Chapter twenty fiveJAMIEHindi ko namamalayan ilang linggo na pala akong nandito sa bahay ni Lance, gusto ko rin kumilos kilos sa gawaing bahay kaso hindi ako pinapayagan ni Lance lalo ng mga maids niya, kaya medyo tumataas ang timbang ko.Lumalaki na rin ang tiyan ko, nakakatuwa kaso nga lang bumibigat na.Maagang umalis si Lance para pumasok sa trabaho, nagpaalam naman siya sa akin at nagbilin din. Maiiwan nanaman kami ni Grace dito sa bahay.Nahihirapan akong kumilos dinadahan dahan ko na lang, may check up pala ako bukas at sasamahan ako ni Lance, yun ang sinabi niya sa akin kanina.Dahan dahan akong kumikilos iniingatan ko kase ang tiyan ko.“Jamie may bisita pala ako mamaya, pwede mo ba akong tulungan?” yan agad ang bungad ni Grace pagkalabas ko ng kwarto.“Saan naman kita tutulungan?” nakita na nga niyang lumalaki ang tiyan ko sa akin pa siya nagpatulong, may mga maids naman dito pero ako talaga ang uutusan niya.“Icecelebrate kase namin ang birthday ng kaibigan ko dito kaya k
Chapter twenty sixJAMIEAng bigat ng pakiramdam ko pagkagising ko, parang hindi ako pinagpawisan tapos ang sakit ng katawan ko, pinilit kong umupo sa kama at hinawakan ang aking leeg, parang may sinat ako.Napahawak ako sa aking tiyan dahil bawal sa buntis ang may lagnat, nag aalala ako sa aking anak. Yung akala kong kaya kong gawin kase kahapon ay hindi naman pwede sa akin, medyo mahina ang resistensya ko ngayon unlike noong hindi pa ako buntis.Ayos lang basta malakas ang baby ko.Hindi ako makaalis sa kinauupuan ko, late na din ako nagising, nakaramdam kase ako ng gutom kaya bumangon na ako.Pinilit ko na lamang lumabas hanggang kitchen upang makakain kaso nga lang nanghihina ako, ano ba naman itong pakiramdam ko, mahina ba ang immune system ng mga buntis? Kailangan kong kumain para naman may pagkain din ang anak ko.Dahan dahan akong lumabas upang makakain, napansin ng isang maid ang lagay ko kaya nilapitan niya ako agad at hinawakan ang aking leeg.“May lagnat ka maam Jamie.”“H
Chapter twenty sevenLANCEAlam kong hindi madali ang sitwasyon ni Jamie, ayaw ko namang pagalitan si Grace dahil nakikita kog ayaw niya sa set up namin kaya naman kailangan kong iiwas silang dalawa sa isat isa, kaso nga lang may trabaho ako kaya hindi ko sila mabantayan.Nagsusumbong sa akin ang katulong ko, sinabihan ko sila na bantayan si Jamie at sinabi nila sa akin na pinagtatrabaho ni Grace si Jamie, alam kong yun ang dahilan kaya siya nilagnat, kailangan niya rin kaseng magpahinga at hindi siya pwedeng gumalaw galaw dito.Hindi ko pa nakakausap si Grace tungkol doon dahil baka masamain niya, sana hindi na maulit, ang pinoprotektahan ko lang naman ay yung bata.May bisita kami, kamag anak ni Grace nakisama ako kaso ayaw ko nang pinag uusapan nila dahil nakita niya si Jamie na buntis ang akala niya ay tinakbuhan siya ng ama ng bata, yun ang dinadahilan ni Grace tuwing may bisita kami, hindi ako umiimik dahil ayaw kong magsinungaling lalo pa at anak ko ang dinadala niya.Si Grace
Chapter twenty eightLANCEHabang tumatagal ang tampo ni Grace sa akin palala ng palala ang ginagawa niya kay Jamie, akala siguro niya hindi ko nalalaman, may CCTV din sa bahay kaya nakikita ko doon ang mga sumbong sa akin paukol sa kaniya.Hindi ko siya sinisita dahil may tampo siya sa akin, alam kong iisipin niyang pinagtatanggol ko si Jamie sa kaniya, kaso nga lang si Jamie naaabuso na rin minsan lalo at buntis siya.Ang hirap ng sitwasyon ko, pinapaniwalaan ko ang mga bintang at sumbong ng mga kasama namin sa bahay dahil nakikita ko rin naman sa CCTV, yun nga lang hindi ko magawang mapagalitan si Grace.Kaya siguro akala niya wala akong kaalam alam sa mga nangyayari dito sa bahay at paulit ulit na lamang siya nang uutos kay Jamie kahit na alam nitong masala ang pagbubuntis niya.Hindi ako mapakali, hindi na kase ako makapagtimpi, oo mahal ko si Grace kaso kailangan ko rin naman itama kapag mali siya.“Mahal.” Napalingon siya sa akin habang may ginagawa sa loob ng kwarto. “Mag usap
Chapter twenty nineJAMIENaiilang ako kay Lance, pero napakakomportable niya sa akin, siguro dahil wala na siyang feelings sa akin kaya ganun na lang siya kung magbiro. Ibig bang sabihin nito kaya ako naiilang ay dahil may feelings pa ako sa kaniya?Hays, ayaw ko, hindi pwede.Ang hirap naman kase diktahan ng puso, kung kagaya lang ng kamay ang puso na pwedeng kontrolin malamang hindi ganito ang pakiramdam ko.Hindi ko alam kung bakit ako nadidismaya sa sarili ko.Nanghihinayang dahil siguro hindi buong pamilya ang maibibigay ko sa magiging anak ko. Ang hirap ituro sa isip ko ngayon ang tumanggap sa katotohanan.Dahil ba sa buntis ako?Noong nagkahiwalay kase kami ni Lance dahil sa galit at sama ng loob iyon tapos naghiwalay na rin kami agad ng landas at hindi na nagkitang muli o kahit mag usap man lang, tapos biglang ganito? Nakakaloka kaya parang iba ang pakiramdam ko, hindi ko maipaliwanag.Tama nga ang sinasabi nil ana huwag magdedesisyon ng galit dahil sa huli ang pag sisisi, hi
Chapter thirtyJAMIEHalos lahat ng kababaihan dito si Lance ang usapan, pero yung nasa banyo kanina halatang may gusto kay Lance, sinundan ko pa nga ng tingin yung babae at mukhang kakilala niya si Lance at nagtatrabaho siya sa kompanya nito.May galit sila kay Grace malamang dahil sa inggit.O kaya dahil siya ang nobya, mabuti na lang hindi ako kilala, dahil kapag nalaman nilang ako ang asawa at may anak kami, baka ako pa ang pagtuunan ng pansin ng mga kababaihan.Dahan dahan akong bumalik sa pwesto ko kanina dahil baka mabangga nila ang tiyan ko. Si Arthur sinalubong naman ako at inalalayan.Nahihiya ako dahil baka kung anong isipin sa amin kaso, mga walang pakealam ang mga tao dito, may kaniya kaniya silang pinagkakaabalahan, mas pinagtutuunan nila ng pansin ang mga tao sa harapan dahil mga VIP.Lalo na si Lance.Magkatable na kami ni Arthur pero ang atensyon ko na kay Lance, hindi ko maiwasan dahil ngayon ko lang ulit siya nakikitang nakangiti, hindi ko alam kung totoong ngiti ba
Chapter thirty oneJamieNakikiramdam ako sa magjowa dito sa bahay, kahit ganiyan na dati ko siyang asawa ay parang naaawa ako sa kaniya, todo asikaso siya kay Grace kaso itong Grace hindi siya pinapansin.Kunwari hindi ko sila pinapakiramdaman, nasa kusina ako at nakikipag kwentuhan sa mga kasambahay habang tumutulong, kaso ang mga mata ko nakatingin sa kanila.Naawa ako kay Lance, gusto ko siyang tulungan kaso alangan suyuin ko din si Grace? Alangan magpaliwanag ako sa kaniya?Alam kong dahil kagabi kaya siya nagkaganiyan. Iniwan kase namin siya, hindi ko alam kung anong nangyari kay Lance bakit hindi niya naalala si Grace at ako ang pinauwi niya.“Maam, napansin mo ba sila sir at maam?” binulungan ako ng isang kasambahay.“Ssshh, baka marinig ka.”“Kagab inga sinigawan ni maam Grace si sir Lance.”“Talaga? Ginawa niya yun?” tanong ko, inalala ko yung pagsasama namin ni Lance, hindi ko pa siya nasigawan, kase ako yung tipo ng tao na kapag punong puno na umiiyak na lang, same kami na
Chapter thirty twoJAMIEYung pagkakasabi ni Grace ng ganun alam ko na nagsisimula na siya ng away, hindi na talaga niya mapigilan ang pagiging bait baitan sa harapan ko, sabagay kelan ba siya bumait?“May kailangan ka ba sa akin?” malumanay kong tanong sa kaniya dahil iniiwasan ko ang makipag away.“Bakit hindi ka sumagot sa tinanong ko? Tama ako noh? Talagang sinadya mong magkaanak kahit hiwalay na kayo dahil nakita mo kung gaano kayaman si Lance.” Napabuntong hininga na lang ako dahil sa kakitiran ng utak ni Grace.Ang layo ng meaning niya sa hindi ko pagsagot sa tanong niya, hindi ba pwedeng ayaw ko ng away? Kapag sinagot ko naman siya baka isipin niya nagmamalaki na ako nagmamagaling?Gusto ko siyang intindihin dahil alam kong mahirap ang sitwasyon namin at nagseselos siya, oo kasalanan namin ni Lance kaso huwag sana niya idamay ang bata, titiisin ko na lamang ang pang aapi niya sa akin.Napapabuntong hininga na lamang ako dahil hindi ko maipapaintindi sa kaniya ang saloobin ko.
EpilogueJAMIEHindi na takot ang nararamdaman ko ngayon kung hindi kaba, anong pinaplano ni Lance at gusto niya akong ilayo muna?Bakit? ano naman kaya ang gagawin niya? yan ang nasa isip ko kanina pa, ang dami kong katanungan pero hindi niya masagot ng maayos, basta basta na lang siya nagplaplano pero may tiwala naman ako sa kaniya, hindi naman niya ako ipapahamak.Nasa ospital kami ngayon at nagtatago, tinago kami dito ni Lance at pinakiusapan ang doktor, ibubuko niya daw si Grace yun ang sabi niya sa akin kanina.Kinakabahan ako dahil baka kung anong mangyari sa kaniya, nababaliw pa man din ang babaeng iyon.“Tara na, okay na yung sasakyan ko dadalhin nakita sa dati mong tinitirahan.”“Sige.” Sabi ko kay Arthur.Binilin siya ni Lance na dalhin ako doon, nagpaalam na din kami sa doktor ko dahil dito kami nagtago sa opisina niya, nakakahiya nga eh kaso si Lance na ang nakiusap.Hindi nawawala sa isipan ko si Lance, inaalala ko siya dahil baka gawan siya ng masama ni Grace, hays kinak
Chapter seventy sevenLANCESaktong pagdating ni Grace sinagawa na namin ang plano, lahat ng nasa bahay alam ang mangyayari at may tiwala ako sa kanila na hindi nila sasabihin ito kay Grace.Sinugod namin kunwari si Jamie sa ospital, inalalayan naman namin ni Arthursi Jamie papunta sa sasakyan ko.“Deretso tayo sa ospital.” Sabi ko, tatlo lang kami na pupuntang ospital.“Baka sumunod siya?”“Oo susunod talaga yan kaya kailangan natin magmadali.”“Anong plano mo?”“Papalabasin natin na nakunan si Jamie, hindi ka pwedeng makita ni Grace.”“Huh? Paano kung puntahan niya ako?”“Ako na bahala, basta dederetso tayo ngayon sa ospital at pagdating ni Grace dalhin mo si Jamie sa dati niyang tinutuluyan, doon muna siya, babalikan ko siya bukas.” Paliwanag ko.“Paano ka? Anong gagawin mo?” pag aalala ni Jamie sa akin.“Ako na bahala kay Grace, kailanan ko siyang mabisto sa personal upang wala na siyang maidahilan.”“Sige.”Alam kong susunod si Grace sa amin kaya dumiretso muna kami sa ospital, si
Chapter seventy sixLANCEMuntik na akong maniwala sa pagbabago niya.Oo aaminin ko gusto ko pa sana siyang bigyan ng chance dahil nakikita ko yung pagpupursigi niyang tumulong at magbago, pero mali pala, hindi pala lahat ng pinapakita niya ay totoo.May masama pala siyang binabalak kaya siya nagbago, ang akala ko pa naman totoo na at ginagawa niya iyon para sa amin para sa relasyon namin kaso iba ang balak niya.Napakasakit para sa akin ng ipaalam iyon ni Jamie, wala akong ibang pinagdududahan maliban sa kaniya dahil siya lang naman ang may ayaw kay Jamie at sa anak ko dito, ang mga ibang kasama namin sa bahay ay wala namang galit sa mag ina ko.Hindi ko malaman ang gagawin at magiging desisyon ko pero sa ngayon? galit ang nararamdaman ko para sa kaniya, dinamay niya ang baby ko na walang kamalay malay.Hindi ko siya mapapatawad, ang kailangan kong gawin ngayon ay ang mahuli siya sa akto, yung mismong malalaman ko na siya nga ang may dala ng gamot na iyon sa bahay.Iniisip ko kung pa
Chapter seventy fiveJAMIEHindi ko pa sinasabi kay Lance tungkol sa hinala ko, ayaw kong magkagulo agad ng walang malakas na proweba at matinding basehan sa mga binibintang ko.Hinihintay kong umalis si Lance lalo na si Grace, kaso si Lance lang ang umalis at pumunta sa kompanya itong si Grace naman naiwan sa bahay, hindi ako nagpahalata sa kaniya na aalis ako dahil baka sumama sa akin.“Pakisabi kasama ko kaibigan ko kapag hinanap ako ni Grace.”“Opo maam, pero saan po kayo pupunta?”“Ah eh kasama ko kaibigan ko, diyan lang kami sa fast food, ngayon lang kase kami ulit magkikita.”“Ah ganun po ba maam ako na po kukuha ng masasakyan niyo.”“Salamat.”Hindi pa lumalabas ng kwarto si Grace kailangan kong magmadali baka makita niya ako, dala ko ang gamot na nakuha ko sa sahig ng kusina, ipapakita ko ito sa doktor.Grabe ang kaba ko habang palabas ng bahay, kase baka makita ako ni Grace at sumama sa akin, kailangan kong malaman kung anong gamot ba ito kaya pupuntahan ko ang doktor ko upa
Chapter seventy fourJAMIEHindi maganda ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw, hindi ko malaman kung bakit, maski ako nagtataka, sinusunod ko naman mga bilin ng doktor sa akin, naiinom ko naman sa oras ang mga gamot ko na nireseta sa akin.Mga vitamins namin ni baby iyon at maganda sa katawan, nakailang take na nga ako, yung sa pagkain naman namin iisa lang ang kinakain naming lahat, wala namang kakaiba sa pagkain ko, kung ano ang kainin ko yun din naman ang kinakain nila maski prutas.Kaya nagtataka ako bakit ang hina ng katawan ko nitong mga nakaraang linggo, pinipilit ko na lamang minsan magkikilos para hindi nila ako asikasuhin ayaw ko talaga kase magpaasikaso sa kanila dito nahihiya ako.Gusto ko ako yung makatulong sa kanila dahil libre na ako sa lahat dito kaso umiiba pakiramdam ko, nadala na ako noon sa ospital ni Grace tapos nitong nakaraan si Lance naman at ngayon umiiba nanaman pakiramdam ko.Noong hindi ko na kinaya dinala na ako ni Lance sa ospital, kinausap ako ng
Chapter seventy threeGRACEAng aga ko pang nagising para maobserbahan si Jamie, magtatanghalian na hindi pa sumasakit ang tiyan niya, hindi pa siya sinusugod sa ospital.Paano nangyari yun?Kase noong mga araw na nilalagyan ko ng gamot yung ulam namin mga ilang minuto pa lang sumasakit na ang kaniyang tiyan.Baka hindi na sumasakit dahil wala na yung bata sa tiyan niya?Hindi ako mapakali, hindi ko malaman kung anong lagay ni Jamie, hindi sa concern ah kung hindi dahil kailangan nasa ospital na siya ngayon at umiiyak.Kaso patawa tawa pa siya doon sa loob ng kitchen, bakit ganun? Mabisa naman yung gamot na iyon ilang araw ng ana nadadala sa ospital si Jamie tapos ngayong huli ng lagay ko wala ng epekto sa kaniya? Imposible.“Sumakit nanaman tiyan ko, nakaraang linggo ganito nanaman eh.”“Ako naman hindi.”Rinig kong usapan ng mga kasambahay. Ganiyan din ang epekto noong naglagay ako kaso iisa lang ang nagtae ngayon mukhang naimmune na ata ang iba o baka hindi sila kumain ng niluto ko
Chapter seventy twoGRACENapakadali nilang pasakayin, hindi ko alam kung tanga ba sila o ano, hindi ba nila pansin na nagpapanggap lang ako? Hindi naman nila ako tinatanong o sinisita, mas lalo si Lance hindi niya ako tinatanong kung bakit ganito na ang ugali ko, basta ang akala nila dahil sa gamot ko na nireseta ng doktor.Hahaha napakadali nilang utuhin, halata minsan sa kanila ang pagtataka pero ang dali lang pagtakpan, hindi nila namamalayan ang palihim kong balak para sa kanila.Bahala sila magtaka diyan, bahala silang mag isip tungkol sa akin, basta yung plano ko maisagawa ko ayos na iyon.Hindi na nila ako mapagbibintangan.Halos ilang linggo din akong nagpapakatanga sa kanila, nakakasuka nga makisama lalo kay Jamie kung alam lang niya hahaha.Kaso hindi talaga niya mapansin mga ginagawa ko sa kaniya na puro kasinungalingan lamang para maisagawa ang plano ko.Ang totoo niyang balak ko talaga makuha ang loob nila. Lalo na si Jamie na uto uto, or let say magaling din makipagplas
Chapter seventy oneLANCENaninibago ang lahat kay Grace maski naman ako dahil iba ang ikinikilos niya, para sa akin, sana noon pa, kaso ngayon hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko, na parang wala na patutunguhan ang relasyon namin ni Graxe kahit pa magpakabait siya.Alam ko naman kase ang tunay niyang ugali, babalik at babalik siya sa ganung ugali.Hindi ko alam kung epekto ba talaga ng gamot yun o nagpapanggap lang siya, ayaw ko sana na nagpapanggap lang siya o epekto ng gamot ang pinapakita niya dahil parang ang pinapahiwatig nun ay pansamantala lang ang ganung ugali niya.Ayaw ko naman na ganun lalo magkakaanak ako, hindi ko alam kung maganda pa ang ipapakita niyang ugali sa anak ko o hindi, ayaw ko naman ilayo ni Jamie ang anak ko kapag nangyari iyon, ayaw ko magsisi sa huli kaya kailangan kong ayusin lahat ng desisyon ko.Minsan finofocus ko na lang sa trabaho ang sarili ko para mawala sa isip ko ang mga problema dito sa bahay.Pagdating ko sa bahay tulog sila Grace at
Chapter seventyJAMIESa araw araw na lumilipas nagiging okay naman na ang pakikitungo ni Grace sa akin kahit na wala si Lance, hindi na niya ako inuutusan kagaya ng dati, siya pa nga ang nagkukusa sa sarili niya para tulungan ako.Pero iniiwasan ko na siya.Baka kase hindi ako maging aware kapag nadala ako sa pagiging mabait niya sa akin, hindi ko alam kung kailan babalik ang tunay niyang ugali.Mahirap maniwala pero makikisama ako.Kung nginingitian ako, ngingitian ko rin, kung mabait ang pakikitungo sa akin mabait din ang itutungo ko sa kaniya, pero kung pinaplastik niya ako plaplastikan ko din siya.Ayaw ko nga minsan na dalawa lang kami, mabuti nga at nandito ang mga kasambahay nakamasid sa amin palagi, alam naman yan ni Grace.Habang nakatayo ako at naghihiwa bigla akong nakaramdam ng masakit sa tiyan ko, matagal pa naman ang kabuwanan ko pero bakit iba yung sakit?Napahinto ako at nakiramdam, nirerelax ko ang utak ko dahil natataranta ang katawan ko, iba yung sakit ngayon ng ti