Taming The Bad Bitch

Taming The Bad Bitch

last updateLast Updated : 2023-12-18
By:   LovieNot  Completed
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
5 ratings. 5 reviews
45Chapters
4.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

GUIECO CLAN SERIES 4 Betrayed by her close friend, who cast her as the villain in her own tragic tale, Beatrice, once perceived as weak and fragile, underwent a transformation into a cold-hearted woman. Driven by a thirst for revenge and satisfaction, she intentionally provoked women around her, hoping to shatter them like glass, and even flirted with men in relationships to prove that loyalty didn't exist in men's vocabulary. From an innocent teen to an untouchable woman, her infamous game knew no boundaries. Everything took a turn when she encountered Lovimer Guieco, a handsome, goofy secret agent with the mission to tame her and kindle love within her. Will the man succeed in capturing her numb and wounded heart, or will he become just another victim of her formidable, bad bitch persona?

View More

Latest chapter

Free Preview

CHAPTER 1- TARGET AND WITNESS

TAMING THE BAD BITCHGUIECO CLAN SERIES #4•••— BEATRICE SOLOMON POV—•••"Uhm, Ma'am Beatrice?" patanong na sabi ng lalaking guard na siyang taga-suri na ticket sa entrance ng Six Qs Auditorium. "Yes, that's me," pangungumpirma ko pa. "Darling," dagdag ko pa. Sinabi ko iyon sa walang boses na lumabas sa aking bibig. Sigurado naman akong nabasa nito ang buka ng aking bibig dahil saglit pa itong napatulala sa akin. Ngumiti pa ako nang matamis sa lalaki. Nasaksihan ko kung paano ito napalunok. "Pwede ba akong pumasok?" "P-Puwedeng-puwede na p-po," nakangiti nitong sabi at nagkandautal pa. "Remember my name, hmmm?" sabi ko pa sa malambing na boses sabay tapik sa braso nito. Malakas ang loob kong gawin iyon dahil wala namang nakasunod na sa akin. Sinadya ko talagang magpahuli. Namula naman ang mukha nito. "Y-Yes... I will, Ma'am Beatrice." Tsk. So fragile. Ngumiti na lang din uli ako at humakbang na papasok. Katamtamang liwanag ang sumalubong sa akin. Hindi pa man nagsisimula ang par...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Michelle Boragay A
excited sa story nila JINRO GUIECO AND GABRIELLA PERRER
2024-08-18 01:53:50
1
user avatar
Drei de Dios
this story deserve more reads! it was well-written and great. worth a read!
2024-03-30 23:59:27
1
user avatar
noowege
Highly recommended sobrang ganda ng story! love it ...️...️...️...️...️...️
2024-01-11 21:14:58
1
user avatar
Lehcir Ocsalev Obmiuq
sana may LC series 3 na
2023-12-14 22:40:33
1
user avatar
LovieNot
Thank you for supporting my stories! 🩷...
2023-12-09 09:48:32
0
45 Chapters
CHAPTER 1- TARGET AND WITNESS
TAMING THE BAD BITCHGUIECO CLAN SERIES #4•••— BEATRICE SOLOMON POV—•••"Uhm, Ma'am Beatrice?" patanong na sabi ng lalaking guard na siyang taga-suri na ticket sa entrance ng Six Qs Auditorium. "Yes, that's me," pangungumpirma ko pa. "Darling," dagdag ko pa. Sinabi ko iyon sa walang boses na lumabas sa aking bibig. Sigurado naman akong nabasa nito ang buka ng aking bibig dahil saglit pa itong napatulala sa akin. Ngumiti pa ako nang matamis sa lalaki. Nasaksihan ko kung paano ito napalunok. "Pwede ba akong pumasok?" "P-Puwedeng-puwede na p-po," nakangiti nitong sabi at nagkandautal pa. "Remember my name, hmmm?" sabi ko pa sa malambing na boses sabay tapik sa braso nito. Malakas ang loob kong gawin iyon dahil wala namang nakasunod na sa akin. Sinadya ko talagang magpahuli. Namula naman ang mukha nito. "Y-Yes... I will, Ma'am Beatrice." Tsk. So fragile. Ngumiti na lang din uli ako at humakbang na papasok. Katamtamang liwanag ang sumalubong sa akin. Hindi pa man nagsisimula ang par
last updateLast Updated : 2023-11-25
Read more
CHAPTER 2- SPECTRUM OF TRUTH
"It seems you enjoyed testing the dirty water, huh?" kaagad na komento ni Ynna nang makauwi na ako. "Lovimer Guieco is kinda hot, isn't he? Magkakilala kayo?" sunod-sunod nitong tanong. Nanunukso pa ang tono ng pananalita ng bruha."We've met once, I guess?" walang gana kong sabi. "Once? Kailan 'yon?""High school pa.""Tapos natatandaan niyo pa ang isa't-isa? Oh, ibang level, ha?" Nanunukso na naman ito. Napairap na lang ako. Hindi ko talaga kinakaya ang pagiging delulu nito. "Pinsan siya ng lalaking crush na crush ko dati kaya siguro natatandaan ko pa rin siya. May similarities din sila. Hindi maganda ang interaction namin noon.""Wait. Crush na crush? Ashmer Guieco ba ang tinutukoy mo?" Tumango naman ako. "May iba pa ba?""Asus. Hindi mo naman crush na crush si Ashmer. Biktima lang talaga ng pagiging bitter mo ang girlfriend ng lalaking iyon. Sino nga ba 'yon? Marciella Perrer?"Napangiwi naman ako. "Biktima? Grabi ka naman sa akin.""Totoo naman. Bully ka dati. Well, hanggang n
last updateLast Updated : 2023-11-29
Read more
CHAPTER 3-DEAL
Napapitlag ako nang tumunog ang aking cellphone. Kaagad kong binasa ang text nang makita kong galing iyon kay Froizel.FROM FROIZEL:Ito ang contact number ni Lovimer Guieco.Napangisi ako nang makita ang number. Kaagad kong nai-save iyon. Lumabas na muna ako ng control room namin at pumasok ng kwarto. Pabagsak akong nahiga sa kama at nakangising nag-type ng message.TO: LOVIMER GUIECOHEY! WANNA HANG OUT WITH ME? MEET ME AT LC COFFEE SHOP— WEST TOMORROW @ 5:00 A.M. Walang pagdadalawang isip na pinindot ko ang send button. Nasanay talaga akong caps lock ang typing ko sa text or chat. Mas komportable ako sa gano'n. Hinintay ko ang reply nito. Halos ten minutes din siguro akong nakatitig sa screen ng cellphone ko.FROM LOVIMER GUIECO:Cha? Ikaw ba 'to? New number mo?Cha?! So, confirmed nga? May something nga sa kanila ng superstar na 'yon?!Nag-isip pa muna ako nang isasagot bago nag-reply uli. TO LOVIMER GUIECO:BUSY KA BA? AVAILABLE KA BA TOMORROW?Wala pang isang minuto ay may r
last updateLast Updated : 2023-11-29
Read more
CHAPTER 4- FRIENDS
"Anong gagawin mo ngayon?" usisa sa akin ni Ynna sabay siniringan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Pupunta sa fan meeting ng YB," direktang sabi ko naman. Mukhang hindi naman nito alam kung ang kaibahan ng katotohanan at isang biro lang. Napaawang pa ang bibig nito at nanghuhusga ang tingin na ibinigay sa akin."What? Where? I mean, alam nating pareho na sa ating dalawa ay ako ang avid fan ng YB, hindi ba?""Tsaka mo na tawaging avid fan ka nila kung present ka sa lahat ng show at fan meet nila," pambabara ko naman at inayos ang pagkakalugay ng damit ko. "Kilala mo na ba lahat ng members ng YB?" nanghahamong tanong pa nito sa akin."Kilala ko si XJ at Lovimer.""Hindi lang sila ang members.""I don't care, Ynna. Hindi naman required na kilalanin silang lahat, eh." Napangisi pa ako at tinaasan ito ng kilay. Bago pa ako makapagsalita uli ay narinig namin pareho ang doorbell. "May bisita ka ba?" usisa nito."Yes," tipid kong sabi. "Sino?" "Ex-crush mo," nanunudyo ko pang sabi
last updateLast Updated : 2023-12-03
Read more
CHAPTER 5- HONEY
"Lovimer Guieco! Nandito ka lang palang haduf ka!" malakas kong sabi. Halatang nagulat pa siya sa biglaang pagsulpot ko. Masyadong halata na iniiwasan niya ako. "Bakit nandito ka?" asik niya naman sa akin na para bang may kasalanan akong nagawa samantalang siya nga itong malaking atraso sa akin. Tinaasan ko nga ng kilay. "Baka dahil may paa ako para makapunta dito?" sarkastikong sagot ko naman. "Hindi mo ba narinig? Bawal na nga raw kitang lapitan sabi ng pinsan mong over acting! Huwag mo na nga rin akong lalapitan!" nakanguso pang saad ng lalaking nuknukan ng kadramahan sa katawan. Napagalitan na naman siguro siya ni Froizel. Deserve niya naman, eh. "Pinsan mo? Parang hindi mo naman din pinsan si Froizel, ha?" bwelta ko naman. Kanina ko pa nga rin siya hinahanap sa camp pero hindi ko matagpuan. Nandito lang pala siya dito sa park at prenteng nakaupo sa bench. Hinablot ko naman ang earphones niya para mas magkarinigan kami. "Ouch. H-Huwag mo akong yugyogin at mahihimatay na tala
last updateLast Updated : 2023-12-06
Read more
CHAPTER 6- QUITE CLOSE
"Mer! Ano ba?!" naiinis kong tawag sa kanya. Talagang hindi man lang ako hinintay. "Isa!" dagdag ko pa.Tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad. May nadaanan akong sweet couple. Napansin ko kung paano ako suyurin ng tingin ng lalaki. Gusto ko itong samaan ng tingin pero sa halip ay tumigil ako sa harap nila at ngumiti. "Hi, what's your name? Ang gwapo mo naman po," puri ko sa lalaki sabay kindat. Nanilim naman ang mukha ng babae.Kinagat ko pa ang lower lip ko. Nilandi ko ito sa harap ng girlfriend niya. He must taste his own medicine. Masyado pa silang sweet, ibig sabihin ay bago pa lang sila. Makakapag-move on ang babae at makakahanap ng mas better at mas loyal. "I'm Jhon," pakilala din nito na may kislap sa mga mata. Haduf talaga ang mga lalaki. Konting landi lang ng mga magagandang babae ay pumapatol agad. Kawawa naman itong kasama siyang babaeng madilim na ang mukha habang nakatingin sa akin.Bakit parang kasalanan ko lang? Bakit hindi niya muna i-interpret ang behavior ng jowa niy
last updateLast Updated : 2023-12-06
Read more
CHAPTER 7- MAD GUIECO
Tahimik na pumasok ako sa DH. As usual ay halos lahat ng kababaihan dito ay ilag sa akin. Magandang bagay nga rin iyon para sa akin dahil hindi ko rin gusto na mapalapit sa kanila. Okay na ako sa isang kaibigan ngunit tunay naman at si Kenshane iyon. At si Lovimer. "Hep! Bitch, what's the password?" salubong sa akin ni Gabriella. Napanunot-noo naman ako. Sinasaltik na naman ito. Heto na naman at magsisimula na naman ng kalokohan tapos mamaya ay mapipikon. Sa bandang huli ay ako na naman ang masama. "Bitch?! Don't call her by that nickname, Silang!" bulyaw na lang bigla ni Kenshane. Halatang wala na naman ito sa mood kaya may madadamay na naman sa pagkabadtrip nito."Ayaw mong tawagin kong Bitch si Beatrice pero tinawag mo akong Silang? Ayos ka rin, 'no? Sino ba ang mas nauna mong naging kaibigan, ha?"Hindi naman nakaimik si Kenshane. Gusto kong matawa na lang.Selosa talaga ang Silang na ito. "Anong password?" asik ko sabay taas ng kilay para awating silang dalawa. Baka mamaya a
last updateLast Updated : 2023-12-06
Read more
CHAPTER 8- DISAPPOINTMENT
"Ako lang ang may karapatang manghalik sa 'yo. Tandaan mo 'yan, honey babe," bulong niya pa sa akin. Napakurap-kurap naman ako dahil sa sinabi niyang iyon."Kapag pinagsasalitaan kita ng masasama ay magalit ka naman. Hindi iyong parang wala lang sa 'yo, nakakapikon ka lalo. Don't be afraid to show your real emotions to me, Trice. Show your real self to me."Halos bulong na lang ang ginagawa niya dahil sa sobrang lapit pa rin ng mukha namin sa isa't-isa.Napahawak na naman ako sa braso niya nang dampian niya ng magaang halik ang labi ko. Shit! Bakit ba nanlalambot ako? Malandi naman ako ah pero bakit iba ang epekto niya sa sistema ko? Pinalandas niya ang kanyang daliri mula noo hanggang labi ko at saka pinakatitigan iyon ng mataman. "I own what I've tasted. Huwag kang magkakamaling magpahalik sa iba. Hindi mo gugustuhing makita kung paano ako magalit nang totoo, Beatrice," may halong banta niyang saad. Pakiramdam ko ay lulubog na talaga ako sa aking kinatatayuan. Nanatili siyang n
last updateLast Updated : 2023-12-06
Read more
CHAPTER 9- AFRAID OF
"Let's go," untag ko sa kanya nang makalabas na ako. Ayaw kong magpatalo sa kaniya sa pamamagitan ng pagtampo-tampo. Kahit na masama ang loob ko sa kaniya ay pipilitin kong harapin siya nang maayos. Titig na titig naman siya sa suot kong off-shoulder dress. Dalawang klase ng kulay ng dress lang naman ang meron ako. Puti at itim . Ngayon ay puti ang suot ko dahil umaga naman, eh."Bakit? Ayaw mo ba sa suot ko? I can change...""Don't change just because I asked you to," masungit niyang saad at saka nagpatiuna na. Napakurap-kurap pa ako bago sumunod sa kanya."Oh! May lakad ka?" usisa ni Kendra sa kanya. Nakasalubong namin ito sa gate."Yes, baby girl," nakangiti niyang sagot sa kanyang kapatid. "Kuya naman! Hindi na ako baby girl, 'no? Suntukin kita diyan eh, makita mo talaga," maktol ng isa.Tumawa naman siya 'tsaka bahagyang ginulo ang buhok ng kapatid."Matapang ka lang pero baby girl ka pa rin ng kuya. Kahit mag-asawa at magka-anak ka na, baby pa rin kita."Kahit halatang naiin
last updateLast Updated : 2023-12-07
Read more
CHAPTER 10- HARD TO TAME
Hindi ko iyon tinanggap, sa halip pilit na ngiti lang ang iginanti ko. Sa galawan pa lang kasi nito, alam ko ng playboy ito at hindi lang basta gano'n. Magaling itong magpaikot ng mga babae. Sa galaw at pananalita pa lang ay alam ko na kung saang uri ng lalaki ito napapabilang. "Hello, Shawn," simple kong sagot. Unti-unti na lang nitong ibinaba ang kanyang kamay. Tumawa naman iyong dalawa pang kasamahan nila. "I'm Wyndelle.""Xandreik Jhon.""Sathorn here.""Have a seat, Miss," singit na naman ni Shawn. Trip talaga ako nito, ha? Papansin, eh. Sa tinagal-tagal kong naging malandi ay talagang kabisado ko na ang bawat galawan ng mga lalaki. Oh well, except pala sa pangit na nasa tabi ko ngayon. Hindi ko masisid ang pagkatao niya eh."Thank you."Tahimik na umupo naman ako sa tabi ni Lovimer. Naramdaman ko pa ang kamay niyang bahagyang pumulupot sa bewang ko mula sa likuran. Siniko ko ito. Tumawa lang siya nang mahina. Nilalandi din ba ako ng pangit na ito?May pumasok naman na baba
last updateLast Updated : 2023-12-07
Read more
DMCA.com Protection Status