Chapter oneJAMIESobrang dami ng tao ngayon sa eatery ko, naakatuwang pagmasdan pero nakakapagod, sulit ang pagod tuwing ganito karami ang pumupunta, long weekend kasi kaya napakaraming dumadaan na turista, may malapit na magandang pasyalan dito sa amin kaya napakamabenta ng kainan ko ngayon lalo tanghalian na.“Ate Jam malapit na maluto ‘yon sinaing, siguradong marami pang kakain mamaya.”“Magdagdag pa kayo pagkaluto n’on.” “Opo.”May tatlo akong kasama dito sa kainan ko, hindi ko rin naman kakayanin kung mag isa ko lang, ako kase yung nandito sa kaha kaya palagi akong abala lalo at kailangan kong maging alerto sa mga taong mapansamantala.Ang hirap masalisihan baka may hindi magbayad, may mga ganung klaseng tao kase ‘yon bang eat and run na tinatawag, nakakalimutan na magbayad, sa sobrang sarap ng luto ko akala nila nasa bahay lang sila tapos aalis na agad pagkatpos kumain.Marami na akong naencounter na ganiyan simula ng nagpatayo ako ng kainan, wala naman kase akong maapplyan na
Last Updated : 2023-11-29 Read more