Chapter three
JAMIE
Tinulungan ako ng kasama ko sa karindirya na mamili ng isusuot ko sa pupuntahan kong kasal, nakakatuwa lang kase medyo gumaan ang pakiramdam ko hbang ginagawa ko yun, kailangan din pala talagang lumabas para magunwind.
Nakakagaan sa pakiramdam, araw araw na lang kse ang trabaho at maghanap ng pagkakakitaan kaya naman yung mood ko paiba iba din kung minsan, kailangan pala gumala din at maglibang, kaso nga lang iniisip ko yung gastos kapag lalabas ako, pero kagaya kanina magaan naman ang pakiramdam ko kapag lumalabas ako, gagawin ko na iyon isang beses sa isang linggo.
May binili na rin akong regalo para sa kaibigan kong ikakasal sana magustuhan niya, dalawang araw bago ang kasal niya at pinaalam ko na din sa mga kasama ko sa karindirya na magsasara muna kami, parang day off na rin nila iyon.
Nag aayos na ako ng gamit ko dahil tutuloy ako sa hotel ng dalawang gabi at isang araw, hindi naman kase ako makakauwi agada gad pagkatapos ng kasal, ang sab isa akin ni Martha mayroon daw siyang ibibigay na kwarto ng hotel para sa akin, mayaman ang mapapangasawa niya kaya sa hotel ang venue.
Habang nag aayos ako ng gamit ko biglang may nahulog sa sahig. Yung kwintas na niregalo sa akin ng dati kong asawa, ito yung mamahaling iniregalo niya sa akin, itinatago tago ko pa kase sayang din. Bakit kaya nahulog ito? ang layo naman ng lagayan niya dito sa kinukuha kong gamit.
Isuot ko kaya sa kasal?
Wala naman siguro si Lance doon?
Hindi naman siguro niya inimbita ang dati kong asawa sa kasal niya?
At kahit iimbita man niya ito ay masyado siyang abala, mayaman at negosyante na si Lance malamang abala na iyon sa mga negosyo niya.
Bagay kase ito sa isusuot kong damit sa kasal, wala man lang akong kahit anong palamuti sa katawan na maisusuot, mabuti na lang pala nakita ko ito.
Malaking halaga ito kapag sinanla pero hindi ko ginawa, ewan ko ba sa sarili ko, wala naman na akong pakealam sa dati kong asawa kaya pwede ko itong ibenta anytime, kaso nanghihinayang kase ako, yung pakiramdam ko ang nagpipigil sa akin.
Kaya isusuot ko na lang ito sa araw ng kasal ng kaibigan ko.
Nagbukas pa ako ng karindirya ng ilang araw, sayang ang kita at sayang din daw ang sasahurin ng mga kasama ko kaya pinagbigyan ko na, kinagabihan ay umalis na rin ako papunta sa hotel na sinasabi ni Martha.
May dala akong cellphone, ito yung luma kong phone pero gumagana pa naman, kaya pang pantext at pantawag, hindi ako mahilig sa social media dahil hindi naman kaya ng phone ko yun, wala din naman akong kokontakin kaya hindi na ako bumili ng bago.
Nakarating ako sa pupuntahan ko ng ligtas, sinalubong ako ng kaibigan ko sa may lobby ng hotel. “ Akala ko hindi ka pupunta.”
“ Pwede ba yun? syempre pupunta ako.”
“ Halika dadalhin kita sa kwarto mo.”
Ngayon lang ulit ako nakarating sa lugar na ito, dati man akong nagtatrabaho sa Maynila ay naninibago parin ako ngayon parami na kase ng parami ang mga tao lalo ang mga buildings dito.
Hinatid niya ako sa kwarto ko, room 406 ang kwarto ko at napakalawak ng lugar na ito. “ Ako lang ang tutuloy dito?”
“ Marami pa kayo, pero tig iisa kayo ng kwarto, hindi naman pwedeng may kasama ka dito baka mamaya bigla kang magkababy ng walang ama hahaha.”
“ Baliw ka talaga, kahit isang babae lang sana na kasama ko dito ang lawak ng kwarto oh.”
“ Ayos lang yan mag enjoy ka dito, nasa kabilang kwarto lang din ako tapos ang family ko nandito din at ibang kamag anak, para naman may privacy kayo.”
“ Salamat ah.”
“ Bakit ikaw ang nagpapasalamat? Ako dapat ang magpasalamat kase aattend ka.”
“ Heto pala regalo ko, ibibigay ko na sayo, nakakahiya kase ibigay sa araw ng kasal mo.”
“ Nako nagabala ka pa.” nabot niya din lang yung munti kong regalo. “ Oh siya magpahinga ka na, may libreng dinner naman dito, ihahatid mamaya, kung may kailangan ka nasa kabilang kwarto lang ako room 405.”
Hindi naman ako nagutom, bumili ako ng tinapay at juice kanina sa may labas bago ako pumunta dito, nilibot ko na lang ang buong lugar at huminto malapit sa may bintanang malaki, kitang kita dito ang ganda sa labas, ang nagliliwanag na matataas na gusali at ang mga maliliwanag na sasakyan, buhay na buhay ang Maynila kahit gabi, sa probinsya lang talaga maaga natutulog ang mga tao.
Sakto naman ang pagdating ng dinner ko, mag isa ko lang sito para akong pasyente, dapat pala dinala ko yung kasama ko sa karindirya pwede naman sabi ni Martha kanina, ang boring tuloy.
Pwede naman kong makihalubilo sa pamilya nila Martha kaso nahihiya ao at pagod na rin ako, bukas na ang kasal kaya kailangan ko magpahinga, nagbyahe ako ng matagal dahil sa traffic, galing pa akong Pampanga tapos naabutan ako ng traffic, probinsya na ang pinanggalingan ko pero matraffic parin.
Maaga na lang akong nagpahinga kaya maaga din akong nagising, lumabas ako ng room ko at napakatahimik, mga staff ng hotel lang ang nasasalubong ko.
Mamaya pang hapon ang kasal doon pa talaga sa rooftop ng hotel gaganapin yung wedding, hindi naman gaanong mataas doon pero maganda kase ang view kaya doon nila gaganapin.
Gising na rin ang bride, syempre excited sa araw niya, habang ako? Lumabas muna ng hotel at naglakad lakad, mabuti na lang may nakita akong nagtitinda ng taho malapit sa hotel kaya bumili ako, mamaya pa kase yung almusal na ihahatid, maaga akong nagising kaya nagutom ako agad.
Nagpalipas lang ako ng oras at bumalik na sa hotel, naipon tuloy yung breakfast at lunch ko, ang dami kong kakainin.
Sayang din kung hindi ko uubusin, lumabas pa kase ako ng hotel at naglakad lakad, ang daming bilihan sa paligid kaya natagalan akong bumalik, binilhan ko ng pasalubong ang mga kasama ko sa karindirya.
Naghanda na ako dahil dalawang oras na lang at gaganapin na ang kasal, ako ang mag aayos ng sarili ko kahit hindi ako gaanong marunong magmake up.
Natagalan ako mag ayos ng buhok ko, kumpleto naman ako ng gamit kase alam kong walang mag aayos sa akin, sinuot ko na rin yung dress na binili ko.
Pansin ko tuloy sa katawan ko na mas sumexy ako, natawa na lang ako habang nakatitig sa may salamin. Sa kakatrabaho ko ito, yung everyday routine ko hindi ko na namamalayan ang sarili ko, hindi ko na naaalagaan, pinapagod ko ang sarili ko para kumite ng pera.
Mabuti na lang hindi pa ako mukhang matanda, alam kong baby face pa ako. Hindi kase ako palaging nagmamake up, ngayon lang na may okasyon.
Lumabas na ako sa kwarto ko at pumunta sa venue, ang dami ng tao. Dito na rin nila dadalhin yung pastor na magkakasal sa kanila, ito na rin yung reception.
Wala man lang akong kakilala ngayon dito, ngumingiti lahat ng makasalubong ko kaya ngumingiti na lang din ako sa kanila.
Wala akong makausap kahit na sino, lahat sila dito magkakakilala.
Naghanap ako ng pwedeng maupuan, lahat occupied na pero may mga bakante naman, naghanap ako banda sa gilid para hindi naman ako masyadong expose.
“ Pwede makitable.”
“ Sige po.”
Mabuti may nakita akong babae kasama ang baby niya at ang nanay ata niya, baka kaibigan ni Martha ito kaya nasa gilid din hindi nakikihalubilo.
Nakipagkwentuhan ako sa kanila at tama nga ang hinala ko, kaibigan nga siya ni Martha.
Ilang minuto lang ay nagumpisa ng tumunog ang musika at sabay nun ay ang paglabas ng mga ikakasal. Nakangiti ako habang nakatingin sa kanila na pumapasok, bigla kaseng sumagi sa akin ang kasal ko.
Ganiyan din ako kasaya noon.
Ganiyan din ako kaexcited.
Pero anong nangyari sa amin ngayon ng napakasalan ko. “ Lance?” habang nakatitig ako ay bigla kong nakita ang dati kong asawa sa pangatlong table. Sinusundan ko kase ng tingin si Martha habang naglalakad kaya ng masagi ng mata ko yung pangatlong table ay nandoon din si Lance.
Kinusot ko pa ang aking mga mata kahit na may make up ako upang malinawan lang kung si Lance ba ang nakita ko, at hindi nga ako nagkakamali.
“ Nandito din siya.” Sambit ko.
“ Po? Ano po yun?” tanong ng katabi ko.
“ Ha? Ah eh wala wala.”
Bakit ganito ang pakiramdam ko, bigla akong kinilabutan at kinabahan. Ang bilis ng tibok ng puso ko ng makita ko siya, hindi naman pagmamahal ito, siguro nagulat lang ako, kalma self, wala ka namang ginagawang masama.
Napabuntong hininga ako, hindi ako nakapagconcentrate sa kasal dahil hindi ko maiwasan na mapatingin sa dati kong asawa na si Lance.
Mabilis lang naman ang palitan nila ng sumpa, este sumpaan, ganito na ang naiisip ko ng makita ko ang dati kong asawa, sumpa tuloy.
Ang dami lang pinagsasabi, hindi talaga ako mapakali ngayon, may nakita akong bar counter sa may gilid kaya doon muna ako pumunta lalo at wala namang gaanong pumupunta banda doon.
Bakit ba ako umiiwas? Wala naman akong kasalanan sa dati kong asawa ah.
Bakit ganito ang pakiramdam ko? Para akong kriminal?
“ Maam want some drinks?” aya sa akin ng bartender, may paganito pa sila sa loob ng venue, siguro para din mamaya after ng wedding, may mga malalasing.
Uuwi na lang ako agad mamaya pagkatapos nito, magpapaalam na lang ako kay Martha, ayaw ko magstay dito ng matagal, hindi ako komportable.
Binigyan ako ng drinks nung bartender. Ininom ko ito agad. “ Nakakalasing ba to?”
“ Konti lang maam, gusto niyo po ba yung nakakalasing?”
“ Huwag masyado.” Sagot ko.
Nakakain naman na ako kanina, ang sarap ng alak nila, hindi ko alam kung anong timpla ito pero parang juice lang, hindi pa naman ako lasing.
Abala na ang lahat, ang ibang bartender nagdadala na ng alak sa mga table, ako tog nandito sa bar counter sa gilid mag isa.
“ Can you give me some whiskey?” may lalaki sa gilid ko habang umiinom ako ng alam.
“ Okay sir.”
“ Maam sir pwede po ba namin makuha ang mga pangalan niyo para sa souvenir na ibibigay?” may lumapit sa harapan ko na bartender din, anong souvenir kaya yun.
“ Sure, I’m Lance.”
“ Jamie.”
Sabay kaming bumangit ng pangalan ng lalake sa gilid ko at pagkatapos nun at para na akong estatwa na nakatitig lang sa bartender.
Tama ba ang rinig ko?
Dahan dahan akong lumingon sa tabi ko at nakatingin din pala siya sa akin, hindi nga ako nagkakamali, ang dati kong asawa ang nandito sa gilid ko.
“ Okay sir, maam pakihintay na lang po yung souvenir.” Sabi ng bartender na hindi na namin pinansin.
Hindi ko alam ang sasabihin ko, magsasalita ba ako o hindi? Pero nasa tabi ko na ang dati kong asawa, kailangan ko bang kamustahin siya?
“ Long time no see.” Siya na ang nagumpisang magsalita.
“ Oo nga.” Napalihis ako ng tingin at napapikit, bakit baa ko nasa ganitong sitwasyon ngayon, akala ko hindi ito invited.
Kanina lang nakatayo siya pero ng makita niya ako ay umupo siya sa tabi ko, dito na din siya uminom ng alak.
Ang tahimik naming dalawa, pero ang ingay ng music dito sa loob ng venue. Pareho kaming umiinom, ako kuha lang ng kuha at utos lang ng utos sa bartender.
“ Baka masobrahan mo.” bigla nanaman siyang nagsalita.
“ Konti lang naman to.” Pero nakakailang baso na ako, hindi ko alam ang sasabihin, hindi ako makatayo sa kinauupuan ko, baka kung anong isipin ng lalakeng ito kapag umalis agada ko, ayaw ko naman ng ganun.
Wala naman akong ginagawang masama kaya dapat ay hindi ako mahiya sa kaniya.
“ Kamusta ka na?”
“ Okay na okay naman ako.” Yung ngiti ko paran ngiting aso.
“ Halata nga.” Napakanatural lang niya ngayon pero ako tong naiilang.
Ikaw ba naman makita mo ang dati mong asawa after ilang taon, tapos dito pa sa kasalan? Kahit sabihin kong wala na akong nararamdaman sa kaniya ay naiirita parin ako.
Uminom na lang ako ng uminom sabi naman ng bartender konti lang ang tama nitong iniinom ko, pero bakit parang tinatamaan na ako?
Chapter fourJAMIENaghihintayan kaming may magsalita, maski siya ramdam kong gusto niyang makipag usap sa akin kaso ang tipid kong magsalita, gusto ko rin naman makipag usap sa kaniya kaso naiilang ako, hindi ko maiwasan ang nararamdaman kong pagkailang sa kaniya.Habang nagpapakiramdaman kami pareho naman kaming order ng order ng maiinom, nararamdaman ko na nga yung tama sa akin ng alak na iniinom ko.“Congrats nga pala.” Bati ko sa kaniya dahil naalala ko yung napanuod ko sa balita noon.“Huh?”“Nakita kita sa balita noong nakaraan.”“Ah yun ba.”“Congrats.” Inulit ko muli siyang batiin. “Ang layo na ng narating mo.” nag uumpisa na akong dumaldal, hindi ko alam saan ko kinukuha ang lakas ng loob kong magsalita at kumausap sa kaniya kase naman parang umeepekto na yung alak a nainom ko, konti lang daw ang tam anito kaso naramihan ko ang inom. “ Habang ako ganito parin, hamak parin.”“What do you mean?”“Walang pagbabago, parang straight line lang na hindi gumagalaw, walang pagbabago
Chapter fiveJAMIEHindi ko maisuot nang mabuti ang aking mga damit dahil ayaw ko magising si Lance, isang maling galaw ko lang magigising na siya agad.Ang hirap isuot ng damit ko, yung bra at panty ko nasuot ko na kaso pahirapan pa, pawis na pawis ako habang nagsusuot ng damit dahil sa sobrang kaba.Kaunti na lang at maisusuot ko na kaso biglang gumalaw si Lance kaya naman napahiga ako at napatalikod sa kaniya, tinaklob ko rin ang kumot na nasa gilid ko at nagkunwaring tulog.Ramdam kong galaw siya nang galaw kaya napapikit ako nang mariin hanggang sa bigla na lang niya akong niyakap habang nakatalikod sa kaniya.Yung kabog nang aking dibdib ay hindi na normal, nakayakap na siya ngayon sa akin na parang ginagawa niya dati sa akin.Hayst! Bakit ba ganito ang naging sitwasyon ko ngayon? yung kamay niya malikot napupunta sa dibdib ko, hinahayaan ko na lang kase ganiyan naman talaga ang gawain ni Lance noong nagsasama pa kame, nagpapalambing ba.Humiga ako nang maayos para hind niya mah
Chapter six JAMIE Back to reality. Magigising nang maaga upang magluto ng mga ititinda, walang inaalalang iba kung hindi ang negosyo at ang sarili. “Goodmorning ate Jamie!” “Kamusta ang bakasyon ate?” “Anong bakasyon? Umattend lang ako sa kasal ng kaibigan ko.” “Hahaha kase naman ate nakalabas ka na sa lungga mo, palagi ka na lang dito hindi ka namamasyal.” “Saan naman ako pupunta at wala naman din akong kasama.” “Ako.” Biglang may sumabat na boses lalake. “Sir Arthur!” “Ang aga mo ata sir!’ “Long time no see sir ah.” Napangiti na lamang ako kay Arthur na kakarating lang dito sa karindirya ko, isa siya sa mga malapit sa akin pero dahil busy din siya sa kaniyang buhay ay madalang na siyang pumunta dito. “Pasensya na nagbakasyon kase ako sa probinsya ng mga magulang ko kaya hindi ako nagagawi dito.” Nagsialisan ang mga kasama ko sa karindirya at pumunta sila sa may gilid kung saan nag aayos sila ng mga upuan at mga gagamitin dito sa karindirya. Akala kase nila manliligaw
Chapter sevenLANCEHindi ko inasahan ang madadatnan ko sa araw na iyon dahil ang dati kong asawa na si Jamie ang kasama ko sa iisang kwarto, hindi lang iyon, magkatabi pa kami sa iisang kama at pareho kaming walang saplot sa katawan.Natatandaan ko naman ang mga nangyari kaso para itong isang panaginip sa akin. Akala ko talaga panaginip iyon pero totoo palang nangyari.Nabigla ako pagkagising ko, wala na akong nagawa kung hindi tanggapin ang nangyari, walang may kasalanan sa nangyari dahil pareho naming ginawa iyon.We satisfied each other.Hindi pa ako nakapagpaalam kay Grace dahil ang akala niya uuwi ako sa bahay pero natamaan ako ng alak na ininom ko that night, hindi ko namalayan na nasobrahan ko na dahil nag usap kami ni Jamie ng gabing iyon.Pag uwi ko sa bahay halatang galit si Grace dahil hindi ako nakauwi sa sinabi kong oras sa kaniya, hindi parin nga ako makapaniwala sa ginawa nami nang gabing iyon kaya para akong robo na hindi makapagsalita sa harap ng girlfriend ko.“Twag
Chapter eightJAMIEYung girlfriend ni Lance parang ang sungit, maganda nga siya sa personal at sa TV kaso yung ugali parang hindi maganda.Ayaw ko na nga manghusga kase hindi ko naman kilala yung tao, baka kaya niya ako sinungitan kase akala niya mababangga ko siya, ako naman itong si nagmamadali na parang nakawala sa hawla ay takbo ng takbo, mabuti kahit tao ako nakakapagpreno ako.May mga kasama siyang magagandang babae at mga sexy, halatang mga sosyal.Pero mukhang hindi niya kasama si Lance.Hindi ko maiwasang sumulyap sa pwesto nila ng mga kasama niya, bakit pakiramdam ko nanliliit ako ngayon.Bakit ko ba kinukumpara ang sarili ko sa kaniya, tapos na kami ni Lance at siya na ang bago, hindi naman ako makapagfile ng annulment dahil wala akong pera para ayusin yun, at kung sakaling si Lance ang mag aasikaso nun ay hindi ako tatanggi, para makawala na rin ako sa kasal namin ni Lance.Ano pa bang hahabulin ko sa kaniya? Hindi porke mayaman na siya ay hahabol na ako dahil ako ang leg
Chapter nine JAMIE Pinilit kong magbukas ng karinderya ko kahit masama ang pakiramdam ko, oo masama nanaman ang pakiramdam ko na akala ko ay mawawala na agad, kaso ganun ulit lalo kapag umaga. Nagluto ako pero hindi ako satisfied sa mga niluto ko kaya kakaunti lang ang putahe na nagawa ko ngayon, ang mga kasama ko sa kainan nagtataka sa akin dahil palagi kong sinasabi na okay naman ako kahit na napapansin nilang namumutla daw ako. “Ate Jamie baka gusto mong magpahinga muna, kami na lang dito.” “Kaya ko naman, bakit sinasabi niyong mukha akong may sakit?” “Halata naman ate namumutla ka nga oh.” Ngumingiti ako ng pilit kaso umiiba ang takbo ng pakiramdam ko, nahihilo ako pero pinipilit kong umupo ng maayos at maging okay ang lahat. Hindi naman ito dahil sa annulment, bago pa ako tawagan ni Lance ganito na ang pakiramdam ko, pangalawang araw na nga ito kaya naman nag aalala na ako, baka may malubha na akong sakit. Ayaw kong mang istorbo ng ibang tao kaya sinolo ko ang nararamdama
Chapter ten JAMIE Ganito ba kapag buntis nakakapuyat? Kahit gusto ko na matulog sa gabi ayaw pa rin, o dahil sa pagooverthink ko kaya ako ganito? Nakakalito, ngayon lang ako nabuntis at ngayon lang ako makakaranas ng ganito. Hindi talaga madali ang mabuntis iba ang pakiramdam. Lalo na nahihirapan ako ngayon dahil walang nakakaalam ng sitwasyon ko at wala akong katuwang, imbis na may makasama akong mag asikaso dito sa bahay at sa sarili ko wala man lang ni isa, ganito pala kahirap ang maging single mom. Kung siguro nauna ang baby bago ang hiwalayan namin ni Lnce, baka nasalba pa ang relasyon naming dalawa, kaso iba na ang sitwasyon namin ngayon. Nakakapanghinang isipin, natatakot ako nab aka hindi ko kayanin na mag isang itaguyod ang magiging anak ko. Ang hirap ng ganito, mas lumalala ang pag ooverthink ko lalo na ngayong buntis ako, parang doble yung emosyon ko ngayon. Hindi ko alam ang uunahin kong lutuin dahil naduduwal ako, may mga sangkap kase na parang ayaw kong amuyin at t
Chapter elevenJAMIENakakagulat si Arthur dahil hindi ko naman akalain na bibiglain niya ako sa tanong niya sa akin, akala ko hindi niya mapapansin at hindi makekealam, pero mukhang nahahalata na niya sa ikinikilos ko at sa nangyayari sa akin.“Umm, pasensya na sa tanong ko, nag aalala lang naman kase ako sayo.” Siguro ito na ang sign na kailangan ko ng sabihin sa iba ang sitwasyon ko, wala din naman kase akong magagawa.“Oo.” Agad kong sagot.“Ha?”“Oo buntis ako.” Deretsahang sabi ko sa kaniya. Hindi siya nakapagsalita agad sa sinabi ko. “Kaya ako naduduwal tuwing umaga, kaya ako tinatamad kumilos minsan, kaya iba ang pakiramdam ko ngayon ay dahil buntis ako, ilang linggo na.”“Pero papaanong—I mean hays, pasensya na hindi ko alam ang itatanong ko.” Maski naman ako nahihiyang umamin kay Arthur kaso nandito na ito bahala na.“May dati akog asawa, hindi ko pinaalam sa iniyo pero maayos ang hiwalayan naming dalawa, may kinakasama na siyang bago at nagplaplano na rin kami ng annulment
EpilogueJAMIEHindi na takot ang nararamdaman ko ngayon kung hindi kaba, anong pinaplano ni Lance at gusto niya akong ilayo muna?Bakit? ano naman kaya ang gagawin niya? yan ang nasa isip ko kanina pa, ang dami kong katanungan pero hindi niya masagot ng maayos, basta basta na lang siya nagplaplano pero may tiwala naman ako sa kaniya, hindi naman niya ako ipapahamak.Nasa ospital kami ngayon at nagtatago, tinago kami dito ni Lance at pinakiusapan ang doktor, ibubuko niya daw si Grace yun ang sabi niya sa akin kanina.Kinakabahan ako dahil baka kung anong mangyari sa kaniya, nababaliw pa man din ang babaeng iyon.“Tara na, okay na yung sasakyan ko dadalhin nakita sa dati mong tinitirahan.”“Sige.” Sabi ko kay Arthur.Binilin siya ni Lance na dalhin ako doon, nagpaalam na din kami sa doktor ko dahil dito kami nagtago sa opisina niya, nakakahiya nga eh kaso si Lance na ang nakiusap.Hindi nawawala sa isipan ko si Lance, inaalala ko siya dahil baka gawan siya ng masama ni Grace, hays kinak
Chapter seventy sevenLANCESaktong pagdating ni Grace sinagawa na namin ang plano, lahat ng nasa bahay alam ang mangyayari at may tiwala ako sa kanila na hindi nila sasabihin ito kay Grace.Sinugod namin kunwari si Jamie sa ospital, inalalayan naman namin ni Arthursi Jamie papunta sa sasakyan ko.“Deretso tayo sa ospital.” Sabi ko, tatlo lang kami na pupuntang ospital.“Baka sumunod siya?”“Oo susunod talaga yan kaya kailangan natin magmadali.”“Anong plano mo?”“Papalabasin natin na nakunan si Jamie, hindi ka pwedeng makita ni Grace.”“Huh? Paano kung puntahan niya ako?”“Ako na bahala, basta dederetso tayo ngayon sa ospital at pagdating ni Grace dalhin mo si Jamie sa dati niyang tinutuluyan, doon muna siya, babalikan ko siya bukas.” Paliwanag ko.“Paano ka? Anong gagawin mo?” pag aalala ni Jamie sa akin.“Ako na bahala kay Grace, kailanan ko siyang mabisto sa personal upang wala na siyang maidahilan.”“Sige.”Alam kong susunod si Grace sa amin kaya dumiretso muna kami sa ospital, si
Chapter seventy sixLANCEMuntik na akong maniwala sa pagbabago niya.Oo aaminin ko gusto ko pa sana siyang bigyan ng chance dahil nakikita ko yung pagpupursigi niyang tumulong at magbago, pero mali pala, hindi pala lahat ng pinapakita niya ay totoo.May masama pala siyang binabalak kaya siya nagbago, ang akala ko pa naman totoo na at ginagawa niya iyon para sa amin para sa relasyon namin kaso iba ang balak niya.Napakasakit para sa akin ng ipaalam iyon ni Jamie, wala akong ibang pinagdududahan maliban sa kaniya dahil siya lang naman ang may ayaw kay Jamie at sa anak ko dito, ang mga ibang kasama namin sa bahay ay wala namang galit sa mag ina ko.Hindi ko malaman ang gagawin at magiging desisyon ko pero sa ngayon? galit ang nararamdaman ko para sa kaniya, dinamay niya ang baby ko na walang kamalay malay.Hindi ko siya mapapatawad, ang kailangan kong gawin ngayon ay ang mahuli siya sa akto, yung mismong malalaman ko na siya nga ang may dala ng gamot na iyon sa bahay.Iniisip ko kung pa
Chapter seventy fiveJAMIEHindi ko pa sinasabi kay Lance tungkol sa hinala ko, ayaw kong magkagulo agad ng walang malakas na proweba at matinding basehan sa mga binibintang ko.Hinihintay kong umalis si Lance lalo na si Grace, kaso si Lance lang ang umalis at pumunta sa kompanya itong si Grace naman naiwan sa bahay, hindi ako nagpahalata sa kaniya na aalis ako dahil baka sumama sa akin.“Pakisabi kasama ko kaibigan ko kapag hinanap ako ni Grace.”“Opo maam, pero saan po kayo pupunta?”“Ah eh kasama ko kaibigan ko, diyan lang kami sa fast food, ngayon lang kase kami ulit magkikita.”“Ah ganun po ba maam ako na po kukuha ng masasakyan niyo.”“Salamat.”Hindi pa lumalabas ng kwarto si Grace kailangan kong magmadali baka makita niya ako, dala ko ang gamot na nakuha ko sa sahig ng kusina, ipapakita ko ito sa doktor.Grabe ang kaba ko habang palabas ng bahay, kase baka makita ako ni Grace at sumama sa akin, kailangan kong malaman kung anong gamot ba ito kaya pupuntahan ko ang doktor ko upa
Chapter seventy fourJAMIEHindi maganda ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw, hindi ko malaman kung bakit, maski ako nagtataka, sinusunod ko naman mga bilin ng doktor sa akin, naiinom ko naman sa oras ang mga gamot ko na nireseta sa akin.Mga vitamins namin ni baby iyon at maganda sa katawan, nakailang take na nga ako, yung sa pagkain naman namin iisa lang ang kinakain naming lahat, wala namang kakaiba sa pagkain ko, kung ano ang kainin ko yun din naman ang kinakain nila maski prutas.Kaya nagtataka ako bakit ang hina ng katawan ko nitong mga nakaraang linggo, pinipilit ko na lamang minsan magkikilos para hindi nila ako asikasuhin ayaw ko talaga kase magpaasikaso sa kanila dito nahihiya ako.Gusto ko ako yung makatulong sa kanila dahil libre na ako sa lahat dito kaso umiiba pakiramdam ko, nadala na ako noon sa ospital ni Grace tapos nitong nakaraan si Lance naman at ngayon umiiba nanaman pakiramdam ko.Noong hindi ko na kinaya dinala na ako ni Lance sa ospital, kinausap ako ng
Chapter seventy threeGRACEAng aga ko pang nagising para maobserbahan si Jamie, magtatanghalian na hindi pa sumasakit ang tiyan niya, hindi pa siya sinusugod sa ospital.Paano nangyari yun?Kase noong mga araw na nilalagyan ko ng gamot yung ulam namin mga ilang minuto pa lang sumasakit na ang kaniyang tiyan.Baka hindi na sumasakit dahil wala na yung bata sa tiyan niya?Hindi ako mapakali, hindi ko malaman kung anong lagay ni Jamie, hindi sa concern ah kung hindi dahil kailangan nasa ospital na siya ngayon at umiiyak.Kaso patawa tawa pa siya doon sa loob ng kitchen, bakit ganun? Mabisa naman yung gamot na iyon ilang araw ng ana nadadala sa ospital si Jamie tapos ngayong huli ng lagay ko wala ng epekto sa kaniya? Imposible.“Sumakit nanaman tiyan ko, nakaraang linggo ganito nanaman eh.”“Ako naman hindi.”Rinig kong usapan ng mga kasambahay. Ganiyan din ang epekto noong naglagay ako kaso iisa lang ang nagtae ngayon mukhang naimmune na ata ang iba o baka hindi sila kumain ng niluto ko
Chapter seventy twoGRACENapakadali nilang pasakayin, hindi ko alam kung tanga ba sila o ano, hindi ba nila pansin na nagpapanggap lang ako? Hindi naman nila ako tinatanong o sinisita, mas lalo si Lance hindi niya ako tinatanong kung bakit ganito na ang ugali ko, basta ang akala nila dahil sa gamot ko na nireseta ng doktor.Hahaha napakadali nilang utuhin, halata minsan sa kanila ang pagtataka pero ang dali lang pagtakpan, hindi nila namamalayan ang palihim kong balak para sa kanila.Bahala sila magtaka diyan, bahala silang mag isip tungkol sa akin, basta yung plano ko maisagawa ko ayos na iyon.Hindi na nila ako mapagbibintangan.Halos ilang linggo din akong nagpapakatanga sa kanila, nakakasuka nga makisama lalo kay Jamie kung alam lang niya hahaha.Kaso hindi talaga niya mapansin mga ginagawa ko sa kaniya na puro kasinungalingan lamang para maisagawa ang plano ko.Ang totoo niyang balak ko talaga makuha ang loob nila. Lalo na si Jamie na uto uto, or let say magaling din makipagplas
Chapter seventy oneLANCENaninibago ang lahat kay Grace maski naman ako dahil iba ang ikinikilos niya, para sa akin, sana noon pa, kaso ngayon hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko, na parang wala na patutunguhan ang relasyon namin ni Graxe kahit pa magpakabait siya.Alam ko naman kase ang tunay niyang ugali, babalik at babalik siya sa ganung ugali.Hindi ko alam kung epekto ba talaga ng gamot yun o nagpapanggap lang siya, ayaw ko sana na nagpapanggap lang siya o epekto ng gamot ang pinapakita niya dahil parang ang pinapahiwatig nun ay pansamantala lang ang ganung ugali niya.Ayaw ko naman na ganun lalo magkakaanak ako, hindi ko alam kung maganda pa ang ipapakita niyang ugali sa anak ko o hindi, ayaw ko naman ilayo ni Jamie ang anak ko kapag nangyari iyon, ayaw ko magsisi sa huli kaya kailangan kong ayusin lahat ng desisyon ko.Minsan finofocus ko na lang sa trabaho ang sarili ko para mawala sa isip ko ang mga problema dito sa bahay.Pagdating ko sa bahay tulog sila Grace at
Chapter seventyJAMIESa araw araw na lumilipas nagiging okay naman na ang pakikitungo ni Grace sa akin kahit na wala si Lance, hindi na niya ako inuutusan kagaya ng dati, siya pa nga ang nagkukusa sa sarili niya para tulungan ako.Pero iniiwasan ko na siya.Baka kase hindi ako maging aware kapag nadala ako sa pagiging mabait niya sa akin, hindi ko alam kung kailan babalik ang tunay niyang ugali.Mahirap maniwala pero makikisama ako.Kung nginingitian ako, ngingitian ko rin, kung mabait ang pakikitungo sa akin mabait din ang itutungo ko sa kaniya, pero kung pinaplastik niya ako plaplastikan ko din siya.Ayaw ko nga minsan na dalawa lang kami, mabuti nga at nandito ang mga kasambahay nakamasid sa amin palagi, alam naman yan ni Grace.Habang nakatayo ako at naghihiwa bigla akong nakaramdam ng masakit sa tiyan ko, matagal pa naman ang kabuwanan ko pero bakit iba yung sakit?Napahinto ako at nakiramdam, nirerelax ko ang utak ko dahil natataranta ang katawan ko, iba yung sakit ngayon ng ti