinihintay pa niya dumating ang asawa niya. Mag alas onse
"Baka maya-maya ay dadating na rin iyon anak," sambit ni nanay Rosa. Tinapik pa siya nito sa braso bago umalis ang matanda at tumungo sa sarili nitong silid. Kinuha ni Abi ang anak at inilipat sa kama. Malaki naman ang kama nila at nakadikit ang kabilang side nito sa wall kaya safe na hindi mahuhulog si baby Gavin kapag itatabi niya ito sa kama. Maingat niyang inilapag ang anak sa malambot na kama. Nilagyan niya ng maraming unan ang gilid ng wall. Nahiga na rin siya sa tabi ng anak. Tumagilid siya paharap dito at itinukod muna ang isang siko para titigan ang anak na payapa nang natutulog. "Thank you, baby sa pagdating mo sa buhay namin, lalong-lalo na sa akin. Binuo at kinompleto mo ang kakulangan ko bilang isang babae. Thank you, dahil sa'yo nararanasan ko ngayon ang maging ina. Sa'yo ako ngayon kumukuha ng lakas ng loob anak," garalgal ang boses na kausap niya sa bata na mahimbing ng natutulog na ngayon sa tabi niya. "Nangilid ang mga luha sa mga mata ni Abi. Ano bang nangyayari
Tuluyan ng pumasok sa loob ng nursery room si Seb. Nagising naman si Abi nang maramdaman niya ang pagdating ni Seb ang presensya nito sa loob ng kwarto. Ang mabangong amoy nito agad na nagkalat sa loob ng silid. Lumundo ang kama sa gilid niya kaya alam niyang umupo sa tabi niya si Seb. Narinig niya ang ilang beses na pagbuntong hininga nito na kay lalim. Pinapakiramdaman na lamang niya ang asawa hanggang sa narinig niyang tumunog ang cellphone nito. Tumayo si Seb at narinig niya ang mga yabag nito na bahagyang lumayo sa kama. "Yes, nasa bahay na ako. Bukas na lang tayo magkita. Anong oras na kaya matulog ka na, okay? I miss you too and I love you too, babe," malambing na turan ni Seb. Mahina ngunit dinig na dinig niya ang mga salitang binigkas nito. Mga salitang halos dumurog ng husto sa puso niya. Kahit nakapikit ang mga mata niya kusang tumulo ang mga luha niya. Umiiyak siya ng palihim at walang maririnig na hikbi kundi isang tahimik na pag iyak lamang. Hindi niya alam
Pababa na ng hagdanan si Abi nang marinig niya ang pag andar ng sasakyan ni Seb. Nang makita niyang palabas na ito ng malaking gate ay saka siya mabilis na bumaba ng hagdanan at tinungo ang sariling sasakyan na nakaparada din sa kanilang garahe. Kaagad siyang sumakay rito at binuhay ang makina. Mabagal ang pagpapatakbo niya sa kotse ng matanaw niya ang sasakyan ng kanyang asawa na palabas pa lang ng subdivision. Dumistansya siya rito habang patuloy na nakabuntot sa likuran ng kotse nito ang kotse niya. "Meeting ba talaga ang dahilan kaya ka nagmamadaling pumasok palagi sa trabaho, Seb?" tanging kausap niya sa kanyang sarili. Malapit na sila sa kompanyang pag-aari ng kanyang asawa nang magpatuloy ito at hindi huminto. "Akala niya may meeting ito pero mukhang ibang meeting ata ang dadaluhan ng asawa niya. Sana nga mali siya." Binagalan niya ang takbo ng sasakayan ng makitang inihinto nito ang kotse sa harap ng isang mamahaling restaurant. Nakita niyang bumaba ang asawa
Pinaandar ni Abi ang dalang sasakyan at nagmaneho palayo sa lugar na iyon. Alam na alam na niya kung bakit pumasok ang dalawa sa hotel na iyon. Kahit nanginginig at nanlalabo ang mga mata dahil sa mga luha ay nagawa niya pa ring magmaneho. Kinuha niya ang cellphone at nag dial sa numero ng kaibigan. Laking pasalamat niya nang sumagot ito kaagad. "Hello, besh?" Dinig niyang boses ni Lyca sa kabilang linya. "Yca," sambit niya sa pangalan nito at hikbi na ang naging kasunod niyon. Ilang saglit na naging tahimik ang kaibigan niya bago niya narinig ang mahabang pagbuntong-hininga nito sa kabilang linya. "Nasaan ka? Pupuntahan kita? Teka, nagmamaneho ka ba Abi?" tanong ng kaibigan niya. Ngunit imbes na sagutin ang tanong nito ay siya naman ang nagbalik tanong sa kaibigan. "Pwede ba tayong magkita ngayon?" garalgal pa rin ang boses niya. "Oo naman, pwede mo akong puntahan dito sa cafe ngayon. Maaga pa naman at wala pang gaanong tao rito," wika ni Lyca sa kanya. Hindi na siya
Pagdating ni Seb sa bahay ay agad niyang nakasalubong si Nay Rosa na paakyat ng hagdanan at may dala dalang mangkok na my umuusok. Nalalanghap niya ang mabangong amoy nito. "Saan nyo po dadalhin yan Nay? At para kanino?" kuryusong tanong ni Seb. "Para ito sa asawa mo anak. Hindi kasi iyon bumaba para maghapunan at kanina pa masakit ang ulo niya. Wala rin daw siyang gana kumain, kaya naman nilutuan ko siya nitong arozcaldo at baka lang magustuhan niya. Para makainom na rin siya ng gamot," wika ni Nay Rosa. Natigilan naman si Seb, dahil sa narinig mula sa matanda. May sakit ang asawa niya. "Ako na ho ang magdadala niyan, Nay," aniya at kinuha sa matanda ang dala nitong tray na agad namang ibinigay sa kanya. Pagpasok ni Seb sa loob ng masters bedroom ay hindi niya nakita roon ang asawa. Wala ito sa loob ng silid nila. Akala niya ba nandito sa taas si Abi at may sakit. Bakit wala ito dito sa kwarto nila? Isa lang ang naisip niya kaya agad siyang nagtungo sa silid ng kanilang
Totoo nga ang sinabi ni Seb na hindi ito pumasok sa kompanya habang masama ang pakiramdam niya. Halos isang linggo din kasing pabalik-balik ang sama ng pakiramdam niya. Lagi din siyang nahihilo at laging pagod. Bago sa kanya ang ganitong pakiramdam, pero isinantabi na lamang niya ito dahil minsan naman ay nagiging okay ang pakiramdam niya. Sinabihan na nga rin siya ng asawa na magpatingin na sa doctor pero umayaw siya. Pakiramdam niya na trauma pa siya nun huling beses na pumunta sila sa doctor. At iyon nga ay ang nalaman nilang baog pala siya at hindi na magkaka-anak. Simula nun kaya para siyang nagkaroon ng takot sa pagpapa check up.Kasalukuyan naman ngayong nasa mini office si Seb dito sa loob ng bahay nila. May inaayos lang daw itong mga dokumento sa opisina para wala itong masaydong alalahanin kapag nasa bakasyon sila.Ngayon nga ay busy rin siya sa pag-iimpake ng mga gamit nila. Bukas na kasi ang alis nila papuntang palawan para sa dalawang linggo nilang bakasyon. Ibig sabihin
"Wife, let's go. We're ready," sigaw ni Seb sa asawang si Abi. Nasa baba na kasi sila ng anak na si baby Gavin at hinihintay na lang siya ng mga ito. "Yes, hubby, coming," ganting sigaw niya rito. Ang sabi ni Seb ay maglalakad-lakad daw sila sa gilid ng dalampasigan kasi malamig na ang temperatura at tamang-tama na maglakad-lakad sila at maliligo na rin sa malinaw na tubig sa dagat. Napangisi si Abi nang makita niya ang reaksyon ni Seb na nakatulala habang titig na titig sa kanya. Bakit? Nakasuot lang naman siya ng ternong white bikini na pinatungan niya ng see through cover up open front kimono cardigan. "Perfect, you're so beautiful and sexy, love," sambit ni na sinusuyod pa rin ng tingin ang kabuuan niya. Nagdiwang ang loob ni Abi buhat sa narinig na sinabi ni Seb. "Dapat lang Seb, dapat ako lang ang maganda sa paningin mo para hindi mo na maisip ang babaeng pilit kang inaagaw sa akin," piping sigaw ng isip ni Abi. "Shall we?" untag niya sa asawa na tila na magnet na 'a
Kinabukasan ay maaga pa ring nagising si Sofie kahit na madaling araw na siyang nakatulog. Puyat at inaantok pa siya at gusto pa sana niyang humilata sa higaan niya pero kailangan na niyang bumangon. Inayos na muna niya ang higaan at saka siya pumasok sa loob ng banyo para maligo. Gaya noong mga nakaraang araw ay nagigising siyang basa ng pawis dahil sa init. Pero ngayon mukang nasanay na rin siya. Siguro nga dapat lang na masanay siya sa ganitong buhay, alam niya na pagsubok lang ito at darating ang araw na magbabago rin ang lahat. Pagkatapos niyang maligo ay nagbihis na lamang siya ng puting sando at cycling shorts. Mamaya na siya magbihis ng school uniform after niyang magluto at mag almusal. Napabuntong hininga muna siya bago lumabas ng kanyang silid. Nakabalot pa ng tuwalya ang buhok niyang basa. This is it Sofie, kaya mo 'to! Pagpapalakas niya sa sarili. Dumaan siya sa sala para silipin si Vaden kung tulog pa ba o gising na, pero hindi niya ito nakita sa upuan kun
Halos mabingi si Sofie sa lakas ng kalabog ng dibdib niya nang huminto sa tapat niya si Vaden. Paano siya hindi kakabahan sa takot kung halos naninigkit ang mga mata nito sa galit. Simula nang ikasal sila ni hindi na ito nakangiti man lang at puro galit ang nakikita niya. Napayuko siya dahil hindi niya kayang labanan ang matalim nitong mga titig. Akmang iiwasan na sana niya ito para dumeretso sa kusina nang bigla nitong hawakan ang kaliwang braso niya. "Saan ka pupunta, huh?" galit na tanong nito. Napangiwi pa siya dahil medyo mahigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya. "S-Sa k-kusina," nauutal niyang sagot. Totoo naman kasi na sa kusina siya pupunta dahil ihahatid niya itong mga pinamili niyang grocery. Pero bigla siya nitong hinarangan at hinigit sa braso. "Alam mo ba kung bakit bumalik ako, ha?" anito. Umiiling-iling siya ng ulo. "Iniwan na ako ni Theanna, Sofie. Umalis siya na hindi man lang sinasabi sa akin kung nasaan siya. Hindi niya sinasagot ang mga
"Oh siya ano na Sofie? Magkwento ka kung bakit sabay kayo kanina ni prof na dumating at sa kotse ka pa niya nakasakay," pangungulit ni Myles. Lunch time ngayon at nasa canteen sila para kumain. Saktong sumusubo siya ng pagkain nang magtanong si Myles sa kanya. Tinapos muna niya ang pagnguya bago sumagot. "Pwede bang kumain na muna tayo?" aniya sa dalawa na hindi makapaghintay. Bigla namang pumalakpak ng kamay si Myles habang nakasimangot kay Sofie. "Ang sabi mo kanina pag lunch break magkukwento ka, tz ngayon lunch break na ayaw mo pa rin magkwento. Huwag kang madaya Sofie," himutok nito kaya natawa siya sa kaibigan. Si Ally naman tahimik lang sa gilid habang kumakain pero nakikinig naman sa usapan nila. "Okay," sagot ni Sofie at uminom muna ng tubig. Magkukwento na lang siya dahil hindi titigil itong dalawa hanggat hindi siya nagsasalita. "Nagkasabay kami ni prof sa elevator kanina at nagkagulatan kami nang makilala ang isa't-isa. Doon din pala siya nakatira sa
Laglag ang balikat na pinanood na lamang ni Sofie ang papalayong likod ng asawa niya hanggang sa tuluyan na itong naglaho sa paningin niya. Nagtungo na lang siya sa kitchen at doon kumain ng mag-isa. Ang lungkot ng buhay may asawa niya. Ganito pala ang feeling kapag hindi ka mahal ng taong mahal mo. Dahil sa lungkot ay mabagal na kumain si Sofie. Ni hindi niya namalayan na inabot na ata siya nang mahigit isang oras sa dining table. Naparami ang kain niya pero parang hindi man lang siya nabusog. Dinala niya sa kitchen sink ang pinagkainan niya at sinimulang hugasan ang mga ito. Nang matapos niya ang ginagaws ay bumalik naman siya sa sarili niyang silid para maligo. Mabilis siyang nagbihis ng school uniform niya, mabuti na lang at may steamer iron dito sa condo kaya hindi siya nahirapan na plantsahin ang uniform niya. Kailangan na talaga niyang matuto sa mga bagay-bagay sa buhay may asawa. Tama si Vaden wala na siya sa mansion nila para mag buhay prinsesa. Humarap siya sa
"Hey, wake up brat!" Isang maingay na boses ang gumising sa natutulog pang diwa ni Sofie, dinig na dinig niya ang pagtawag nito sa kanya na brat sa labas ng pinto habang kumakalampag ng katok. Nasasaktan siya kapag tinatawag siya ni Vaden ng brat, pero anong magagawa niya? Galit ito sa kanya dahil sa ginawa niya. Ang aga-aga pero pinapasakit ng lalaking to ang puso niya. Para makaganti ay hinayaan niya ito at pinanindigan na natutulog pa siya. Pasimple niyang sinilip ang oras at nakita na 4:30 am pa lang naman pala ng umaga pero gising na ang palalabs niya. Haistt. Para naman itong matanda na ang aga gumising. "Sofie, gumising ka na at tanghali na!" muling sigaw ni Vaden. Shit! Ang ingay ng lalaking to! Di ba nito alam na madaling araw na rin siya nakatulog dahil sa sobrang init sa loob ng kwarto niya. Wlaang aircon, walang electricfan. Kaya naman ang ginawa niya ay nakatatlong paligo siya sa loob nang maliit na banyo. Pabaling-baling siya sa higaan dahil sa sobrang init
Laking gulat ni Sofie nang pagharap niya ay isang lalaki ang bumungad sa paningin niya. "K-Kuya Vaden!" gulat na sambit niya. Titig na titig pa siya sa mukha nito di na para bang sinisigurado kung ito nga ang kaharap niya. "Who's that man?" malamig na tanong nito sa kanya. Wala man lang talaga kangiti-ngiti sa mukha ng lalaking ito. Lagi na lang seryoso sa buhay. "Hey, are you deaf?" untag nito sa kanya nang hindi siya sumagot. "Ang sabi ko sino ang lalaking 'yon?" ulit pa nito sa tanong kanina at ginawa pang tagalog na para bang iniisip nito na di siya marunong mag english.Actually narinig naman niya kanina ang tanong pero masyado itong atat at di makapaghintay sa sagot niya. "S-Si Kurt, kaklase ko siya. Hinatid niya ako kasi nasiraan ng gulong kanina ang driver ko kaya hindi ako nasundo sa school. "But don't worry, mabait naman siya, nanliligaw nga 'yon sa akin," nakangiti pa niyang dagdag, huli na niya napansin ang huling saitang binitawan niya. Kitang-kita niya ang pagsalubo
"Sofie, bakit late ka? Saka bakit namamaga iyang mga mata mo? Umiyak ka ba?" sunod-sunod na tanong ni Ally sa kanya habang naglalakad sila papunta sa next subject nila na business research. Wala siya sa mood makipag-usap dahil lumulutang ang isip niya. Kahapon single pa siya ngayon may asawa na siya. At hindi na siya uuwe sa mansion kundi sa condo na ni kuya Vaden niya. "Guy's ano ang feeling kapag ikinasal ka bigla?" walang gana na tanong niya sa dalawang kaibigan. "What!?" sabay-sabay pang bulalas ng mga ito. "Uulitin ko pa ba? Eh mukang narinig nyo naman na eh," irap niya sa mga kaibigan. "Teka lang, kasal ba kamo? Bakit mo naman naitanong? Ikinasal ka na ba?" kunot noong tanong ni Myles. Kagat labi siya sabay tango na siyang ikinabilog ng mga bunganga ng dalawa niyang kaibigan. "Kanino? Kay Kurt?" tanong ni Ally. "Ang tanong sinong Kurt? Eh dalawa ang Kurt. Kurt Michael o si prof Kurt Benevidez?" napapaisip na tanong ni Myles. Goshhh, wala ba talagang ide
Panay ang punas ng kamay niya sa mga luhang patuloy na dumadaloy sa pisngi. Pinagtitinginan na siya halos ng mga empleyadong madadaanan niya pero wala siyang pakialam. Ngayon niya inilabas ang sakit sa puso na nararamdaman niya ngayon. Nagmamahal lang naman siya pero bakit ganito kasakit. Kung alam lang niya na ganito pala, sana hindi na niya sinubukan. Paglabas niya ng building ay naroon na kagaad ang kotse ng daddy niya at hinihintay siya. Mabilis siyang pinagbuksan ng pinto ng sasakyan ng driver kaya agad siyang sumakay sa back seat. Seryosong mukha ng daddy niya ang bumungad sa kanya pagpasok niya sa loob ng sasakyan. Alam niyang galit ito sa kanya dahil sa kalokohan niya pero kailangan pa rin niyang humingi ng sorry rito. "D-Dad.... Daddy, I'm sorry," humihikbing sambit niya habang nakatingin sa daddy niya. Hindi sumagot ang ama niya pero malinaw niyang naririnig ang malalim nitong pagbuntong hininga. Ilang segundo pang katahimikan ang dumaan bago ito humarap sa
Kinagat-kagat pa nito ang ibabang labi niya kaya nakaramdam siya ng sakit. Hanggang sa nalasahan niya ang lasang dugo. Marahil nasugatan ang kanyang labi sa paraan ng paghalik ni Vaden sa kanya. Tahimik na tumulo ang luha niya dahil sa ginagawa nito sa kanya. Ito ang gusto niya pero hindi sa ganitong paraan. Halos kapusin na siya ng hininga kaya naman buong pwersa niya sana itong itutulak nang biglang bumukas ang pinto ng opisina. Sabay silang napalingon ni Vaden dito matapos maghiwalay ang mga labi nila. At ganun na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita ang nakakunot na noo ng daddy niya. Pati na ng tito Vince niya. Ang daddy ni Vaden. "Dad!" sambit niya sa daddy niya na ngayon ay madilim na ang mukhang nakatitig sa kanila ni Vaden. Mabilis naman na umalis si Vaden na halos nakadapa na sa ibabaw niya at lumayo sa kanya. "Ano'ng ginagawa niyong dalawa?" madalim ang mukha na tanong ng daddy Seb ni Sofie. "Ikaw Sofie, sinabi mong dadaan ka lang dito at may ibibigay