Chapter twelveLANCEIm fixing my annllment papers kaso sabi ng attorney ko kailangan ang appearance ni Jamie, paano ko kaya siya makukumbinsi na sumama sa akin? Para sa filing ng annulment namin.Pumayag naman siya kaso naiilang ako at nahihiya, nilalakasan ko na lang ang loob ko na kausapin siya para naman maging maayos ang relasyon naming dalawa, yung relasyon bilang magkakilala na lang.Ginagawa ko ito para sa hinaharap ko, at pati na rin sa future ni Jamie, hindi lang naman ako ang tumatanda dito, hiwalay na kami at kailangan din namin ng makakasama habang buhay at mag aalaga sa amin soon.Habang wala pang gaanong nakakaalam na may ex wife ako, mas mainam na ayusin na namin ng legal ang kasal namin ni Jamie at nang mapakasalan ko na rin si Grace.Wala na akong iisipin pa kung sakaling maayos na lahat, ang tanging kailangan kong gawin ngayon ay ayusin ang annulment namin, mapapunta ko dito si Jamie at makausap ng personal.Ang hirap niyang kontakin minsan, hindi siya sumasagot min
Chapter thirteenLANCEAng tagal niya sa banyo, baka tinakasan na ako? Hindi ko tuloy maubos itong pagkain ko dahil silip ako ng silip sa may banyo.Tumayo na ako at pumunta sa harap ng banyo para sa babae kaso nga lang hindi ako makapasok, mga ilang minuto pa ay lumabas na siya at nagpupunas ng bibig.“Anong nangyari?”“Wala ito.”Dumiretso siya sa may table namin kaya sumunod na lamang ako sa kaniya, napabuntong hininga pa siya habang ako? Inubos ko na yung kinakain ko habang siya? Buo pa ang ulam pero yung kanin kalahati lang.“Ano bang nangyayari sayo?” pinilit niyang ngumiti at sinabing wala naman daw ayaw niya lang ng amoy dito sa fast food kaya daw siya naduwal. “Sigurado kang ayos ka lang?”“Oo naman.”Binilhan ko siya ng tubig dahil naubos niya yung dala niyang tubig, nagtataka ako sa kinikilos niya parang may kakaiba.Ayaw niya ng amoy sa fast food na pinuntahan namin? Pero palagi kaming nagdadate doon noon. Nakapagtataka talaga siya, hindi ko naman siya matanong ng matanong
Chapter fourteenJAMIENandito ngayon ang dati kong asawa na si Lance, hindi siya nakauwi kaagad nang maihatid niya ako dahil sa lakas ng ulan, dito na siya natulog at mukhang maaga siyang nagising kesa sa akin, naabutan ko na lamang siya na may hawak na phone habang nakaupo.Hindi niya ako ginising at mukhang alam ko naman na inuupdate niya ang girlfriend niya, bumangon na lang ako ng kusa.“Gusto mo ba magkape?” tanong ko sa kaniya.“Sige.”Ako na ang natimpla dahil busy siya sa phone niya, napansin ko pa na ang haba haba ng nasa message niya, mukhang nag away ata sila ng girlfriend niya, wala akong intensyon na pag awayin sila, sadyang malakas lang ang ulan kagabi kaya inaya ko siyang dito na matulog, ayaw naman niya matulog sana dito, ang awkward naman talaga kaso inaalala ko rin ang sitwasyon, alangan unahin ko pa ang pride ko kesa ang tumulong.Wala namang nangyari sa amin, at isa pa hindi na pwedeng maulit muli yun.Tinimplahan ko siya ng kape, hinigop niya agad ito. “Umm! Ang
Chapter fifteenJAMIENakakapagod rin kahit na nakaupo lang ako, nakakaramdam ako ng antok kaso tuwig magprepreno si Lance ay mabibigla ako kaya bumabalik ako sa wisyo.Pinag usapan namin ang tungkol sa annulment, hindi ko alam kung bakit parang may counseling pa na nangyayari dahil parang bumabalik lang lahat ng ala-ala namin ni Lance simula ng magkakilala kami, nagiging emosyonal ako kaso nga lang hindi na pwedeng balikan ang mga yun, nakaraan ko na lamang sila, ang panibagong memories ko ngayon ay para sa magiging anak ko na lamang.Matapos kaming kausapin nagpaiwan kaming dalawa ni Lance dito sa loob ng opisina niya, umiba ang reaksyon ng kaniyang mukha matapos kaming makausap ng masinsinan, iba ang kumausap sa amin, kasama siya ni attorney.Parang nagtatanong kung may second chance pa ba sa relasyon naming dalawa o wala na talaga, kumbaga kinukumbinsi na magkabalikan pero parang malabo na iyon lalo at may iba ng mahal si Lance.“Gutom ka ba?”“Hindi naman.”“Hindi pa tayo naglulu
Chapter sixteenJAMIEIlang araw na akong nasa bahay lang, may advance payment naman yung nagrenta sa pwesto ko kaso malapit ng maubos, nasaktohan kase na kailangan kong bumili ng gasul at magbayad ng bill sa kuryente.Nakakastress pala ang ganito, hindi ko alam kung saan kukuha ng panggastos, napakamahal pa man din ng mga vitamins na nirereseta sa akin at kailangan ko araw araw inumin yun.Kailangan talaga pinaghahandaan kapag magkakaroon ng anak, hindi madali lalo kung walang trabaho at pagkakakitaan.Napapatulala na lamang ako sa bintana habang nakatanaw sa patak ng ulan.Kailangan ko na talaga sabihin kay Lance, sustento lang naman ang kailangan ko at hindi siya, ayaw ko naman ipaako ang anak ko sa iba kagaya ng inooffer sa akin ni Arthur, hindi ako ganung babae.Yung phone ko malapit ko ng kunin at tawagan si Lance.Pride ba ang uunahin ko? Kesa sa kapakanan ng anak ko? Noong una okay lang na hindi sabihin kaso itong sitwasyo ko ang nagpalala, binibigyan ako ng ulam dito sa bahay
Chapter seventeenLANCEI was surprise.I was shock.Hindi ko talaga alam ang magiging reaksyon ko nang malaman kong buntis si Jamie at ako ang ama?s nagbunga ang pagtatalik namin noong gabing iyon?Gusto kong matuwa.Gusto kong maging masaya kaso, iba na ang sitawasyon namin ngayon, ibang iba kaya naman kanina noong sinabi niya iyon ay hindi ko alam ang aking sasabihin.Nauutal at naguguluhan ako.Minabuti ko na lamang na umuwi, ang inakala ko ay may emergency na sasabihin sa akin si Jamie, akala ko sasabihin na niya ang tungkol sa kaniyang sakit, kaso iba ang nangyari, kaya pala palagi siyang naduduwal at may nagbago sa kaniya simula noong muli naming pagkikita.Ang daming pagbabago sa kaniya na pinagtatakahan ko, ngayon alam ko na kung bakit, hindi ko man lang napagdudahan agad na buntis siya.Sintomas na pala ng pagbubuntis iyon.Napahinto ako sa pagmamaneho dahil distracted ako, ayaw kong magmaneho na wala ako sa wisyo, kailangan ko munang huminga.Hindi ko pa kase matanggap ang
Chapter eighteenJAMIEHindi ko mapaalis si Lance dito sa bahay, may sumasakit sa tiyan ko at natatakot akong mag isa lalo at gabi na, may gamot naman na binigay sa akin ang doktor kaso nga lang hindi ko maiwasan na matakot.Hindi ko sinabing huwag siyang umalis ngayon pero ginagawa niya naman dahil alam niyang may masakit sa akin ngayon.“Humiga ka na muna, baka may gusto kang kainin?”“Gusto ko lang humigop ng sabaw ng sopas.”“Sopas?”“Oo, pero kailagan pa magluto nun.”“Ako na bahala.”Siya ang nagluto para sa akin, hindi niya ako pinakilos, pinahiga lang niya ako at hindi pinapagalaw sa bahay. “Nako, bakit maglalaba ka?”“Walang gagawa sayo nito.”“Ako na bahala diyan.”“Ako na, habang pinapalambot ko yung niluluto ko.”“Pero mga damit ko lang yan, hayaan mo na ako, may washing machine naman ako, ako na bahala diyan.”Kaso hindi siya nakinig, kinuha niya ang labahin ko at naglaba sa labas, gumamit siya ng washing machine habang nagluluto.Wala akong nagawa dahil sumasakit ang tiy
Chapter nineteenJAMIESalita ng salita si Lance kaya hindi ko pinapakinggan dahil parang umiiba na ang tono ng boses niya, parang pinagbibintangan niya si Arthur na nilalandi ako, na parang may iba kaming relasyon, kahit naman meron hindi naman namin pwedeng pakealaman ang isat-isa.“Saken ba talaga ang bata?” yan ang ikinainit ng ulo ko na tanong galing kay Lance, nagduda siya mask isa anak niya.“Kung ayaw mong maniwala okay lang hindi naman kita pinipilit, noon ko pa sinabi sayo hindi ko ipipilit ang anak ko sayo, kung ayaw mong maniwala na sayo to? Maluwag ang pinto ko.” Nanggigigil ako habang sinasabi yan sa kaniya dahil bigla ba naman niya akong pinagbintangan tungkol sa amin ni Arthur at dinamay niya maski ang anak ko.Maluha luha pa ako habang nakatitig sa kaniya, napansin niyang umiba ang mood ko maski ang emosyon ko kaya nanahimik na siya, hindi na siya muling nagsalita pa.Madali lang ako kausap, hindi ko siya pinipilit, sinabi ko lang naman sa kaniya ang totoo, nasa kaniy
EpilogueJAMIEHindi na takot ang nararamdaman ko ngayon kung hindi kaba, anong pinaplano ni Lance at gusto niya akong ilayo muna?Bakit? ano naman kaya ang gagawin niya? yan ang nasa isip ko kanina pa, ang dami kong katanungan pero hindi niya masagot ng maayos, basta basta na lang siya nagplaplano pero may tiwala naman ako sa kaniya, hindi naman niya ako ipapahamak.Nasa ospital kami ngayon at nagtatago, tinago kami dito ni Lance at pinakiusapan ang doktor, ibubuko niya daw si Grace yun ang sabi niya sa akin kanina.Kinakabahan ako dahil baka kung anong mangyari sa kaniya, nababaliw pa man din ang babaeng iyon.“Tara na, okay na yung sasakyan ko dadalhin nakita sa dati mong tinitirahan.”“Sige.” Sabi ko kay Arthur.Binilin siya ni Lance na dalhin ako doon, nagpaalam na din kami sa doktor ko dahil dito kami nagtago sa opisina niya, nakakahiya nga eh kaso si Lance na ang nakiusap.Hindi nawawala sa isipan ko si Lance, inaalala ko siya dahil baka gawan siya ng masama ni Grace, hays kinak
Chapter seventy sevenLANCESaktong pagdating ni Grace sinagawa na namin ang plano, lahat ng nasa bahay alam ang mangyayari at may tiwala ako sa kanila na hindi nila sasabihin ito kay Grace.Sinugod namin kunwari si Jamie sa ospital, inalalayan naman namin ni Arthursi Jamie papunta sa sasakyan ko.“Deretso tayo sa ospital.” Sabi ko, tatlo lang kami na pupuntang ospital.“Baka sumunod siya?”“Oo susunod talaga yan kaya kailangan natin magmadali.”“Anong plano mo?”“Papalabasin natin na nakunan si Jamie, hindi ka pwedeng makita ni Grace.”“Huh? Paano kung puntahan niya ako?”“Ako na bahala, basta dederetso tayo ngayon sa ospital at pagdating ni Grace dalhin mo si Jamie sa dati niyang tinutuluyan, doon muna siya, babalikan ko siya bukas.” Paliwanag ko.“Paano ka? Anong gagawin mo?” pag aalala ni Jamie sa akin.“Ako na bahala kay Grace, kailanan ko siyang mabisto sa personal upang wala na siyang maidahilan.”“Sige.”Alam kong susunod si Grace sa amin kaya dumiretso muna kami sa ospital, si
Chapter seventy sixLANCEMuntik na akong maniwala sa pagbabago niya.Oo aaminin ko gusto ko pa sana siyang bigyan ng chance dahil nakikita ko yung pagpupursigi niyang tumulong at magbago, pero mali pala, hindi pala lahat ng pinapakita niya ay totoo.May masama pala siyang binabalak kaya siya nagbago, ang akala ko pa naman totoo na at ginagawa niya iyon para sa amin para sa relasyon namin kaso iba ang balak niya.Napakasakit para sa akin ng ipaalam iyon ni Jamie, wala akong ibang pinagdududahan maliban sa kaniya dahil siya lang naman ang may ayaw kay Jamie at sa anak ko dito, ang mga ibang kasama namin sa bahay ay wala namang galit sa mag ina ko.Hindi ko malaman ang gagawin at magiging desisyon ko pero sa ngayon? galit ang nararamdaman ko para sa kaniya, dinamay niya ang baby ko na walang kamalay malay.Hindi ko siya mapapatawad, ang kailangan kong gawin ngayon ay ang mahuli siya sa akto, yung mismong malalaman ko na siya nga ang may dala ng gamot na iyon sa bahay.Iniisip ko kung pa
Chapter seventy fiveJAMIEHindi ko pa sinasabi kay Lance tungkol sa hinala ko, ayaw kong magkagulo agad ng walang malakas na proweba at matinding basehan sa mga binibintang ko.Hinihintay kong umalis si Lance lalo na si Grace, kaso si Lance lang ang umalis at pumunta sa kompanya itong si Grace naman naiwan sa bahay, hindi ako nagpahalata sa kaniya na aalis ako dahil baka sumama sa akin.“Pakisabi kasama ko kaibigan ko kapag hinanap ako ni Grace.”“Opo maam, pero saan po kayo pupunta?”“Ah eh kasama ko kaibigan ko, diyan lang kami sa fast food, ngayon lang kase kami ulit magkikita.”“Ah ganun po ba maam ako na po kukuha ng masasakyan niyo.”“Salamat.”Hindi pa lumalabas ng kwarto si Grace kailangan kong magmadali baka makita niya ako, dala ko ang gamot na nakuha ko sa sahig ng kusina, ipapakita ko ito sa doktor.Grabe ang kaba ko habang palabas ng bahay, kase baka makita ako ni Grace at sumama sa akin, kailangan kong malaman kung anong gamot ba ito kaya pupuntahan ko ang doktor ko upa
Chapter seventy fourJAMIEHindi maganda ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw, hindi ko malaman kung bakit, maski ako nagtataka, sinusunod ko naman mga bilin ng doktor sa akin, naiinom ko naman sa oras ang mga gamot ko na nireseta sa akin.Mga vitamins namin ni baby iyon at maganda sa katawan, nakailang take na nga ako, yung sa pagkain naman namin iisa lang ang kinakain naming lahat, wala namang kakaiba sa pagkain ko, kung ano ang kainin ko yun din naman ang kinakain nila maski prutas.Kaya nagtataka ako bakit ang hina ng katawan ko nitong mga nakaraang linggo, pinipilit ko na lamang minsan magkikilos para hindi nila ako asikasuhin ayaw ko talaga kase magpaasikaso sa kanila dito nahihiya ako.Gusto ko ako yung makatulong sa kanila dahil libre na ako sa lahat dito kaso umiiba pakiramdam ko, nadala na ako noon sa ospital ni Grace tapos nitong nakaraan si Lance naman at ngayon umiiba nanaman pakiramdam ko.Noong hindi ko na kinaya dinala na ako ni Lance sa ospital, kinausap ako ng
Chapter seventy threeGRACEAng aga ko pang nagising para maobserbahan si Jamie, magtatanghalian na hindi pa sumasakit ang tiyan niya, hindi pa siya sinusugod sa ospital.Paano nangyari yun?Kase noong mga araw na nilalagyan ko ng gamot yung ulam namin mga ilang minuto pa lang sumasakit na ang kaniyang tiyan.Baka hindi na sumasakit dahil wala na yung bata sa tiyan niya?Hindi ako mapakali, hindi ko malaman kung anong lagay ni Jamie, hindi sa concern ah kung hindi dahil kailangan nasa ospital na siya ngayon at umiiyak.Kaso patawa tawa pa siya doon sa loob ng kitchen, bakit ganun? Mabisa naman yung gamot na iyon ilang araw ng ana nadadala sa ospital si Jamie tapos ngayong huli ng lagay ko wala ng epekto sa kaniya? Imposible.“Sumakit nanaman tiyan ko, nakaraang linggo ganito nanaman eh.”“Ako naman hindi.”Rinig kong usapan ng mga kasambahay. Ganiyan din ang epekto noong naglagay ako kaso iisa lang ang nagtae ngayon mukhang naimmune na ata ang iba o baka hindi sila kumain ng niluto ko
Chapter seventy twoGRACENapakadali nilang pasakayin, hindi ko alam kung tanga ba sila o ano, hindi ba nila pansin na nagpapanggap lang ako? Hindi naman nila ako tinatanong o sinisita, mas lalo si Lance hindi niya ako tinatanong kung bakit ganito na ang ugali ko, basta ang akala nila dahil sa gamot ko na nireseta ng doktor.Hahaha napakadali nilang utuhin, halata minsan sa kanila ang pagtataka pero ang dali lang pagtakpan, hindi nila namamalayan ang palihim kong balak para sa kanila.Bahala sila magtaka diyan, bahala silang mag isip tungkol sa akin, basta yung plano ko maisagawa ko ayos na iyon.Hindi na nila ako mapagbibintangan.Halos ilang linggo din akong nagpapakatanga sa kanila, nakakasuka nga makisama lalo kay Jamie kung alam lang niya hahaha.Kaso hindi talaga niya mapansin mga ginagawa ko sa kaniya na puro kasinungalingan lamang para maisagawa ang plano ko.Ang totoo niyang balak ko talaga makuha ang loob nila. Lalo na si Jamie na uto uto, or let say magaling din makipagplas
Chapter seventy oneLANCENaninibago ang lahat kay Grace maski naman ako dahil iba ang ikinikilos niya, para sa akin, sana noon pa, kaso ngayon hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko, na parang wala na patutunguhan ang relasyon namin ni Graxe kahit pa magpakabait siya.Alam ko naman kase ang tunay niyang ugali, babalik at babalik siya sa ganung ugali.Hindi ko alam kung epekto ba talaga ng gamot yun o nagpapanggap lang siya, ayaw ko sana na nagpapanggap lang siya o epekto ng gamot ang pinapakita niya dahil parang ang pinapahiwatig nun ay pansamantala lang ang ganung ugali niya.Ayaw ko naman na ganun lalo magkakaanak ako, hindi ko alam kung maganda pa ang ipapakita niyang ugali sa anak ko o hindi, ayaw ko naman ilayo ni Jamie ang anak ko kapag nangyari iyon, ayaw ko magsisi sa huli kaya kailangan kong ayusin lahat ng desisyon ko.Minsan finofocus ko na lang sa trabaho ang sarili ko para mawala sa isip ko ang mga problema dito sa bahay.Pagdating ko sa bahay tulog sila Grace at
Chapter seventyJAMIESa araw araw na lumilipas nagiging okay naman na ang pakikitungo ni Grace sa akin kahit na wala si Lance, hindi na niya ako inuutusan kagaya ng dati, siya pa nga ang nagkukusa sa sarili niya para tulungan ako.Pero iniiwasan ko na siya.Baka kase hindi ako maging aware kapag nadala ako sa pagiging mabait niya sa akin, hindi ko alam kung kailan babalik ang tunay niyang ugali.Mahirap maniwala pero makikisama ako.Kung nginingitian ako, ngingitian ko rin, kung mabait ang pakikitungo sa akin mabait din ang itutungo ko sa kaniya, pero kung pinaplastik niya ako plaplastikan ko din siya.Ayaw ko nga minsan na dalawa lang kami, mabuti nga at nandito ang mga kasambahay nakamasid sa amin palagi, alam naman yan ni Grace.Habang nakatayo ako at naghihiwa bigla akong nakaramdam ng masakit sa tiyan ko, matagal pa naman ang kabuwanan ko pero bakit iba yung sakit?Napahinto ako at nakiramdam, nirerelax ko ang utak ko dahil natataranta ang katawan ko, iba yung sakit ngayon ng ti