Chapter seventeenLANCEI was surprise.I was shock.Hindi ko talaga alam ang magiging reaksyon ko nang malaman kong buntis si Jamie at ako ang ama?s nagbunga ang pagtatalik namin noong gabing iyon?Gusto kong matuwa.Gusto kong maging masaya kaso, iba na ang sitawasyon namin ngayon, ibang iba kaya naman kanina noong sinabi niya iyon ay hindi ko alam ang aking sasabihin.Nauutal at naguguluhan ako.Minabuti ko na lamang na umuwi, ang inakala ko ay may emergency na sasabihin sa akin si Jamie, akala ko sasabihin na niya ang tungkol sa kaniyang sakit, kaso iba ang nangyari, kaya pala palagi siyang naduduwal at may nagbago sa kaniya simula noong muli naming pagkikita.Ang daming pagbabago sa kaniya na pinagtatakahan ko, ngayon alam ko na kung bakit, hindi ko man lang napagdudahan agad na buntis siya.Sintomas na pala ng pagbubuntis iyon.Napahinto ako sa pagmamaneho dahil distracted ako, ayaw kong magmaneho na wala ako sa wisyo, kailangan ko munang huminga.Hindi ko pa kase matanggap ang
Chapter eighteenJAMIEHindi ko mapaalis si Lance dito sa bahay, may sumasakit sa tiyan ko at natatakot akong mag isa lalo at gabi na, may gamot naman na binigay sa akin ang doktor kaso nga lang hindi ko maiwasan na matakot.Hindi ko sinabing huwag siyang umalis ngayon pero ginagawa niya naman dahil alam niyang may masakit sa akin ngayon.“Humiga ka na muna, baka may gusto kang kainin?”“Gusto ko lang humigop ng sabaw ng sopas.”“Sopas?”“Oo, pero kailagan pa magluto nun.”“Ako na bahala.”Siya ang nagluto para sa akin, hindi niya ako pinakilos, pinahiga lang niya ako at hindi pinapagalaw sa bahay. “Nako, bakit maglalaba ka?”“Walang gagawa sayo nito.”“Ako na bahala diyan.”“Ako na, habang pinapalambot ko yung niluluto ko.”“Pero mga damit ko lang yan, hayaan mo na ako, may washing machine naman ako, ako na bahala diyan.”Kaso hindi siya nakinig, kinuha niya ang labahin ko at naglaba sa labas, gumamit siya ng washing machine habang nagluluto.Wala akong nagawa dahil sumasakit ang tiy
Chapter nineteenJAMIESalita ng salita si Lance kaya hindi ko pinapakinggan dahil parang umiiba na ang tono ng boses niya, parang pinagbibintangan niya si Arthur na nilalandi ako, na parang may iba kaming relasyon, kahit naman meron hindi naman namin pwedeng pakealaman ang isat-isa.“Saken ba talaga ang bata?” yan ang ikinainit ng ulo ko na tanong galing kay Lance, nagduda siya mask isa anak niya.“Kung ayaw mong maniwala okay lang hindi naman kita pinipilit, noon ko pa sinabi sayo hindi ko ipipilit ang anak ko sayo, kung ayaw mong maniwala na sayo to? Maluwag ang pinto ko.” Nanggigigil ako habang sinasabi yan sa kaniya dahil bigla ba naman niya akong pinagbintangan tungkol sa amin ni Arthur at dinamay niya maski ang anak ko.Maluha luha pa ako habang nakatitig sa kaniya, napansin niyang umiba ang mood ko maski ang emosyon ko kaya nanahimik na siya, hindi na siya muling nagsalita pa.Madali lang ako kausap, hindi ko siya pinipilit, sinabi ko lang naman sa kaniya ang totoo, nasa kaniy
Chapter twentyLANCENapakahirap na desisyon pero para sa bata gagawin ko, hindi ko alam kung paano ipapaalam kay Grace ito kaso nababahala ako sa kalagayan ni Jamie, may nakikita akong kaunting dugo sa mga shorts niya kaya nababahala ako habang naglalaba ako ng damit niya.Ayaw ko rin naman mawala ang baby ko, sana madaan ito sa mabuting usapan, sana maging maayos ang lahat lalo sa gagawin kong desisyon, hindi pwedeng mag isa lang ni Jamie doon mas lalo siyang mahihirapan kapag lumaki na ang kaniyang tiyan.Nakausap ko na si Jamie at ngayon si Grace naman ang kakausapin ko.Sakto naman pagdating ko sa bahay nagluluto siya, kagagaling lang din niya sa bakasyon kaya napakasaya niya. “Kamusta ang bakasyon mo?” tanog ko agad at agad din niya akong nilapitan.“Super saya at nakakarelax, sayang lang hindi ka kasama, ayaw mo naman sumama.”“Sorry hindi talaga ako pwede kahapon at isa pa hindi ko rin kaya magbakasyon baka mainip ka dahil puro lang trabaho ang aatupagin ko.”“Umm, ayos lang y
Chapter twenty one JAMIE Ang sabi ni Lance magready daw ako ibig bang sabihin nun ay sumang ayon na si Grace na patuluyin ako sa bahay nila? Kung tutuusin ako naman talaga ang may karapatan sa kaniya kase kasal kami pero hindi ako kagaya ng ibang babae na ipaglalandakan ang karapatan matapos makipaghiwalay, sa papel lang kami legal pero sa totoo hindi na ako yung mahal niya. Ako na yung walang karapatan pagdating kay Lance mas lalo na sa mga bagay na naipundar niya, siguro dahil nasa sinapupunan ko pa ang anak ko kaya niya ako iniingatan pero ang anak ko na lang ang inaalala naming dalawa at hindi ang relasyon namin. Naghanap ako ng pwedeng malagyan ng iba kong gamit at tsaka ako nagtupi ng mga damit kong dadalhin, sinabi ko na rin sa nangungupa ng pwesto ko na ipadala na lang ang upa niya buwan buwan sa akin. Kakaunti lang ang dala kong gamit, nag aalala ako dahil walang magbabantay ng bahay, sinabi ko naman na babalik pa ako dito at babayaran ko pa buwan buwan ang bahay na ito
Chapter twenty twoJAMIEHindi ko na naramdaman ang uhaw ko, parang gusto na akong paalisin ni Grace sa mga tingin niya sa akin kaya pinilit ko na lang uminom kase yun naman talaga ang ipinunta ko sa kusina, hindi na dapat ako lumabas kaso nahihiya ako mang utos.Pati ba naman tubig iuutos ko?Ngayon naman problema ko kung paano ako lalabas ng kitchen at babalik ng kwarto dahil nasa living room parin sila Grace at Lance, makikita kase nila ako kapag dumaan nanaman ako.Hays, ito yung ayaw kong maramdaman, kung sabagay ngayon palang ako nakatapak sa lugar na ito, maiilang at maninibago talaga ako dito kaso nga lang yung isang kasama ko sa bahay iba ang tingin sa akin, para akong kinukulam ng palihim ganun ang pakiramdam.Nakakakilabot, bahala na basta gusto ko magpahinga kaya bumalik na ako sa kwarto, ayaw niya na nginingitian ko siya kaya hindi ko na sila pinansin, alam ko namang ako ang pinag uusapan nila.Napabuntong hininga na lang ako habang nasa kwarto at nakaupo sa kama, ang lak
Chapter twenty threeJAMIENgayon ko lang makakasama dito sa bahay si Grace ng wala si Lance dahil nasa trabaho, pumasok na siya at ang mga maids lang din ang kasama namin dito.Nagpaalam din siya sa akin at nagbilin na magsabi lang ako sa mga maids ng kailangan ko o kaya tawagan ko daw siya kapag may kailangan ako.Ikukulong ko nanaman ba ang sarili ko dito sa kwarto? Naboboring ako, mas gusto kong lumabas, mas gusto kong makalanghap ng sariwang hangin.Bahala na si Grace kung anong ipapakita niyang ugali, kunwari masamang hangin siya na dapat kong iwasan, and speaking of Grace nasa living room siya kasama ang mga kaibigan niya.“May bisita pala kayo Grace?”“Yeah, kamag anak ni Lance.”“Buntis?”“Yup wala na kase siyang ibang kamag anak dio sa Maynila kaya kinupkop namin.” Yung dinadahilan niya napakalayo sa katotohanan, alam niyang hindi ako pumapatol kaya gumawa na lang siya ng idadahilan, kapag nalaman nilang ako ang legal na asawa malamang mapapasama siya sa paningin ng mga kaib
Chapter twenty fourJAMIENakatulog ako hanggang hapon, siguro dahil na rin sa sama ng loob ko kaya ako ganito, nawala din agad ang pagkaemosyonal ko dahil sa mga narinig ko kanina.Sumilip ako mula sa labas at mukhang wala na sila, mabuti naman at umalis na sila, ayaw ko talagang makisalamuha sa mga ganung klaseng tao lalo na ngayong buntis ako masyado akong emosyonal.Kaya sila magkakaibigan dahil magkakaugali din sila, mabuti na lamang wala g tao dito sa living room, malaya akong makakaupo at makakahinga ng maluwag.Pumunta akong kitchen upang tumulong sa kanila kaso ayaw nila dahil maselan daw ako kailangan ko lang magpahinga, gusto ko rin kumilos kilos kahit maghiwa lang sana ng sibuyas o bawang kaso ayaw nila bilin da wni Lance.And speaking of Lance kakarating lang niya at mag isa lang siya, akala ko kasama niya si Grace kaso hindi, mukhang kasama ng nobya niya ang mga kaibigan niya.“Kamusta pakiramdam mo?” tanong niya sa akin.“Ayos naman.” Derederetso siya sa kitchen at doon
EpilogueJAMIEHindi na takot ang nararamdaman ko ngayon kung hindi kaba, anong pinaplano ni Lance at gusto niya akong ilayo muna?Bakit? ano naman kaya ang gagawin niya? yan ang nasa isip ko kanina pa, ang dami kong katanungan pero hindi niya masagot ng maayos, basta basta na lang siya nagplaplano pero may tiwala naman ako sa kaniya, hindi naman niya ako ipapahamak.Nasa ospital kami ngayon at nagtatago, tinago kami dito ni Lance at pinakiusapan ang doktor, ibubuko niya daw si Grace yun ang sabi niya sa akin kanina.Kinakabahan ako dahil baka kung anong mangyari sa kaniya, nababaliw pa man din ang babaeng iyon.“Tara na, okay na yung sasakyan ko dadalhin nakita sa dati mong tinitirahan.”“Sige.” Sabi ko kay Arthur.Binilin siya ni Lance na dalhin ako doon, nagpaalam na din kami sa doktor ko dahil dito kami nagtago sa opisina niya, nakakahiya nga eh kaso si Lance na ang nakiusap.Hindi nawawala sa isipan ko si Lance, inaalala ko siya dahil baka gawan siya ng masama ni Grace, hays kinak
Chapter seventy sevenLANCESaktong pagdating ni Grace sinagawa na namin ang plano, lahat ng nasa bahay alam ang mangyayari at may tiwala ako sa kanila na hindi nila sasabihin ito kay Grace.Sinugod namin kunwari si Jamie sa ospital, inalalayan naman namin ni Arthursi Jamie papunta sa sasakyan ko.“Deretso tayo sa ospital.” Sabi ko, tatlo lang kami na pupuntang ospital.“Baka sumunod siya?”“Oo susunod talaga yan kaya kailangan natin magmadali.”“Anong plano mo?”“Papalabasin natin na nakunan si Jamie, hindi ka pwedeng makita ni Grace.”“Huh? Paano kung puntahan niya ako?”“Ako na bahala, basta dederetso tayo ngayon sa ospital at pagdating ni Grace dalhin mo si Jamie sa dati niyang tinutuluyan, doon muna siya, babalikan ko siya bukas.” Paliwanag ko.“Paano ka? Anong gagawin mo?” pag aalala ni Jamie sa akin.“Ako na bahala kay Grace, kailanan ko siyang mabisto sa personal upang wala na siyang maidahilan.”“Sige.”Alam kong susunod si Grace sa amin kaya dumiretso muna kami sa ospital, si
Chapter seventy sixLANCEMuntik na akong maniwala sa pagbabago niya.Oo aaminin ko gusto ko pa sana siyang bigyan ng chance dahil nakikita ko yung pagpupursigi niyang tumulong at magbago, pero mali pala, hindi pala lahat ng pinapakita niya ay totoo.May masama pala siyang binabalak kaya siya nagbago, ang akala ko pa naman totoo na at ginagawa niya iyon para sa amin para sa relasyon namin kaso iba ang balak niya.Napakasakit para sa akin ng ipaalam iyon ni Jamie, wala akong ibang pinagdududahan maliban sa kaniya dahil siya lang naman ang may ayaw kay Jamie at sa anak ko dito, ang mga ibang kasama namin sa bahay ay wala namang galit sa mag ina ko.Hindi ko malaman ang gagawin at magiging desisyon ko pero sa ngayon? galit ang nararamdaman ko para sa kaniya, dinamay niya ang baby ko na walang kamalay malay.Hindi ko siya mapapatawad, ang kailangan kong gawin ngayon ay ang mahuli siya sa akto, yung mismong malalaman ko na siya nga ang may dala ng gamot na iyon sa bahay.Iniisip ko kung pa
Chapter seventy fiveJAMIEHindi ko pa sinasabi kay Lance tungkol sa hinala ko, ayaw kong magkagulo agad ng walang malakas na proweba at matinding basehan sa mga binibintang ko.Hinihintay kong umalis si Lance lalo na si Grace, kaso si Lance lang ang umalis at pumunta sa kompanya itong si Grace naman naiwan sa bahay, hindi ako nagpahalata sa kaniya na aalis ako dahil baka sumama sa akin.“Pakisabi kasama ko kaibigan ko kapag hinanap ako ni Grace.”“Opo maam, pero saan po kayo pupunta?”“Ah eh kasama ko kaibigan ko, diyan lang kami sa fast food, ngayon lang kase kami ulit magkikita.”“Ah ganun po ba maam ako na po kukuha ng masasakyan niyo.”“Salamat.”Hindi pa lumalabas ng kwarto si Grace kailangan kong magmadali baka makita niya ako, dala ko ang gamot na nakuha ko sa sahig ng kusina, ipapakita ko ito sa doktor.Grabe ang kaba ko habang palabas ng bahay, kase baka makita ako ni Grace at sumama sa akin, kailangan kong malaman kung anong gamot ba ito kaya pupuntahan ko ang doktor ko upa
Chapter seventy fourJAMIEHindi maganda ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw, hindi ko malaman kung bakit, maski ako nagtataka, sinusunod ko naman mga bilin ng doktor sa akin, naiinom ko naman sa oras ang mga gamot ko na nireseta sa akin.Mga vitamins namin ni baby iyon at maganda sa katawan, nakailang take na nga ako, yung sa pagkain naman namin iisa lang ang kinakain naming lahat, wala namang kakaiba sa pagkain ko, kung ano ang kainin ko yun din naman ang kinakain nila maski prutas.Kaya nagtataka ako bakit ang hina ng katawan ko nitong mga nakaraang linggo, pinipilit ko na lamang minsan magkikilos para hindi nila ako asikasuhin ayaw ko talaga kase magpaasikaso sa kanila dito nahihiya ako.Gusto ko ako yung makatulong sa kanila dahil libre na ako sa lahat dito kaso umiiba pakiramdam ko, nadala na ako noon sa ospital ni Grace tapos nitong nakaraan si Lance naman at ngayon umiiba nanaman pakiramdam ko.Noong hindi ko na kinaya dinala na ako ni Lance sa ospital, kinausap ako ng
Chapter seventy threeGRACEAng aga ko pang nagising para maobserbahan si Jamie, magtatanghalian na hindi pa sumasakit ang tiyan niya, hindi pa siya sinusugod sa ospital.Paano nangyari yun?Kase noong mga araw na nilalagyan ko ng gamot yung ulam namin mga ilang minuto pa lang sumasakit na ang kaniyang tiyan.Baka hindi na sumasakit dahil wala na yung bata sa tiyan niya?Hindi ako mapakali, hindi ko malaman kung anong lagay ni Jamie, hindi sa concern ah kung hindi dahil kailangan nasa ospital na siya ngayon at umiiyak.Kaso patawa tawa pa siya doon sa loob ng kitchen, bakit ganun? Mabisa naman yung gamot na iyon ilang araw ng ana nadadala sa ospital si Jamie tapos ngayong huli ng lagay ko wala ng epekto sa kaniya? Imposible.“Sumakit nanaman tiyan ko, nakaraang linggo ganito nanaman eh.”“Ako naman hindi.”Rinig kong usapan ng mga kasambahay. Ganiyan din ang epekto noong naglagay ako kaso iisa lang ang nagtae ngayon mukhang naimmune na ata ang iba o baka hindi sila kumain ng niluto ko
Chapter seventy twoGRACENapakadali nilang pasakayin, hindi ko alam kung tanga ba sila o ano, hindi ba nila pansin na nagpapanggap lang ako? Hindi naman nila ako tinatanong o sinisita, mas lalo si Lance hindi niya ako tinatanong kung bakit ganito na ang ugali ko, basta ang akala nila dahil sa gamot ko na nireseta ng doktor.Hahaha napakadali nilang utuhin, halata minsan sa kanila ang pagtataka pero ang dali lang pagtakpan, hindi nila namamalayan ang palihim kong balak para sa kanila.Bahala sila magtaka diyan, bahala silang mag isip tungkol sa akin, basta yung plano ko maisagawa ko ayos na iyon.Hindi na nila ako mapagbibintangan.Halos ilang linggo din akong nagpapakatanga sa kanila, nakakasuka nga makisama lalo kay Jamie kung alam lang niya hahaha.Kaso hindi talaga niya mapansin mga ginagawa ko sa kaniya na puro kasinungalingan lamang para maisagawa ang plano ko.Ang totoo niyang balak ko talaga makuha ang loob nila. Lalo na si Jamie na uto uto, or let say magaling din makipagplas
Chapter seventy oneLANCENaninibago ang lahat kay Grace maski naman ako dahil iba ang ikinikilos niya, para sa akin, sana noon pa, kaso ngayon hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko, na parang wala na patutunguhan ang relasyon namin ni Graxe kahit pa magpakabait siya.Alam ko naman kase ang tunay niyang ugali, babalik at babalik siya sa ganung ugali.Hindi ko alam kung epekto ba talaga ng gamot yun o nagpapanggap lang siya, ayaw ko sana na nagpapanggap lang siya o epekto ng gamot ang pinapakita niya dahil parang ang pinapahiwatig nun ay pansamantala lang ang ganung ugali niya.Ayaw ko naman na ganun lalo magkakaanak ako, hindi ko alam kung maganda pa ang ipapakita niyang ugali sa anak ko o hindi, ayaw ko naman ilayo ni Jamie ang anak ko kapag nangyari iyon, ayaw ko magsisi sa huli kaya kailangan kong ayusin lahat ng desisyon ko.Minsan finofocus ko na lang sa trabaho ang sarili ko para mawala sa isip ko ang mga problema dito sa bahay.Pagdating ko sa bahay tulog sila Grace at
Chapter seventyJAMIESa araw araw na lumilipas nagiging okay naman na ang pakikitungo ni Grace sa akin kahit na wala si Lance, hindi na niya ako inuutusan kagaya ng dati, siya pa nga ang nagkukusa sa sarili niya para tulungan ako.Pero iniiwasan ko na siya.Baka kase hindi ako maging aware kapag nadala ako sa pagiging mabait niya sa akin, hindi ko alam kung kailan babalik ang tunay niyang ugali.Mahirap maniwala pero makikisama ako.Kung nginingitian ako, ngingitian ko rin, kung mabait ang pakikitungo sa akin mabait din ang itutungo ko sa kaniya, pero kung pinaplastik niya ako plaplastikan ko din siya.Ayaw ko nga minsan na dalawa lang kami, mabuti nga at nandito ang mga kasambahay nakamasid sa amin palagi, alam naman yan ni Grace.Habang nakatayo ako at naghihiwa bigla akong nakaramdam ng masakit sa tiyan ko, matagal pa naman ang kabuwanan ko pero bakit iba yung sakit?Napahinto ako at nakiramdam, nirerelax ko ang utak ko dahil natataranta ang katawan ko, iba yung sakit ngayon ng ti