Chapter thirty six
JAMIE
Kahit papaano nakapasyal ako, kahit sobrang stress ko, kahit sobrang inis ko dahil may kasama akong kontrabida.
Kung alam lang nila kung gaano ako kaemosyonal kahapon, ang lala talaga kapag buntis mararamdaman lahat ng pagkasensitive.
Pero bago ang lahat naalala ko, mas lalong hindi umokay ang relasyon nila Lance at Grace bago kami umalis dahil narinig ko pa ang awayan nila dahil sa akin.
Hindi ko na alam kung okay na ba sila ngayon dahil magkaiba naman kami ng sinasakyan, hindi rin naman napansin iyon ng mga kasama namin dahil ang iba sa kanila ay may hang over.
Hindi pa ako lumalabas ng kwrto dahil medyo madilim pa, alasingko palang ng umaga at paakyat palang ang araw.
Kaso nakakaboring humiga, at sasakit lang ang ulo ko kung ipipilit kong matulog pa.
Paglabas ko gising na si Lance at nasa kitchen siya, hindi tuloy ako makabalik sa kwarto dahil narinig niya ang yabag ko, mabagal din ako maglakad lalo
Chapter thirty sevenJAMIEBigla akong nakaramdam ng pagkaboring kase naman ilang araw na akong nasa bahay lang, same routine at same face ang nakikita lalo na pagdating kay Grace na hindi pa rin tumitigil na mang utos sa akin palagi.Oo inuutusan niya ako at sumusunod na lang din ako para walang away, kase naman gusto niya akong paalisin dito kaso hindi naman sinasabi iyon ni Lance sa akin.Alangan maglayas ako para sa kaniya?Iniisip ko rin naman ang kalagayan ko.Habang nakaupo ako dito sa may kama amy nagvibrate sa phone ko, may tumatawag, ang akala ko si Lance kaso si Arthur pala.“Hello?”“Nasa labas ako ng gate niyo.” Nabigla ako sa sinabi niya at nataranta.Teka? Bakit naman ako matataranta? Para naman akong batang mahuhuli na may nobya, relx Jamie wala kang dapat na ikataranta.Imbis na tumakbo ako nagdahan dahan na lang ako sa paglalakad papunta sa gate. “Bakit nandito ka? L
Chapter thirty eight JAMIE Ang aga aga sumasama ang pakiramdam ko, kumikirot ng tiyan ko kaya hindi ako makatulog muli, hindi ko naman matawag si Lance dahil nasa kwarto siya at kasama niya si Grace. Nahihiya ako sa kaniya mang istorbo. Pero gusto ko siyang gisingin, gusto ko siyang tawagan. Kinakalma ko ang sarili ko dahil nagbabakasakali ako na hindi na sumakit ang tiyan ko, ano kaya ito? bakit sumasakit? Umupo ako sa gilid ng kama, nakikiramdam sa katawan ko. Iba talaga pakiramdam ko gusto ko na magpatingin sa ospital, kailangan ko makausap si Lance, hindi ko siya matawagan baka nakaoff phone niya or lowbat kaya nagdahan dahan akong pumunta sa kwarto niya. Kumakatok ako kaso walang sumasagot. Para akong may lagnat tapos ang bigat ng pakiramdam ko, kumbaga parang trangkaso. Nilalakasan ko na lang ang loob ko para naman makapaglakad ako papunta sa kwarto. Mabuti na lang nakita ako ng isa sa mga katulong ni Lance kaya lumapit siya sa akin. “Anong nangyari maam?” “Masama pakir
Chapter thirty nineJAMIEPangatlong araw ko na sa ospital at mukhang aalis na ako at madidischarge yun ang rinig ko na sinabi ng doktor kay Lance.Ag ex husband ko hindi pa siya umuuwi simula ng dumating siya dito, hinahatidan lang siya ng damit, ang inaalala ko ay ang iniisip ni Grace baka nababaliw na kakaisip sa amin, pero katangahan na lang ang mag isip ng kung ano ano habang nasa ospital kami.Baka tanga siya? Hays, naiinip na ako dito sa ospital, gusto ko na lumabas, gusto ko na maglakad lakad, hindi ako gaanong naglalakad dito kase may sakit ako, hindi na ako gaanog mainit kahapon at kagabi.Iba talaga ang ambiance dito sa ospital.“Makakalabas ka na maya maya.”“Salama naman.”“Pinalinis ko na rin ang kwarto mo dinisinfect mask isa ibang lugar sa bahay, bibili muna ako ng gamot na nireseta sayo.” Sabi ni Lance, aakmang aalis na sana siya ay bumukas ang pinto at pumasok si Arthur.May dala dala siyang prutas at bulaklak.“Magandang umaga, para sayo Jamie.” Sabi niya sa akin at
Chapter fortyLANCENagulat ako ng kausapin ako ni Grace tungkol kay Jamie, tinatanong niya ako kung anon a estado ng annulment namin ni Jamie.Hindi ko rin siya masagot ng derekta kase on process pa, may mga kailangan pa kaming puntahan ni Jamie kaso hindi namin nagagawa dahil sa pagbubuntis niya, baka mapagod kase sa byahe.Sinabi ko na lang na malapit na, sabik ang pumalit sa kaniyang mukha at bigla siyang sumigla na may kasamang lambing.Naiintindihan ko naman siya dahil gusto niya rin ng seguridad sa relasyon namin, kaso nagsinungling ako na malapit na ang annulment namin.Hindi ko rin maintindihan sa sarili ko kung bakit hindi ko pa inuuna iyon, naayos na namin ang first step kaso nga lang hindi pa kami pumupunta sa dapat naming puntahan, inuutusan kami ng attorney na pumunta sa isang lugar kaso hindi pa namin nagagawa.Nabigla na lang ako ng handaan ni Grace si Jamie ng makakain. “Mas healthy ito sa mga buntis nabasa ko noon sa isang vlog.”“Idagdag ko na lang yan dito sa nilu
Chapter forty oneJAMIEKagaya nga ng pinangako ko sa aking sarili, hindi na ako muling magtitiwala pa, natatakot ako na baka sa huli ako din ang kawawa.Natatakot ako na baka sa huli ay si Grace ang panigan ni Lance, siya ang mahal niya at hindi ako.Alam kong nagbago ang ugali ni Grace dahil gusto niyang makuha ang anak ko, may kailangan kase siya sa akin kaya maganda ang trato niya.Natatakot ako na baka sa isang iglap lang ay ilayo nila ang aking anak sa akin, masyado akong nagooverthink pero may posibilidad.Sa sinabi palang ni Grace noon ay hindi na ako makampante.Nagtaka ata si Lance na bigla akong umiwas sa kaniya, alam kong ramdam niya ang paglayo ng loob ko, nadidismaya kase ako sa mga naririnig ko, hindi ko siya makomprobta kung alam niya ang gustong mangyari ni Grace dahil baka ilihim lang niya ang totoong balak nila sa akin.Napahawak tuloy ako sa tiyan ko, natatakot ako na baka mawala ang anak ko sa akin, iba ang makapangyarihan sap era kaya nilang gawin ang lahat, sama
Chapter forty twoJAMIEParang ayaw ko na magpakita kay Lance, parang hinuhuli niya ako kung mahal ko pa siya o hindi, nakakahiya kase nagkasundo kami noon tungkol diyan, hindi involve yung tungkol sa amin kapag tumira ako dito sa bahay niya.Kaso kahit ilang ulit kong sabihin na hindi na, yung katawan ko at itsura ko dun palang halata na nagsisinungaling ako.Mahirap pigilan ang nararamdaman ng puso, kahit gustuhin ko man na itanggi ay hindi ko iyon magawa lalo na at yung mukha ko nagblublush kapag inaasar ni Lance.Kung para sa kaniya asar lang iyon pero sa akin malaki ang impact kase naman hindi ko naman mapigilan ang nararamdama ko sa kaniya kahit na matagal na kaming hiwalay.Hindi ko alam kung inggit bai to o kulang lang ako sa aruga, ang tagal ng walang nag aalaga at nagmamahal sa akin, yung totoo talaga na pagmamahal, iba yung pagmamahal ng mga kaibigan at kakilala lalo ng mga kamag anak sa lalake na nagmamahal sayo.Ngayon ko lang kase ulit naramdaman na may nag aalagang lala
Chapter forty threeJAMIENgayong araw na ito ay papunta kami ni Lance sa abogado na nag aayos ng annulment namin, sa opisina daw niya kami imemeet.Kasama ako ngayon ni Lance papunta sa kompanya, may iba naman siyang dinadaanan hind isa harap, syempre siya may ari nito kaya kailangan hindi crouded at maayos ang lalakaran niya, para tuloy siyang prinsipe.Siguro kaya niya ako dinaan dito dahil na rin sa privacy namin, malapit na kami sa opisina niya nang may sumalubong sa amin na babae.Namumukhaan ko ito ah, siya yung babae na pumunta sa bahay ni Lance, siya si Alexa.“Oh, why did you bring your maid?” tanong ng babae kay Lance.“I Have to go, after lunch tayo magkita.”“O-okay.” Dinaanan lang siya ni Lance, sumunod na lang ako sa kaniya at hindi ko tinitignan si Alexa dahil grabe ang titig niya sa akin mula ulo hanggang paa.Hindi man kami makasing pustura ay mas desente naman ako manumit, hanggang dito napakaiksi ng palda at kung pwede lang yung butones niya tanggalin niya lahat na
Chapter forty fourJAMIESana hindi na kami bumalik doon sa opisina niya, naiilang talaga ako lalo na doon sa Alexa, gusto maghanap ng kakampi dito sa bahay nila Lance para madali siyang makapasok o kaya may mata siya pagdating kay Lance alam ko ang style na ganun.Napag usapan namin ni Lance na pumunta ngayon sa dati naming eskwelahan malapit sa dati naming tinitirahan, hindi ko alam kung alam ni Grace kung saan kami pupunta dahil nandito siya ngayon sa bahay.Alangan naman isama namin siya, sa totoo lang parng tinitherapy kami tungkol sa marriage namin, gusto nilang bumalik yung dati naming nararamdaman para sa isat isa, kung ako ang tatanungin meron pa naman akong feelings para kay Lance yun nga lang hindi pwede, kahit legal kami, babae rin ako at kahit sabihin natin na ako ang legal, may masasaktan na babae din kapag pinaglaban ko ang karapatan ko unless kung si Lance na mismo ang lumaban para sa relasyon namin.Kaso malabo yun.Minsan kase nang aasar lang siya minsan naman paasa
EpilogueJAMIEHindi na takot ang nararamdaman ko ngayon kung hindi kaba, anong pinaplano ni Lance at gusto niya akong ilayo muna?Bakit? ano naman kaya ang gagawin niya? yan ang nasa isip ko kanina pa, ang dami kong katanungan pero hindi niya masagot ng maayos, basta basta na lang siya nagplaplano pero may tiwala naman ako sa kaniya, hindi naman niya ako ipapahamak.Nasa ospital kami ngayon at nagtatago, tinago kami dito ni Lance at pinakiusapan ang doktor, ibubuko niya daw si Grace yun ang sabi niya sa akin kanina.Kinakabahan ako dahil baka kung anong mangyari sa kaniya, nababaliw pa man din ang babaeng iyon.“Tara na, okay na yung sasakyan ko dadalhin nakita sa dati mong tinitirahan.”“Sige.” Sabi ko kay Arthur.Binilin siya ni Lance na dalhin ako doon, nagpaalam na din kami sa doktor ko dahil dito kami nagtago sa opisina niya, nakakahiya nga eh kaso si Lance na ang nakiusap.Hindi nawawala sa isipan ko si Lance, inaalala ko siya dahil baka gawan siya ng masama ni Grace, hays kinak
Chapter seventy sevenLANCESaktong pagdating ni Grace sinagawa na namin ang plano, lahat ng nasa bahay alam ang mangyayari at may tiwala ako sa kanila na hindi nila sasabihin ito kay Grace.Sinugod namin kunwari si Jamie sa ospital, inalalayan naman namin ni Arthursi Jamie papunta sa sasakyan ko.“Deretso tayo sa ospital.” Sabi ko, tatlo lang kami na pupuntang ospital.“Baka sumunod siya?”“Oo susunod talaga yan kaya kailangan natin magmadali.”“Anong plano mo?”“Papalabasin natin na nakunan si Jamie, hindi ka pwedeng makita ni Grace.”“Huh? Paano kung puntahan niya ako?”“Ako na bahala, basta dederetso tayo ngayon sa ospital at pagdating ni Grace dalhin mo si Jamie sa dati niyang tinutuluyan, doon muna siya, babalikan ko siya bukas.” Paliwanag ko.“Paano ka? Anong gagawin mo?” pag aalala ni Jamie sa akin.“Ako na bahala kay Grace, kailanan ko siyang mabisto sa personal upang wala na siyang maidahilan.”“Sige.”Alam kong susunod si Grace sa amin kaya dumiretso muna kami sa ospital, si
Chapter seventy sixLANCEMuntik na akong maniwala sa pagbabago niya.Oo aaminin ko gusto ko pa sana siyang bigyan ng chance dahil nakikita ko yung pagpupursigi niyang tumulong at magbago, pero mali pala, hindi pala lahat ng pinapakita niya ay totoo.May masama pala siyang binabalak kaya siya nagbago, ang akala ko pa naman totoo na at ginagawa niya iyon para sa amin para sa relasyon namin kaso iba ang balak niya.Napakasakit para sa akin ng ipaalam iyon ni Jamie, wala akong ibang pinagdududahan maliban sa kaniya dahil siya lang naman ang may ayaw kay Jamie at sa anak ko dito, ang mga ibang kasama namin sa bahay ay wala namang galit sa mag ina ko.Hindi ko malaman ang gagawin at magiging desisyon ko pero sa ngayon? galit ang nararamdaman ko para sa kaniya, dinamay niya ang baby ko na walang kamalay malay.Hindi ko siya mapapatawad, ang kailangan kong gawin ngayon ay ang mahuli siya sa akto, yung mismong malalaman ko na siya nga ang may dala ng gamot na iyon sa bahay.Iniisip ko kung pa
Chapter seventy fiveJAMIEHindi ko pa sinasabi kay Lance tungkol sa hinala ko, ayaw kong magkagulo agad ng walang malakas na proweba at matinding basehan sa mga binibintang ko.Hinihintay kong umalis si Lance lalo na si Grace, kaso si Lance lang ang umalis at pumunta sa kompanya itong si Grace naman naiwan sa bahay, hindi ako nagpahalata sa kaniya na aalis ako dahil baka sumama sa akin.“Pakisabi kasama ko kaibigan ko kapag hinanap ako ni Grace.”“Opo maam, pero saan po kayo pupunta?”“Ah eh kasama ko kaibigan ko, diyan lang kami sa fast food, ngayon lang kase kami ulit magkikita.”“Ah ganun po ba maam ako na po kukuha ng masasakyan niyo.”“Salamat.”Hindi pa lumalabas ng kwarto si Grace kailangan kong magmadali baka makita niya ako, dala ko ang gamot na nakuha ko sa sahig ng kusina, ipapakita ko ito sa doktor.Grabe ang kaba ko habang palabas ng bahay, kase baka makita ako ni Grace at sumama sa akin, kailangan kong malaman kung anong gamot ba ito kaya pupuntahan ko ang doktor ko upa
Chapter seventy fourJAMIEHindi maganda ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw, hindi ko malaman kung bakit, maski ako nagtataka, sinusunod ko naman mga bilin ng doktor sa akin, naiinom ko naman sa oras ang mga gamot ko na nireseta sa akin.Mga vitamins namin ni baby iyon at maganda sa katawan, nakailang take na nga ako, yung sa pagkain naman namin iisa lang ang kinakain naming lahat, wala namang kakaiba sa pagkain ko, kung ano ang kainin ko yun din naman ang kinakain nila maski prutas.Kaya nagtataka ako bakit ang hina ng katawan ko nitong mga nakaraang linggo, pinipilit ko na lamang minsan magkikilos para hindi nila ako asikasuhin ayaw ko talaga kase magpaasikaso sa kanila dito nahihiya ako.Gusto ko ako yung makatulong sa kanila dahil libre na ako sa lahat dito kaso umiiba pakiramdam ko, nadala na ako noon sa ospital ni Grace tapos nitong nakaraan si Lance naman at ngayon umiiba nanaman pakiramdam ko.Noong hindi ko na kinaya dinala na ako ni Lance sa ospital, kinausap ako ng
Chapter seventy threeGRACEAng aga ko pang nagising para maobserbahan si Jamie, magtatanghalian na hindi pa sumasakit ang tiyan niya, hindi pa siya sinusugod sa ospital.Paano nangyari yun?Kase noong mga araw na nilalagyan ko ng gamot yung ulam namin mga ilang minuto pa lang sumasakit na ang kaniyang tiyan.Baka hindi na sumasakit dahil wala na yung bata sa tiyan niya?Hindi ako mapakali, hindi ko malaman kung anong lagay ni Jamie, hindi sa concern ah kung hindi dahil kailangan nasa ospital na siya ngayon at umiiyak.Kaso patawa tawa pa siya doon sa loob ng kitchen, bakit ganun? Mabisa naman yung gamot na iyon ilang araw ng ana nadadala sa ospital si Jamie tapos ngayong huli ng lagay ko wala ng epekto sa kaniya? Imposible.“Sumakit nanaman tiyan ko, nakaraang linggo ganito nanaman eh.”“Ako naman hindi.”Rinig kong usapan ng mga kasambahay. Ganiyan din ang epekto noong naglagay ako kaso iisa lang ang nagtae ngayon mukhang naimmune na ata ang iba o baka hindi sila kumain ng niluto ko
Chapter seventy twoGRACENapakadali nilang pasakayin, hindi ko alam kung tanga ba sila o ano, hindi ba nila pansin na nagpapanggap lang ako? Hindi naman nila ako tinatanong o sinisita, mas lalo si Lance hindi niya ako tinatanong kung bakit ganito na ang ugali ko, basta ang akala nila dahil sa gamot ko na nireseta ng doktor.Hahaha napakadali nilang utuhin, halata minsan sa kanila ang pagtataka pero ang dali lang pagtakpan, hindi nila namamalayan ang palihim kong balak para sa kanila.Bahala sila magtaka diyan, bahala silang mag isip tungkol sa akin, basta yung plano ko maisagawa ko ayos na iyon.Hindi na nila ako mapagbibintangan.Halos ilang linggo din akong nagpapakatanga sa kanila, nakakasuka nga makisama lalo kay Jamie kung alam lang niya hahaha.Kaso hindi talaga niya mapansin mga ginagawa ko sa kaniya na puro kasinungalingan lamang para maisagawa ang plano ko.Ang totoo niyang balak ko talaga makuha ang loob nila. Lalo na si Jamie na uto uto, or let say magaling din makipagplas
Chapter seventy oneLANCENaninibago ang lahat kay Grace maski naman ako dahil iba ang ikinikilos niya, para sa akin, sana noon pa, kaso ngayon hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko, na parang wala na patutunguhan ang relasyon namin ni Graxe kahit pa magpakabait siya.Alam ko naman kase ang tunay niyang ugali, babalik at babalik siya sa ganung ugali.Hindi ko alam kung epekto ba talaga ng gamot yun o nagpapanggap lang siya, ayaw ko sana na nagpapanggap lang siya o epekto ng gamot ang pinapakita niya dahil parang ang pinapahiwatig nun ay pansamantala lang ang ganung ugali niya.Ayaw ko naman na ganun lalo magkakaanak ako, hindi ko alam kung maganda pa ang ipapakita niyang ugali sa anak ko o hindi, ayaw ko naman ilayo ni Jamie ang anak ko kapag nangyari iyon, ayaw ko magsisi sa huli kaya kailangan kong ayusin lahat ng desisyon ko.Minsan finofocus ko na lang sa trabaho ang sarili ko para mawala sa isip ko ang mga problema dito sa bahay.Pagdating ko sa bahay tulog sila Grace at
Chapter seventyJAMIESa araw araw na lumilipas nagiging okay naman na ang pakikitungo ni Grace sa akin kahit na wala si Lance, hindi na niya ako inuutusan kagaya ng dati, siya pa nga ang nagkukusa sa sarili niya para tulungan ako.Pero iniiwasan ko na siya.Baka kase hindi ako maging aware kapag nadala ako sa pagiging mabait niya sa akin, hindi ko alam kung kailan babalik ang tunay niyang ugali.Mahirap maniwala pero makikisama ako.Kung nginingitian ako, ngingitian ko rin, kung mabait ang pakikitungo sa akin mabait din ang itutungo ko sa kaniya, pero kung pinaplastik niya ako plaplastikan ko din siya.Ayaw ko nga minsan na dalawa lang kami, mabuti nga at nandito ang mga kasambahay nakamasid sa amin palagi, alam naman yan ni Grace.Habang nakatayo ako at naghihiwa bigla akong nakaramdam ng masakit sa tiyan ko, matagal pa naman ang kabuwanan ko pero bakit iba yung sakit?Napahinto ako at nakiramdam, nirerelax ko ang utak ko dahil natataranta ang katawan ko, iba yung sakit ngayon ng ti