Chapter four
JAMIE
Naghihintayan kaming may magsalita, maski siya ramdam kong gusto niyang makipag usap sa akin kaso ang tipid kong magsalita, gusto ko rin naman makipag usap sa kaniya kaso naiilang ako, hindi ko maiwasan ang nararamdaman kong pagkailang sa kaniya.
Habang nagpapakiramdaman kami pareho naman kaming order ng order ng maiinom, nararamdaman ko na nga yung tama sa akin ng alak na iniinom ko.
“Congrats nga pala.” Bati ko sa kaniya dahil naalala ko yung napanuod ko sa balita noon.
“Huh?”
“Nakita kita sa balita noong nakaraan.”
“Ah yun ba.”
“Congrats.” Inulit ko muli siyang batiin. “Ang layo na ng narating mo.” nag uumpisa na akong dumaldal, hindi ko alam saan ko kinukuha ang lakas ng loob kong magsalita at kumausap sa kaniya kase naman parang umeepekto na yung alak a nainom ko, konti lang daw ang tam anito kaso naramihan ko ang inom. “ Habang ako ganito parin, hamak parin.”
“What do you mean?”
“Walang pagbabago, parang straight line lang na hindi gumagalaw, walang pagbabago sa buhay ko, ewan ko ba pero ayos na rin ito, kase payapa naman ang buhay ko kahit papaano.”
“Masaya ka naman ba?” bigla niyang tanong at hindi ko iyon masagot ng maayos.
Masaya nga ba ako ngayon?
Masaya nga ba ang buhay ko simula ng naghiwalay kami ni Lance?
Masaya nga ba akong mag isa?
Hindi ko masagot, basta ang alam ko payapa ang buhay ko pero hindi ko alam kung masaya baa ko, yung totoong masaya.
Natawa na lang ako sa tanong niya kase hindi ko masagot, hindi naman na siya nagtanong pang muli sa akin, halatang may tama na din siya ng ala ngayon dahil dumaldal na din kagaya ko.
“I have to go.” Bigla siyang tumayo pero muntik ng matumba, halatang may tama na siya, kaya pa kaya niyang umuwi? Hindi ko naman alam ang bahay niya ihahatid ko sana pero pareho kaming may tama na ng alak sa katawan kaya imposible na rin na maihatid ko siya.
Hindi na niya ako nilingon pa at ako naman nakatingin lang sa likuran niya, pinipilit niyang maglakad ng deretso para lang hindi ipahalata na lasing siya, natatawa ako habang pinagmamasdan siya kase naman hindi pa rin siya nagbabago, ganiyan na ganiyan siya kapag lasing ayaw na ayaw niyang pinagbibintangan siyang lasing dahil mukha siyang mahina sa inuman kapag ganun.
Sinisinok na ako, ito ang sign na nasobrahan ko sa alak.
Kumain pa ako ng kaunti bago ako nagpakita kay Martha, ang hirap magpigil ng antok kaya naman umalis na ako at bumalik sa kwarto ko, hindi ko kayang umuwi ng ganito, gusto kong umihi, gusto kong matulog, gusto kong? Teka? Bakit baliktad yung number ng kwarto ko, diba 406? Bakit baliktad yung 6?
Alam kong kwarto ko to kase 406 kaso baliktad yung 6? Hays bahala na nandito na ako sa tapat ng pinto gusto ko na humiga kaya pumasok na ako, ang dali naman bumukas parang may tao na sa loob ah, kase parang hindi ko ata nalock itong kwarto? Pero tanda ko nalock ko ito eh.
Hindi ko na maalala.
Basta binuksan ko na ang ilaw at sinara agad yung pinto, humiga na ako sa kama at nakaramdam ako ng antok. Kaso nga lang may yumakap sa akin habang nakapikit ako, hindi ko alam kung sino basta nakaramdam ako ng kamay na hinihimas ang aking tiyan pataas hanggang sa aking dibdib.
Gumalaw ako dahil umiiba ang pakiramdam ko, para akong ginaganahan sa paghimas sa dibdib ko, tumalikod ako pero may yumakap sa akin ng mahigpit at ngayon katawan na niya ang nakadikit sa aking likuran, ramdam na ramdam ko ang tigas ng kaniyang dibdib hanggang sa may bandang ibaba, at ang kamay niya mas lalong hinimas ang aking katawan.
Napapaungol ako dahil nakikiliti at nasasarapan ako sa bawat pagdampi ng kamay sa aking dibdib, nakapasok pa sa aking damit ang kamay niya.
Nanghihina ako, hindi ako makatanggi, pinaharap niya ako at bigla akong nakaramdam ng mabigat sa aking ibabaw, napamulat ako sandali at isang lalake ang nasa ibabaw ko, hinahalikan ako sa leeg ngunit hindi ko siya mamukhaan.
Pumayag ako sa bawat haplos ng kaniyang kamay sa aking katawan, matagal ko ng hindi nararanasan ang ganito, taon na ang lumipas kaya naman bumigay ako agad sa lalaking ito.
Sobrang sarap ng ginagawa niya sa akin, kaya maski ang damit ko mabilis na natanggal sa akin, tanging lampara lang kase ang ilaw ngayon dito sa kwarto ko, kaya medyo malabo sa akin ang kaniyang mukha tapos dala na din ng alak hindi ko maimulat ng maayos ang aking mga mata, antok na antok ako na nag iinit dahil sa ipinapadama ng lalaking kasama ko sa kama ngayon.
Hindi lang isang beses ang may nangyari sa amin ngayon, parang nakatatlo kami sa isang gabi lang pero paputol putol iyon, ako na sabik na sabik sa ganito ay hindi makatanggi.
Ang sarap nga ng tulog ko ngayon dahil para akong napuyat, kase yung huli na may nangyari sa amin ay madaling araw na.
Nakaramdam ako ng liwanag na nagmumula sa may bintana, may kaunting nakahawing kurtina kaya may pumasok na sinag ng araw dito at naitama sa aking mukha.
Napatingin ako sa orasan na nakasabit, alas dyes na ng umaga?
Ang tagal ng tulog ko at ramdam ko ang lamig ng kwartong ito, parang wala akong saplot na damit? Bigla akong napahinto, wala nga talaga akong saplot na damit at medyo masakit ang binti ko.
Halla!
Hindi panaginip yung kagabi?
Totoong nakipagtalik ako?
Napalingon ako sa katabi ko, may lalaking nakatalikod at ang sarap din ng tulog sa gilid ko, ang bilis ng tibok ng puso ko dahil ang akala ko kanina ay panaginip lahat ng nangyari sa akin, ang sarap sa pakiramdam pero yun pala totoo na.
Dahil sa alak binigay ko ang katawan ko sa isang lalake na hindi ko kilala? Hindi ko nga ba kilala ito? at teka? Hindi ko kwarto ito ah, iba ang pwesto ng kama at iba ang gamit, paano ako nakapasok dito?
Anong ginagawa ko dito?
Nanlumo ako ng mapagtanto ko ang lahat ng nangyari sa akin.
Para akong binuhusan ng mainit na tubig ngayon at pawis na pawis kahit na napakalamig ng aircon dito sa kwarto.
Nakatulala lang ako sa kawalan hanggang sa gumalaw itong katabi ko at humarap mismo sa akin habang nakapikit.
Mas lalo akong nagulat dahil sa nakita ko.
“Lance?”
Hindi pa siya gising, ang sarap ng tulog niya. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon, ang dati kong asawa ang katabi kong matulog ngayon dito sa kwarto at hindi lang iyon, siya ang nakasiping ko ng ilang beses kagabi?
Napatakip ako ng bibig dahil gusto kong sumigaw kaso tulog pa itong katabi ko ngayon. Ayaw ko siyang gisingin dahil nahihiya ako.
Hindi ko alam ang sasabihin at magiging reaksyon kung sakaling makita niya ako na hubad sa tabi niya, alam kaya niya yung nangyari kagabi?
Alam kaya niyang ako yung kasiping niya?
Ang hirap ng hindi makapagsalita at makasigaw ngayon, ang hirap magpigil, gusto kong magwala ngayon kaso huli na, nangyari na ang dapat mangyari, wala na akong magagawa doon, siya lang ang lalaking nakagalaw sa akin at hanggang ngayon ba naman na kahit hiwalay kami?
Ang lupit mo rin talaga Lance.
Napabuntong hininga na lamang ako habang iniisa isa ang mga damit ko na nagkalat sa may gilid ko, kailangan ko ng magbihis at umalis dito.
Nahihiya ako sa nangyari lalo pa at hindi ko naman kwarto ito, nagkamali ako ng napasukang kwarto.
Chapter fiveJAMIEHindi ko maisuot nang mabuti ang aking mga damit dahil ayaw ko magising si Lance, isang maling galaw ko lang magigising na siya agad.Ang hirap isuot ng damit ko, yung bra at panty ko nasuot ko na kaso pahirapan pa, pawis na pawis ako habang nagsusuot ng damit dahil sa sobrang kaba.Kaunti na lang at maisusuot ko na kaso biglang gumalaw si Lance kaya naman napahiga ako at napatalikod sa kaniya, tinaklob ko rin ang kumot na nasa gilid ko at nagkunwaring tulog.Ramdam kong galaw siya nang galaw kaya napapikit ako nang mariin hanggang sa bigla na lang niya akong niyakap habang nakatalikod sa kaniya.Yung kabog nang aking dibdib ay hindi na normal, nakayakap na siya ngayon sa akin na parang ginagawa niya dati sa akin.Hayst! Bakit ba ganito ang naging sitwasyon ko ngayon? yung kamay niya malikot napupunta sa dibdib ko, hinahayaan ko na lang kase ganiyan naman talaga ang gawain ni Lance noong nagsasama pa kame, nagpapalambing ba.Humiga ako nang maayos para hind niya mah
Chapter six JAMIE Back to reality. Magigising nang maaga upang magluto ng mga ititinda, walang inaalalang iba kung hindi ang negosyo at ang sarili. “Goodmorning ate Jamie!” “Kamusta ang bakasyon ate?” “Anong bakasyon? Umattend lang ako sa kasal ng kaibigan ko.” “Hahaha kase naman ate nakalabas ka na sa lungga mo, palagi ka na lang dito hindi ka namamasyal.” “Saan naman ako pupunta at wala naman din akong kasama.” “Ako.” Biglang may sumabat na boses lalake. “Sir Arthur!” “Ang aga mo ata sir!’ “Long time no see sir ah.” Napangiti na lamang ako kay Arthur na kakarating lang dito sa karindirya ko, isa siya sa mga malapit sa akin pero dahil busy din siya sa kaniyang buhay ay madalang na siyang pumunta dito. “Pasensya na nagbakasyon kase ako sa probinsya ng mga magulang ko kaya hindi ako nagagawi dito.” Nagsialisan ang mga kasama ko sa karindirya at pumunta sila sa may gilid kung saan nag aayos sila ng mga upuan at mga gagamitin dito sa karindirya. Akala kase nila manliligaw
Chapter sevenLANCEHindi ko inasahan ang madadatnan ko sa araw na iyon dahil ang dati kong asawa na si Jamie ang kasama ko sa iisang kwarto, hindi lang iyon, magkatabi pa kami sa iisang kama at pareho kaming walang saplot sa katawan.Natatandaan ko naman ang mga nangyari kaso para itong isang panaginip sa akin. Akala ko talaga panaginip iyon pero totoo palang nangyari.Nabigla ako pagkagising ko, wala na akong nagawa kung hindi tanggapin ang nangyari, walang may kasalanan sa nangyari dahil pareho naming ginawa iyon.We satisfied each other.Hindi pa ako nakapagpaalam kay Grace dahil ang akala niya uuwi ako sa bahay pero natamaan ako ng alak na ininom ko that night, hindi ko namalayan na nasobrahan ko na dahil nag usap kami ni Jamie ng gabing iyon.Pag uwi ko sa bahay halatang galit si Grace dahil hindi ako nakauwi sa sinabi kong oras sa kaniya, hindi parin nga ako makapaniwala sa ginawa nami nang gabing iyon kaya para akong robo na hindi makapagsalita sa harap ng girlfriend ko.“Twag
Chapter eightJAMIEYung girlfriend ni Lance parang ang sungit, maganda nga siya sa personal at sa TV kaso yung ugali parang hindi maganda.Ayaw ko na nga manghusga kase hindi ko naman kilala yung tao, baka kaya niya ako sinungitan kase akala niya mababangga ko siya, ako naman itong si nagmamadali na parang nakawala sa hawla ay takbo ng takbo, mabuti kahit tao ako nakakapagpreno ako.May mga kasama siyang magagandang babae at mga sexy, halatang mga sosyal.Pero mukhang hindi niya kasama si Lance.Hindi ko maiwasang sumulyap sa pwesto nila ng mga kasama niya, bakit pakiramdam ko nanliliit ako ngayon.Bakit ko ba kinukumpara ang sarili ko sa kaniya, tapos na kami ni Lance at siya na ang bago, hindi naman ako makapagfile ng annulment dahil wala akong pera para ayusin yun, at kung sakaling si Lance ang mag aasikaso nun ay hindi ako tatanggi, para makawala na rin ako sa kasal namin ni Lance.Ano pa bang hahabulin ko sa kaniya? Hindi porke mayaman na siya ay hahabol na ako dahil ako ang leg
Chapter nine JAMIE Pinilit kong magbukas ng karinderya ko kahit masama ang pakiramdam ko, oo masama nanaman ang pakiramdam ko na akala ko ay mawawala na agad, kaso ganun ulit lalo kapag umaga. Nagluto ako pero hindi ako satisfied sa mga niluto ko kaya kakaunti lang ang putahe na nagawa ko ngayon, ang mga kasama ko sa kainan nagtataka sa akin dahil palagi kong sinasabi na okay naman ako kahit na napapansin nilang namumutla daw ako. “Ate Jamie baka gusto mong magpahinga muna, kami na lang dito.” “Kaya ko naman, bakit sinasabi niyong mukha akong may sakit?” “Halata naman ate namumutla ka nga oh.” Ngumingiti ako ng pilit kaso umiiba ang takbo ng pakiramdam ko, nahihilo ako pero pinipilit kong umupo ng maayos at maging okay ang lahat. Hindi naman ito dahil sa annulment, bago pa ako tawagan ni Lance ganito na ang pakiramdam ko, pangalawang araw na nga ito kaya naman nag aalala na ako, baka may malubha na akong sakit. Ayaw kong mang istorbo ng ibang tao kaya sinolo ko ang nararamdama
Chapter ten JAMIE Ganito ba kapag buntis nakakapuyat? Kahit gusto ko na matulog sa gabi ayaw pa rin, o dahil sa pagooverthink ko kaya ako ganito? Nakakalito, ngayon lang ako nabuntis at ngayon lang ako makakaranas ng ganito. Hindi talaga madali ang mabuntis iba ang pakiramdam. Lalo na nahihirapan ako ngayon dahil walang nakakaalam ng sitwasyon ko at wala akong katuwang, imbis na may makasama akong mag asikaso dito sa bahay at sa sarili ko wala man lang ni isa, ganito pala kahirap ang maging single mom. Kung siguro nauna ang baby bago ang hiwalayan namin ni Lnce, baka nasalba pa ang relasyon naming dalawa, kaso iba na ang sitwasyon namin ngayon. Nakakapanghinang isipin, natatakot ako nab aka hindi ko kayanin na mag isang itaguyod ang magiging anak ko. Ang hirap ng ganito, mas lumalala ang pag ooverthink ko lalo na ngayong buntis ako, parang doble yung emosyon ko ngayon. Hindi ko alam ang uunahin kong lutuin dahil naduduwal ako, may mga sangkap kase na parang ayaw kong amuyin at t
Chapter elevenJAMIENakakagulat si Arthur dahil hindi ko naman akalain na bibiglain niya ako sa tanong niya sa akin, akala ko hindi niya mapapansin at hindi makekealam, pero mukhang nahahalata na niya sa ikinikilos ko at sa nangyayari sa akin.“Umm, pasensya na sa tanong ko, nag aalala lang naman kase ako sayo.” Siguro ito na ang sign na kailangan ko ng sabihin sa iba ang sitwasyon ko, wala din naman kase akong magagawa.“Oo.” Agad kong sagot.“Ha?”“Oo buntis ako.” Deretsahang sabi ko sa kaniya. Hindi siya nakapagsalita agad sa sinabi ko. “Kaya ako naduduwal tuwing umaga, kaya ako tinatamad kumilos minsan, kaya iba ang pakiramdam ko ngayon ay dahil buntis ako, ilang linggo na.”“Pero papaanong—I mean hays, pasensya na hindi ko alam ang itatanong ko.” Maski naman ako nahihiyang umamin kay Arthur kaso nandito na ito bahala na.“May dati akog asawa, hindi ko pinaalam sa iniyo pero maayos ang hiwalayan naming dalawa, may kinakasama na siyang bago at nagplaplano na rin kami ng annulment
Chapter twelveLANCEIm fixing my annllment papers kaso sabi ng attorney ko kailangan ang appearance ni Jamie, paano ko kaya siya makukumbinsi na sumama sa akin? Para sa filing ng annulment namin.Pumayag naman siya kaso naiilang ako at nahihiya, nilalakasan ko na lang ang loob ko na kausapin siya para naman maging maayos ang relasyon naming dalawa, yung relasyon bilang magkakilala na lang.Ginagawa ko ito para sa hinaharap ko, at pati na rin sa future ni Jamie, hindi lang naman ako ang tumatanda dito, hiwalay na kami at kailangan din namin ng makakasama habang buhay at mag aalaga sa amin soon.Habang wala pang gaanong nakakaalam na may ex wife ako, mas mainam na ayusin na namin ng legal ang kasal namin ni Jamie at nang mapakasalan ko na rin si Grace.Wala na akong iisipin pa kung sakaling maayos na lahat, ang tanging kailangan kong gawin ngayon ay ayusin ang annulment namin, mapapunta ko dito si Jamie at makausap ng personal.Ang hirap niyang kontakin minsan, hindi siya sumasagot min
EpilogueJAMIEHindi na takot ang nararamdaman ko ngayon kung hindi kaba, anong pinaplano ni Lance at gusto niya akong ilayo muna?Bakit? ano naman kaya ang gagawin niya? yan ang nasa isip ko kanina pa, ang dami kong katanungan pero hindi niya masagot ng maayos, basta basta na lang siya nagplaplano pero may tiwala naman ako sa kaniya, hindi naman niya ako ipapahamak.Nasa ospital kami ngayon at nagtatago, tinago kami dito ni Lance at pinakiusapan ang doktor, ibubuko niya daw si Grace yun ang sabi niya sa akin kanina.Kinakabahan ako dahil baka kung anong mangyari sa kaniya, nababaliw pa man din ang babaeng iyon.“Tara na, okay na yung sasakyan ko dadalhin nakita sa dati mong tinitirahan.”“Sige.” Sabi ko kay Arthur.Binilin siya ni Lance na dalhin ako doon, nagpaalam na din kami sa doktor ko dahil dito kami nagtago sa opisina niya, nakakahiya nga eh kaso si Lance na ang nakiusap.Hindi nawawala sa isipan ko si Lance, inaalala ko siya dahil baka gawan siya ng masama ni Grace, hays kinak
Chapter seventy sevenLANCESaktong pagdating ni Grace sinagawa na namin ang plano, lahat ng nasa bahay alam ang mangyayari at may tiwala ako sa kanila na hindi nila sasabihin ito kay Grace.Sinugod namin kunwari si Jamie sa ospital, inalalayan naman namin ni Arthursi Jamie papunta sa sasakyan ko.“Deretso tayo sa ospital.” Sabi ko, tatlo lang kami na pupuntang ospital.“Baka sumunod siya?”“Oo susunod talaga yan kaya kailangan natin magmadali.”“Anong plano mo?”“Papalabasin natin na nakunan si Jamie, hindi ka pwedeng makita ni Grace.”“Huh? Paano kung puntahan niya ako?”“Ako na bahala, basta dederetso tayo ngayon sa ospital at pagdating ni Grace dalhin mo si Jamie sa dati niyang tinutuluyan, doon muna siya, babalikan ko siya bukas.” Paliwanag ko.“Paano ka? Anong gagawin mo?” pag aalala ni Jamie sa akin.“Ako na bahala kay Grace, kailanan ko siyang mabisto sa personal upang wala na siyang maidahilan.”“Sige.”Alam kong susunod si Grace sa amin kaya dumiretso muna kami sa ospital, si
Chapter seventy sixLANCEMuntik na akong maniwala sa pagbabago niya.Oo aaminin ko gusto ko pa sana siyang bigyan ng chance dahil nakikita ko yung pagpupursigi niyang tumulong at magbago, pero mali pala, hindi pala lahat ng pinapakita niya ay totoo.May masama pala siyang binabalak kaya siya nagbago, ang akala ko pa naman totoo na at ginagawa niya iyon para sa amin para sa relasyon namin kaso iba ang balak niya.Napakasakit para sa akin ng ipaalam iyon ni Jamie, wala akong ibang pinagdududahan maliban sa kaniya dahil siya lang naman ang may ayaw kay Jamie at sa anak ko dito, ang mga ibang kasama namin sa bahay ay wala namang galit sa mag ina ko.Hindi ko malaman ang gagawin at magiging desisyon ko pero sa ngayon? galit ang nararamdaman ko para sa kaniya, dinamay niya ang baby ko na walang kamalay malay.Hindi ko siya mapapatawad, ang kailangan kong gawin ngayon ay ang mahuli siya sa akto, yung mismong malalaman ko na siya nga ang may dala ng gamot na iyon sa bahay.Iniisip ko kung pa
Chapter seventy fiveJAMIEHindi ko pa sinasabi kay Lance tungkol sa hinala ko, ayaw kong magkagulo agad ng walang malakas na proweba at matinding basehan sa mga binibintang ko.Hinihintay kong umalis si Lance lalo na si Grace, kaso si Lance lang ang umalis at pumunta sa kompanya itong si Grace naman naiwan sa bahay, hindi ako nagpahalata sa kaniya na aalis ako dahil baka sumama sa akin.“Pakisabi kasama ko kaibigan ko kapag hinanap ako ni Grace.”“Opo maam, pero saan po kayo pupunta?”“Ah eh kasama ko kaibigan ko, diyan lang kami sa fast food, ngayon lang kase kami ulit magkikita.”“Ah ganun po ba maam ako na po kukuha ng masasakyan niyo.”“Salamat.”Hindi pa lumalabas ng kwarto si Grace kailangan kong magmadali baka makita niya ako, dala ko ang gamot na nakuha ko sa sahig ng kusina, ipapakita ko ito sa doktor.Grabe ang kaba ko habang palabas ng bahay, kase baka makita ako ni Grace at sumama sa akin, kailangan kong malaman kung anong gamot ba ito kaya pupuntahan ko ang doktor ko upa
Chapter seventy fourJAMIEHindi maganda ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw, hindi ko malaman kung bakit, maski ako nagtataka, sinusunod ko naman mga bilin ng doktor sa akin, naiinom ko naman sa oras ang mga gamot ko na nireseta sa akin.Mga vitamins namin ni baby iyon at maganda sa katawan, nakailang take na nga ako, yung sa pagkain naman namin iisa lang ang kinakain naming lahat, wala namang kakaiba sa pagkain ko, kung ano ang kainin ko yun din naman ang kinakain nila maski prutas.Kaya nagtataka ako bakit ang hina ng katawan ko nitong mga nakaraang linggo, pinipilit ko na lamang minsan magkikilos para hindi nila ako asikasuhin ayaw ko talaga kase magpaasikaso sa kanila dito nahihiya ako.Gusto ko ako yung makatulong sa kanila dahil libre na ako sa lahat dito kaso umiiba pakiramdam ko, nadala na ako noon sa ospital ni Grace tapos nitong nakaraan si Lance naman at ngayon umiiba nanaman pakiramdam ko.Noong hindi ko na kinaya dinala na ako ni Lance sa ospital, kinausap ako ng
Chapter seventy threeGRACEAng aga ko pang nagising para maobserbahan si Jamie, magtatanghalian na hindi pa sumasakit ang tiyan niya, hindi pa siya sinusugod sa ospital.Paano nangyari yun?Kase noong mga araw na nilalagyan ko ng gamot yung ulam namin mga ilang minuto pa lang sumasakit na ang kaniyang tiyan.Baka hindi na sumasakit dahil wala na yung bata sa tiyan niya?Hindi ako mapakali, hindi ko malaman kung anong lagay ni Jamie, hindi sa concern ah kung hindi dahil kailangan nasa ospital na siya ngayon at umiiyak.Kaso patawa tawa pa siya doon sa loob ng kitchen, bakit ganun? Mabisa naman yung gamot na iyon ilang araw ng ana nadadala sa ospital si Jamie tapos ngayong huli ng lagay ko wala ng epekto sa kaniya? Imposible.“Sumakit nanaman tiyan ko, nakaraang linggo ganito nanaman eh.”“Ako naman hindi.”Rinig kong usapan ng mga kasambahay. Ganiyan din ang epekto noong naglagay ako kaso iisa lang ang nagtae ngayon mukhang naimmune na ata ang iba o baka hindi sila kumain ng niluto ko
Chapter seventy twoGRACENapakadali nilang pasakayin, hindi ko alam kung tanga ba sila o ano, hindi ba nila pansin na nagpapanggap lang ako? Hindi naman nila ako tinatanong o sinisita, mas lalo si Lance hindi niya ako tinatanong kung bakit ganito na ang ugali ko, basta ang akala nila dahil sa gamot ko na nireseta ng doktor.Hahaha napakadali nilang utuhin, halata minsan sa kanila ang pagtataka pero ang dali lang pagtakpan, hindi nila namamalayan ang palihim kong balak para sa kanila.Bahala sila magtaka diyan, bahala silang mag isip tungkol sa akin, basta yung plano ko maisagawa ko ayos na iyon.Hindi na nila ako mapagbibintangan.Halos ilang linggo din akong nagpapakatanga sa kanila, nakakasuka nga makisama lalo kay Jamie kung alam lang niya hahaha.Kaso hindi talaga niya mapansin mga ginagawa ko sa kaniya na puro kasinungalingan lamang para maisagawa ang plano ko.Ang totoo niyang balak ko talaga makuha ang loob nila. Lalo na si Jamie na uto uto, or let say magaling din makipagplas
Chapter seventy oneLANCENaninibago ang lahat kay Grace maski naman ako dahil iba ang ikinikilos niya, para sa akin, sana noon pa, kaso ngayon hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko, na parang wala na patutunguhan ang relasyon namin ni Graxe kahit pa magpakabait siya.Alam ko naman kase ang tunay niyang ugali, babalik at babalik siya sa ganung ugali.Hindi ko alam kung epekto ba talaga ng gamot yun o nagpapanggap lang siya, ayaw ko sana na nagpapanggap lang siya o epekto ng gamot ang pinapakita niya dahil parang ang pinapahiwatig nun ay pansamantala lang ang ganung ugali niya.Ayaw ko naman na ganun lalo magkakaanak ako, hindi ko alam kung maganda pa ang ipapakita niyang ugali sa anak ko o hindi, ayaw ko naman ilayo ni Jamie ang anak ko kapag nangyari iyon, ayaw ko magsisi sa huli kaya kailangan kong ayusin lahat ng desisyon ko.Minsan finofocus ko na lang sa trabaho ang sarili ko para mawala sa isip ko ang mga problema dito sa bahay.Pagdating ko sa bahay tulog sila Grace at
Chapter seventyJAMIESa araw araw na lumilipas nagiging okay naman na ang pakikitungo ni Grace sa akin kahit na wala si Lance, hindi na niya ako inuutusan kagaya ng dati, siya pa nga ang nagkukusa sa sarili niya para tulungan ako.Pero iniiwasan ko na siya.Baka kase hindi ako maging aware kapag nadala ako sa pagiging mabait niya sa akin, hindi ko alam kung kailan babalik ang tunay niyang ugali.Mahirap maniwala pero makikisama ako.Kung nginingitian ako, ngingitian ko rin, kung mabait ang pakikitungo sa akin mabait din ang itutungo ko sa kaniya, pero kung pinaplastik niya ako plaplastikan ko din siya.Ayaw ko nga minsan na dalawa lang kami, mabuti nga at nandito ang mga kasambahay nakamasid sa amin palagi, alam naman yan ni Grace.Habang nakatayo ako at naghihiwa bigla akong nakaramdam ng masakit sa tiyan ko, matagal pa naman ang kabuwanan ko pero bakit iba yung sakit?Napahinto ako at nakiramdam, nirerelax ko ang utak ko dahil natataranta ang katawan ko, iba yung sakit ngayon ng ti