Chapter thirty fiveJAMIEWalang nakaalam na umiyak ako, walang nakaalam na muntikan na akong madulas at muntikan na din makunan kung sakaling mangyari man iyon.Mabuti na lang kalmado na ako, nawala na yung bigat sa pakiramdam ko, naiiyak ko na lahat, nakisama ako sa kanila ngayon dahil madilim na takot naman ako mag isa sa may gilid dahil madilim na din.Nagsalo salo kami, kaniya kaniyang table na rin dahil gutom na, matagal kase yung mag ihaw kaya hindi umabot sa oras ng dinner.Ako nga nawalan ng gana dahil nakikita ko ngayon si Grace, ang saya saya niya at sumasabay sa musika habang kumakain kami.Ang saya naman nilang lahat, ako lang ang hindi, nagpapanggap lang ako na okay dahil kailangan, ayaw ko manira ng masayang araw lalo ngayon lang nagbakasyon ang mga kasambahay ni Lance.Kaniya kaniyang kain at inuman sila, itong si Grace hindi nawawala sa tabi ni Lance.“Good evening maam and sir!” may boses ng lalake ang may hawak ng mikropono, nagtaka ako kung anog meron. “Akon ga pal
Read more