Gustong bumawi ni EJ kay Jaria sa kanyang mga nagawa noon ngunit nagmamatigas si Jaria. Isang araw ay susubukin ng tadhana si Jaria na kung saan ay kakailanganin niya ng karamay. Kailangan niyang magpakalayo at magpahilom ng sakit dulot ng kanyang kahapon. Samantala, si Mica ay uusigin siya ng kanyang konsensiya at babaguhin siya ng totoong pagmamahal. Sabik ito sa pagmamahal kaya gagawin niya ang lahat para sa ikakasaya ng kanyang mga minamahal. Ngunit paano niya aamin na mahal niya si EJ kung hindi naman siya ang gusto? Magkaiba ng landas ang tinahak ni Jaria at Mica pero paglalapitin sila ng tadhana na siyang magiging mitsa ng bagong kabanata ng kanilang buhay. Sa pagbabalik ni Jaria, may mababalikan pa kaya siya o tuluyan na siyang tatalikuran ng nakagisnan niyang mundo? Hangang saan ang kayang gawin ni Mica sa ngalan ng pagmamahal? Mas mananaig ba ang poot o wawakasan ito ng panibagong problema ng kanilang buhay? Handa ba niyang kalimutan ang sarili niya para mahalin siya ng iba? Handa ba niyang iwanan at talikuran ang responsibilidad niya para sa hinanahangad niyang pagmamahal?
View MoreMica Rodriguez Santillan POVUmuwi ako sa bahay at hindi ko nadatnan sina lola at mama.Paniguradong nasa sugalan na naman si mama o di kaya ay naglalasing na naman.Napasandal ako sa aking kinauupuan at inaalala ang sinabi sa’kin ni Jaria kanina.‘’Siguro… Kaya ako nasasaktan ngayon dahil sa pagiging masama ko… Ang dami kong kasalanan sayo… Lagi kitang hinuhusgahan sa lahat… Lagi kong iniisip na aagawin mo lahat sa’kin… Lagi kong iniisip na may balak ka sa’min na masama… Pero mali pala ako, sobrang mali…’Parang inuusig ako ng aking konsensiya sa mga nasabi niya sa’kin. Hindi siya ang masama dahil ako iyon.Alam kong mali ang ginagawa ko pero paano ako mamahalin nina lola at mama kung mabibigo ko sila?Nasa punto na ako ng buhay ko kung ipagpapatuloy ko ba ang paghihiganti ko o titigil na ako?Nasaktan na masyado si Jaria sa pagkamatay ng kanyang mommy at ayaw ko ng masaktan siya ulit ngayong nagkakamabutihan na kami.Mabait si daddy sa’kin. Ni hindi ko man lang maramdaman sa kanya
Jaria Santillan POVIsang gabi, habang nakahiga ako sa aking kama, narinig ko si EJ sa may tapat ng aking pintuan. Gusto raw niya akong makausap.‘’Jaria, please can we talk?’’, pakiusap niya ng ilang ulit.Dahil sa inis ko sa kanya ay pinagbuksan ko ito. ‘’What do you need? Can you just please stop? Ayaw ko ng kausap at ayaw kitang makita!’’, pagalit na bulyaw sa kanya kasabay ng pagsara ko sa aking pinto pero napigilan niya ako.‘’We need to talk!’’, mariing sabi niya sa akin at pumasok ito sa kuwarto ko. Hinila niya ako at nilock ang pinto ko. ‘’What is your plan now?’’, seryusong tanong niya sa’kin.‘’I don’t know!’’ inis na bulyaw ko sa kanya. ‘’Can you please stop acting na parang may concern ka?’’ garalgal na boses ko.Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. ‘’Im doing this because I care,’’ sagot niya. ‘’Im doing this because I love you’’, dagdag niya. Napalunok ako bigla sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.‘’Yes! I still love you, Jaria,’’ pag-uul
Jaria Santillan POVSabi nila, ang tunay na kaibigan, nandito sila para damayan ka. Nandito sila para kumustahin ka at iparamdam sayo na laging nandiyan lang sila kapag kailangan mo sila.Nasaan na kaya ang tinuring kong mga kaibigan?Or may kaibigan ba talaga akong tunay?Baka nag-assume lang ako na kaibigan ko sila pero hindi pala?Kailangan ko sila ngayon pero nasaan na ba sila?Nakaupo ako katabi ang kamang hinigaan ni mommy. Dalawang linggo na ang nakakalipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Nakikita ko sa mukha ni mommy na lumalaban ito para mabuhay pa at magising.Si mommy ang pinaka-strong na ina na nakilala ko sa buong buhay ko.Pinaka-strong pero ngayon ay nanghihina at pilit na lumalaban para mabuhay pa. Ang daming mga masasayang ala-ala namin ni mommy at umaasa akong madadagdagan pa iyon pagkagising nito.Madami pa kaming pangarap ni mommy, dahil pagkatapos ko sa kinuha kong kurso na Business Administration ay mag-aaral rin ako ng medisina dahil iyon ang panga
Mica Rodriguez Santillan POVNang natapos kami sa pagkain, nagtungo na kami sa dalampasigan. Saktong makulimlim at kunti lang ang mga tao doon. Sobrang ganda ng dagat, ang sarap ng simoy ng hangin, nakakawala ng problema at parang gusto ko na lang na itapon sa dagat ang mga bigat ng nararamdaman ko para naman maibsan ang sarili ko mula sa lahat-lahat ng dala kong problema.‘’Mamayang 7PM na lang kita ihahatid sa bahay niyo…’’, sabi niya sa’kin habang paupo na kami sa makapal na tela. ‘’…kung okay lang sa’yo’’, nakangiting dagdag niya sa’kin.Bigla ko tuloy naisip sina mama at lola, baka hinahanap na nila ako pero alam ko naman na hahanapin lang nila ako dahil kailangan nila ako. Tumango ulit ako sa kanya bilang pagpayag sa sinabi niya. Tahimik ang paligid, huni ng mga alon lang ang maririnig. Ilang minuto rin ang lumipas nang may humampas sa’min na alon. Nabasa kaunti ang shorts ko gayundin si EJ. Nagkatingin kaming dalawa hanggang sa tinawanan na lang namin ang isa’t-isa. ‘’See…’’
Jaria Santillan POVKahit medyo lasing pa ako at amoy alak, nagpahatid ako sa’ming driver sa hospital. Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit.Pagkarating ko, nagpunta ako agad sa room kung nasaaan si mommy. Nadatnan ko si Tita, si Mica at si daddy.Nakatayo sina Tita at daddy at parang ang layo ng kanilang iniisip. Si Mica naman, nakaupo ito at mukhang malungkot siya sa mga nangyayari. Malalim din ang kanyang iniisip.Umiiyak lang ako na lumapit sa pintuan ng room kung nasaan si mommy ng biglang may sinabi sa’kin si Tita. ‘’Okay na ang mommy mo, pero wala pa rin siyang malay…’’Hindi ako makapagsalita. Tinignan ko lang si Tita sa kanyang mga mata. Nilapitan niya ako at sabay yakap. Niyakap ko rin siya ng mahigpit at walang tigil ang aking paghagulgul.Lumipas ang ilang segundo, may napansin sa’kin si Tita kaya bigla itong kumawala sa pagkayakap sa’kin. ‘’Nakainom ka ba, Jaria?’’, alalang tanong niya sa’kin.Tinignan ko si daddy pero umiwas ito ng tingin sa’min. ‘’Kunti la
Jaria Santillan POVNabangga ang sinasakyan ni mommy ng isang truck habang pauwi na sana siya galing work.‘’Malubha ang lagay ng inyong asawa, sir. Nabagok ang kanyang ulo, dahilan nito para magka-damage ang kanyang utak. Tatagan niyo po sana ang inyong loob’’, sabi ng doctor nang lumabas siya sa operating room kay daddy.Nagpapagaling na rin ang driver ng truck na nakabangga kay mommy, hindi malubha ang lagay nito at maari na siyang ipasok sa kulungan sa susunod na araw.Sabi ng mga pulis, wrong way raw ang lalaking driver na nakabangga kay mommy at lasing ito kaya dapat lang na panagutan niya ang nangyari kay mommy.Si tita Haide ang kasama ko sa pagbabantay kay mommy. Hindi ko na lang namalayan ay nakatulog na pala ako.Wala pang isang oras ay nagising ako. Akala ko sa paggising ko, okay na si mommy, akala ko magiging maayos na si mommy pero akala ko lang pala. Unti-unting pumapatak ulit ang mga luha ko sabay yakap kay Tita. ‘’Mahal na mahal ko po si mommy… mahal na mahal ko po s
Mica Rodriguez Santillan POVKinuha ko rin ang libro ko at sinundan si Jaria. Lagi na lang niya kasi akong iniiwasan. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya, gusto ko lang naman maging kaibigan siya.‘’Jaria….’’, tawag ko sa kanya habang hinahabol ko siya sa paglalakad. Tumigil siya sa paglalakad ng tinawag ko ulit siya at tinignan niya ako na parang naiinis.‘’What…?’’Hindi ako agad nakasagot sa kanya. Hindi ko alam ang isasagot ko at parang natakot ako sa kanya dahil parang wala siya sa mood na makipag-usap.‘’Pwedi bang lubayan mo ako? Pwedi bang gumawa ka ng boundaries between us kahit dito man lang sa Academy? And please, huwag mo akong kakausapin…!’’, sabi niya at pagkatapos ay nagpatuloy na siya sa paglalakad. Wala rin naman akong isasagot sa kanya at kung mayroon man, hindi iyon matinong sagot at ayaw kong pati siya ay madamay sa paghihiganti ko. Naiintindihan ko siya kung bakit ayaw niya sa’kin, ako rin naman kasi ang unang nanggulo sa kanilang pamilya at hanggang n
Jaria Santillan POV ‘’Daddy, nakalimutan ko pala ang ID ko sa library. Magtaxi na lang po ako’’, sabi ko kay dad nang sunduin niya ako sa Academy kasama si Mica. Hindi ako nagpunta sa library dahil hindi naman totoong naiwan doon ang ID ko. Mabuti na lang dahil nakasalubong ko si Avon. Pauwi na siya pero niyaya ko siyang mamasyal muna sa mall. Madali lang naman siya mapapayag lalo na kapag ililibre ko siya. Sa Great Day’s Restaurant muna kami pumunta ni Avon dahil nagugutom na kami. Habang papasok na kami sa restaurant na ‘yon ay bigla akong hinila ni Avon. ‘’Yung daddy mo at si Mica…’’, bulong niya sa’kin habang hinihila pa rin niya ako. Nakita ko nga sina daddy at Mica. Ang saya nilang kumakain sa favorite restaurant namin ng family ko. Ang saya ni daddy at ngayon ko lang siya nakita na ganito, hindi siya ganoon kasaya noong kami ni mommy ang kasama niya doon na kumakain. ‘’Jaria, actually, hindi pa naman ako gutom eh. Tara, bili muna tayo ng shoulder bag natin’’, yaya niya
Mica Rodriguez Santillan POV Sinundo ako ng ama ko para doon mananghalian sa kanilang bahay. Ito ang unang araw na doon ako manananghalian. Ang daming pagkain, parang fiesta. Wala naman silang mga bisita pero ang daming nakahandang pagkain. ‘’Pwedi siyang um-extra every weekends sa company natin para kahit papaano ay makatulong pa rin siya sa mama at lola niya’’, suhestiyon ng ama ko nang tanungin nila ako kung saan ako magtatrabaho. ‘’At Saint Willford Academy siya mag-aaral, Mondays to Fridays’’, dagdag ni dad. ‘’What…?’’, gulat na tanong ni Jaria. ‘’I don’t believe with this! Doon ako mag-aaral at ayaw ko siyang makasama doon… Nakakahiya…’’ ‘’No…!’’ mariing sabi ng ama ko. ‘’Doon siya mag-aaral at enrolled na siya doon,’’ pagtatanggol niya sa’kin. Natahimik ulit ang bahay at nagpatuloy kami sa pagkain. Alam kong inis na inis na sa’kin ang mag-ina. Nakakatuwang makita ang kanilang reaksiyon. Pagkatapos namin mag-lunch ay nagpunta kami sa may swimming pool kasama ang asawa at
Mica Rodriguez POV Padilim na ang paligid kaya dali-dali akong naglakad pauwi para makarating agad sa bahay at para ‘di ako maabutan ng ulan. Paniguradong papagalitan ako nina lola kapag hindi nila ako madatnan sa bahay. Mas binilisan ko pa ang paglalakad hanggang sa may naramdaman akong parang may sumusunod sa’kin. ‘’Miss, sa’yo ba ito?’’ Inisip ko kung may naiwan ba ako, kung may nahulog ba akong gamit pero wala naman? Hindi ko nilingon kung sino man ang tumawag sa’kin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at mas binilisan ko pa ito. Nang makalayo na ako ay bigla na lamang akong napatigil sa paglalakad nang ma-realize ko ang resume at mga 2x2 picture ko. Hindi ko na pala ito bitbit. Bumalik ako para hanapin ang mga gamit ko pero hindi ko alam kung saan ko ito naiwan. Naalala ko bigla ‘yong nagtanong sa’kin kanina pero hindi ko man lang siya nilingon. Habang naglalakad ako, sakto namang may nakita akong isang lalaki na nakatalikod at may hawak na folder sa may bahay-kubo. May...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments