Living With My Husband's Mistress

Living With My Husband's Mistress

last updateLast Updated : 2024-08-06
By:  Darn MaligayaCompleted
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
9
2 ratings. 2 reviews
78Chapters
19.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Maayos ang paghihiwalay ng mag asawang Jamie Rodrigo at Lance Rodrigo, ngunit sa isang pangyayari nagkatagpo muli ang kanilang landas at nagkalapit muli ang kanilang loob, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon. Nabuntis ni Lance Rodrigo ang kaniyang dating asawa na si Jamie Rodrigo habang may kinakasama na siyang iba.

View More

Chapter 1

Chapter one

Chapter one

JAMIE

Sobrang dami ng tao ngayon sa eatery ko, naakatuwang pagmasdan pero nakakapagod, sulit ang pagod tuwing ganito karami ang pumupunta, long weekend kasi kaya napakaraming dumadaan na turista, may malapit na magandang pasyalan dito sa amin kaya napakamabenta ng kainan ko ngayon lalo tanghalian na.

“Ate Jam malapit na maluto ‘yon sinaing, siguradong marami pang kakain mamaya.”

“Magdagdag pa kayo pagkaluto n’on.” 

“Opo.”

May tatlo akong kasama dito sa kainan ko, hindi ko rin naman kakayanin kung mag isa ko lang, ako kase yung nandito sa kaha kaya palagi akong abala lalo at kailangan kong maging alerto sa mga taong mapansamantala.

Ang hirap masalisihan baka may hindi magbayad, may mga ganung klaseng tao kase ‘yon bang eat and run na tinatawag, nakakalimutan na magbayad, sa sobrang sarap ng luto ko akala nila nasa bahay lang sila tapos aalis na agad pagkatpos kumain.

Marami na akong naencounter na ganiyan simula ng nagpatayo ako ng kainan, wala naman kase akong maapplyan na maayos na trabaho dito sa aming lugar, kung meron man abusado naman ang boss o kaya yung over time ko thank you lang, edi mas mabuting magpagod sa negosyo atleast kumikita pa.

Maaga kaming nag-uumpisa

dahil may pang almusal din kaming tinda, iba rin ‘yong pangtanghalian namin na paninda, hindi na kami umaabot ng gabihan dahil ayaw ko naman abusuhin ang mga tauhan ko. Alas tres palang pinapauwi ko na sila depende kung wala ng kumakain.

Ilang taon na rin akong nagtitinda dito, minahal ko na ang negosyo ko, maayos naman ang takbo ng pera para sa akin, sakto lang para sa akin, may naiipon pa paunti unti kahit hindi gaanong kalakihan.

Hinihintay na lang namin matapos yung mga natirang kumakain upang makapagligpit na kami ng maayos at makauwi na.

‘Yon ngang bahay ko walking distance lang dito, gan’on din ang mga kasamahan ko, nangungupahan ako, wala akong sariling bahay pero kaya naman ng budget ko, mabait naman ‘yong may ari ng inuupahan ko.

Mabuti naman at nakahanap ako ng malilipatan ko simula ng naghiwalay kami ng asawa kong si Lance, hindi ko alam kung paano humantong sa ganun ang pagsasama namin pero masaya naman na ako ngayon, payapa ang isipan ko walang inaalala na kahit ano kung hindi ang sarili ko na lang.

Maaga akong kinasal kay Lance dahil naging magkasintahan kami simula noong nag aaral kami ng high school, magkalapit lang kami ng bahay noon sa probinsya, hanggang college magkarelasyon kami, dalawang taon lang ang tinapos kong kurso habang siya at apat na taon. 

Nakahanap siya ng maayos na trabaho at naging maayos parin naman ang relasyon namin noong unang taon ng aming pagsasama, ngunit ng tumagal na ang daming pasubok sa buhay namin lalo at inaassign siya sa malalayong lugar at minsan sa ibang bansa pa, matalino kase si Lance kaya naman siya ang paborito ng boss niyang isama tuwing mag out of the country siya, nagtrabaho din naman ako para malibang noon kaso mas lumala ang hindi namin pakakaintindihan kaya humantong sa hiwalayan.

Maayos naman kaming nag usap, kaso hindi kami legally separated, kasal parin kami sa papel. Walang annulment na nangyari pero nakapag usap kami ng maayos na walang pakealamanan kung magkaroon ng karelasyon ang isa sa amin, ano namang pake ko doon kung sakali, hay nako.

Wala na nga akong balita sa kaniya dahil pinutol ko na ang ugnayan naming dalawa sa isat isa ang hirap naman na mangealam pa sa lalaking iyon dahil napakamapride, ang dami talaga naming hindi pagkakaunawaan noon, siguro dahil pareho kaming nagtatrabaho at pagod tuwing nagkikita kami.

Walang third party na nangyari, parehong malinis record namin pagdating sa pangangaliwa noong nagsasama pa kami, yun nga lang hindi ko alam kung may kinakasama na siya ngayon, ako kase? Narauma na ayaw ko ng umibig pa, ayaw ko na magmahal muli ng lalake, sa umpisa lang magaling, sa umpisa lang mabait, sa umpisa ka lang niya pagbibigyan at ituturing na prinsesa kaso kapag nagtagal na doon palang niya ipapakita ang tunay niyang ugali.

Hindi ko talaga sukat akalain na magkakahiwalay kami ni Lance, basta ang hirap talaga ng walang bigayan at pagkakaunwaan sa relasyon, manghihinayang ka na lang dahil sa tagal ng pagsasama namin, kapag nagsama na pala sa iisang bubong tsaka lang masusukat ang tatag namin bilang mag asawa kaso noong sumuko ako hinayaan na niya ako, pareho kaming napagod kakaintindi sa isat isa.

Bakit ko ba inaalala si Lance? Bigla ko nanaman siyang naalala ang tagal tagal na nga ng panahon na lumipas tapos siya parin ang inaalala ko.

Kapag mag isa kase ako at ganitong patulog na ako hindi ko maiwasang hindi mag isip ng tungkol sa nakaraan, lalo na yung tungkol sa dati kong asawa, wala na nga kaming pakealam sa isat isa tapos siya pa halos iniisip ko ngayon.

Kinabukasan, kagaya ng dati kong nakagawian nagising ako ng maaga kahit pinuyat ako ng sarili kong isipan, maaga akong nagluluto at naghahanda sa karinderya ko, bakit ang bigat ng pakiramdam ko ngayon? dahil ba sa puyat? Dahil bas a magkakalagnat ako? Pero hindi naman ako mainit?

Siguro nga kulang at bitin lamang ako sa pahinga.

Maaga palang pero may mga naghihintay na sa amin, mga suki namin kung tawagin, nakakatuwa dahil hindi kami nauubusan ng customer umulan man o umaraw.

Kaya palagi akong ginaganahan dahil alam kong may mga customer na nagaabang sa pagbubukas ko, syempre habang nagpapahinga at nagbabantay dito g mga customer ay binuksan ko yung TV sa gilid ko malapit dito sa kinauupuan ko upang makapanuod ng balita, tuwing umaga kase yan ang inaabangan ng mga customer ko at ng mga taong bumibili sa amin lalo at maraming mga tricycle driver ang napapadaan dito sa kainan ko.

Habang nagbibilang ng sukli ay napatigil ako dahil biglang nabanggit sa balita ang pangalan ng dati kong asawa na si Lance.

Napatingin ako sa telebisyon at nanuod ng balita, tungkol sa kaniya ang binabalita, napakasuccessful na niya ngayon at hindi ko akalain na isa na siyang business man, sikat na sikat siya sa ibang bansa at maski dito.

Napakayaman niya.

Hindi ko akalain na yung dati kong asawa naging ganiyan kayaman, kung sabagay napakasipag naman talaga niya sa trabaho at napakatalino.

Hindi alam ng mga kasama ko dito kung sino ang asawa ko, pero alam nilang hiwalay ako sa asawa, kaya naman hindi nila alam na nasa telebisyon ngayon ang dati kong asawa.

“Miss yung sukli ko?” 

“Ay! Sorry po pasensya na, heto na po, maraming salamat.” Maski yung susuklian ko nawala na sa isipan ko dahil sa pinapanuod kong balita.

Ano ba naman to nawala na ako sa focus ng makita ko si Lance sa telebisyon, ang bilis ng panahon, hindi ko na siya maabot. Ang yaman na niya at ang successful, kung sabagay wala naman siyang ginawang kalokohan noon, hindi naman niya ako pinagpalit sa ibang babae at never ko siyang kinakitaan ng panloloko, kahit ganun may mga bagay talaga na hindi namin pinagkakasunduan, kaya kami naghiwalay.

Hindi naman ako nagsisisi atleast alam kong naging successful siya at masaya naman ako sa kung anong meron ako ngayon, masaya kaming pareho sa pinili naming landas, masyado lang kaming immature noon kaya padalos dalos sa pagdedesisyon, pataasan ng pride lalo at parehong pagod.

Nawawala ako sa focus ngayon ah, hindi ko inasahan ang makikita ko at mababalitaan, hindi ko naman kase pinapakealaman ang buhay n ani Lance, wala na kaming ugnayan sa isat isa kaya nabigla ako sa balita kanina pero masaya naman ako para sa kaniya.

“Ate bakit tulala ka diyan?”

“Ah wala to, puyat lang kagabi.” Sagot ko.

“Nako ate, wala ka na ngang katabi napuyat ka pa,” pagbibiro ng isa kong kasama, ngumiti na lamang ako sa kaniya dahil ayaw ko naman ungkatin ang tungkol sa dati kong asawa, isip ko lang ang umuungkat sa kaniya kahit na matagal na kaming hindi nagkikita. 

Sabagay nakita ko siya sa telebisyon kanina pero siya hindi niya pa ako nakikita, yun ang pagkakaalam ko, siguro may kinakasama na siya, imposibleng wala, ang tagal na naming hiwalay kaya posibleng may kasama na siyang iba.

Napag usapan naman na namin ang tungkol doon kaya dapat hindi na ako mabahala, relax lang Jamie, yan ang tinatatak ko sa isipan ko, sarili ko lang dapat ang aalalahanin ko.

Nagfocus ako sa ginagawa ko lalo at dumadami na ang customer namin, ang hirap ng wala ka sa focus dahil baka magkamali ako sa sukli ko.

Basta marami akong customer nakakagana magtrabaho. 

“Jamie?” may bumanggit ng pangalan ko, tinitigan ko siyang mabuti dahil parang pamilyar ang kaniyang mukha. 

“Ikaw nga!” bigla siyang sumigaw at lumapit sa akin. 

“Ikaw nga!” niyakap pa niya ako ng mahigpit, parang kilala ko siya pero mas nauna niya akong nakilala. 

“Ako to si Martha remember? Kaibigan mo na ako noon pa at kababata na rin, hindi mo baa ko naaalala.”

“Ikaw nga! Pumuti ka kase lalo at gumanda.” Naaalala ko na siya, kababata ko siya tapos palagi kaming magkaklase since elementary hanggang high school, kilala niya rin ang ex-husband kong si Lance.

“Ikaw naman nagkuskus lang ako pero anway, mabuti at nahanap kita, wala ka kaseng social media hindi ka active doon, gusto sana kitang iinvite sa kasal ko, ikaw talaga ag matagal ko ng hinahanap nandito ka lang pala, heto yung invitation, aasahan kita diyan Jamie.” Nag alangan akong pumunta, ang layo naman kase kaso nakakahiya naman naging malapit kaming magkaibigan ni Martha kaya hindi ko siya matanggihan ang dami naming pinagdaanan din at pinagtulungan na problema, ayaw kong tumanggi at ayaw ko din sanang sumama.

“Salamat sa pagimbita.”

“Aasahan kita diyan Jamie, kakain kami dito ng mga kaibigan ko, siya ng apala ang mapapangasawa ko.” Pinakilala niya ako sa magiging asawa niya.

Syempre pinagsilbihan namin sila at dinagdagan ko din ang ulam nila, ngayon lang kami nagkita ng kababata ko.

Hinayaan ko muna sila kumain, bumalik ako sa pwesto ko at tinignan yung invitation, sa isang hotel ang reception niya, nako naman hindi ko alam kung matutuwa baa ko o hindi dahil nakita ko ang kababata ko, sabi pa niyang inaasahan niya akong dumalo kaya naman parang wala akong choice na tumanggi.

Kailangan kong pumunta sa kasal niya, nakakakonsensya naman kung hindi, may ilang araw pa naman akong hihintayin kaya pwede ko pang paghandaan, makakabili pa ako ng regalo at isusuot ko.

Ayaw ko naman na dadalo lang ako tapos walang dala, paghahandaan ko din iyon.

Hindi nga ako humindi sa pagimbita niya kase kapag sinabi ko yun baka magtampo siya, lalo at siya mismo ang nagimbita sa akin, siya mismo ang ikakasal.

Sige na nga aattend na nga lang ako, mag day off muna ang mga kasama ko sa araw na iyon upang makapagpahinga din sila.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Azure moon
Waiting for more updates, Ms. A.~
2024-02-14 12:00:12
0
user avatar
buj gqab
sana daily more than one updates...
2024-07-11 03:03:35
0
78 Chapters
Chapter one
Chapter oneJAMIESobrang dami ng tao ngayon sa eatery ko, naakatuwang pagmasdan pero nakakapagod, sulit ang pagod tuwing ganito karami ang pumupunta, long weekend kasi kaya napakaraming dumadaan na turista, may malapit na magandang pasyalan dito sa amin kaya napakamabenta ng kainan ko ngayon lalo tanghalian na.“Ate Jam malapit na maluto ‘yon sinaing, siguradong marami pang kakain mamaya.”“Magdagdag pa kayo pagkaluto n’on.” “Opo.”May tatlo akong kasama dito sa kainan ko, hindi ko rin naman kakayanin kung mag isa ko lang, ako kase yung nandito sa kaha kaya palagi akong abala lalo at kailangan kong maging alerto sa mga taong mapansamantala.Ang hirap masalisihan baka may hindi magbayad, may mga ganung klaseng tao kase ‘yon bang eat and run na tinatawag, nakakalimutan na magbayad, sa sobrang sarap ng luto ko akala nila nasa bahay lang sila tapos aalis na agad pagkatpos kumain.Marami na akong naencounter na ganiyan simula ng nagpatayo ako ng kainan, wala naman kase akong maapplyan na
last updateLast Updated : 2023-11-29
Read more
Chapter two
Chapter twoLANCEAfter a long long time I’ve been waiting for this!“Success ang proposal mo sir, congrats!”“Salamat.”“Congrats sir Lance!”My sleepless nights, my back pain, my stress and my overthinker mindset are now gone, sulit na sulit lahat ng iyon dahil sa nakamit kong gantimpala ngayon galing sa prestihiyosong parangal sa ibang bansa.Hindi ko akalain na mas marami ang kapalit ng mga sakripisyo ko kaya naman may kaunting salo salo kami ngayon dito sa kompanya.Lahat sila masaya para sa akin, lahat ng mga empleyado ko ay nagsisibati sa kung ano na ang narating ko. “I’m happy for you Lance.” Alex said, isa siya sa mga matagal ko ng empleyado dito. “ Sir Lance pala I’m sorry.” Sa sobrang tagal na naming magkakilala para na kaming magkapatid, mag ate dahil mas matanda siya sa akin ng dalawnag taon, yun nga lang may napapansin akong kakaiba sa kaniya may araw at oras na masyado siyang malapit sa akin, kumbaga higit pa sa magkapatid ang turing niya sa akin, hindi ko alam kung gun
last updateLast Updated : 2023-11-29
Read more
Chapter three
Chapter threeJAMIETinulungan ako ng kasama ko sa karindirya na mamili ng isusuot ko sa pupuntahan kong kasal, nakakatuwa lang kase medyo gumaan ang pakiramdam ko hbang ginagawa ko yun, kailangan din pala talagang lumabas para magunwind.Nakakagaan sa pakiramdam, araw araw na lang kse ang trabaho at maghanap ng pagkakakitaan kaya naman yung mood ko paiba iba din kung minsan, kailangan pala gumala din at maglibang, kaso nga lang iniisip ko yung gastos kapag lalabas ako, pero kagaya kanina magaan naman ang pakiramdam ko kapag lumalabas ako, gagawin ko na iyon isang beses sa isang linggo.May binili na rin akong regalo para sa kaibigan kong ikakasal sana magustuhan niya, dalawang araw bago ang kasal niya at pinaalam ko na din sa mga kasama ko sa karindirya na magsasara muna kami, parang day off na rin nila iyon.Nag aayos na ako ng gamit ko dahil tutuloy ako sa hotel ng dalawang gabi at isang araw, hindi naman kase ako makakauwi agada gad pagkatapos ng kasal, ang sab isa akin ni Martha
last updateLast Updated : 2023-11-29
Read more
Chapter four
Chapter fourJAMIENaghihintayan kaming may magsalita, maski siya ramdam kong gusto niyang makipag usap sa akin kaso ang tipid kong magsalita, gusto ko rin naman makipag usap sa kaniya kaso naiilang ako, hindi ko maiwasan ang nararamdaman kong pagkailang sa kaniya.Habang nagpapakiramdaman kami pareho naman kaming order ng order ng maiinom, nararamdaman ko na nga yung tama sa akin ng alak na iniinom ko.“Congrats nga pala.” Bati ko sa kaniya dahil naalala ko yung napanuod ko sa balita noon.“Huh?”“Nakita kita sa balita noong nakaraan.”“Ah yun ba.”“Congrats.” Inulit ko muli siyang batiin. “Ang layo na ng narating mo.” nag uumpisa na akong dumaldal, hindi ko alam saan ko kinukuha ang lakas ng loob kong magsalita at kumausap sa kaniya kase naman parang umeepekto na yung alak a nainom ko, konti lang daw ang tam anito kaso naramihan ko ang inom. “ Habang ako ganito parin, hamak parin.”“What do you mean?”“Walang pagbabago, parang straight line lang na hindi gumagalaw, walang pagbabago
last updateLast Updated : 2023-11-29
Read more
Chapter five
Chapter fiveJAMIEHindi ko maisuot nang mabuti ang aking mga damit dahil ayaw ko magising si Lance, isang maling galaw ko lang magigising na siya agad.Ang hirap isuot ng damit ko, yung bra at panty ko nasuot ko na kaso pahirapan pa, pawis na pawis ako habang nagsusuot ng damit dahil sa sobrang kaba.Kaunti na lang at maisusuot ko na kaso biglang gumalaw si Lance kaya naman napahiga ako at napatalikod sa kaniya, tinaklob ko rin ang kumot na nasa gilid ko at nagkunwaring tulog.Ramdam kong galaw siya nang galaw kaya napapikit ako nang mariin hanggang sa bigla na lang niya akong niyakap habang nakatalikod sa kaniya.Yung kabog nang aking dibdib ay hindi na normal, nakayakap na siya ngayon sa akin na parang ginagawa niya dati sa akin.Hayst! Bakit ba ganito ang naging sitwasyon ko ngayon? yung kamay niya malikot napupunta sa dibdib ko, hinahayaan ko na lang kase ganiyan naman talaga ang gawain ni Lance noong nagsasama pa kame, nagpapalambing ba.Humiga ako nang maayos para hind niya mah
last updateLast Updated : 2023-12-11
Read more
Chapter six
Chapter six JAMIE Back to reality. Magigising nang maaga upang magluto ng mga ititinda, walang inaalalang iba kung hindi ang negosyo at ang sarili. “Goodmorning ate Jamie!” “Kamusta ang bakasyon ate?” “Anong bakasyon? Umattend lang ako sa kasal ng kaibigan ko.” “Hahaha kase naman ate nakalabas ka na sa lungga mo, palagi ka na lang dito hindi ka namamasyal.” “Saan naman ako pupunta at wala naman din akong kasama.” “Ako.” Biglang may sumabat na boses lalake. “Sir Arthur!” “Ang aga mo ata sir!’ “Long time no see sir ah.” Napangiti na lamang ako kay Arthur na kakarating lang dito sa karindirya ko, isa siya sa mga malapit sa akin pero dahil busy din siya sa kaniyang buhay ay madalang na siyang pumunta dito. “Pasensya na nagbakasyon kase ako sa probinsya ng mga magulang ko kaya hindi ako nagagawi dito.” Nagsialisan ang mga kasama ko sa karindirya at pumunta sila sa may gilid kung saan nag aayos sila ng mga upuan at mga gagamitin dito sa karindirya. Akala kase nila manliligaw
last updateLast Updated : 2023-12-12
Read more
Chapter seven
Chapter sevenLANCEHindi ko inasahan ang madadatnan ko sa araw na iyon dahil ang dati kong asawa na si Jamie ang kasama ko sa iisang kwarto, hindi lang iyon, magkatabi pa kami sa iisang kama at pareho kaming walang saplot sa katawan.Natatandaan ko naman ang mga nangyari kaso para itong isang panaginip sa akin. Akala ko talaga panaginip iyon pero totoo palang nangyari.Nabigla ako pagkagising ko, wala na akong nagawa kung hindi tanggapin ang nangyari, walang may kasalanan sa nangyari dahil pareho naming ginawa iyon.We satisfied each other.Hindi pa ako nakapagpaalam kay Grace dahil ang akala niya uuwi ako sa bahay pero natamaan ako ng alak na ininom ko that night, hindi ko namalayan na nasobrahan ko na dahil nag usap kami ni Jamie ng gabing iyon.Pag uwi ko sa bahay halatang galit si Grace dahil hindi ako nakauwi sa sinabi kong oras sa kaniya, hindi parin nga ako makapaniwala sa ginawa nami nang gabing iyon kaya para akong robo na hindi makapagsalita sa harap ng girlfriend ko.“Twag
last updateLast Updated : 2023-12-15
Read more
Chapter eight
Chapter eightJAMIEYung girlfriend ni Lance parang ang sungit, maganda nga siya sa personal at sa TV kaso yung ugali parang hindi maganda.Ayaw ko na nga manghusga kase hindi ko naman kilala yung tao, baka kaya niya ako sinungitan kase akala niya mababangga ko siya, ako naman itong si nagmamadali na parang nakawala sa hawla ay takbo ng takbo, mabuti kahit tao ako nakakapagpreno ako.May mga kasama siyang magagandang babae at mga sexy, halatang mga sosyal.Pero mukhang hindi niya kasama si Lance.Hindi ko maiwasang sumulyap sa pwesto nila ng mga kasama niya, bakit pakiramdam ko nanliliit ako ngayon.Bakit ko ba kinukumpara ang sarili ko sa kaniya, tapos na kami ni Lance at siya na ang bago, hindi naman ako makapagfile ng annulment dahil wala akong pera para ayusin yun, at kung sakaling si Lance ang mag aasikaso nun ay hindi ako tatanggi, para makawala na rin ako sa kasal namin ni Lance.Ano pa bang hahabulin ko sa kaniya? Hindi porke mayaman na siya ay hahabol na ako dahil ako ang leg
last updateLast Updated : 2023-12-19
Read more
Chapter nine
Chapter nine JAMIE Pinilit kong magbukas ng karinderya ko kahit masama ang pakiramdam ko, oo masama nanaman ang pakiramdam ko na akala ko ay mawawala na agad, kaso ganun ulit lalo kapag umaga. Nagluto ako pero hindi ako satisfied sa mga niluto ko kaya kakaunti lang ang putahe na nagawa ko ngayon, ang mga kasama ko sa kainan nagtataka sa akin dahil palagi kong sinasabi na okay naman ako kahit na napapansin nilang namumutla daw ako. “Ate Jamie baka gusto mong magpahinga muna, kami na lang dito.” “Kaya ko naman, bakit sinasabi niyong mukha akong may sakit?” “Halata naman ate namumutla ka nga oh.” Ngumingiti ako ng pilit kaso umiiba ang takbo ng pakiramdam ko, nahihilo ako pero pinipilit kong umupo ng maayos at maging okay ang lahat. Hindi naman ito dahil sa annulment, bago pa ako tawagan ni Lance ganito na ang pakiramdam ko, pangalawang araw na nga ito kaya naman nag aalala na ako, baka may malubha na akong sakit. Ayaw kong mang istorbo ng ibang tao kaya sinolo ko ang nararamdama
last updateLast Updated : 2023-12-22
Read more
Chapter ten
Chapter ten JAMIE Ganito ba kapag buntis nakakapuyat? Kahit gusto ko na matulog sa gabi ayaw pa rin, o dahil sa pagooverthink ko kaya ako ganito? Nakakalito, ngayon lang ako nabuntis at ngayon lang ako makakaranas ng ganito. Hindi talaga madali ang mabuntis iba ang pakiramdam. Lalo na nahihirapan ako ngayon dahil walang nakakaalam ng sitwasyon ko at wala akong katuwang, imbis na may makasama akong mag asikaso dito sa bahay at sa sarili ko wala man lang ni isa, ganito pala kahirap ang maging single mom. Kung siguro nauna ang baby bago ang hiwalayan namin ni Lnce, baka nasalba pa ang relasyon naming dalawa, kaso iba na ang sitwasyon namin ngayon. Nakakapanghinang isipin, natatakot ako nab aka hindi ko kayanin na mag isang itaguyod ang magiging anak ko. Ang hirap ng ganito, mas lumalala ang pag ooverthink ko lalo na ngayong buntis ako, parang doble yung emosyon ko ngayon. Hindi ko alam ang uunahin kong lutuin dahil naduduwal ako, may mga sangkap kase na parang ayaw kong amuyin at t
last updateLast Updated : 2024-01-01
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status