After getting pregnant due to a drunken mistake, Yuki Takahashi decides to hide her son away from the devil in a business suit himself, Garrett Kingston. Ginawa niya ang lahat para lang mapalaki nang maayos ang anak at hindi ito maghanap ng ama. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay muling pagtatagpuin ang mga landas nila. And Yuki finds herself falling for the same ma who wrecked her before.
View More"Ang sabi niya ay walang dapat makaalam na may nangyari sa amin dahil mali iyon..."Walang humpay sa pag-agos ang mga luha ko habang isinasalaysay ang nangyari ng gabing iyon, tatlong taon ang lumipas. Tatlong taon na ang lumipas pero sariwang-sariwa pa rin sa isipan ko ang nangyari. Kahit anong pilit ang gawin kong paglimot ay patuloy pa rin iyon bumabalik."Kaya nang malaman mo na nabuntis ka niya ay bigla ka na lang nawala na parang isang bula?" mahinang tanong ni Janeth habang hinahagod ang likuran ko at pinapatahan ako sa pag-iyak."Kung ang nangyari nga sa aming dalawa ay hindi niya matanggap, paano pa kaya kung malaman niya na nagbunga iyon? Tingin mo ba ay aakuin niya si Riley? Baka kung sinabi ko sa kanya noon na buntis ako ay ipinagtabuyan na niya lang ako."Umalis ako hindi dahil kay Garrett. Umalis ako dahil iyon ang tingin ko na makabubuti sa anak ko."I'm sorry, Yuki. Hindi ko alam." Niyakap ako ni Janeth. "Sana ay sinabi mo sa akin. Sana ay nadamayan lang man kita noong
"Ang dali-dali na nga lang ng mga trabaho niyo, hindi niyo pa rin magawa ng tama?!Napatalon ako sa kinauupuan nang marinig na naman ang sigaw ni Sir Garrett. Kadarating lang ng boss namin ay umalingawngaw na agad ang boses nito sa buong 17th floor. Walang araw ito na hindi nagagalit kapag narito sa kompanya. Akala mo ay pinaglihi sa sama ng loob."Get out! Ayaw ko na makikita kayong pakalat-kalat sa kompanya ko!"Wala pang isang segundo ay nakita ko na ang paglabas na sina Dindo at Rustom, kasundo si Bianca mula sa opisina ni Sir Garrett. Laglag ang mga balikat nilang lahat. Agad naman na dumeritso sa elevator ang dalawang lalaki, samantalang si Bianca naman ay bakas ang galit sa kanyang mukha habang inililigpit ang mga nasa lamesa niya."Wala man lang konsidirasyon si Mr. Kingston," ngitngit niya habang nagdadabog. "Hindi ko alam kung paano mo nakakaya ang matagalan ang ugali niya, Yuki."Hindi ko sinagot so Bianca at akward lang siyang nginitian. Mag-iisang taon na rin kasi ako bil
Malakas akong nagbuntong-hininga, bago sinuklay ang buhok ni Riley habang pinapakain siya ng babysitter niya. Kahit saang anggulo ko tingnan ay hindi ko maikakaila kung sino ang ama niya."Ate Maria, iuwi mo agad si Riley pagkatapos ng klase niya. And please, huwag na huwag po kayong kakausap ng kung sino-sino. Huwag mo hayaan na may lumapit na hindi niyo kakilala.""May problema ba, ma'am?"Napahinto ako sa tanong ni Ate Maria. Nahalata niya siguro na hindi ako mapakali, which was very unusual for me. Kalmado lang ako sa lahat ng bagay, maliban pagdating kay Riley. Gusto ko pagdating sa anak ko ay perfect ang lahat. Parati man ako busy sa trabaho, pero hindi ako umaalis ng bahay na hindi natitiyak na maayos ko siyang maiiwan sa babysitter niya. Ayaw ko maramdaman ng anak ko na may kulang."Wala naman. Just do what I've said." Alam kong tunog praning na ako, pero ginagawa ko lang naman ito para sa anak ko. "Umuwi agad kayo pagkatapos ng klase niya. Kapag may tumawag dito, o kaya naman
"Mommy, look! She's cute!"Binalingan ko ang laruan na itinuturo ni Riley. Mahina akong natawa nang makita kong ano iyon—Isang life size na barbie doll, halos kasing laki na niya iyon."Anak, boy ka," sabi ko sa kanya. "Hindi bagay sayo ang mga laruan na ganyan.""Why?" inosenteng tanong niya at ngumuso pa sa akin.Napakamot naman ako sa ulo ko. Hindi ko alam kung paano sisimulan ipaliwanag na ang mga laruan na pang babae ay nararapat sa babae lang, at ganon din ang para sa mga lalaki."Iba na lang." Hinila ko siya papunta sa mga robot at itinuro ang pinakamalaki roon. "Ayaw mo ba nito? Hindi mo ba gusto?"Humagikhik naman si Riley at nagtatalon. "I want, mommy. Can I have it?""Of course, anak."Kinuha ko na ang laruan para bayaran sa counter. Lumabas na rin kami kaagad ng store para maghanap ng kakainan."I'm so happy today!""And why is my baby happy?"Tumigil siya sa paglalakad at itinaas ang dalawang kamay. Tumawa ako at binuhat siya."Because you're always busy with your work...
"Mommy, look! She's cute!"Binalingan ko ang laruan na itinuturo ni Riley. Mahina akong natawa nang makita kong ano iyon—Isang life size na barbie doll, halos kasing laki na niya iyon."Anak, boy ka," sabi ko sa kanya. "Hindi bagay sayo ang mga laruan na ganyan.""Why?" inosenteng tanong niya at ngumuso pa sa akin.Napakamot naman ako sa ulo ko. Hindi ko alam kung paano sisimulan ipaliwanag na ang mga laruan na pang babae ay nararapat sa babae lang, at ganon din ang para sa mga lalaki."Iba na lang." Hinila ko siya papunta sa mga robot at itinuro ang pinakamalaki roon. "Ayaw mo ba nito? Hindi mo ba gusto?"Humagikhik naman si Riley at nagtatalon. "I want, mommy. Can I have it?""Of course, anak."Kinuha ko na ang laruan para bayaran sa counter. Lumabas na rin kami kaagad ng store para maghanap ng kakainan."I'm so happy today!""And why is my baby happy?"Tumigil siya sa paglalakad at itinaas ang dalawang kamay. Tumawa ako at binuhat siya."Because you're always busy with your work......
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments