Share

Chapter 2

last update Last Updated: 2024-07-27 18:53:38

Malakas akong nagbuntong-hininga, bago sinuklay ang buhok ni Riley habang pinapakain siya ng babysitter niya. Kahit saang anggulo ko tingnan ay hindi ko maikakaila kung sino ang ama niya.

"Ate Maria, iuwi mo agad si Riley pagkatapos ng klase niya. And please, huwag na huwag po kayong kakausap ng kung sino-sino. Huwag mo hayaan na may lumapit na hindi niyo kakilala."

"May problema ba, ma'am?"

Napahinto ako sa tanong ni Ate Maria. Nahalata niya siguro na hindi ako mapakali, which was very unusual for me. Kalmado lang ako sa lahat ng bagay, maliban pagdating kay Riley. Gusto ko pagdating sa anak ko ay perfect ang lahat. Parati man ako busy sa trabaho, pero hindi ako umaalis ng bahay na hindi natitiyak na maayos ko siyang maiiwan sa babysitter niya. Ayaw ko maramdaman ng anak ko na may kulang.

"Wala naman. Just do what I've said." Alam kong tunog praning na ako, pero ginagawa ko lang naman ito para sa anak ko. "Umuwi agad kayo pagkatapos ng klase niya. Kapag may tumawag dito, o kaya naman may naghahanap sa akin ay huwag niyong papapasukin kahit sabihin pang kakilala nila ako."

Tumango si Ate Maria. Sinimulan na rin niya ayusin ang mga gamit ni Riley na dadalhin sa pagpasok sa school ngayon pati na rin ang baon.

"Riley, mommy will go now. Behave ka lang kay Ate Maria, okay?"

Naka-pout na nag-angat ng tingin si Riley sa akin. "Can you not go to work today, mommy, please?" Nag-puppy eyes pa siya. I felt the urge na gawin na lang ang gusto niya, pero alam ko rin na hindi pwede. Kailangan kong pumasok sa trabaho ngayon. "I want to play with you. Gusto mo pumunta sa park para maglaro kasama ka."

"Baby, mommy has to go to work especially today. Marami akong kailangan tapusin sa opisina. Kung hindi magtatrabaho si mommy, wala tayong pambili ng toys mo."

Isa sa pinakamahirap na parte ng pagiging single mother ay ang gusto mo alagaan ang anak mo at manatili ka sa tabi niya habang lumalaki, pero wala kang choice dahil kailangan mo rin magtrabaho para sa kanya at sa future niya dahil wala kang ibang aasahan kung hindi ang sarili mo lang. Kahit araw-araw pang ipaliwanag ng isang ina sa anak na para sa anak siya nagtatrabaho ay may parte pa rin sa isip ng mga bata na hindi iyon maiintindihan at hindi maiiwasan na hindi magtampo.

Matapos ang ilang minuto na pilitan ay pumayag na rin si Riley na makaalis ako. Pero may kondisyon iyon. Kailangan ko iiwan ang ipad sa kanya.

Hangga't maaari ay ayaw ko palakihin si Riley na sanay sa gadget. Hindi ko naman siya pinagbabawalan, pero dapat ay gamitin lang iyon kapag kailangan.

"Okay, okay," pagsuko ko dahil alam kong hindi talaga ako makakaalis kung hindi ako papayag sa gusto niya. "Pero kailangan mo kumain ng marami. Sige na, aalis na ako. I love you, anak."

Hinalikan ko siya sa noo at lumabas na para sumakay sa kotse ko. Pero hindi ako dumeritso agad sa trabaho. Sa halip ay pumunta ako sa coffee shop na pagmamay-ari ng kaibigan ko. Pakiramdam ko kasi ay kailangan ko ng makakausap dahil mababaliw na ako kapag hindi ko naikwento ang nangyari kahapon.

"Ang aga mo naman atang mambulabog? Hindi ka ba papasok sa trabaho ngayon?" bati ni Janeth sa akin pagpasok ko. Naabutan ko siya na nagpupunas ng counter at sumasayaw pa kasabay ng musika.

"He saw us—He saw my son..." bulalas ko at naupo sa counter. Napahilamos ako ng mukha ko sa sobrang frustration. "Nakita niya si Riley... Nakausap niya..."

Hindi niya naintindihan ang ibig kong sabihin. Ilang minuto pa siya nakatitig sa akin, halatang iniisip kung anong ang sinasabi ko.

"S-Si Garrett... He saw us yesterday."

Nanlaki ang mga mata ni Janeth. Ilang beses niyang ibinuka ang bibig niya para magsalita, pero agad din itinikom.

"Hindi ko alam ang gagawin ko, Janeth. I need to do something. I have to do something."

"Nagkita kayo ni Garrett?!"

"Aksidente niya kaming nakita," pagtatama ko. Bakit naman ako makikipagkita sa lalaking alam ko na ayaw ako makita?

"Anong nangyari? Saan niya kayo nakita? Anong sabi niya?"

Sinimulan ko ikwento ang nangyari kahapon. Kung paano nawala si Riley, kung paano ko siya nakita, at kung paano tingnan ni Garrett si Riley. At higit sa lahat, ay kung paano niya ako tanungin kung anak ba niya si Riley.

"Tingin mo ba may ideya na siya?"

"Hindi ko alam, Janeth." Iling ko at nagbuntong-hininga na naman. "Ayaw ko sabihin na wala, dahil ramdam ko na meron. Pero sana nga ay wala..."

Pero sino ba ang niloko ko? Hindi itatanong ni Garrett kung anak niya si Riley kung hindi siya nagdududa. Sigurado akong pinaiimbestigahan na niya ang anak ko ngayon.

"So anong plano mo? Paano kung talagang malaman niya ang tungkol kay Riley?"

"Hindi ako magdadalawang-isip na umalis ulit," seryoso sagot ko. Nagawa ko na iyon noon at kung iyon lang ang tanging paraan para maiwasan ko si Garrett ay gagawin ko ulit iyon. "Ilalayo ko rito si Riley. Pupunta kami sa lugar na walang nakakakilala sa amin. Kahit saan, basta malayo kay Garrett."

"Sa tingin mo ba kung malaman niya ngang anak niya si Riley ay hindi ka niya ipapahanap? Kahit saan ka pumunta ay malalaman niya kung nasaan ka. You have his son, Yuki. Kung gusto makasama ni Garrett ang anak niya ay wala kang magagawa roon. Kaya bakit hindi mo na lang hayaang makasama niya ang anak mo? Anak niya rin naman si Riley."

"He doesn't love me, Janeth," sabi ko na parang iyon na ang kasagutan sa lahat.

Umiling ako. Kilala ko si Garrett. Araw-araw ko siyang nakakasama sa trabaho noon. Araw-araw kong nararanasan kung gaano siya kalupit sa mga empleyado niya at sa oras na malaman niya ang tungkol kay Riley ay sigurado akong magagalit siya sakin dahil tatlong taon ko itinago ang anak niya.

"Hindi naman ito tungkol sa inyong dalawa," sarkastiko niyang sabi. "It's about Riley. Karapatan niya ang makilala ang daddy niya."

"Hindi mo naiintindihan!"

"Hindi ko talaga maiintindihan dahil hanggang ngayon hindi mo sinasabi sa akin kung ano ba talagang nangyari noon, Yuki!" Ramdam kong frustrated na rin si Janeth sa sitwasyon ko. Kahit naman siguro sino ay talagang maloloka. "Alam mo naman kung gaano siya ka cold-hearted, hindi ba? Sayo mismo nanggaling kung gaano kawalang puso ang lalaking iyon. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit mo hinayaang magkaanak ka sa kanya? He's like a devil in a business suit. Hindi mo naman puwedeng sabihin na aksidenteng na-shoot lang ang sperm niya sayo, pagkatapos ay nabuo na si Riley?"

Tatlong taon na ang lumipas mula ang nangyari noon, pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong pinagsasabihan ng nangyari sa amin ni Garrett ng gabing iyon. Nirespeto ni Janeth ang desisyon ko na manahimik. Kailan man ay hindi niya ako pinilit na sabihin sa kanya. But maybe it was time to let her know kung ano ang nangyari para malaman niya kung bakit ayaw ko malaman ni Garrett ang totoo.

"It... all started with the charity party ng kompanya three years ago..."

A party that I never thought would change my life—Na kahit anong gawin ko ay hindi ko na mababago pa ang lahat ng mga nangyari.

Related chapters

  • I'm Hiding The CEO's Son   Chapter 3

    "Ang dali-dali na nga lang ng mga trabaho niyo, hindi niyo pa rin magawa ng tama?!Napatalon ako sa kinauupuan nang marinig na naman ang sigaw ni Sir Garrett. Kadarating lang ng boss namin ay umalingawngaw na agad ang boses nito sa buong 17th floor. Walang araw ito na hindi nagagalit kapag narito sa kompanya. Akala mo ay pinaglihi sa sama ng loob."Get out! Ayaw ko na makikita kayong pakalat-kalat sa kompanya ko!"Wala pang isang segundo ay nakita ko na ang paglabas na sina Dindo at Rustom, kasundo si Bianca mula sa opisina ni Sir Garrett. Laglag ang mga balikat nilang lahat. Agad naman na dumeritso sa elevator ang dalawang lalaki, samantalang si Bianca naman ay bakas ang galit sa kanyang mukha habang inililigpit ang mga nasa lamesa niya."Wala man lang konsidirasyon si Mr. Kingston," ngitngit niya habang nagdadabog. "Hindi ko alam kung paano mo nakakaya ang matagalan ang ugali niya, Yuki."Hindi ko sinagot so Bianca at akward lang siyang nginitian. Mag-iisang taon na rin kasi ako bil

    Last Updated : 2024-07-27
  • I'm Hiding The CEO's Son   Chapter 4

    "Ang sabi niya ay walang dapat makaalam na may nangyari sa amin dahil mali iyon..."Walang humpay sa pag-agos ang mga luha ko habang isinasalaysay ang nangyari ng gabing iyon, tatlong taon ang lumipas. Tatlong taon na ang lumipas pero sariwang-sariwa pa rin sa isipan ko ang nangyari. Kahit anong pilit ang gawin kong paglimot ay patuloy pa rin iyon bumabalik."Kaya nang malaman mo na nabuntis ka niya ay bigla ka na lang nawala na parang isang bula?" mahinang tanong ni Janeth habang hinahagod ang likuran ko at pinapatahan ako sa pag-iyak."Kung ang nangyari nga sa aming dalawa ay hindi niya matanggap, paano pa kaya kung malaman niya na nagbunga iyon? Tingin mo ba ay aakuin niya si Riley? Baka kung sinabi ko sa kanya noon na buntis ako ay ipinagtabuyan na niya lang ako."Umalis ako hindi dahil kay Garrett. Umalis ako dahil iyon ang tingin ko na makabubuti sa anak ko."I'm sorry, Yuki. Hindi ko alam." Niyakap ako ni Janeth. "Sana ay sinabi mo sa akin. Sana ay nadamayan lang man kita noong

    Last Updated : 2024-07-27
  • I'm Hiding The CEO's Son   Chapter 1

    "Mommy, look! She's cute!"Binalingan ko ang laruan na itinuturo ni Riley. Mahina akong natawa nang makita kong ano iyon—Isang life size na barbie doll, halos kasing laki na niya iyon."Anak, boy ka," sabi ko sa kanya. "Hindi bagay sayo ang mga laruan na ganyan.""Why?" inosenteng tanong niya at ngumuso pa sa akin.Napakamot naman ako sa ulo ko. Hindi ko alam kung paano sisimulan ipaliwanag na ang mga laruan na pang babae ay nararapat sa babae lang, at ganon din ang para sa mga lalaki."Iba na lang." Hinila ko siya papunta sa mga robot at itinuro ang pinakamalaki roon. "Ayaw mo ba nito? Hindi mo ba gusto?"Humagikhik naman si Riley at nagtatalon. "I want, mommy. Can I have it?""Of course, anak."Kinuha ko na ang laruan para bayaran sa counter. Lumabas na rin kami kaagad ng store para maghanap ng kakainan."I'm so happy today!""And why is my baby happy?"Tumigil siya sa paglalakad at itinaas ang dalawang kamay. Tumawa ako at binuhat siya."Because you're always busy with your work...

    Last Updated : 2024-07-27

Latest chapter

  • I'm Hiding The CEO's Son   Chapter 2

    Malakas akong nagbuntong-hininga, bago sinuklay ang buhok ni Riley habang pinapakain siya ng babysitter niya. Kahit saang anggulo ko tingnan ay hindi ko maikakaila kung sino ang ama niya."Ate Maria, iuwi mo agad si Riley pagkatapos ng klase niya. And please, huwag na huwag po kayong kakausap ng kung sino-sino. Huwag mo hayaan na may lumapit na hindi niyo kakilala.""May problema ba, ma'am?"Napahinto ako sa tanong ni Ate Maria. Nahalata niya siguro na hindi ako mapakali, which was very unusual for me. Kalmado lang ako sa lahat ng bagay, maliban pagdating kay Riley. Gusto ko pagdating sa anak ko ay perfect ang lahat. Parati man ako busy sa trabaho, pero hindi ako umaalis ng bahay na hindi natitiyak na maayos ko siyang maiiwan sa babysitter niya. Ayaw ko maramdaman ng anak ko na may kulang."Wala naman. Just do what I've said." Alam kong tunog praning na ako, pero ginagawa ko lang naman ito para sa anak ko. "Umuwi agad kayo pagkatapos ng klase niya. Kapag may tumawag dito, o kaya naman

  • I'm Hiding The CEO's Son   Chapter 1

    "Mommy, look! She's cute!"Binalingan ko ang laruan na itinuturo ni Riley. Mahina akong natawa nang makita kong ano iyon—Isang life size na barbie doll, halos kasing laki na niya iyon."Anak, boy ka," sabi ko sa kanya. "Hindi bagay sayo ang mga laruan na ganyan.""Why?" inosenteng tanong niya at ngumuso pa sa akin.Napakamot naman ako sa ulo ko. Hindi ko alam kung paano sisimulan ipaliwanag na ang mga laruan na pang babae ay nararapat sa babae lang, at ganon din ang para sa mga lalaki."Iba na lang." Hinila ko siya papunta sa mga robot at itinuro ang pinakamalaki roon. "Ayaw mo ba nito? Hindi mo ba gusto?"Humagikhik naman si Riley at nagtatalon. "I want, mommy. Can I have it?""Of course, anak."Kinuha ko na ang laruan para bayaran sa counter. Lumabas na rin kami kaagad ng store para maghanap ng kakainan."I'm so happy today!""And why is my baby happy?"Tumigil siya sa paglalakad at itinaas ang dalawang kamay. Tumawa ako at binuhat siya."Because you're always busy with your work...

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status