Share

I'm Hiding The CEO's Son
I'm Hiding The CEO's Son
Author: Author Hirushi

Chapter 1

last update Huling Na-update: 2024-07-27 18:36:54

"Mommy, look! She's cute!"

Binalingan ko ang laruan na itinuturo ni Riley. Mahina akong natawa nang makita kong ano iyon—Isang life size na barbie doll, halos kasing laki na niya iyon.

"Anak, boy ka," sabi ko sa kanya. "Hindi bagay sayo ang mga laruan na ganyan."

"Why?" inosenteng tanong niya at ngumuso pa sa akin.

Napakamot naman ako sa ulo ko. Hindi ko alam kung paano sisimulan ipaliwanag na ang mga laruan na pang babae ay nararapat sa babae lang, at ganon din ang para sa mga lalaki.

"Iba na lang." Hinila ko siya papunta sa mga robot at itinuro ang pinakamalaki roon. "Ayaw mo ba nito? Hindi mo ba gusto?"

Humagikhik naman si Riley at nagtatalon. "I want, mommy. Can I have it?"

"Of course, anak."

Kinuha ko na ang laruan para bayaran sa counter. Lumabas na rin kami kaagad ng store para maghanap ng kakainan.

"I'm so happy today!"

"And why is my baby happy?"

Tumigil siya sa paglalakad at itinaas ang dalawang kamay. Tumawa ako at binuhat siya.

"Because you're always busy with your work... And I missed being with you."

Bigla naman akong na-guilty. Ngayon na lang kasi ulit kami nagkaroon ng oras para sa aming dalawa kaya ramdam ko sa anak ko na namiss niya na ang bonding namin.

"I'm sorry, anak. Busy lang talaga si mommy dahil marami akong ginagawa sa work. Bumabawi naman ako kapag kaya ko, hindi ba?"

Ngumiti siya at tumango sa akin. "I understand, mommy. I love you million times."

Riley is my everything. Sa dami ng mga pagkakamali ko sa buhay, siya lang ang tama na nagawa ko.

Hindi rin naging madali ang pagbubuntis ko. Araw-araw akong umiiyak noon, minsan ay hindi ko maintindihan kung bakit. Kahit sa maliit na bagay kapag hindi ako napagbibigyan ay iniiyakan ko. Para akong bata na gusto na susunod ang lahat. Mabuti na lang at sinusunod naman nila Mama kung anong mga gusto ko kaya kahit paano ay hindi ako masyado nahirapan.

Sa paboritong fast food restaurant ni Riley na lang kami kumain. Nag-order siya ng french fries at spaghetti, at ako naman ay burger at coke. Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko dahil bibong-bibo talaga ang anak ko. Nakakatuwa dahil hindi na niya kailangan pa asikasuhin dahil alam na niya ang gagawin. Sa edad na apat ay independent siya at mabilis na nag-mature.

"Mommy, can we I borrow your ipad, please?"

Tiningnan ko ang plato niya. Ang kaninang punong-puno ng pagkain, ngayon ay simot na. Alam niyang hindi siya pwede gumamit ng kahit anong gadget kapag hindi pa siya tapos.

Pinunasan ko ang bibig niya na punong-puno ng spaghetti sauce. Gusto ko sulitin ang araw naming dalawang ngayon dahil bukas ay magiging busy na naman ako.

"What if we watch movie together?" suhestiyon ko.

Huminto siya sa pagsipsip ng coke at umangat ng tingin sa akin. "Really?" Namimilog ang kanyang mga mata.

Tumango ako. "Yes, anak. Gusto mo ba?"

"Yes, mommy!"

Bumili kami ng tickets. Star wars lang ang available para sa araw na iyon. Kaya kahit ilang beses na niya napanuod ay hindi pa rin siya nagsasawa at iyon pa rin ang pinili niya.

Pinaupo ko muna siya sa mga upuan sa harap ng popcorn stall, bago ako bumili ng popcorn para sa aming dalawa. 

"Two cheese and two water, please?" Hindi ganon kabilis ang server kaya ilang minuto rin akong nakatayo roon at naghihintay ng order ko.

Nang makuha ko na ayng popcorn ay kaagad kong binalikan si Riley. Halos kumabog ang dibdib ko nang hindi ko siya makita kung saan ko siya iniwan.

"Riley?" tawag ko at inilibot ang paningin para hanapin siya.

Binalingan ko ang isang babaeng naroon sa tapat ng upuan at tinapik ang balikat.

"Miss, have you seen my son? He is.. wearing a blue shirt... medyo light brown ang buhok niya..."

Inis siyang umiling sa akin at mabilis na ibinalik ang atensyon sa cellphone niya.

Shit. Hindi ko alam kung paano ko mahahanap ang anak ko sa sobrang laki ng mall na ito.

Naglakad ako papunta sa kabilang stall at sinilip kong naroon siya, pero hindi ko siya nakita. Mas lalo lang akong nabahala. Kung ano-ano na rin ang naiisip ko. Baka kinidnap na siya ng mga sindikato para paglimusin. O kaya naman ay itinapon sa ginagawang tulay.

No—Not my Riley...

Akmang tatakbo na ako pababa ng escalator nang marinig ang boses ni Riley mula sa kabilang dulo. Agad akong napalingon doon at nakita siya malapit sa may TV kung saan pinapalabas ang mga trailer ng movie. May nakita akong lalaki na nakaluhod sa harap niya, pero hindi ko makita kung sino iyon dahil nakatalikod ang lalaki sa akin.

Tumakbo ako palapit kay Riley at mabilis siyang niyakap. Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko sa takot na baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Hindi ko kakayanin kung mawawala siya.

"Riley, I told you na huwag kang aalis doon! God! Pinag-alala mo ako!" sabi ko at hindi na napigilan ang maluha.

"I was just watching Johnny Depp new movie's trailer po..."

Tumayo ang lalaki sa tabi ko at hinaplos ang buhok ni Riley. "Sinabayan pa niya yung kanta," anito.

Sandali akong natigilan nang marinig ang pamilyar na boses. Kahit hindi ko balingan ang lalaki sa tabi ko ay alam ko kung sino ang may-ari ng boses na iyon. Hindi ako pwede magkamali. Kahit pa ilang taon na ang lumipas ay hinding-hindi ko iyon makakalimutan.

"Is he your son?"

Nakagat ko ang ibabang labi, bago binitawan si Riley. Wala akong nagawa kundi tumayo at harapin ang lalaki sa tabi ko.

The first thing that I noticed was his electric blue eyes that seemed so ruthless and cold.

"Yuki...?" nakakunot man ang noo ay bakas pa rin ang gulat sa mukha.

"G-Garrett..." bulalas ko.

Mula sa mukha ko ay bumaba ang tingin niya kay Riley. Nagpalipat-lipat ang tingin siya sa aming dalawa ng anak ko.

"Is... he your son?" tanong niya ulit.

Mas lalo akong kinabahan. Humugot ako ng hininga para makontrol ang nanginginig kong katawan.

"Yes," sagot ko.

Ilang minuto walang nagsasalita sa aming dalawa. Nakatitig lang kami sa isa't-isa, parehong hindi nagsasalita. Wala pa ring nagbabago sa mga titig niya—seryoso at napakalamig.

"Who is he, mommy?" Si Riley ang bumasag sa katahimikan sa pagitan namin.

"He's my..." Lumunok ako para alisin ang bara sa lalamunan. "H-He... was my boss. Dati siyang boss ni mommy, anak..."

"Hello po!" magiliw na bati ni Riley.

Pakiramdam ko ay hihimatayin ako anumang oras. Kailangan na namin umalis. Hindi ko na ata kakayanin pa matagalan na kaharap si Garrett dahil pakiramdam ko ay anumang oras malalaman niya ang totoo.

"Is he my son?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang itanong ni Garrett iyon. Kailan man ay hindi sumagi sa isip ko na muli kaming magkikita. Nang bumalik ako muli rito sa Maynila mula sa probinsya ay hindi ko na naisip na magsasalubong pa muli ang mga landas namin.

"Of course not," sagot ko, tunog defensive.

"Is that so?"

"Hindi lang ikaw ang naging lalaki sa buhay ko, Garrett," mahina ngunit puno ng diin kong pahayag. 

Binuhat ko na si Riley at mabilis na tinalikuran si Garrett. Mabilis akong naglakad pababa ng escalator at hindi na muling lumingon pa. Pero alam kong nakatingin sa akin si Garrett at pinapanood niya kami maglakad palayo sa kanya.

Bakit ngayon pa? Bakit sa dinami-dami ng araw ay ngayon?

"We have the same eyes, mommy... Color blue."

Napapikit ako nang marinig iyon. Kung napansin iyon ni Riley ay sigurado akong napansin din iyon ni Garrett kaya nagtanong siya kung anak niya ba si Riley. At alam kong hindi ganon katanga si Garrett para hindi maghinala.

Simula nang magkaisip si Riley ay palagi na lang niyang itinatanong sa akin kung bakit ganoon ang kulay ng mga mata niya. Hindi ko naman masabi sa kanya na nakuha niya iyon mula sa daddy niya dahil alam kong magtatanong lang siya kung bakit hindi namin kasama ang daddy niya.

Ano ang gagawin ko? Should I run away again?

Kahit sinabi ko na hindi niya anak si Riley ay sigurado akong gagawa siya ng paraan para malaman kung sino talaga ang ama ng anak ko at kapag nalaman niya iyon ay baka kunin niya sa akin si Riley.

He shouldn't find out that I'm hiding his son...

Kaugnay na kabanata

  • I'm Hiding The CEO's Son   Chapter 2

    Malakas akong nagbuntong-hininga, bago sinuklay ang buhok ni Riley habang pinapakain siya ng babysitter niya. Kahit saang anggulo ko tingnan ay hindi ko maikakaila kung sino ang ama niya."Ate Maria, iuwi mo agad si Riley pagkatapos ng klase niya. And please, huwag na huwag po kayong kakausap ng kung sino-sino. Huwag mo hayaan na may lumapit na hindi niyo kakilala.""May problema ba, ma'am?"Napahinto ako sa tanong ni Ate Maria. Nahalata niya siguro na hindi ako mapakali, which was very unusual for me. Kalmado lang ako sa lahat ng bagay, maliban pagdating kay Riley. Gusto ko pagdating sa anak ko ay perfect ang lahat. Parati man ako busy sa trabaho, pero hindi ako umaalis ng bahay na hindi natitiyak na maayos ko siyang maiiwan sa babysitter niya. Ayaw ko maramdaman ng anak ko na may kulang."Wala naman. Just do what I've said." Alam kong tunog praning na ako, pero ginagawa ko lang naman ito para sa anak ko. "Umuwi agad kayo pagkatapos ng klase niya. Kapag may tumawag dito, o kaya naman

    Huling Na-update : 2024-07-27
  • I'm Hiding The CEO's Son   Chapter 3

    "Ang dali-dali na nga lang ng mga trabaho niyo, hindi niyo pa rin magawa ng tama?!Napatalon ako sa kinauupuan nang marinig na naman ang sigaw ni Sir Garrett. Kadarating lang ng boss namin ay umalingawngaw na agad ang boses nito sa buong 17th floor. Walang araw ito na hindi nagagalit kapag narito sa kompanya. Akala mo ay pinaglihi sa sama ng loob."Get out! Ayaw ko na makikita kayong pakalat-kalat sa kompanya ko!"Wala pang isang segundo ay nakita ko na ang paglabas na sina Dindo at Rustom, kasundo si Bianca mula sa opisina ni Sir Garrett. Laglag ang mga balikat nilang lahat. Agad naman na dumeritso sa elevator ang dalawang lalaki, samantalang si Bianca naman ay bakas ang galit sa kanyang mukha habang inililigpit ang mga nasa lamesa niya."Wala man lang konsidirasyon si Mr. Kingston," ngitngit niya habang nagdadabog. "Hindi ko alam kung paano mo nakakaya ang matagalan ang ugali niya, Yuki."Hindi ko sinagot so Bianca at akward lang siyang nginitian. Mag-iisang taon na rin kasi ako bil

    Huling Na-update : 2024-07-27
  • I'm Hiding The CEO's Son   Chapter 4

    "Ang sabi niya ay walang dapat makaalam na may nangyari sa amin dahil mali iyon..."Walang humpay sa pag-agos ang mga luha ko habang isinasalaysay ang nangyari ng gabing iyon, tatlong taon ang lumipas. Tatlong taon na ang lumipas pero sariwang-sariwa pa rin sa isipan ko ang nangyari. Kahit anong pilit ang gawin kong paglimot ay patuloy pa rin iyon bumabalik."Kaya nang malaman mo na nabuntis ka niya ay bigla ka na lang nawala na parang isang bula?" mahinang tanong ni Janeth habang hinahagod ang likuran ko at pinapatahan ako sa pag-iyak."Kung ang nangyari nga sa aming dalawa ay hindi niya matanggap, paano pa kaya kung malaman niya na nagbunga iyon? Tingin mo ba ay aakuin niya si Riley? Baka kung sinabi ko sa kanya noon na buntis ako ay ipinagtabuyan na niya lang ako."Umalis ako hindi dahil kay Garrett. Umalis ako dahil iyon ang tingin ko na makabubuti sa anak ko."I'm sorry, Yuki. Hindi ko alam." Niyakap ako ni Janeth. "Sana ay sinabi mo sa akin. Sana ay nadamayan lang man kita noong

    Huling Na-update : 2024-07-27

Pinakabagong kabanata

  • I'm Hiding The CEO's Son   Chapter 1

    "Mommy, look! She's cute!"Binalingan ko ang laruan na itinuturo ni Riley. Mahina akong natawa nang makita kong ano iyon—Isang life size na barbie doll, halos kasing laki na niya iyon."Anak, boy ka," sabi ko sa kanya. "Hindi bagay sayo ang mga laruan na ganyan.""Why?" inosenteng tanong niya at ngumuso pa sa akin.Napakamot naman ako sa ulo ko. Hindi ko alam kung paano sisimulan ipaliwanag na ang mga laruan na pang babae ay nararapat sa babae lang, at ganon din ang para sa mga lalaki."Iba na lang." Hinila ko siya papunta sa mga robot at itinuro ang pinakamalaki roon. "Ayaw mo ba nito? Hindi mo ba gusto?"Humagikhik naman si Riley at nagtatalon. "I want, mommy. Can I have it?""Of course, anak."Kinuha ko na ang laruan para bayaran sa counter. Lumabas na rin kami kaagad ng store para maghanap ng kakainan."I'm so happy today!""And why is my baby happy?"Tumigil siya sa paglalakad at itinaas ang dalawang kamay. Tumawa ako at binuhat siya."Because you're always busy with your work...

DMCA.com Protection Status