Malakas akong nagbuntong-hininga, bago sinuklay ang buhok ni Riley habang pinapakain siya ng babysitter niya. Kahit saang anggulo ko tingnan ay hindi ko maikakaila kung sino ang ama niya."Ate Maria, iuwi mo agad si Riley pagkatapos ng klase niya. And please, huwag na huwag po kayong kakausap ng kung sino-sino. Huwag mo hayaan na may lumapit na hindi niyo kakilala.""May problema ba, ma'am?"Napahinto ako sa tanong ni Ate Maria. Nahalata niya siguro na hindi ako mapakali, which was very unusual for me. Kalmado lang ako sa lahat ng bagay, maliban pagdating kay Riley. Gusto ko pagdating sa anak ko ay perfect ang lahat. Parati man ako busy sa trabaho, pero hindi ako umaalis ng bahay na hindi natitiyak na maayos ko siyang maiiwan sa babysitter niya. Ayaw ko maramdaman ng anak ko na may kulang."Wala naman. Just do what I've said." Alam kong tunog praning na ako, pero ginagawa ko lang naman ito para sa anak ko. "Umuwi agad kayo pagkatapos ng klase niya. Kapag may tumawag dito, o kaya naman
ปรับปรุงล่าสุด : 2024-07-27 อ่านเพิ่มเติม