Chapter two
LANCE
After a long long time I’ve been waiting for this!
“Success ang proposal mo sir, congrats!”
“Salamat.”
“Congrats sir Lance!”
My sleepless nights, my back pain, my stress and my overthinker mindset are now gone, sulit na sulit lahat ng iyon dahil sa nakamit kong gantimpala ngayon galing sa prestihiyosong parangal sa ibang bansa.
Hindi ko akalain na mas marami ang kapalit ng mga sakripisyo ko kaya naman may kaunting salo salo kami ngayon dito sa kompanya.
Lahat sila masaya para sa akin, lahat ng mga empleyado ko ay nagsisibati sa kung ano na ang narating ko. “I’m happy for you Lance.” Alex said, isa siya sa mga matagal ko ng empleyado dito. “ Sir Lance pala I’m sorry.” Sa sobrang tagal na naming magkakilala para na kaming magkapatid, mag ate dahil mas matanda siya sa akin ng dalawnag taon, yun nga lang may napapansin akong kakaiba sa kaniya may araw at oras na masyado siyang malapit sa akin, kumbaga higit pa sa magkapatid ang turing niya sa akin, hindi ko alam kung guni guni o pakiramdam ko lang iyon pero kahit tatahitahimik ako alam ko naman magbasa ng kilos o galaw ng isang babae.
Hindi normal sa isang tao ang gumawa ng mga bagay na hindi pa nila ginagawa sa buong buhay nila para sa kapwa nila, malamang ma special treatment sila kaya ganun na lamang sila kung itrato, ganiyan si Alex sa akin pero hindi kami pwede.
Malaking hindi.
I am married but not legally separated.
Pero may kinakasama ako ngayon, girlfriend I should say. Ang pangalan niya ay Grace, nakilala ko siya sa Palawan habang nagbabakasyon ako doon, mabait siya at maalaga, ilang taon na akong hiwalay ng makilala ko siya, oras na din para magkaroon ng makakasama muli yan ang nasa isipan ko habang kinikilala ko si Grace.
Speaking of. “Hi honey.”
“Bakit ka nandito?” tanong ko.
“Ayaw mo ba akong makita? Ano bang klseng tanong yan Lance.”
“Nabigla lang ako, akala ko kase busy ka ngayon.”
“Nope, nabalitaan ko kase ang good news kaya agad akong pumuta dito, syempre gusto ko tayo ang unang magcecelebrate.” She smirked.
Umiwas ang mga empleyado ko dahil nandito ang girlfriend ko, binigyan nila kami ng privacy na mag usap, nauna na kaming nagcecelbrate, kaunting salo salo lang naman ito.
May dalang cake si Grace kaya iyon ang ipinamahagi ko sa kanila. Pumunta kaming dalawa sa opisina at doon nag usap. “Ayaw mo bang magcelebrate kasama ng mga empleyado mo?”
“Kanina pa kami nagcecelebrate.”
“I see, ngayon tayo naman?” may wine siyang pinakuha at iyon ang ininom namin dito sa loob ng opisina ko.
Natural na natural ang ugali niya, ilang taon na kaming magkasama pero parang hindi ko pa siya lubusang kilala, siguro dahil sobra akong abala sa trabaho ko. Yun kase ang pakiramdam ko sa kinakasama ko ngayong si Grace.
Hindi ko naman siya mapakasalan dahil hindi pa ako hiwalay sa una kong asawa na si Jamie. Bigla ko tuloy siya naalala ngayon.
Ang layo na ng narating ko, hindi ako ganito noon ng nagsasama kami ni Jamie. Pareho kaming naghahanap buhay noon dahil gusto namin ng maayos na kinabukasan para sa bubuoin naming pamilya, kaso nawasak na lang bigla ng wala man lang kaming nagiging anak, siguro ‘yon na din ang dahilan kaya wala kaming naging anak, dahil maghihiwalay din kami.
Nasaan na kaya ang babaeng yun? wala na akong balita sa kaniya simula ng maghiwalay kami at magkausap ng tungkol sa relasyon naming dalawa.
Maayos ang hiwalayan namin, walang pakealamanan na sa amin ngayon lalo at nagkaroon na ako ng kinakasama, wala naman na siyang hahabulin pa sa akin, ayaw niya din ng sustento galing sa akin kahit wala kaming anak, ganiyan kami nag away noon dahil sa pride o dahil na din sa hindi pagkakaunawaan, walang nagbibigayan ng unawa sa aming dalawa, immature pa kami kumbaga pero sinabak na namin ang buhay mag asawa.
Simula high school magkarelasyon na kami ni Jamie, marami namang magagandang katangian si Jamie na nagustuhan ko, napakabalance ng relasyon namin noon na akala namin ay pwede na kaming bumuo ng pamilya ngunit hindi pa pala namin kaya, kulang ang ipon namin, kulang ang pang araw araw namin kaya maski siya nagtrabaho upang makatulong sa akin, pero ngayon naging successful na ako, isa na ako ngayong businessman at may ari ng kompanya, ito ang malaking pangarap namin ni Jamie noon pero iba na ang kasama ko ngayon ng makamtan ko ang mga pangarap na ito.
Siya ang naging susi kung bakit nagsikap ako ng husto, gusto ko talagang mapabuti ang pamumuhay namin kaso nakulangan ata siya ng oras sa akin, lalo pa at puro trabaho ako noon, hindi maganda ang naging bung anito sa relasyon namin pero para sa akin malaki ang nabago.
Hindi ako nagsisisi, ginawa ko ang best ko sa lahat, tapos na lahat ng iyon, nangyari na ang mga dapat mangyari, hiwalay na kami ni Jamie, kailangan magfocus na lang ako sa aking kinakasama ngayon na si Grace, kami ang bubuo ng pamilya, kami ang magkakasama habang buhay.
Pero kailangan din namin maging legal, ang akala nila dito sa kompanya ay siya ang asawa ko at legal kami, iilan lang ang nakakaalam na may una akong asawa dahil wala pa naman akong kompanya noong naghiwalay kami ni Jamie.
“Lance? Do you understand?”
“Huh? What is it?”
“Hidi ka nakikinig sa sinasabi ko.”
“I’m sorry, pakiulit na lang.”
“Sabi ko magbakasyon tayo kanila mama at papa sa Palawan.”
“Umm, susubukan kong isingit yan kase masyadong puno ang schedule ko ngayong buwan.”
“Ah ganun ba.” Minsan yan ang ayaw ko kay Grace, sabagay lahat naman ng tao may negative side, or let say flaws na tinatawag. Minsan kase siya ang nagdedecide ng schedule ko, hindi ko naman siya pwedeng sundin palagi, kapag ganiyan siya at hindi nasunod ang gusto magtatampo agad yan.
Kagaya ngayon hindi nanaman niya ako iniimikan dahil gusto niyang pumunta sa Palawan, sa side ng family niya, gusto na niya magbakasyon doon, pinaliwanag ko naman sa kaniya na may tamang panahon para doon, hindi ko pwedeng iwan ang trabaho ko basta basta, hindi naman nila yun alam dahil wala sila sa posisyon ko.
Napabuntong hininga na lamang ako, wala akong ginagawang masama pero pakiramdam ko may kasalanan ako sa kaniya.
Yan ang pagkakaiba nil ani Jamie. Ayoko silang ikumpara pero hindi ko iyon maiwasan, mahal ko naman si Grace pero hindi niya lang kase mabago ang iba niyang ugali na ayaw ko.
Hindi na halos siya umiimik habang nandito sa opisina ko, ako itong nakikipag usap sa kaniya ng maayos ngunit ngumingiti at sumasagot lang siya ng kaunti pagkatapos ay wala na hindi na siya magsasalita, tinotoyo nanaman ang girlfriend ko.
Pinauna ko na siyang umuwi dahil magagabihan ako pero pinahatid ko siya sa driver ng kompanya, alam ko namang safe siyang makakauwi dahil nagpapadala ng minsahe ang driver kapag nahatid na niya si Grace.
Alas dyes na ng gabi ako nakalabas sa opisina, marami akong tinapos pero hindi ako nakakaramdam ng pagod, worth it lahat kase ng ginagawa ko, hindi ko ito kinatatamaran dahil may bungang ipapalit ito hindi man ngayon maybe soon.
“Lance is that you?”
“Yes?” nagtaka ako sa nagtanong ng pangalan ko, nasa may lobby na ako pero may lumapit sa akin na babae.
“Ikaw nga! Kanina pa ako dito and sabi nila hintayin na lang daw kitang mag out, sabi ko kilala mo ko pero ayaw nila akong papasukin.” Kinikilala ko siya pero hindi ko siya matandaan, pero yung kutob ko parang matagal na kaming magkakilala, masyado lang akong makakalimutin sa mga nakaraang tao na nakasalamuha ko o baka dahil sa pagod kaya hindi masyadong nagfufunction ang utak ko.
“Pasensya na inutos ko yun sa kanila, anyway sino ka nga ulit?”
“Nakaktampo ka na Lance.” Biglang umiba ang tono ng boses niya.
Parang gusto ng ilabas ng aking dila ang kaniyang pangalan pero dahil sa pagod ko ay nakakalimutan ko. “ Mar—”
“Martha.” Pagtutuloy niya ng pangalan niya. “ Ako to Lance, hindi mo na ako naaalala?”
“I remember you, pasensya na hindi kita agad naalala.” Noong sinabi na niya ang kaniyang pangalan ay doon ko na siya naalala. Dati ko na siyang kakilala, syempre kung nakaraang kakilala malamang kilala niya din ang dati kong asawa na si Jamie, kababata niya ito at nagkakilala kami ng dahil sa kaniya. Close din naman kami ni Martha noon, napakabait niya sa aming mag asawa kaya naman kung ano man ang kailangan niya sa akin ngayon ay ibibigay ko sa kaniya basta ba kaya ko.
“Mabuti naman at naalala mo na ako Lance, anyway sinadya talaga kitang puntahan lalo pa at malapit lang pala itong kompanya mo sa tinutuluyan naming hotel ngayon, iinvite sana kita sa kasal ko, aasahan kita Lance na dumalo diyan lang naman sa hotel malapit dito ang venue kaya please pumunta ka.”
“Sure, yun lang pala.”
“Marami tayong kakilala na dadalo, kaya aasahan kita doon Lance.” Pinakilala din niya ang kaniyang mapapangasawa, sinadya talaga nila akong puntahan dito kaya naman hindi na ako nakatanggi, ang hotel na tinutuluyan at tinutukoy niya ay pagmamay ari ko rin pero hindi ko na sinabi sa kaniya.
Naging maayos naman ang pag uusap namin ni Martha, hindi namin nabanggit ang ex wife kong si Jamie, hindi ko alam kung nalaman na niyang hiwalay kami o sadyang nahihiya siyang magsabi at magtanong tungkol kay Jamie, hindi niya hinanap sa akin kaya malamang alam na niya ang nangyari sa aming dalawa.
Wala akong kontak sa ex wife ko, hindi ko alam kung nasaan na siya o ano ang pinagkakaabalahan niya, yun naman kase ang usapan namin, walang pakealamanan kaya hindi ko na siya inabala pa, sa ngayon focus ako sa sarili ko, sa career ko at kay Grace.
Ayaw ko ng gulo, gusto ko ng payapang buhay kahit napakarami kong pagsubok at pinagdadaanan dito sa kompanya ko, kailangan kong lampasan ang lahat ng ito ng mag isa.
Hindi naman ako tumanggi sa imbitasyon ni Martha, ipapaayos ko ang schedule ko para makadalo, kahit saglitin ko lang sila lalo pa at sa akin din naman ang hotel na iyon.
Tatanaw lang ako ng utang na loob sa kaniya, lalo at noong kailangan namin ng tulong ng ex wife kong si Jamie noon ay siya ang unang unang sumasalba sa amin.
Wala namang mawawala sa akin kung pupunta ako, sasaglitin ko lang iyon at baka may dumalo din na mga kakilala ko kaya gusto ko rin pumunta sa kasal niya.
Chapter threeJAMIETinulungan ako ng kasama ko sa karindirya na mamili ng isusuot ko sa pupuntahan kong kasal, nakakatuwa lang kase medyo gumaan ang pakiramdam ko hbang ginagawa ko yun, kailangan din pala talagang lumabas para magunwind.Nakakagaan sa pakiramdam, araw araw na lang kse ang trabaho at maghanap ng pagkakakitaan kaya naman yung mood ko paiba iba din kung minsan, kailangan pala gumala din at maglibang, kaso nga lang iniisip ko yung gastos kapag lalabas ako, pero kagaya kanina magaan naman ang pakiramdam ko kapag lumalabas ako, gagawin ko na iyon isang beses sa isang linggo.May binili na rin akong regalo para sa kaibigan kong ikakasal sana magustuhan niya, dalawang araw bago ang kasal niya at pinaalam ko na din sa mga kasama ko sa karindirya na magsasara muna kami, parang day off na rin nila iyon.Nag aayos na ako ng gamit ko dahil tutuloy ako sa hotel ng dalawang gabi at isang araw, hindi naman kase ako makakauwi agada gad pagkatapos ng kasal, ang sab isa akin ni Martha
Chapter fourJAMIENaghihintayan kaming may magsalita, maski siya ramdam kong gusto niyang makipag usap sa akin kaso ang tipid kong magsalita, gusto ko rin naman makipag usap sa kaniya kaso naiilang ako, hindi ko maiwasan ang nararamdaman kong pagkailang sa kaniya.Habang nagpapakiramdaman kami pareho naman kaming order ng order ng maiinom, nararamdaman ko na nga yung tama sa akin ng alak na iniinom ko.“Congrats nga pala.” Bati ko sa kaniya dahil naalala ko yung napanuod ko sa balita noon.“Huh?”“Nakita kita sa balita noong nakaraan.”“Ah yun ba.”“Congrats.” Inulit ko muli siyang batiin. “Ang layo na ng narating mo.” nag uumpisa na akong dumaldal, hindi ko alam saan ko kinukuha ang lakas ng loob kong magsalita at kumausap sa kaniya kase naman parang umeepekto na yung alak a nainom ko, konti lang daw ang tam anito kaso naramihan ko ang inom. “ Habang ako ganito parin, hamak parin.”“What do you mean?”“Walang pagbabago, parang straight line lang na hindi gumagalaw, walang pagbabago
Chapter fiveJAMIEHindi ko maisuot nang mabuti ang aking mga damit dahil ayaw ko magising si Lance, isang maling galaw ko lang magigising na siya agad.Ang hirap isuot ng damit ko, yung bra at panty ko nasuot ko na kaso pahirapan pa, pawis na pawis ako habang nagsusuot ng damit dahil sa sobrang kaba.Kaunti na lang at maisusuot ko na kaso biglang gumalaw si Lance kaya naman napahiga ako at napatalikod sa kaniya, tinaklob ko rin ang kumot na nasa gilid ko at nagkunwaring tulog.Ramdam kong galaw siya nang galaw kaya napapikit ako nang mariin hanggang sa bigla na lang niya akong niyakap habang nakatalikod sa kaniya.Yung kabog nang aking dibdib ay hindi na normal, nakayakap na siya ngayon sa akin na parang ginagawa niya dati sa akin.Hayst! Bakit ba ganito ang naging sitwasyon ko ngayon? yung kamay niya malikot napupunta sa dibdib ko, hinahayaan ko na lang kase ganiyan naman talaga ang gawain ni Lance noong nagsasama pa kame, nagpapalambing ba.Humiga ako nang maayos para hind niya mah
Chapter six JAMIE Back to reality. Magigising nang maaga upang magluto ng mga ititinda, walang inaalalang iba kung hindi ang negosyo at ang sarili. “Goodmorning ate Jamie!” “Kamusta ang bakasyon ate?” “Anong bakasyon? Umattend lang ako sa kasal ng kaibigan ko.” “Hahaha kase naman ate nakalabas ka na sa lungga mo, palagi ka na lang dito hindi ka namamasyal.” “Saan naman ako pupunta at wala naman din akong kasama.” “Ako.” Biglang may sumabat na boses lalake. “Sir Arthur!” “Ang aga mo ata sir!’ “Long time no see sir ah.” Napangiti na lamang ako kay Arthur na kakarating lang dito sa karindirya ko, isa siya sa mga malapit sa akin pero dahil busy din siya sa kaniyang buhay ay madalang na siyang pumunta dito. “Pasensya na nagbakasyon kase ako sa probinsya ng mga magulang ko kaya hindi ako nagagawi dito.” Nagsialisan ang mga kasama ko sa karindirya at pumunta sila sa may gilid kung saan nag aayos sila ng mga upuan at mga gagamitin dito sa karindirya. Akala kase nila manliligaw
Chapter sevenLANCEHindi ko inasahan ang madadatnan ko sa araw na iyon dahil ang dati kong asawa na si Jamie ang kasama ko sa iisang kwarto, hindi lang iyon, magkatabi pa kami sa iisang kama at pareho kaming walang saplot sa katawan.Natatandaan ko naman ang mga nangyari kaso para itong isang panaginip sa akin. Akala ko talaga panaginip iyon pero totoo palang nangyari.Nabigla ako pagkagising ko, wala na akong nagawa kung hindi tanggapin ang nangyari, walang may kasalanan sa nangyari dahil pareho naming ginawa iyon.We satisfied each other.Hindi pa ako nakapagpaalam kay Grace dahil ang akala niya uuwi ako sa bahay pero natamaan ako ng alak na ininom ko that night, hindi ko namalayan na nasobrahan ko na dahil nag usap kami ni Jamie ng gabing iyon.Pag uwi ko sa bahay halatang galit si Grace dahil hindi ako nakauwi sa sinabi kong oras sa kaniya, hindi parin nga ako makapaniwala sa ginawa nami nang gabing iyon kaya para akong robo na hindi makapagsalita sa harap ng girlfriend ko.“Twag
Chapter eightJAMIEYung girlfriend ni Lance parang ang sungit, maganda nga siya sa personal at sa TV kaso yung ugali parang hindi maganda.Ayaw ko na nga manghusga kase hindi ko naman kilala yung tao, baka kaya niya ako sinungitan kase akala niya mababangga ko siya, ako naman itong si nagmamadali na parang nakawala sa hawla ay takbo ng takbo, mabuti kahit tao ako nakakapagpreno ako.May mga kasama siyang magagandang babae at mga sexy, halatang mga sosyal.Pero mukhang hindi niya kasama si Lance.Hindi ko maiwasang sumulyap sa pwesto nila ng mga kasama niya, bakit pakiramdam ko nanliliit ako ngayon.Bakit ko ba kinukumpara ang sarili ko sa kaniya, tapos na kami ni Lance at siya na ang bago, hindi naman ako makapagfile ng annulment dahil wala akong pera para ayusin yun, at kung sakaling si Lance ang mag aasikaso nun ay hindi ako tatanggi, para makawala na rin ako sa kasal namin ni Lance.Ano pa bang hahabulin ko sa kaniya? Hindi porke mayaman na siya ay hahabol na ako dahil ako ang leg
Chapter nine JAMIE Pinilit kong magbukas ng karinderya ko kahit masama ang pakiramdam ko, oo masama nanaman ang pakiramdam ko na akala ko ay mawawala na agad, kaso ganun ulit lalo kapag umaga. Nagluto ako pero hindi ako satisfied sa mga niluto ko kaya kakaunti lang ang putahe na nagawa ko ngayon, ang mga kasama ko sa kainan nagtataka sa akin dahil palagi kong sinasabi na okay naman ako kahit na napapansin nilang namumutla daw ako. “Ate Jamie baka gusto mong magpahinga muna, kami na lang dito.” “Kaya ko naman, bakit sinasabi niyong mukha akong may sakit?” “Halata naman ate namumutla ka nga oh.” Ngumingiti ako ng pilit kaso umiiba ang takbo ng pakiramdam ko, nahihilo ako pero pinipilit kong umupo ng maayos at maging okay ang lahat. Hindi naman ito dahil sa annulment, bago pa ako tawagan ni Lance ganito na ang pakiramdam ko, pangalawang araw na nga ito kaya naman nag aalala na ako, baka may malubha na akong sakit. Ayaw kong mang istorbo ng ibang tao kaya sinolo ko ang nararamdama
Chapter ten JAMIE Ganito ba kapag buntis nakakapuyat? Kahit gusto ko na matulog sa gabi ayaw pa rin, o dahil sa pagooverthink ko kaya ako ganito? Nakakalito, ngayon lang ako nabuntis at ngayon lang ako makakaranas ng ganito. Hindi talaga madali ang mabuntis iba ang pakiramdam. Lalo na nahihirapan ako ngayon dahil walang nakakaalam ng sitwasyon ko at wala akong katuwang, imbis na may makasama akong mag asikaso dito sa bahay at sa sarili ko wala man lang ni isa, ganito pala kahirap ang maging single mom. Kung siguro nauna ang baby bago ang hiwalayan namin ni Lnce, baka nasalba pa ang relasyon naming dalawa, kaso iba na ang sitwasyon namin ngayon. Nakakapanghinang isipin, natatakot ako nab aka hindi ko kayanin na mag isang itaguyod ang magiging anak ko. Ang hirap ng ganito, mas lumalala ang pag ooverthink ko lalo na ngayong buntis ako, parang doble yung emosyon ko ngayon. Hindi ko alam ang uunahin kong lutuin dahil naduduwal ako, may mga sangkap kase na parang ayaw kong amuyin at t
EpilogueJAMIEHindi na takot ang nararamdaman ko ngayon kung hindi kaba, anong pinaplano ni Lance at gusto niya akong ilayo muna?Bakit? ano naman kaya ang gagawin niya? yan ang nasa isip ko kanina pa, ang dami kong katanungan pero hindi niya masagot ng maayos, basta basta na lang siya nagplaplano pero may tiwala naman ako sa kaniya, hindi naman niya ako ipapahamak.Nasa ospital kami ngayon at nagtatago, tinago kami dito ni Lance at pinakiusapan ang doktor, ibubuko niya daw si Grace yun ang sabi niya sa akin kanina.Kinakabahan ako dahil baka kung anong mangyari sa kaniya, nababaliw pa man din ang babaeng iyon.“Tara na, okay na yung sasakyan ko dadalhin nakita sa dati mong tinitirahan.”“Sige.” Sabi ko kay Arthur.Binilin siya ni Lance na dalhin ako doon, nagpaalam na din kami sa doktor ko dahil dito kami nagtago sa opisina niya, nakakahiya nga eh kaso si Lance na ang nakiusap.Hindi nawawala sa isipan ko si Lance, inaalala ko siya dahil baka gawan siya ng masama ni Grace, hays kinak
Chapter seventy sevenLANCESaktong pagdating ni Grace sinagawa na namin ang plano, lahat ng nasa bahay alam ang mangyayari at may tiwala ako sa kanila na hindi nila sasabihin ito kay Grace.Sinugod namin kunwari si Jamie sa ospital, inalalayan naman namin ni Arthursi Jamie papunta sa sasakyan ko.“Deretso tayo sa ospital.” Sabi ko, tatlo lang kami na pupuntang ospital.“Baka sumunod siya?”“Oo susunod talaga yan kaya kailangan natin magmadali.”“Anong plano mo?”“Papalabasin natin na nakunan si Jamie, hindi ka pwedeng makita ni Grace.”“Huh? Paano kung puntahan niya ako?”“Ako na bahala, basta dederetso tayo ngayon sa ospital at pagdating ni Grace dalhin mo si Jamie sa dati niyang tinutuluyan, doon muna siya, babalikan ko siya bukas.” Paliwanag ko.“Paano ka? Anong gagawin mo?” pag aalala ni Jamie sa akin.“Ako na bahala kay Grace, kailanan ko siyang mabisto sa personal upang wala na siyang maidahilan.”“Sige.”Alam kong susunod si Grace sa amin kaya dumiretso muna kami sa ospital, si
Chapter seventy sixLANCEMuntik na akong maniwala sa pagbabago niya.Oo aaminin ko gusto ko pa sana siyang bigyan ng chance dahil nakikita ko yung pagpupursigi niyang tumulong at magbago, pero mali pala, hindi pala lahat ng pinapakita niya ay totoo.May masama pala siyang binabalak kaya siya nagbago, ang akala ko pa naman totoo na at ginagawa niya iyon para sa amin para sa relasyon namin kaso iba ang balak niya.Napakasakit para sa akin ng ipaalam iyon ni Jamie, wala akong ibang pinagdududahan maliban sa kaniya dahil siya lang naman ang may ayaw kay Jamie at sa anak ko dito, ang mga ibang kasama namin sa bahay ay wala namang galit sa mag ina ko.Hindi ko malaman ang gagawin at magiging desisyon ko pero sa ngayon? galit ang nararamdaman ko para sa kaniya, dinamay niya ang baby ko na walang kamalay malay.Hindi ko siya mapapatawad, ang kailangan kong gawin ngayon ay ang mahuli siya sa akto, yung mismong malalaman ko na siya nga ang may dala ng gamot na iyon sa bahay.Iniisip ko kung pa
Chapter seventy fiveJAMIEHindi ko pa sinasabi kay Lance tungkol sa hinala ko, ayaw kong magkagulo agad ng walang malakas na proweba at matinding basehan sa mga binibintang ko.Hinihintay kong umalis si Lance lalo na si Grace, kaso si Lance lang ang umalis at pumunta sa kompanya itong si Grace naman naiwan sa bahay, hindi ako nagpahalata sa kaniya na aalis ako dahil baka sumama sa akin.“Pakisabi kasama ko kaibigan ko kapag hinanap ako ni Grace.”“Opo maam, pero saan po kayo pupunta?”“Ah eh kasama ko kaibigan ko, diyan lang kami sa fast food, ngayon lang kase kami ulit magkikita.”“Ah ganun po ba maam ako na po kukuha ng masasakyan niyo.”“Salamat.”Hindi pa lumalabas ng kwarto si Grace kailangan kong magmadali baka makita niya ako, dala ko ang gamot na nakuha ko sa sahig ng kusina, ipapakita ko ito sa doktor.Grabe ang kaba ko habang palabas ng bahay, kase baka makita ako ni Grace at sumama sa akin, kailangan kong malaman kung anong gamot ba ito kaya pupuntahan ko ang doktor ko upa
Chapter seventy fourJAMIEHindi maganda ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw, hindi ko malaman kung bakit, maski ako nagtataka, sinusunod ko naman mga bilin ng doktor sa akin, naiinom ko naman sa oras ang mga gamot ko na nireseta sa akin.Mga vitamins namin ni baby iyon at maganda sa katawan, nakailang take na nga ako, yung sa pagkain naman namin iisa lang ang kinakain naming lahat, wala namang kakaiba sa pagkain ko, kung ano ang kainin ko yun din naman ang kinakain nila maski prutas.Kaya nagtataka ako bakit ang hina ng katawan ko nitong mga nakaraang linggo, pinipilit ko na lamang minsan magkikilos para hindi nila ako asikasuhin ayaw ko talaga kase magpaasikaso sa kanila dito nahihiya ako.Gusto ko ako yung makatulong sa kanila dahil libre na ako sa lahat dito kaso umiiba pakiramdam ko, nadala na ako noon sa ospital ni Grace tapos nitong nakaraan si Lance naman at ngayon umiiba nanaman pakiramdam ko.Noong hindi ko na kinaya dinala na ako ni Lance sa ospital, kinausap ako ng
Chapter seventy threeGRACEAng aga ko pang nagising para maobserbahan si Jamie, magtatanghalian na hindi pa sumasakit ang tiyan niya, hindi pa siya sinusugod sa ospital.Paano nangyari yun?Kase noong mga araw na nilalagyan ko ng gamot yung ulam namin mga ilang minuto pa lang sumasakit na ang kaniyang tiyan.Baka hindi na sumasakit dahil wala na yung bata sa tiyan niya?Hindi ako mapakali, hindi ko malaman kung anong lagay ni Jamie, hindi sa concern ah kung hindi dahil kailangan nasa ospital na siya ngayon at umiiyak.Kaso patawa tawa pa siya doon sa loob ng kitchen, bakit ganun? Mabisa naman yung gamot na iyon ilang araw ng ana nadadala sa ospital si Jamie tapos ngayong huli ng lagay ko wala ng epekto sa kaniya? Imposible.“Sumakit nanaman tiyan ko, nakaraang linggo ganito nanaman eh.”“Ako naman hindi.”Rinig kong usapan ng mga kasambahay. Ganiyan din ang epekto noong naglagay ako kaso iisa lang ang nagtae ngayon mukhang naimmune na ata ang iba o baka hindi sila kumain ng niluto ko
Chapter seventy twoGRACENapakadali nilang pasakayin, hindi ko alam kung tanga ba sila o ano, hindi ba nila pansin na nagpapanggap lang ako? Hindi naman nila ako tinatanong o sinisita, mas lalo si Lance hindi niya ako tinatanong kung bakit ganito na ang ugali ko, basta ang akala nila dahil sa gamot ko na nireseta ng doktor.Hahaha napakadali nilang utuhin, halata minsan sa kanila ang pagtataka pero ang dali lang pagtakpan, hindi nila namamalayan ang palihim kong balak para sa kanila.Bahala sila magtaka diyan, bahala silang mag isip tungkol sa akin, basta yung plano ko maisagawa ko ayos na iyon.Hindi na nila ako mapagbibintangan.Halos ilang linggo din akong nagpapakatanga sa kanila, nakakasuka nga makisama lalo kay Jamie kung alam lang niya hahaha.Kaso hindi talaga niya mapansin mga ginagawa ko sa kaniya na puro kasinungalingan lamang para maisagawa ang plano ko.Ang totoo niyang balak ko talaga makuha ang loob nila. Lalo na si Jamie na uto uto, or let say magaling din makipagplas
Chapter seventy oneLANCENaninibago ang lahat kay Grace maski naman ako dahil iba ang ikinikilos niya, para sa akin, sana noon pa, kaso ngayon hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko, na parang wala na patutunguhan ang relasyon namin ni Graxe kahit pa magpakabait siya.Alam ko naman kase ang tunay niyang ugali, babalik at babalik siya sa ganung ugali.Hindi ko alam kung epekto ba talaga ng gamot yun o nagpapanggap lang siya, ayaw ko sana na nagpapanggap lang siya o epekto ng gamot ang pinapakita niya dahil parang ang pinapahiwatig nun ay pansamantala lang ang ganung ugali niya.Ayaw ko naman na ganun lalo magkakaanak ako, hindi ko alam kung maganda pa ang ipapakita niyang ugali sa anak ko o hindi, ayaw ko naman ilayo ni Jamie ang anak ko kapag nangyari iyon, ayaw ko magsisi sa huli kaya kailangan kong ayusin lahat ng desisyon ko.Minsan finofocus ko na lang sa trabaho ang sarili ko para mawala sa isip ko ang mga problema dito sa bahay.Pagdating ko sa bahay tulog sila Grace at
Chapter seventyJAMIESa araw araw na lumilipas nagiging okay naman na ang pakikitungo ni Grace sa akin kahit na wala si Lance, hindi na niya ako inuutusan kagaya ng dati, siya pa nga ang nagkukusa sa sarili niya para tulungan ako.Pero iniiwasan ko na siya.Baka kase hindi ako maging aware kapag nadala ako sa pagiging mabait niya sa akin, hindi ko alam kung kailan babalik ang tunay niyang ugali.Mahirap maniwala pero makikisama ako.Kung nginingitian ako, ngingitian ko rin, kung mabait ang pakikitungo sa akin mabait din ang itutungo ko sa kaniya, pero kung pinaplastik niya ako plaplastikan ko din siya.Ayaw ko nga minsan na dalawa lang kami, mabuti nga at nandito ang mga kasambahay nakamasid sa amin palagi, alam naman yan ni Grace.Habang nakatayo ako at naghihiwa bigla akong nakaramdam ng masakit sa tiyan ko, matagal pa naman ang kabuwanan ko pero bakit iba yung sakit?Napahinto ako at nakiramdam, nirerelax ko ang utak ko dahil natataranta ang katawan ko, iba yung sakit ngayon ng ti